3
Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz I. Tema Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan. II. Simula A. Tauhan Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo. Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor na ang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit. Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang nila makausap ng maayos at laging tahimik Lukas – matandang kapatid ni Victor na kilala sa kanilang lugar Tatong Bamban, Paeng Gasti at Pilo - Mga matalik na kaibigan ni Lukas na laging tumutulong sa kanya Dolores – dating katulong nila Alma na nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama. Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores. Misis Fuertes – ina ni Alma na laging tinatambakan ng hairclips ang buhok Pocholo – kapatid ni Alma Monching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya. Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama B. Tagpuan Ang kwento ay umiikot lamang sa apat na sulok ng Tundo, partikular ang Torres High School.

Doc 1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Doc 1

Ang Tundo Man May Langit Dinni Andres Cristobal Cruz

I. TemaAng panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa

ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.

II. SimulaA. Tauhan

Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo.

Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor na ang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor

Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao

Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala

Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit. Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang nila makausap ng maayos at laging tahimikLukas – matandang kapatid ni Victor na kilala sa kanilang lugarTatong Bamban, Paeng Gasti at Pilo - Mga matalik na kaibigan ni Lukas na laging tumutulong sa kanya Dolores – dating katulong nila Alma na nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama. Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores. Misis Fuertes – ina ni Alma na laging tinatambakan ng hairclips ang buhokPocholo – kapatid ni AlmaMonching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya. Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama

B. TagpuanAng kwento ay umiikot lamang sa apat na sulok ng Tundo, partikular ang Torres High School.

C. SuliraninAng bawat tauhan sa kwento ay may kani-kaniyang suliranin, si Flor ay nabuntis ni Tonyo na lingid sa

kanyang kaalaman ay may sarili nang pamilya. Si Alma ay anak-mayaman na umiibig sa mahirap na si Victor. Ang ama ni Alma ay may anak sa katulong nilang si Dolores. Ngunit ang binibigyang diing suliranin sa kwentong ito ay ang pinaniniwalaan ni Victor na ang Tundo na may hindi magandang reputasyon, ay may langit din. Marami ang hindi naniniwala sa kanya ngunit buo ang kanyang loob na kaya nyang patunayan na Ang Tundo man ay may Langit Din.

III. GitnaA. Saglit na Kasiglahan

Nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty.

Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor.B.Tunggalian

Page 2: Doc 1

Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangamba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor.

Nagkaroon ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong.B. Kasukdulan

Nagkita muli sina Flor, Tonyo at Chabeng, sa araw na iyon, nakipaghiwalay na si Flor kay Tonyo dahil sa mas kailangan si Tonyo ng kanyang totoong pamilya.

Hindi naman napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.

Nagtatag si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar. Ang mga kabataang kasapi ng samahang Sikhay ng Kabataan ay naglinis ng estero kasama sina Victor at

ang mga kumpare ni Lukas.

IV. WakasA. Kakalasan

Nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.

Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama.

Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

B. KatapusanDumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa

kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag- iisang dibdib. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may

sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

V. Mensahe

Minsan ay hindi maiiwasan ang tayo’y makagawa ng hindi tama. Minsan ito’y dahil sa silakbo ng damdamin o kaya’y dala ng kawalan ng pag-asa. Gayunpa man ang mahalaga ay ang ang makilalanatin ang ating mali at ang pagtutuwid nito tulad ng ginawa ni Flor.

Tama lang na ipaglaban ang nadaramang pag-ibig kahit sinasabing kayo’y hindi bagay dahil hindi pantay ang estado sa buhay. Ang mahalaga ay wala kayong nilalabag na batas o nasasaktang damdamin.

Napakagandang kaisipan ang magkaroon ng napakagandang pangarap sa kabila ng pagkontra ng iba. Ang pagiging masigasig sa pag- abot ng parang imposibleng pangarap ay mahirap ngunit kapag ikawnaman ay nagtagumpay ay napakasarap. Kaya’t halinang mangarap at hanapin ang Langit sa ating buhay. Kung ang Tundo man ay may langit, alam kong

ang Makati ay may Langit din.