54
Kabanata I SULIRANIN AT KALIGIRAN I-Panimula Ang salitang pagbabago ay ang nag-iisang nanatili sa ating daigdig. Sapagkat sa bawat paglipas ng minute, araw at panahon maraming mga pagbabagong nagaganap sa ating sarili particular na sa ating pangangatawanan, kaugalian, paniniwala, kasuotan at higit sa lahat sa ating pakikitungo at pakikipagtalastasan sa bawat mamamayan. Gayundin sa ating kapaligiran dala ng modernesasyon at pag-unlad unti-unti nababago ang paraan ng ating pamumuhay. Katulad na lamang sa wika, patuloy sa pagbabago na tahasang masasabi na dala rin ng pag-unlad. Ang pag-unlad ay bahagi ng ating buhay at dahil sa kaalaman, karunungan, pag- aaral at mga pagsusuri, at kakayahan ng bawat propesyonal mas lalo pang umuunlad ang ating wika upang mapadali at maging mabisa ang ating pakikipag-ugnayan sa bawat mamamayan. 1 | Pahina

cris samaniego apple

Embed Size (px)

Citation preview

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

I-Panimula

Ang salitang pagbabago ay ang nag-iisang nanatili sa ating daigdig. Sapagkat sa

bawat paglipas ng minute, araw at panahon maraming mga pagbabagong nagaganap sa

ating sarili particular na sa ating pangangatawanan, kaugalian, paniniwala, kasuotan at

higit sa lahat sa ating pakikitungo at pakikipagtalastasan sa bawat mamamayan.

Gayundin sa ating kapaligiran dala ng modernesasyon at pag-unlad unti-unti nababago

ang paraan ng ating pamumuhay.

Katulad na lamang sa wika, patuloy sa pagbabago na tahasang masasabi na dala

rin ng pag-unlad. Ang pag-unlad ay bahagi ng ating buhay at dahil sa kaalaman,

karunungan, pag-aaral at mga pagsusuri, at kakayahan ng bawat propesyonal mas lalo

pang umuunlad ang ating wika upang mapadali at maging mabisa ang ating pakikipag-

ugnayan sa bawat mamamayan.

Ayon kay Santiago1 sa mga ginawang pag-aaral at pagsusuri ng mga propesyonal

napag-alaman na ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi

papantig. Ang ispelling o pagbaybay ay isa isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-

sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronem, inisyal,

simbolong pang-agham at iba pa.

1 | P a h i n a

Kung gayon, ang pagbaybay ay isang proseso upang maging kawili-wili at mabisa

ang salitang ating mabubuo. Na kung saan ang mga salitang ating mabubuo ay

magagamit natin upang makabuo tayo ng pangungusap ng sa gayon mabisa

maipapahayag ang ating mga damdamin at saloobin.

Kinakailangan natin na pagtuonan ang pagbabaybay ng mga salita dahil ito ang

pangalawang proseso sa mabisang pakikipag-ugnayan at madaling pagkakaunawaaan.

Sapagkat kapag magaling o marunong ang isang tao sa pagbabaybay ng mga salita

madaling uunlad ang kanyang kaisipan at yayaman pang lalo ang kanyang talasalitaan.

Sa pananaliksik na ito, matutunghayan natin kung paano nagiging mahina ang

palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral at mabigyang kalutasan ang mga

respondenteng mag-aaral kung bakit nagiging mahina ang kanilang palabaybayan sa

Filipino at kung ano ang makakatulong upang mapaunlad ang palabaybayan ng bawat

mag-aaral para sa mabisang pakikipag-ugnayan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang paksa ng mga mananaliksik ay tungkol sa “Ang mga Kahinaan sa

Palabaybayan sa Filipino ng mga Mag-aaral ng III-Kingfisher ng Polangui General

Comprehensive High School sa Taong Panuruan 2010-2011.” Narito ang ilang suliranin

na hahanapan ng kasagutan ng mga tagapagsaliksik sa nabanggit ng mga mag-aaral.

1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa mahinang palabaybayan sa

Filipino ng mga mag-aaral.

2 | P a h i n a

2. Anu-ano ang mga gawaing pangklasrum ang makatutulong sa pagpapaunlad

ng palabaybayan ng mag-aaral.

3. May kinalaman ba ang mga istratehiya at kagamitang pampagtuturo sa

mahinang palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral?

Mga Hinuha

Sa pag-aaral na ito inaasahan ng mga mananaliksik sa inilahad na suliranin ang

mag sumusunod na kasagutan.

1. Matuklasan ng mananaliksik ang mga salik na nakakapekto sa mahinang

palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral gaya ng mga sumusunod:

a. Paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng computer at cellphone

b. Kawalan ng interes sa pagbasa ng aklat at iba pang babasahin

c. Istratehiya sa pagtuturo

d. Kahinaan sa pagpapantig

e. Kulang sa talasalitaan

*Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya labis na naapektuhan ang

pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na sa palabaybayan particular na dito ang paggamit ng

cellphone sapagkat pinapaikli at binabawasan ang mga letra at kung magkaminsa’y

pinapalitan na lamang ang mga salita ng mga numero na kung saan mas lalo pang

humihina at nababawasan sa palabaybayan ng bawat mag-aaral. Gayundin ang computer

na halos mag-aaral ay naglalaro na lamang at pumupunta sa mga ipinagbabawal na

3 | P a h i n a

panoorin, kaya naman hindi na nila nabibigyang-tuon ang pagbabaybay at ang paano

mapapunlad ang kanilang tasalitaan.

*Kawalan ng interes sa pagbabasa ng mga aklat at iba pang babasahin isa rin ito

sa mga salik na nakakaapekto sa mahinang palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral.

Nawawalan sila ng interes lalo na kung hindi nila masyadong nauunawaan ang kanilang

binasa.

*Malaki rin ang kinalaman ng istratehiya na ginagamit ng guro sa kanyang

pagtuturo, kaya kinakailangan na pagtuonan ng guro kung paano mahuhubog at

mapapaunlad ang talasalitaan ng bawat mag-aaral. Kinakailangan na pagtuonan ang

pagpapasulat ng komposiston at pagpapabasa para umunlad ang talasalitaan ng mga mag-

aaral.

2. Ang mga gawaing pangklasrum na makakatulong sa pagpapaunlad ng

palabaybayan ng mga mag-aaral ang tamang gamit ng mga bantas, pagbabaybay ng mga

salita, at pagbuo ng pangungusap. Gayunding sa pagbabasa ng teksto upang makilala ng

mga mag-aaral ang mga salita at tamang baybay nito.

3. Malaki ang kinalaman ng istratehiya ay kagamitang pangpagtuturo sa

mahinang palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral dahil nakasalalay sa guro ang

pagkatuto ng mga mag-aaral at kung paano makukuha ang interes ng mag-aaral at

magagamit nila ng tama ang mga salita at pangungusap sa mabisang pakikipagtalastasan.

4 | P a h i n a

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw lamang ng pag-aaral na ito na may pamagat na “Ang mga kahinaan sa

palabaybayan sa Filipino na mga mag-aaral ng III-Kingfisher sa Polangui General

Comprehensive High School Taong Panuruan 2010-2011,” na tumutugon lamang ito sa

mga katanungang ipinapahayag ang tatlong suliraning ang III-Kingfisher ng Polangui

General Comprehensive High School na binubuo ng 45 mag-aaral, na may 20 na lalaki at

25 babae.

Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang malaman kung bakit nagiging mahina ang

palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral ng III-Kingfisher at upang makapagbigay ng

tamang paraan upang magkaroon ng kalutasan ang kanilang palabaybayan at talasalitaan.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon sa iba’t-ibang

aklat, pamimigay ng talatanungan sa mga mag-aaral at pakikipanayam sa ilang guro sa

Filipino kung ano ang natatangi at angkop na istratehiya sa pagtuturo sa pagpapaunlad ng

palabaybayan at talasalitaan ng bawat na mag-aaral.

Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang seksyon sa ikatlong taon ng

Polangui General Comprehensive High School.

5 | P a h i n a

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay hindi lamang nakatuon sa isang tao kundi

sa lahat nang babasa sa pananaliksik na ito.

A. Sa Mga Mag-aaral

Malaki ang maitutulong nito sa kanila upang malunasan ang suliranin sa

kahinaan sa palabaybayan na kinakaharap nila at upang mapalawak ang

kanilang kaalaman at mapaunlad ang kanilang palabaybayan upang maging

mabisa ang kanilang pakikipagtalastasan pasalita man o pasulat.

B. Sa Mga Guro

Ang bawat guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa mga gurong makakabasa nito ay maaring makapulot ng ideya, kaalaman at

angkop na istratehiya na makakatulong sa kanilang pagtuturo. Mabubuksan

din ang kanilang mga isipan sa mga suliranin kinakaharap ng mga mag-aaral

lalong-lalo na sa pagkakaroon ng mahinang palabaybayan.

C. Sa Mga Mananaliksik

Makakatulong ang pag-aaral na ito upang makakalap ng mahahalagang

impormasyon na kailangan sa kanilang pananaliksik. Mapagkukunan din ito

ng mga datos at tala na kaugnay sa kanilang suliranin hinahanapan ng

kasagutan at mapapalawak pa ang kanilang kaalaman.

6 | P a h i n a

TALA

Erlinda, Mariano Santiago, Elvira Tulio Inocencio, Sining ng Pakikipagtalastasan

sa Kolehiyo, p.20.

7 | P a h i n a

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay Na Literatura

Ayon kay Buenaventura1, kailangan gamitin ng guro ang angkop na teknik at

pamamaraang pampagtuturo sa mga mag-aaral na mahina sa pagkatuto, sapagkat ang

mga mag-aaral na ito ay nararanasan ang ilang problema tulad ng kakulangan sa

talasalitaan, di pagsunod sa tamang direskyon at paniwalang sila ay mahina sa pag-aaral,

ngunit nagpapakita ng kanilang kahinaan dahil sa problema sa pamilya, problema sa pera,

sa kinalakihang paligid, paglalakwatsa at pagkakatamad.

Ang guro ay kinakailangan na gumamit ng mga angkop na istratehiya, teknik at

kagamitang pampagtuturo para sa paghubog ng kaalaman ng mga mag-aaral particular na

sa kanilang talasalitaan at palabaybayan para sa mabisang pakikipagtalastasan.

“Vocabularies are the most component of a language. Words keep or growing and

changing when we read, it is not supervising to come across unfamiliar words even after

having learned many words.”2

“Ang bukabolaryo ay kailangan malawak at iba-iba. Ito ay buhay at nagbabago

kaya’t hindi na kataka-takang may mabasa tayong bago sa ating pandinig kahit na

marami na tayong alam na mga salita.”

Ayon naman kay Dewey3, tungkulin ng guro at paaralan na gawing kaaya-aya ang

kondisyon at kapaligiran para sa epektibong pagkatuto. Ang katangian at kaalaman ng

8 | P a h i n a

guro ang nagdadala sa kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral na makarating sa rurok

ng tagumpay. Matibay sa pag-alam sa mga pangangailangan at kaligiran ng mag-aaral,

kinakailangan ding mahikayat at mabigyan ng magandang motibasyon at pagpapahalaga

ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahang mental, sayko-motor at epektibong

kakayahan.

Sa pagtuturo kinakailangan na makuha ng guro ang interes ng mga mag-aaral

upang mailagay niya sa kondisyon ang kaisipan ng mga ito ng sa gayo’y maging handa

sila sa pakikinig. Maisasakatuparan lamang ito sa pamamagitan ng magandang

kapaligiran at motibasyon ng isang guro upang maisakatuparan ang layunin ng pagtuturo

ng pagsulat at pagbasa.

Wika naman ni Murthis4, ang mga magulang ang tinatawag na unang guro dahil

sila ang unang tao na nagtuturo sa kanilang anak. Ang guro naman ang nagsisilbing

pangalawang magulang dahil sila ang nagtuturo sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya,

“kailangan magtulungan sa paghubog ng kakayahan ng isang bata.”

Nagsisimula ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa bahay o tahanan. Kaya naman

kinakailangan na magkaisa ang guro at magulang sa pagtuturo ng tamang baybay at

gamit ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap.

Ayon naman kay Alcomtiser P. Tumangan Sr.5, hindi matatawaran ang kakayahan

ng mayamang talasalitaan sa kasanayan ng pagbasa at pagsulat. Tiyak na epektibong

magbasa ang taong higit na mayaman ang talasalitaan kaysa sa taong kapos sa

9 | P a h i n a

talasalitaan; gayundin, magiging mahusay at higit na madali ang pagsulat ng taong

mayaman ang talasalitaan. Salita rin ang ginagamit sa pagsulat kayat magiging madali

ang pagsulat sa isang malawak na talasalitaan.

Sinasabing kapag malawak ang kaalaman at talasalitaan ng isang bata kung mag-

aaral madali siyang makakapagsulat. Madali niyang maililipat at magagamit ang mga

salita sa paghahatid ng kaalaman at impormasyon pasulat man o pasalita.

Ayon kay Federico B. Subastian6, kung madali ang pagkakaugnay at gamit ng

mga salita sa mga pangungusap na ginagamit natin kung tayo’y nagsasalita o sumusulat,

natural lamang na maging Malabo rin ang ating pahayag. Kaugnay nito, ang isang mag-

aaral ng wika kung nagnanais na makapagtamo ng kakayahang makapaghahayag nang

mabisa sa wikang pinag-aralan ay dapat na may lubos na kaalamang pambalarila.

Sa paggamit ng mga salita kinakailangan ang pagsusuri at pagbabaybay nito para

maging mabisa ang kaisipan at ideya na nais iparating.

Sa paggamit ng mga salita kinakailangan ang pagsusuri at pagbabaybay nito para

maging mabisa ang kaisipan at ideya na nais iparating.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral nina Macaraig at Mamarit7, ang posibilidad na ginagamit sa

paaralan ay malaki ang epekto lalo na ito’y kulang at di sapat sa pangangailangan ng

10 | P a h i n a

mag-aaral. Ang kakulangang ito ay tumutukoy sa mga kagamitan tulad ng upuan, aklat at

mainit na silid-aralan. Sa kanilang pag-aaral, nakatuon sila sa kahinaan ng pagbasa ng

mga mag-aaral sa unang taon.

Ang mga mag-aaral ay kailangan mabigyan ng maraming karanasan sa pagkatuto

at mailantad sa ibat ibang gawain pampaaralan upang lalong mahubog ang kanilang sarili

at kakayahan. Sila ay dapat mabigyan ng interest at motibasyon upang makilahok sa

gawain at magkaroon ng tiwala sa sarili na makakayanan ang anumang kahinaan. Hindi

dapat limitahan ng guro ang pagtuturo sa isang aklat, kailangan ay maging malikhain sila

upang makuha ang interes ng bawat mag-aaral upang matuto. Sa pagtuturo ng aralin,

kailangan ay gumamit ng maganda, angkop at epektibong paraan para hindi mabagot ang

mga mag-aaral at para rin matuto.

Ayon kay Aceros8, study on the effect of a device in a self instruction revealed

that programmed, instruction in teaching grammar is more effective than the traditional

method. This study revealed further that the program material could find continuity in

cases of the the instructor and student the program materials have provisions for under-

achievers to learn at their own peace.

Batay naman sa pagsusuri ni Olanguera9 (2000) ang mga estratehiya ayon naman

sa mga guro ay epektibo ay pagpuna sa kanilang nakasulat sa teksto sa aspekto ng

sariling pagtuturo, paggamit ng larawan o katikatura upang maipahayag ang nadarama,

11 | P a h i n a

pagbabalita mula sa larawan, pagsulat ng liham upang mahikayat, pagpapatuloy ng

pagkukuwento upang magbigay ng kaayahan.

Ayon naman kay Ripalda10 (1997) ang mga guro ay may positibong saloobin sa

pagtuturo sa wikang Filipino bagamat nararanasan ng mga ito ang ilang kahirapan sa

pagtuturo sa kanilang lugar. Naobserbahan nila na kulang sa interes ang mga mag-aaral

sa Filipino na marahil ay dahilan sa kaibahan ng mga talasalitaan sa kanilang wika at

napag-alaman din na mahina ang mga mag-aaral sa pagbasa sa Filipino. Isa pang

suliranin ay ang kahulugan sa mga babasahin tulad ng batayan at mga babasahing tungkol

sa Filipino.

Alinsunod sa ginawang pag-aaaral ni Nuyles11(1995) upang malaman ang mga

gawaing pagsasanay sa mabisang pagsulat ng sulatin. Natuklasan ng mga guro na halos

pare-pareho ang mga gawain pagsasanay sa istratehiyang pinagyaman. Ilang halimbawa

ng gawain ay pagbibigay ng ideya tungkol sa paksang ipapasulat, pagbibigay ng

kahulugan ng mga salita at paggamit sa pangungusap, pinandaragdag o pagkatapos ng

mga pangungusap, paggamit ng mga salita pagkaltas ng mga salita, pagbabasa ng

salaysay sa harap ng klase, pagsagot sa mga tanong, at pagtalakay sa wastong balarila.

Balangkas Teoretikal

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wka ay isag prosesong

dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wikang ay palaging nangangailangang mag-isip at

12 | P a h i n a

gawaing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na

tuntunin at malipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang

isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga

tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya nama’y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil

dito, malimit nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga

kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng tinatanaw ng mga kognitibist bilang

isang integral na bahagi ng pagkatuto. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga

pagkaklaseng batay sa teoryang kognitibist. Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa

pamamagitan ng mga dulog na pagsaklaw at pagbuod.

13 | P a h i n a

Balangkas Konseptwal

14 | P a h i n a

Pagpapabasa ng mga Teksto at Iba Pang

Babasahin

Pagpapabasa ng mga Teksto at Iba Pang

Babasahin

Ginagamit na Estratehiya ng guro sa

kanyang pagtuturo

Ginagamit na Estratehiya ng guro sa

kanyang pagtuturo

Pagpapasulat ng

komposisyon at iba pang

sulatin

Pagpapasulat ng

komposisyon at iba pang

sulatin

Mabisang PagganyakMabisang Pagganyak

Paggamit ng Makabagong

Balarilang Teknolohiya

Paggamit ng Makabagong

Balarilang Teknolohiya

Paggamit ng Makabagong

Balarilang Teknolohiya

Paggamit ng Makabagong

Balarilang Teknolohiya

Pagfocus at Pagwawasto sa palabaybayan ng bawat mag-aaral

Pagfocus at Pagwawasto sa palabaybayan ng bawat mag-aaral

Mga Salik na nakakaapekto sa palabaybayan ng mga mag-aaral

Mga gawaing pangklasrum na makkatulong sa pagpapaunlad ng palabaybayan ng mga mag-aaral

Mga estratehiya at kagamitang pampagturo

Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ang makakaapekto sa mga mag-aaral

Ang mga gawaing pangklasrum ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng palabaybayan ng mga mag-aaral

Ang mga estratehiya at kagamitang

pampagturo ay may malaking kinalaman

sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral

Pamimigay ng tseklist

Pangangalap ng Datos

Paggamit ng Deskriptib analetic

Sa pagsasagawa at pangangalap ng mga impormasyon ng mga mananaliksik,

matiyagang hinanapan ng mga kasagutan ang mga salik na nakakaapekto sa mahinang

palabaybayan ng mga mag-aaral, kung may kinalaman ang mga gawaing pangklasrum sa

15 | P a h i n a

mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral at kung makakatulong ba ito upang

mapaunlad ang palabaybayan ng mga mag-aaral at higit sa lahat kung may kinalaman ang

mga estratehiya at kagamitang pampagturo sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral.

Upang mabigyang kasagutan ang mga suliraning ito matiyagang namigay at

nangalap ng mga datos at impormasyon ang mga mananaliksik upang mabigyang

kahalagahan at angkop na mga teorya at paliwanag para matugunan ang mga suliranin.

Sa pangangalap ng impormasyon at mahahalagang datos na may kaugnayan sa

suliranin at upang makuha ang kaukulan at akmang kasagutan. Gumagamit ang mga

mananaliksik ng “Deskriptib Analetik” nang sa gayo’y makuha ang kabuuang kasagutan.

Bilang hinuha ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito napag-alaman na ang mga

salik ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral tulad ng celphone at

Computer. Ang mga gawaing pangklasrum ay isa sa mga nakakatulong sa pagpapaunlad

ng palabaybayan ng mga mag-aaral at ang mga kagamitang pampagturo at mga

estratehiya na ginagamit ng guro ay may malaking kinalaman sa mahinang palabaybayan

ng mga mag-aaral at kung papaano ito malulunasan ng sa gayo’y mapaunlad ang

palabaybayan ng mga mag-aaral.

Sa balangkas teoretikal ipinapakita dito ang mga Gawain na makakatulong sa

paghubog sa palabaybayan ng mga mag-aaral at kung paano magagamit ng mga mag-

aaral ang tamang gamit at baybay ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap maging

pasalita man ito o pasulat para sa mabisang pakikipagugnayan. Sa pamamagitan ng

16 | P a h i n a

pagpapabasa ng mga teksto at iba pang pangbabasahin at pagpapasulatng komposisyon at

iba pang gawain na nakatuon sa pagpapaunlad ng talasalitaan ng mga mag-aaral na

siyang ginagamit na estratehiya ng guro sa pagtuturo sa Filipino at sa kanyang

pagbibigay ng epektibong pangganyak na may malinaw na pagpapaliwanag upang

lubusang makuha ang interes ng bawat mag-aaral.

Sa pamamagitan rin ng mabisang paggamit ng makabagong Balarila at Kayariang

Filipino ay mas medaling matututo ang bawat mag-aaral sa Filipino at mas lalo pang

malilinang ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa palabaybayan.

Dahil sa mabisang pangganyak at pagfocus at pagwawasto ng guro sa naging

resulta ng pag-aaral sa pagpapagamit ng guro sa makabagong baliralang Filipino

medaling mapapayaman ang palabaybayan ng mga mag-aaral. Sa tulong ng paggamit ng

guro sa makabagong Baliralang Filipino medaling matututo ang mga mag-aaral sa

Filipino at maiiwasan na ang maling baybay na siyang naging dahilan ng di

pagkakaunawaan. Pagkatapos maiwasto ng guro ang mga ginawa ng mag-aaral ibabalik

ulit ito sa mga mag-aaral upang malaman kung saan sila nagkamali. Pagkatapos nito,

gagawa ulit sila ng panibago na gamit ang makabagong balarilang Filipino para malaman

at mamonitor ng guro ang pag-unlad na nagaganap sa kanilang pagkatuto sa Filipino na

siyang tulong sa kanilang mabias at medaling paghahatid ng mga kaisipan.

Katuturan Ng Talakay

17 | P a h i n a

Palabaybayan → palatitikan o ortograpiya na kung saan mahina ang mga

mag-aaral kung kaya’t hinahanapan ng mga mananaliksik ng kasagutan

Guro →ang nagsisilbing tagahubog ng mga mag-aaral sa paaralan.

Nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa paaralan

Mag-aaral →tumugong mag-aaral o respondente sa ibinigay na mga

katanungan ng mga mananaliksik

Magulang → tagahubog ng mga anak sa tahanan

Mananaliksik → tumutukoy sa may akda ng pag-aaral na ito

Filipino → Pambansang Wikang ginagamit ng mga Filipino

Kagamitang Pampagturo → ito ay ang anumang karanasan o bagay na

ginagamit ng guro bilang patnubay sa paghahatid ng mga katotohanan,

kasanayan, saloobin, kaalaman, palagay, pag-unawa at pagpapahalaga sa

mag-aaral upang maging kongkreto, tunay dinamiko at ganap ang

pagkatuto

Suliranin → ito ay balakid na nakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang

paaralan

Teorya → dito nakapaloob ang mga palapalagay o kuro-kuro na

binibigyang diin ng mga dalubhasa na inilapat sa pag-aaral na ito ng mga

mananaliksik.

TALA

1Sergio M. Buenaventura, Creative Technology for Teaching

2The Slow Learners, Modern Teacher, January 1996 p.320.1

18 | P a h i n a

3Sonny Boy Rañosa Reario, Polangui Community College, Polangui, Albay,

Taong Panuruan, 2008-2009.

4Foundation of Education, Jose F. Calderon, Ed. D. p.13.

5John Dewey, My Pedagolical Creed and Interest and Effect in Education, New

York American Book, 1986, p.89.

6Sebastian, Federico B., Wikang Filipino Retorikang Sulating Pananaliksik, p.36-

37.

7Macaraig and Mamarit, Factors Affecting Learning of Student S.Y. 2001-2002

(Rekomendasyon sa Pananaliksik na isinagawa ni Marites Belardo Revilla)

8Penetrante, Maria Corazon, “A Proposed Teaching Learning Kit in Sibika at

Kultua focused on Peace Education, Unpublished Master Thesis, Bicol University 1992.

9Olanguera, Marites A. 2000, “Estratehiya sa Pagtuturo ng Komposisyong

Pagsulat (Di-Limbag na Thesis sa Master, Republic Colleges, Guinobatan, Albay).

10Ripalda, Aurea Q., 1997. “Isang Mungkahing Programa Batay sa mga Saloobin

ng mga Guro sa Filipino at mga Suliranin sa Pagtuturo, Distrito ng Quinapodan, Sangay

ng Silangang Samar.

11Nuyles, Marlyn, 1995. “Pinagyamang Istratehiya sa Pagtuturo ng Sulatin sa

Filipino Kaugnay ng Apat na Kasanayang Pangwika, Antas Elementary (Di-Limbag na

Thesis sa Master, B.U. Legazpi City.

Kabanata III

DESINYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

19 | P a h i n a

Ang mga mananaliksik ay matyagang nangalap ng impormasyon sa pamamagitan

ng matiyagang pamimigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng PGCHS III-

Kingfisher at pangangalap ng mga datos sa aklatan at mga thesis.

Sa kabanatang ito inilahad ang desinyo at pamamaraan ng mga mananaliksik ang

desinyo, respondent, teknik, instrumento, paraan ng pagsasagawa at istratehiyang

gagamitin ng mananaliksik sa pagsusuri ng ibinibigay na talatanungan.

A. DESINYO

Ang pag-aaral na itong gumamit ang mananaliksik ng descriptive survey o

paglalarawan panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalabasan ng pag-aaral sa

pamamagitan ng talatanungan.

Upang maisakatuparan ang pag-aaarl na ito ang mananaliksik ay gumawa muna

ng talatanungan o “questioanirs” na siyang ipinasagot sa mga mag-aaral ng III-Kingfisher

ng PGCHS na nagging saklaw ng pag-aaral na ito. Pagkatapos malikom ang mga

talatanungan ito, ay iwinasto at matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan ng

talahanayan. Upang lalong maging malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay gumamit

ang mananaliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa ng bawat

talahayanan. Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula

B. RESPONDENT

20 | P a h i n a

Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng III-

Kingfisher ng pampublikong paaralan ng Polangui General Comprehensive High School,

Polangui, Albay na binubuo ng apatnapung-limang mag-aaral.

Matiyagang nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa administrador at gurong

nangangasiwa sa respondent na mag-aaral na saklaw ng pag-aaral upang maipamahagi

ang mga talalatanungan o questionnaire na inihanda ng mananaliksik upang matugunan

hinahanapan ng kasagutan.

C. TEKNIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng “the indirect or questionnaire method”1, in this

method written, responses are given to prepared questions. A questionnaire is a list of

questions which are intended to elicit answers to the problems of a study.

Ang questionnaire o talatanungan ito ay binubuo ng mga katanungan tumutugon

sa kasagutan ng mga mag-aaral na OO, HINDI, at HINDI GAANO upang mabigyan ng

kaukulang kasagutan ang suliranin ng kaukulang kasagutan ang suliraning binibigyan

linaw.

D. INSTRUMENTO

21 | P a h i n a

Ginamit ng mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman ang mga

salik na nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral. Gumamit din ng aklatan

ang mga mananaliksik upang mangalap ng mga datos.

E. PARAAN NG PAGSASAGAWA

Ang mga mananaliksik ay nakipag-ugnayan sa gurong nangangasiwa sa mag-

aaral na saklaw ng pag-aaral, nagbigay ng kasulatan upang humingi ng pahintulot na

maipamahagi ang talatanungan inihanda ng mga mananaliksik.

Nagbigay ng takdang oras at araw ang guro upang ipamahagi at sagutan ang

talatanungan. Itong talatanungan ay matiyagang ipinaliwanag ng mga mananaliksik sa

mga mag-aaral kung paano gagawin at sasagutin ang tseklist na ipinamahagi.

Gumawa ang mga mananaliksik ng talahanayan upang mailahad ng mabuti ang

kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng masusuing pagsusuri at pag-analisa sa mga

kasagutan ng mga respondent o mag-aaral na saklaw ng pag-aaral.

F. ISTATISTIKANG GAGAMITIN

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage technique upang masuri ang

kinalabasan ng mga kasagutan ng mga mag-aaral. Ito ay pinag-ukulan ng mabuti ng

mahabang panahon upang maisagawa ang pagsusuri.

Narito ang formula na ginagamit ng mga mananaliksik upang mailahad ng mabuti

ang pag-aaral.

22 | P a h i n a

P = (100)

P= Kabuuang Bahagdan

N=Bilang ng Sumagot

X=Kabuuang Bilang ng Respondent/Mag-aaral

TALA

23 | P a h i n a

1 “Fundamental Statistics for College Students”, Cristobal M. Pagoso, George

Garcia and Cynthia R. Guererro De Leon, pahina 16.”

Kabanata IV

24 | P a h i n a

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ilalahad ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng pag-aaral sa

pamamagitan ng masusing paglalahad sa mga kasagutan ng respondent sa ibinigay na

talatanungan sa pamamagitan ng talahanayan.

Ito ay matiyagang pinagtulung-tulungan ng mga mananaliksik upang mailahad ng

tama ang kasagutan.

Narito ang talahanayan na ginagamit ang pormulang P = (100) para makuha

ang bahagdan at kabuuan ng kasagutan.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA MAHINANG PALABAYBAYAN

NG MGA MAG-AARAL

TALAHANAYAN 1

Paggamit ng Makabaging Teknolohiya

MGA TEKNOLOHIYAN

G GINAMIT

BILANG NG TUMUGON, BAHAGDAN, KABUUAN AT BILANG NG RESPONDENT

Oo Hindi Hindi gaano Kabuuang bahagdan

Bilang ng respondent

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

%

Computer 3 7.96 6 15.39 39 76.92 100% 39

Cellphone 26 66.67 4 10.26 9 23.07 100% 39

Ang talahanayang ito ay binubuo ng tatlongpu’t siyam (39) bilang respondent na

tumugon sa talatanungan. Tatlo (3) ang tumugon na respondent ang tumugon ng OO

25 | P a h i n a

nakakaapekto ang makabagong teknolohiyang computer, sa amhinang palabaybayan ng

mag-aaral sa Filipino na may pitong punto, anim na pu’t siyam bahagdan (7.69)

bahagdan. Ang tumugon naman sa Hindi ay anim (6) na may labinglima punto tatlumpu’t

siyam (15.39) bahagdan. Samantala, ang tumugon naman sa Hindi ay anim (6) na may

labinglima punto tatlongpu’t siyam (15.39) bahagdan. Samantala, ang tumugon naman sa

Hindi Gaano ay tatlongpo (30) na may pitongpu’t anim na punto siyam na pu’t dalawa

(76.92) bahagdan na may kabuuang isandaang porsiento (100).

Sa paggamit naman ng cellphone makikita sa talahanayang ito na may

dalawangpu’t anim (26) ang sumagot ng Oo, nakakaapekto ang cellphone sa mahinang

palabaybayan na may anim na punto anim na pu’t punto (66.67) bahagdan, apat 94)

naman ang tumugon sa Hindi, na may sampu punto dalawang pu’t anim (10.26)

bahagdan, samantala siyam (9) naman ang sumang-ayon na hindi gaano nakakaapekto

ang cellphone sa mahinang palabaybayan na may dalawang pu’t tatlo punto pito (23.07)

bahagdan na may kabuuang isang daan porsiento (100) at binubuo ng tatlong pu’t siyam

(39) respondent ang tumugon sa talatanungan.

Sa talahanayan 1, makikita ang paggamit ng mga makabagong teknolohiyang

cellphone ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng III-Kingfisher ng PGCHS,

Polangui, Albay ayon sa mga kasagutan ng mga respondent ng mag-aaral, samantala ang

computer ay hindi gaano nakakaapekto sa mahinang palabaybayan.

TALAHANAYAN IIMga Salik na Nakakaapekto sa Mahinang Palabaybayan ng mga Mag-aaral

26 | P a h i n a

Mga Salik BILANG NG TUMUGON, BAHAGDAN, KABUUAN AT BILANG NG RESPONDENT

Oo Hindi Hindi gaano Kabuuang bahagdan

Bilang ng respondent

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

%

Kawalan ng interes sa pagbasa ng mga aklat

21 55.26 4 10.53 13 34.21 100% 38

Istratehiya sa pagtuturo ng guro

7 17.95 13 33.33 19 48.72 100% 39

Kahinaan sa pagpapantig

8 21.05 7 18.42 23 60.53 100% 38

Kulang sa talasalitaan

8 21.05 10 26.32 20 52.63 100% 38

Sa tanong na nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral ang kawalan

ng interes sa pagbasa ng aklat, makikita sa talahanayan na dalawangpu’t isa (21) ang

sumagot mg Oo na may limampu’t lima punto dalawampu’t anim (55.26) bahagdan, sa

Hindi naman ay apat (4) ang tumugon na may sampu punto limampu’t punto tatlo (10.53)

bahagdan samantalang sa Hindi Gaano labing tatlo (13) ang tumugon at may tatlongpu’t

apat punto dalawangpu’t isa (34.21) bahagdan na may kabuuang isang daan porsiento

(100) at tatlong pu’t walo (38) ang kabuuang bilang ng respondent ang tumugon.

Sa istratehiya sa pagtuturo ng guro naman pito (7) ang tumugon ng Oo na may

labing pito siyam na pu’t lima (17.95) bahagdan, samantalang sa katanungan Hindi labing

27 | P a h i n a

tatlo (13) ang bilang ng tumugon na may tatlong put walo

(38) ang kabuuang bilang ng respondent ang tumugon.

Sa istratehiya sa pagtuturo ng guro naman pito (7) ang tumugon ng Oo na may

labing pito punto siyamnapu’t lima (17.95) bahagdan, samantalang sa katanungan Hindi

labing tatlo (13) ang bilang ng tumugon na may tatlongpu’t tatlo (33.33) bahagdan, sa

Hindi Gaano namanb ay labing siyam (19) ang tumugon at may apatnapu’t walo punto

pitongpu’t dalawa (48.72) bahagdan, na may kabuuang isang daan porsiento (100) at

tatlongput siyam (39) bilang ng respondent na tumugon sa talatanungan.

Ang salik naman na kahinaan sa pagpapantig walo (8) ang respondent na tumugon

ng Oo na may dalawamput isa punto lima (21.05) na bahagdan, samantalang pito (7) ang

tumugon sa Hindi na may labing walo punto apatnapu’t dalawa (18.42) na bahagdan at sa

Hindi gaano ay dalawangpu’t tatlo (23) ang tumugon na may animnapu punto limamput

tatlo (60.53) na bahagdan na may isang daan porsientong kabuuan (100) at may kabuuang

tatlongpu’t siyam (39) bilang ng respondent na tumugon sa katanungan.

Ang katanungan naman kung may kinalaman ang kulang sa talasalitaan sa

mahinang palabaybayan ng mag-aaral walo (8) ang tumugon ng Oo na may dalawangpu’t

isa punto lima (21.05) na bahagdan, samantalang sampu (10) ang tumugon ng Hindi na

may dalawampu’t anim punto tatlongpu’t dalawa (26.32) na bahagdan at sa Hindi Gaano

nama’y dalawangpu (20) na may bahagdan na may kabuuang isang daan porsiento (100)

at tatlongpu’t siyam (39) bilanmg ng lahat ng tumugon.

28 | P a h i n a

Sa talahanayan II makikita na ang mga salik tulad ng kawalan ng interes sa

pagbasa ng mga aklat ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral

samantalang ang istratehiya sa pagtuturo ng guro, kahinaan sa pagpapantig, at kulang sa

talasalitaan ay hindi gaanong nakakaaepkto ayon mismo sa tugon ng mga respondenteng

mag-aaral ng III-Kingfisher na saklaw ng pag-aaral na ito.

TALAHANAYAN III

Mga Gawaing Pangklasrum na Makakatulong sa Pag-unlad ng Mahinang Palabaybayan

ng Mga Mag-aaral

MGA TEKNOLOHIYANG

GINAMIT

BILANG NG TUMUGON, BAHAGDAN, KABUUAN AT BILANG NG RESPONDENT

Oo Hindi Hindi gaano Kabuuang bahagdan

Bilang ng respondent

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

%

Paggawa ng Komposisyon

25 73.53 4 11.76 5 14.71 100% 34

Pagpapabaybay ng mga salita

27 69.23 5 12.82 7 17.95 100% 39

Pagbibigay ng pagganyak

8 20.51 5 12.82 26 66.67 100% 39

Lunsarang Activity

19 48.72 4 10.26 16 41.02 100% 39

Pagpapabasa ng teksto

28 71.79 0 11 28.21 100% 39

TALAHANAYAN IV

29 | P a h i n a

May Kinalaman ba ang istratehiya at Kagamitang Pampagturo sa Mahinang

Palabaybayan ng Mag-aaral

Pagpipilian Bilang ng Tumugon

Bahagdan%

Mayron Kinalaman 29 74.36

Walang Kinalaman 10 25.64

Kabuuan 39 100%

Sa talahanayan ito malinaw na makikita na mayroon kinalaman ang istratehiya at

kagamitang pampagtuturo sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral sapagkat

dalawampu’t siyam (29) ang tumugon na mayroon kinalaman na may pitongpu’t apat

punto tatlongput anim (74.36) na bahagdan at sampu (10) na respondent ang tumugon na

walang kinalaman ang istratehiya at kagamitan pagtuturo sa mahinang palabaybayan ng

mag-aaral na may dalawangpu’t lima punto animnapu’t apat (25.64) na bahagdan na may

kabuuang isang daang porsiento (100) at tatlongpu’t siyam (39) kabuuang bilang ng

respondent ang tumugon sa katanungan.

Sa talahanayan IV makikita an ang istratehiya at kagamitang pampagtuturo ng

guro ay mayroon kinalaman sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral ayon sa sagot

ng mga respondent na saklaw ng pag-aaral na ito.

30 | P a h i n a

Inilahad sa talahanayang ito ng mga kasagutan ng mga mag-aaral sa

katanungang makakatulong sa pag-unlad ng kanilang palabaybayan sa kabuuang

tatlogput apat (34) respondent dalawamput lima (25) ang tumugon sa katanungan oo

makakatulong sa pagpapaunlad ng palabaybayan na may pitongput tatlo punto

limamput tatlo (73.53) na bahagdan samantalang apat (4) naman ang tumugon sa

Hindi na may labing isa punto pitongput anim (11.76) na bahagdan at lima (5) naman

ang tumugon sa Hindi gaano na may labing apat punto pitonput isa (14.71) na

bahagdan na may kabuuang isang daan porsiento (100).

Sa pagpapabaybay naman ng mga salita dalawangput pito (27) ang tumugon

ng OO na may animnaput siyam punto dalawamput tatlo (69.23) na bahagdan at sa

Hindi naman ay lima (5) ang mag-aaral na sumagot na may labing dalawa punto

walongput dalawa (12.82) na bahagdan samantala pito (7) ang tumugon sa Hindi

Gaano na may labing pito punto siyamnaput lima (17.95) na bahagdan at may

kabuuang isang daan porsiento (100) na tatlongput siyam (39) bilang ng kabuuang

respondent na tumugon sa katanungan.

Ang pagbibibgay naman ng pangganyak ay walo (8) ang mag-aaral na sumagot ng

Oo na may dalawangpu punto limampu’t isa (20.51) na bahagdan at sa Hindi naman ay

lima (5) ang sumagot na may labing dalawa punto walongpu’t dalawa (12.82) na

bahagdan samantalang sa Hindi Gaano ay dalawangpu’t anim (26) ang sumagot na may

animnapu’t anim punto animnapu’t pito (66.67) na bahagdan na may kabuuang isang

31 | P a h i n a

daang porsiento (100) at tatlongpu’t siyam (39) ang kabuuang bilang ng tumugon sa

katanungan.

Ang lunsaran o activity ay labing siyam (19) ang mag-aaral na sumagot ng Oo na

may apatnapu’t walo punto pitongpu’t dalawa (48.72) na bahagdan at sa Hindi naman ay

apat (4) ang sumagot na may sampu punto dalawangpu’t anim (10.26) bahagdan

samantalang sa Hindi Gaano ay labing anim (16) ang sumagot na may apatnapu’t isa

punto dalawa (41.02) na bahagdan na may kabuuang isang daang porsiento (100) at

tatlongpu’t siyam (39) bilang ng respondent na tumugon.

Ang pagpapabasa ng teksto ay dalawangpu’t walo (28) ang bilang ng tumugon sa

Oo na may pitongpu’t isa punto pitongpu’t siyam (71.79) na bahagdan at as Hindi ay

walang sumagot samantalaang sa Hindi Gaano ay labing isa (11) ang tumugon na may

dalawangpu’t walo punto dalawangpu’t isa (28.21) na bahagdan na may kabuuang isang

daang porsiento (100) at tatlongpu’t siyam (39) na bilang ng respondent ang tumugon sa

katanungan.

Sa Talahanayan III makikita na ang mga gawaing tulad ng paggawa ng

komposisyon, pagpapabaybay ng mga salita, lunsarang activity at pagpapabasa ng teksto

ay makatutulong sa pag-unlad ng mahinang palabaybayan ng mag-aaral samantalang ang

pagbibigay ng pagganyak ay hindi gaanong makakatulong ayon sa sagot na inilaan ng

mag-aaral na saklaw ng pag-aaral na ito.

32 | P a h i n a

Kabanata V

PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ilalahad ng mananaliksik ang buod ng pag-aaral, natuklasan sa

pananaliksik, konklusyon ng suliraning binigyan ng kasagutan at rekomendasyon na

makakatulong sa saklaw ng pag-aaral na ito at sa iba pang mananaliksik na makakabasa

nito.

Paglalagom

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makikita sa talahanayan isa (1) na nang

makabagong teknolohiyang cellphone ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng

mag-aaral sa Filipino samanatlang ang makabagong teknolohiyang computer ay hindi

gaano nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral na III-Kingfisher ng

Polangui General Comprehensive High School, Polangui, Albay.

Sa talahanayan dalawa (2) makikita na ang mga salik tulad ng kawalan ng interes

sa pagbasa ng aklat at kulang sa talasalitaan ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan

ng mga mag-aaral sa Filipino samantalalang ang istratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay

hindi nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral sa Filipino at kahinaan

sa pagpapantig ay hindi gaanong nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-

aaral sa Filipino.

33 | P a h i n a

Sa talahanayan tatlo (3) makikita na ang mga gawaing pangklasrum tulad ng

pagbabaybay ng mga salita, lunsaran o activity, at pagbabasa ng teksto, paggawa ng

komposisyon ay makakatulong sa pagpapapunlad ng mahinang palabaybayan ng mag-

aaral sa Filipino samantalang ang pagbibigay ng pagganyak ay hindi gaanong

makakatulong sa pagpapaunlad ng mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral.

Sa Talahanayan IV naman makikita na mayroon kinalaman ang istratehiya at

kagamitang pampagturo sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral dahil sa guro rin

nakasalalay ang pagkatuto.

Natuklasan

Natuklasan sa pananaliksik na ito na ang makabagong teknolohiyang cellphone ay

malaki ang epekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral samantalang ang computer

ay hindi gaanong nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral.

Ang mga salik naman tulad ng kawalan ng interes sa pagbasa ng aklat at

kakulangan sa talasalitaan ay malaki ang epekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral

sa Filipino samantalang ang istratehiya ng guro sa pagtuturo ay hindi gaanong

nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mag-aaral.

Ang mga gawain pang klasrum naman tulad ng pagbabaybay ng mga salita,

lunsaran at activity, pagpapabasa ng teksto at paggawa ng komposisyon ay mainam at

makakatulong sa pagpapaunlad ng palabaybayan ng mag-aaral.

34 | P a h i n a

ANg istratehiya at kagamitang pampagturo ay mayroon kinalaman sa mahinang

palabaybayan ng mga mag-aaral sa Filipino dahil sa mga guro nakasalalay ang pagkatuto

at nagsisimula ang pagkatuto ng mag-aaral.

Ayon lamang ito sa kasagutan ng mga respondent na saklaw ng pag-aaral na ito,

at hindi kasama ang iba pang seksyon at taon sa Polangui General Comprehensive High

School, Polangui, Albay.

Kahit anong mainam o magandang istratehiya at magaling na guro ang nagtuturo,

nakadepende pa rin sa mag-aaral ang kanilang pagkatuto. Dahil sa mayroong

palabaybayan base sa kinalabasan ng pananaliksik na ito kundi ang kapabayaan ng mag-

aaral at kawalan ng interes matuturo ang sanhi ng kahinaan sa palabaybayan na sinabayan

pa ng mabilis na pag-unlad ng kanilang palabaybayan. Kaya sa guro at mag-aaral

magtulungan sa nagpaunlad ng talasalitaan sa matamang pagbabaybay. Sabi nga, “ Two

way, process of teaching, between teacher and student.”

Konklusyon

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makikita na ang makabagong teknolohiya

ay nakakaapekto sa mahinang palabaybayan ng mga mag-aaral dahil sa kagustuhang

sumabay sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya nakakalimutan ang tamang paraan na

itinuturo sa paaralan.

35 | P a h i n a

Ang kawalan ng interes sa pagbabasa ng aklat ay nagiging sanhi ng kakulangan sa

talasalitaan kaya nagiging mahina ang palabaybayan.

Ang palabaybayan ng mga salita, pagpapabaybay ng mga salita, pagpapabasa ng

teksto ay mainam na gawin upang mapaunlad ang palabaybayan ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

1. Limitahan ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang

palabaybayan.

2. Maglaan ng oras sa pagbabasa ng mga aklat upang madagdagan ang kaalaman

at mapaunlad ang talasalitaan.

3. Dapat bigyan ng gawain ang mag-aaral na makatulong sa pagpapaunlad ng

palabaybayan tulad ng pagpapabaybay ng mga salita, pagpapabasa ng teksto

at lunsaran o activity na mahahasa ang mag-aaral sa tamang pagbabaybay.

36 | P a h i n a

VITAEPANSARILING TALA

Pangalan : Crisvi C. Samaniego

Palayaw: Apple

Edad: 22

Kapanganakan: November 11, 1988

Relihiyon: Romano Katoliko

Magulang: Salve Samaniego at Crisanto Samaniego

Napag-aralan:

Elementaryo: Ponso South Elementary School

Secondarya : Ponso National High School

Tertiary: Polangui Community College, Polangui, Albay

Panuntunan sa Buhay: “A Good Decision is Better Than Mere Expectation”

37 | P a h i n a

Polangui Community CollegePolangui, Albay

September 3, 2010

GNG. ELYNOR DURADalubguro ng III-KingfisherPGCHSPolangui, Albay

Gng. Elynor Dura

Bilang bahagi ng kinakailangan sa aralin ng Professional Education (Special

Topic Research). Nais po sanan naming na magsagawa ng isang pananaliksik hinggil

sa paksang “Ang mga Kahinaan sa Palabaybayan sa Filipino ng mga mag-aaral ng III-

Kingfisher sa Polangui General Comprehensive High School (PGCHS) taong

panuruan 2010-2011”.

Dahil po dito hinihingi po naming ang inyong pahintulot na magbigay ng

isang tseklist sa III-Kingfisher

Maraming salamat po!!!

Lubos na gumagalang,

Bb. Crisvi C. SamaniegoMananaliksik

G. CELSO REGALIA(Dalubguro)

GNG. SANCITA B. PEÑARUBIA ED.D

38 | P a h i n a