Diskurso Depinisyon at Katangian

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    1/6

    Depinisyon at Katangian

    Ano nga ba ang diskurso? Si Webster (1974) ay may ibat ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon

    sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw

    itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad

    halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng

    ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.

    Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at

    pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na

    mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga

    partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.

    Ano ang komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang mga huling akda bilang

    pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin

    ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang konseptong ito ay tinatawag

    din minsan bilang sosyolinggwistiks. Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o

    rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang

    popular, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

    Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: ang tekstwal

    kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at organisasyon, at ang ilukyusyonari kompitens o

    ang abilidad na magamit ang wika para sa ideation, manipulasyon, heuristik (halimbawa, pagkatuto o

    learning) at imahinasyon.

    Ano naman ang linggwistik kompitens? Ito naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang di-

    konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng maraming

    linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na gramatikal kompitens, na para

    sa kanya ay nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis atbokabularyo.

    Konteksto ng Diskurso

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    2/6

    Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga

    kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo

    sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring

    interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.

    Halimbawa:

    Konstekstong Interpersonal usapan ng magkaibigan

    Kontekstong Panggrupo pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral

    Kontekstong Pang-organisasyon memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado

    Kontekstong Pangmasa pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante

    Kontekstong Interkultural pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN

    Kontekstong Pangkasarian usapan ng mag-asawa

    Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa

    isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang hangganan ng konteksto

    ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa

    loob ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa

    tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto.

    Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mgataong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural.

    Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    3/6

    Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay

    maaaring maging susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga

    teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang tao

    ay maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga

    saliksik ng mga teorista.

    Ngunit kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang kalakasan at

    kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang

    mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.

    Pinakapopular na marahil sa mga teoryang ito ang speech act theory at ang ethnography of

    communication.

    Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L.

    Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isang mode of action at isang paraan

    ng pagko-convey ng impormasyon. Wika nga ni John Seale, All linguistic communication involves

    linguistic acts. Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi

    ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o

    pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

    Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistik na ito sa tatlong komponent. Ang una ay ang aktong

    lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikalawa ay ang aktong ilokyusyonari o ang

    pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong perlokyusyonari o

    ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa

    damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang tao. Samakatwid, ang una ay

    may kahulugan, ang ikalaway may pwersa at ang ikatloy may konsikwens.

    Samantala, ang ethnography of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern

    at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais

    nating

    pag-aralan ang glossolalia (speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristyanong sekta,

    kailangan nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at kung

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    4/6

    maaariy maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa pamamagitan lamang

    niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo magiging pamilyar sa konteksto ng glossolalia upang

    maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.

    May ibat ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant- obserbasyon:

    1. Introspection o ang paggamit ng intuition,

    2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,

    3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga myembro ng komunidad,

    4. Philology o ang paggamit ng mga pasulat na materyales,

    5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,

    6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis

    ng mga linggwista, at ang

    7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.

    Sa website na http://www.mcgraw-hill.com, pahapyaw na tinalakay ang iba pang mga teorya. Dalawa sa

    mga ito ay ang communication accomodation theory at ang teorya ng narrative paradigm.

    Sa communication accomodation theory, sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens ng pangyayari

    kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon. Ang mga teorista nito ay

    naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust ang kanilang istilo

    kapag nakikipag-usap sa iba. Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan: divergence at

    convergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay madalas na gumagamit ng

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    5/6

    divergence upang ihaylayt ang kanilang identidad. Samantala, ang convergence ay nagaganap kung saan

    mayroong matinding pangangailangan para sa social approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga

    indibidwal na walang kapangyarihan.

    Ang narrative paradigm naman ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals. Ang

    teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika ng

    argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay nagmumungkahi na husgahan

    ang kredebilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya. Isang demokratikong

    paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat

    upang makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens at pideliti.

    KOMUNIKASYON : DEPINISYON at HALAGA

    Ayon kay Webster ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng

    pasalita o pasulat na paraan.Inilarawan naman nina Greene at Petty,sa aklat nilang Developing Language

    Skills ang komunikasyon bilang isang intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo

    upang makapagpadala ng katotohanan,ideya,damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa

    iba.Samakatuwid,ang komunikasyon ay maaaring magamit para sa mabuti o masamang layon.Kapag

    tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin o ihayag ang katotohanan,pagyamanin ang mga aspetong

    nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao,ang komunikasyon ay mabuti.Ngunit kapag sinisira o

    binabaluktot ang katotohanan sa komunikasyon,nililito o nililihis ang mga mamamayan sa kabutihan ang

    komunikasyon ay masama.

    URI NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON

    Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan- ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa

    pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.ng pagkakabuklod-buklod tungo

    sa isang partikular na mithiin.

    KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL-ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.Sangkot dito ang pag-

    iisip,pag-alala,at pagdama mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

  • 7/27/2019 Diskurso Depinisyon at Katangian

    6/6

    KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL-ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganp sa pagitan ng

    dalawang tao o sa pagitan ng isang tao o maliit na pangkat.Ang uri ng komunikasyong ito ang

    humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

    KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO -ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng

    isa at malaking pangkat ng mga tao