20
Ang maging malusog ay nangangahulugang malakas ang katawan at matatag ang pag-iisip ng isang tao. Nangangahulugan din ito ng pagkakaroon niya ng mabuting pkikitungo sa kapwa at ng magandang pisposisyon at pananaw sa buhay. Ang kalusugan ay kayamanan May taglay na higit na lakas para sa paggawa at paglilibang ang taong malusog. Hindi siya nagkakasakit agad. Nakapagtatrabaho siya ng lalong mahusay at nakakayang kumita ng higit na malaki at mamuhay nang lalong maginhawa. Makaasa siyang magkaroon ng isang higit na mahaba’t kapakipakinabang na buhay. Makakapiling niya ang kanyang mga minamahal nang higit na mahabang panahon. Kapag may lagging karamdaman sa pamilya, maaring mangyari ang alinman sa mga sumusunod: Hindi makakapasok sa eskwela ang mga bata at maaring mapag-iwanan sa pag-aaral. Hindi makakapaghanapbuhay o makakagawa ng maayos ang matatanda. Dahil ditto, higit na kaunti ang kanilang kikitain at maari pang matangal pa sa trabaho. Ang pinakaiingat-ingatang naiipon ay magugugol sa gamut.

BHW TRAINING PART 2

Embed Size (px)

Citation preview

Ang maging malusog ay nangangahulugang malakas ang katawan at matatag ang pag-iisip ng isang tao.

Nangangahulugan din ito ng pagkakaroon niya ng mabuting pkikitungo sa kapwa at ng magandang pisposisyon at pananaw sa buhay.

Ang kalusugan ay kayamanan

May taglay na higit na lakas para sa paggawa at paglilibang ang taong malusog. Hindi siya nagkakasakit agad. Nakapagtatrabaho siya ng lalong mahusay at nakakayang kumita ng higit na malaki at mamuhay nang lalong maginhawa. Makaasa siyang magkaroon ng isang higit na mahaba’t kapakipakinabang na buhay. Makakapiling niya ang kanyang mga minamahal nang higit na mahabang panahon.

Kapag may lagging karamdaman sa pamilya, maaring mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

Hindi makakapasok sa eskwela ang mga bata at maaring mapag-iwanan sa pag-aaral.

Hindi makakapaghanapbuhay o makakagawa ng maayos ang matatanda. Dahil ditto, higit na

kaunti ang kanilang kikitain at maari pang matangal pa sa trabaho.

Ang pinakaiingat-ingatang naiipon ay magugugol sa gamut.

Magkakautang-utang ang pamilya upang matustusan ang mga gastos sa gamut at ospital.

Maaaring may mamatay sa pamilya.

Ang pansariling kalinisan, pag-iwas sa mga bisyo, regular na ehersisiyo, sapat na pahinga, at wastong pagkain ang pinakamahusay na paraan upang manatiling malusog.

Kalinisan

Maligo araw-araw. Nililinis nito ang libag, natutuyong pawis, at patay na selula sa balat

.

Lagging maghugas ng mga kamay, lalo nab ago kumain at pagkagaling sa palikuran. Madaling kumapit ang mikrobyo sa balat at mga kuko na maaari lamang malipat sa kinakain.

Tiyaking laging malinis at maikli ang mga kuko ng mga kamay at paa. Mabilis pasukin ng dumi ang mga ito habang nagtatrabaho o naglalaro.

Iwasang mapagod ang mga mata. Magbasa lamang kung may sapat na liwanag. Ang di wastong gawi sa pagbabasa ay maaring magbunga ng maagang paglabo ng mata. Bukod sa magastos ang salamin, sagabal pa ang pagsusuot nito.

Lagging magsepilyo ng ngipin pagkakain. Magpatingin sa dentista kahit minsan sa isang taon at hindi lamang kung masakit ang ngipin

.

Linisin ang mga bahagi ng katawan na madaling kapitan ng dumi, alikabok, pawis at masangsang na amoy, tulad ng kilikili at singit.

Magpalit ng bihisan araw-araw, lalo na kung pawisin, o nakatira sa mainit at maalikabok na lugar.

Dumumi araw-araw. Umihi nang regular. Uminom ng maraming tubig at katas ng prutas at kumain araw-araw ng berde at madadahong gulay. Makakatulong ito sa maayos na pagdumi.

Naririto pa ang ibang paalala:

Gumawa ng kaukulang pag-iingat kung mapapaharap sa mga taong maysakit upang hindi mahawa.

Iwasan ang mga bisyong tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng mga mapanganib at pinagbabawal na gamut.

Mapanganib sa kalusugan ang paninigarilyo. Maari itong magbunga ng sakit sa puso at kanser sa baga o lalamunan.

Ang labis na pag-inom naman ng alak ay maaring makapinsala sa atay, bato, utak at iba pang parte ng katawan. Maaring maging dahilan din ito upang mapasangkot sa gulo. Dahil sa inuman, maging ang mga magkaibigang may matagal na pinagsamahan ay nagkakasakitan, o labis pa rito.

Walang mabuting maidudulot ang paghitit ng marijuana, o “damo.” Artipisyal at pansamantal ang “ginhawang” dulot nito, ngunit habang nagtatagal ay nagkakaroon ng masamang epekto sa takbo ng utak at katawan.

Lalong higit na mapanganib ang mga ipinagbabawal na gamot o drugs, gaya ng opyo, LSD, heroin, at iba pang matatapang na gamot sa anyong pulbos, tablet, o kemikal. Matindi ang “sipa” ng mga ito sa utak at katawan ng taong “nagdudurog.” Ang pag-abuso sa drugs ay maaring mauwi sa pananakit sa sarili at sa ibang tao. Humahantong din ito sa krimen. Upang tustusan ang bisyo, ang sugapa’y nagnanakaw, o pumapatay.

Iwasan ang lahat ng bisyo. Wala itong mabuting ibubunga.

Ehersisyo, paglilibang at pagpapahinga

mag-ehersisyo araw-araw o kahit tatlong beses man lamang sa isang lingo. Maraming kabutihang nagagawa sa katawan ang ehersisyo, gayundin ang sapat na pahinga at paglilibang.

Pinalalakas nito ang mga kalamnan para sa pang araw-araw na paggawa.

Hinahadlangan nito ang madaling pagkahapo dahil inihahanda ng ehersisyo o ang katawan sa anumang pagmamalabis dito.

Nakakatulong ito sa lalong maluwag na paghinga, sa pagdaloy ng dugo, at sa regular na pagdumi.

Hinahadlangan nito ang labis na pagtaba. Pinag-iibayo nito ang paglaban sa karamdaman at pinamamatiling masigla ang katawan maging sa pagtanda.

Maaring mapahaba ng ehersisiyo at paglilibang ang buhay.

Kapag nagdadalantao. Dapat ay:

May panahong di dapat mag-ehersisyo, sapagkat maaring ding makasama sa katawan. Halimbawa:

-kapag may sakit, o bagong galling sa sakit. Kailangang magbigay ng puwang upang hindi mabinat.

Kapag nagdadalantao, dapat iwasan ang mabigat o nakakapagod na ehersisyong nakakapwersa sa katawan.

Kapat dati nang may kapansanan sa katawan na maaring maulit, gaya ng sakit sa puso.

Dapat ay sumangguni muna sa doctor upang matiyak kung anung uri ng ehersisyo na maaari at makatutulong sa panunumbalik ng lakas.

Iwasan ding mag-ehersisyo ng mabigat kung kulang ang tulog at pahinga. Ang pag-iwas sa pagpuyat ay isa ng malaking tulong sa ehersisyo.

Nutrisyon o ang wastong pagkain

Ang pagkain ay pangunahing pangangailangan.

Maraming uri at kombinasyon ng pagkain ang makakalikha ng balanseng pagkain. Ang isda, lamang dagat, manok,

karne, pagkaing-ugat, gulay, at kanin ay mga pagkaing nakapagpapalusog.

Walang gaanong naibibigay na sustansya ang karamihan as mga nakalata, nakapakete, o nakasupot na pagkain at nakaboteng inuming pampalamig.

Ilang halimbawa’y sausage . kendi, pinalutong na pagkain, at marami pang iba. “junk foods” ang tawag sa mga ganito. Bukod sa wala halos sustansya o bitaminang taglay, madalas pa’y mayroon itong food preservatives at artipisyal na pangkulay at lasa.

Mahirap awatin ang bata (maging sa matanda) sa “junk food.” Kung hindi maiwasan ang pagkain nito, bawasan na lamang ang dami at dalas.

Ginagawang kaugalian ng isang malusog na pamilya ang kalinisan.

Tiyakin na laging malinis ang bahay, sa loob at labas. Narito ang ilang mungkahi:

Linising regular ang sahig. Tiyaking lagi itong tuyo upang maiwasan ang sakuna.

Isang mahalagang bahagi ng bahay ang kusina dahil dito inihahanda at itinatago ang pagkain. Panatilihin itong malinis at maayos.

Huwag pabayaang maglagos sa lababo ang mga bagay na buo at matigas. Magbabara ang hugasan dahil ditto.

Takpan ang lahat ng pagkaing maiiwang nakahain sa mesa, at wala sa paminggalan, ilayo ang mga ito sa langaw.

Iligpit ang mga baso, pinggan at tinidor, kutsara, at pansalok ng tubig sa isang kulog na lugar na hindi magagapangan ng mga ipis.

Punasan ng may sabong basahan ang hapag-kainan upang maalis ang amoy at mantas na umaakit sa langaw at iba pang insekto.

Hugasan ang loob at labas ng mga sisidlan ng tubig (pitsel, banga at mga gallon) at takpang lagi.

Maglaan ng isang pansalok na tanging sa tinipong inuming-tubig lamang gagamitin.

Lubhang mahalaga ang malinis na kubeta at banyo na pulido ang pagkakayari.

Sa pagpapatayo nito, tiyaking may sapat na imbakan ng dumi (poso negro), ta maayos ang mga tubong bakal o semento na pagdadaanan ng dumi, upang hindi magbara.

Sa mga lugar na ang kubeta’y hinuhukay na lamang sa lupa, tiyaking may kalaliman ang hukay, at lagging may takip ang butas na pinagdudumihan, upang hind ito pamugaran ng langaw, ipis at iba pa.

Hangga’t maaari’y kailangang sementado ang kubeta, may matibay na inidoro, at may dingding at bubong.

Lagging iskobahin ang inidoro. Gamitan ng asido muriatiko o suka upang matanggal ang mga naninilaw na mantas nito.

Punasan at panatilihing tuyo ang sahig na semento upang maiwasan ang pagkadulas ditto.

Linisang lagi ang tabo at ang lalagyan ng sabon at tubig. Ang mga sisidlang plastik ay karaniwang nagiging madulas at malansa. Maiiwasan ito sa malimit na pagkuskos.

Sa paghugas pagkatapos dumumi, gumamit ng sabon at tubig o papel na pang-kasilyas. Iwasang gumamit ng diyaryo o anumang makapal na papel, at maaring makabara ang mga ito.

Tiyaking laging malinis at walang basura ang loob at labas ng bakuran. Ang maruming paligid ay pinagmumulan ng sakit.

Ang mga nakakalat na dumi at basura sa paligid ay maaring pagmulan ng impeksyon sa bituka, balat, mata at baga, lalo na ng mga batang naglalaro sa bakuran. Linisin agad ang dumi ng hayop at sa tao sa bakuran.

Basain ng bahagya ang lupa bago magwalis upang hindi liparin ang alikabok patungo sa loob ng bahay.

Huwag papasukin ang mga hayop sa bahay. Ikulong ang mga ito sa hawla, kulungan o kural. Maaring magdala ang mga ito ng sari-saring mikrobyo, gayundin ng pulgas, surot at iba pa.

Takpan ang lahat ng dram o lata ng basura sa loob at labas ng bahay, upang hindi puntahan ng langaw at daga.

Gumamit ng mabigat na takip upang hindi mabuksan at maikalat ng mga aso at pusa ang laman ng basurahan sa lansangan.

Ang pagtatae o diarrhea ay pagdumi nang tatlo o higit pang ulit sa maghapon, at matubig kaysa karaniwan.

Bunga ito ng impeksyon sa bituka na dala ng maliliit na mikrobyo. Dala rin ito ng di wastong pagkain at ng maliliit na bulate na nakapapasok sa katawan sa pamamagitan ng bibig.

Ang mga organismong ito ay nanggagaling sa alikabok, baura, at tae; maruruming kamay, panis o maruruming kamay, panis o maruruming kagamitan sa pagluluto o pagkain. Ang maruruming bote ng gatas at tsupon ay tiyak na pagmumulan ng pagtatae ng mga sanggol.

Pagtatae at panunuyo ng tubig sa katawan (Dehydration)

Maraming bata ang namamatay dahil sa natutuyuan ng tubig sa katawan pagkatapos ng matinding pagtatae.

Ang dehydration ay ang pagkawala ng malaking bahagi ng tubig sa katawan. Kung minsan, nawawalan na ng mala yang pasyente at tuluyang namamatay.

Higit na madaling matuyuan ng tubig sa katawan ang mga sanggol at mga bata na nakatira sa maiinit na lugar.

Mga palatandaan ng panunuyo ng tubig sa katawan:

Malalim na bumbunan Tuyo at malalim na mata

Nanunuyong labi Mabilis ngunit mahinang pulso Kapag pinisil ang balat, hindi agad

ito manunumbalik sa dating anyo.

Biglang pagbaba ng timbang Kaunit at walang ihi, at kung

mayroon man ay matingkad na dilaw ang kulay.

Paano mahahadlangan ang panunuyo ng tubig sa katawan?

Simulan kaagad ang rehydration o ang pagbabalik ng maraming likido s pasyente upang mahalinhan ang tubig na nawala s katawan dahil sa patuloy na pagtatae.

Mapipigilan ng ina na matuyuan ng tubig sa katawan ang anak sa pamamagitan ng higit na matagal at malimit na pagpapasuso, o pagbibigay ng higit na maraming malinis na tubig-inumin, at iba pang likido o inumin.

Bigyan ng ORESOL (Oral Rehydration Salts) ang pasyente. Ang ORESOL ay isang solusyon na pinapalitan ang nawalang tubig at sustansya sa katawan. Napatunayan na ang bias nito, at nakapagligtas na ng buhay ng milyon milyong mga bata.

Tiyakin nalagi kayong may reserbang Oresol sa baha, lalo na kung malayo ang inyong tinitirhan sa ospital o sa health center. Magtanong sa inyong BHW kung saan makakakuha ng ng ORESOL.

Paghahanda ng ORESOL:

Hugasan ang isang pitsel na mapaglalamanan ng isang litrong tubig. Kung hindi tiyak na ligtas ang inuming tubig pakuluan muna ito ng limang minute at palamigin. mMaglagay ng ng isang litro sa hinugasang pitsel.

Buksan ang pakete ng ORESOL. Karaniway may dalawang bahagi ito. Tiyaking bukas ito pareho. Ibuhos ang lahatng laman sa tubig sa pitsel. Haluing mabuti upang matunaw. Maaari nang inumin.

Ang isang litrong tubig ay katumbas ng sumusunod:

Limang regular na baso ng Nescafe na may lamang tubig hanggang sa guhit sa itaas.

Apat na regular nabote ng San Miguel Beer na may lamang tubig hanggang itaas na puting guhit ng etiketa sa bote.

Isang punong bote ng de-litrong Pepsi o Coke.

Gaano karaming ORESOL ang dapat ipainom at paano ang pagbibigay nito?

Unti-untiin lamang ang pagpapainom ng ORESOL ayon sa mga sumusunod na tagubilin. Maari ring gumagamit ng medicine dropper o kutsara.

Kung ang batang nagtatae ay may mga palatandaan na ng panunuyo ng tubig sa katawan, unti-unti siyang bigyan ng ORESOL hangga’t kaya niyang tanggapin ito, sa loob ng apat hanggang anim na oras hanggang sa mawala ang mga palatandaan ng panunuyo ng tubig sa katawan. Kung sapat ang dami ng ORESOL na maiinom niya, mawawala ang mga palatandaang ito at bubuti ang kanyang kalagayan sa loob ng apat na oras.

Kung ang nagtatae ay wala na o wala namang mga palatandaan ng panunuyo ng tubig sa katawan, bigyan siya ng ORESOL pagktapos ng bawat pagtae. Gamiting sukatan ang regular na baso ng Nescafe:

Para sa sanggol na wala pang dalawang taong gulang, ipainom ang ¼ hanggang ½ baso ng ORESOL.

Para sa batang dalawang taong gulang o higit pa, ipainom ang ½ hanggang isang basong ORESOL.

Para sa matatanda, maaring uminom ng ORESOL hangga’t nais niya.

Pagpapakain sa nagtatae at pagkatapos:

Kung magpapatuloy ang pagtatae, ipagpatuloy ang pagbibigay ng ORESOL. Bilang karagdagan, maaaring bigyan ng iba pang maiinom, tulad ng karaniwang tubig, gatas ng ina, at sabaw ng niyog.

Habang bumubuti ang kalagayan ng pasyente, bigyan siya ng pagkaing medaling tunawin.

Ang ORESOL na naihalo sa tubig ay mabisa sa loob ng 24 na oras lamang. Itapon ang matitira. Kung hindi pa tumitigil ang pagtatae, magtimpla ng panibagong solusyon ng ORESOL. Kung hindi pa rin bubuti ang kalagayan ng pasyente, patignan siya sa doctor o isugod sa health center o sa hospital.

Pagtitimpla ng sariling ORESOL sa bahay:

Kapag walang makuhang ORESOL na nasa pakete, makakagawa ng sariling timpla.

Punuin ng tubig ang isang regular na baso ng Nescafe. Tiyaking malinis ang tubig.

Kumuha ng asin at pinuhin. Maglagay ng isang kurot na asin sa tubig. Haluin.

Tikman ito at tiyaking hindi mas maalat kaysa luha. Palitan kung mas maalat.

Isunod ang isang apaw na kutsarita ng asukal. Haluin.

Ipainom ayon sa daming kailangan, ayon sa edad.

Mas mainam kung makakakuha ng kutsarang panimpla. Ganito ang pagtitimpla:

Punuin ng tubig ang regular na baso.

Punuin ng pinong asin ang maliit na dulo ng kutsarang panimpla. Ilagay sa tubig at haluin.

Punuin ng asukal ang malaking dulo ng kutsara. Ilagay sa tubig at haluin.

Ipainom nang ayon sa daming kailangan, ayon sa edad.

Pag-iwas sa pagtatae:

Ang pagtatae ay maarin makamatay kapag umabot sa sobrang pagkasaid ng likido sa katawan. Upang maiwasan ito, mahalagang sundin ang mga sumusunod ng tagubilin:

Magpasuso ng iyong sanggol. Maghugas ng kamay bago kumain

at matapos dumumi. Hugasang mabuti ang mga prutas at

gulay bago kainin ang mga iyon. Lutuing mabuti ang pagkain. Tiyaking malnis ang tubig na inumin,

pakuluan muna ito. Sa sandaling kumulo ang tubig, bumilang ng 30 minuto at hayaan itong kumulo upang mamatay ang mikrobyo. Ilagay ang tubig sa mga sisidlang malinis at may takip.

Huwag hayaang dapuan o gapangan ng insekto ang pagkain.

Dala ito ng isang uri ng virus nakapagpapahina sa resistensiya ng katawan laban sa impeksiyon.

Ang taong hindi malusog o may TB ay higit na medaling dapuan ng trangkaso kaysa taong malusog.

Ikinakalat ng hangin ang sakit na ito.

Mga palatandaan at sintomas ng trangkaso:

Ngiki o labis na ginaw, lagnat, sakit ng ulo.

Tuyong ubo, pananakit ng lalamunan.

Pananakit ng kalamnan at kasukasuhan.

Panghihina ng buong katawan. Pagkawala ng gana sa pagkain.

Maiiwasan ang pagkalat ng trangkaso kung susundin ang mga tagubiling ito:

Takpan ang bibig kapag umuubo. Huwag lulura sa lupa o sa sahig.

Gumamit ng isang luraan o sisidlan. Huwag lalapit sa taong may trangkaso.

Mga dapat gawin kapag may kasambahay na may sakit na trangkaso:

Ibukod ang pasyente. Pahigain at bayaang

makapagpahinga ng husto.

Punasan at bigyan ng halamang gamut o aspirina upang bumaba ang lagnat.

Bigyan ng balanseng pagkain. Para sa ubo, painumin ng maraming

tubig, katas ng prutas o iba pang preparasyon na ginagamit ng inyong lugar.

Patinggnan sa doctor kung hindi humuhupa ang lagnat makalipas ang isang lingo.

May mga halamang gamut na magagamit na panlunas sa trangkaso., tulad ng dila-dila sa baka, manzanilla at yerba Buena, at lagundi.

Huwag siyang gagalawin sa kanyang posisyon.

Palayuin ang mga usyoso at huwag bayaang pumaligid sa maaksidente, ngunit bayaan ang mga taong may nalalaman sa pangunang lunas upang makatulong.

Magpatawag ng isang health worker o doctor habang nagbibigay ng pangunang lunas. Kung malubha ang pinsala, isugod ang pasyente sa pinakamalapit na hospital o health center.

Tingnan ang kanyang paghinga. Kung hindi siya humihinga o kung nahihirapan siyang huminga:

Luwagan ang kanyang kasuotan, kwelyo, siper at sinturon.

Alisin ang anumang nakabara sa ilong, bibig at lalamunan upang hindi ito makasagabal sa paghinga, tulad ng pagkain, pustiso, tabako, at chewing gum.

Bigyan siya ng artipisyal na paghinga.

Kung walang mala yang pasyente ngunit normal ang kanyang paghinga:

Alisin ang anumang nakabara sa ilong, bibig at lalamunan na makakasagabal sa paghingi.

Itagilid ang pasyente nang higit mababa ang ulo maliban kung may pinsala ang kanyang leeg at likod.

Huwag siyang bibigyan ng tubig o pagkain.

Tignan ang kanyan pulso. Pagkatapos ay tignan ang kanyang tibok ng puso, pakingan ang dakong kaliwa ng pasyente. Tumitibok pa ba ang kanyang

puso? Kung hindi, mankang-nakang diin-diinan nang banayad ang tapat ng puso.

Patigilin ang anumang pagdug. Ang pinakamahusay na gawin ay diinang tuwiran ng hinlalaki o puno ng palad ang sugat.

Takpan ang malalang sugat o paso ng malinis na benda, gasa, tela, o dahon ng saging.

Lagyan ng balangkat o kaya’y unan ang kabilang panig ng nabalian o nalinsad na bisig.

TANDAAN! Kung malubha ang pinsala, humingi kaagad ng saklolo sa isang doctor o isugod ang pasyente sa pinakamalpit na klinika, ospital o health center.

Artificial respiration

May dalawang paraan ng artificial respiration. Ang isa ay sa pamamagitan ng bibig sa bibig, at ito ay ginagawa sa isang taong hindi makahinga. Ang isa pang paraan ay ang external chest compression. Ito ay ibinibigay, kasama ang paraang bibig sa bibig, sa isang taong hindi tumitibok ang puso.

May isang hakbang na sinusunod sa pagbibigay ng artificial respiration.

Ang sindak ay sanhi ng labis na pagkawala ng dugo, labis na kirot o impeksiyon, matinding reaksiyon sa allergy, panunuyo ng tubig sa katawan at matinding mapait na karanasan. Ang sindak ay nakamamatay.

Mga palatandaan ng sindak:

Mabilis at mahinang pulso (higit sa 100 ang pulso bawat minute) o kawalan ng pulso.

Pamumutla, panlalamig, pamamawis o pamamasa-masa ng balat.

Panghihina at pagkawala ng malay-tao.

Mababang presyon.

Mga dapat gawin kung may biktima ng sindak:

Ihiga ang pasyente at hayaang higit na mababa ang ulo kaysa ibang bahagi ng katawan.

Kumutan upang hindi ginawin.

Payapain ang pasyente at buhayin ang loob. Sikaping mabawasan ang paghihirap at kirot na nadarama niya.

Habang nagbibigay ng pangunang lunas, magpatawag kaagad ng doctor.

Ang pinakakaraniwang sanhi nito ay: pagkalasing, hataw sa ulo, sindak, pagkahilo, labis na init ng araw, mataas na presyon, at atake sa puso.

Mga dapat gawin:

Tiyaking maluwag ang paghinga ng pasyente. Luwagan ang kanyang pananamit. Kung nahihirapan pang huminga, itaas ang kanyang ulo at itingala; ibuka ang mga panga, at ipalabas ang kanyang dila.

Alisin ang lahat ng maaring makasagabal sa kanyang bibig, at bigyan siya ng artificial respiration, sa paraang bibig sa bibig.

Pigilin ang daloy ng dugo kung maraming dugo ang nawawala sa pasyente.

Kung ang biktima ay nasisindak pa, ihiga siya nang higit na mababa ang ulo kaysa ibang bahagi ng katawan.

Kung ang kalagayan ng pasyente ay bunga ng matinding init ng araw, dalhin siya sa lilim, iupo sa isang maginhawang posisyon, at punasan ang buong katawan ng malamig na tubig o ng tubig na binabaran ng yelo, kung mayroon nito.

Paamuyin ang pasyente ng pinitpit na dahon ng bayabas upang mapanumbalik ang kanyang malay.

May dalawang uri ng pagdurugo: panlabas at panloob.

Sa panlabas na pagdurugo, ang dugo ay lumalabas sa katawan, at nakikita. Halimbawa nito ay ang dumudugong sugat sa braso.

Ang panloob na pandurugo ay nagaganap sa loob ng katawan, at hindi nakikita. Ilang halimbawa nito ay ang pagdurugo sa utak, sa pali (spleen), sa bato, sa baga, o sa paligid o sa dulo ng nadurog na buto. Kung ipinalagay ng ganitong uri ang pagdurugo, kailangang maikunsulta kaagad sa doctor.

Mga palatandaan ng pagdurugo sa utak:

Pagsusuka Pagkawala ng malay

Mga palatandaan ng panloob na pagdurugo sa tiyan:

Sakit sa tiyan Pasa o anumang sugat sa tiyan Kirot o pananakit kapag dinidiinan

ang tiyan Mga palatandaan ng sindak

bagamat walang makikitang malakas na pagdurugo.

Mga palatandaan ng pagdurugo na pagdurugo sa dibdib:

Mahirap na masakit na paghinga Nakikitang bali sa tadyang Pagtigil ng paghinga o unting-unting

paghina ng ingay ng paghinga.

Mga pinsala sa kamay at paa:

Itaas ang napinsalang bahagi, maliban kung may durog na buto. (lalong lumulubha ang pinsala kung igagalaw ang bahaging ito.)

Sa pamamagitan ng isang malinis na tela (o ng malinis na kamay kung walang tela), diinan ng tuwiran ang sugat. Ipagpatuloy ang pagdiin hanggang sa tumigil ang pagdurugo.

Talian nang mahigpit na benda ang sugat, upang maampat ang dugo.

Kung may patuloy na pagdurugo ang sugat at tumatagos ang dugo sa benda, dagdagan ang tela sa ibabaw ng benda a ipagpapatuloy ang pagdiin ditto.

Kung hindi pa rin masugpo ang pagdugo sa pamamagitan ng pagdiin sa sugat, at kung maraming dugo na ang nawawala sa pasyente, gawin ang mga sumusunod:-ipagpatuloy ang pagdiin sa sugat.-itaas ang bahaging may sugat hanggang nakakaya ng may katawan (upang mabawasan ang dadaloy ng ugat).-lagyan ng bigkis (tourniquet) ang nasugatang kamay o paa, sa

pagitan ng sugat at ng puso. Higpitan nang sapat lamang upang mapigil ang pagdurugo.

-bilang panali, gumamit ng natiklop o nakarolyong tela o isang malapad na sinturon. Huwag gagamit ng manipis na lubid, tali o alambre. Alinman dito ay maaring humiwa nang malalim sa kalamnan at makadagdag pa sa pinsala.