2
Angelica S. Dueñas Setyembre 19, 2011 I-B PHA Magandang umaga, AKO AY PILIPINO, KARAPATAN KO’Y HUSTISYANG TOTOO. Hustisya ang siyang nagpapanatili ng ating mga karapatan. Sandigan natin ito. Subalit, ngayon kaya ay may hustisya pa tayong masasandalan? Buong akala ko’y bulag ang hustisya dahil iisa lamang ang kanyang timbangan,para sa mayayaman at mahihirap. Ngunit nahipan ata ng masamang hangin ang kanyang piring, namulat at nabighani sa taglay na kagandahan ng mga pinagpala ng kayamanan. Subalit, paano naman ang mga kababayan nating mahihirap? Tulad sila ng mga ibong paslit na humuhuni upang makuha ang atensyon ng inahing nakabaling ang pansin sa pagkain. Kayamanan at karangyaan ang punong dahilan ng bulok na sistema ng hustisya. Isama pa natin ang kurapsyon na siyang nagpapantindi ng buhay ng ‘sang Pinoy . Dito’y sangkot ang mga taong makapangyarihan, nababayaran nila ang mga piskal upang makuha ang hustisyang para sa mga dukha. Kaawa-awa ang sitwasyon nila. Di sapat ang kanilang pambayad sa abogado at nababale-wala’t naibabasura kaagad ang kanilang mga kaso. Sa ating bansa’y hindi na bago ang napakabagal na paghuhukom. Nagdadalawang isip pa ang mga hukom kung ang papaboran ay ang mayaman o ang mahirap. Na kung saan sana’y binibigyang halaga ang punto at mga pahayag ng bawat panig. Nais ko lang iparating na napakasalimuot na ng buhay ni Juan. Gutom ngunit, wala na yata talagang tapat na

Filipino Speech

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino Speech

Angelica S. Dueñas Setyembre 19, 2011I-B PHA

Magandang umaga, AKO AY PILIPINO, KARAPATAN KO’Y HUSTISYANG TOTOO.

Hustisya ang siyang nagpapanatili ng ating mga karapatan. Sandigan natin ito. Subalit, ngayon kaya ay may hustisya pa tayong masasandalan?

Buong akala ko’y bulag ang hustisya dahil iisa lamang ang kanyang timbangan,para sa mayayaman at mahihirap. Ngunit nahipan ata ng masamang hangin ang kanyang piring, namulat at nabighani sa taglay na kagandahan ng mga pinagpala ng kayamanan. Subalit, paano naman ang mga kababayan nating mahihirap? Tulad sila ng mga ibong paslit na humuhuni upang makuha ang atensyon ng inahing nakabaling ang pansin sa pagkain.

Kayamanan at karangyaan ang punong dahilan ng bulok na sistema ng hustisya. Isama pa natin ang kurapsyon na siyang nagpapantindi ng buhay ng ‘sang Pinoy . Dito’y sangkot ang mga taong makapangyarihan, nababayaran nila ang mga piskal upang makuha ang hustisyang para sa mga dukha.

Kaawa-awa ang sitwasyon nila. Di sapat ang kanilang pambayad sa abogado at nababale-wala’t naibabasura kaagad ang kanilang mga kaso.

Sa ating bansa’y hindi na bago ang napakabagal na paghuhukom. Nagdadalawang isip pa ang mga hukom kung ang papaboran ay ang mayaman o ang mahirap. Na kung saan sana’y binibigyang halaga ang punto at mga pahayag ng bawat panig.

Nais ko lang iparating na napakasalimuot na ng buhay ni Juan. Gutom ngunit, wala na yata talagang tapat na hustisyang matitikman. Sabi nga, habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,di matatapos itong gulo. Hangga’t mayroong mga taong walang malasakit sa kapwa at pang-aabuso lamang ng kayamanan ng iba ang inaatupag, mananatiling bulok ang sistema ng hustisya.

Yun lamang po,maraming salamat.

Ipinasa Kay: Gng. Rhodelia Mendoza Ph. D.