8
P ormal nang ipinaiilalim ng rehimeng US-Duterte sa militarisas- yon at paghaharing militar ang kalakhan ng bansa nang inilabas nito ang Memorandum Order (MO) 32. Gamit ito, direktang nag- talaga si Rodrigo Duterte ng dagdag na mga batalyon sa Eastern Visayas, Isla ng Negros at Bicol para apulain diumano ang “karahasan at terorismo” sa naturang mga rehiyon. Sa aktwal, pinasasaklaw ng MO 32 ang batas militar sa apat pang rehiyon habang pinalalawig sa pa- ngatlong pagkakataon ang nakapa- taw na sa Mindanao sa kabuuan ng 2019. Maikling panahon at kaunting dahilan na lamang, tahasan at por- mal nang ipaiilalim ni Duterte sa walang taning na paghaharing mili- tar ang natitira pang mga rehiyon. Sa aktwal, rumaragasa na sa buong kapuluan ang paghaharing teror ng EDITORYAL kanyang rehimen. Habang ibayo nitong pinati- tindi ang militarisasyon at mga opensibang militar laban sa Ba- gong Hukbong Bayan (BHB), ang kagyat na pokus ng MO 32 ay ang lalong pagpapahigpit ng kontrol at pagmanipula ng AFP at pulis sa eleksyong Mayo 2019 sa mga lu- gar na ito. Nirigodon ni Duterte NASAMSAM NG BAGONG Hukbong Bayan-Northeastern Mindanao Region (BHB- NEMR) ang apat na mataas na kalibreng armas (dalawang M16, isang M14 at isang R4) matapos nitong tambangan ang mga elemento ng CAFGU sa Barangay San Antonio, ba- yan ng Remedios T. Romual- dez, Agusan del Norte noong Nobyembre 29, alas-5 ng umaga. Apat ang napatay sa panig ng kaaway, kabilang ang sarhentong namumuno sa ka- nila, at dalawa ang nasuga- tan. Isang elemento naman ng CAFGU ang dinakip at kasa- lukuyang nasa kustodiya ng mga Pulang mandirigma. Sa Misamis Oriental, na- kasagupa ng mga Pulang mandirigma sa Sityo Lak- bangan, Barangay Minalwang "NEMR...," sundan sa pahina 4 "MO32...," sundan sa pahina 2

cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIX Blg. 23

Disyembre 7, 2018

www.phi l ippinerevolution. info

Pormal nang ipinaiilalim ng rehimeng US-Duterte sa militarisas-yon at paghaharing militar ang kalakhan ng bansa nang inilabasnito ang Memorandum Order (MO) 32. Gamit ito, direktang nag-

talaga si Rodrigo Duterte ng dagdag na mga batalyon sa EasternVisayas, Isla ng Negros at Bicol para apulain diumano ang “karahasanat terorismo” sa naturang mga rehiyon.

Sa aktwal, pinasasaklaw ng MO32 ang batas militar sa apat pangrehiyon habang pinalalawig sa pa-ngatlong pagkakataon ang nakapa-taw na sa Mindanao sa kabuuan ng2019. Maikling panahon at kauntingdahilan na lamang, tahasan at por-mal nang ipaiilalim ni Duterte sawalang taning na paghaharing mili-tar ang natitira pang mga rehiyon.Sa aktwal, rumaragasa na sa buongkapuluan ang paghaharing teror ng

Labanan ang malawakangpasistang terorismoat Memo Order 32ng rehimeng US-Duterte

EDITORYAL

kanyang rehimen.Habang ibayo nitong pinati-

tindi ang militarisasyon at mgaopensibang militar laban sa Ba-gong Hukbong Bayan (BHB), angkagyat na pokus ng MO 32 ay anglalong pagpapahigpit ng kontrolat pagmanipula ng AFP at pulis saeleksyong Mayo 2019 sa mga lu-gar na ito. Nirigodon ni Duterte

4 na armas,nasamsamng BHB-NEMRNASAMSAM NG BAGONGHukbong Bayan-NortheasternMindanao Region (BHB-NEMR) ang apat na mataas nakalibreng armas (dalawangM16, isang M14 at isang R4)matapos nitong tambanganang mga elemento ng CAFGUsa Barangay San Antonio, ba-yan ng Remedios T. Romual-dez, Agusan del Norte noongNobyembre 29, alas-5 ngumaga. Apat ang napatay sapanig ng kaaway, kabilang angsarhentong namumuno sa ka-nila, at dalawa ang nasuga-tan. Isang elemento naman ngCAFGU ang dinakip at kasa-lukuyang nasa kustodiya ngmga Pulang mandirigma.

Sa Misamis Oriental, na-kasagupa ng mga Pulangmandirigma sa Sityo Lak-bangan, Barangay Minalwang

"NEMR...," sundan sa pahina 4"MO32...," sundan sa pahina 2

Page 2: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

Disyembre 7 , 2018 ANG BAYAN2

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Tomo XLIX Blg. 23 | Disyembre 7, 2018

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

ANG

instagram.com/sine.proletaryo

@prwc_info

fb.com/groups/prwcnewsroom

[email protected]

Editoryal: Labanan ang pasistangterorismo at Memo Order 32 1

4 armas, nasamsam ng BHB-NEMR 1

Mag-asawang Casambre, inaresto 4

Rekrutment ng CAFGU, nininegosyo 4

Kasaysayan ng Partido sa Ginamat 5

18, inaresto sa Talaingod 6

Araw ni Bonifacio, ginunita 8

Welga sa Liwayway, tagumpay 7

Karahasan at batas militar, kinundena 8

Kampuhan ng NAMASUFA sa Mendiola 8

Kampuhan ng mga magsasaka ng BTL 8

Linggo ng PLGA, ginunita 8

ang AFP at ipinwesto ang kanyangpinagkakatiwalaang mga upisyalpara tiyakin ang pagkapanalo ngmga kandidatong pabor sa kanya atkanyang pangkatin sa militar. La-yunin ng pangkating Duterte namonopolisahin ang eleksyon, ka-kutsaba ang mga kaalyado nitongwarlord at dinastiya sa mga rehiyonat prubinsya. Pinapaypayan nitoang pasistang panatisismo ng AFPat PNP at ipinamamayani ang wa-lang hadlang na pamamayagpag ngdahas ng estado upang patahimikinsa sindak ang mamamayan, parali-sahin ang mga tumututol, at brutalna supilin ang lahat na lumalaban.

Lubusang inilalantad ni Duterteang kanyang katangiang sagadsa-ring pasista, papet, reaksyunaryo,at lulong sa kapangyarihan at ku-rakot. Malawakan at garapalan ni-yang isinasagawa ang ekstrahudi-syal na pamamaslang, pag-abuso sakapangyarihan, pagpapalaganap ngmga kasinungalingan at maruru-ming panggagantso. Dapat lamangsiyang kamuhian, lubusang ihiwalayat ubos-kayang labanan ng lahat ng

rebolusyonaryo, progresibo at de-mokratikong pwersa.

Ang walang habas na militari-sasyon at pasistang terorismo ngrehimeng US-Duterte ay dapat ma-tatag na sagutin ng ibayong pagpa-palawak at pagpapaigtingng digmang bayan. Angmarahas na pagsupilsa mga demokrati-kong karapatan aymagtutulak sa masmalawak pang hanay ngmamamayan sa armadongpaglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy na igiit atipagtanggol ng mga demok-ratikong sektor at pwersaang kanilang mga demokra-tikong karapatan at pagkiloslaban sa pasistang panana-kot at paninikil. Alalahanin atpanghawakan ang mga leksyon ngmahabang pakikibaka sa pasistangdiktadurang US-Marcos.

Magpursigi sa mapangahas, pi-nakamalawak at pinakalahatang-panig na pagsusulong ng armadongpakikibaka, ligal na demokratikong

kilusan, kilusang lihim, pagbubuong pinakamalapad na nagkakaisangprenteng antipasista, antipyudal atanti-imperyalista, pagpapalakas ng

Partido sa ideolohiya, pulitikaat organisasyon, at pagkabig ngpinakamalawak na suporta mu-la sa mga kababayan at mgaprogresibo at demokratikongorganisasyon at pwersa saibayong-dagat.

Dapat ubos-kayangisulong at paigtingin ngPartido ang pakikidig-

mang gerilya. Mapa-ngahas na ilunsad angmga batayang taktikalna opensiba. Ilunsad sa

lahat ng antas ng hukbo,lahat ng larangan ang mga

operasyong anihilatibo, kasabayna pinalalawak ang mga aksyongatritibo sa pamamagitan ng mala-wakang pagpapakilos sa milisyangbayan at masa at masaklaw napaggamit ng mga pasabog at ibapang mga sandata.

Buuin at palakasin ang mgaplatun at kumpanya ng BHB na tu-matahi sa mga larangang gerilya.Palakasin ang kumand sa at koor-dinasyon ng mga yunit gerilya atpanghawakan ang inisyatiba sa mi-litar at pulitika. Mahigpit nasubaybayan ang kilos ng kaaway attukuyin ang papel ng iba’t ibangerya at yunit sa paglaban at pag-tutulungan. Pursigidong iangat angkaalaman at kakayahang militar ngmga kumander at mandirigma sapamamagitan ng mga edukasyon,pagsasanay, ehersisyo, pagtatasa,paglalagom at mga kumperensyangpulitiko-militar sa iba’t ibang an-tas.

Bigyang-prayoridad ang mgaaksyong militar gaya ng pagbira sapinakakinamumuhiang pasistangupisyal at yunit, mga mapandam-bong na mga malaking korporasyonat mga nagdudulot ng malubhangkahirapan at pinsala sa malakingbilang ng mamamayan. Lalong kai-langan ito sa harap ng banta niDuterte na gamitin ang kanyangdeath squad laban sa kanyang mga

Page 3: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

ANG BAYAN Disyembre 7 , 2018 3

kalaban at kritiko. Dapat ding sabo-tahehin ang mga pasilidad na gina-gamit sa mga pasistang opensiba sakanayunan at pasistang panunupilsa mamamayan. Labanan nang pun-to-por-punto ang mga paninira atpambabaluktot ng AFP at rehimenkaugnay ng mga taktikal na opensi-ba at labanan.

Palawakin at paigtingin ang ki-lusan at pakikibakang antipyudalbilang susi sa pagpukaw at pagpa-pakilos sa masang magsasaka atmanggagawang bukid at pagtupadsa mga pangunahing tungkulin. Ka-bilang dito ang mga kampanya atpakikibakang masa at ang mga tak-tika at gawaing alyansa laban samga operasyong “peace and deve-lopment” at iba pang tipo ng pasis-tang terorismo at pang-aabuso. Pa-bulaanan at labanan ang kampan-yang pagpapasurender ng mga si-bilyan at sapilitang pagpapasapi sakanila sa reaksyunaryong hukbo.Bigyan-pansin ang malawakan atmatinding korapsyon sa hanay ngmilitar, mula sa pinakamataas naantas hanggang sa ibaba.

Pag-ukulan ng pansin ang mgatampok na problema ng pinakama-laking bilang ng masa sa kanilangsaklaw at ang kanilang mga saloo-bin. Pukawin at sama-sama silangpakilusin upang harapin at lutasinang mga problemang ito. Ang pag-lawak at konsolidasyon ng organi-sasyon ng masa ay dapat mangahu-lugan higit sa lahat ng paglawak atpaglakas ng mga kampanya at mo-bilisasyong masa. Pasiglahin angmga kampanya sa produksyon atpagpapaunlad ng kabuhayan parapabutihin ang kalagayan ng masa atmatustusan ang mga pangangaila-ngan ng hukbong bayan at pakiki-digma.

Palawakin at pasiglahin angkampanya at mobilisasyong masa saedukasyon at propaganda upangitaas ang kamulatang pampulitikaat palabang diwa ng masang anak-pawis. Palawakin at pasiglahin angiba pang kampanyang masa sa kul-tura, kalusugan at iba pa para pa-natilihing buhay ang militansya,

pagkakaisa at kanilang sama-sa-mang pakikibaka.

Palawakin at paigtingin angmga aksyong protesta at iba pangpakikibakang masa laban sa iligal napang-aaresto at iba pang pasistangpaninikil sa mga de-mokratikong karapatanat mga ligal na demok-ratikong organisasyon.

Palawakin at paigti-ngin ang mga pakikiba-kang unyon at pangka-buhayan ng mga mang-gagawa, maralitanglunsod at ng iba’t ibangsektor para sa kabu-hayan at serbisyongpanlipunan. Labananang patakarang neo-liberal na bumubu-sabos sa mga anak-pawis at labis na pu-mapabor sa malakingnegosyong lokal at dayuhan. Ilan-tad at labanan ang mga neoliberalna pagbabawal, pagsikil at pagka-kait sa mga unyon at karapatangunyon, gayundin sa iba pang mgakalayaang indibidwal at kolektibo samga pabrika, upisina at paaralan,para sa interes ng malalaking kor-porasyong dayuhan at lokal.

Dapat igiit at ipaglaban ng mgaligal na progresibong organisasyon,partido at alyansa ang kanilang li-galidad. Dapat patuloy na magpala-wak at magpalakas ang mga ito ha-bang malawakang pinupukaw at pi-nakikilos ang mga tradisyunal atdi-tradisyunal na mga organisasyonat alyansa ng mga demokratikongsektor.

Buuin ang pinakamalawak namga alyansang antipasista. Maki-pagkaisa sa pinakamalawak na ha-nay ng mga demokratiko at antipa-sistang pwersa at tunguhin paraipagtanggol ang mga demokratikongkarapatan at kalayaang sibil labansa pasistang panunupil.

Ilantad at labanan ang pakanang pasistang pangkating Duterte namanipulahin ang eleksyon. Ang ma-lawak at iba’t ibang antas ng pag-kakaisa at pagtutulungan ng mga

partido at kandidato ang tiyak namaghihiwalay at tatalo sa mga kan-didatong sagadsaring pro-Duterteat sagadsaring kontrarebolusyo-naryo.

Malawakang pakilusin ang lahatng rebolusyo-naryo at progre-

sibong pwersa atmasa sa kanayu-nan at kalunsuran

para aktibong la-banan ang mga ka-

sinungalingan, pam-babaluktot at kontrarebolusyo-

naryong saywar ng pasistang re-himen at AFP.

Tuluy-tuloy na ilantad at kun-denahin ang mga pasistang kri-men at pang-aabuso, ang mgapangangamkam at pandaram-bong, ang pagsasamantala atpambubusabos sa mga anakpa-

wis, ang talamak na katiwalian atkorapsyon, at iba pang kabulukanng rehimen at naghaharing sistema.Masigasig na ipalaganap at itagu-yod ang mga rebolusyonaryong pa-nawagan at pakikibaka.

Dapat palawakin at palakasinang Partido sa lahat ng antas. Ma-pangahas na isulong at paigtinginang pakikidigmang gerilya at mgapakikibakang antipasista, antipyu-dal at anti-imperyalista laban sapasistang rehimeng US-Duterte.Patuloy na palakasin ang pamumunosa pulitika at militar ng Partido sapinakamalawak na masa. Paunlarinang kakayahang magbunsod atmagsulong ng mga malawakangkampanya at pakikibakang masa sapulitika, ekonomya, militar, pro-duksyon, edukasyon, kalusugan,kultura at iba pa.

Kailangang malawakang ilantad,ihiwalay at labanan ang pasista atpapet na rehimeng Duterte sa iba-yong-dagat at internasyunal naupinyong publiko. Pursigidong pa-lawakin ang pagpupukaw, pag-oor-ganisa at pagpapakilos sa mga mig-rante. Palawakin ang ugnay at pa-kikipagtulungan sa mga pwersangrebolusyonaryo at progresibo saibayong-dagat.

Page 4: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

Disyembre 7 , 2018 ANG BAYAN4

sa bayan ng Claveria ang mganag-ooperasyong tropa ng AFPnoong Disyembre 6. Dalawangsundalo ang napatay.

Sa Negros Occidental, isangsundalo ang napatay nang papu-tukan ng BHB ang patrol base ng15th IB sa Sityo Bugtong Kahoy,Barangay Asia sa bayan ng Hino-baan noong Nobyembre 27, alas-8ng umaga. Nasugatan na si S/Sgt.Ricky Ignacio, kumander ng na-turang detatsment. Ang opera-syon ay tugon ng BHB sa hiling ngmga residente na wakasan na angmilitarisasyon ng AFP sa kanilangmga lugar. Anang BHB-NegrosOccidental, marami nang ulatkaugnay ng pagkakampo ng mgasundalo sa mga eskwelahan, ba-rangay hall, palengke at kahit sabahay sa komunidad.

Naglabas din ng listahan ang15th IB ng mga residenteng “pi-nasusurender” at nagpataw ngcurfew. Ipinagbawal ang pag-punta ng mga residente sa kani-lang mga sakahan sa labas ngbaryo. Pininsala rin ang kanilangmga pananim, gamit-pansaka atmga alagang hayop.

Sa Samar, apat na magkaka-sunod na armadong aksyon anginilunsad ng BHB-Eastern Visayasnoong Nobyembre 9-20. Hinarasng mga Pulang mandirigma angmga tropa ng 14th IB na papuntasa Barangay Concepcion sa Para-nas noong Nobyembre 20. Bagonito, inatake ng BHB ang naka-kampong tropa ng 52nd IB at CAAsa Barangay Buenavista, SanJorge noong Nobyembre 18. Da-lawang elemento ng CAFGU angnapatay at isa ang nasugatan.

Noong Nobyembre 10, hinarasng isang yunit ng BHB ang mganag-ooperasyong mga tropa ng14th IB sa Barangay Salvacion,Can-avid, Eastern Samar habanghinaras naman ng isa pang yunitang mga tropa ng 63rd IB sa SityoGalutan, Barangay San Nicolas,San Jose de Buan noong Nob-yembre 9.

Rekrutment ng CAFGU, ginagawang negosyoGINAGAMIT NG AFP ang rekrtument at tauhan ng CAFGU para pagkakitaan.Ito ang ibinunyag ng tagapagsalita ng BHB-Northeast Mindanao Region na siAriel Montero. Aniya, mayroong mahigit 100 detatsment ng CAFGU sa rehi-yon sa kasalukuyan. Liban pa ito sa mga detatsment ng SCAA na nagsisilbingpribadong gwardya ng mga kumpanyang mina at plantasyon. Mayroong hu-migit-kumulang 40 elementong CAFGU ang bawat detatsment o 4,000 sa 10detatsment sa buong rehiyon.

Sa papel, pinasusweldo ang mga CAFGU nang P4,500/buwan kada isa(P18 milyon/buwan.) Pero sa totoo, hindi ito ibinibigay sa kanila sa loob ngtatlo hanggang apat na buwan para magamit ng mga upisyal bilang kapital sakanilang mga negosyo at pautang. Bilang pautang, pinapatawan ito ng 5%hanggang 20% na interes. Sa gayon, tumatabo ang mga upisyal-militar sarehiyon nang hanggang P10.8 milyon kada kwarto. Para magkapera ang mgaelemento ng CAFGU, nangungutang ang kanilang mga pamilya sa mga “koo-peratiba” na itinayo rin ng AFP o ng mga usurerong kakutsaba nila.

Ibinunyag din ni Montero na nagpaparamihan ng mga pekeng surenderiang mga kumander ng 75th IB at 36th IB dahil naghahabol ang mga ito ngpromosyon para maging kumander ng dibisyon. Sa kanilang pagkukumahog,ginagamit nilang ebidensya kahit ang mga ripleng ginagamit ng mga magsa-saka para sa pangangaso. Itinuturing ding surenderi ang pinagdududahannilang mga “tagasuporta” ng BHB at kanilang mga pamilya.

Ginagawa rin ng mga upisyal na palabigasan ang programa ngpagpapasurender. Bihira, kung natatanggap man, ng mga "surenderi" angpangako sa kanilang P65,000 ayudang pinansyal.

"NEMR...," mula sa pahina 1 Mag-asawang Casambre,

iligal na inarestoILIGAL NA INARESTO ng mga operatiba ng militar at pulis ang mag-asawang Rey Claro at Corazon Casambre sa Cavite noong hatinggabi ngDisyembre 6. Si Rey Casambre ay konsultant ng National Democratic Frontof the Philippines (NDFP). Tahasag nilabag ng pag-aresto ang kanyang ka-rapatan sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guaranteessa pagitan ng GRP at NDFP.

Para bigyang katwiran ang pag-aresto, walang kahiya-hiyang ti-namnan ng mga operatiba ng PNPng mga baril at bomba ang sasa-kyan ng mag-asawa at sinampahanng malinaw na mga gawa-gawangkasong pagpatay at tangkangpagpatay sa Davao Oriental. Pang-apat nang konsultant ng NDFP siCasambre na iligal na inaresto atidinitine ng rehimeng US-Duterte.

Ang sunud-sunod na pag-are-sto sa mga konsultant ng NDFP aybahagi ng pasistang paninikil at defacto batas militar ng rehimen parasupilin at busalan ang mga demo-kratikong grupo at pwersang oposi-syon sa imbing layunin nito na

patahimikin ang mamamayang Pili-pino at paluhurin sila sa kanyangtiranikong paghahari.

Ang pag-aresto kay Casambre,na kabilang sa mga pinangalanangterorista ng rehimen sa kasongproskripsyon laban sa PKP at BHBna isinumite nito sa reaksyuna-ryong korte, ay bahagi ng kampa-nyang panunupil na nakabalangkassa National Internal Security Planni Duterte na naglalayong duruginang rebolusyonaryong armadongkilusan at mga pakikibakang masaupang mamanipula ang resulta ngeleksyong 2019 at itulak ang kan-yang iskema na magtatag ng isangpasistang diktadura.

Page 5: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

ANG BAYAN Disyembre 7 , 2018 5

Dakilang kasaysayan ng Partido sa GinamatAng artikulong ito ay ambag ng mga myembro ng Partido sa rehiyonng Ilocos-Cordillera sa serye ng Ang Bayan (AB) tungkol sa mgatampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa

iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnu-gutan ng AB sa iba pang komite ng Partido na mag-ambag sa seryeng ito sapamamagitan ng pagsumite ng inyong tampok na mga kwento.

Ang baryo Ginamat ay isang baryo sa Cordillera na may ma-haba at dakilang kasaysayan ng pagkilos sa pamumuno ng

Partido Komunista ng Pilipinas. Mahigit isandaan lamang ang ka-bahayan dito pero maliit man, ito ang isa sa mga nanguna sapaglaban sa plano ng diktadurang US-Marcos na itayo ang ChicoDam noong dekada 70.

Taong 1976 unang kumilos angmga elemento ng Bagong HukbongBayan sa lugar. Agad na nagsagawaang mga Pulang mandirigma ng mgapag-aaral at itinaas ang pagtutol ngmga residente sa Chico Dam tungosa isang anti-imperyalistang pagla-ban. Noon pa man, nakatakdangsaklawin ng proyektong ito ang mgamunisipyo ng Tabuk, Lubuagan, Ta-nudan at Tinglayan sa Kalingahanggang sa mga munisipyo ng Sa-danga, Sabangan at Bontoc saMountain Province, at maglulubogng mga komunidad na aapekto samahigit 100,000 mamamayan.

Isa sa unang kinausap ng mgaPulang mandirigma ang mga pangat(tradisyunal na lider) ng tribu atmga peace-pact holder upang ma-buo ang pagkakaisa ng Hukbo atmamamayan kaugnay ng paglabansa Chico Dam. Mabilis ang pagre-rekrut ng mga Pulang mandirigmamula sa hanay ng mga tribu, ganun-din ang pagpapalawak ng impluwen-sya ng rebolusyonaryong kilusan salugar. Hindi naging problema angpag-aarmas sa maraming sumampasa Hukbo dahil karaniwang may rip-le ang mga katutubo sa lugar. Saloob lamang ng ilang taon ay uma-bot na sa ilang platun ang sumapi saBHB mula sa nasabing baryo.

Unang bahagi ng dekada 1980snabuo ang sangay ng Partido sa lo-kalidad sa Ginamat. Binuo ito ngmga aktibistang masa, tradisyunalna lider, panggitnang pwersa at ka-bataan. Sila ang nanguna sa mga

gawaing propaganda at edu-kasyon sa baryo. Naglunsaddin sila ng mga pagsasanayng yunit milisya.

Ang mga kilos-masa katulad ngmga nailunsad na mga “bodongconference” at ang masiglang edu-kasyong masa, na sa tinawag ngmga residente na “iskuling,” angnagpasibol ng paborableng kundi-syon para sa pagpapalakas at pag-papasigla ng rebolusyonaryong ki-lusang masa at armadong pakikiba-ka laban sa dam. Dahil sa matibayna pagkakaisa ng Hukbo at mama-mayan, at sa pursigido at masiglangkilusang masa at armadong pakiki-baka, iniatras ng diktadurangMarcos ang pagtatayo ng ChicoDam 1-4 noong 1982.

Tulad ng ibang sangay sa rehiyonat sa buong bansa, dumanas ng mgaunos at pagsubok ang Partido sa Gi-namat sa sumunod na mga dekada.Sa gitna nito, nananatiling nasawastong landas ang paninindigan ngPartido sa lugar.

Nagpanibagong-lakas ang Par-tido sa Ginamat mula 2009. Sa pa-nahong ito, muling gumana ang mgaganap na samahang masa ng mgamagsasaka, kababaihan at kabata-an. Mula noon hanggang sa kasalu-kuyan, tuluy-tuloy ang gawaingkonsolidasyon sa baryo sa pama-magitan ng kampanyang edukasyon.Binigyang-diin ang pagpapatapos ngBatayang Kurso ng Partido sa mgakasapi ng sangay. Sa kalaunan aynabuo ang komiteng subseksyon sa

tipak na kinapalolooban ng baryoGinamat. Naging kagawad nito angmga kadre mula sa lokalidad.

Sa pagpapanibagong-sigla ngPartido at mga organisasyongmasa, muli ring sumigla ang

mga kilusang masa. Mu-ling inilarga ang mgaplano sa rebolusyong

agraryo sa baryo nanakatuon sa

pagpapaunladng agrikultural

na produksyonng mamamayan,

gaya ng pagpapaunladng produksyon ng bigas.

Tampok ang tuloy-tuloy napaglarga ng anti-pasista na pakiki-baka ng mamamayan ng Ginamat.Matibay na hinarap ng sangay atmga organisasyong masa ang mgapasistang atake ng kaaway sa baryokabilang ang mga pananakot atpanggigipit sa mga aktibistang ma-sa. Tuwing pumapasok ang mgatropa ng AFP sa kanilang baryo,mabilis na kumikilos ang mga resi-dente upang tiyaking hindi tumata-gal at kagyat sila napalalayas.

Pagpasok pa lamang ng mgatropa ng militar sa baryo ay agadnang nagpapatawag ng pulong angsangay upang balangkasin angkanilang mga hakbang. Ang ilangulit na pamimilit ng kaaway namagrekrut ng CAFGU at magtayo ngdetatsment ay napigilan. Tuluy-tu-loy silang nagpadala ng mga peti-syon at delegasyon upang patalsikinang mga detatsment na itinayo sakalapit nilang baryo.

Sa pamumuno ng SPL sa mgapakikibakang masa at partisipasyonng mga residente sa armadong pa-kikibaka, lalong napatatatag angPartido at ang pampulitikang ka-pangyarihan ng mamamayan sabaryo. Sa ngayon ay may mahigitnang 40 kasapi ang SPL at tuluy-tu-loy ang kanilang pagsisikap na ma-kapagpalitaw ng mga pultaym namandirigma para sa Pulang Hukbo.

Page 6: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

Disyembre 7 , 2018 ANG BAYAN6

18, iligal na inaresto sa Talaingod

Dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kasong kidnapping at humantrafficking sa Tagum City noong Nobyembre 29 ang 18 mga lider-masa at

aktibista sa pangunguna ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACTTeachers Party Rep. France Castro. Isang araw bago nito, hinarang,ininteroga at arbitraryong idinetine ng mga elemento ng pulis, 56th IB at ngMunicipal Social Work and Development Office sina Ocampo, Castro at 77 ibapang delegado ng National Humanitarian Mission (NHM) at mga bakwit nakanilang sinaklolohan sa Talaingod, Davao del Norte.

Noong Nobyembre 28, naiulatna sapilitang kinandado ng mga ele-mento ng paramilitar na Alamaraang kampus ng Salugpongan Ta’ Ta-nu Igkanugon Community LearningCenter, Inc. (STTICLCI) sa SityoDulyan, Barangay Palma Gil. Pinag-bantaan din ng Alamara at 56th IBang mga residente at nagpatupadng blokeyo sa pagkain. Dahil sa pa-tuloy na panggigipit ng militar, na-tulak kinagabihan na magbakwit angmga residente, estudyante at guro.Nang hindi nakapaghapunan, nagla-kad sila nang mahigit tatlong oraspalayo sa komunidad para salubu-ngin ang mga delegado ng NHM.

Naiulat ng mga delegado na da-lawang beses na hinarang ng 56thIB ang kanilang komboy—sa SityoIgang dakong alas-8 ng gabi paradiumano papirmahin sila sa isang“attendance sheet;” at sa SityoUpaw dakong alas-9:20 kung saansila binato, dalawang beses na pina-putukan ng baril at binutas ang mgagulong ng sasakyan gamit ang pako.

Matapos nito, dakong alas-9:30,dinala at sinimulang idetine ang 79delegado at bakwit sa Talaingod Po-lice Station. Kabilang sa mga idine-tine ang 29 estudyante at 12 gurong STTICLCI.

Sa kaugnay na balita, nagpro-testa ang iba’t ibang progresibonggrupo sa harap ng Camp Cramenoong Disyembre 3 at sa Boy ScoutCircle, Quezon City noong Nob-yembre 30 para kondenahin ang ili-gal na pag-aresto sa Talaingod 18at ipanawagan na agad silang pala-yain.

Pansamantalang pinalaya ngTagum Regional Trial Court ang 18

noong Disyembre 1 matapos mag-bayad nang pyansang P1.44 milyon(P80,000 kada isa).

Samantala, tuluy-tuloy angpandarahas ng pasistang tropa samga progresibo, kanilang mgapamilya at tagasuporta.

Noong Nobyembre 23, pinagba-baril ng walong di nakilalang lalakiang mga kasapi ng NagkahiusangMag-uuma sa Agusan del Sur(NAMASUR) na sina Datu WalterEspaña, tagapangulo nito, RommelRomon at isa pa nilang kasamahansa Sityo Cantagan, Barangay Lucac,San Francisco noong Nobyembre 23.Nagtamo ng tatlong tama ng bala siRomon na agad niyang ikinamatay.Agad na isinugod sa ospital siEspaña at kasalukuyan pang nasakritikal na kalagayan dahil sa mgatama ng bala sa dibdib, tiyan, paa atbaywang. Samantala, nakaligtas angisa nilang kasamahan. Ang NAMA-SUR ay aktibong tumututol sa pag-papalawak ng mga plantasyong oilpalm ng Davao San FranciscoAgricultural Ventures Inc. Bago ni-to, una nang ginipit at nakatanggapng banta sa buhay si España.

Noong Nobyembre 27, binaril ngdalawang pinaghihinalaang ahenteng 29th IB si Linus Cubol, datingtagapangulo ng Kilusang Mayo Uno-Caraga at rehiyunal na koordinadorng Anakpawis, sa harap ng kanyangtindahan sa Santiago, Agusan delNorte. Nagtamo ng limang tama ngbala ang biktima na agad niyangikinamatay. Bago ang insidente,walang puknat ang panggigipit atpagbabanta ng 29th IB kay Cubol.Ilang beses din siyang ininterogadahil lamang sa paglahok sa mga

aktibidad ng mga progresibonggrupo.

Maaalalang noong Nobyembre27 upisyal na ipinahayag ni RodrigoDuterte ang pagpakawala ng isang“death squad” laban diumano samga kasapi at gustong sumapi saBagong Hukbong Bayan.

Samantala, apat na guro angdinukot at iligal na idinetine ng 51stat 81st IB sa Lanao del Sur. Natuk-lasan noong Nobyembre 27 na nasakustodiya ng militar ang apat nagurong boluntir ng Rural Missiona-ries of the Philippines-NorthernMindanao na dinukot ng mga tropang nasabing mga yunit noong uma-ga ng Nobyembre 12 habang nag-tuturo sa paaralan ng Sityo Baba-layan, Barangay Durongan, Tago-loan 2, Lanao del Sur. Kinilala angmga biktima na sina Tema Namati-dong, 28, Julius Torregosa, 30,Ariel Barluado, 22, at Giovanni So-lomon, 20.

Kinumprima ni Cpl. Rico Orda-neza ng 103rd IBde na kasaluku-yang nakadetine at iniimbestigahanang mga guro dahil namataan uma-no silang kasama si Sultan Jamla,na may mandamyento de arestopara sa iba’t ibang kasong kriminal.Bago nito, nagpakalat ang mgasundalo ng pekeng balita na dinalaang biktima sa Marawi City para li-tuhin ang mga naghahanap sa ka-nila.

Kasabay nito, limang estud-yante ng Mindanao InterfaithServices Foundation Inc. (MISFI)ang tinortyur ng mga tropa ng 19thIB noong Nobyembre 18 sa Magpet,North Cotabato. Ininteroga ng mgasundalo ang mga estudyante tung-kol sa lokasyon ng mga myembro ngMISFI, at nang bigong makasagotay binugbog, pilit na pinaluhod salupa at pinagbantaang papatayin.

Kahit ang mga kamag-anak ngmga progresibo ay di ligtas sa pa-sismo. Noong Nobyembre 24, ti-nortyur ng siyam na myembro ng65th IB na nakabase sa Opol, Mi-

Page 7: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

ANG BAYAN Disyembre 7 , 2018 7

samis Oriental ang buong mag-a-nak ni Joseph Paborada. Si Pabo-rada ay tagapangulo ng Pangala-sag, isang lokal na organisasyongLumad at kasapi ng KalumbayRegional Lumad Organization,mga organisasyong aktibongnagtatanggol sa lupang ninuno.

Dakong alas-9 ng gabi nangsapilitang pasukin ng mga sun-dalo ang bahay ni Paborada atbugbugin siya at ang kanyangasawa at tatlong anak. Dalawangbeses ring nagpaputok ng barilang isang sundalo at pinagban-taan si Paborada na papatayinpati ang isa sa kanyang mgaanak.

Sa Compostela Valley, dala-wang beses na sinalakay ng di ki-lalang mga lalaki ang mag-anak niPaul John Dizon, tagapangulo ngNagkahiusang Mamumuo sa Su-yapa Farms (NAMASUFA) noongNobyembre 30. Napigilan nila angunang atake dakong alas-12 nghatinggabi kung saan tinangkangsilaban ang kanilang bahay. Bu-malik ang mga lalaki dakong alas-1:30 ng umaga at pinaulanan ngbala ang bahay. Kasalukuyangnakakampo ang mga kasapi ngNAMASUFA sa Maynila para la-banan ang kontraktwalisasyon atbatas militar sa Mindanao. (Ba-sahin ang kaugnay na artikulo sapahina 8.)

Ika-155 Araw ni Bonifacio,ipinagdiwang

Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno ipinagdiwang ng mga pamban-sa-demokratikong grupo ang ika-155 Araw ni Andres Bonifacio noong

Nobyembre 30. Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon at sek-tor sa paanan ng tulay ng Mendiola sa Maynila para kundenahin ang ta-hasang pangangayupapa ng rehimeng Duterte sa US at China. Ipinana-wagan din nila ang kagyat na pagwawakas sa panunupil sa demokratikongkarapatan at batas militar sa Mindanao.

Matapos nito, tumulak angmga raliyista sa Embahada ng USpara tutulan ang patuloy napanghihimasok ng imperyalista sabansa. Nagtapos ang programasa pagsusunog ng isang effigy namay mukha ni Duterte na kinuku-babawan ni US President Trumpat Chinese President Xi Jinping.

Kaugnay nito, nagprotestaang mga progresibong grupo mu-la sa Southern Tagalog sa pangu-nguna ng Pamantik-KMU saCrossing, Calamba, Laguna saganap na alas-4 ng hapon.

Kasabay na ipinagdiwang ngmga balangay ng Anakbayan angAraw ni Bonifacio at ang kanilangika-20 anibersaryo. Sa pangu-nguna ng pambansang upisina ngAnakbayan, isinagawa ang du-lang “Ang Naratibo ng Bayan ayNaratibo ng Digma” sa UP FilmInstitute, UP Diliman at

Polytechnic University of thePhilippines. Inilunsad din ng mgabalangay ng Anakbayan sa Bicol,Cavite at Cordillera ang mgapagtitipon at pagkilos.

Samantala, nagsagawa ngraling iglap ang lihim na organi-sasyong Kabataang Makabayan(KM)-Lucille Gypsy Zabala Bri-gade sa harapan ng Far EasternUniversity sa Maynila noongNobyembre 29.

Isinagawa ang protesta bi-lang pagdakila sa ika-54 na taonganibersaryo ng KM at mga kaba-taang nag-alay ng buhay sa re-bolusyon.

Ipinanawagan nila ang pag-papabagsak sa tiranikong pagha-hari ng rehimeng US-Duterte atpagsampa ng kabataan sa BagongHukbong Bayan. Kaparehong pro-testa ang inilunsad ng KabataangMakabayan sa Cebu.

Mga magsasaka ng BTL, nagkampuhan

MAHIGIT ISANG LINGGO nang nakakampo ang may 400magsasaka ng Buffalo-Tamaraw-Limus (BTL) sa Malay-balay City, Bukidnon. Nagsimula ang kampuhan noongNobyembre 27 para igiit kay Jose Ma. Zubiri, gubernadorng prubinsya, na ipamahagi na ang 517 ektarya ng lupana tatlong dekada na nilang sinasaka.

Ayon sa pangulo ng BTL, hindi sila aalis sa lugarhangga’t hindi tinutugunan ni Zubiri ang matagal na ni-lang panawagan. Giit din ng grupo na wakasan ang ha-rasment at Red-tagging sa kanilang hanay. Pinalalayasdin nila ang mga sundalong nakatigil sa kanilang mga ko-munidad.

Samantala, nagsagawa ng isang misa at nagtirik ngkandila ang mga taong-simbahan, tagapagtanggol ng ka-rapatang-tao at mga magsasaka sa Quiapo Church

noong Nobyembre 29 para sa mga biktima ng masaker saSagay, Negros Occidental.

Gayundin noong Disyembre 4, nagprotesta angBagong Alyansang Makabayan at Anakpawis sa harap ngDepartment of Justice at naghain ng reklamo laban saama ng batang nakaligtas sa masaker. Ayon sa kanila,ginagamit ng pulis at militar ang ama ng bata laban samga mangagawang bukid ang biktima.

Sa kaugnay na balita, nagprotesta ang mga kasaping T’boli Manobo S’daf Claimants Organization sa harapng kampo ng militar sa Lake Sebu, South Cotabato ma-kalipas ang isang taong walang hustisya sa pagmasakerng mga elemento ng AFP sa pitong myembro ng kanilangtribu noong Disyembre 3, 2017. Kabilang sa mgapinaslang ang kanilang lider na si Datu Victor Danyan Sr.

Page 8: cpp.phng digmang bayan. Ang marahas na pagsupil sa mga demokrati-kong karapatan ay magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan sa armadong paglaban. Gayunman, kaila-ngang patuloy

Disyembre 7 , 2018 ANG BAYAN8

Welga sa Liwayway, tagumpay

NAGTAGUMPAY ANG tatlong buwangwelga ng mga manggagawa ng Liway-way Marketing Inc. Workers’ Union(LIWU-ANGLO-KMU) noong Nobyembre22 matapos humantong sa isang kasun-duan ang unyon at maneydsment.

Pinirmahan ang kasunduan paraibalik sa trabaho ang higit 40 mangga-gawang naka-floating status. Ibibigay dinsa kanila ang di nabayarang sahod sapanahong nakawelga. Ang mga mangga-gawa ng Liwayway ay ang gumagawa ngmga produktong tsistsirya na Oishi.

Samantala, nagtagumpay din angmga manggagawa ng SMT Philippinesmatapos ang kanilang 55 araw na pro-testa laban sa iligal na pagsasara ngkumpanya at blokeyo sa pagkain sa ka-nilang piket.

Nakakuha sila ng katanggap-tang-gap na kompensasyon at separation pay.Binigyan din sila ng mga tulong at be-nepisyo matapos ang dalawang deka-dang pagtatrabaho sa kampanya.

Karahasan at batas militar sa Mindanao,kinundenaNAGPROTESTA SA HARAP ng Department of National Defense, CampAguinaldo, Quezon City noong Disyembre 4 ang grupo sa pangungunang BAYAN-Mindanao at Barug Katungod para labanan ang patuloy napag-iral ng batas militar sa isla na nagdudulot ng paglabag sa karapa-tang-tao.

Samantala, sa isinagawang National Clergy Convocation ng IglesiaFilipina Indipendiente noong Nobyembre 20, naglunsad ng isang pa-nalangin at programa ng pakikiisa para sa mga bakwit na Manobo.Nagtirik sila ng kandila sa UCCP Haran para ipanawagan ang pagwa-wakas ng karahasan laban sa mga Lumad.

Sa pangunguna naman ng Artists for Human Rights (AHRT!), ini-lunsad ang CINERESBAK: Decades of Resistance Films sa Cine Adarna,UP Diliman, isang programa ng pagpapalabas ng mga pelikula ng pag-laban noong Disyembre 3.

Sinundan ito ng RAMPA! Red Carpet Walk laban sa Red-tagging atmga atake sa mamamayan. Nilahukan ito ng Samahan ng Manininda saUP, mga manggagawa ng SUMIFRU, ni Mae Paner at iba pang persona-lidad.

Kasabay naman ng pagdiriwang ng International Day for the Eli-mination of Violence against Women, naglunsad ng protesta ang Gab-riela-Bicol noong Nobyembre 25 sa Plaza Oragon, Naga City. Saman-tala noong Nobyembre 29, nagprotesta ang Karapatan at Gabriela saharapan ng Department of National Defense sa Cubao, Quezon City.Kasabay ito ng pagdiriwang ng International Women Human RightsDefenders’ Day.

Sa paggunita sa Maguindanao Massacre at International Day toEnd Impunity noong Nobyembre 23, nagprotesta ang Anakbayan-Southern Tagalog sa Crossing, Calamba, Laguna at Freedom Park, Pa-la-pala, Dasmarinas, Cavite. Gayundin, naglunsad ng protesta at nag-tirik ng kandila ang College Editors’ Guild of the Philippines-Cebu atKarapatan-Cebu sa Metro Colon, Cebu.

Samantala, noong Nobyembre 28 bilang pag-alala sa isang taon nakawalang hustisya sa pagpaslang kina Elisa Badayos ng Karapatan-Negros Oriental at Elioterio Moises ng Mantapi Farmers' Associationsa isinagawang Central Visayas Fact Finding Mission naglunsad sila ngmartsa sa harapan ng Commission on Human Rights Region VII atMetro Colon, Cebu.

Kampuhang manggagawa

ng Sumifru sa Mendiola

HIGIT 300 MANGGAGAWA ng SumitomoFruits Corporation o Sumifru ang nagta-yo ng kampuhan sa Mendiola, Manilanoong Nobyembre 27. Tumungo sa Met-ro Manila ang mga manggagawa parapatampukin ang kampanya laban sakontraktwalisasyon at kahilingan sakumpanya na kilalanin ang kanilang un-yon para makipag kolektibong negosa-syon.

Naglunsad din sila ng protesta saharapan ng Department of Labor andEmployment sa Intramuros, Manilanoong Nobyembre 29 laban sa paglala-bas ni Sec. Silvestre Bello III ngAssumption of Jurisdiction sa isinagawanilang piket sa Compostela Valley nanag-udyok ng marahas na dispersal dito.Kinundena rin nila ang marahas na pag-paslang ng estado sa dalawang unyonis-ta na lumahok sa welga.

Samantala, dumagsa ang suporta atpakikiisa sa kanila mula sa WorkersAdvocates for Rights Network (WARN),University of the Philippines at Uni-versity of Sto. Tomas.

Linggo ng PLGA, ginunita

GINUNITA NGAYONG Disyembre 2-10 ng Communist Party of India-Maoist (CPI-M) ang taunang Linggo ng People’s Liberation GuerillaArmy (PLGA). Inilulunsad ang Linggo ng PLGA bilang pag-alala sa tat-long myembro ng Komite Sentral ng CPI-Maoist—sina Seelam Naresh,Nalla Adi Reddy at Yerramreddy Santosh Reddy—na pinaslang ng mgapwersa ng reaksyunaryong estadong Indian noong Disyembre 2, 1999.

Sa loob ng linggong ito, naglulunsad ang mga mandirigma ng PLGAng mga pulong masa at rali sa saklaw nilang mga komunidad. Pagka-kataon din ito para pasumpain ang mga bagong kasapi ng Partido athukbong bayan. Sa ilang komunidad, nagtatayo sila ng mga bantayogbilang pagsaludo sa kanilang mga martir.

Tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang nakasabit sa kalsada namga balatenggang naglalaman ng mga panawagan ng CPI-M.