143
1

Final Resourcebook Grade3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

hekasi 3

Citation preview

1

2

Sangguniang Aklat Para Sa

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang

na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko

at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng

edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Araling Panlipunan

3

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: [email protected]

Agnes G. Rolle, Walter F. Galarosa

Sangguniang Aklat Para Sa Araling Panlipunan Rehiyon IV-CALABARZON Unang Edisyon, 2014

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D.

Mga Bumuo ng Sangguniang Aklat

Focal Person (AP): Tagapangasiwa:

Manunulat:

Mga Nag-ambag:

Tagasuri:

Tagapagtala:

Tagaguhit:

Taga-anyo:

Janeth A. Abanador

Lourdes Z. Hinampas

Jose Paolo R. Dapula, Eric De Guia

Thea Joy G. Manalo

Walter F. Galarosa, Jose Paolo R. Dapula, Jinky D. Precioso, Alona A. Encinares, Leah Guillang, Godfrey D. Rutaquio, John Darryl B. Arit, Jasmine V. Laguador, Thea Joy G. Manalo

Alona A. Encinares, Jinky D. Precioso, Jose Paolo R. Dapula Angel Ellaine C. dela Rosa, Jeffrey V. Cambronero

4

PARA SA MGA GURO, Layunin ng Araling Panlipunan na makapaglinang ng mga kabataan sa Ikatlong

Baitang na may kakayahang makapagpamalas ng malawak na pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan

at rehiyon ng bansa batay sa (a) katangiang pisikal (b) kultura; (c) kabuhayan; at

(d) pulitikal, gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,

interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal. Binubuo rin sa kaisipan ng mga

mag-aaral ang malalim na pag-unawa sa sariling lalawigan at karatig na lalawigan

higit ang kinabibilangang rehiyon upang ito ay mailarawan ng may pagmamalaki.

Ang magiging pokus ng mga aralin ay ang sariling lalawigan at rehiyon. Maaring

hindi sapat ang mga pagtatalakay ng mga konseptong pangrehiyon sa Kagamitan

ng Mag-aaral na inihanda ng mga manunulat sa pambansang antas. Kung kaya’t

kinakailangan ang kaakibat na sanggunian upang mas mapapalalim pa ang mga

aralin at maiangkop sa mga mag-aaral.

Ang Sangguniang Aklat Para sa Araling Panlipunan na ito ay ginawa upang

matulungan ang guro sa pagtuturo ng asignatura. Nakapaloob dito ang talaan ng

mga sanggunian, at mga karagdagang impormasyon tungkol sa rehiyon kasama

ang mga lalawigan nito na sumusuporta sa mga pagtalakay at mga gawain sa

Kagamitan ng Mag-aaral at Gabay ng Guro ( LMs and TGs). Mas mainam na

gamitin ang mga impormasyon sa aklat na ito pagkatapos talakayin ang mga aralin

sa Kagamitan ng Mag-aaral Ang mga bahagi ng sangguniang aklat ay ang mga

sumusunod:

Tuklasin Mo– naglalahad ng paksang aralin sa pamamagitan ng kuwento,

usapan, talata, mga larawan, tula, at awit tungkol sa sariling rehiyon at mga

lalawigan na kasapi nito

Gawin Mo-sinusubok ang pagkaunawa sa paksang aralin na tungkol sa

sariling rehiyon at mga lalawigan na kasapi nito

Paalala: May mga pagkakataon na limitado o hindi sapat ang mga impormasyong

makikita sa aklat na ito. Mayroon ding mga impormaryong nauulit na hango sa

ibang aralin batay sa paksa. Inaasahan ang iyong pakikipagtulungan upang

maisalin sa mga mag-aaral ang wasto at sapat na kaalaman sa bawat paksa.

Hinihiling din ang maayos na pagsasagawa ng bawat Gawain upang malinang ang

mga kasanayan na nakapaloob dito.

Matagumpay na pag-aaral at pagtuturo ang hangad namin para sa inyo.

MGA MANUNULAT

5

Mga Nilalaman

Yunit 1 : Ang Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon

Aralin 1: Mga Simbolo sa Mapa …..................

Aralin 2: Kinalalagayan ng mga Lalawigan

Sa Rehiyon Batay sa Direksyon at

Distansiya ……………………………...

Aralin 3: Relatibong Lokasyon ng mga

Lalawigan sa Rehiyon ……………....

Aralin 4: Katangian ng mga Lalawigan sa

Rehiyon …………………………….......

Aralin 5: Populasyon sa Aking

Pamayanan …………………………...

Aralin 6: Populasyon sa Aking Rehiyon ……...

Aralin 7: Katangiang Pisikal na Nagpapa-

Kilala ng Iba’t-ibang Lalawigan

Sa Rehiyon ………………………….....

Aralin 8: Mga Anyong Tubig at Anyong

Lupa sa Aming Rehiyon ………….....

Aralin 9: Pagkakaugnay-ugnay ng mga

Anyong Tubig at Anyong Lupa

Sa Aking Lalawigan at Rehiyon …...

Aralin 10: Paggawa ng Mapa na

Magpapakita ng mahalagang

Anyong Lupa at Anyong Tubig

Sa sariling Lalawigan …………….....

Aralin 11.1: Mga Lugar na Sensitibo sa

Panganib Batay sa Lokasyon at

Topograpiya …………………………

6

Aralin 11.2: Maagap at Wastong Pagtugon

Sa mga panganib na madalas

Maranasan ng Sariling

Rehiyon …………………………...…..

Aralin 12: Mga Pangunahing Likas na Yaman

Ng mga Lalawigan sa

Rehiyon ………………………………..

Aralin 13.1: Matalino at di-matalinong

Pangangasiwa ng Likas na

Yaman sa Sariling Lalawigan at

Rehiyon ………………………...……..

Aralin 14: Ang Kapaligiran ng Aking

Lalawigan sa Rehiyon…………...….

Yunit 2: Ang Mga kwento ng mga Lalawigan sa

sariling Rehiyon

Aralin 1.1: Pinagmulan ng mga Lalawigan

Sa kinabibilangang Rehiyon ……..

Aralin 1.1.1: Pinagmulan ng Lalawigan Ayon

Sa Batas ………………………………

Aralin 1.1.2: Mga Pagbabago sa Aking

Lalawigan at mga karatig na

Lalawigan sa Rehiyon …………..…

Aralin 1.2: Timeline ng Makasaysayang

Pangyayari sa Aking

Rehiyon ………………………….……

Aralin 1.3: Paraan ng Pakikipagtulungan

Ng mga Lalawigan sa

Kinabibilangang Rehiyon ……..…

7

Aralin 2: Mga Pagbabago at Pagpapa-

Tuloy ng Aking Lalawigan at

Kinabibilangang Rehiyon …….….

Aralin 3: Mga Kuwento ng Kasaysayan at

Mga Makasaysayang Pook sa

Aking Lalawigan at Rehiyon …….

Aralin 4: Mga Natatanging Simbolo at

Sagisag ng Aking Lalawigan ……

Aralin 5: Ilang Simbolo at Sagisag na

Nagpapakilala sa Iba’t-ibang

Lalawigan sa Rehiyon ……………

Aralin 6.1: Kahulugan ng Opisyal na

Himbo ng Kinabibilangang

Lalawigan ………..…………….…..

Aralin 6.2: Iba Pang Sining na Nagpapa-

Kilala ng Sariling Lalawigan at

Rehiyon ……………………….…….

Aralin 7.1: Mga Bayani ng Sariling

Lalawigan at Rehiyon …………...

Aralin 7.2: Pagpapahalaga sa mga

Bayani ng lalawigan at

Rehiyon ……………………………..

Aralin 7.3: Paglikha ng Anumang Sining

Tungkol sa Bayani ng

Lalawigan o Rehiyon na nais

Tularan ……………………….…......

Aralin 8: Ako at Ang Kuwento ng mga

Lalawigan ………………………….

8

Yunit 3 : Ang Pagkakakilanlang Kultural Ng

Kinabibilangang Rehiyon

Aralin 1: Ano ang Kultura? …………………….

Aralin 2: Impluwensya ng Klima at

Lokasyon sa pagbuo at Pag-

Hubog ng Pamumuhay sa isang

Lugar ……………………………….….

Arallin 3.1: Ang Kultura ng Aming

Lalawigan ……………………...….…

Aralin 3.2: Mga Pangkat ng mga Tao sa

Rehiyon ng Kinabibilangan Ko …..

Aralin 3.3 Ang Mga Wika at Diyalekto sa

Aming Lalawigan at Rehiyon …….

Aralin 4: Nakikilala ang Kultura ng Aking

Rehiyon sa Aming Makasaysayang

Lugar ………………………………….

Aralin 5: Kultura Ko, Kultura Mo

Magkaiba, Magkapareho………..

Aralin 6: Nakikilala kami sa Aming

Kultura ………………………………..

Aralin 7: Mga Pangkat ng Tao sa

Lalawigan at Rehiyon, Igagalang

Ko ………………….………………….

Aralin 8: Sining Mo, Pahalagahan Mo

Mga Sining ng Lalawigan …….….

Aralin 9: Mga kaugalian, paniniwala at

Tradisyon ng Iba-ibang Lalawigan

Sa Rehiyon ……………………….….

Aralin 10: Mga Katawagan sa Iba-ibang

Layon ng Aming Rehiyon ……….

9

Aralin 11: Ang Mapang Kultural ng

Aking Rehiyon ……………….…….

Yunit 4: Ekonomiya at Pamamahala

Aralin 1: Kapaligiran at Ikinabubuhay sa

Mga Lalawigan ng

Kinabibilangang Rehiyon …….....

Aralin 2: Likas na Yaman ng

Kinabibilangang Rehiyon ……….

Aralin 3: Pinanggalingan ng mga

Produkto at industriya ng

Kinabibilangang Lalawigan at

Rehiyon ……………………………..

Aralin 4: Mga Produkto at Kalakal ng

Kinabibilangang Rehiyon …….…

Aralin 5: Magkakaugnay na Pang-

Kabuhayan ng mga Lalawigan

Sa Rehiyon …………………………

Aralin 6: Pakikipagkalakalan tungo sa

Pagtugon ng Pangangailangan

Ng mga Lalawigan sa

Rehiyon ………………………….….

Aralin 7: Kahalagahan ng Imprastraktura

Sa Kabuhayan ng mga

Lalawigan ………………………......

Aralin 8: Ang Kalakal ng Lalawigan………

10

Aralin 9: Ang Pamunuan sa mga

Lalawigan sa Aking Rehiyon …...

Aralin 10: Mga Namumuno at Kasapi

Ng mga Lalawigan ………………

Aralin 11: Mga Tungkulin at Pananagutan

Ng mga Namumuno sa Aking

Lalawigan ………………………….

Aralin 12: Paraan ng Pagpili ng Pinuno ng

Lalawigan ………………………….

Aralin 13: Kahalagahan ng Pamahalaan

Sa bawat Lalawigan sa

Kinabibilangang Rehiyon ….……

Aralin 14: Paglilingkod ng Pamahalaan

Sa mga Lalawigan ng

Kinabibilangang Rehiyon …….…

Aralin 15: Pakikilahok sa mga Proyekto

Ng Pamhalaan ng mga

Lalawigan sa Kinabibilangang

Rehiyon ……………………………..

Aralin 16: Kabahagi Ako sa Pag-unlad

Ng Aking Lalawigan sa

Kinabibilangang Rehiyon ……….

11

YUNIT I

Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon

12

Aralin 1: Ang mga Simbolo sa Mapa

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Ipagawa ang Gawain Mo A-C gamit ang mapa ng sariling rehiyon.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Pag - aralan ang mapa ng CALABARZON

Mapa ng CALABARZON na may mga simbolo Ipakita sa larawan ang mga lalawigan, lungsod, at bayan dito.

13

Punan ng sagot ang bawat kahon sa talahanayan.

Gawin ito sa sagutang papel:

Simbolo sa

mapa

Kahulugan ng

simbolo

Pangalan ng anyong

lupa/tubig o

estruktura

Lugar kung saan

ito mata

tagpuan

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Rehiyon Batay sa

Lokasyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Ipagawa ang Gawain Mo A-C gamit ang mapa ng sariling rehiyon.

Gawain A

1. Tingnan ang mapa ng Rehiyon IV-A.

2. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng mapa.

Mga Tanong: 1. I lang lalawigan ang bumubuo ng Rehiyon IV-A?

2. Ano ang kahulugan ng CALABARZON?

3. Ano ang mga lalawigan na kabilang dito?

4. Sa anong direksiyon matatagpuan ang sumusunod:

a. Rizal- ___________________________

b. Batangas - ________________________

c. Quezon - ___________________________

d. Laguna - ___________________________

14

Gawain B: Tingnan muli ang mapa ng Rehiyon IV-A. Punan ang bawat patlang

ng tamang direksiyon ayon sa kinalalagyan nito sa mapa.

1. Ang Rizal ay nasa gawing _______________ ng

Laguna. 2. Ang Batangas ay nasa _____________ ng Quezon.

3. Ang Laguna ay nasa gawing ___________ ng Cavite.

4. Ang Quezon ay nasa __________ ng Batangas

5. Ang Cavite ay nasa gawing___________ ng Rizal

6. Ang Quezon ay nasa gawing _________________ng Laguna.

7. Ang Rizal ay nasa direksiyong _____________ ng Cavite.

8. Ang Laguna ay nasa _______________ ng Quezon.

9. Ang Batangas ay nasa _______________ ng Cavite.

10. Ang Cavite ay nasa ____________ ng Laguna.

Gawain C Gamit in muli ang mapa ng CALABARZON. Tukuyin ang mga lalawigan, bayan o lungsod na matatagpuan sa mga pangunahin at

pangalawang direksiyon. Isulat ito sa kaukulang talulot ng bulaklak. Gawin sa sagutang papel.

Aralin 3: Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Bigyang diin ang karagdagang talata tungkol sa sariling rehiyon.

Ipagawa ang Gawain Mo A-C gamit ang mapa ng sariling rehiyon.

Pansinin ang mapa ng Rehiyon IV- A CALABARZON. Kung iba’t

ibang pulo ang pagbabatayan, mapapansin na nagbabago ang pagtukoy ng lokasyon ng mga ito. Halimbawa, kung ang

pagbabatayan ay ang lalawigan ng Laguna, ang lokasyon ng Batangas ay nasa t imog kanluran nito. Ngunit kung ang

pagbabatayan ay ang Cavite, ang lokasyon nito ay nasa t imog

silangan. Pag-aralan ang pagtukoy ng mga kinalalagyan ng mga lalawigan ng rehiyon. Suriin ito sa tulong ng mapa.

1. Ang Rizal ay nasa hilaga ng Laguna. 2. Ang Laguna ay nasa silangan ng Cavite.

3. Ang Cavite ay nasa t imog- kanluran ng Rizal.

15

4. Ang Batangas ay nasa kanluran ng Quezon.

5. Ang Laguna ay nasa hilagang silangan ng Batangas.

Gawain A

Ang sumusunod na halimbawa ay isang paraan ng pagtukoy sa

kinalalagyan ng isang lugar gamit ang relat ibong lokasyon. Subukan

mong hanapin sa mapa ng Rehiyon IV-A CALABARZON ang

sumusunod.

1. Anong mga lalawigan ang nasa kanluran ng Quezon?

2. Anong lalawigan ang nasa hilagang-silangan ng Batangas?

3. Anong lalawigan ang nasa t imog - silangan ng Laguna?

4. Anong mga lalawigan ang nasa silangan ng Cavite?

5. Anong mga lalawigan ang nasa t imog ng Rizal?

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 4: Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Ang Rehiyon IV–A o t inatawag na CALABARZON ay binubuo ng

limang lalawigan. Ito ay ang mga lalawigan ng Cavit e, Laguna,

Bat angas, Rizal at Quezon.

Ang rehiyong ito ay nasa Timog-Silangan ng Luzon at nasa dakong Silangan

ng Metro Manila.

Ang rehiyong ito ay it inuturing na maunlad dahil sa malalaking industriyang

pinagkikitaan tulad ng mga pagawaan at

masiglang kalakalan. Gayunpaman, nakilala rin ang mga lalawigan sa rehiyong ito dahil sa mayamang

angking pisikal ng mga ito.

16

LAGUNA Ang lalawigan ng Laguna ay nasa pinakagitnang bahagi ng

rehiyon. Ito ay napaliigiran ng mga lalawigan ng Rizal sa t imog,

Quezon sa kanluran, Cavite sa silangan at ng Batangas sa bandang hilaga. Ang lalawigan ay may mahigit na isang daang libong hektarya

ng lupa at may kabuuang lawak na 1,823.6 km2. Ang malaparaisong

Laguna ay nasa paanan ng tat long matataas na bundok ng Makiling at Banahaw at ilang bahagi ng Sierra Madre. Ang Lawa ng Laguna sa

hilaga ng lalawigan ay it inuturing na pangatlo sa pinakamalapad na

lawa sa Asya. Halos sangkatlong bahagi ng Laguna ay nasasakop pa ng masukal na kagubatan kung kaya karamihan sa mga produkto ay

nangagaling dito. Ang Laguna ay isa sa mga lalawigan na may pinakamaraming hot springs. Karaniwan itong matatagpuan sa mga

bayan ng Los Baños at Calamba. Dinarayo ito ng mga turista. Sa

bulubunduking bayan ng Nagcarlan at karat ig nito, makikita ang walong bundok. Sa San Pablo naman makikita ang pitong mas maliliit

na lawa na sadyang nakawiwiling pasyalan. Malaking bahagi ng Laguna ay angkop sa pagsasaka ng mga palay at iba pang

pananim. Ang mga bayang mas malapit sa Maynila ay nagkaroon

na ng mga industriya na pangunahing hanapbuhay ng mga taga roon.

BATANGAS

Ang lalawigan ng Batangas ay matatagpuan sa t imog-

kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay napaliligiran ng mga lalawigan ng

Cavite at Laguna sa hilaga at ng Quezon sa Silangan. Ang pinakatimog ng lalawigan ay ang isla ng Mindoro na pinaghiwalay ng

Verde Island Passage at West Philippine Sea o Dagat Kanlurang

Pilipinas sa dakong kanluran nito. Pumapangalawa ang lalawigan ng Batangas sa lawak at laki nito sa buong Rehiyon IV- A na may

kabuuang lawak na mahigit sa 3,165. 8 km2. Ang lalawigang ito ay

naging tanyag dahil sa pinakamaliit at akt ibong bulkan sa buong daigdig na napaliligiran ng isang lawa. Ito ang Bulkang Taal. Ang

malaking bahagi ng lalawigan ay t inataniman ng iba’t ibang produktong agraryo katulad ng tubo sa Nasugbu na

pinanggagalingan ng malaking produksiyon ng asukal. Bagama’t

malaking bahagi ng lalawigan ang angkop na sakahan, may ilang bahagi rin ang ginagawang pastulan ng mga baka dahil sa

17

bulubundukin ang mga lupain sa mga bayan ng San Juan at Bauan.

Mahaba rin ang baybayin ng Batangas na kadalasan ay dinarayo pa ng mga turista.

RIZAL Ang pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang naging

basehan ng pangalan ng lalawigang ito. Ang lalawigan ng Rizal ay t inatawag na “Duyan ng Pambansang Sining” dahil sa mga kinilalang

Alagad ng Sining tulad nina Carlos “Botong” Francisco at Vicente

Manansala na pawang mga taga-Rizal.

Ang lalawigang ito ay matatagpuan sa hilaga ng Laguna at kanluran ng Quezon. Ito ay nasa hilagang bahagi ng rehiyon at may

kabuuang sukat na 1,308.9 km2. Hindi man kasinlaki ng Quezon at

Batangas, ang kalakhan ng lalawigang ito ay bulubundukin. Ang bahaging kanluran ng lalawigan na malapit sa Maynila ay maituturing

na kapatagan. Ito ay industriyal na lugar na karaniwang hanapbuhay rito. Malaking bahagi sa dakong silangan ng lalawigan ay bahagi ng

Sierra Madre kung kaya’t maraming bayan ng Rizal ang nasa

kabundukan. Katulad din ng karamihan ng lalawigan sa Rehiyon IV-A, tag-init kapag Nobyembre hangang Abril. Tag-ulan naman sa ibang

mga buwan. Ang temperatura ay nagiging malamig sa matataas na

bahagi ng lalawigan.

QUEZON Ang lalawigan ng Quezon ang pinakamalawak sa buong

Rehiyon IV-A sa sukat ng 8,706.6 km2. Ang lalawigan ay nasa pinakasilangang bahagi ng rehiyon. Sa Kanluran nito ay ang mga

lalawigan ng Rizal, Laguna, at Batangas at sa silangan naman ang Dagat Pasipiko. Ang lawak at lokasyon ng Quezon ay pangunahing

dahilan kung kaya’t karamihan sa hanabuhay ng mga taga roon ay

pangingisda at pagsasaka.

Halos kalahati ng lalawigan ay mataas kaya naman ang mga

bayan sa dakong hilaga ng lalawigan ay nasa kabundukan. Ang malaking bahagi ng Sierra Madre ay matatagpuan sa kahabaan ng

lalawigan ng Quezon. Kabilang dito ang Bundok Banahaw na siyang pinakamataas na bahagi nito. Ang maliit na lugar sa gitnang bahagi

ng Quezon ang t inataniman ng iba’t ibang pananim lalo na ng palay.

Ang silangang bahagi naman ng lalawigan ay isang tangway na kung tawagin ay Bondoc Peninsula. Nag-iiba ang dami ng ulan sa iba’t

18

ibang bahagi ng Quezon. Kapag Nobyembre hanggang Abril, asahan

ang kapal ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Quezon ngunit hindi gaano sa hilagang bahagi nito. Mas higit na nakikita ang kaibahan sa

Bondoc Peninsula at Lamon Bay na hindi gaanong umuulan.

CAVITE Ang Cavite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay matatagpuan sa

kat imugang baybayin ng Look ng Maynila at 30 kilometro sa t imog ng

Maynila. Trece Mart ires ang kabisera nito. Ito rin ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan dahil narito ang kapitolyo.

Pinalilibutan ang Cavite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa t imog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Ito ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 batay sa 2010

sensus. Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan sa Pilipinas na mabilis ang pag-angat ng ekonomiya dahil malapit ito sa Metro Manila. Nahahati

ang lalawigan ng Cavite sa 18 bayan at 5 lungsod. Ang mga lungsod ng Cavite at Tagaytay, Trece Mart ires, Dasmarinas, Imus at Bacoor.

Ang kalakhan ng lalawigan ay patag. Mataas lamang sa bahagi ng

t imog patungong Tagaytay. Matatanaw dito ang Lawa ng Taal sa Batangas. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito ay

Pagsasaka. Ang Cavite ay may dalawang uri ng klima. Ang tagtuyot

na nagsisimula sa Nobyembre hanggang Abril, at tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo hanggang Oktubre. Ang pinakamalamig na

buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman kapag Abril at Mayo. ( Sanggunian: WIKI FILIPINO)

Gawain A A. Batay sa nabasa, ilarawan ang kabuuang pisikal na katangian ng

mga lalawigan sa iyong rehiyon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

1. Anong lalawigan ang karamihan ng lugar ay bulubundukin? 2. Anong lalawigan ang nasa kapatagan ngunit napapalibutan ng

mga bundok?

3. Anong lalawigan ang karamihan sa lugar ay kapatangan ngunit may ilang bahagi sa silangan na bulubundukin kung kaya’t mas

angkop ito sa pagpapastol? 4. Anong lalawigan ang pinakamalawak ang lupain sa buong rehiyon

ngunit ang karamihan nito ay bulubundukin?

5. Anong lalawigan ang may malawak na sakahan at mahabang baybayin?

19

B. Batay sa inyong sagot sa itaas, hanapin ang mga salita sa puzzle at isulat sa sagutang papel.

C A V I T E O L L Q

I A B A T A N G A U

C O V G M Q O F R E

O I Q U U U R E I Z

L N W N T E I B Z O

N U N A S Z Z N A N

A A E B U O A O L I

H L A G U N A N U T

Y Z T P O C H O E E

Q E B A T A N G A S

Gawain B

A. Punan ng tamang impormasyon ang bawat kahon sa ibaba

upang makompleto ang talaan ng mga katangian ng mga

lalawigan.

Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon IV-A CALABARZON

Lalawigan Lokasyon Direksiyon Sukat Anyo

Cavite

Laguna

Batangas

Rizal

Quezon

20

B. Sabihin kung anong direksiyon ang tatahakin kung pupunta sa

mga lugar ng rehiyon.

1. Papuntang Cavite mula sa Laguna? 2. Papuntang Quezon mula Batangas?

3. Papuntang Rizal mula Cavite?

4. Papuntang Laguna mula Rizal? 5. Papuntang Quezon mula Laguna?

Gawain C Paghambingin ang sumusunod na pares ng lalawigan na hindi

lalampas sa tat long pangungusap bawat isa.

1. Cavite at Quezon

2. Batangas at Rizal 3. Quezon at Laguna

4. Laguna at Batangas

5. Cavite at Batangas

Aralin 5: Populasyon sa Aking Pamayanan

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang aktual na datos sa sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain

Mo A-C gamit ang mapa ng sariling rehiyon.

Populasyon ng Bahagi ng mga

Barangay ng San Narciso, Quezon Ayon sa 2010 Census Populat ion and Housing (Appoximat ed value)

Barangay Populasyon Abuyon 4,500

A Bonifacio 700

Bani 1,300

Binay 2,500

Buenavista 1,700

21

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Bilang ng Matatanda at Bata

Batangas

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Barangay Babae Lalaki Kabuuan

Abuyon 2,700 1800 4,500

A Bonifacio 400 300 700

Bani 700 600 1,300

Binay 1300 1200 2,500

Buenavista 800 900 1,700

Barangay Bata

(edad 18-

pababa)

Matatanda

(edad mataas

pa sa 18)

Kabuuan

Abuyon 2000 2500 4,500

A Bonifacio 300 400 700

Bani 500 800 1,300

Binay 1000 1500 2,500

Buenavista 1000 700 1,700

Populasyon ng Bahagi ng mga

Barangay ng Bauan, Batangas Ayon sa 2010 Census Populat ion and Housing (Appoximat ed value)

Barangay Populasyon Alagao 1,836

Aplaya 7,604

As-is 2,239

Bagong Silang 410

Baguilawa 1,412

Buenavista 1,700

22

Bilang ng Matatanda at Bata

Cavite

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Barangay Babae Lalaki Kabuuan

Alagao 858 978 1,836

Aplaya 4,061 3,543 7,604

As-is 1,042 1,197 2,239

Bagong Silang 171 239 410

Baguilawa 714 698 1,412

Barangay Bata

(edad 18-

pababa)

Matatanda

(edad mataas

pa sa 18)

Kabuuan

Alagao 1,001 835 1,836

Aplaya 3,998 3,606 7,604

As-is 1,086 1,153 2,239

Bagong Silang 195 215 410

Baguilawa 715 697 1,412

Populasyon ng Bahagi ng mga Barangay ng Amadeo, Cavite

Ayon sa 2010 Census Populat ion and Housing (Appoximat ed value)

Barangay Populasyon Banaybanay 2,155

Bucal 949

Dagatan 2,031

Halang 1,814

Loma 1,816

Buenavista 1,700

Barangay Babae Lalaki Kabuuan

Banaybanay 1,126 1029 2,155

Bucal 437 512 949

Dagatan 986 1,045 2,031

Halang 847 967 1,814

Loma 917 899 1,816

23

Bilang ng Matatanda at Bata

Rizal

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Barangay Bata (edad 18-

pababa)

Matatanda (edad mataas

pa sa 18)

Kabuuan

Banaybanay 1,203 952 2,155

Bucal 464 485 949

Dagatan 985 1,046 2,031

Halang 1,001 813 1,814

Loma 845 971 1,816

Populasyon ng Bahagi ng mga

Barangay ng San Mateo, Rizal Ayon sa 2010 Census Populat ion and Housing (Appoximat ed value)

Barangay Populasyon

Ampid 27, 365

Dulongbayan 1 5,030

Dulongbayan 2 6,837

Gulod Malaya 8,564

Banaba 21,553

Buenavista 1,700

Barangay Babae Lalaki Kabuuan

Ampid 12,379 14,986 27, 365

Dulongbayan 1 2,111 2,919 5,030

Dulongbayan 2 2,841 3,996 6,837

Gulod Malaya 4,775 3,789 8,564

Banaba 8,057 13,496 21,553

24

Bilang ng Matatanda at Bata

Laguna

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Barangay Bata (edad 18-

pababa)

Matatanda (edad mataas

pa sa 18)

Kabuuan

Ampid 1,3984 1,3381 27, 365

Dulongbayan 1 3,081 1,949 5,030

Dulongbayan 2 3,988 2,849 6,837

Gulod Malaya 4,986 3,578 8,564

Banaba 12,853 8,700 21,553

Populasyon ng Bahagi ng mga

Barangay ng Cabuyao, Laguna

Ayon sa 2010 Census Populat ion and Housing (Appoximat ed value)

Barangay Populasyon Baclaran 12,192

Banaybanay 21,934

Banlic 12,675

Butong 12,360

Bigaa 10,051

Buenavista 1,700

Barangay Babae Lalaki Kabuuan

Baclaran 6,003 6,198 12,192

Banaybanay 11,401 10,533 21,934

Banlic 5,865 6,810 12,675

Butong 6,031 6,329 12,360

Bigaa 5,070 4,981 10,051

25

Bilang ng Matatanda at Bata

Gawain A: Sagutin ang Gawain sa LM

Gawain B: Sagutin ang Gawain sa LM

Gawain C: Sagutin ang Gawain sa LM

Aralin 6: Populasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Ang pamayanan ay maaring barangay, bayan, lalawigan, rehiyon, bansa o buong daigdig. Ito ay kinabibilangan ng mga tao na

siyang bumubuo ng populasyon. Dalawang uri ang karaniwang

pagsukat ng populasyon. Ang isa ay ang simpleng pagbilang ng mga tao sa isang pamayanan. Ang isa pa ay ang pagsukat ng kapal ng

populasyon batay sa dami ng taong naninirahan sa isang bahagi nito.

Ginagamit ang mapa ng populasyon sa pagtukoy ng bilang

ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan. Nagagamit din ang ganitong mapa sa pagtutukoy at paghahambing ng populasyon

ng mga tao sa iba’t ibang lugar na nakatira dito.

Suriin natin ang populasyon ng

Rehiyon IV- A CALABARZON. Ito’y rehiyon na malapit sa kabisera ng at ing bansa, ang

National Capital Region, na marami ang

mga sentrong pangkomersyo at industriya. Ano sa palagay ninyo ang epekto nito sa

populasyon ng rehiyon? Gaano kalaki o

Barangay Bata

(edad 18-

pababa)

Matatanda

(edad mataas

pa sa 18)

Kabuuan

Baclaran 6,153 6,039 12,192

Banaybanay 10,849 11,085 21,934

Banlic 5,943 6,732 12,675

Butong 6,580 6,780 12,360

Bigaa 6,039 4,012 10,051

26

Talahanayan ng Land Area ng

Rehiyon IV – A CALABARZON

Lalawigan Land Area

Cavite 1,287.6 km2

Laguna 1.759.7 km2

Batangas 3,165.8 km2

Rizal 1,308.9 km2

Quezon 8,842.8 km2

kaliit ang populasyon ng rehiyon? Sa datos na nakalap tungkol sa

populasyon ng bansa noong 2010, ang Rehiyon IV- A CALABARZON ang may pinakamalaking populasyon sa bansa. Sa mapa makikita

ang populasyon ng mga lalawigan ng rehiyon noong 2010.

Pananda: = 100,000 katao

Tingnan muli ang mapa ng rehiyon, di nga ba’t malaki ang sakop

nito? Tinatayang ang kabuuang lupain ng Rehiyong IV-A CALABARZON kabilang ang limang lalawigan ay umaabot sa mahigit

sa 16,000 km2 na hektaryang lupain.

27

Pag-aralan sa mapa ang kapal ng populasyon sa bawat

lalawigan ng Rehiyon IV-A CALABARZON at ang talahanayan tungkol dito. Bakit kaya magkakaiba ang bilang ng mga tao sa iba’t ibang

lalawigan? Suriin ang mga paglalarawan ng bawat lalawigan ng rehiyon. Nakatutulong ba ito upang mabigyang rason ang

pagkakaiba-iba ng mga populasyon ng mga lalawigan sa rehiyon?

Lalawigan Katangian ng

Anyong Lupa o Anyong

Tubig

Pangunahing

Hanapbuhay

Katangian ng

Dami ng Tao

Cavite Malawak ang

kapatagan, May

mahabang

baybayin

Pagsasaka

Pagpapastol Manggawa sa

mga pabrika o

kompanya

Tingnan sa

mapa

Laguna Malawak na kapatagan na

napapalibutan

ng bundok Malawak ng

lawa at

maraming talon

Pagsasaka Pangingisda

Manggawa sa

mga pabrika o kompanya

Tingnan sa mapa

Batangas Malawak na

kapatagan Mahabang

baybayin

Pabrika ng

langis Daungan ng

mga barko

Manggawa sa mga pabrika

Tingnan sa

mapa

Rizal Bulubundukin

Maliit na

bahagi ang kapatagan

Pagsasaka

Manggagawa

(sa malapit sa Kalakhang

Maynila)

Tingnan sa

mapa

Quezon Maliit na

bahaging kapatagan

Bulubundukin

Malaking bahagi ang

tangway

Pagsasaka

pangingisda

Tingnan sa

mapa

28

Iba- iba rin ang pangkat ng mga tao na kabilang sa populasyon ng bawat lalawigan. Sa at ing rehiyon, malaking bahagi ang mga

pangkat ayon sa kanilang kabuhayan. Kung kaya’t marami rito ang mga magsasaka, mangingisda, at mangagawa sa iba’t ibang

kompanya at pabrika. Malaking bahagi rin ang kababaihan na

nakapag-aambag sa paglago ng kabuhayan at kaayusan sa at ing pamayanan. Ang buong rehiyon ay t inatawag na rehiyon ng mga

Katagalugan dahil sa kanilang gamit na wika ngunit may ilang maliit

na bahagi ng populasyon na kasama sa katutubong pangkat. Sila ang mga naunang mga pangkat na nanirahan sa malawak na lupain

ng ating rehiyon. Paano natin mapahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa at ing mga lalawigan?

Gawain A Isipin ang populasyon ng Rehiyon IV- A CALABARZON. Alin ang

pinakamalaki? Alin ang pinakamaliit? Gamit ang mga larawan ng iba’t ibang dami ng tao, ilagay ang akmang larawan sa bawat

lalawigan ayon sa kanilang populasyon sa inyong sagutang papel.

Tandaan na ang pinakamaraming tao ang may pinakamalaking populasyon.

Gamit in ang talahanayan na binigay sa Tuklasin Mo. =1,000,000 katao

29

Gawain B Tingnan ang bar grap tungkol sa populasyon ng iba’t ibang pangkat na matatagpuan sa at ing rehiyon. Ano ang masasabi mo tungkol sa

pagkakaiba - iba ng dami ng mga pangkat? Paghambingin ang mga

lalawigan ayon sa grap.

1500

1200

900

600

300

0

1. Alin sa mga lalawigan ang may pinakamaraming nakatirang

mangagawa? Alin naman ang may pinakamaraming mangingisda?

___________________________________________________

2. Bakit sa palagay mo maraming nakatirang manggagawa sa

___________? Ano ang maaring dahilan kung bakit maraming

gustong tumira rito? ___________________________________________________

3. Ano ang katangian ng lalawigan ng ______________ at marami ang nakatirang mangingisda rito?

___________________________________________________

4. Paghambingin ang bilang ng mga mangagawa sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon. Aling lalawigan ang mas

maraming mangagawa? ___________________________________________________

Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon

Bilang ng

Tao

Pangkat ng Tao

Pananda

mangingisda

manggawa

30

5. Paghambingin ang bilang ng mangingisda sa lalawigan ng

Laguna at Cavite. Aling lalawigan ang mas kakaunti ang populasyon?

___________________________________________________

Gawain C

Basahin muli ang katangian ng populasyon ng mga lalawigan sa

at ing rehiyon. Sumulat ng 1-2 talata tungkol sa iba’t ibang pangkat sa

sariling lalawigan ayon sa sumusunod: 1. Maaaring ihambing ang iba’t ibang pangkat sa mga pangkat

ng karat ig na lalawigan. 2. Maaaring ilahad ang kaugnayan ng mga uri ng kabuhayan at

uri ng lupain ng sariling lalawigan sa karat ig na lalawigan.

3. Maaaring ilahad kung paano pahalagahan ang iba’t ibang pangkat sa sariling lalawigan.

Gawing gabay ang halimbawang talata sa ibaba.

Ang mga Pangkat sa Aking Lalawigan

Ako’y nakatira sa Cavite. Maraming taong nakatira rito.

Malawak ang baybayin dito kung kaya karamihan sa hanapbuhay ay pangingisda. Malawak din ang aming bukid kaya marami ang

magsasaka. Pero mas marami ang mangingisda kaysa sa magsasaka.

Dahil malapit sa Kalakhang Maynila, marami ang nakatayong

kompanya dito. Mas maraming manggagawa ang nakatira dito kaysa aming karat ig na lalawigan. Mahalaga ang mga manggagawa na

nakatira sa amin. Sinisiguro ng aming mayor na sapat ang mga sasakyan sa lansangan upang hindi sila maabala sa pagpunta sa

kanilang mga trabaho.

31

Aralin 7: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng iba't-ibang

Lalawigan sa Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang aktual na datos sa sariling rehiyon. Ipagawa ang

Gawain Mo A-C gamit ang mapa ng sariling rehiyon.

Gawain A

Isulat ang nakikitang pisikal na katangian ng mga lalawigan batay sa mapa.

LALAWIGAN Mga simbolong

nakikita sa mapa

Ipinahihiwatig ng

katangiang pisikal

Cavite

Laguna

Batangas

Rizal

Quezon

Gawain B. Halina't maglakbay. Sabihin kung saan matatagpuan ang mga kilalang anyong tubig at anyong lupa ng Rehiyon IV- A.

32

Ilagay ang mga lalawigan at lungsod na kung saan matatagpuan ang mga anyong lupa at tubig na nakasulat,

33

_________________

Pilipinas

Taal Lake

_______________________ Pilipinas

Bundok Banahaw

Bulkang Taal

______________________ Pilipinas

Bundok Makiling _________________

Pilipinas

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

34

Aralin 8: Mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Aming Rehiyon

Ang mga rehiyon ay may mga anyong lupa at anyong tubig na

natatangi at nagpapatanyag sa bawat lalawigan nito. Kapag binangit ang ilan sa mga anyong lupa at anyong tubig na ito, agad

naalala ng mga tao ang lalawigan kung saan matatagpuan ito.

Tuklasin natin ang ilan sa mga ito na makikita sa at ing rehiyon at sa karat ig nito.

Sa Rehiyon IV- A CALABARZON matatagpuan sa Laguna ang kilalang Bundok ng Makiling, na it inuturing ng mga siyentipiko na isang

bulkan ngunit hindi pa pumuputok sa mahabang panahon. Sa Laguna rin matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, ang Lawa ng

Laguna. Sa Quezon naman makikita ang Bundok Banahaw, isa ring

natutulog na bulkan kagaya ng Bundok Makiling. At ang ilang bahagi ng bulubunduking lugar ng Sierra Madre. Sa Batangas naman

matatagpuan ang pinakamaliit na Bulkang Taal na nakalubog sa Lawa ng Taal. Matatanaw rin ang kagandahan ng anyo nito sa

Tagaytay, Cavite. Bulubundukin naman kung maituturing ang

lalawigan ng Rizal ngunit matatagpuan dito ang Talon ng Hinulugang Taktak na masarap pasyalan ng mag-anak.

Pag-aralan natin ang mga katangian ng ilang anyong lupa at anyong tubig ng bawat lalawigan. Ano kaya ang masasabi natin

tungkol sa mga ito? Alin kaya dito ang nagpapakilala ng bawat lalawigan sa at ing rehiyon?

Ilang lawa

Ilang bundok

Ilang talon

Lawa Laki Bundok Taas Talon Taas

Laguna 89,076 ha. Bundok

Halcon

2586 m Pagsanjan 390 ft .

Taal 24,356 ha. Bulkan ng

Malindig

1157 m Tamaraw 423 ft

35

Gawain A Anong mga anyong lupa o anyong tubig na makikita sa at ing

rehiyon? Isulat ang ilan sa mga ito sa sagutang papel.

Gawain B, C, Tandaan Mo, Natutuhan Ko: Tingnan sa LM.

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 9: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Aking Lalawigan at Rehiyon

Nasa bahaging t imog ang mga hanay ng bundok sa at ing

rehiyon. I lan dito ay ang Bundok Banahaw na naghihiwalay sa Laguna

at Quezon. Ang Bundok Makiling na nasa pagitan ng Laguna at Batangas. Samantala, ang Lawa ng Bombon ay nasa gitna ng

Bulkang Taal. Ang Bulkang Taal naman ay nasa gitna ng Lawa ng

Taal. Ito ang bulkan na it inuturing na isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.

36

Ang t inatawag na “Lungsod ng Pitong Lawa” ay ang San Pablo dahil sa pitong lawa na makikita rito. Ang mga ito ay ang Bunot,

Calibato, Muhikap, Padparan, Pandin, Sampaloc, at Yambo.

Maging ang Batangas at Cavite ay hindi nagpapahuli kung pag-

uusapan ang katangiang pisikal. Ang lalawigang ito ay maburol sa hangganan ng Maragondon at Batangas.

Sa Rizal naman matatagpuan ang HinulugangTaktak. Isang talon na masasabing popular na lugar panturismo sa Lungsod ng

Antipolo. Ito ang talon na nag-uugnay sa anyong tubig at anyong lupa dahil nanggagaling ang tubig sa bundok patungo sa bahaging

katubigan tulad ng sapa at ilog.

Gawain A

Pangkatang Gawain

1. I tala ang magkakaugnay na anyong lupa at anyong tubig sa

inyong lalawigan gamit ang mapang topograpiya

ng Rehiyon IV-A CALABARZON. 2. Pumili ng lider at tagatala upang maipon ang mga datos na

kailangan. 3. Isulat sa talahanayan o talaan ang magkakaugnay na anyong

lupa at anyong tubig na matatagpuan sa bawat lalawigan at

ipaliwanag ito. 4. Iulat ang natapos na gawain ng bawat pangkat.

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 10: Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at Rehiyon at sa mga Karatig Nito

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa

LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo

A-C.

37

Gawain A

Batay sa pisikal na mapa ng iyong rehiyon. Kilalanin ang mga

lalawigan na t inukoy ng sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang

sagot sa patlang.

_________1. Dito makikita ang Bundok Banahaw. _________2. Kilala rito ang Lawa ng Laguna at Bundok Makiling.

_________3. Ang Talon ng Hinulugang Taktak ang pinakatampok sa lugar na ito.

_________4. Sa lalawigang ito makikita ang Puerto Azul Beach Resort.

_________5. Matatagpuan dito ang Bulkang Taal na it inuturing na pinakamaliit na bulkan sa bansa.

Gawain B Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga katanungan sa task card sa bawat estasyon. Buuin

ang puzzle ng mapa ng mga lalawigan pagkatapos nito.

Ang Paglalakbay ng mga Batang Iskawt

Nagkaroon ng pagkakataong makasama sa kamping ang mga KAB Iskawt mula sa Ikat long Baitang ng Lopez West

Elementary School noong nakaraang Linggo. Bilang bahagi ng

kanilang gawain sa araw na iyon, gagawa sila ng mapa upang mahanap ang nawawalang piraso ng puzzle ayon sa

direksiyon na nakasulat sa task card. Limang estasyon ang dapat nilang madaanan upang mabuo nila ang puzzle. Ang

bawat estasyon ay may nakatakdang gawain upang makuha

ang piraso ng puzzle.

38

Estasyon 1: Quezon

Awit in ang Bundok Banahaw nang malakas upang makuha ang task

card. Pagkatapos umawit, sasagutin ang katanungan na nakasulat

sa papel. Tanong:

Dito matatagpuan ang Bundok Banahaw. Ito ay binubuo

rin ng kapatagan, talampas, at bulubunduking anyong lupa. Napaliligiran ito ng mga isla at iba pang mga

anyong tubig. Anong lalawigan ito? Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot

nang tama ang katanungan.

Estasyon 2: Laguna

Tumalon ng tat long (3) beses at isigaw ang "Kami ang mga Batang

Iskawt." Sagutin ang ikalawang katanungan.

Tanong: Ang Bundok Makiling ay isa sa mga anyong lupa rito.

Makikita rin dito ang pinakamalaking lawa sa bansa. Makikita rin dito ang Talon ng Pagsanjan na isa ring

atraksyon sa lugar. Ano ang lalawigang t inutukoy rito?

Estasyon 3: Cavite

Magmartsa habang umiikot nang tat long (3) beses. Sabihin nang malakas ang salitang "Mabuhay!".

Tanong:

Isa sa mga makasaysayang pook na dinarayo rito ay

ang Bundok ng Maragondon. Dito pinatay ang Ama ng Rebolusyong Filipino na si Andres Bonifacio. Ang

lalawigang ito ay _______________.?

39

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Estasyon 4: Batangas

Pumalakpak at pumadyak habang binabasa ang katanungan.

Tanong:

Matatagpuan dito ang pinakamaliit na bulkan na nasa gitna ng isang lawa. Marami rin ditong anyong tubig

para sa mahihilig sa isports tulad ng scuba diving, jet

skiing, snorkeling at marami pang iba. Saang lalawigan matatagpuan ang mga ito?

Estasyon 5: Rizal

Sabihin nang sunod-sunod ang mga sagot sa estasyon na

napuntahan nila. Tanong:

Ang Talon ng Hinulugang Taktak naman ang pinakatampok dito. Makikita ito sa lalawigang nasa

gawing itaas ng mapa ng Rehiyon IV-A. Ano ang

lalawigang ito?

40

Aralin 11.1: Mapanganib na Lugar Batay sa Lokasyon

at Topograpiya

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo

A-C.

FLOOD HAZARD MAP

mababang antas ang pagbaha

katamtamang antas ang pagbaha

mataas na antas ang pagbaha

41

Ipakita ang mga bayan na nasa landslide prone area.

mababang antas ang pagguho ng lupa

katamtamang antas ang pagguho ng lupa

lupa

mataas na antas ang pagguho ng lupa

42

Bukod sa panganib ng bagyo, mapanganib din ang lindol.

Pansinin ang Fault Line Map sa ibaba. Ang mapang ito ay nagpapakita ng mga lugar na maaring maging sentro ng paglindol.

Ang maiit im na linya ay tumutukoy sa mga lugar na malaking porsiyento na magkaroon ng lindol.

Fault Line Map na nagpapakita ng mga lalawigan sa CALABARZON na nadadaanan ng Fault Line

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

43

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

0.6 bagyo

1.9 bagyo

3.7 bagyo

2.1 bagyo

1.1 bagyo

0 bagyo

Isulat ang mga rehiyon at

lalawigan.

44

Lalawigan Bilang

Cav ite 80,000

Rizal 34,570

Laguna 22,623

Total 137,193

NDCC Final Report,

2009

Aralin 11.2: Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Panganib na Madalas Maranasan ng Sariling Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa

LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo

A-C.

Bilang ng Apektadong Pamilya sa Ilang Lalawigan ng CALABARZON

80000

70000

60000

50000

40000

30000

20000

10000

0 000

Gawain A-C: Sagutin ang nasa LM

Riz

al

Ca

vite

Riz

al

Apektadong Lalawigan

Lag

un

a

Bilang ng

Pamilya

45

Aralin 12: Pangunahing Likas na Yaman ng mga

Lalawigan sa Rehiyon

Likas na Yaman ng CALABARZON

Ang rehiyon ng CALABARZON ay pinagpala ng limang malalaking lalawigan. Sagana ang mga lalawigang ito sa likas na

yaman na pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan.

Mayroon itong malawak na kagubatan. Sa lalawigan ng

Quezon. Matatagpuan ang matataas na uri ng punongkahoy . Ang mga ito ay pangunahing pinagkukunan ng kahoy at tabla na

ginagamit sa paggawa ng bahay, at ibang kagamitan.

Sagana rin sa yamang mineral ang mga lalawigan ng Quezon,

Cavite, at Batangas katulad ng ginto, pilak, tanso, at nikel. Ang malawak na kapatagan ng ng Quezon, Batangas at Laguna ay

sagana sa palay, niyog, mais, at saging. Ang industriya ng kopra sa

lalawigan ng Quezon ay may malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon.

Ang Laguna, Rizal, Batangas, at Quezon ay napaliligiran ng burol

na ginagawang pastulan ng mga baka, kambing, baboy, at iba pang hayop.

Ang CALABARZON ay napalilibutan rin ng karagatan. Mayaman ito sa yamang dagat tulad ng isda, korales, perlas, at iba

46

pang lamang dagat. Ang lahat ng mga lalawigan ay mayaman sa

pangisdaan lalo sa dahil sa malawak nitong baybayin. Nasa Laguna naman ang pinakamalaking lawa sa buong bansa. Ang

magagandang paliguan at dalampasigan sa Laguna, Cavite, at Batangas at iba pang lalawigan ay dinarayo ng mga turista.

Nakatutulong ito sa pagtaas ng ekonomiya ng rehiyon.

( Sanggunian: Wiki Filipino)

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C Hanapin ang mga pangunahing likas na yamang matatagpuan sa

CALABARZON. Piliin ang sagot sa Loop a Word at isulat sa mga patlang

na nasa ibaba.

Mga Pangunahing Likas na Yaman ng CALABARZON

1._____________________________________ 2._____________________________________

3._____________________________________ 4._____________________________________

5._____________________________________

Aralin 13.1: Wastong Pangangalaga ng Likas na Yaman ng Sariling

Lalawigan at Rehiyon

Mahalaga ang mga likas na yaman. Dapat pangalagaan ito

upang mapakinabangan ang mga yamang nakukuha rito. Narito

M U S C B A B O Y S

A B I F S Q N M W E

N O A S I N X A K M

G D A K S H L N C E

G A S B E S T O S N

A P R K L N O K Q T

O O N K H G D A T O

J G B A S K E T W R

H C H R O M I T E Y

P A L A Y Z G K F T

47

ang mga halimbawa ng ginagawang pagpapahalaga ng mga

lalawigan upang mapanatili ang kaayusan ng likas na yaman nito. Sa Batangas, nagkakaloob ng Batangas Recognit ion Awards

for Verde Passage Outstanding (BRAVO) Marine Protected Areas. Ang mga bayan at lungsod dito ay may natatanging programa sa

pangangalaga ng kanilang baybaying dagat. Naglalayon itong

bigyan ng proteksiyon ang mga baybayin laban sa pagmamalabis, part ikular na ang coral and marine sanctuary na napapaloob sa

Verde Island Passage. Kinabibilangan ito ng Tingloy, Taal, Balayan,

San Pascual, Bauan, San Luis, Calaca, San Juan, Calatagan, Nasugbu, Lemery, Lobo, Lian, at Lungsod ng Batangas.

Sa Quezon, nagsama-sama ang iba’t ibang ahensiya, at sangay ng pamahalaan sa hangaring mapangalagaan ang kalikasan

sa pamamagitan ng isinagawang Provincial Environmental Law

Enforcement Summit. Ayon kay Atty. Maria Generosa Mislang, Executive Director ng

Tanggol Kalikasan, layunin nito na makabuo ng plano ang mga stakeholders ukol sa pagpapatupad ng batas pangkalikasan. Ayon

naman kay Mayor Oliver Dator ng Lucban, Quezon, na ipinakikita ng

gawaing ito ang inisyat ibo ng bawat isa na panindigan na makamit ang katuparan ng inaasam para mapangalagaan ang likas na

yaman ng lalawigan.

Ang lalawigan ng Laguna naman ay nagtatag ng Laguna Lake Development Authority noong 1966. Ito ay isang ahensiya ng

pamahalaan na may pananagutan sa pagtaguyod, pagsulong, at pagpapanatili sa lawa at tubig nito.

Hindi lamang ang lalawigan ng Batangas, Quezon, at Laguna

ang may ginagawang paraan upang mapangalagaan ang kanilang likas na yaman. Ang Cavite at Rizal rin ay may mga ipinatutupad na

batas na naglalayon mapangalagaan ang likas na yaman nito. Ito ay patunay na binibigyang halaga ng bawat lalawigan sa

CALABARZON ang mga likas na yaman.

Gawain A : Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 14: Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at mga Lalawigan sa Rehiyon

Ang Rehiyon IV-A CALABARZON ay nasa t imog kanlurang

bahagi ng Luzon. Ang pinakamalaking isla sa bansa. Ang rehiyon ay

48

napalilibutan ng Rehiyon I I at I II sa hilagang-kanluran at ng Region V at

Dagat Pasipiko sa t imog-kanluran. Ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at kat imugang bahagi ng Quezon ay napalilibutan ng mga

anyong-tubig na Kanlurang Dagat ng Pilipinas, Lawa ng Tayabas, at Mogpog Pass. Mula sa t imog na bahagi ng Luzon, makikita ang

lalawigan ng Rizal, Laguna, at Cavite. Ang mga ito ang

pinakamalapit sa Kalakhang Maynila, ang kabisera ng bansa.

Sa kabuuan, ang Rehiyon IV-A CALABARZON ay sagana sa mga produktong agrikultural at pandagat dahil sa matabang lupa na

sakahan at mahabang baybayin. Gayunpaman, bulubundukin ang malawak na bahagi ng rehiyon. Lalo na ang mga lalawigan ng Rizal,

Quezon, at ilang bahagi ng Cavite, Laguna at Batangas. Makikita sa

buong kahabaan ng Quezon ang malaking bahagi ng Bundok ng Sierra Madre na umaabot hanggang sa lalawigan ng Rizal at Laguna.

May mataas na bahagi rin ang lalawigan ng Cavite at Batangas, ngunit ang kalakhan nito ay kapatagan. Ang dalawang lalawigan

ding ito, kasama ang Quezon ay may malawak na baybayin na

pinanggagalingan ng marami sa mga produktong dagat ng rehiyon. Hindi man dagat ang pinagkukunan ng lalawigan ng Laguna, sagana

pa rin ito sa isda dahil sa natatanging lawa nito, ang Lawa ng Laguna.

Isa ito sa pinakamalaki sa buong mundo.

Karaniwang klima sa rehiyon ay tag-init mula Nobyembre

hanggang Abril. Tag-ulan naman sa mga natitirang buwan ng taon.

May mga panahon naman lalo na sa t imog na bahagi ng rehiyon, na mahaba ang tag-ulan kaysa sa tag-init . Ang Cavite at ang hilagang

bahagi ng Batangas ay karaniwang nakararanas ng natatanging

panahon na tag-init at tag-ulan sa buong taon. Ang Quezon, Laguna, at Rizal ay nakararanas ng tag-ulan at tag-init ano mang buwan sa

buong taon.

Pansinin ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na

makikita sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon ayon sa mapa. Ano-ano ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga anyong ito? Sadyang

natatangi ang ganitong mga anyo sa rehiyong ito. Katunayan, nakaaakit sa mga turista ang mga natatanging anyong lupa at

anyong tubig ng rehiyon. Bulubundukin nga kung maituturing ang

lalawigan ng Rizal, ngunit dito matatagpuan ang nagagandahang talon ng Hinulugang Taktak sa Lungsod ng Antipolo at Talon ng

49

Daranak sa Tanay,Rizal. May makikita ring talon sa Laguna, ang Talon

ng Pagsanjan, na dinarayo ng mga turista. At kung kabundukan din lamang ang pag uusapan, pinakamataas na lugar sa rehiyon, ang

Bundok ng Makiling sa Laguna. Sa mga nais umakyat sa bundok na ito madadaanan ang kagubatan ng Makiling. Kasama ang Makiling at

Bundok Banahaw na nasa Quezon sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ang buong Sierra Madre ay makikita sa dakong Silangan ng rehiyon. Sa Laguna matatagpuan ang isa sa pinakamalaking lawa sa mundo,

ang Lawa ng Laguna. May lawa rin na makikita sa Batangas. Dito

makikita ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo, ang Bulkang Taal. Matatanaw ang kagandahan ng Bulkang Taal sa Lungsod ng

Tagaytay. Isang mataas na lugar sa lalawigan ng Cavite. Kung iikut in ang buong rehiyon, siguradong maraming anyong lupa at anyong

tubig na makikita. Ito ang nagpapakilala ng pisikal na kapaligiran ng

rehiyon.

Ang Rehiyong IV-A CALABARZON ay may malawak na

pinagkukunang yaman. Matabang lupain para taniman at mahabang baybayin upang pangisdaan. Ang saganang likas na

yaman ng rehiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ang malaking bahagi ng ikinabubuhay ng mga taga rito ay pagsasaka at

pangingisda. Malaking bahagi rin ng ikinabubuhay ng mga tao ay

ang maunlad na industriyang pangkomersiyo sapagkat ang rehiyon ay malapit sa Kalakhang Maynila. Halos lahat ng lungsod ng rehiyon

ay maituturing na maunlad at pamayanang urban. Marami ang naghahanap-buhay at pumapasok sa mga opisina at pabrika ng

elektroniks at iba’t ibang pangunahing bagay tulad ng damit at

pagkain sa mauunlad na lungsod ng Sta. Rosa sa Laguna, Dasmarinas sa Cavite, at Lungsod ng Batangas . Gayunpaman,

marami pa ring mga industriya na nagbibigay ng kabuhayan at

nagpapakilala sa mga lalawigan ng rehiyon, katulad ng paglililok at paggawa ng palayok at banga sa Paete, Laguna, paghahabi at

pagawaan ng lambanog sa Tayabas, Quezon.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

50

Gawain B

Gawain C: Tingnan ang mapa ng Rehiyon IV-A CALABARZON. Gamit ang

kaalaman sa mga nagdaang aralin, ilarawan ang mga lalawigan sa rehiyon. Sumulat ng 1-2 talata tungkol dito. Maaaring paghambingin

ang dalawa o higit pang lalawigan sa rehiyon. Sagutin muna ang mga

tanong sa Gawain A bilang gabay upang mas maayos ang paglalarawan sa mga napiling lalawigan.

51

YUNIT II

Mga Kuwento ng Aking Lalawigan

52

ARALIN 1.1.1 Pinagmulan ng Lalawigan at ng mga Lungsod

nito Ayon sa Batas

Ang Region IV-A o Calabarzon ay

binubuo ng labingtatlong (13) lungsod .

Ito ay ang Trece Martires, Cavite, Dasmariñas at Tagaytay sa Cavite,

Calamba, SanPablo, at Sta. Rosa sa

Laguna, Lipa, Batangas at Lipa sa Batangas, Antipolo sa Rizal at Lucena at

Tayabas sa Quezon. Ang bawat lungsod ay binuo sa pamamagitan ng mga batas

kaakibat ang mga pamantayan upang lumago ito para sa ikabubuti

ng mga mamamayan.

Lungsod ng Trece Martires sa Lalawigan ng Cavite __________________________________________________________________

Ang Lungsod ng Trece Martires ay naging lungsod sa bisa ng Republic Act no. 981 noong May 24, 1954.

Ito ay matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Tanza, sa t imog sa

pamamagitan ng mga bayan ng Amadeo at Indang, sa silanganng

bayan ng General Trias at sa kanluran ng bayan ng Tanza at Naic. Ito ay may layong 45 kilometro mula saMetro Manila, 25 kilometro mula sa

lungsod ng Cavite, 23 kilometro mula sa lungsod ng Tagaytay at 26.3 kilometro mula sa Puerto Azul.

Ito ay isang ika-apat na klaseng lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ito

ang nagsisilbing kabisera ng lungsod. Ayon sa sensus noong 2010, mayroon itong 104,559 na populasyon.

Ito ay ipinangalan sa labintat long Mart ir ng Kabite na pinatay ng mga Kast ila noong Setyembre 12, 1896.

Ang ugnayan at t ransaksyong panlalawigan ay ginagawa sa lungsod.

Ito ay nahahati sa labingtatlong (13) barangay.

Pinagmulan ng iba pang mga lungsod

Ang Lungsod ng Imus ay ang opisyal na it inalagang lungsod ng lalawigan ng Cavite, sa Pilipinas. Opisyal na ginawang lungsod kasunod ng isang reperendum noong Hunyo 30, 2012.

53

Ayon sa kita ng lokal na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating

bayan ay nauri bilang isang first class city ng Cavite na may populasyong 301,624 ayon sa senso noong 2010.

Matatagpuan sa t inatayang 19 km (12 mi) mula sa Kalakhang Maynila.

Ito ang naging pook ng dalawang pangunahing pagkapanalo ng

mga Katipunero noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang Labanan sa Imus na naganap noong ika-3 ng Setyembre 1896, at ang

Labanan ng Alapan, noong ika-28 ng Mayo 1898. Sa araw na iyon

unang ginamit ang watawat ng Pilipinas, na naging dahilan upang itanghal ang Imus bilang "Kabisera ng Watawat ng Pilipinas". Ang

dalawang pangyayari ay ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod.

Matatagpuan din sa lungsod ng Imus ang Diyosesis na may hawak sa

lahat ng mga simbahan sa lalawigan ng Cavite.

Lungsod ng Cavite sa lalawigan ng Cavite

Ang Lungsod ng Cavite ay naisabatas batay sa Commonwealth Act No. 547. Isa itong it inuturing na Ika-apat na klaseng lungsod.

Matatagpuan ito sa layong 35 kilometro t imog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa t imog ng lungsod. Nasa isang hugis-

kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng

Bacoor sa t imog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan

ay isa sa tat long lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng

Trece Mart ires noong 1954. Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120.

Ang Base Militar ng Sangley Pointay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar

ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit

ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

54

Lungsod ng Tagaytay sa Lalawigan ng Cavite

________________________________________________________________

Naging lungsod ang Tagaytay sa kautusan ng Commonwealth Act No.

338 noong Hunyo 21, 1938. Ang Lungsod Tagaytay ay isa sa

tat long lungsod ng lalawigan ng Cavite, na may layong 55 kilometro mula sa Kalakhang Maynila kung daraan sa Emilio Aguinaldo Highway.

Ang Lungsod ng Tagaytay ay Ikalawang Klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa sensus ng 2010, mayroon

itong kabuuang populasyon na 62,030.

Makikita sa Tagaytay ng Bulkang Taal at ilang sikat na pasyalan.

Maipagmamalaki ng Tagaytay ang pambihira nitong mga resort,

kainan, t indahan, at pasyalang pawang kahanga-hanga lalo't nakaharap sa Lawa Taal. Mahalumigmig ang hangin doon mulang

Oktubre hanggang Abril, samantalang maulan pagsapit ng Hunyo hanggang Setyembre.

Lungsod ng San Pablo sa Lalawigan ng Laguna

________________________________________________________________

Ayon sa Commonwealth Act No. 520, kinilala ang San Pablo

bilang isa sa mga lungsod sa Laguna. Noong 1756, nilipat ito sa Batangas ngunit isinauli ito sa Laguna noong1883. Ayon

sa sensus noong 2010, may populasyon ito ng 248,890 katao ayon

aasan nito ng Lungsod ng Santa Rosabilang ang pang-apat na pinakamalaking lungsod o bayan sa Laguna, na nagpababa sa

ranggo nito bilang ikalima matapos ang Calamba,

San Pedro, Biñan at Santa Rosa.

Ang Lungsod ng San Pablo ay isang unang klaseng lungsod sa Laguna.

Ito ay t inatawag rin na "Lungsod ng Pit ong Lawa", dahil sa pitong

mga lawang makikita rito, ang Sampalok, Palakpakin, Yambo, Bunot, Pandin, Muhikap at Calibato. Ito ay isa sa mga pinakamatandang

lungsod sa Pilipinas. Ang Lungsod ng San Pablo ay naging bahagi

ng Bay.

55

Lungsod ng Santa Rosa sa Lalawigan ng Laguna

Ang Santa Rosa ay naging lungsod sa bisa ng Republic Act No. 9264,

na pinagtibay ng mga mamamayan ng Santa Rosa noong Hulyo 10, 2004. Ito ay matatagpuan 38 kilometro sa t imog na Maynila, sa

pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay

naging pamayanang suburban resindensiyal ng Kalakhang Maynila. Ayon sa senso noong 2000, ang Lungsod ng Santa Rosa ay may

populasyong 185,633 ngunit noong 2005, nalampasan nito ang Lungsod ng San Pablo kung pagbabatayan ang populasyon, at

naging pang-apat na pinakamalaking lungsod/bayan sunod sa

Calamba, San Pedro, at ng Biñan.

Ang Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna. Nagsisilbi rin itong daan mga manlalakbay na magtutungo

sa Tagaytay sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.

Lungsod ng Lipa sa Lalawigan ng Batangas

________________________________________________________________

Ang Lungsod ng Lipa ay binuo ayon sa Republic Act No. 162 noong

Hunyo 20, 1947. Matatagpuan ang Lipa sa hangganan ng Santo Tomas sa hilagang-silangan, Lungsod San Pablo ng lalawigan

ng Laguna at San Antonio ng lalawigan ng Quezon sa

silangan,munisipalidad ng Padre Garcia at Rosario sa t imog-silangan, munisipalidad ng Ibaanat San Jose sa t imog-kanluran, munisipalidad

ng Cuenca at Mataas na Kahoy at Lawa Taal sa kanluran, munisipalidad ng Balete at Malvar sa hilagang-kanlurang bahagi.

Ang Lipa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may

populasyon na 283, 468 katao sa 41,962 na kabahayan.

Lungsod ng Tanauan sa Lalawigan ng Batangas ________________________________________________________________

Isinabatas ang pagiging lungsod ng Tanauan ayon sa Republic Act

No. 9005 noong February 2, 2001. Matatagpuan ito sa hilagang-silangang bahagi ng Batangas. Nasa kanluran ng Tanauan angTalisay,

ang kapuwa Malvar at Balete sa t imog, ang Sto. Tomas sa silangan, at angCalamba, Laguna sa hilaga.

56

Ang Lungsod ng Tanauan ay isang ikat long klaseng lungsod sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay

may populasyon na 152,393 katao sa 21,912 kabahayan.

Malapit ang Lungsod Tanauan sa dalawang mahalagang bukal ng

likas-yaman: ang Lawa Taal na nagsusuplay ng mga isda, at ang Bundok Makiling na nagdudulot naman ng mga prutas, kahoy, hayop,

at iba pang mahahalagang yamang-lupa.

Lungsod ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon

Ang Lungsod ng Tayabas ay matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.

Ito ay dating kapitolyo ng lalawigan ng Tayabas na ngayon ay nahati sa dalawang probinsya, ang Quezon at Aurora.

Noong Marso 18, 2007, ang Batas ng Republika bilang 9398, Batas na

nagtatakda sa Bayan ng Tayabas sa lalawigan ng Quezon bilang isang bahaging lungsod na tatawaging lungsod ng Tayabas, ay naipasa. Noong Hulyo 14, 2007, nagkaroon ng plebisito sa bayan ng

Tayabas para suportahan ang nasabing batas at naaprubahan ito sa

pagboto ng karamihan bilang sang-ayon sa nasabing batas. Ayon sa sensus noong 2010, may 91,428 katao ang naninirahan dito.

Subalit matapos ang isang taon, ang Tayabas ay natanggalan ng

pagiging lungsod kasama sa labing-anim pang mga bayan na naging

lungsod matapos ilabas ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na labag sa Saligang Batas ang mga batas na nagtakda sa

pagkakagawa nito. Noong ika-15 ng Pebrero 2011 binago ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang kanilang desisyon at sinabing maari

nang maging isang lungsod ang Tayabas dahil nagawa nito ang mga

hinihingi ng batas upang matawag na lungsod.

Gawain A Pangkatang Gawain

Basahin ang sanaysay tungkol sa pagbuo ng mga lungsod sa bawat lalawigan ng Rehiyon IV-A CALABARZON. Punan ang talahanayan.

Isulat sa papel at iulat sa klase ang inyong mga sagot.

57

Lungsod ng Dasmariñas sa Lalawigan ng Cavite __________________________________________________________________

Naging lungsod ang Dasmariñas sa pamamagitan ng Republic Act 9723 na pinagkaloob ng pangulo noong Oktubre 15, 2009 at

pinagtibay sa naganap na plebisito noong nakaraang Nobyembre 26,

2009.

Ang Bayan ng Dasmariñas ay may sukat na 90.1 kilometrong parisukat.

Matatagpuan ito sa layong 30 kilometro t imog ng Maynila. Ito ay dating parte ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng Cavite ngunit ,

nang maging isa itong ganap na lungsod, ay naging ikaapat na Distrito ng Cavite. . Ayon sa sensus noong 2010, may 575,817 katao ang

naninirahan dito, kaya ito ang bayan sa Cavite na may

pinakamaraming tao.

Ang Lungsod ng Dasmariñas (kadalasang pinaikling Dasma) ay isang first class municipality na naging isang ganap na lungsod na

sa lalawigan ng Cavite.

Lungsod ng Calamba sa Lalawigan ng Laguna

Sa pamamagitan ng Republic Act No 9024 noong Abril 7, 2001 at sa

pagpapatibay ng mga residente sa isang plebisito noong Abril 21, ang

Calamba ay naisulong mula sa isang munisipalidad sa ikalawang bahagi ng Laguna na naging Lungsod pagkatapos ng San Pablo. Ito

ay nasa layong 54 kilometro sa t imog ng Maynila, at isang oras ang layo kung sasakay ng bus.

Ayon sa sensus noong 2000, ang populasyon ng lungsod ay 281,146.

Noong Abril 7, 2001, ang Lungsod ng Calamba ay nakilala bilang isang

pangunahing sentro ng pagsulong. Sa bisa ng Executive Order No. 246

noong Oktubre 28, 2003, ang Lungsod ng Calamba ay hinirang bilang panrehiyong sentro ng Region IV-A (CALABARZON) dahil sa

pagkakaroon nito ng hindi kukulangin sa limang pambansang bayani: Dr. Jose Rizal, General Paciano Rizal, Teodora Alonzo, ang

General Vicente Lim, at Lt . Geronimo Aclan.

58

Lungsod ng Batangas sa lalawigan ng Batangas ________________________________________________________________

Ang Lungsod ng Batangas ay binuo ayon sa Republic Act 5495 noong Hunyo 21, 1969. Ito ay may kabuuhang sukat na 283.30 kilometrong

parisukat.

Ang lungsod ay isang baybay na hugis paikot sa t imog-silangang

bahagi ng lalawigan ng Batangas at napaliligiran sa hilagang-

kanluran ng bayan ng San Pascual, hilaga ng bayan ng San Jose, silangan ng bayan ng Ibaan, Taysan at Lobo at t imog ng baybayin ng

Batangas.

Ang lungsod ay isang First Class Municipality sa lalawigan ng

Batangas. Ayon sa senso ng 2010, mayroon itong kabuuang populasyon na 305, 607.

Kilala bilang Industrial Port City of CALABARZON ang Lungsod ng

Batangas dahil sa malaki nitong piyer; at ngayon ay sentro ng

kalakalan sa buong lalawigan ng Batangas at CALABARZON.

Lungsod ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal

________________________________________________________________

Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508, naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong Abril 4, 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal

sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito

sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang

Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan. Ipinroklama bilang

isang lungsod na mataas ang urbanisasyon ni Pangulong Benigno

Aquino I I I ang Antipolo noong Marso 14, 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa t iyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing

proklamasyon

Ang Lungsod ng Antipolo aymatatagpuan sa lalawigan ng Rizal, 25 kilometro sa silangan ng Maynila. Ito ang pinakamataong lungsod

sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa sa populasyong nitong 633,971 noong 2007.

59

Lungsod ng Lucena sa Lalawigan ng Quezon

________________________________________________________________

Ang lungsod ng Lucena ay sentrong lungsod sa lalawigan ng Quezon. Ito ay binuo batay sa Republic Act No. 3271 noong Hunyo 17, 1961 at

opisyal na isinagawa noong Agosto 19, 1962. Ito ay may kabuuang

sukat na 80.21 kilometrong parisukat. Batay sa 2010 senso, ang lungsod ay may populasyong 246,392.

Ang lungsod ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog, ang Dumacaa sa silangan at Iyam sa kanluran. Ito ay mayroon ding

daungan sa Tayabas Bay kung saan ang mga bangka at barko ay nagtutungo mula sa lungsod patungo sa iba’t ibang lugar sa rehiyon

atVisayas. Ito ay binubuo ng 33 barangay.

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Sanggunian:

Trece Martires

(http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno981.html#.UwzWyPldWJ0)

Batangas City http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1969/ra_5495_1969.html

Antipolo Rizal

http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno9377.html#.Uwzvk_ldWJ0

San Pablo City

http://www.chanrobles.com/commonwealthacts/commonwealthactno520.html#.U

w0KWPldWJ0

Lipa City

http://www.lawcenter.ph/law-library/laws/republic-acts/republic-act-no-162-an-act-

creating-the-city-of-lipa/

Pangalan ng

Lalawigan/Lungsod

Batas May Akda Mga

Bumubuong Munisipyo

Dasmariñas

Calamba

Batangas

Ant ipolo

Lucena

60

Aralin 1.1.2: Mga Pagbabago sa aking lalawigan at mga

karatig na lalawigan sa Rehiyon

Mga Pagbabago sa mga Lalawigan ng Aking Rehiyon

ANG LALAWIGAN NG CAVITE

Ang Cavite (Kast ila: Kabite) ay isang lalawigan sa Pilipinas. Ito ay

matatagpuan sa kat imugang baybayin ng Look ng

Maynila sa rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. May layo itong 30

kilometro sa t imog ng Maynila. Trece Mart ires ang kabisera nito at ang

nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan. Dito matatagpuan ang kapitolyo. Pinalililubutan ang Kabite ng mga lalawigan

ng Laguna sa silangan at Batangas sa t imog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan na mabilis ang pag-angat ng

ekonomiya dahil sa malapita ito sa Metro Manila. Maraming kompanya tulad ng Intel, ang nagtaguyod ng planta sa maraming

industrial parks.

Ang dating pagsasaka ay nadagdagan na ng mga industriya. Mga

kompanya na gumagawa ng iba’t ibang produkto gaya ng CEPZA (Cavite Export Processing Zone). Gayon pa man ang kaitaasang

bahagi ng Cavite o upland towns ay nanatiling may taniman ng kape,

paminta at iba-ibang bungangkahoy. Ang mga nakararat ing sa mga

61

pamilihan sa Maynila at karat ig na lalawigan. Kaya naman patuloy

ang kasiyahan ng lokal at dayuhang turistasa pamimili ng mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay

napapagawi sa masaganang lalawigan na patungo sa Tagaytay at baybay-dagat ng Batangas.

Ang lalawigan ng Cavite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 batay sa 2010 sensus.

MGA PAGBABAGO SA CAVITE 1. Pagbabago sa Pangalan

Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kast ilang salitang tagalong na kawit na pinaikling kalawit , bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa Look ng Maynila. Orihinal na

ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punt a, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay

Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite

hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kast ila, ang pangalan ng

kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.

2. Pagbabago sa imprastruktura

Noon Ngayon

62

3. Pagbabago sa populasyon Tingnan ang pagbabago sa populasyon ng Lalawigan

ng Cav ite.

63

0

500,000

1,000,000

1,500,000

2,000,000

2,500,000

3,000,000

3,500,000

1990 1995 2000 2007 2010

Populasyon ng Lalawigan ng Cavite 1990-2010

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 1.1 Pinagmulan ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng

sumusunod na mga lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at

Quezon. Ang mga lalawigang ito ng Rehiyon IV-A ay nasa pangunahing isla ng Luzon. Ito ang akronim ng mga nabanggit na

mga lalawigan. Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong Oktubre 28, 2003, ang Lungsod ng Calamba ay it inalagang

sentrong pangrehiyon ng CALABARZON.

Ang CALABARZON, MIMAROPA, kasama ang lalawigan ng Aurora ay

dating kabilang sa Timog Katagalugan hanggang sa paghiwalayin ito sa bisa ng Executive Order No.103, na may petsang Mayo17, 2002.

Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-Kanlurang Luzon, t imog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinakamalaking

rehiyon.

64

(Bulkang Taal na nasa Lawa ng Taal,

matatagpuan sa lalawigan ng Batangas)

Kasaysayan ng Batangas

Ang Batangas ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa

t imog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga

lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan.

Pagtawid sa Verde Island Passages sa t imog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.

Ang pinakaunang naitalang pangalan ng lalawigan ay Kumintang. Ang sentro nito ay, ang kasalukuyang bayan ng Balayan, at ang

pinakamaunlad na bayan ng lalawigan. Nang lumaon, dahil sa pagkawasak ng bayan bunga ng pagsabog ng Bulkang Taal, inilipat

ang sentro ng lalawigan sa Taal. Dating t inatawag na Bonbon, ang

pangalan ng lalawigan ay pinalitan sunod sa pangalan ng bayang iyon.

Ang Tagalog Batangas na ginagamit sa lalawigan bago dumating

ang mga Kast ila ay malapit sa sinaunang wikang Tagalog. Dahil dito

t inawag ang lalawigan bilang Sentro ng wikang Tagalog ng Summer Inst itute of Linguist ics.

Mayroon ding ilang nakapagsasalita ng Espanyol, dahil isang mahalagang sentro rin ang Batangas noong panahon ng pananakop

ng Espanya sa Pilipinas.

Isa ang Batangas sa may pinakamataas na antas ng literasi sa

Pilipinas. Sa 96.5%, ang antas ng literasi ng mga lalaki na 97.1% ay mas mataas sa antas ng literasi ng mga

babae na 95.9%.

Isa ang Batangas sa pinakasikat na

dest inasyong panturismo na malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming

magagandang baybayin ang

lalawigan at kilala na magagandang pook sisiran o "diving spot s" tulad ng

Anilao sa Mabini, ng Pulo ng Sombrero sa Tingloy, ng Pulo ng Ligpo sa Bauan

na kilala bilang Anilao.

65

Kasama rin sa mga lugar na dinarayo

ang Mat abungkay sa Lian, Punt a Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na

Bulkang Taal, ang pinakamaliit na akt ibong bulkan sa daigdig.

Sa Batangas makikita ang ikalawang pinakamalaking

daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.

Pinagmulan ng ibang Lalawigan sa Rehiyon

Lalawigan ng Rizal Noong Hunyo 11, 1901, ang lalawigan ng Rizal ay opisyal na at legal na nilikha sa pamamagitan ng Act No. 137 ng First Philippine

Commission nang ang tumatayo bilang unicameral body ay ang

pambatasan sa isla ng Luzon.

Ito ay may 20 kilometro ang layo sa Maynila. Ang Rizal ay hango sa pangalan ni Jose Rizal. Lungsod Antipolo ang kabesera ng lalawigan

kahit na ang kapitolyo ay matatagpuan sa Lungsod

Pasig sa Kalakhang Maynila.

Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal.

Mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan sa mga bayan sa

kat imugang bahagi ay naghahanggan saLawa ng Laguna.

Noong bago dumating ang mga

Espanol, ang pakikipag-ayos sa kahabaan ng lakeshore ng Laguna de

Bay at sa t imog baybayin ng I log Pasig ay pinasiyahan sa pamamagitan ni

Raha Soliman, pamangkin ni Raha

Lakandula, ang mga namumuno sa Tondo.

Napabagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang puwersa ng mga raha

dahil sa kataasan ng uri ng kanilang armas, at kahit na ang katapangan ,

kabayanihan at pakiki[aglabanng

mga lokal na mandirigma ay ipinadala ng unang Espanyol

66

Gobernador General ang kanyang pamangking lalaki , ang batang

Kapitang si Juan de Salcedo, upang lupigin at mapatahimik ang mga bayan sa kat imugang distrito ng Luzon.

Nong 1571, natalo ni Salcedo ang bawat bayan, sa pamamagitan ng

magandang pakikitungo, pakikipagkaibigan at pagtitiwala ng mga

katutubo.

Ang mga bayan ay isinaayos sa mga munisipal na mga yunit ng

pamahalaan sa Maynila. Pagkatapos, ang mga misyonerong Espanyol, Pransiskano at Heswita, ay ipinadala upang bumuo ng mga

simbahan o kapilya sa mga bagong isinasayos na mga bayan, upang palaganapin ang tenets ng relihiyong Katoliko, upang maging

krist iyano at magbinyag ang mga tao, at upang maikalat kasama ng

mga ito ang kultura ng Espanyol.

Bago maging isang lalawigan ang Rizal, ang lalawigan ng Tondo at La Laguna ang nasasakupan nito sa panahon ng panahon ng Espanyol.

Gayunpaman, ang ilan sa mga bayan nito tulad ng Pasig, ngayon ang Provincial Capital, Paranaque, Taytay at Cainta, ay bahagi na ng

Tagalog at nakikibahagi sa kalakalan ng mga Tsino at iba pang taga-

Asyang bansabago paang mga Espanyol ay dumating sa Pilipinas noong 1521. Noong 1853, ang mga bayan sa aynagsimulang

pangalanang Distrito Politoco-Militar de los Montes de San Mateo.

Pagkalips ng apat na taon, ito ay binago bilang Distrito-Militar de Morong, upang maiwasan ang ga ng maling akala na ang San Mateo

ang kabisera sa halip na ang Morong. Ang pagbabagong ito ang naging simula ng pagbubuo sa lalawigan ng Rizal. Taong 1860, nang

ang Todo ay naging bahagi ng Maynila at lahat ng lugar dito ay

napasailalim nan g gobernador ng Maynila.

Ang Rizal ang t inatawag na "Duyan ng Pambansang Sining". Ang mga

Pambansang Alagad ng Sining na sina Carlos "Botong" Francisco, Vicente Manansala, Maestro Lucio San Pedro ay pawang

Sa ngayon, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa

Rizal ay ang pagbababuyan, pagsasaka, at pakikipagkalakalan. Maraming taga- Maynila ang nagpapaalaga ng baboy sa mga taga-

Rizal habang ang pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga- gawing

hilaga at ang mga nakatira sa kat imugang bahagi ng lalawigan ay pangingisda ang ikinabubuhay.

67

Lalawigan ng Quezon

Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ang "Quezon" ay hango sa pangalan ng Pangulong Manuel L. Quezon,

ang ikalawang pangulo ng Republika ng Filipinas. Lungsod Lucena ang kabisera nito. Ang Lungsod Quezon ay hindi matatagpuan sa

Quezon at hindi dapat maipagkamali sa lalawigan ng Quezon. Ang

Lungsod Quezon ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila, na nasa gawing kanluran ng Rehiyon ng CALABARZON, habang ang Quezon

ay nasa silangang bahagi ng CALABARZON.

Ang Bundok Banahaw ang pangunahing atraksiyon ng Quezon. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espiritu at

hiwaga. Maraming mga kulto at deboto ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw.

Ang Quezon ay nasa gawing t imog silangan ng Kalakhang Maynila at

napaliligiran ng Aurora sa hilaga, Bulakan, Rizal, at Laguna; Batangas sa kanluran; at Camarines sa silangan. Ang Quezon ay nakahimlay sa

tangway na naghihiwalay sa Bikol Peninsula na pangunahing bahagi ng Luzon.

Ang Quezon ay nahahati sa 39 munisipalidad at dalawang lungsod.

Kabilang sa mga munisipalidad ng Quezon ang Agdangan, Alabat, At imonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Candelaria, Catanauan,

Dolores, General Luna, General Nakar, Guinayangan, Gumaca,

Infanta,

Pangunahing pagkukuhaan ng produktong niyog ang lalawigang ito

na ginagamit sa mga produkto tulad ng langis ng niyog at copra ang lalawigan ng Quezon. Maraming mga planta ng niyog ang

matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Isa ring pangunahing

bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.

Lalawigan ng Laguna

Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa bahaging CALABARZON sa Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng

pamahalaan nito at matatagpuan sa t imog-silangan ng Kalakhang Maynila, t imog ng lalawigan ng Rizal, kanluran ngQuezon, hilaga

ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng Laguna

angLaguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan ang pangalan nito mula sa Kast ilang salita na lago, na

nangangahulugang lawa.

68

Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang

pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala din sa mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan ng Pila,

Laguna, ang mga inukit na kahoy na nilikha na mga tao saPaete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod

ng Bundok Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 1.2: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa aking Rehiyon

Kasaysayan ng Lalawigan ng Laguna Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa Laguna de Bay,

isang bahagi ng katubigan na bumubuo sa hilagang hangganan ng lalawigan. Ang Laguna de Bay naman, ay isinunod sa pangalan ng

bayan ng Bay.

Si Kapitan Juan de Salcedo kasama ng pulutong ng isang daang

sundalong Kast ilang-Mehikano at ilang bilang ng mga kakamping

Bisaya ay sinakop ang lalawigan at ang mga nakapalibot na bahagi para sa Espanya noong 1571. Noong taong 1578, sinimulang magturo

ng dalawang Pransiskanong mga Paris a mga tao roon.

Taong 1580 nang itatag ang mga bayan ng Bay, Caliraya, Majayjay,

Nagcarlan, Liliw, Pila, Sta.Cruz, Lumban, Pangil ant Siniloan. Sa pamamagitan ng paring si Hernando Cabrera ay naitatag din ang

San Pablo de Montes (ngayon ay San Pablo City)noong 1670 at nagtayo ng simbahang yari sa kahoy at kumbento na it inuturing na

pinakamaganda at pinakapulido sa buong probinsya. Taong 1754

naman nang ang lalawigan ng Laguna at Tayabas ay nahati sa pamamagitan ng I log ng Malinao na naghihiwalay sa bayan ng

Majayjay at Lucban. Naging madugo ang labanan sa pagitan ng

mga Intsik at Espanol noon. Kung kaya’t noong 1840 ay naghimagsik o lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanol. Ipinanganak

naman si Dr. Jose P. Rizal noong taong 1861sa Calamba, Laguna. Ang pang-aalipusta kay Rizal at sa mga magulang nito ay naging daan

upang maghimagsik at sumapi sa Katipunan ang libo-libong

kababayan ni Rizal mula sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Laguna noong 1896.

69

Gawain A

Pangkatang Gawain

I lagay ang sumusunod na mga makasaysayang pangyayari sa

timeline. 1500 1600 1700 1800

1. 1571- Sinakop ni Kapitan Juan de Salcedo kasama ang pulutong ng

isang daang sundalong Kast ilang Mehikano ang lalawigan ng Laguna.

2. 1578-Sinimulang turuan ng dalawang Pransiskanong Pari ang mga tao doon.

3. 1580 - nang itatag ang mga bayan ng Bay, Caliraya, Majayjay, Nagcarlan, Liliw, Pila, Sta.Cruz, Lumban, Pangil ant Siniloan.

4. 1670 – Ang paring si Hernando Cabrera ay naitatag din ang San

Pablo de Montes (ngayon ay San Pablo City) at nagtayo ng

simbahang yari sa kahoy at kumbento na it inuturing na pinakamaganda at pinakapulido sa buong probinsya

5. 1840 - Naging madugo ang labanan sa pagitan ng mga Intsik at

Espanol. Naghimagsik o lumaban ang mga Pilipino laban sa mga

Espanol.

6. 1861- Isinilang Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na

si Jose P. Rizal sa Calamba, Laguna.

7. 1896 - Ang pang-aalipusta kay Rizal at sa mga magulang nito ay naging daan upang maghimagsik at sumapi sa Katipunan ang libo-

libong kababayan ni Rizal mula sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng

Laguna.

1900 2000 1800 1700 1600 1500

Isinilang ang

pambansang bayani

na si Jose P. Rizal

1900 2000

70

Gawain B Pangkatang Gawain

Kasama ng iyong pangkat, pag-aralan ang t imeline ng mga pangyayari sa lalawigan ng Quezon sa rehiyon.

Sagutin ang sumusunod:

a. Batay sa t imeline, sino ang nakatuklas noon sa isang

barangay sa lalawigan ng Quezon? b. Kailan nagkaroon ng isang alkalde ang Tayabas (Quezon na

ngayon)? c. Kailan naging probinsya ang Tayabas?

d. Saan kabilang na Diocess ang Quezon?

e. Kailan naging ganap na lungsod ang bayan ng Tayabas sa Quezon?

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

1990 2012 1600

1700

1570 1580

Natuklasan ni

Father Diego de

oropesa ang isang

katutubong barangay na

tinawag na

Bumaka (Gumaca

ngayon)(1574)

Nanungkulan

si Don Simeon

Alvarez bilang

Alcalde(1625)

Ang pangalang

Tayabas ay

pinalitan ng

Quezon bilang

probinsya (1946)

Naging isang

lungsod ang

bayan ng Tayabas

(2011)

71

Aralin 1.3: Paraan ng Pakikipagtulungan ng mga

Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon Ang pagtutulungan ng mga lalawigan ay mahalaga sa kaunlaran ng

rehiyon ng CALABARZON.

Hindi lahat ng produkto, industriya, hanapbuhay at likas na yaman ay

makikita sa iisang lalawigan lamang. Halimbawa ang lalawigan ng Cavite ay sagana sa yamang dagat ngunit kulang naman sa yamang

mineral. Ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa ibang lalawigan sa pamamagitan ng kalakalan upang matugunan ang

pangangailangan ng bawat isa. Suriin ang mga impormasyon sa

ibaba.

(Bar tsart na nagpapakita ng produksyon at konsumo ng palay ng Calabarzon para sa buwan ng Enero-Marso 2011)

72

Bar tsart na nagpapakita ng iniluwas na palay mula sa Quezon para sa

Enero -Marso 2011)

Mga Yaman sa Cavite

Hanap-buhay Pag-aalaga ng hayop gaya

ng manok, baka, baboy

Industriya

pabrika

Turismo

Likas na Yaman Baybay dagat

Pastulan

Pangunahing Produkto Karne

Saging

Natatanging Atraksyon Industriya ng Turismo

Tagaytay

Mga Yaman sa Batangas

Hanap-buhay Kalakal

Opisina

Industriya

pabrika

Kalakal

Likas na Yaman

Baybay dagat

taniman

Pangunahing Produkto Kape

Langis

Natatanging Atraksyon Industriya ng Turismo

Anilao

73

Gawain A

Malikhaing Pagsasalaysay

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, bigyan ng paliwanag kung paano umaasa ang mga bayan sa mga lalawigan sa rehiyon. Isulat sa

inyong sagutang papel.

Sitwasyon:

Sa lalawigan ng Batangas, ang bayan ng Anilao ay naging puntahan ng maraming turista dahil sa ganda ng ”diving spots” nito.

Dahil sa pagdagsa ng turista, dumami ang mga nanirahan dito. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga naninirahan sa paglikha ng

mga ibat ibnag produkto na kilala sa kniang lugar upang mahalina

ang mga turista.

Ang pagdagsa ng mga tao ay pagdami ng pangangailangan. Una

na dito ang pagkain na mabibili sa lugar dahil wala namang gaanong taniman sa lugar. Nakikipagkalakalan pa ang mga taga

doon sa ibang bayan o sa sentro upang bumili ng mga pangangailangan. Sa karat ig bayan naman ng _____________, ang

pangunahing pangkabuhayan ay ang agrikultura.

Anong pakikipag-ugnayan ang dapat gawin ng taga Anilao at karat ig bayan nito?

Mga Yaman sa Laguna

Hanap-buhay pagmimina

Opisina

Industriya

pabrika

Kalakal

Likas na Yaman

kagubatan

taniman

Pangunahing Produkto Troso

isda

Natatanging Atraksyon Industriya ng Turismo

Bundok ng Makiling

74

Gawain B Pangkatang Gawain

Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may mga sariling pangangailangan. Minsan, hindi lahat ng pangangailangan ay

natutugunan loob ng lalawigan kung hindi sa pakipag-ugnay sa ibang

karat ig lalawigan. Batay sa mga napag-aralan na mga produkto ng iba’t ibang lalawigan ng rehiyon. Magbigay ng 1-3 mungkahi kung

paano matutugunan ng bawat lalawigan ang kanilang

pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa karat ig na lalawigan. Saan saan sila makikipag-ugnayan?

Pangkat I - Kakulangan sa Prutas.

Pangkat I I - Kakulangan sa Yamang Dagat.

Pangkat I I I - Kakulangan sa Gulay. Pangkat IV - Kakulangan sa Bigas.

Gawain C Indibiduwal na Gawain

Nagmungkahi ang Pamahalaang Nasyonal na pag-ibayuhin ang mga

natatanging produkto ng lahat ng lalawigan ng bansa. Bukod pa dito, ang layunin ng proyekto ay upang bigyan ng sapat na

kita ang mga lalawigan sa bawat produkto. Inatasan nito ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilunsad ang ”One Town,

One Product” Project. Sa proyektong ito, hinihikyat ang bawat

lalawigan na ipakita (advertise) ang kanilang produkto sa mga ”trade and expo shows” o sa mga piling lugar ng bansa. Magagawa lamang

ito kapag hindi magdodoble ang mga produktong ginawa ng bawat lalawigan. Kapag magkakaiba ang mga produkto, hindi

magkakaroon ng kompetisyon ang mga lalawigan sa gagamit ng

kanilang produkto, kaya mas magiging malaki ang kita ng mga lalawigan. Isa pang dahilan sa pagkakaroon nito ay upang mahimok

ang mga lalawigan na makipag-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan

ng kalakal. Kung tutuusin hindi lahat ng kapaligiran ay pare pareho. May mga produkto na angkop sa klase ng kapaligiran. Kaya ninanais

ng pamahalaan na mapadali ang produksyon ng mga tao sa pamamagitan ng pagpili ng produktong madaling pagyabungin sa

kapaligiran. Dahil nagkaroon ng mga sari-sariling produkto,

nangangailangan na ang mga lalawigan ay mas makikipag-ugnay sa iba sa pagtugon ng pangangailangan nito.

75

Sagutin ang mga tanong tungkol sa talata.

1. Ano ang paraan ng pakikipagtutulungang ipinakita sa sanaysay?

2. Ano ang ginagampanan ng pamahalaan upang matulungan ang mga lalawigan?

Aralin 2: Mga Pagbabago at Pagpapatuloy ng Aking Lalawigan at Kinabibilangang Rehiyon

Sa bawat paglipas ng panahon ay kasabay ang mga kaganapan o

pangyayari sa isang lugar. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring nagdulot ng pagbabago sa kasaysayan. Ang bunga ng mga

pagbabago, mabuti man o hindi, ay mag-iiwanng alaala sa isipan ng

bawat mamamayan.

1. Sa mga Istruktura at kapaligiran

Yari sa iba’t ibang uri ang mga ist ruktura at gusali sa mga

lalawigan. Mayroong gawa sa kawayan at mayroon namang gawa sa semento. Ang karamihan sa mga gusali ay hanggang

unang palapag lamang ngunit sa pagdaan ng panahon,

marami sa mga gusali ang nagkakaroon na ng maraming palapag. Maging ang mga uri ng materyal sa mga kabahayan

ay nagbabago rin. Ano ang mga nakikita ninyong pagbabago sa mga gusali, lansangan at ist ruktura sa inyong lalawigan? May

mga nakikita ba kayong t ila hindi nagbago? Maaaring ang

mga gusaling ito ang narinig ninyo sa inyong magulang subalit ganoon pa rin ang itsura sa nakalipas na ilang taon.

2. Populasyon at mga tao

Pansinin ninyo ang mga tao sa inyong paligid sa t uwing kayo ay namamasyal. Nakilala pa ba ninyo ang inyong mga

nakakasalubong? Ano ang napapansin ninyo sa dami ng mga

tao sa inyong lalawigan? Nakarinig ba kayo sa matatanda, “Ay sila ba iyong mga dumayo dito sa at in?” Bakit kaya dumarayo

ang mga tao sa iba’t ibang lalawigan at nanatili doon? Ano ang epekto nito sa inyong lalawigan?

76

3. Sa mga Libangan

Kung tatanungin ninyo ang inyong mga magulang kung saan

ang kanilang pook pasyalan noon, sigurado na may babangit in silang lugar. Nakikita pa ba ito ngayon sa inyong lalawigan?

Ano kaya ang bagong bukas na pasyalan ng mga tao? Napag-

alaman ba ninyo kung noon ay mayroong pasyalan na ganito? Ang mga sinehan kaya, may mga pagbabago rin ba? Alin

naman sa mga libangan ang patuloy pa rin na ginagawa ng

mga taga-lalawigan ninyo?

Noong hindi pa masyado marami ang napapanood sa telebisyon, sinabing ang karaniwang libangan ng mga bata ay

ang paglalaro ng pisikal kagaya ng takbuhan at taguan. Sa

ngayon marami na ang mga laruang teknolohiya at maging ang mapapanood sa telebisyon. Kung kaya’t maraming

kabataan ang nahihilig sa mga ganitong klaseng laro. Ikaw, alin ang mas gusto mo, ang makipaglaro sa labas kasama ang

ibang bata o manatili sa bahay at manood ng

telebisyon/maglaro sa kompyuter? Bakit?

4. Sa mga Gawain

Sa at ing bansa, ang mga tao ay maraming nagiging gawain sa

iba’t ibang pagkakataon, may okasyon man o wala. Halimbawa, marami pa rin ang sama-samang mag-anak na

nagsisimba sa kani-kanilang simbahan sa tagdang araw ayon sa

kanilang pananampalataya. Para sa mga Katoliko, ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing lingo. Sa ibang rehiyon naman,

sama sama pa rin ang mga mag-anak sa pagluluto, pag-igib, pagsasaka at pag-aani ngunit sa ibang araw naman. Isa pang

gawain ng pamilya ay ang pagsalubong ng bagong taon sa

kani-kanilang bahay. Ngunit sa mga nakaraang taon, may mga pamilya na ring mas pinipili ang magpalipas ng bagong taon sa

mga pook pasyalan. Saan man sila magpalipas ng naturang

okasyon, sama-sama pa rin ang pamilya sa pagdiriwang nito. May mga alam pa ba kayong mga gawain ng pamilya na

sama sama pa rin nilang ginagawa? May pagbabago ba sa gawain na ganito ng pamilya? Ano ano ang mga ito?

77

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 3: Mga Kuwento ng Kasaysayan at mga Makasaysayang Pook sa Aking Lalawigan at Rehiyon

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari

sa Lalawigan ng Cavite

Bago sumiklab ang himagsikan ng 1896, ang mga taga lalawigan ng

Cavite ay akt ibo sa pag-oorganisa ng Katipunan. Ang malawak na kilusan ay nahati sa dalawang pangkat sa Cavite, ang pangkat ng

mga Magdalo sa Kawit at pali-paligid na pinamunuan ni Don Baldomero Aguinaldo, at ang isa pang pangkat, ang mga

Magdiwang sa bandang Noveleta na pinamunuan ni Mariano Alvarez.

Sa Noveleta, ang mga naghihimagsik na pinamunuan ni Artemio

Ricarte ay nakakuha ng mga sandata mula sa mga Español. Ito ang ginamit upang talunin ang mga sandatahan ni General Ramon Blanco

noong Nobyembre 9, 1896.

Sa Kawit naman, nabawi ng mga sundalong Español ang imbakan ng

pulbura ng Binakayan ngunit pagkaraan ng ilang araw, nilusob muli at

nagapi sila ng mga katipunero noong Nobyembre 11, 1896, sa pamumuno ni Candido Tirona, na napatay sa labanan, at ni Emilio

Aguinaldo, ang alcalde ng kabayanan ng Kawit.

Nagpulong ang mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa hacienda

ng Tejeros nuong Marso 12,1897. Nanguna si Andres Bonifacio. Si Emilio Aguinaldo ang nahalal na pangulo at si Mariano

Trias ang nagwaging pangalawang pangulo. Si Andres Bonifacio ang pangatlong pinuno, at direkt or ng kagawarang panloob ngunit nilibak

siya ng ilang kasapi sa pulong dahil wala siyang pinag-aralan.

Noong Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang Kalayaan ng

Pilipinas sa Kawit, Cavite, at nagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas

sa ilalim ng unang Demokratikong Konst itusyon ng Asya.

78

I lan lamang ito sa mga makasaysayang pook at pangyayari na

naganap sa lalawigang ito.

Gawain A Pangkatang Gawain: Hahatiin ang klase sa limang pangkat upang

isadula ang makasaysayang pangyayaring naganap sa lalawigan ng

Cavite.

Gawain B Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa iyong

lalawigan. Ipakita ito sa pamamagitan ng dula-dulaan o iba pang malikhaing paraan.

Pangkat 1 Ang pagkakahati ng Katipunan sa

dalawang pangkat

Pangkat 2 Paghihimagsik na pinamunuan ni Artemio

Ricarte.

Pangkat 3 Pagkakabawi ng mga sundalong Español sa

imbakan ng pulbura ng Binakayan.

Pangkat 4 Pagpupulong ng mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa hacienda ng Tejeros nuong

Marso 12, 1897.

Pangkat 5 Pagpapahayag ni Aguinaldo sa Kalayaan

ng Pilipinas sa Kawit.

79

Gawain C Gumawa ng pagsasadula ng makasaysayang pagpapahayag ni Aguinaldo sa Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit.

Aralin 4: Mga Natatanging Simbolo at Sagisag ng Aking Lalawigan

Ano kaya ang ipinapakita ng sagisag ng lalawigan?

Narito ang opisyal na simbolo ng Lalawigan ng

Cavite. Makikita ang mahahalagang kasaysayan

ng lalawigan sa sagisag na ito. May tat long bahagi ang simbolo. Pansinin at ilarawan ang bawat isa.

Ang unang bahagi ay

nagpapakita ng isang lalaking magsasaka. Ano ang ipinahihiwatig

nito? Anong kaugnayan nito sa kasaysayan ng lungsod?

Ang ikalawang larawan ay tumutukoy sa araw.

Bakit kaya nasa simbolo ang araw na ito?

Ang huling larawan y tumutukoy sa isang

mangingisda. Ano ang masasabi mo sa

kahulugan nito?

80

Alamin kung ano ang mga kahulugan ng bawat larawan sa opisyal na

simbolo ng Lalawigan ng Cavite.

Gawain A Think-Pair-Share

Isulat ang sarili mong kahulugan sa mga simbolong makikita sa opisyal

na simbolo nag iyong lalawigan. Paghambingin ang iyong kahulugan

sa mga kahulugan na ibinigay ng iyong mga kaklase. .

Sinisimbolo nito ang

pagsasaka na isa sa pangunahing

hanapbuhay ng

lalawigan.

Sinisimbolo nito ang araw

na makikita sa watawat ng Pilipinas dahil ang Cavite

ay isa sa walong lalawigan na naghimagsik laban sa

mga Kast ila.

Sinisimbolo nito ang pangingisda na isa sa

pangunahing

hanapbuhay dahil sa mga dagat na nakapaligid dito

81

Gawain B Pangkatang Gawain

Talakayin ng bawat pangkat ang mga larawan ng opisyal simbolo ng

lalawigan. Isulat ang lahat ng alam ninyong mga pagdiriwang,

paniniwala, t radisyon, kasaysayan, mga produkto, pagkain, gusali at disenyo ng bahay na patungkol sa bawat larawan.

82

(Halimbawa) (Magsasaka, pangunahing

hanapbuhay dito.)

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 5 : Ilang simbolo at sagisag na nagpapakilala sa

iba’t ibang lalawigan sa rehiyon

Nais mo bang malaman ang iba’t ibang simbolo at sagisag ng mga

lalawigan sa isang rehiyon? Narito ang larawan ng simbolo at sagisag ng mga lalawigan sa rehiyon IV-Calabarzon. Pagmasdan mo ang

mga ito at kilalanin. Ganito rin ang gagawin nating pagkilala sa mga

karat ig lalawigan sa at ing rehiyon.

83

Ano ano ang mga katangian ng bawat lalawigan sa at ing rehiyon? Ano ano ang mga nakikitang larawan sa bawat simbolo ng

lalawigan? Alamin natin ang bawat isa.

Pagmasdan mo ang mga

larawan sa opisyal na simbolo ng Cavite. Bakit kaya ang bandila

ng bansa ang malaking bahagi

ng simbolo? Ano ang pinapakita na katangian ng mga Kabitenyo

ang kanilang simbolo?

Ano ang pinapakita ng simbolo ng Laguna? Anong

katangian ng lalawigan na

ipinapakita ng kanilang simbolo?

Paano naiiba ang simbolo

ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng Cavite?

84

Paano naiiba ang simbolo ng lalawigan

ng Quezon sa lalawigan ng Laguna? Tingnan ang mga opisyal na simbolo ng

mga karat ig lalawigan sa inyong rehiyon.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 6.1: Kahulugan ng Opisyal na Himno ng

Kinabibilangang Lalawigan

Nakarining ka na ba ng ng awit tungkol sa iyong lalawigan?

Paano inilalarawan ng awit na ito ang iyong lalawigan?

Karamihan sa mga lalawigan ay may sariling opisyal na awit in.

Sinusulat ito upang pukawin ang damdaminsa kagandahan ng kanilang lalawigan. Ang ibang awit ay nag-uudyok na mahalin nila

ang kanilang mga lalawigan upang mas lalo ito umunlad. Kagaya ng

karaniwang awit sa radyo, ang mga opisyal na awit ay madaling sabayan at maint indihan upang matandaan ng lahat ng mga taga-

lalawigan. Ngunit , hindi rin ito kagaya ng karaniwang awit dahil ginagamit lamang ito sa pagdiriwang na kalalahukan ng buong

lalawigan o hindi kaya sa mga mahalagang okasyon ng lalawigan.

Mahalagang awit in ito nang may paggalang at pagpapahalaga.

Subukin nating pag-aralan ang awit in ng isang lalawigan. Magkapareho ba ang mensahe ng opisyal na awit in na ito sa inyong

lalawigan?

85

Himno ng Cavite (Titik at musika ni George P. Canseco, anak ng Naic at apo

ng dakilang makata, mamamahayag at bayaning si

Pascual Poblete)

Bayang Cavite aking mahal

Laging patnubay ng Maykapal

Sa yakap mo ay langit ang buhay at laging makulay

May isang siglo nang nagdaan

Bayan mong Kawit ang kung saan

ay isinilang ang kalayaan ang lahat ay nagdiwang

Cavite, Cavite

Lagi ka sa puso ko

Cavite, Cavite Buhay koy handog sa’yo

Kung maaapi lakas koy laan

Ang maglingkod sayo’y kalayaan

Cavite, Cavite Ang lalawigan kong mahal

Mahal kita Cavite

Tangi lang saMaykapal

Himno ng Laguna

Laguna, O Laguna Lalawigang marangal

Tanging pinagpala

ng butihing bathala

Supling mo ang napili

na bayani ng lahi Kapurihan at dangal

Ng liping kayumanggi

Laguna ang iyong pangalan

Sagisag ng kagit ingan Sa lawa mo’t kaparangan

Mga bayani’y nahimlay

Kadluan ng mithing pangarap

Sa bukirin, bundok mo’t gubat

Ikaw, Laguna ang buhay at tanging patnubay

86

HIMNO NG RIZAL

Lalawigan kang tanging-tangi Mahal nmin magpakailanman

*Rizal, Rizal Mabuhay

pangunahin kang lalawigan

sa kultura’t kabuhayan pinagpala ng Maykapal

Buhay nami’y nakalaan maglingkod sa Inang Bayan

lalawigan kong tanging-tangi mahal naming magpakailanman

Ang lahat ng Rizaleno’y masisikap puso’t diwa sa Diyos, bayan at

kapwa mapalad kami na taga Rizal

sa pamumuno ng mga taong

may dangal

(Uit in ang *)

Lalawigan kong tanging-tangi

Mahal naming magpakailanman

Lalawigan ng Quezon Lalawigan…Lalawigan ng Quezon

Ang bayan kong _____________ay tunay kong minamahal

Ang bayan kong t inubuan dapat

nating _______________ _____________at maligaya,

mahirap man o dukha

Sagana sa lahat ng bagay, sa __________at kabundukan

Ito ang aming lalawigan, Pinagpala ng Maykapal

Ang buhay ay _____________, sa

lahat ng dako, Sa lahat ng nayon, Lalawigan ng

Quezon Lalawigan ng Quezon, ay aming

t inatanghal

Lalawigan ng Quezon, ay aming minamahal.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

87

Gawain C Pangkatang Gawain

Ipakita sa pamamagitan ng “interpretative singing & dancing” ang

pag-aawit ng opisyal na himno.

Awit in nang may damdamin at buong pagmamalaki ang opisyal na himno ng iyong lalawigan.

Sanggunian: Himno ng Rizal

http://www.youtube.com/watch?v=xBenbEdoIo0 Himno ng Batangas

http://www.youtube.com/watch?v=HsOd1FL9CrU

Himno ng Laguna http://www.youtube.com/watch?v=KVFIo2j0UOI

Himno ng Cavite

Aralin 6.2: Iba pang Sining na nagpapakilala ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Ang Rehiyon IV-A o Calabarzon, maliban sa opisyal na himno, ay mayroong iba’t ibang sining na pagkakakilanlan ng mga lalawigan.

Basahin mo at kilalanin ang sining at pagdiriwang sa rehiyong Katagalugan.

Ang sayaw na La Estudiyantina ay karaniwang

sinasayaw ng mga kababaihang may hawak na

aklat o abaniko, mga bagay na

kalimitang ginagamit ng mga kababaihang estudyante. Isang

sikat na bersyon ng sayaw na ito

ay nagmula sa Atimonan, Quezon.

Ang Pahiyas ay ang

pinakatanyag na

pagdiriwang sa Quezon. Ang mga bahay ay pinupuno ng palamuting kiping. Ang mga kiping ay

88

manipis na biskwit na gawa sa bigas na kinukulayan at isinasabit sa

mga bahay. Ang Pahiyas ay isang pagdiriwang para sa patron ng Lucban na si San Isidro Labrador. Nagkakaroon ng parada at prusisyon

sa buong bayan ng Lucban kung saan lahat ay nakikilahok. Ang lalawigan ng Quezon ay naging tanyag sa mga lokal at dayuhang

turista dahil sa pinagdiriwang ang Pahiyas. Ito ay ginaganap tuwing

Mayo15.

Pahiyas Lucban Minor Basilica ni San Miguel Arkanghel

Ang Minor Basilica ni San Miguel Arkanghel ay isang basilica ng

Romano Katoliko na matatagpuan sa Tayabas, Quezon. Ito ang

pinakamalaking simbahang Katoliko sa lalawigan ng Quezon. Kilala sa kanyang hugis susi kaya t inatawag nila ang simbahang ito na

Susi ng Tayabas. Madalas ding dinarayo ng mga turista ang simbahang ito dahil sa kahanga-hangang disenyo at pinta na

matatagpuan sa mga kisame ng simbahan. Makikita ang malalim na

impluwensya ng Kristyanismo sa mga taga-Quezon sa pagpapahalagang nakikita sa debosyon ng mga ito sa kanilang

pananapalataya. Ang Pahiyas Fest ival ay isang halimbawa ng pagpapakita ng debosyon na ito sa kanilang Patron na si San Isidro

Labrador.

Samantala, ang karat ig-

rehiyon, ang Region IV-B o

MIMAROPA ay mayroon ding mga natatanging sining.

Tingnan ang larawan sa ibaba.

Mazurka Mindoreña

Ang sayaw na ito ay isa sa makabagong sayaw na

89

t radisyonal sa pagsayaw ng ballroom. Nagsimula ito panahon pa ng

ika-16 na siglo sa panahon ng Espanyol sa lalawigan ng Mindoro.Si Don Antonio Luna ang it inuturing na pinakamagaling sa pagsasayaw

ng Mazurka sa kanyang kapanahunan. Siya din ang nagpalaganap ng sayaw na ito sa kapuluan ng Mindoro.

Moriones Fest ival ang tawag sa pagdiriwang sa Marinduque . Ito ay isinasagawa tuwing mahal na araw. Ang Morion ay

nangangahulugang “maskara”sa parte ng amor ng Romano na

ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal .Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak na nagmamartsa

paikot sa bayan sa loob ng pitong araw.Nagsisimula ito tuwing Lunes Santo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.

Moriones Fest ival Simbahang Bato

Ang Simbahanng Bato ay matatagpuan sa Bancurro, Naujan.

Ito ay it inatag noong ika-17 siglo ng mga paring Agust ino nang sila ay magtayo ng kanilang panahanan sa nasabing lugar upang himukin

ang mga Pilipino sa Katolisismo. Ang dingding nito ay pawing mga

baton na siyang nagsisilbing bahay dalanginan at kanlungan ng mga tumatakas laban sa mga mananakop na Moro. Dinarayo ito ng mga

turista hanggang sa kasalukuyan sapagkat makikita pa rin ang orihinal

na dingding na yari sa bato.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

90

Aralin 7.1: Mga Bayani ng Sariling Lalawigan at Rehiyon Kilalanin ang mga bayani ng iyong lalawigan. Alamin kung ano ang

naging bahagi nila sa pagbabago o pag-unlad ng lalawigan at rehiyon.

Si Apolinario Mabini ang t inaguriang

“dakilang paralit iko” na nagmula sa

lalawigan ng Batangas. Bata palang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Sa

kabila ng kanyang kapansanan at dahil sa pag-ibig sa bayan, ginamit niya ang

angking talino upang gisingin ang

damdamin ng mga Pilipino na lumaban sa mga dayuhan.

Siya naman si Julian Felipe ipinanganak sa lalawigan ng Cavite.

Ang kanyang taglay na galing sa

larangan ng musika ay nagbigay daan naman sa pagbubuklod ng

damdamin ng mga Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga

komposisyon na punong puno ng

pag-ibig sa bayan. Isang halimbawa ay ang kanyang komposisyon na

“Marcha Nacional Filipina” o ang

“Lupang Hinirang”, ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Siya si Heneral Vicente Lim mula sa

Laguna. Siya ay nagbuwis ng buhay dahil sa kanyang matibay na

paninindigan sa kanyang tungkulin at

pagkamakabansa. Sa panahon ng kanyang panunungkulan ay t inanggap niya ang lahat ng

pagpapakasakit alang-alang sa bayan.

91

Sila ay kabilang sa mga t inaguriang bayani ng at ing bansa na

nagmula sa Calabarzon. Maaari din nating tawagin na isang bayani ang mga taong naglaan ng kanilang panahon, sarili, talino o talento,

at mga pagpupunyagi upang makaambag ng malaki sa kaunlaran ng isang lugar. Bayani ring maituturing ang mga taong nagbigay ng

karangalan na naging daan sa pagbabago at pag-unlad ng isang

lugar. Ang mga taong handang magsakripisyo upang makat ulong sa kapwa ay dapat din nating kilalanin bilang isang bayani. Kahit hindi

sila nagbuwis ng buhay, ang kanilang mga nagawa para sa bayan ay

maituturing rin na kabayanihan.

Gawain A Punan ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang hinihinging

impormasyon sa bawat kolum. Sundan ang ibinigay na halimbawa.

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain Csagutin ang nasa LM

Aralin 7.2: Pagpapahalaga sa mga Bayani ng Lalawigan at Rehiyon

Bayani ng

Lalawigan

Katangiang

ipinamalas

Ginawa para

sa bayan

Paraan ng

pagpapakilala

Gat.

Uban

katapangan Nagtanggol sa

bayan

Pinagawan ng

bantayog o rebulto

92

Ang mga bayani ng at ing bansa ay

nagmula sa iba't ibang lugar. Ang ilan sa kanila ay maaaring nagmula sa at ing

lalawigan/rehiyon. Iba-iba ang dahilan kung bakit sila it inanghal na bayani,

ngunit iisa ang kanilang naging adhikain.

Ito ay dahil sa pagtatanggol ng at ing bansa mula sa mga dayuhan.

Sa at ing lalawigan/rehiyon ay mayroon ding mga tao na kinikilala kahit sa simpleng kabayanihan. Ginugugol nila ang kanilang panahon

sa paglilingkod sa mga kababayan at paglilingkod sa Diyos. Ang kanilang prinsipyo at layunin ang nagiging sandigan nila upang

makapagsilbi sa bayan. Kadalasan bilang pagkilala at pagpupugay

sa kanilang bantayog upang ang kaniyang ala-ala ay magpatuloy sa mga susunod pang henerasyon. Minsan naman ay ginugunita ang

araw ng kanilang kamatayan upang sariwain at muling balikan ang kabayanihan na kanilang nagawa. Sa mga simpleng programa ay

naipagmamalaki ang kanilang kontribusyon sa bayan kabilang dito

ang pag-aalay ng mga bulaklak sa kanilang bantayog bilang pagpapasalamat sa kanilang kadakilaan nila at mga pagpupunyagi.

Kilalanin mo si Eulogio “Amang” Rodriguez, tubong Rizal, na sumunod kay

Pangulong Manuel Luis M. Quezon bilang may pinakamahabang panahon ng

panunungkulan sa pagiging pangulo ng

senado. Lagi niyang sinusuportahan ang mga panukalang batas para sa pag-angat at

ikabubuti ng mga pangkaraniwang mamamayan. Isinunod sa kanyang pangalan ang isang paaralan sa

Maynila, ang Eulogio Amang Rodriguez Inst itute of Science and

Technology (EARIST).

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Saguting ang nasa LM

Aralin 7.3: Paglikha ng Anumang Sining Tungkol sa Bayani

ng Lalawigan o Rehiyon na nais Tularan

93

Nakilala natin sa at ing unang aralin ang mga bayani na kinilala sa

at ing rehiyon. I lan sa kanila ay sina Apolinario Mabini na ipinanganak sa Batangas, si Julian Felipe na mula sa Cavite, at si Hen. Vicente Lim

ng Laguna, Sa lalawigan ng Quezon, dalawa sa mga kinilalang bayani ay sina Manuel Quezon at Apolinario dela Cruz. Bagaman si

Quezon ay ipinanganak sa Batangas, ang taga Quezon mismo ang

kumikilala sa kanyang ambag sa pagpapaunlad hindi lamang ng bansa kung hindi ang kanyang kontribusyon sa lalawigan na

ipinangalan sa kanya. Maliban sa pagiging pangulo ng Komonwelt,

kinilala si Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa” dahil sa napakahalaga niyang ginawa upang magkaroon tayo ng isang

pambansang wikang magamit upang ang lahat ng Pilipino ay lubos na magkaunawaan. Kilala naman sa tawag na “Hermano Pule” si

Apolinario dela Cruz na nagbuwis ng kanyang buhay sa panahon ng

mga Kast ila dahil sa relihiyosong gawain o gawaing ispirituwal.

Bayani silang maituturing kaya naman ganun na lamang sila itanghal at pahalagahan ng mga mamayaman sa kanilang lalawigan. Ang

pangalan ng lalawigan ng Quezon ay isinunod kay Manuel Quezon.

May mga rebulto na ring it inayo bilang parangal sa kanila. Ang buhay naman ni Hermano Pule ay isinadula na rin sa teatro. Maaari din

nating tawagin na isang bayani ang mga taong naglaan ng kanilang

panahon, sarili, talino o talento, at mga pagpupunyagi upang makaambag ng malaki sa kaunlaran ng isang lugar. Kahit hindi sila

nagbuwis ng buhay, ang kanilang mga nagawa para sa bayan ay maituturing rin na kabayanihan at sa simpleng paraan ay maari natin

silang bigyang-parangal. Di man kayo makgawa ng rebulto o

makpagsadula ng buhay nila sa teatro, maari mo silang parangalan sa pamamagitan ng mga iba’t -ibang likhang sining tulad na tula, awit,

poster, at simpleng dula-dulaan. Sa simple mong paraan mga bayani nati’y kaya mong parangalan.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 8: Ako at ang Kuwento ng mga Lalawigan Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

94

Ang Pagkakakilanlang Kultural

Ng Kinabibilangang Rehiyon

YUNIT III

95

Aralin 1: Ano ang Kultura?

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-B.

Gawain C

Punan ng tamang impormasyon ang “cultural map” ng Rehiyon IV-A

sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Wika:

________ Pagdiriwang:

____________

Paniniwala: ____________

_ Pagkain:

____________

_

Wika:

________ Pagdiriwang:

____________

Paniniwala: ____________

_ Pagkain:

____________

_

Wika:

________ Pagdiriwang:

____________

Paniniwala: ____________

_ Pagkain:

____________

_

Wika:

________ Pagdiriwang:

____________

Paniniwala: ____________

_ Pagkain:

____________

_

Wika:

________ Pagdiriwang:

____________

Paniniwala: ____________

_ Pagkain:

____________

_

96

Aralin 2: Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog

ng Pamumuhay sa isang Lugar

Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay ng mga tao. May impluwensya ang mga ito sa mga produktong

ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim at maging sa pagluluto ng

pagkain, mga pananamit, uri ng bahay at sa pagpili ng mga tao ng kanilang trabaho. Sa mga taong nakatira sa mga lugar na urban,

maaring ang kanilang mga trabaho ay pabrika o opisina. Sa kabilang

banda, maaring ang karamihan ng trabaho sa mga lugar na rural naman ay may kinalaman sa agrikultura at palaisdaan. Isang

magandang halimbawa nito ay ang kaibahan ng lugar na urban kagaya ng Kalakhang Maynila at nang lugar na rural kagaya ng mga

lalawigang ng Laguna, Batangas at Quezon. Sapagkat marami ang

naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo na pamumuhay ng mga

naninirahan dito. Halos lahat ng punong tanggapan ng iba’t ibang pribado at pangpamahalaan, pati na ang mga pamantasan ay

makikita sa Kalakhang Maynila, kung kaya marami ang mga t ingiang

t indahan na nagdudulot ng trabaho kagaya ng “sales lady” at “utility workers”. Sa kabilang banda naman, sa ibang bayan sa mga

Lalawigan ng Quezon, Batangas at Laguna, kung saan hindi kasing

dami ang populasyon sa Maynila, kaunti lamang ang malalaking t ingiang t indahan na karaniwang makikita sa Maynila.

Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensya din ang uri ng pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito. Isang

halimbawa ay ang kaibahan ng uri ng produkto ng mga taga Bulacan

o Nueva Ecija at ng Cavite o Batangas. Natalakay na sa rehiyon ng Gitnang Luzon nanggaling ang karamihan sa mga palay ng buong

Luzon, maging sa Visayas. Naangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay at ibang pang produktong pananim. Sa kabilang banda

naman, maburol ang malaking bahagi ng Cavite papuntang

Batangas kung kaya’t pagpapastol naman ang naging produkto ng mga taga dito. Sa Batangas nagagaling ang malaking bahagi ng it log

dahil sa mga it inatayong manukan dito.

Ang klima ay isang mahalagang salik sa pamumuhay. I to ay may kinalaman sa mga produktong nagmumula sa iba’t ibang

lalwigan. Abaka, niyog at palay ang karaniwang pananim at pinagkakakitaan sa Bicol dahil mahaba at halos buong taon ang tag-

araw dito. Tubo at niyog naman ang angkop sa lugar na ang klima ay

higit na maulan kaysa maaraw tulad ng Batangas. Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita ng mga

97

mangingisda sa mga baybayin sa mga lalawigang Quezon at

Batangas. Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin. Hindi rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit

pinaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba, nagpapawid at iba pang

maaari nilang pagkakitaan.

Hindi lamang mga pananim at pinagkakakitaan ang nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang klima. Sa

lugar na malamig tulad ng Lucban, Quezon at Tagaytay, ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit upang hindi ginawin.

Manipis at maluwang naman sa katawan ang kasuotan ng mga nasa maiinit na lugar tulad ibang lugar sa Rizal, Batangas at Quezon lalo na

kung nasa buwan ng Marso hanggang Mayo.

Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay laging dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes,ibayong paghahanda ang

kanilang ginagawa. Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay karaniwang mababa at yari sa bato at kogon. Bangkang-bahay

naman ang t irahan ng mga Samal at Badjao. Ito ang angkop sa

kanilang lugar. Dahil dito, masasabing nakakaimpluwensiya ang lokasyon at klima ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa

isang lugar.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Palitan ng larawan ng anyong lupa o anyong tubig na

nakikita sa sariling lalawigan

Aralin 3.1: Ang Kultura ng Aming Lalawigan

Bago pa dumating ang Kast ila, ang mga Tagalog ay may

maituturing na mayamang kultura. Sinasabing ang karamihan sa

kultura ng mga Tagalog ay umiikot sa katubigan kagaya ng mga ilog at sapa. Nakikita ito sa mismong salitang “tagalog” na pinagdugtog

na salitang “taga” “ilog” na ang ibig sabihin ay nagmula sa ilog. Mula sa mga “wawa” ng mga ilog umusbong ang kalakal ng mga Tagalog.

Maraming kultura ang Tagalog. Bawat lalawigan ay nakilala dahil sa

mga natatanging kultura. Ito ay nagbigay daan upang mabigyan ng sapat na pagkakakilanlan ang bawat lalawigan sa rehiyon.

Sa Lalawigan ng Cavite Ang lalawigan ng Cavite ay isang lugar na mayaman sa

kasaysayan dahil dito nagmula ang kauna-unahang pangulo ng

98

Pilipinas na Si Emilio Aguinaldo. Nagtala ito sa Pilipinas ng mga

makasaysayang pangyayari lalo na noong panahon ng pananakop ng mga Kast ila. Nakilala ng Cavite sa kanilang produktong pinya,

saging at avocado na talaga namang dinadayo ng mga turista. Ang Cavite ay mayaman sa tradisyon at paniniwala. Nakilala

ang lugar na ito dahi sa debosyon ng mga Katoliko sa mga santo at

santa.

Ang Reyna ng Cavite

Isa sa mga mahalagang pagdiriwang ng mga kabitenyo ay ang kapistahan ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga o mas

kilala sa tawag na La Virgen De La Soledad de Porta Vaga. Ang mahal

birhen ay ang t inuturing na Reyna ng buong Lalawigan ng Cavite. Pinagdiriwang ito tuwing ikalawa at ikat long linggo ng Nobyembre.

Kilala ang imahe na palaging nakaluhod at sa pagkakaroon ng espesyal na suot na kulay it im at put i. Pinaniniwalaan na ang imaheng

ito ay mapaghimala kung kaya't t inawag itong " Birheng may libong

Milagro". Isa na rito ang pangyayari noong 1830. Nasunog ang kapilya dahil ito ay t inamaan ng kidlat. Naabo ang buong kapilya ngunit ang

imahe ay natagpuan na walang galos o sira sa mga bahagi nito. Ang

debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang

Katolika sa Pilipinas.

99

(Para sa Ibang paniniwala at t radisyon sa lalawigan ng Cavit e,

maaring gamit in ng guro ang ibang kapist ahan) 1. San Agust in de Tanza

http://sanagustindetanza.weebly.com/alamat-ng-imahen-ni-san-

agustin.html

Sa Lalawigan ng Laguna Ang lalawigan ng Laguna ang pinagmulan ng at ing

pambasang bayani na si Jose Rizal. Bukod sa pagiging isa sa pinakamakasaysayang pook ng lalawigan ng Laguna. Ito ay

t inatawag din na lugar na may mga makulay at malikhaing

pagdiriwang. Isa na dito ang t inatawag na;

Liliw Gat Tayaw Tsinelas Mula sa maliit na bayan ng Liliw, Laguna ay umusbong ang mga

makukulay na tsinelas na malikhaing t inabas at pinaganda. Dahil

lumago at naging mas kaaya-aya ang mga tsinelas dito. Ang munting bayan ay t inawag na Footwear Capital ng Laguna. Tuwing huling

linggo ng Abril, ay ginaganap ang makulay na pagdiwang mga

tsinelas o mas kilala sa tawag na Liliw Gat Tayaw Tsinelas. Sa pagdiriwang na ito, mas pinapakita ng mga taga-Liliw ang kanilang

galing at husay sa paggawa ng kakaiba at matibay na tsinelas. Naging kilala ang pagdiriwang na ito noong taong 2002 at

hanggang ngayon ay patuoy na dinarayo ng mga Pilipino at turista sa

iba’t ibang panig ng bansa.

Bangkero Festival

100

Ang mga Lagunahin ay may isang maipagmamalaking

kakayahan. Ito ay ang kakaibang uri ng pamamangka sa ilog. Ang mamangka sa batuhan, sa ibabaw ng bakal at ang pagsuong laban

sa agos ng ilog papuntang Pagsanjan Falls sa Pagsanjan, Laguna. Ang tawag sa kanila ay bangkero. Sa kabila ng malakas na agos ng ilog

dito, dinadala ng mga bangkero ang mga turista sa mismong kagila-

gilalas na talon ng Pagsanjan. Sila ang nagsisilbing gabay at nagdadala sa mga turista at namamasyal sa sikat na talon.

Ang Bangkero Festival ay isang masayang kapistahan na

ginagwa tuwing ikalawang linggo ng Marso bilang parangal sa mga bangkero na nagsumikap upang makilala at matanyag ang kahanga-

hangang tanawing ito sa Pagsanjan. Ang kapistahang ito ay

kinatatampukan ng mga nabihisan at nagayakang mga bangka at karosa na ipinaparada sa liwasang bayan.

101

Bukod sa pag-aangkat ng palay, ang lalawigan ng Laguna ay

nakilala sa kanilang produktong lilok na matatagpuan sa Paete, Laguna. Bantog din sa lugar na ito ang masarap na lambanog na

nagmula sa puno ng niyog at ginagawang inumin ng mga tao.

Sa Lalawigan ng Batangas Sa mga lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, ang lalawigan ng Batangas ang may natatangi at kakaibang kultura. Tagalog ang

wika ng mga Batangueño, ngunit ang paraan ng pagsasalita nila ay

may mariing punto. Kilala sila pagdaragdag ng salitang “eh” at “ga” sa pakikipagusap. Halimbawa ang salitang “Ano ba yun?” ay

magiging “Ano ga un?” at “Ay oo nga!” ay magiging “Ay, ala oo eh!” naman.

May pamamaraan ang mga Batangueño na t inatawag na

“Matanda sa Dugo”. Ito ay ang paggalang sa lahat ng nakakatanda sa edad kahit may pagkakataon na magtiyo na mas bata ang t iyuhin.

Tradisyon sa kanila ang dapat ang nakababata ang tumawag ng tiyo o kuya.

Tulad ng ibang lalawigan sa rehiyon, meron ding

maipagmamalaki ang mga Batangas pagdating sa produkto at pagdiriwang. Ito ay ang;

Kapeng Barako Ang kapeng barako ay uri ng kape na tumutubo lamang sa

Batangas at ilang lugar sa Cavite. Tinawag itong Barako dahil sa tapang ng lasa nito na gustong gusto ng karamihang Batangueño.

Ayon sa kanila, mas masarap ihain ito kung papakuluan sa tubig,

lalagyan lamang ng kaunting asukal at papanatilihin ang it im na kulay nito. Para rin sa kanila ito ay nagbibigay ng tapang at lakas ng loob.

102

Ang kapeng barako ay unang pinakilala ng mga Kast ila noong

panahon ng kanilang pananakop sa Lipa, Batangas at nagkalaon ay naging pagmamay-ari ng mga Pilipino. Ang Batangas ngayon ang isa

sa mga pangunahing lugar buong daigdig na pinaggagalingan ng kape.

Lechon Festival Ang Lechon Festival o pagdiriwang ng litson sa Balayan, Batangas ay isa sa mga pinagmamalaking kultura ng Batangas. Ito ay

ginaganap tuwing ika-24 ng Hunyo bilang pag-alala sa kanilang

patron na si San Juan Baustista. Pinaparada ang mga litson sa buong bayan na nakabihis ng magaganda at mga kakaibang suot.

Kultura na rin ng mga taga-rito na habang pumarada ang mga

litson ay nagsasabuyan ng tubig at alak ang mga tao dahil para sa

kanila ito ay pagkilala nila sa kanilang patron.

103

Sa Lalawigan ng Rizal Isang tanyag na nadiskubre sa Lalawigan ng ay ang

Petroglipikong Angono na matatagpuan sa Angono, Rizal.

Ito ay nadeklarang Pambansang Kayamanan sa Kultura noong

1973 at Pandaigdigang Pamana ng Sining ng UNESCO na matatagpuan sa yungib sa gitna ng Angono at Binangonan.

Nakasulat sa mga bato (petroglipiko) ang masaganang kultura ng

pakikipagkalakaran ng mga sinaunang Tagalog sa ibang pangkat ng tao.

HIgantes Festival

Ang Higantes Festival na kilala rin

sa tawag na Pista ni San Clemente ay

ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang

pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mangingisda.

Ang imahen ng santo ay binibitbit ng

mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga

“pahadores”, mga deboto na

nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda,

sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit

sa pangingisda at mga “higantes” , mga higanteng gawa sa papel na

may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang

104

talampakan. Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon

patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

Sumakah Festival

Ang Sumakah

Festival ay isang pagdiriwang

na ginaganap tuwing ika-1 ng Mayo na nagbibigay halaga

sa pangunahing produkto ng Antipolo, suman, manga,

kasoy at ang dating

pamamaraan ng paglalakbay sa mataas na bahagi ng

Antipolo, ang hamaka. Ito rin

ay nagpapakita ng makulay na kultura at makasaysayang

pinagmulan ng lalawigan. Sa umaga ng Abril 30, ang imahe

ng birhen ng Antipolo ay hinahatid sa Katedral ng Quiapo mula

Antipolo sa pamamagitan ng isang motorcade. Sa madaling araw ng ika- 1 ng Mayo, ang imahe ng Birhen ng Antipolo ay kukunin sa

Katedral ng Quiapo pabalik sa Antipolo sa pamamagitan ng isang alay- lakad na pinangungunahan ng mga deboto ng Our Lady of

Peace and Good Voyage and Black Nazarene. Pagkatapos ng

parada ay matutunghayan ang mga sumusunod na gawain: street dancing competitions, cultural presentations, santacruzan, arts , at

culinary exhibits.

Ang Rizal ay kilala rin sa paggawa ng Suman at Lat ik. Ito ang pangunahing hanapbuhay ng taga Cainta. Sinasabing nagsimula

silang gumawa ng kakaning ito noong 15 siglo, kung kaya maituturing na dito matatagpuan ang pinakamasarap na suman at lat ik.

Ang Rizaleno ay kilala sa pagiging maka-Diyos. Malaking

bahagi ng mamamayan dito ay Katoliko. Isa sa pinakakilalang ritwal na dinarayo dito ay ang Cenakulo sa Cainta, isang palabas na

nagpapakita sa pagpapahirap at pagkamatay ni Kristo at ang Ang Pagpapapako, isang palabas sa pagpako sa krus ni Kristo.

Sa Lalawigan ng Quezon Pagdating sa kasaysayan at kultura, hindi magpapahuli ang

lalawigan ng Quezon sa buong rehiyon. Tulad ng ibang lalawigan,

ang Quezon ay isa ring makasaysayan dahi sa pangalan nitong

105

nagbuhat sa kauna-unahang pangulo ng komonwelt na si Pang.

Manuel Luis Quezon.

Ang lalawigang ito ay kilala sa pag-aangkat ng niyog at palay sa ibang lugar sa Pilipinas. Maraming makukulay na pagdiriwang sa

Quezon na nagbibigay atraksyon sa mga turista at ibang Pilipino. Isa

na dito ang t inatawag ng Pahiyas ng Lucban. Ngunit isa sa mga pinaghahandaan ng buong Quezon ay ang Niyog-Niyogan Festival.

NIyog-Niyogan Festival Ang Niyog-niyogan fest ival ay pagdiriwang na isinasabay sa Araw ng Quezon, tuwing ika-19 ng Agosto. Pinaghahandaan ito ng

tat lumpu’t siyam (39) na bayan at dalawang lungsod (2) sa buong lalawigan.

Sa pagdiriwang na ito, nakaugalian ng mga taga-Quezon ang

magdala ng kanilang pinagmamalaking produkto sa kabisera, sa

Lucena upang ibahagi sa buong lalawigan. Ang mga tanyag na produkto sa Quezon ay alimango, pamaypay, t ikoy, kiping at iba pa.

Nagkakaroon ng din paligsahan sa street dancing at muse ng bawat bayan. Ito ay ginagawa sa loob ng isang linggo. Sa huling araw ng

pagdiriwang pinaparangalan lahat ang mga nagwagi sa paligsahan.

Kultura sa CALABARZON

Kilala na ang mga tao sa Timog Katagalugan na masipag, masinop at magiliw sa pagtanggap ng bisita. Halos pareho ang

paniniwala ng mga tao sa rehiyon lalo na pagdating sa relihiyon.

106

Bagama’t may pagkakaiba-iba sa larangan, ang mga tao sa rehiyon

ay pinagbibigkis pa rin ng iisang kultura pinagmulan at patuloy na pinagmamalaki.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 3.2 : Mga Pangkat ng mga Tao sa Rehiyon na

Kinabibilangan Ko

PANGKAT ETNIKO Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong naninirahan sa iba’t ibang panig nito. Nakikilala ang bawat pangkat

sa kanilang mga pagkakalilanlan.

Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura, t radisyon at paraan ng

pamumuhay ay t inatawag na Pangkat Etniko. Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa ibang pangkat. Ang kanilang natatanging

pagkakakilanlan ay it inuturing na mahalagang bahagi sa kabuuan ng

Kulturang Pilipino.

MGA TAONG BUMUBUO SA MGA LALAWIGANG TAGALOG Ang Tagalog ay isang malaking pangkat

ng mga tao na naninirahan sa apat na rehiyon

sa bansa. Ang National Capital Region (NCR), ang buong Rehiyon IV CALABARZON at

MIMAROPA at ilang bahagi ng Rehiyon I I I.

Ang Tagalog ay nagmula sa salitang

“taga-ilog” na ang ibig sabihin ay nakatira sa baybaying ilog. Sila ay isa sa pinakamalaking

pangkat etniko sa bansa. Ayon sa 1995 Philippine

census, sila ang t inatayang may pinakamalawak na bilang sa bansa.

Biniyayaan ang mga Tagalog ng

mayamang lupa at dagat kaya ang

pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka at pangingisda. Tagalog ang pangunahing wika ng mga taga-CALABARZON. Sila ay

kinagigiliwan dahil sila ay masayahin, matapat, maawain, pala-

TAGALOG

107

kaibigan, matatalino at may mataas na kalinangan. Bunga marahil ito

ng lapit nila sa kabihasnan, komersyo at pamahalaan.

MGA KATUTUBO O PANGKAT ETNIKO NA MATATAGPUAN SA MGA LALAWIGAN SA SARILING REHIYON

AETA O AGTA Ang mga Aeta ang t inatayang

kauna-unahang mga taong

nanirahan sa Pilipinas. May katangian ng pagiging mait im ang balat,

makapal na labi, pandak, at kulot na buhok.

Maraming Aeta ang

matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon lalo na sa Hilaga at

Silangan. Maraming tawag sa kanila; Aeta, Agta, Ita, at Negrita. Sa mga

lalawigan ng Quezon at Rizal sila ay t inatawag na Dumagat.

Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Negrito ay pagsasaka at pangangaso. Matatagpuan sila sa kabundukan at hindi gaanong

nakakaangat sa kabuhayan dahil sa layo nila sa kabihasnan.

IBANG PANGKAT NG MGA TAO SA REHIYON IV-A Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang pangkat ng mga

dayuhan ang naninirahan sa mga lalawigan sa at ing rehiyon. I lan sa kanilang pangkat ng mga Chinese o t inatawag na Tsino. Halos lahat

sa kanila ay mga negosyante. Meron ding t inatawag na Indian na

nanggaling sa bansang India. Karaniwang tawag sa kanila ay mga Bombay. Sila din ay mahilig magnegosyo. Ang ibang pangkat ng mga

tao na dumayo sa at ing rehiyon at permanentente nang naninirahan dito ay mga Amerikano, Espanyol, Hapones at iba pa.

Gawain A Tukuyin ang mga sumusunod na salita/mga salita na ipinapahiwatig sa

pahayag/tanong sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa

sagutang papel. 1. Ito ang pangunahing wika na ginagamit ng mga naninirahan sa

buong rehiyon ng CALABARZON?. __________________ 2. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang taga-ilog na ang ibig sabihin

ay nakatira sa baybay ilog. ____________

3. Ano ang pangkat ng tao na ang karamihan (majority) ay matatagpuan sa Rehiyon IV-A? _______________________

108

4-5. Ito ang pangunahing pangkabuhayan ng katutubong pangkat sa

Rehiyon IV- A CALABARZON. ______________,_____________________ 6-9. Ang Tagalog ay hinahangaan ng ibang pangkat dahil sila ay

_________________,_________________, _________________ at _________________.

10. Ito ang ibang pangkat ng tao na nanggaling sa China at ang hilig

nila ay magnegosyo. _________________

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 3.3 : Ang Mga Wika at Diyalekto sa Aming Lalawigan at Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 4: Nakikilala ang Kultura ng Aking Rehiyon sa Aming

Makasaysayang Lugar

Mga Makasaysayang Lugar sa Ating Rehiyon

May mga lugar na maituturing na saksi ng mga naganap sa isang lalawigan o rehiyon. Ang mga lugar na ito ang nagsisilbi tanda

ng mga pangyayari na naganap sa isang takdang panahon. Isa na

dito ang pangyayari sa EDSA, ang lakas tao/People Power noong 1986 sa Manila. Ito ay ang panahon na nagprotesta ang mga tao laban sa

pang-aapi ng pamahalaan na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Nagkaroon ng kilos protesta ang milyong milyong

mga Pilipino sa kahabaan ng EDSA. Sa ngayon makikita sa Ort igas

Triangle ang isang malaking bantayog kasama ang Simbahan ng Reyna ng Kapayapaan. Ang bantayog na ito ay nagsisilbing alala ng

pangyayari sa EDSA noong 1986. Nakasulat sa bantayog ang

pangako ng sumunod na presidente na si Corazon Aquino na pangalagaan ang demokrasyang Pilipino. Ang ibig sabihin nito ay ang

pamahalaan ang mangangalaga sa kalayaan ng bawat isang Pilipino.

109

Makasaysayang Pook at Pangyayari sa Rehiyong CALABARZON Ang Calamba ay ipinagmamalaki ng Laguna dahil dito isinilang

ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal noong ika-19 ng

Hunyo 1861. Makikita sa Rizal Shrine ang pamumuhay ng mga taga Calamba noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Makikita

rin dito ang tahanan at mga kagamitan ni Dr. Rizal at ng kanyang

pamilya. Ang bayan ng Pila ay ipinagmamalaki din ng Laguna dahil dito

makikita ang impluwensya ng mga Espanyol at Amerikano sa kultura

ng mga tao. Mamasdan sa buong bayan ang mayamang ist ruktura na naitatag noong panahon ng mga Espanyol hanggang panahon

ng mga Amerikano. Ang Cavite ay naging kilala rin sa isa sa mga makasaysayang pok

dito, ang Emilio Aguinaldo Shrine kung saan idineklara ni Emilio

Aguinaldo ang kalayaan ng bansa sa kolonya ng Espanya noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Sa kaunaunahang pagkakataon dito rin

iwiniwagayway ang bandila ng Pilipinas na ginawa ni Marcela Agoncillo at t inugtog ang Martsa de Filipinas o Lupang Hinirang na

obra ni Julian Felipe at t inugtog ng Banda ng Malabon.

Ang lalawigan ng Rizal ay hindi lamang tanyag sa likas yaman na kagandahan, mayroon din itong ambag sa kasaysayan ng at ing

bansa. Sa Rizal naganap ang isa sa mga huling laban ng mga

Espanyol noong rebolusyon ng mga Pilipino ng 1896. It inayo noong 1880-1881 sa ilalim ng pamumuno ni Mauricio Mata Cruz, ang

gobernadorcillo ng Pueblo de Morong ang “La Commandancia”. Ang La Commandancia ay ang pamahalaan ng Distrito Polit ico Militar de

Morong na pinamumunuan ng isang gobernador-militar noong

panahon ng Espanyol. Ang ist ruktura ay halos nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga taga-Batangas ay hindi lamang kilala na matatapang

kung hindi sa malalim na pananampalataya sa Diyos. Makikita ang

mga naglalakihang at ant igong mga simbahan sa mga bayan nito. Isa na dito ang tanyag na Basilica de San Martin de Tours na it inayo

sa Bayan ng San Nicolas noong 1575. Ito ay nasira dahil sa Pagputok

ng Bulkang Taal. Noong 1755 ito ay muling it inayo ng mga Agust inong misyonero kung saan ito matatagpuan sa kasalukuyan. Noong 1849 ito

ay muling nasira dahil sa lindol. Muli itong it inayo noong 1856 – 1865 sa panahon ng pamumuno ni Fray Marcos Anton. Sa ngayon, ang

basilica de San Mart in de Tours ay it inuturing na pinakamatanda at

pinakamalaking simbahan sa buong rehiyon.

110

Gawain A Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na makasaysayang pook sa rehiyon sa hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa

papel.

A B 1. I t inayo noong 1582 bilang

pinakamalaki at pinakamatandang simbahan sa Quezon

2. Naging makasaysayan dahil sa pagdeklara ni Andres Bonifacio ng

Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo

12, 1898. 3. Makikita ang halimbawa ng

imprastraktura at disenyo ng mga

bahay at establismento bayang ito na ginawa noong panahon ng mga

Espanyol. 4. Nagsilbing bahay-pamahalaan

noong 1880-1881 sa pamumuno ng

gobernadorcillo na si Mauricio Mata Cruz.

5. I t inuturing na pinakamalaki at pinakamatandang simbahan sa

silangan.

a. Basilica de San

Mart in de Tours

b. Bayan ng Pila

c. La Commandancia

d. San Diego de

Alcala

e. Emilio Aguinaldo

Shrine

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 5 : Kultura Ko, Kultura Mo, Magkaiba, Magkapareho!

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

111

Aralin 6 : Nakikilala Kami sa Aming Kultura

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 7 : Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon, Igagalang

Ko! Iisa Ang Lahi Natin! Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 8: Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan

Sayaw na Jota Gumaqueña

112

Ang sayawing Jota Gumaqueña ay bantog sa Gumaca,

Quezon na pinakilala at pinasikat ni Herminigildo Omana. Ito ay isa ring uri ng Sayawing Maria na batay kay Maria Clara na sumasagisag sa

isang dalagang Pilipina. Pinapakita sa sayaw na ito ang magarbong pagtit ipon na dinadaluhan ng mayayamang angkan. Dito sila ay

nagsasalu-salo sa masagang handa at pagkatapos ay nagsasayaw.

Sa sayaw na ito ang mga babae ay mahinhin ang kilos at ang mga mga lalaki naman ay nagpapakita ng lambing at respeto sa

mga kababaihan.

Magarbong Filipiniana ang suot ng mga kababaihan sa sayaw na at magarang barong naman sa mga kalalakihan.

Sayaw na Maglalatik Ang Maglalat ik o t inatawag din na Magbabao ay ang

digmaang sayaw na katutubo sa Biñan at Laguna. Gumagamit ng bao ng niyog ang nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito sa likod, dibdib,

balakang at hita. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog ayon sa tugtog ng Maglalat ik. sayaw ng maglalatik ay isang uri

ng katutubong sayaw sa Pilipinas na may mabilis na galaw habang

pinatutunog ng mga mananayaw ang mga bao ng buko. Ito ay nagpapakita ng labanan sa pagitan ng mga Moro at Krist iyano. Sa

unang bahagi ng sayaw, ay ang Palipasan at ang Baligtaran, na

ipinakikita nito ang mainit na pagtatagpo sa pagitan ng dalawang grupo. Sa dalawang huling bahagi nito,ang Paseo at ang Sayaw

Escaramusa ay naglalarawan ukol sa kanilang pakikipagbati. Ito ay isinasayaw sa gabi ng bisperas ng kapistahan sa Biñan,Laguna.

Isinasagawa ang sayaw na ito bilang paghahandog ng mga

magsasaka sa poong San Isidro de Labrador.

113

Sayaw na Lanceros de Tayabas

Ang sayaw na Lanceros de Tayabas ay isang katutubong sayaw

na sumibol sa bayan ng Tayabas na ngayon ay lungsod sa lalawigan ng Quezon. Ito ay isang interpretasyon na nagmula sa mga

pagpupugay ng mga kabalyero at mandirigma ni Haring Arthur.

Ang Lanceros de Tayabas ay binubuo ng mga magkaparehang lalaki na nakuot ng sumbrero at babae na elegante ang suot at may

hawak na pamaypay. Karaniwan itong sinasayaw sa pagtit ipon sa mga magagarbong mansion o palasyo ng mga katoliko.

Ang sayaw na ito ay sumikat na sa iba’t ibang panig ng bansa

at palagi ng sinasayaw sa iba’t ibang kompetisyon sa larangan ng Sining at Kultura.

Mga Awitin

Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko

Di naman makaupo Di man lang makatayo

Sa umaga paggising Lagi nang iisipin

Kung saan may patanim

Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko

Di naman makaupo Di man lang makatayo

Sa umaga paggising

Lagi nang iisipin

Kung saan may patanim Doon masarap ang pagkain

114

Doon masarap ang pagkain

Halina, halina, mga kaliyag

Tayo’y magsipag unat -unat Magpanibago tayo ng lakas

Para sa araw ng bukas.

Halina, halina, mga kaliyag Tayo’y magsipag unat -unat

Magpanibago tayo ng lakas

Para sa araw ng bukas

Banahaw Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis

Sa bundok Banahaw

Ay inihahatid, ay inihahatid Nang hanging amihan

Kaya’t yaring abang puso

Sakbibi nang madlang lumbay Sa sandaling ito, sa sandaling ito’y

Naliligayahan. Halina, irog ko at tayo’y magsayaw

Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay

Dini naman sa lumang kudyapi Ikaw irog aking aawitan

Sa saliw ng hanging palay-palay Sa bundok ng Banahaw.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Kagamitan: Video clip ng (Jota Gumaquena, Maglalat ik), Sipi ng

awit ing Magtanim ay di biro at Bundok Banahaw,

Sanggunian: http://www.youtube.com/watch?v=bsCtI3Ui3b0

http://www.youtube.com/watch?v=d-p_ONWYtf8

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Lanceros_de_Tayabas

http://www.hiyas.org/mariaclara.html

http://i1.ytimg.com/vi/9xR8jPb0mNI/maxresdefault.jpg

http://www.folkdance.tk/videos/jota-gumaquena-philippine-folk-

dance.html

115

Aralin 9: Mga Kaugalian, Paniniwala at Tradisyon

ng Iba-ibang Lalawigan sa Rehiyon

Ang Rehiyon IV-A, CALABARZON ay binubuo ng limang

lalawigan. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang mga kaugalian at

t radisyong pagkakilanlan.

Cavite

Karakol

Ang Bayan ng Rosario ay isang bayang mayaman sa

kasaysayan na matatagpuan sa lalawigan ng Cavite. Sa kadahilanang malapit ang

bayang ito sa dalampasigan, sa yamang dagat nabubuhay ang

karamihan sa naninirahan dito.

Bukod sa yamang dagat, nakilala rin ang bayang ito dahil sa paggawa ng asin. Ito rin ang dahilan kung bakit ang bayang ito ay

unang pinangalanan ng mga prayle ng Salinas Marcella noong

nasasakupan pa ng Kast ila ang Pilipinas. Sa dagat din umiikot ang isang matandang tradisyon ng pagsasayaw ng "karakol" bilang

pagpupugay sa santong patron ng bayang ito, ang Nuestra Senora Virgen del Santissimo Rosario Reina de Caracol.

Ang "karakol" ay tumutukoy sa pagsasagawa ng prusisyon

habang isinasayaw ang imahe ng birhen paikot mula sa karagatan hanggang sa kalsada ng Rosario na nagtatapos sa simbahan.

Maraming bersyon ang pinaniniwalaan kung saan nagsimula ang tradisyong ito sa bayan ng Rosario. Isa sa pinakasikat na bersyon ay

nang makita ang imahe ng birhen ng mga kabataan na inaanod

malapit sa dalampasigan ng bayang ito. Ayon dito, kanila itong it inago ngunit himalang natatagpuan lagi itong nakalutang sa may

dalampasigan. Kumalat ang balitang ito sa buong bayan at sa t indi

ng pananampalataya ng tao rito, ginawa nilang patrona ang nasabing imahe at nagsimulang magsagawa ng "karakol". Kasabay

din nito ang pagpapalit ng pangalan ng bayang ito mula sa Salinas Marcella sa Rosario. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, ang

"karakol" ay taunang isinasagawa sa bayang ito.

116

Laguna

Maglalatik

Ang Maglalat ik ay sayaw na ginagawa sa Laguna. Ito ay

t inatawag din na Magbabao

na nagpapakita ng digmaang sayaw na katutubo sa Biñan at

Laguna. Gumagamit ng bao

ng niyog ang nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito sa likod,

dibdib, balakang at hita. Pumapalo sila sa bao ng niyog

ayon sa tugtog ng Maglalat ik.

Ang sayaw ng maglalatik ay isang uri

ng katutubong sayaw sa Pilipinas na may mabilis na galaw habang pinatutunog ng mananayaw ang bao ng buko. Ito ay nagpapakita ng

labanan sa pagitan ng Moro at Krist iyano. Sa unang bahagi ng sayaw,

ay ang Palipasan at ang Baligtaran, na ipinakikita nito ang mainit na pagtatagpo sa pagitan ng dalawang grupo. Sa dalawang huling

bahagi nito,ang Paseo at ang Sayaw Escaramusa na ang

paglalarawan ay ukol sa kanilang pakikipagbati. Ito ay isinasayaw sa gabi ng bisperas ng kapistahan sa Biñan Laguna. Isinasagawa ang

sayaw na ito bilang paghahandog ng magsasaka sa poong San Isidro de Labrador.

Batangas Subli-an sa Batangas

Ang Subli-an Fest ival ay isinasagawa sa Bauan, Batangas.

Ito ay ginaganap tuwing ika-23

ng Hulyo. Ito ay natural na nagsisimula bilang debosyon sa

Banal na Krus. Nang magtagal,

ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang “Subli”. Ito ay

sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw

ng musika na may apat (4) na uri:

ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Krus ng Bauan at nagsasalaysay ng

117

pinagmulan ng Batangas; ang ikat lo ay ang mismong “Subli” na may

kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay tumatalakay sa buhay ng may-akda sa kaniyang paghahanap ng

kaniyang kaganapan. Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng

pamumuhay ng mamamayan na nilapatan ng musika upang

kapulutan ng aral. Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueño na naging isang ganap na pagdiriwang kung saan ang

mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan

ng Bauan, Batangas bilang paggunita sa kanilang araw ng pagkakakilanlan.

RIzal

Higantes Festival Ang Higantes Festival na

kilala rin sa tawag na Pista ni

San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23

ng Nobyembre sa Angono,

Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San

Clemente, patron ng mga

mangingisda. Ang imahe ng santo ay binubuhat ng mga

lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores” (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan

o kasuotan ng mga mangingisda na may sapatos na yari sa kahoy at

may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na

umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna

de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

Quezon Pahiyas

Ang Pahiyas Fest ival ay isang

magarbong pagdiriwang sa lalawigan ng Quezon.

Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de

Labrador. Nagkakaisang nagsasabit

ang taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong

118

pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.

Kilalang palamuti dito ang kiping, na gawa sa giniling na bigas at ginagawang dahon at bulaklak na nilalagyan ng iba’t ibang kulay.

Bilang isang pagiging malikhain, sinasabit ito ng mga Lucbanin upang gawing palamuti sa kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa

mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari.

Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga

sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing ika-15 ng Mayo.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Kagamitan: Video clip ng (Jota Gumaquena, Maglalat ik, Subli at

pangyayari tuwing Pahiyas Fest ival sa Lucban, Quezon),

Halimbawa ng likhang sining na mamakita sa sariling lalawigan,

Sanggunian: http://www.phillispage.de/culture_and_tradition.htm

Aralin 10: Mga Katawagan sa Iba-ibang Layon ng Aming Rehiyon

Mga Katawagan sa Iba-ibang Layon

Ang wika nating Tagalog ay sadyang nagpapakilala ng likas na ugali nat ing mga Pilipino at ito ay ang paggalang sa mga

nakakatanda sa at in. Napapansin ninyo ba na ang bawat isa sa

at in ay gumagamit ng mga katawagan sa pakikipag-usap. Ito ay pagpapakita ng paggalang sa at ing kapwa. Ang mga

katawagang ito ay nauuri sa tat lo. Ang unang katawagan ay ang

magagalang na salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga matatanda. Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng kuya o

ate sa nakakatandang kapatid. Ang pagbati ng magandang umaga!, magandang gabi! at iba pa ay kabilang din sa uring ito.

Ang pangalawang katawagan ay ayon sa paghingi ng paumanhin at pasasalamat. Ang mga salitang pasensya po!,

119

patawad po!, paumanhin po! ay mga salita sa paghingi ng

paumanhin samantalang ang mga salitang maraming salamat po! ay tanda ng pasasalamat.

Ang ikat long katawagan ay ayon naman sa paghingi ng

pahintulot. Kabilang sa mga salitang ito ang maaari po ba!, pwede

po ba! at iba pa. Maaari ring gamit in ang mga katawagang ito sa paglalambing at pagturing sa at ing mga kaibigan, mahal sa buhay

at sa iba pa. Ang mga katawagang ito ay magagamit sa

pakikitungo at pakikisama sa at ing kapwa. Ipinapakita nito ang pagpapahalaga sa at ing kinagisnang pag-uugali noon pa man.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Kagamitan:

Concept map na nagpapakita ng mga katawagan sa

iba’t ibang layon sa Rehiyon IV-A,

Aralin 11: Ang Mapang Kultural ng aking Rehiyon

Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng sumusunod

mga lalawigan: Cavite, Laguna, Bat angas, Rizal at Quezon. Ang

mga lalawigang ito ng Rehiyon IV-A ay nasa pangunahing isla ng Luzon. Ito ang akronim ng nabanggit na mga lalawigan.

Ang rehiyong ito ay nasa Timog-kanluran ng Luzon, t imog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa

pinakamataong rehiyon.

Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong Oktubre 28,2003, ang Lungsod ng Calamba ay it inalagang sentrong

pangrehiyon ng CALABARZON .

Sa rehiyong ito ay makikita rin ang kilalang paaralan, mga pagdiriwang, mga kulturang tanyag sa at ing bansa at mga kilalang

nagagandahang tanawin.

120

Mapang Kultural ng Rehiyon IV-A

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Kagamitan: Pisikal na mapa ng CALABARZON, mga larawan, sining at

lugar na nagpapakilala sa mga lalawigan sa sariling rehiyon.

Lungsod ng

Calamba, Laguna

Pahiyas ng Lucban, Quezon

Magandang Tanawin ng Taal Lake sa

Batangas

Makasaysayang Bahay ni Emilio

Aguinaldo sa Kawit, Cavite

Sining sa

Pagpipinta ng mga taga Rizal. Ang

Obra na ‘BOTONG’ ni CARLOS

V. FRANCISCO

Matatagpuan sa

Laguna ang Unibersidad ng Pilipinas sa Los

Baños

121

YUNIT IV

Ekonomiya at Pamamahala

122

Aralin 1: Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng Rehiyon

Ang Kapaligiran ng mga Lalawigan sa CALABARZON Ang Rehiyon IV-A o CALABARZON ay binubuo ng limang

lalawigan at labinsiyam na lungsod. Ang mga lalawigan at lungsod sa rehiyong ito ay sinasabing maunlad ang pamumuhay dahil malapit sila

sa sentro ng kalakalan ng Pilipinas.

Kapaligiran ng Cavite Ang Cavite ay ang pinakamaliit na lalawigan sa buong rehiyon

ng CALABARZON. Ang kalakhang lupain dito ay kapatagan. May

bahaging bulubundukin lamang kapag nagagawi sa Tagaytay. Anim ang lungsod sa lalawigang ito.

Ang Cavite ay ang isa sa mga lalawigan sa Pilipinas na mabilis

ang pag-angat ng ekonomiya sa dahil malapit sa Kalakhang Maynila.

Maraming kompanya ang nagtatayo ng negosyo tulad ng Intel, isang tanyag na Kompanya ng Kompyuter. Marami rin ang nagtataguyod

ng planta at industrial parks. Ito ay t inuturing na sentro ng komersyalisasyon hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

Ang dating sakahan ay nalahuan ng mga industriya na gumagawa

ng iba’t ibang produkto. Ginagamit ito hindi lamang sa bansa kundi para sa pangangailangang panteknolohiya sa ibang panig ng

daigdig. Isa na rito ang t inatawag na CEPZA o Cavit e Export

Processing Zones. Kilala rin ang ibang bahagi ng lalawigan sa produktong kape, paminta, at mga bungang kahoy tulad ng pinya,

papaya at guyabano. Kalimitan kongkreto ang mga bahay rito dahil sa

industriyalisasyon. Halos subdibisyon na rin ang bumubuo sa mga

residensiyal na lugar. Ang mga tao dito ay mahilig manamit nang ayon sa nauuso sa kanilang lugar. Dalawa ang uri ng klima dito. Ang

tagtuyot na nagsisimula sa Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan na nagsisimula sa Mayo hanggang Oktubre. Ang anim na lungsod na

bumubuo sa lalawigan ay ang Lungsod ng Cavite, Tagaytay,

Dasmariñas, Imus, Bacoor, at Trece Mart ires, na nagsisilbing kabisera ng lalawigan.

Mainam na obserbahan ang mga lungsod dito dahil sa

pagiging angat sa industriyalisasyon at komersyalisasyon. Marami ritong gusali na nagsisilbing opisina ng iba’t ibang kompanya.

Mayroon ding apat na SM Supermalls at tat long Robinson’s Malls ang mga lungsod dito.

123

Kapaligiran ng Laguna Ang Laguna ay isang lalawigan na hugis puso ang kapuluan at

katubigan. Naliligiran ang kapuluan nito ng pinakamalaking lawa sa

buong Pilipinas, ang Lawa ng Laguna. Pinakamalaking bahagi ng kabuhayan ng mga tao rito ay ang

pangingisda at palaisdaan. Kung kaya naging tanyag ang lalawigang

ito sa bangus, t ilapia, at iba pang isdang tubig-tabang. Bagama’t hindi ito kasing-unlad ng Cavite pagdating sa

komersiyalisasyon, ito ay nakapagbibigay ng magandang ambag sa

turismo. Tanyag dito ang mga lawang maaring paliguan na dinarayo ng mga turista katulad ng Pitong Lawa ng San Pablo (Bunot, Calibato,

Yambo, Pandin, Palakpakin, Muhikap, at Sampaloc), Hidden Valley Springs sa Calauan, Hot Springs sa Los Baños, at ang tanyag na

Pagsanjan Falls. Kilala rin ang mga taga-Laguna pagdating sa talento

sa pag-uukit ng mga kahoy na ginagawang produkto at binebenta sa loob at labas ng bansa.

Karamihan ng mga bahay dito ay kongkreto at makabago

ang disenyo. Ang iba naman ay mga lumang bahay noong panahon

ng Espanyol na pinaganda at pinatibay. Hindi maikakaila ang lalawigan ng Laguna na nakapagbibigay

ng magandang kasaysayan sa bansa dahil sa lalawigang ito nagmula

ang pambansang bayani na si Jose Rizal. Kung kaya ang mga tao rito ay pinapanatili ang lumang tradisyon at kaugalian ng mga Filipino

kahit may mga makabagong paraan na ng pamumuhay. Ang Laguna ay may pitong lungsod. Ito ay Biñan, Cabuyao,

Calamba, San Pablo, Santa Rosa, Los Baños, at San Pedro. Ang

sentrong kalakalan ng lalawigan ay nasa bayan ng Sta. Cruz. Pagdating sa klima, tagtuyot dito simula Nobyembre hanggang Abril

at tag-ulan naman sa nalalabing bahagi ng taon.

Kapaligiran ng Batangas Ang lalawigan ng Batangas ay kilalang lugar at may magandang pagkakakilanlan sa larangan ng pamumuhay at kultura.

Magkahalong kapatagan at kabundukan ang lupain ng lalawigan. Ang ibang bahagi nito ay naliligiran ng tubig, kaya ang

pangunahing kabuhayan ng mga tagarito ay pagtatanim, pagsasaka, at pangingisda. Hindi rin pahuhuli ang lalawigan

pagdating sa turismo dahil marami ditong diving spots tulad ng Anilao,

Sombrero at Ligpo. Dito rin matatagpuan ang sikat na pinakamaliit na bulkan sa buong daigdig, ang Bulkang Taal.

124

Batangueño ang tawag sa mga taong naninirahan dito. Madiin

at mataas silang magsalita. Kilala sa kanila ang husay sa pagawa ng balisong. Ito ay isang uri ng patalim na naitutupi. Inaangkat din ito sa

iba’t ibang lugar sa bansa. Minsan ay nagiging atraksyon din ito sa ibang bansa. Tulad ng mga Tagalog sa at ing rehiyon, ang mga

Batangueño ay simple lamang ang pananamit na ibinabagay rin sa

panahon at hanapbuhay. May tatlong lungsod ang lalawigan. Ito ay ang Lungsog ng

Tanauan, Lipa, at Batangas. Ang Lungsod ng Batangas ang t inuturing

na sentrong pangkalakalan ng lalawigan. Ang tag-init sa lalawigang ito ay Abril hanggang Nobyembre. Tag-ulan naman simula Disyembre

hanggang Marso.

Kapaligiran ng Rizal Ang lalawigan ng Rizal ay parang saranggola na may dalawang maliit na buntot sa magkabilang bahagi nito.

Ang Rizal ay nasa hangganan ng Kalakhang Maynila sa

Kanluran. Ito ay binubuo ng halos kapatagan at may bahaging tubig.

Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tagarito ay pagsasaka, pagtatanim, at pangingisda. Ang ibang tao rin dito ay pawang mga

negosyante dahil kadikit lamang nito ang sentrong kalakalan ng

Pilipinas. Tanyag din sila sa pag aalaga ng hayop. Malaking bahagi ng mga produktong mula sa hayop na dinadala sa Maynila ay

nanggagaling sa kanila. Kinilala ang lalawigan bilang “Duyan ng Pambansang Sining” dahil sa kanilang husay pagdating sa sining ng

pagsusulat at pagtula. Payak ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa

lalawigang ito. Kongkreto ang karamihan ng mga bahay dito. Nag-iisa lang ang lungsod sa Rizal, ito ay Antipolo. Ito rin ay kabisera ng

lalawigan. Ang klima sa Rizal ay tag-init simula Abril hanggang Disyembre at tag-ulan sa ibang bahagi ng taon.

Kapaligiran ng Quezon

Ang kabuuan ng Quezon ay mayaman sa iba’t ibang uri ng

kabuhayan, pangindustriya man o pang-agrikutura.Malawak ang kapatagan at maraming bulubundukin ang lugar na ito.Ang

lalawigang ito ay kilala dahil sa pangunahing atraksiyon na Bundok Banahaw na matatagpuan sa Lucban. Biniyayaan din ang lalawigan

ng mahahaba at magagandang baybaying dagat. Dalawa ang uri

ng panahong nararanasan dito. Tag-init mula Nobyembre hanggang Mayo at tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.

125

Dahil sa malawak na kapatagan nito, mga bulubundukin, at mahabang baybayin, pangunahing pinagkikitaan ng mga tao rito

ang pagtatanim, pagsasaka, paghahayupan, at pangingisda. Ang Quezon ay pangunahing lugar na pinagkukunan ng niyog, copra, at

langis sa buong Pilipinas. Mayaman din ito sa kalakalang pangingisda

dahil napaliligiran ng tubig. Madalas dito nagmumula ang mga isdang dinadala sa ibang mga lugar. Kilala rin ito dahil sa mga sikat

na beach at resort na dinarayo ng mga turista.

Karaniwang makikita sa lalawigang ito ang mga t irahang yari sa tabla, semento at may bubong na yero o t inatawag na ‘semi-

concrete.’ May mga malalaki ring bahay sa mga lugar ng kabayanan. Iniaangkop ng mga tao rito ang kanilang kasuotan sa uri ng

panahon at gawain. Mahabang manggas na pang-itaas at

pantalong yari sa seda o koton sa mga kalalakihang mangingisda at magsasaka upang mapangalagaan ang katawan laban sa init o

lamig ng panahon. Sa mga babae naman, pangkaraniwang kasuotan ang kanilang ginagamit at iniaayon sa gawain, okasyon, at

panahon.

Dalawa ang lungsod na sakop ng Quezon, ang Lucena at Tayabas.Ang Lungsod ng Lucena ay matatagpuan sa bahaging

kanluran ng lalawigan. Ito ang kabisera ng lalawigan.

Ito ang pinakasentro ng lalawigan. Ito ang sentro ng kalakalan,

industriya, t ransportasyon, komunikasyon, edukasyon, at relihiyon ng buong lalawigan. Malawak ang kapatagan nito at napaliligiran ng

mga ilog at burol. Sa pinakalungsod nito, magkahalo ang malalaking

mga bahay na konkreto at semi-konkreto. Maraming mga hotel at restawran at mga t indahang makikita rito. Sa labas ng lungsod

karaniwang makikita ang mga bahay na yari sa kawayan, sawali, at nipa. Samantala, ang Lungsod ng Tayabas ay matatagpuan sa hilaga

ng Lucena. Ang lungsod na ito ang dating kabisera ng lalawigan.

Naisabatas ang pagiging lungsod nito noong 2007. Organisado ang lungsod na ito pagdating sa pang-agrikultura at pangkomersyong

kalakaran.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

126

Aralin 2: Likas na Yaman sa Kinabibilangang Rehiyon

REHIYON CALABARZON: KAYAMANAN

Ang rehiyon ng CALABARZON ay pinagpala ng limang malalaking lalawigan. Sagana ang mga lalawigan nito sa likas na

yaman na pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan at kita

ng buong rehiyon. Kabilang sa mga kayamanan ng rehiyon ang malawak na kagubatan ng lalawigan ng Quezon. Maraming

matataas na uri ng punongkahoy ang nakukuha dito. Ang mga ito ay pangunahing pinagkukunan ng kahoy at tabla na ginagamit sa

paggawa ng bahay, muwebles, at iba pang kagamitan. Ang mga

nakapaligid na burol sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, Batangas, at Quezon ay ginagawang pastulan ng mga baka, kambing, baboy, at

iba pang hayop. Ang mga karne nito ay ginagawang panustos sa

pangangailangan ng rehiyon at mga karat ig nito. Ang mga karagatang nakapalibot sa buong rehiyon ay mayaman sa mga

yamang dagat tulad ng isda, korales, perlas, at iba pang lamang dagat. Ang lahat ng mga lalawigan ay mayaman sa pangisdaan lalo

sa Quezon na malawak ang baybayin. Nasa Laguna naman ang

pinakamalaking lawa sa buong bansa. Sagana rin sa yamang mineral ang mga lalawigan ng Quezon, Cavite, at Batangas katulad ng ginto,

pilak, tanso, at nikel. Ang malawak na kapatagan ng ng Quezon, Batangas at

Laguna ay sagana sa palay, niyog, mais, at saging. Ang industriya ng

kopra sa lalawigan ng Quezon ay may malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon. Ang magagandang paliguan at

dalampasigan sa Laguna, Cavite, at Batangas at iba pang lalawigan

ay dinarayo ng mga turista. Nakatutulong ang industriya ng turismo sa pagtaas ng ekonomiya ng rehiyon. Sa kabuuan, ang sektor ng

agrikultura, paggugubat, at pangingisda ang nangunguna sa malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon. Pumapangalawa rito ang

industriyalisasyon at komersyalisasyon. Ang mataas na produksiyon ng

niyog, palay, mais, at iba pang pananim at hayop ang dahilan ng mabilis na paglago ng ekonomiya.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

127

Aralin 3: Pinanggagalingan ng mga Produkto at Industriya ng

Kinabibilangan Lalawigan at Rehiyon KABUHAYAN MULA SA LIKAS YAMAN

Industriyang Niyog

Sa Rehiyon IV-A o CALABARZON, maging sa buong bansa, isa

lang ang naiisip ng mga tao kapag ang industriya ng niyog ang pinag-uusapan, ang lalawigan ng Quezon at Laguna. Ito’y dahil sa

masaganang ani ng niyog sa naturang lalawigan. Bukod sa palay,

tubo, saging, kape, at sari-saring gulay. Sinasabing walang kasing ganda ang mga produktong nagagawa mula sa niyog. Kaya naman

ito ang nagpapatanyag sa lalawigan ng Laguna at Quezon. I lan sa mga produktong mumula sa niyog na kilala sa lalawigan ng Quezon

ay langis, kopra, at lambanog. Buko pie naman sa Laguna. Bukod

dito, gumagawa rin sila ng kendi, salad, bunot, walis, at iba pa.

Ang Quezon ang it inuturing na pinakamalaking prodyuser sa bansa ng mga produktong mula sa niyog. Maging ang mga kabataan

kapag walang pasok sa paaralan ay tumutulong sa mga magulang sa

paggawa ng mga produktong mula sa niyog tulad ng kopra at langis. Upang ipakita ang pasasalamat sa biyayang dulot ng niyog sa

pamayanan, nagsasagawa ng pagdiriwang. Ang “Niyog-niyogan

Fest ival” sa Lungsod ng Lucena ay isa sa mga pagdiriwang na ginagawa taon-taon upang lubos na ipakilala ang industriya ng niyog

at maging sentro ng turismo.

Industriya ng Agrikultura

Itinuturing na rehiyong pansakahan ang CALABARZON dahil sa malalawak na taniman dito. I lan sa mga produktong mula rito ay

bigas. Mayroon ding lanzones, rambutan, saging, pinya at papaya mula sa Laguna at Cavite. Ang pangingisda ang isa rin sa

pangunahing pinagkakakitaan sa rehiyon. Matatagpuan sa Lawa ng

Tayabas at Lawa ng Lamon ang mga pangisdaan. Ang mga taga - Laguna ay sa lawa nanghuhuli ng mga isda pagkat sagana ang mga

ito sa mga isda tulad ng t ilapia, dalag,hito, at karpa. Abala rin ang iba

sa mga industriyang pantahanan tulad ng pagbuburda, paglililok, at paggawa ng palayok at banga.

Maging ang malalawak na burol na matatagpuan sa Batangas at Cavite ay ginagawang pastulan ng mga kabayo at baka. Tanyag

ang mga ito sa pag-aalaga at pagbebenta ng matataas na uri ng

karne ng baka.

128

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 4: Mga Produkto at Kalakal ng Kinabibilangang Rehiyon

PRODUKTO AT KALAKAL SA REHIYON NG CALABARZON Nagpatawag ng pulong sa CALABARZON upang pag-usapan ang mga produkto at kalakal nito. Tinawag ko kayo upang pakinggan

ang inyong ulat tungkol sa mga produkto at kalakal na mayroon sa

inyong lalawigan. Maaari ka bang magsimula Quezon?

Malugod ko pong ibinabalita sa

inyo na gumaganda ang industriya ng niyog. Ginagawa namin itong

buko pie. Nagsisimula na rin kaming gumawa ng kendi mula rito.

Marami ring isda ang nakukuha sa

aming karagatan tulad ng galunggong, tulingan, matang baka,

tamban, tambakol, lapu-lapu, t ilapia, at alumahan. Nagluluwas kami ng mga isdang ito sa iba pang karat ig

lalawigan. Upang masiguro na patuloy na makakakuha ng

kabuhayan sa ang aming mga palaisdaan. Nagmungkahi ang local na pamahalaan na maging marine sanctuary ang ilang palaisdaan.

Ibig sabihin, may mga lugar na hindi dapat labis ang pangingisda.

Limitado ang pagkuha ng mga yamang dagat sa mga lugar na ideneklarang “marine sanctuary”.

Ganoon din kami sa Cavite. Ang malawak

na karagatang nakapalibot sa aming

lalawigan ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng isda, hipon at lamang dagat. Marami

ang umaangkat ng isda sa aming lalawigan hindi lamang sa at ing rehiyon maging sa

ibang bahagi ng Pilipinas. Mula sa mga

yamang dagat na ito, nakapagluluwas kami sa iba-ibang lalawigan ng mga daing na

129

isda at pusit . Unt i-unti na rin kaming nakikilala sa paggawa ng tahong

chips. Ang produksiyon ng palay, niyog, at mais ay isa rin sa malaki naming industriya.

Sa pamamagitan nito, marami pang dumadayo sa amin upang bumili ng mga

kalakal ng lalawigan na nakakadagdag sa

kikitain ng mga magsasaka. Bagaman sagana sa mga produktong agraryo ang

Laguna, di pahuhuli ang mga yamang tubig

na makukuha sa lalawigan tulad ng t ilapia, dalag, hito, at karpa.

Ang lalawigan ng Laguna ay kilala rin sa paggawa ng tsinelas na matatagpuan sa Liliw. Nagsisilbi itong hanapbuhay ng mga tao kaya

lalong lumalago. Dito rin matatagpuan ang mga pangunahing prutas

tulad ng lansones, rambutan, saging, pinya, at papaya. Maging ang paggawa ng barong Tagalog ay isa rin sa hanapbuhay ng mga

mamamayan dito. Sagana rin sa yamang tubig ang Laguna dahil sa Lawa ng Laguna, Talon ng Pagsanjan at iba pa na naging bahagi na rin

ng turismo ng lalawigan.

Ang lalawigan ng Batangas ay kilala rin sa yamang tubig. Dito

matatagpuan ang Lawa ng Taal. Ito

ay sentro ng turismo dahil sa angking ganda nito. Maraming produkto ang

matatagpuan dito tulad ng kape na t inatawag na kapeng barako. Dahil sa

malalawak na burol sa Batangas,

ginagawa itong pastulan ng mga kabayo at baka. Kilala rin sila sa

paggawa ng magagandang barong Tagalog na maaaring gamit in sa mga okasyon.

Ang Rizal ay kilala rin sa produksiyon ng

palay bilang pinagkukunang hanapbuhay. Ang lupaing pansakahan ay may 32,276 ektarya.

Ang 5,805 ektarya ay nakalaan lamang sa

produksyon ng bigas. Gumagawa rin sila ng mga

kasangkapang gawa sa kahoy tulad ng pint o, upuan, lamesa, at iba pa. Kilala rin sila sa

paggawa ng mga ready-made na damit. Dahil

dito t inawag ang Taytay bilang “Garments and Woodworks Capital of the Philippines.” Mula sa

130

agrikultural na industriya ay naging komersiyo na rin ang ibang

hanapbuhay na lalong nagpalaki ng kita ng lalawigan. Maraming salamat sa inyong pag-uulat. Inaasahan ko na ang

ating produkto at kalakal ay makatutulong sa higit na paglago ng ekonomiya ng at ing rehiyong CALABARZON. Gayunpaman, nais kong

malaman ninyo na ang mga produkto mula sa mga likas na yaman

ng at ing mga lalawigan ay nauubos din. Marapat na sa kabila ng saganang ani, at in din isipin kung paano natin mapananatili ang

kasaganaan ng at ing lalawigan. Dapat nating isipin ang wastong

paggamit nito upang may magamit pang likas na yaman ang susunod na salinlahi.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 5: Magkakaugnay na Pangkabuhayan ng mga Lalawigan sa

Rehiyon

MGA PANAHON NG PAG-AANI Nakapunta na ba kayo sa palengke? Naisip niyo ba kung saan

nanggagaling ang mga produktong nabibili sa palengke? Narinig mo

na ba ang ganitong usapan?

Paano nagkakaroon ng mangga sa mga palengke gayong wala namang ani sa bukid? Saan kaya nangagaling ang mga

produkto sa t indahan? Pansinin sa talahanayan ang mga produkto ng

Naku, mare! Ang mahal ng

mangga ngayon.

Oo, nga hindi kasi panahon ng ani

ngayon. Kinukuha pa sa ibang lalawigan ang manga!

131

mga lalawigan sa Rehiyon IV- A. Nakalagay rito ang mga produkto

ng bawat lalawigan sa iba’t ibang panahon.

Talahanayan 1: Enero hanggang Hunyo

Lalawigan Produkto Dami Dami ng

pangangailangan ng mga lalawigan sa

buong rehiyon

Cavite Pinya 3500 kilo 2000 kilo

Laguna Palay 4500 kaban 5000 kaban

Batangas Isda 4600 kilo 9000 kilo

Rizal Isda 3500 kilo

Quezon Niyog 6000

toneladas

2500 (para maging

langis)

Sa talahanayan, makikita ang mga produkto ng bawat lalawigan at ang laki ng pangangailangan ng buong rehiyon. Kung

mapapansin mo ang kabuuang pangangailangan ng rehiyon sa isda ay 9000 kilo at ang produksyon ng Batangas ay 4600 kilo at ang Rizal

ay 3500 kilo. Kung pagsamahin ang produksyon ng dalawang

lalawigan magiging 8100 na kilo. Sapat ba ang dami ng isda sa pangangailangan ng buong rehiyon? Gaano karami ang

pangangailangan ng rehiyon sa palay? Ang produksyon ng Laguna ay 4500 kaban, ngunit ang pangangailangan ay mahigit sa 5000

kaban. Saan kukunin ang ibang produkto upang matustusan ang

pangangailangan ng rehiyon?

Anong gagawin ng bawat lalawigan upang matustusan ang

kanilang pangangailangan? Kung mapapansin, ang bawat lalawigan ay may kaniya - kanyang produkto, ngunit mayroon din itong mga

produktong na kailangan din nila pero hindi nila sinasaka o inaani. Batay sa talahanayan, saan kaya kukuha ng pinya ang ibang

lalawigan? Saan kaya magaangkat ng niyog ang ibang lalawigan?

Ano ang ipinapakita ng pag-aangkat ng mga lalawigan sa karat ig na lalawigan?

Gawain A Pag-aralang mabuti ang talahanayan. Pag-usapan ng inyong pangkat at sagutin ang sumusunod na tanong.

132

Talahanayan 2: Hulyo hanggang Disyembre

Lalawigan Produkto Dami Dami ng pangangailangan ng

mga lalawigan sa buong rehiyon

Cavite Palay 4500 kaban 3400 kaban

Laguna Palay 1500 kaban

Batangas Kape 2500 kilo 1300 kilo

Rizal Isda 5500 kilo 3000 kilo

Quezon Niyog 2500

toneladas

2500 (para maging

langis)

1. Saan mag-aangkat ang ibang lalawigan ng palay?

2. Ano ang maitutulong ng lalawigan ng Rizal sa buong rehiyon? 3. Ano sa palagay mo ang magiging presyo ng palay sa buwan ng

Hulyo hangang Disyembre batay sa datos? Bakit? 4. Ano naman ang presyo ng isda?

5. Ano ang mabuting idudulot ng pag-aangkat ng ibang lalawigan sa

isang lalawigan ng rehiyon?

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 6: Pakikipagkalakalan Upang Matugunan

ang Pangangailangan ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Ugnayan at Kalakalan ng mga Lalawigan sa Rehiyon ng CALABARZON

Ang mga rehiyon ng bansa ay may iba’t ibang katangiang pisikal. May pagkakataon na magkatulad ang katangian nito subalit

magkakaiba sa klima at sa uri ng pananim. Ang kalagayang ito ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay ng bawat lalawigan.

It inatag ng pamahalaan ang mga rehiyon upang mapabilis ang

paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at paglilingkod sa mga lalawigan, bayan at barangay. Ang bawat rehiyon ay may

mga pinunong namamahala upang matugunan ang mga pangangailangang ito.

133

Ang suliranin sa kakulangan ng isang rehiyon ay matutugunan

ng ibang rehiyon gayundin ng mga lalawigang sakop nito. Halimbawa, ang nahuhuling isda sa Batangas at Quezon ay

ipinadadala sa ibang lalawigan ng rehiyon at ipa pang panig ng bansa na may kakulangan sa isda.

Ang Quezon na nagsusuplay ng niyog na ginagawang langis ay

malaki rin ang ambag sa iba pang lalawigan at rehiyon na may pangangailangan sa produktong ito. Ang mga prutas tulad ng

lansones, kalamansi, at rambutan ng Laguna ay dinadala sa iba’t

ibang pamilihan sa mga lalawigan ng CALABARZON. Hindi lamang sa mga likas na produkto nagkakaroon ng

ugnayan ang mga lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, maging sa iba’t ibang industriya ay umaasa sila sa isa’t isa. Ang bayan ng Paete

sa Laguna na kilala sa paglililok ay pinagmumulan ng magagandang

muwebles, rebulto o imahe na yari sa inukit na kahoy, at iba pang mga kasangkapan na ginagawang disenyo sa bahay at gusali. Sa

Rizal, Cavite at Laguna ay katatagpuan ang industriya at mga pagawaan na pinagmumulan ng sari-saring produkto upang dalhin sa

iba’t ibang rehiyon.

Isang pang uri ng pagkikipag-ugnayan ng mga lalawigan sa rehiyon ang pagdaraos ng mga piyesta na kaugnay ng mga

pangunahing produkto. Sa ganitong paraan, nakikilala ang produkto

at nagbibigay sa mga lalawigan at rehiyon ng malaking kita at pag-unlad ng ekonomiya.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 7: Kahalagahan ng Impraestruktura sa

Kabuhayan ng mga Lalawigan

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 8: Ang Kalakal sa Sariling Lalawigan

134

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 9: Ang Pamunuan ng mga Lalawiganat Aking Rehiyon Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 10: Mga Namumuno at Kasapi ng Lalawigan Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM.

Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 11: Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga Namumuno sa

Aking Lalawigan Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 12: Paraan ng Pagpili ng Pinuno ng Lalawigan

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

135

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 13: Kahalagahan ng Pamahalaan sa bawat Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 14: Paglilingkod ng Pamahalaan sa mga Lalawigan ng

Kinabibilangang Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM

Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 15: Pakikilahok sa Mga Proyekto ng Pamahalaan

ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng Tuklasin Mo sa LM. Gamitin ang mapa ng sariling rehiyon. Ipagawa ang Gawain Mo A-C.

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

Aralin 16: Kabahagi Ako sa Pag-unlad ng Aking

Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Gawain A: Sagutin ang nasa LM Gawain B: Sagutin ang nasa LM

Gawain C: Sagutin ang nasa LM

136

IKALAWANG BAHAGI

APENDIKS

1. Mapa ng CALABARZON

137

138

139

140

LAGUNA

141

142

143