7
*Kabanata XII: Placido Penitente Pinamagatan itong “Placido Penitente” dahil sakanya umiikot ang kabanata. Ang ibig sabihin ng ‘Placido’ ay tahimik habang ang ‘Penitente’ naman ay nagsisisi sa ginawang pagkakamali. Si Placido ay mayaman at itinuturing na pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mabuting umiwas sa suliranin sa kanilang klase. Ngunit bigla na lamang siyang nawalan ng gana sa pag-aaral sa di matukoy na dahilan. EMOSYON Ako ay nasasayangan dahil sa biglang pagkawala ng gana ni Placido sa pag-aaral gayong itinuturing pa naman siyang pinakamatalino sa kanilang bayan. ARAL Ang pag-aaral ay ang susi sa kaunlaran kung kaya’t tayo’y mag tiyaga upang makamit natin ang kaunlaran sa hinaharap. *Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika Ang kabanatang ito ay patungkol sa isang propesor na mapagmalabis dahil ang isang pagliban ay katumbas ng lima.Si Placido ang napaginitan ng propesor dahil sa pagtulong nito kay Juanito sa pag-sagot.Minarkahan ng propesor si Placido at sinabing isang marka na lamang ay hindi na ito papapasukin at kinutya pa itong “Pilosopastro”. Nagpanting ang tainga ni Placido at nag-wikang “Tama na padre, mailalagay mu ang guhit sa ibig niyong paglagyan ngunit wala kayong karapatang laitin ako” at umalis siya nang walang paalam. Nagulat ang klase dahil ang gayong pagsagot ay hindi pa nasaksihan kalianman. Natapos ang klase ng walang natutunan ang mga estudyante. EMOSYON Naawa ako kay Placido dahil sa hindi makatarungang ginawa ng propesor sa kanya dahil lamang sa isang munting pag- kakamali. ARAL

El Filibusterismo Final

Embed Size (px)

Citation preview

*Kabanata XII: Placido Penitente Pinamagatan itong Placido Penitente dahil sakanya umiikot ang kabanata. Ang ibig sabihin ng Placido ay tahimik habang ang Penitente naman ay nagsisisi sa ginawang pagkakamali. Si Placido ay mayaman at itinuturing na pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mabuting umiwas sa suliranin sa kanilang klase. Ngunit bigla na lamang siyang nawalan ng gana sa pag-aaral sa di matukoy na dahilan.

EMOSYON Ako ay nasasayangan dahil sa biglang pagkawala ng gana ni Placido sa pag-aaral gayong itinuturing pa naman siyang pinakamatalino sa kanilang bayan.

ARAL Ang pag-aaral ay ang susi sa kaunlaran kung kayat tayoy mag tiyaga upang makamit natin ang kaunlaran sa hinaharap.

*Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika Ang kabanatang ito ay patungkol sa isang propesor na mapagmalabis dahil ang isang pagliban ay katumbas ng lima.Si Placido ang napaginitan ng propesor dahil sa pagtulong nito kay Juanito sa pag-sagot.Minarkahan ng propesor si Placido at sinabing isang marka na lamang ay hindi na ito papapasukin at kinutya pa itong Pilosopastro. Nagpanting ang tainga ni Placido at nag-wikang Tama na padre, mailalagay mu ang guhit sa ibig niyong paglagyan ngunit wala kayong karapatang laitin ako at umalis siya nang walang paalam. Nagulat ang klase dahil ang gayong pagsagot ay hindi pa nasaksihan kalianman. Natapos ang klase ng walang natutunan ang mga estudyante. EMOSYON Naawa ako kay Placido dahil sa hindi makatarungang ginawa ng propesor sa kanya dahil lamang sa isang munting pag-kakamali.

ARAL Ang lahat ng tao sa mundo ay nabuhay nang may karapatang ipagtanggol ang kanyang sarili sa kahit sino mang nanglalait at nag-papbaba sa dignidad nito.

*Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Mag-aaral Sinimulan ang kabanata sa isang lugar na pinanunuluyan ng mga estudyante. Ito ay maingay at magulo sapagkat maliligalig ang mga panauhin dito. Ito ay patungkol sa pagtitipon ng mga mag-aaral upang malaman ang desisyon kung ipapatupad ba ang Akademya ng wikang kastila. Ipinaalam ni Macaraig pagpaplanuhan pa ito at sa loob ng isang buwan ay malalaman na kung ito ay aaprubahan ito o hindi.

EMOSYON Nadismaya ako dahil sa kabanatang ito ay mas binibigyan pa ng pansin marami ang wikang kastila kaysa sa knilang wikang kinagisnan. ARAL Huwag natin pagbalinan ng maraming pansin ang mga bagay na tumataliwas sa mga bagay na kinagisnan natin at kahit anong mangyari ay pahalagahan natin ito dahil ito ay nakasama na natin sa ating pag-laki.

*Kabanata XV: Si Ginoong Pasta Matapos ang pag-pupulong sa bahay ng mga estudyante, pumunta si Isagani kay G. Pasta upang pakiusapan itong sumang-ayon sa kanilang panukala ngunit ayaw mangialam ng abogado .Pilit na iniiba ni G. Pasta ang usapan ngunit hindi niya ito magawa. Sa huli, hindi din napilit ni Isagani ang abogado. EMOSYON Ako ay natutuwa sa pagpupursigi ni Isagani na mapasang-ayon ang abugado ngunit mayroon ding kaunting yamot dahil sa pangungumbinsi para lamang sa kanilang kagustuhan. ARAL Minsan huwag natin pangunahan ang kagustuhan ng isang tao. Hayaan natin silang mag-desisyon pansarili dahil mas alam pa nila kung ano ang mas makakabuti.

*Kabanata XVI: Mga Kapighatian ng Isang Intsik Ang Intsik na si Quiroga ay naghandog ng handaan sa itaas ng kanyang tindahan sa Escolta. Maraming dumating na panauhin kabilang si Simoun na siyang pinag-kautangan nito. Pumunta sila sa isang silid at siningil ni Simoun ang tatlong pulseras na nagkakahalaga ng P9000 ngunit sa kasamaang palad ay di niya ito mabayaran dahil sa nangyaring panloloko sa kanya. Binawasan ito ni Simoun ng P2000 ngunit nag-kondisiyon siyang gagawing taguan ng mga baril nito ang bodega ng Intsik. Pinagpaliwanagan niya ang Intsik na unti-unti itong ilalagay sa mga bahay-bahay upang sila ay mapagkamalan at makulong na siya namang pagkakakitaan ng mga ito.Dahil sa kagipitan, hindi nakatanggi ang Intsik.

EMOSYON Hindi ako natutuwa sa kinikilos ni Simoun para lamang makapaghiganti dahil marami din siyang dinadamay rito. ARAL Hindi sagot ang paghihiganti sa pag-aalipusta sa atin, ang pagpapatawad dapat ang umiral dahil ang nasa itaas na ang bahala sa mga nakasakit sa atin.*Kabanata XVII :Ang Perya sa Quiapo Ang labindalawang galing sa tindahan ni Quiroga ay nagtungo sa perya upang tunghayan ang Espinge, isang palabas ni Mr. Leeds sa perya.Habang naglalakad ay palingon-lingon si Padre Camorra sa mga kababaihan lalo na nang dumating si Paulita Gomez kasama si Isagani at Doya Victorina. Binati nila ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad at bigla silang napadpad sa isang tindahan na maraming pintado ng mga larawan, pinagtawanan nila ang iba dito at nagpatuloy sa paglalakad ang pamgkat patungo sa tanghalan. EMOSYON Hindi makatarungan ang kiniklos ni Padre Comorra dahil naturingan siyang pari ay pinagpapantasyahan iya ang mga kababaihan doon. ARAL Iangkop natin an gating pagkilos sa ating kinatatyuang katungkulan dahil ang pangi tingnan kung tao ay kumikilos ng hindi tama at angkop.

*Kabanata XVIII: Mga Kadayaan Nang makarating ang pangkat sa tanghalan, agad na siniyasat ni Ben-zayb ang lamesa na para bang may hinahanap na salamin ngunit wala namang itong nakita.Sa kabilang banda, inilabas ni Mr.Leeds ang mahiwagang Espinghe, natakot ang pangkat dahil sa abong nagiging ulo. Takot na takot ang mga ito lalo na nang magbanta ang espinghe na siya namang kinahimatay ni Padre Salvi. Maya-maya ay bumalik din sa dati ang lahat at ang pangkat ay tuluyan ng umalis. EMOSYON Akoy naguluhan dahil tila ba may koneksyon si Padre Salvi sa Espinghe dahi sa mga nakakabagabag na winika nito. ARAL May mga bagay talagang biga-bigla na lang umilitaw na umuungkat sa ating nakaraan.

*Kabanata XIX: Ang Mitsa

Dahil sa ginawa ng proesor ay Placido, parang may tinig na bumubulong dito na siyay maghiganti. Binalak niyang bumalik sa kanilang bayan ngunit nakatagpo niya roon ang kanyang ina na si kabesang Andang. Sinabi ni Placido ang lahat ng nagyari sa kanya at pinayuhan naman ito na kanyang ina ngunit hindi niya ito nagustuhan at siya ay umalis. Naglakad-lakad si Placido at nakasalubong niya si Simoun. Dinala siya nito sa pagawaan ng pulbura at bomba na siya namang kinagulat ni Placido. Kinabukasan, umuwi si Placido at pinakinggan din ang payo ng ina sakanya. EMOSYON Humanga ako kay Placido dahil sa kabila ng sama ng loob ay nakuha niya pa ring sundin ang payo ng kanyang ina. ARAL Ang payo ng ina ay higit na makakabuti para sa kanyang anak, kung kayat sundin natin ito I mnsan ay huwag baliwalain.

*Kabanata XX :Ang Nagpapalagay

Si Don Custodio ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang Buena Tinta. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan. Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat. EMOSYON Humahanga ako kay Don Custodio dahil kahit hindi siya nakapagtaos ng pag-aaral ay pinapangunahan niya pa rin ang panukala. ARAL Wag natin maliitin ang kakayahan ng isang tao dahil minsan sila pa ang mas maabilidad kaysa sa mayroong pinag-aralan.

*Kabanata XXI: Mga Ayos-Mayila Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista. Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at Camaroncocido. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibigat kakilala niyang malalaking tao kahit di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo ngunit di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahan nilang pumasok si Tadeo. EMOSYON Naiinis ako kay Camaroncocido dahil sa pagka-walang bahalang pagpasok sa pagtatanghal na pinamagatang Les Choches de Corneville. ARALHindi tayo ang may-ari ng mundo kung kayat ayos-ayusin natin an gating pagkos upang awasan ang di-pagkakauawaan.

Proyekto sa FILIpino

(Kabanata XII- Kabanata XXI)

Ipinasa ni: Carlos John Relorcaza Ipapasa kay: Mr. Cliffchard Flores Guro