Cts Wika Teorya 110625081738 Phpapp01

Embed Size (px)

DESCRIPTION

cts-wika-teorya-110625081738-phpapp01.ppt

Citation preview

  • WIKAKahuluganKatangianTeorya/ Pinagmulan

  • WIKAAng wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.

  • WIKAIto ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

    Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

  • WIKAitoy masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng taong kabilang sa iisang kultura upang makipagtalastasan.Henry Gleason

  • KATANGIAN NG WIKAAng WIKA ay SISTEMATIKOAng WIKA ay SINASALITANG TUNOGAng WIKA ay pinili at isinaayos sa paraang ARBITRARYOAng WIKA ay nakabuhol sa KULTURAAng WIKA ay PANTAOAng WIKA ay NAGBABAGOAng WIKA ay ginagamit sa pakikipagtalastasanAng WIKA ay MALIKHAIN

  • DAYALEKTOHomogenious ang wika, na ang ibig sabihin ay pare- parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika.

  • IDYOLEKKabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May ibat ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.

  • SOSYOLEKSinasalita ng isang tao sa lipunan. May barayti ng wika ayon sa kinabibilangan nito sa lipunan.

  • REGISTERTinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaaring gumagamit ng ibat ibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama.

  • TEORYA/ PINAGMULAN1.Ding Dong ( likha ng Tao) - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.

  • TEORYA/ PINAGMULAN2.Bow Wow ( kalikasan). Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.3.Pooh Pooh( Masidhing damdamin) tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

  • TEORYA/ PINAGMULAN4.Teoryang Yam-yam ( tunog mula sa katawan ng tao) Ipinapahayag sa teoryang ito na sa pamamagitan ng ating katawan sa tubig, hangin at pagkain ay nakalilikha ng tunog hanggang sa ito ay maging wika-pagkalam ng sikmura.

  • Teorya/ Pinagmulan5.Teoryang Tarara-boom-de-ay- Sa Teoryang ito ito nagmula ang wika sa twing sila ay nagsasagawa ng ritwal o seremonya sa pagsigaw, pagsayaw at mga panalangin, nakakaigkas sila ng mga salita

  • Teorya/ Pinagmulan6.Teoryang Yo-he-ho( tunog mula sa pwersang pisikal)- pinaniniwalaang nagsimula ang wika sa pamamagitan ng ingay ng mga taong naasama-sama o nagtulungan sa paggawa.

  • Teorya/ Pinagmulan7.TEORYANG MUSIKA- kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon.

  • Teorya/ Pinagmulan8.TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.

  • Teorya/ Pinagmulan9.TEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.