23
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Errata para sa Sibika 1 - 3 at HeKaSi 4 - 5 Batayang Aklat at Manwal ng Guro

Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Errata para sa

Sibika 1 - 3 at HeKaSi 4 - 5

Batayang Aklat at Manwal ng Guro

Page 2: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

ii

Mensahe para sa mga Guro

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay namahagi ng mga bagong aklat at manwal ng guro sa Sibika at Kultura 1 – 3 at Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HeKaSi) 4 – 5 sa lahat ng paaralang elementarya sa buong Pilipinas ngayong 2007. Ang mga aklat na ito ay pinasuri muli sa mga piling guro at superbisor na gumagamit nito upang matiyak na wala itong kamalian, lalo na sa mga konsepto at pangyayari. Layunin ng pangalawang pagsusuri na tiyaking ang mga konsepto ay natalakay nang tama, ang mga pangyayari ay batay sa katotohanan, at ang mga pangungusap ay tama, madaling maintindihan, at akma sa kultura at komunidad ng gagamit. Itong Errata para sa Sibika at Kultura at HeKaSi ay resulta ng pagsusuring nabanggit. Ang Errata ay naglalaman ng mga pagwawasto sa maling nilalaman ng mga aklat at mga rekomendasyon para mapabuti ang pagtuturo nito. Pinagsama-sama ang lahat ng mga puna para sa bawat antas, ngunit madali itong gamitin dahil nakasaad ang tiyak na parte sa pahina kung saan akma ang pagwawasto o rekomendasyon. Nawa’y ang Errata na ito ay hindi lamang magsilbing patnubay sa iyong pagtuturo, subali’t magsilbing hamon para kayo ay mas maging mapanuri sa mga ginagamit ninyong aklat. Hinihimok namin kayong ipagbigay-alam sa Instructional Materials Council Secretariat ng Kagawaran ang anumang mungkahi o rekomendasyon tungkol sa mga aklat na ipinamimigay sa lahat ng pampublikong paaralan.

Magtulung-tulong tayo upang mapabuti ang edukasyon ng mga batang nasa pagkalinga ng Kagawaran ng Edukasyon. (Sgd.) DR. VILMA L. LABRADOR Undersecretary Programs and Projects

Page 3: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

iii

Nilalaman

Matapat na Pilipino 1 (Batayang Aklat) 2 Makabayan: Katangiang Pilipino 2 (Batayang Aklat) 3 Ang Bagong Pilipino 3 (Batayang Aklat) 5 Masipag na Pilipino 3 (Batayang Aklat) 10 Masipag na Pilipino 3 (Manwal ng Guro) 12 Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 (Batayang Aklat) 12 Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 (Manwal ng Guro) 13 Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 (Batayang Aklat) 14 Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 (Manwal ng Guro) 17 Marangal na Pilipino 5 (Batayang Aklat) 17 Marangal na Pilipino 5 (Manwal ng Guro) 18

Apendiks: Guidelines in Gathering Feedback on Content of DepEd-Approved Textbooks and Teacher’s Manuals 19

1

Page 4: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

2

Matapat na Pilipino 1 Lydia N. Agno, Ed. D.; Celinia E. Balonso, Ph. D.; et al. Vibal Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

iv Aralin 17 Mali ang pahina Palitan ang 130 ng 136.

3 Tal. 3 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Ano ang larawan ng Pilipinas ng Ilarawan mo ang Pilipinas.

18 Panuto B Hindi akma ang panuto para sa unang baitang.

Palitan ang bahagi ng panuto na Isulat ang sagot sa sariling papel. ng Ipaliwanag ito.

27 Tal. 1 May kulang na salita. Dagdagan ng -pasyalan ang salitang pook. … tanawin at pook-pasyalan ang makikita …

31 Tal. 1

Kulang ang pagtalakay.

Dagdagan ng Magandang pook-pasyalan ang dalampasigan ng Zamboanga kung saan makikita ang makukulay na Vinta.

37 Flowchart Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Moro Vinta ng Vinta sa dalampasigan ng Zamboanga.

41 Tal. 4 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang na ng ang. Ang bulubundukin ay isang anyong lupa. … kabit-kabit ang mga bundok.

47 Tal. 4 May kulang na salita. Dagdagan ng Mas bago ang salitang maliit at palitan ng maliit na M ang Maliit …. Mas maliit at …

52 Tekstong nasa kahon

Mali ang ginamit na bantas.

Palitan ang tuldok (.) ng tandang pananong (?).

81 Larawan ng baro’t saya

Mali ang larawan ng baro’t saya.

Magpakita ng tamang larawan ng baro’t saya.

90 Tal. 4 Mali ang pangungusap. Palitan ang ito ang aking lupang sinilangan ng Aking lupang sinilangan.

91 Tal. 3 Mali ang ibinigay na kahulugan ng puti.

Palitan ang pag-asa at pagkakapantay-pantay ng kalinisan at magandang kalooban. … Ang puti ay para sa kalinisan at magandang kalooban.

105 Tal. 1, Unang pangungusap

Mali ang pangungusap. Tanggalin ang ng dagat. Gabi-gabing nangingisda si Mang Siso sa laot.

119 Gawin Natin, Unang pangungusap

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang talaan ng talata.

128 Sagutin Natin, Bilang 1

May kulang na salita. Dagdagan ng mag-anak. Ano ang pangangailangan ng mag-anak?

177 Tal. 1 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Halimbawa na ay ang tawag ... ng Halimbawa nito ay ang tawag …

236 Panuto May kulang na salita. Palitan ang Isulat sa papel ang iyong sagot ng Isulat sa papel ang titik ng iyong tamang sagot.

248 Pagbubuod Maling baybay Palitan ang tungkuing ng tungkuling.

Page 5: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

3

Makabayan: Katangiang Pilipino 2 Menardo O. Anda LG & M Corporation Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

12 Tal. 1, Pangungusap 2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Maipapakita ng Maipakikita … Maipakikita ito sa kanilang …

Tal. 1, Huling pangungusap

Maling baybay Palitan ang paggatong ng panggatong. … Higit na mura ang panggatong …

13 Caption Maling baybay Palitan ang Hagdang-hagdang ng Hagdan-hagdang. … Ang Hagdan-hagdang …

22 A, Pangungusap 2

Malabong panuto Palitan ang panuto ng: Paupuin ang mga bata nang pabilog. Ipaikot sa isang bata ang bote. Ang matapatan …

24 Tal. 1 Maling baybay Palitan ang Ipinapakita ng Ipinakikita. … Ipinakikita ng mga larawan …

60 Tal. 2, 4 Paulit-ulit ang salitang tubig.

Alisin ang salitang tubig at dagdagan ng mula rito pagkatapos ng salitang yamang. … tubig ang mga yamang mula rito.

67 Tal. 1, 3 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang kinukuha ng hinuhukay. ... Ito ay hinuhukay o minimina.

90 Tal. 3, Pangungusap 2

Kulang ng bantas. Dagdagan ng kudlit ( ’ ) pagkatapos ng salitang ito. Ang mga ito’y ginagawang …

97 Pamimilian Kulang ng bantas. Lagyan ng tuldok pagkatapos ng mga pangungusap sa a, b, at c.

Bilang 4, c Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang ng ng ang.

99 Huling talata May kulang na salita Idagdag ang salitang taong. Si Mang Benito ay 35 taong gulang at si ...

106 Tal. 1, Pangungusap 1

Maling baybay Palitan ang nakakatuwa ng nakatutuwa. … laruang puppet na nakatutuwa sa bata.

112 Biak-na-Bato, Pangungusap 2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang naghihimagsik ng naghimagsik.

113 Tal. 1, Huling pangungusap

Mahabang pangungusap

Palitan ang pangungusap ng Si Placido Martinez na inatasang magtanggol kina Bonifacio at sa kapatid nitong si Procopio ay umapela sa hukuman na patawarin ang dalawa. Diumano’y nagkasala at napoot ang magkapatid sa pamahalaang Aguinaldo.

121 Tal. 2, Ika-apat na linya

Maling gamit ng salita. Palitan ang din ng rin. … Pinanatili rin ang orihinal na bantayog, gusali o bahay.

123 Bilang 1, Titik a Titik b

Ibigay ang kahulugan ng MRT. May nawawalang titik

a. Dito matatagpuan ang Metro Rail Transit (MRT)

Dagdagan ng g ang salitang sasakyan. … iba’t ibang sasakyang panlupa.

Page 6: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

4

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

133 Huling tal., Pangungusap 4

Mali ang ginamit na salita.

Ginagamit ito sa camping ng mga batang

Scout.

139 Tal. 5, ikatlong linya

Mali ang nabanggit na lugar

Palitan ang Maynila ng Rizal.

143 Speech balloons

May kulang na salita. Dagdagan ng dating Pangulong bago Manuel L. Quezon. Siya si dating Pangulong Manuel L. Quezon. Dagdagan ng dating Pangulong bago Quezon. … parangal kay dating Pangulong Quezon.

150 Panuto May kulang na mga salita.

Dagdagan ng ng tamang sagot pagkatapos ng titik. … Isulat sa hiwalay na papel ang titik ng tamang sagot.

151 A - Panuto May kulang na salita. Dagdagan ng totoo pagkatapos ng salitang hindi. Isulat sa hiwalay na papel … at HT kung

hindi totoo.

153 Sa Aking mga Kababata

Mali ang ginamit na mga salita.

Palitan ang kanyang salita ng sariling wika. Ang hindi magmahal sa sariling wika

159 Huling pangungusap

Kulang ng kuwit Dagdagan ng kuwit pagkatapos ng oras. … Anumang oras, nagtutulungan …

160 Huling linya Maling baybay Palitan ang pag-ani ng pag-aani. … pag-aani, at sa pagdiriwang ng mga kapistahan.

172 A. Bilang 4, Huling linya

Maling baybay Palitan ang partnersip ng partnership. … ang tulungan o partnership.

173 Maglaro Tayo, Bilang 1

Maling baybay Palitan ang Magpakontest ng Magpakontes. 1. Magpakontes sa pagbuo ng maliit na …

175 Huling tal., Pangalawang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang napapahalagahan ng napahahalagahan. … napahahalagahan ng mga Kristyano …

176 Tal. 2, Pangungusap 1

Maling ayos ng mga pangungusap.

Ilipat ang unang pangungusap (Araw ito ng Pagkakasundo.) sa unang talata pagkatapos ng salitang Muslim.

178 Tal. 3, Pangungusap 2

Maling gamit ng salita. Palitan ang nang ng ng. … kung maghahanda ka raw ng mga pagkain …

179 Unang paksa

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Pambansang Araw ng mga Tao ng People Power.

Unang larawan Ayusin ang larawan. Ipaliwanag na ang Sining Bugkos ay hindi caption.

Page 7: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

5

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

180 Tal. 3, Huling pangungusap

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang pagkakabaril ng pagkamatay … ginugunita ang pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.

182 Tal. 2, Pangungusap 3

May kulang na salita. Dagdagan ng dating Pangulong bago Manuel Luis Quezon. … sa nagawa ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

186 A. Bilang 1, Titik c

Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang maglalaro at . c. magbabasa ng tungkol sa mga bayani

220 Tal. 2, Pangungusap 1

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Sinasali ng Isinasali. … Isinasali sa paligsahan …

228 Tal. 2, Pangungusap 2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang publiko ng pampubliko. ... pribado at pampublikong paaralan.

Ang Bagong Pilipino 3 Expectacion Castor-Gonzales Mary Jo Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

3

Tal. 2 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang napapaligiran ng napaliligiran.

Tal. 3, Ikalawang linya

Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang o at palitan ng kuwit. … anyong-tubig ay dagat, look, golpo, at ilog.

Tal. 7 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng Bagama’t layu-layo at hiwa-hiwalay bumubuo ang mga ito ng tatlong malalaking pangkat - Luzon, Visayas, at Mindanao.

6 Mapa, Bilang 30 Huling linya Mapa, Bilang 22 at 23 Mapa, Taas ng 23 Mapa, Nakaturo sa NCR Kulay ng Laguna de Bay at Lawa ng Taal

Maling label; NCR ang Bilang 30. Hindi lalawigan ang NCR. Maling label; ang bilang 23 ay bahagi pa rin ng bilang 22 (Batangas) Walang label Maling label Maling kulay sa mapa

Ilipat ang Bilang 30 sa katabing lalawigan sa kanan. Alisin ang NCR o Metro Manila. Pag-isahin ang 22 at 23 bilang 22. Lagyan ng bilang 23. Palitan ang NCR ng Laguna de Bay.

Page 8: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

6

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

Gamitin ang sumusunod na mapa bilang gabay.

8 Tal. 2 Mali ang ginamit na mga salita.

Palitan ang siyang kinaroroonan ng ay binubuo ng mga lalawigan. … Region ay binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao …

9 Mapa Maling baybay Palitan ang MU?OZ ng MUÑOZ.

12 Mapa Maling baybay

Palitan ang PARA?AQUE ng PARAÑAQUE. Palitan ang LAS PI?AS ng LAS PIÑAS.

16 Tal. 2, Ikatlong linya

Maling baybay Palitan ang Canlaon ng Kanlaon.

23 Tal. 1, Unang pangungusap Tal. 1, Huling pangungusap

May kulang na probinsya. Maling lungsod

Idagdag ang Sharif Kabungsuan sa ARMM. Ang Lungsod ng Cotabato ay nasa Rehiyon XII.

24 Tal. 3, Ikalawang linya

Maling baybay Palitan ang gulpo ng golpo.

26 Tal. 5 Hindi na kailangan ang pagpapaliwanag.

Alisin ang buong talata.

28 Tal. 3 Hindi kasali ang Rice Terraces sa paksa.

Alisin ang at ang Rice Terraces sa Banaue.

30 Bilang 4 Bilang 4, Titik C

Ang tanong ay hindi kaugnay ng paksa. Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Alin sa mga ito ang anyong tubig? ng Saan matatagpuan ang malalawak na taniman? Palitan ang ilog ng baybayin.

33 Tal.4, Pangungusap 2

Malabo ang pagpapaliwanag.

Palitan ang pangungusap ng Inuugnay nito ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa daigdig ng Isa sa mga halimbawa ng karagatan ay ang Karagatang Pasipiko.

Tal. 5 Malabo ang pagpapaliwanag.

Palitan ang talata ng Ang Karagatang Pasipiko ay nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Page 9: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

7

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

34 Huling talata Malabo ang pagpapaliwanag ng look.

Palitan ng Ang look ay bahagi ng dagat na

pasok sa baybayin at halos napaliligiran ng lupa.

36

Tal. 2, Huling linya

Maling probinsya Palitan ang Quezon ng Laguna.

Huling linya Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang lawa.

37 Tal. 3 Mali ang pangungusap. Palitan ng: Ang Ilog Cagayan ay dumadaloy mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Isabela na tumutuloy sa Cagayan North.

46 Tal. 2, Ikatlong linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang bibig ng bunganga.

47

Tal. 5 Malabo ang pagpapaliwanag.

Palitan ang pangungusap ng Bulubundukin ang tawag sa bundok na nagsisilbing hangganan ng mga lalawigan. Ilang halimbawa nito ang Sierra Madre at Cordillera sa Luzon.

Tal. 6, Unang pangungusap

Maling halimbawa Palitan ang Sierra Madre at Cordillera ng Mt. Pinatubo.

52 Bilang 3 at 4

Malabo ang mga pangungusap.

Palitan ng: 3. Paano naiiba ang bundok sa

talampas? 4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang

karagatan at dagat?

61 Bilang 5 Nakalilitong panuto Palitan ang panuto ng Gamitin ang mapa ng Luzon sa pahina 6. Sagutan ang mga sumusunod: A. Saang dako ng Nueva Ecija

matatagpuan ang Aurora? B. Saang dako ng Luzon matatagpuan ang

Palawan? C. Anong lalawigan ang matatagpuan sa

dakong hilagang silangan ng Luzon?

63 Huling tal., Ikaanim na linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang lalaganap ng ito.

65

Tal. 2 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng Nakararanas ang bansa ng mga kalamidad tulad ng baha na kadalasan ay nakasisira ng mga dike at tulay.

Tal. 5, Unang pangungusap

Kulang ang impormasyon.

Dagdagan pagkatapos ng PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration).

66 Babala Bilang 3, Huling pangungusap

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang mahigpit ng mahigit.

67

Tal. 1 Hindi na kailangan ang pagpapaliwanag. Mali ang ginamit na salita. May kulang na salita

Alisin ang pamagat at ang unang talata. Palitan ang Geographical ng Geophysical. Idagdag ang Services gawing (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration).

Tal. 2- 4 Mali ang pagkakalagay ng impormasyon.

Idagdag ang pagpapaliwanag sa pahina 66.

Page 10: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

8

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

71 Tal. 3 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang kaaya-aya ng uri ng.

73 Tal. 3, Huling pangungusap

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang pananim ng pagtatanim.

Tal. 6, Unang linya

Maling gamit ng kuwit. Alisin ang kuwit pagkatapos ng Pilipinong.

Tal. 7, Unang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang nakakahuli ng nakahuhuli.

Tal. 7, Ikalawang linya

Paulit-ulit ang ginamit na salita.

Palitan ang yamang-dagat sa dagat ng yaman sa dagat.

77 Tal. 1, Unang linya Ikalawang linya Caption

Maling baybay Mali ang ginamit na salita.

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang nahahanap buhay ng naghahanapbuhay. Palitan ang paktori ng pabrika. Palitan ang paktori ng pabrika.

79 Tal. 1 at 2 Tal. 4

Iayos ang mga pangungusap. Iayos ang talata.

Palitan ito ng: Ang mga tao sa Benguet, Ifugao at Kalinga ay gumagawa ng magagandang alahas mula sa pilak. Gawin itong: Isa ring industriya ang paglililok sa kahoy. Hinahangaan ang mga produkto mula sa paglililok.

80 Tal. 1 Iayos ang pangungusap.

Gawin itong: Ang paggawa ng strawberry jam, jelly, ube, at peanut brittle ay kabilang din sa industriyang pantahanan. Nakadaragdag kita ito sa pamilya.

Caption

Maling laki ng letra

Dapat mas maliit ang mga letra ng salitang Paghahabi.

82 Tal. 1 Hindi maayos ang pagkakalahad ng ideya.

Palitan ang talata ng: Ang mga likas na yaman ay napakahalaga. Dito nakasalalay ang pag-unlad ng bansa. Subalit ang mga ito ay maaaring maubos at magdulot ng suliranin sa mga Pilipino tulad ng:

87

Tal. 6, Pangungusap 2

Maling gamit ng mga salita.

Palitan ang nagdurugtong sa ng karugtong ng. … na ang Pilipinas ay karugtong ng iba pang …

Huling tal., Ikatlong linya

Maling paggamit ng mga salita.

Alisin ang sa pagkatunaw ng yelo.

88 Huling tal., Pangungusap 2

Hindi na kailangan ang pangungusap.

Alisin ang Wala silang teknolohiya.

89 Tal. 5 Hindi na kailangan ang pangungusap.

Alisin ang Ang mga Indones ay may dalang teknolohiya sa bansa.

90 Tal. 5, Ikalawang linya

Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng: Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat, tuwid at itim ang kanilang buhok.

91 Tal. 3 Mali ang pangungusap. Alisin ang pangungusap: Ipinakilala rin ng mga Malay ang teknolohiya na mas magaling kaysa mga Indones.

Page 11: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

9

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

95 Tal. 3 Hindi maayos ang pagkakalahad.

Ilagay ang talata 3 pagkatapos ng talata 1.

Tal. 5 at 6 Maling impormasyon Alisin ang talata 5 at palitan ang talata 6 ng: Ang mga Arabe ang nagdala ng relihiyong Islam sa mga pulo ng Sulu …

Tal. 7 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng: Nagpakilala ng Islam sa Pilipinas ang mga mangangalakal na Arabo.

96 Tal. 3 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng: Nakipagkalakalan sila sa mga katutubo.

97 Tal. 3, Unang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang China ng Tsino.

99 Tal. 7 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Kristiyanismo ng Catholicism.

100 Huling talata Maling impormasyon Palitan ng: Noong 1941 nagkaroon ng digmaan ang mga Amerikano at Hapones. Binomba ng Hapon ang Pearl Harbor ng Hawaii noong Disyembre 8, 1941.

101 Tal. 1 Malabo ang pagpapaliwanag.

Palitan ng: Alam ng mga Hapones na ang Pilipinas ay kolonya ng Amerika. Dahil dito, lumusob sila sa Pilipinas.

102 Huling linya

May nawawalang salita Dagdagan ng isang bago ang salitang lahi. … ay kabilang sa isang lahi.

105 Tal. 5 Maling salita Alisin ang salitang bunso.

133 Huling talata, Ikalawang linya

Maling baybay Palitan ang Cecille Licad ng Cecile Licad.

134 Tal. 1, Unang linya

Maling baybay Palitan ang Cecille Licad ng Cecile Licad.

141 Tal. 7, Ikalawang linya

Maling pang-ukol Alisin ang sa sa lakas sa paggawa. ... bahagi ng lakas paggawa.

156 Bilang 6 Malabo ang pangungusap.

Palitan ang pangungusap ng: Ang paglililok ng kahoy ay patunay na ang mga Pilipino ay _____.

224 Tal. 4, Pangatlong linya

Mali ang mga ginamit na salita.

Tanggalin ang alak at.

237

Klima Hindi nabigyan ng tamang kahulugan.

Idagdag pagkatapos ng lugar sa loob ng dalawang buwan o mahigit pa.

Kolonya Malabo ang ibinigay na kahulugan.

Palitan ang ibinigay na kahulugan sa: Kolonya – lugar o bansa na sinakop ng mga bansang dayuhan. Halimbawa …

Look Malabo ang ibinigay na kahulugan.

Palitan ang ibinigay na kahulugan ng: Look – bahagi ng dagat na halos napaliligiran ng lupa.

238 Mapa Malabo ang ibinigay na kahulugan.

Palitan ang ibinigay na kahulugan ng: Mapa - patag na paglalarawan ng pook o lugar kung saan makikita ang ngalan ng mga bayan, lalawigan, o bansa.

239

Pamamasukan,

Unang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang paktori ng pabrika.

Sangko, Ikalawang linya

Maling ginamit na salita.

Palitan ang babae ng lalaki.

Page 12: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

10

Masipag na Pilipino 3 Lydia N. Agno, Ed. D; Celinia E. Balonso, Ph. D; et al. Vibal Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

29 Tal. 3, Pangungusap 2

May nawawalang salita. Dagdagan ng metro pagkatapos ng 10,920.

34 A, Bilang 5 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang lason ng nakalalasong kemikal. … sa ilog ng mga nakalalasong kemikal mula …

58 Tal. 2, linya 12 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Abril ng Pebrero.

60 Pahalagahan Natin, Bilang 9

Mali ang baybay. Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang sapa malapit ng sapang malapit. Alisin ang na sa pagitan ng nilalanguyan at ng mga.

102 Sagutin Natin, Bilang 2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Inisa-isa ng Iniisa-isa … Iniisa-isa ang pagtutuhog …

103 Pahalagahan Natin A

Malabo ang panuto.

Palitan ang panuto ng: Isulat sa sagutang papel ang pinakamahalagang katangian para sa iyo. Pagsunud-sunurin ayon sa kahalagahan nito. Lagyan ng bilang 1 – 5. Ang bilang 1 ang pinakamahalaga.

119 Tal. 2, Huling pangungusap

Maling baybay

Palitan ang tambul ng tambol. … palendang at tambol, na pawang …

133 Panuto Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang ... nasa kaliwang hanay. ng ... nasa kanang hanay.

139 Tal. 1, Pangungusap 4

Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang sa buhay. … Nabibilang sila sa mga pasanin ng pamilya na kanilang …

140 Sagutin Natin, Bilang 6

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang aplikasyon ng pakinabang. … edukasyon na may pakinabang sa …

146

Sagutin Natin, Bilang 1, Titik a hanggang d Bilang 2, Titik a hanggang d

Bilang 2, Titik d

Mali ang ginamit na salita.

Mali ang ginamit na salita.

Mali ang ginamit na salita.

Dagdagan ng karapatan ng pagkatapos ng ay. Alisin ang salitang karapatan sa titik a hanggang d ... a. tao c. lipunan b. pamunuan d. paaralan

Dagdagan ng pagtugtog ng pagkatapos ng sa. Alisin ang salitang pagtugtog sa titik a hanggang d ... a. piano c. byolin b. gitara d. tambol

Palitan ang drums ng tambol. … pagtugtog ng tambol

Bilang 4, Titik a hanggang d

Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang salitang paglalaro sa titik a hanggang d … a. basketball c. sipa b. bilyar d. chess

150 Tal. 2, Ikatlong linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Kawanihan ng Kagawaran. … Isa na rito ang Kagawaran ng …

Page 13: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

11

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

153 Tal. 1, Ikalawang linya

Maling kahulugan Palitan ang Kawanihan ng Pangingisda ng Kawanihan ng Pangingisda at Yamang Tubig (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources).

Sagutin Natin, Bilang 2

Nakalilitong tanong Baguhin ang tanong ng: 2. Kinakailangan ng tao na palakihin ang produksyon dahil sa

154

Sagutin Natin, Bilang 4 Sagutin Natin, Bilang 6

Malabo ang katanungan.

Baguhin ang tanong ng: 4. Nagtutulungan ang mga magsasaka sa

ating bansa sa: 6. Karaniwang nagaganap ang malakihang

pangisdaan sa ating bansa sa:

173 Huling tal., Pangungusap 1

May kulang na salita. Dagdagan ng Lakas pagkatapos ng salitang Sandatahan. … ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas … .

174 Unang linya Paggamit ng malaking titik sa acronym

Gamitan ng malaking titik ang letrang L ng local, G ng government at U ng Unit. … ang mga Local Government Unit …

177 Pagbubuod, Linya 9

May kulang na salita. Dagdagan ng Lakas pagkatapos ng Sandatahang. … Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas

183 Tal. 2, Huling linya Tal. 3

Maling baybay Hindi ibinigay ang kahulugan ng Pag-IBIG.

Palitan ang Kalookan ng Caloocan. … Bagong Silang, Caloocan Ibigay ang buong kahulugan ng Pag-IBIG. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno (Pag-IBIG).

184 A. Panuto Mali ang ginamit na salita.

Tanggalin ang pangklaseng. … sumusunod na mga tanong para sa talakayan.

191 Tal. 1, Ikaapat na linya

Lakihan ang titik. Lakihan ang titik O ng overseas at W ng worker. … ang mga Overseas Filipino Worker …

201 Bilang 1, Pangungusap 2

Maling gamit ng panghalip

Alisin ang: Binibigyan siya ng sedula bilang katibayan na siya ay nagbayad.

223 Bilang 4, Unang pangungusap

May kulang na salita. Dagdagan ng anyong ang pangungusap. … nakukuha natin sa mga anyong tubig.

234 L- Latian Maling gamit ng salita. Palitan ang ng ng na. … Latian – isang basang lugar na tinutubuan …

235 P- Pamayanan Maling gamit ng salita. Palitan ang ng ng na. … Pamayanan-pook na tinitirhan ng …

Page 14: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

12

Masipag na Pilipino 3

Lydia N. Agno, Ed. D.; Celinia E. Balonso, Ph. D.; et al. Vibal Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Manwal ng Guro

Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 Menardo O. Anda LG & M Corporation Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

iv Aralin 2 Mas akmang gamitin ang English.

Palitan ang Rotasyon ng Rotation.

6 Tal. 1, Ikalima hanggang huling linya

Mali ang datos. Ang Mindanao Deep na may 10,850 metro ang lalim, ang ikatlo sa pinakamalalim na bahagi ng Pacific Ocean. Sinusundan ito ng Philippine Trench na may 10,540 ang lalim.

23 Gawin, Pangalawang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang lungsod ng lugar.

Gawin, b Maling baybay Palitan ang Cabugao ng Kabugao.

Mapa Maling label sa mapa. Palitan ang Iligan ng Ilagan.

24 Mapa Maling baybay Palitan ang Bontok ng Bontoc.

54 Tal. 1, Ikaapat na linya

Maling paggamit ng maliit na titik

Simulan sa malaking titik ang Eagle.

73 Tal. 2, Ikaanim na linya

Maling baybay Palitan ang lawan ng lauan.

Tal. 3, Ikaapat na linya

Maling pangalan ng look

Palitan ang Palawan ng Palanan.

76 Tal. 3, Ikatlong linya

May kulang na impormasyon

Palitan ang taas ng 1,745 metro (bago ito pumutok).

89 Larawan Hindi na angkop ang larawan (Wala na dapat ang Cagsawa Tower.)

Ipaliwanag na ang Cagsawa Tower ay natabunan na.

106 Umawit Tayo, Ikatlong linya

Maling baybay Palitan ang akaban ng a kaban.

117 Caption ng

larawan sa ibaba

Hindi akma ang caption

sa tamang datos. Linawin na ang mga pangunahing pananim ng Region VIII ay niyog, palay, at mais.

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

vi D. 5. 5.1 Maling layout Idugtong ang kapaligiran pagkatapos ng pangangalaga sa. ... ng pangangalaga sa kapaligiran

20 IV, Bilang 8 at 10

Maling sagot Palitan ng: 8. M 10. T

57 3. A , Bilang 3 Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang lungsod ng mataong lugar.

Page 15: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

13

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

142 Tal. 2, Unang linya

Gamit ng malaking titik Palitan ang pahiyas ng Pahiyas.

145 Pagbubuod Maling daglat Palitan ang ARRM ng ARMM.

Bilang 4 Maling salita ang ginamit.

Palitan ng: a. Dahil sa binubuo ito ng maraming pulo

158 Bilang 3 Maling baybay Palitan ang kasakukuyan ng kasalukuyan.

172 Tal. 3, Ikaapat na linya

Maling baybay Palitan ang katalona ng katalonan.

177 Bilang 5 May kulang na mga salita.

Dagdagan ng ay ang pagkatapos ng Pilipino. 5. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga

sinaunang Pilipino ay ang ________ .

178 Bilang 6 Maling baybay Palitan ang kinabibilingan ng kinabibilangan.

Bilang 10 May kulang na mga salita.

Palitan ng: 10. Ang panulat ng mga sinaunang Pilipino

na gawa sa patpat at bakal ay ang ____.

B, d Maling baybay Palitan ang umalahokan ng umalohokan.

195

Bilang 5, c Mali ang ginamit na salita.

Palitan ng: c. Indian

Bilang 5, d Mali ang ginamit na salita.

Palitan ng: d. Orang Dampuan

201 Layunin, Bilang 2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang ng bago ang salitang kawayan ng na.

206 Tal. 1, Huling pangungusap

Maling baybay ng pangalan

Palitan ang Sebastian Elcano ng Sebastian del Cano.

207 Tal. 1, Ikaapat na linya

May kulang na salita. Dagdagan ng Fray. … ni Fray Garcia Jofre de Loaisa …

208 Tal. 2, Ikatlong linya

Maling pangalan Palitan ang pamayanang San Miguel ng pamayanang Santisimo Nombre de Jesus.

214 Tal. 1, Ikaanim na linya

Maling baybay Palitan ang Dipatawan ng Dipatwan.

223 Bilang 2 Mali ang petsa. Palitan ng Marso 17, 1521.

Bilang 4 Maling baybay ng pangalan

Palitan ang Sebastian Elcano ng Sebastian del Cano.

265 Ikatlong linya May kulang na salita. Dagdagan ng Padre. … ni Padre Juan Coba …

Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 Menardo O. Anda LG & M Corporation Karapatang-ari 2006 Manwal ng Guro

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

xv Bilang 3 Mali ang paggawa ng pagsusulit.

Palitan ng: Ang ______ ang tawag sa mga namumuno sa pagdarasal at pag-aalay sa mga anito.

29 A.1 Maling baybay

Palitan ang “Deam-A-Theme” ng “Dream-A-Theme.”

Page 16: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

14

Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 Alvenia P. Palu-ay LG & M Corporation Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

6 Tal. 2, ikatlong linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang pangungulam ng pagkukulam.

11 Bilang A. 1. c. Maling gamit ng mga salita.

Palitan ang Bago dumating ang mga Hapones ng Panahon ng mga Hapones.

17 Tal. 1 Hindi malinaw na paglalarawan

Idagdag sa paliwanag: Ang Taong Peking ang pinakamalaking kalansay ng Homo erectus na natuklasan.

Ang mga buto sa bisig nito ay katulad ng makabagong tao. (Walang masusing pag-aaral ang nagsasabing may kaugnayan ang Peking Man sa ”Dawn Man” o ang unang taong lumitaw sa Pilipinas.)

Tal. 2, Ikatlong linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang siyentista ng siyentipiko. … nakabuo ang mga siyentipiko ng larawan

18-19 Kulang na paliwanag Idagdag sa paliwanag: Ang tatlong pangkat ng tao sa lipunang Pilipino ay ang Maharlika, Timawa, at Alipin. Ang datu ay nabibilang sa pangkat ng mga Maharlika.

19 Pamagat Paghiwalayin ang pagtalakay.

Talakayin nang magkahiwalay ang Timawa at Maharlika. Magkaiba itong pangkat. Magkaroon ng hiwalay na talakayan para sa Maharlika.

44 Tal. 7, Ikalima at ikaanim na linya

Mali ang ginamit na salita.

Alisin ang at hindi gaanong mayaman. … malapit sa mga kabundukan ay itinuturing na pag-aari …

45 Tal. 6, Unang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang unang ng sinaunang. … Mahusay ang mga sinaunang Pilipino …

46 Larawan May nawawalang salita sa caption.

Dagdagan ng nanggaling sa karatig bansa pagkatapos ng salitang kalakal. ... ang ilang produktong kalakal na nanggaling sa karatig bansa.

55 Tal.1, Ikalawang linya

Hindi malinaw na paglalarawan.

Palitan ang sa paglagot sa kadena ng pang-aapi ng Spain ng sa pagkalas sa pamahalaang kolonyal ng Espanya.

Page 17: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

15

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

56

Tal. 2, Ikaanim na linya

Maling baybay Palitan ang Portuguese ng Portuges. … niya ang kanyang pagkamamayang Portuges …

Tal. 3, Ikaapat na linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Mollucas ng Moluccas. … pampalasa na makukuha sa Moluccas …

Tal. 6, Ikaapat na linya

Paggamit ng English sa halip na Filipino

Palitan ang Kipot ni Magellan ng Strait of Magellan. Tinawag na Strait of Magellan …

74 Talaan A, Bilang 2, 3, at 4

Maling baybay Maling baybay

Palitan ang Collegio ng Colegio. Palitan ang Immaculada ng Inmaculada. … Colegio de la Inmaculada Concepcion …

79 Talaan 5, kolum 3

Maling baybay Dagdagan ng s ang Cristiana. … Virgenes Cristianas Expuestas …

82 Tal. 2 Hindi malinaw ang salitang ginamit.

Bigyang kahulugan ang salitang kinomisyon. Kinomisyon – binigyan ng kapangyarihan

91 Huling tal., Unang linya

Hindi malinaw ang salitang ginamit.

Bigyang kahulugan ang salitang konkistador. Konkistador – mananakop

97 Sub-title Dagdagan ang impormasyon.

Palitan ang Jose Basco ng Jose Basco y Vargas.

98 Tal. 2, Unang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang itinatag ng ipinatupad.

102 Umawit Tayo Kulang ng himig o tono. Idagdag ang himig o tono ng “Ang Tahanan. ”

111 Tal. 2, Una at ikalawang linya

Kulang ang impormasyon.

Dagdagan ang pangungusap ng: Ito ay pahayagang may 2 seksyon, Espanyol at Tagalog.

Tal. 4, Pangungusap 1

Kulang ang impormasyon.

Dagdagan ang pangungusap ng: Hindi maituturing na tagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong pagbabago sa pamahalaan dahil na rin sa pagkakawatak-watak ng mga pinuno nito.

112 Tal. 1, Pangungusap 1

Palitan ang kahulugan. Palitan ang Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

115 Tal. 3, Ikaapat na linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang gagalangin ng igagalang. ... una pa lamang na igagalang ng lahat ...

121 Umawit Tayo Kulang ng himig o tono. Ibigay ang himig o tono ng “Ang mga Bayani.”

130 Tal. 3, Ikaapat at ikalimang linya

Mali ang impormasyon. Dagdagan ang paliwanag: Binaril at pinatay ng Amerikanong sundalo na si Private William Walter Grayson ang isa sa apat na Pilipinong sundalo. Nangyari ito sa tulay ng San Juan na ngayon ay Pinaglabanan. Kinabukasan …

Page 18: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

16

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

132 Pagwawakas ng Digmaang Pilipino-Amerikano, Huling tatlong linya

Kulang ang impormasyon.

Ilan sa mga huling sumuko sa mga Amerikano ay sina Miguel Malvar at Simeon Ola. Sumuko si Miguel Malvar noong Abril 16, 1902 at si Simeon Ola naman ay sumuko noong Setyembre 25, 1903.

148

Arkitektura, Pangungusap 2

Palitan ang pangungusap

Palitan ang pangungusap ng: Isa sa mga pagbabagong ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa ay ang pagbabagong-anyo ng mga gusaling pampamahalaan at panahanang Pilipino batay sa planong Amerikano. Sinimulan nila ito sa dalawang lungsod ng Pilipinas, ang Baguio at Maynila.

151 Tal. 2 Maling petsa Palitan ang Setyembre 1, 1901 ng Enero 21, 1901.

183 Tal. 1, Unang linya

Baguhin ang salita. Palitan ang papet na pamahalaan ng Puppet Republic/Government.

Tal. 3, Huling linya

Maling impormasyon Palitan ang Ikatlong ng Ikalawang. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.

194 Umawit Tayo Kulang ng himig o tono. Ibigay ang himig o tono ng “Ang Gerilya.”

208 Tal. 2, Huling linya

Baguhin ang salita. Palitan ang dati ng rati.

223 Sub-title Maling petsa Palitan ang 1971 ng 1986. … Pamamahala ni ... Marcos (1965-1986)

226 Caption Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang pampayanan ng pampamayanan.

233 Tal. 1, Huling linya

Baguhin ang pangalan. Palitan ang Zenaida ng Zeneida. Zeneida Amador

236 Umawit Tayo Kulang ng himig o tono. Ibigay ang himig o tono ng “Awit ng Mamamayan.”

238 Pamagat Mali ang mga ginamit na salita.

Alisin ang at Ikaapat na Republika. Panahon ng Batas Militar

250 Pamagat Maling pamagat Palitan ang Ang Bagong Republika ng Ang Ikaapat na Republika ng Pilipinas: (1981-1986).

267 Tal. 4 Malabo ang impormasyon.

Palitan ang Si Corazon C. Aquino ang ikapitong Pangulo ng Republika … ng Si Corazon C. Aquino ang kauna-unahang babae na naging pangulo ng Pilipinas at ika-11 mula sa unang Republika.

277 Tal. 5, Huling linya

Palitan ang salita Palitan ang pankaunlaran ng pangkaunlaran. Sa mga gawaing pangkaunlaran ...

279 Tal. 1

Malabo ang impormasyon.

Palitan ang Si Joseph Ejercito Estrada ang ikasiyam na Pangulo ng Republika. ng Si Joseph Ejercito Estrada ang ikalabintatlong pangulo ng Pilipinas mula sa unang Republika.

Page 19: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

17

Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 Alvenia P. Palu-ay LG & M Corporation Karapatang-ari 2006 Manwal ng Guro

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

iii Unang linya Palitan ang salita Palitan ang ding ng ring. Mahalaga ring malaman ...

97 Pamagat Mali ang datos Gawing 1981-1986

Tal. 1, Ikaapat na linya

Mali ang datos Palitan ang pitong ng limang. … at nagtagal ng limang taon.

Marangal na Pilipino 5 Lydia Agno, Ed.D.; Rosita D. Tadena, Ph.D.;Celinia E. Balonso, Ph.D.; et al. Vibal Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Batayang Aklat

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

38 Kahon na nasa ilalim ng Sagutin Natin

Kulang ang ginamit na salita.

Ilagay sa loob ng kahon ang indulto de comercio.

42 Tal. 3, Huling linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang yumakap ng nahikayat.

62 Tal. 2, Ikaapat na linya

Maling taon Palitan ang 40 taong gulang ng 60.

77 Tal. 5, Pangungusap 1

Maling petsa Palitan ang 1589 ng 1596.

88 Tal. 2, Pangungusap 1

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang taga-Cavite ng taga-suporta ni Aguinaldo at ng Magdalo. ... Kinilala ng mga taga-suporta ni Aguinaldo at ng Magdalo ang resulta ...

Tal. 2, Huling Pangungusap

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang Bundok Tala ng Bundok Nagpatong.

100 Tal. 4, Ikaapat na linya

Maling petsa Palitan ang 1921 ng 1922.

129 Gawin Natin Maling panuto Palitan ang panuto ng: Ilarawan ang kahalagahan ng programang homestead ng Commonwealth na ….

Page 20: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

18

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

155 Tal. 3, Ikalabindalawang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang isuko ng isinuko. ... nila isinuko ang kanilang ...

201 Pahalagahan Natin, Bilang 1

Malabo ang katanungan.

Palitan ang katanungan ng: Makatarungan ba ang naging reaksyon ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Marcos nang mapatay si Benigno Aquino, Jr.?

216 Tal. 2, Ikalimang linya

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang at bago ng salitang nanunungkulan ng ang. … may pananagutan ang nanunungkulan sa taumbayan …

Marangal na Pilipino 5 Lydia Agno,Ed.D.; Rosita D. Tadena, Ph.D.; Celinia E. Balonso, Ph.D.; et al. Vibal Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2006 Manwal ng Guro

Pahina Parte sa Pahina

Kamalian o Kakulangan

Mungkahing Pagtatama o Pagsasaayos

31 V. Takdang Aralin, Bilang 3.2

Mali ang ginamit na salita.

Palitan ang magalang ng magaling.

Page 21: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

19

Apendiks

Guidelines in Gathering Feedback on Content

of DepEd-Approved Textbooks (TXs) and Teacher’s Manuals (TMs)

Objectives:

Gather feedback on the sufficiency and appropriateness of contents of TXs and TMs

Determine if TXs and TMs being used in public elementary and secondary schools contain errors

Provide publishers feedback on the errors found for their consideration and to guide them in the development of new instructional materials

Summarize validated feedback to be used in future trainings of textbook evaluators

Note: Based on the gravity of errors found, publishers may be required to provide public schools with an Errata on validated major errors found in their books.

Implementation: 1. Principals / School Heads / Teachers-in-Charge must orient teachers on the

objectives of this activity and how to accomplish the form Feedback on DepEd-Approved Textbooks and Teacher's Manuals.

2. Only TXs and TMs with copyright year 2006 are included in this activity. TXs and

TMs with no errors need not be included. 3. The form may be jointly accomplished by at most three teachers using the same TX

and TM. The teachers should agree on the contents of the form and give their feedback by citing specific pages and line numbers of pages with errors, describing the error, and giving a recommendation on how the error can be corrected. Teachers who reviewed the books and accomplished the form must sign it.

4. The Principal / School Head / Teacher-in-Charge may either submit the duly

accomplished forms to the District Office (for the elementary level); mail these to the DepEd-Instructional Materials Council Secretariat (IMCS), 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City 1605, fax these at (02) 634-1072 / 634-0901; or e-mail these at [email protected].

5. IMCS monitors scheduled to visit a district / public school, may gather the

accomplished forms and validate or clarify the responses therein. 6. For any clarifications in this regard, please contact the Evaluation and Training

Division-IMCS at telephone nos. (02) 634-1054 and 631-9294. Thank you for your cooperation!

Page 22: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

20

Page 23: Errata Sibika Books New TAGALOG May 25

Errata para sa Sibika at Kultura 1 – 3 at HeKaSi 4 - 5

21