13
 i. PA MAGAT NG NOBELA Sampagitang Walang Bango II. MAY-AKDA Si I igo Ed. Regalado ay kabilang sa mga makabuluhang makata, nobelista, mandudula, kuwentista, kr itiko, san ay say ista, peryodista, at editor ng kan iyang panahon. Isinilang siya sa Maynila noong 1888, at supling ng makatang I igo Corcuera Regalado alyas !dalager" at ni Saturnina Reyes. #abilang sa tinanggap niyang mga parangal ang $awad El Renacimiento, Commonwealth %ward &or 'iterature, Medalyong $into ng (anitik ng #ababa ihan, Cultural )eritage %wa rd, (reside ntial %w ard &or Merit, $awa d *i wa ng 'ahi, at $awa d (ant as ng (anit ika n. #in ila la ang hus ay ni I.E . Regala do bilang matalisik na kritiko at makata ng kaniyang mga kapuwa manunul at+ at isa sa mga unang nagtaguyod ng mga pangunang pamantayan at panuto sa tula, nobela, at iba pang uri ng panitikan. 1

Book-sampaguitang Walang Bango

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Book-sampaguitang Walang Bango

Citation preview

i. PAMAGAT NG NOBELA

Sampagitang Walang Bango

II. MAY-AKDA

Si I igo Ed. Regalado ay kabilang sa mga makabuluhang makata, nobelista, mandudula, kuwentista, kritiko, sanaysayista, peryodista, at editor ng kaniyang panahon. Isinilang siya sa Maynila noong 1888, at supling ng makatang I igo Corcuera Regalado (alyas Odalager) at ni Saturnina Reyes. Kabilang sa tinanggap niyang mga parangal ang Gawad El Renacimiento, Commonwealth Award for Literature, Medalyong Ginto ng Panitik ng Kababaihan, Cultural Heritage Award, Presidential Award for Merit, Gawad Diwa ng Lahi, at Gawad Pantas ng Panitikan. Kinilala ang husay ni I.E. Regalado bilang matalisik na kritiko at makata ng kaniyang mga kapuwa manunulat; at isa sa mga unang nagtaguyod ng mga pangunang pamantayan at panuto sa tula, nobela, at iba pang uri ng panitikan.

III. TAUHAN

Nenita babaeng unang minahal ni Pakito. Asawa ni Mang Bandino.

G. Francisco Herbosa / Pakito isang abogado, kababata ni Nenita na kalaguyo niya at katipan ni Liling.

Don Bernardino Deala / Mang Bandino Mayamang mangangalakal na asawa ni Nenita.

Pilar Amado / Liling

Isang babaeng hinahangaan ng mga kaibigan ni Pakito sa angkin nitong kahinhinan. Kasintahan ni Pakito.

Don Diego Lijucom Peralta Isa sa mga matalik na kaibigan ni Pakito. Siyay isang arkitekto Matalik na kaibigan ni Mang Bandino. Matandang mayaman na kaibigan ni Mang Bandino.

IV. BUOD

Ang Palasyo ay nagkaroon ng isang pagdiriwang na ang lahat ng mga naggagandahang mga dalagat nagagwapuhan na mga binata ay naroon. May mga mayayaman ang naroroon din sa kasiyahan nasa kabilang dako. Ang lahat ay labis na nagkakasiyahan. Lahat silay aliw na aliw sumayaw kasama ang kani-kanilang mga kapares. Isa na rito si Nenita na asawa ng isa sa mga mayamang mangangalakal sa maynila. Maraming kalalakihan nung gabing iyon ang nag-aalok na maisayaw siya dahil sa angkin nitong kagandahan na di alintana na siyay may asawat anak na. Naging kasayaw niya si Pakito na kababata niya. habang silay nagsasayaw ay silay nag-uusap ukol sa kani-kanilang buhay. Naitanong ni Nenita kay Pakito ang tungkol sa napapalapit na pag-iisang dibdib nito sa katipan niyang si Liling. Hindi naman ito itinanggi ni Pakito kay Nenita kung kayat nagpauna na siya ng isang maligayang pagbati. Nagtanong rin naman si Pakito kay Nenita na kung bakit hindi siya ang kasayaw ng kaniyang asawa at ibang babae. Ang sinabi na lamang nito na aliw na aliw ang kanyang asawa sa ibang mga babae. Habang silay sumasabay sa indak ng musika ay para bang bumabalik ang pagtitinginan nila na nabaon na sa tagal ng panahon. Parehas silang nakadama ng di maipaliwanag na damdamin at kapwa silang nagkailangan kung kayat ay minabuti na lamang nila magpahinga muna. Sa kanilang kauupuan ay lumapit ang Senador na inaalok si Nenita na sumayaw subalit hindi pumayag si Nenita hanggang sa magmadaling araw na at natapos na ang kasiyahan ang karamihan ay nagsipaguwian na habang sila Nenita ay inaantay na lamang ang kanilang sasakyan gayundin si Pakito. Magkasabay halos nilang nakuha ang kani-kanilang mga sasakyan at sabay na umalis sa palasyo. Kinabukasan ay nagising si Nenita na wala na sa kanilang tahanan ang kanyang asawa. Araw ng lingo kung kayat maaga itong nasa klub at doon na matatanghali. Dahil sa isang mayaman na si Nenita ay ayos lang kung tanghali na siya bumangon sa kaniyang higaan. Magtatanghali na noon ng sa kanyang pagkain na lamang ang nasa hapag kainan. Pagkabangon niya sa kanyang higaan ay agad siyang nag ayos ng sarili at tumingin sa salamin. Nabatid niya na simula ng siyay mag-asawa ay hindi pa rin nagbabago ang kagandahan niya nung siyay dalaga pa. habang siyay nakatitig sa salamin ay pumasok sa kaniyang isipan si pakito. Ang kauna-unahang lalaki na pinag-alayan niya ng matamis niyang oo. Parehas silang nagmula sa isang maralitang pamilya kung kayat silay may kani-kaniyang pangarap sa buhay na nais matupad. Sa paglipas ng panahon naghiwalay ang magkasintahan dahil nabalitaan ni Nenita na may iba ng mahal si Pakito at ito ay si Liling na labis ang pagmamahal kay Pakito. Sa paghihiwalayan nilang magkasintahan ay labis na nasaktan ang bawat isa. Si Nenita na nooy nakilala niya si Mang Bandino at di kalaunay nagpakasal silang dalawaat nagkaroon ng isang supling na babae ng mabalitaan ito ni Pakito ay labis itong nasaktan kung kayat nagsikap siya sa buhay at nagtapos ng pag-aaral. Sa hirap na dinanas ni Pakito nakamit niya ang inaasam niya na maging abogado. Kapwa silay may kani-kanya ng buhay na tinatamasa. Sa isang klub na kung saan ay madalas na nagpapalipas oras si Pakito at ang mga kaibigan nito ay nadatnan niya ang mga ito na nagkakasiyahan. Sa isang bahagi ng klub pumaroon si Pakito kasama ang ilang mg kaibigan na sila Collantes at Peralta na kapwa pinagkakatiwalaan ng binata. Sa mga ito niya ikinuwento ang pangyayari sa palasyo sa kanila ni Nenita. Hindi niya eksaktong sinabi na si Nenita yung babae at agad naman nahiwagaan ang dalawa kay Pakito. Nag-iwan ng ng isang lihim si Pakito sa mga kaibigan nito. Binalaan lang naman siya ni Peralta sa kung ano ang maaaring idulot nito sa kaniya ng kanyang gingawa. Sa tabi ng bahay nila Mang Bandino nakatira ang matandang mayaman na nagngangalang Don Diego. Malapit ito kay Mang Bandino sapagkat sakanya mismo humihihingi ng payo ang mayamang mangangalakal. Sa bahay mismo ni Don Diego sila nag uusap tungkol sa kani-kanilang buhay. Ang usapan nila ay humantong sa malalim na paksa. Ito ay tungkol sa pagtataksil sa asawa na naging mainit ang usapan nilang dalawa. Inihalintulad ni Don Diego sa isang sampagitang may bango ang asawa nitong si Nenita, di dahil sa angkin nitong kagandahan bagkus sa kabaitan nito pagkat sino nga bang may bahay ang papayagan na mambabae ang kanilang asawa at ang lahat ng itoy walang reklamong tinitiis ni Nenita. Bumitaw ng isang pangako si Mang Bandino sa harapan ni Don Diego na kung si Nenita may maka-isip na magtaksil ay isa man sa kanila ay mamamatay na tumanim sa isipan ni Don Diego. Habang wala sa bahay si Mang Bandino ay nakakuha ng tiyempo si Nenita upang tawagan si Pakito upang silay magkita. Nagka-usap ang dalawa at nagkaroon ng usapan kung saan sila magkikita at anung araw. Napagdesisiyonan nila na sa araw ng sabado sila magkikita sa may Luneta. Nag uumapaw ang kaligayahan ni Nenita ng mabaitd na silay magkikita ni Pakito. Dumating ang araw ng sabado ang pinakahihintay nina Nenita at Pakito. Nauna dumating si Pakito sa pinag-usapang lugar subalit ni anino ni Nenita ay wala. Sumagi tuloy sa isipan ni Pakito nab aka namay inuulul lang siya ni Nenita. Naghintay siya hanggat sa abot ng kaniyang makakaya at di nagtagal naaninag niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Nabatid niya na sila nenita nga ang nakasakay sa auto na paparating. Bumaba ang isang babae sa auto at pagkababa nito ay agad naming umalis ang auto. Nakita ni Pakito si Nenita at Masaya ito. Nagtungo ang dalawa sa likod ng batuhan na kung saan ay silang dalawa lamang ang naroon at ang isang matandang lalaki na para bang bulag sapagkat itoy parang may tinitingnan. Tahimik ang paligid. Ang dalawa ay masayang magkasama subalit para kay Nenita ay may kaba pa rin sa kanyang dibdib. Silang dalawa ay nagkaroon ng pangako sa isat isa na kapag silang dalawa lamang ang magkasama ay kanilang kanila ang isat isa. Sinundo na si Nenita ng auto na kanina niyang sinakyan at umuwi na. May natanggap na liham si Pakito na mula kay Liling na kanyang katipan na nangangailangan ng kanilang pag-uusap sa bahay ng mga Collantes sa araw ng huwebes. Sumagot naman si Pakito sa liham na tila nagpakabagabag sa damdamin ni Pakito. Sa huwebes gaganapin ang binyag ng anak ng mag asawang Collantes. Tinawagan ni Pakito si Nenita at binabalaan na huwag na ito dumalo sa nasabing pagdiriwang subalit ng dumating na ang pagdiriwang na kung saan nagkita sila Nenita at Liling at nagkaroon ng maikling kuwentuhan. Pagdating ni Pakito kasama ang mga kaibigan nito ay agad niyang nakita ang dalawa at labis na inis ang nadama niya sapagkat binalaan na nito si Nenita na huwag ng dumalo subalit matigas ito. Buong pagdiriwang ay nanahimik lamang si Pakito. Ang mga kaibigan naman nito ay nabatid si Liling sa angkin nitong kahinhinan na ikinahanga sa dalaga. Hindi nagkaroon ng oras ang dalawa mag-usap. Kinabukasan ay minabuti ni Pakito na pumunta sa bahay nila Liling. Nakita agad ito ng dalaga at agad tinawag ang ina nito upang ipabatid na may bisita sila. Isang pagbati na may kahalong hindi bukal sa loob na pagtaggap kay Pakito subalit kalaunay tinanggap na ito at pinapasok sa tahanan. Nagkaroon ng pag-uusap ang dalawa. Ipinabatid ni Liling na siyay nagseselos sapagkat nawawalan na si Pakito sa kaniya sa pagdadalaw sa kanilang tahanan at laging isinasangkalan ng binata ang kanyang mga trabaho na parang nawalan na ng gana si Liling at di alam kung saan paroroon ang kanilang relasyon. Nais n asana ni Pakito na pakasal;an si Liling subalit tumanggi pa muna ang dalaga sapagkat sa nakikita niya na kapwa silang di pa handa. Umuwi ng may hinagpis sa puso si Pakito. Sa kabila ng kaniyang nararamdaman ay tila may isang ngalan ang binabnaggit ang kanyang isipan walang iba kundi si Nenita. Nagkita ang dalawa. Ang kaninang nadarama na pighati ni Pakito ay napalitan ng saya ng Makita niya si Nenita. Hindi niya maipaliwanag kung bakit masaya siya kapag kasama niya si Nenita. Nagpaikot- ikot silang dalawa. ang pangyayaring ito ay naulit pa ng maraming beses. Minsan ngay gabi noon nung magpunta si Pakito sa bahay nila Nenita para magkita. Masaya magkasama ang dalawa ng dumating si Mang Bandino. Lahat silay nagulantang at nataranta. Tinulungan ng kasambahay nila Nenita si Pakito kung saan ito maaring lumabas. Habang si Nenita namay namumutlang nakita ni Mang Bandino. Labis ang kaba ni Nenita na makita sila ng kaniyang asawa na magkasama sa sarili pa mismo nitong tahanan. Kasama ni Mang Bandino ang matalik niyang kaibigan ng mayaman rin na si Lijucom. Kung saan saan sila pumupuntang klub upang magliwaliw. Habang sila ay nasa isang klub ay nagkukwentuhan ang dalawa tungkol sa mga bababaeng nabihag ni Mang Bandino. Hangga ang kaibigan nito sa angkin nitong katinik sa mga babae. Hindi basta bastang babae ang pinapatulan nito. Pinapatulan nito ang mga asawa ng mga kaibigan niya na ikinatutuwa niya. habang napapasarap sa pag-uusap dumating ang mga asawa ng mga babaeng pinatulan ni Mang Bandino at napagpasiyahan nilang dalawa na lumipat na ng ibang lugar. Nagdiriwang ng kapistahan ang maynila, maraming mga tindahan ang nagsulputan, mga karnibal na kinahuhumalingang puntahan at ang pinaka aabangan ng mga kalalakihan ang beauty pagent. Abalang abala ang ilan. Kasama ang mga kaibigan ni Pakito ay naglibot sila sa may auditorium kung saan gaganapin ang pagent. May nadiskubre si Pakita na lugar kung saan maaring magsama sila ni Nenita ng walang nakakakita. Tumawag it okay Nenita at ipinabatid ito, agad sumang-ayon ang babae sapagkat isa sa mga hurado si Mang Bandino at nakatitiyak siya na magiging abala ito. Napagkasunduan nila na magkikita sila sa may auditorium. Nang dumating ang araw na pinakahihintay ni Pakito ay pumunta ito sa auditorium subalit sa kasamaang palad ay halos magkaamuyan na ang mga tao sa loob nito sa sobrang dami ng tao. Hindi Makita ni pakito si Nenita subalit mga ilang sandal pa lamang ay natanaw na niya ito. Hinatak niya ito sa lugar na kung saan sila maaaring magkasama. Inutusan niya ito na sumunod ito pagkatapos ni Pakito na pumasok. Sinunod nga ni Nenita ang bilin ni Pakito at dali daling pumasok sa kwarto kung saan ang kinaroroonan ni Pakito. Masaya sila sa loob subalit nabatid ni Nenita na naroon ang matalik na kaibigan ni Mang Bandino na si Lijucom nag-aalala si Nenita na baka nakita siya nitong pumasok sa silid na iyon. Sa di inaasahang pangyayari ay tama nga ang nabatid ni Nenita nakita siya ni Lijucom na pumasok sa silid na iyon at bilang matalik na kaibigan ng mangangalakal ay ipinagtapat niya ito subalit sa labis na tiwala nito sa asawa ay hindi niya magawang paniwalaan ang kaibigan. Nais niya ng pruweba at sa di inaasahang pangyayari ay nakita mismo ni Mang Bandino sa kanyang dalawang mata ang asawa niya na kasama ang kalaguyo nito na ang abogado herbosa. Labis na galit ang naramdaman nito ng makita niya ang asawa na may iba, ibig niya itong sugurin subalit pinigilan lamang siya ng kaibigan niya. Sa nakita ni Mang Bandino ay labis siyang naapektuhan may mga pangyayari na nagpapakita ng kanyang galit tulad ng pagbabalak na magpakamatay subalit pinigilan lamang siya nga kaniyang anak at sa di sinasadya ay pumutok pagkahulog nito. Marami ang nagulantang sa pangyayaring ito at napa isip sa idinahilanan ng mangangalakal. Si pakito ay nakatanggap ng liham mula kay Liling na nagsasabi na lubos siyang nadismaya sa balitang kaniyang nasagap kung kayat napagdesisyunan niya na makipaghiwalay sa binata. Habang binabasa ni Pakito ang liham ay labis siyang nasaktan sa pasyang dalaga kung kayat napagpasiyahan niya na tanggapin ang alok sa kanya na lumipad sa Mindanao at doon na manirahan habang si Nenita at naghihinagpis sa mga kasalanan na kaniyang nagawa na nagdulot ng kasiraan sa dating isang masyang pamilya. nagpakalayu-layo si Mang Bandino kasama ang kaisa-isa nitong anak. Marami ang galit sa ginawang kasalanan ni Nenita sa pamilya nito na naging dahilan ng pagkadumi ng pangalan na matagal na nilang iniingatan. Dahil samga pangyayari masasabi ni Don Diego na walang kaparis si Nenita sa isang Sampagitang Walang Bango.

V. PAGSUSURI

A. MGA TAYUTAY B. Ang mga paruparot bulaklak ay nagsalimbayan nang maglaro sa gitna ng maaliwalas na salon.

PAGSASATAO - Nagbabatak ng mga buto

PAGMAMALABIS - Walang pinag-ibhan sa paniki

PAGTUTULAD -Itoy nahahalintulad sa sampagitang may angking bango Para silang mga makahiya

PAGTUTULAD -Gaya ng mahinhing biyoleta

C. DULOG

Ang buhay ng tao sa balat ng lupa ay puno ng sari-saring kabalintunaan. -Eksistensyalismo pag ang kasalanang iyay nahinog, ang langit at lupay magiging bingi sa sigaw ng ating mataos na pagsisisi. Eksistensyalismo ang buhay ng taoy parang gulong; mapailalim, mapaibabaw. -Realismo ang pagsintay di maaaring sulitan ng sangmundo mang ginto. Ang kailangay katas ng pagsinta sa pag-ibig, ng sa pagsinta. -Romantisismo sa pusong sumisinta ay bi naipandidilig ang salapi. -Romantisismo magiging api ka at palulunukin ng mapait na paghamak. -Markismo kung sa aking asaway wala akong sukat alalahanin. -Eksistensyalismo Si nenita , sa ibabaw ng pagiging isang babaeng masama sa ibabawa ng pagkabulid sa napakabahong lusak ng kapalaran, ay isang inangmay puso. Mawala ang anak sa mga sandali pa namang yaon ng pagbabata ng mapait na kadlamhatian? -Feminismo Kung anot natuksong makialam sa ibang lalaki, gayong may isang asawang sinumpaan ng pagtatapat sa harap ng dambana. Klasisismo.

D. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

ROMANTISISMO

Sa nobelang ito ipinapakita ang teoryang romantisismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maling pag iibigan nila pakito at nenita sapagkat si nenita ay isang babaeng may asawat anak samantalang si pakito ay mayroong katipan na malapit na niyang makasama pang habambuhay. Sa kabila ng kasalanan na nagagawa ni pakito kay liling ay ipinapabatid pa rin niya rito ang halaga ng kanyang katipan sa kanyang buhay at kung gaano niya ito kamahal .

FEMINISMO

Ipinapapakita rito ang pagiging isang babae ni nenita. Sa kanyang pagtataksil sa kanyang asawa ay labis niya itong pinagbabayaran. Maraming masasamang bagay ang dumating sa buhay ni nenita na humantong sa pagkasira ng kanyang pamilya at pagkawala ng kanyang dignidad.

REALISMO

May ilang bahagi ng nobela ang masasabi natin na nangyayari sa totoong buhay ng tao. Halimbawa rito ang pagkasira ng isang pamilya na dulot ng pagtataksil sa asawa. Tulad ng ginawa ni nenita sa kanyang asawa na labis na nagging dahilan ng pagkawasak ng isang masayang pamilya. Mailalapat natin ang teoryang realismo sa nobela sapagkat sa ating lipunan may iilang mga kalalakihan ang talaga naman nambababae katulad ni mang bandino na minsay kanilang ginagawang

ISTILO NG MAY-AKDA

Sinimulan ang nobela sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang pagdiriwang na idinaraos. Mga taong nagsisidalo sa nasabing kasiyahan, naroon ang ilang mga mayayaman at mga nakakataas sa lipunan na tilay ang lahat ay nagkakasiyahan. Winakasan ito sa isang napaka trahedyang pangyayari na ang ilang mga tauhan ay labis na naapektuhan sa pangyayaring naganap.

BISANG PAMPANITIKAN

1. ISIPMasasabi kong ang pagtataksil sa asawa ay isang malaking kasalanan sapagkat nangako silang magsasama habambuhay ng nagmamahalan.

2. DAMDAMIN- Akoy nakadama ng pagkaawa sa mga tauhan. Si nenita na labis na nagsisisi sa kanyang nagawang kasalanan siguro masasabi kong isa hamak lamang siyang babae na nagmamahal saubalit ang pagibig niyang ito ay nagdulot ng kasiraan sa kanyang buhay. Si mang bandino na labis sinisisi ang sarili kun bakit ito angyari sa kanyang pamilya at kay liling at pakito na parehas na nag-iisang sugatan ang kanilang mga pusot damdamin.

3. ASAL- Kung darating sa punto ito ang buhay ko, hindi ko gagayahin ang ginawa ni pakito na nakiapid sa may asawa at ginamit ang kahinaan ni nenita sa mga pangyayari.

VII. KONGKLUSYON

Masasabi kong ang pakiki apid o pagtataksil ay isang kasalanan na kalian many hindi mababago sapagkat ang kasalan na ito kapag ginawa ay buong pamilya ay masisira pati dignidad na iyong pinakaingat-ingatan. Kasalanan ito sa Diyos sapagkat nangako ka kasama ng taong mahal mo na handa mong makasama pang habambuhay sa harap ng dambana na siya lamang ang taong mamahalin mo bukod sa Diyos ay wala ng iba. Malaki rin ang epekto nito sa buhay ng tao. Masasabi kong nasa huli ang pagsisisi, sapagkat sa bawat gawain na ating ginagawa ay may epekto ito hindi lamang sa ating sarili bagkus pati na rin sa ating kapwa.12