12
Mas Matatag na Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon Matapos ng Tatlong Taong Pagpapabuti: Ang “State-of-the College” na Ulat (Hunyo 2009-Marso 2012) inihanda ni Rolando B. Tolentino, Dekano Una sa lahat, ang “state-of-the-College” na ulat na ito ay naglalatag ng mga natamo ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon dahil sa kolektibong pamumuno sa kanyang iba’t ibang mga programa. Malaki ang naging papel ng mga pinuno ng unit, fakulti, estudyante, kawani, REPs, alumni, at mga kaibigan sa pakikipagtulungan upang ihatid ang Kolehiyo sa mas matatag nitong antas sa kasalukuyan dulot ng tatlong taong pagpapabuti at kagalingan sa mga programa, polisiya, at pagkaunlad ng mga tao’t infrastruktura ng Kolehiyo. May tatlong bahagi ang ulat na ito: una, ang presentasyon ng mga datos ng Kolehiyo; ikalawa, ang natamo sa larangan ng akademiko, pananaliksik, at extension service, pati ang pagpapabuti sa gawaing administrasyon at infrastruktura; at pangatlo, ang mga hamong kailangang harapin ng Kolehiyo sa susunod nito siklo. I. Ang Estado ng Kolehiyo Ang Kolehiyo ay nasa ika-47 na taon ng pagkatatag nitong 2012. Noong termino ni Dekana Ellen Paglinauan, nalinaw ang bisyon na pinaulad at tatahakin: isang lipunang egalitaryo, may pakikilahok at progresibo sa pamamagitan ng pag-unlad sa media na may panlipunang responsibilidad, kritikal at mapagmatyag; mapagpalaya at transformatibo, malaya at independiente.(Annex A-Vision Mission and Goals of CMC). May apat na undergraduate na programa ang Kolehiyo: Broadcast Communication, Communication Research, Film, at Journalism. May apat din itong M.A. na programa sa ilalim ng mga departamento at instityut: M.A. Communication, M.A. Media Studies na may spesyalisasyon sa Broadcasting, Film at Journalism. Isa ang programang doktoral, ang Ph.D. Communication sa ilalim ng Graduate Studies. May dalawa itong opisina na may sariling direktor: Office of Research and Publication (ORP) para sa mga usapin at programang pananaliksik at publikasyon, at Office of Extension and External Relations (OEER) para sa mga usapin at programa sa extension service at ugnayang panlabas. Kung sa usapin ng enrollment ng estudyante, ang Kolehiyo ay kasama sa mid-size na college units sa UP-Diliman (Annex B-CMC Enrollment and Graduation Rates from AY 2009- 2010 to AY 2011-2012). Pababa ang enrollment ng estudyante sa Kolehiyo. Batay sa enrollment sa unang semester ng kada akademikong taon, ang mga undergraduate na program ay may pagbawas sa mga enrolment sa nakaraang dalawang taon, maliban sa Broadcast Communication na siya ring may pinakamarami ring bilang ng mga estudyante sa Kolehiyo. Sa gradwadong programa, ang M.A. Communication Research ay may dinanas na pagbawas din, pati rin ang Ph.D. Communication. Ayon sa ulat ng opisina ng Chancellor, dalawa ang subscribed na programa, mula sa resulta ng UPCAT (Broadcast Communication at Journalism), at dalawa naman ay may kahinaan pa rin sa full subscription (Film at

Basahin ang buong report

  • Upload
    vuliem

  • View
    263

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Basahin ang buong report

Mas Matatag na Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon Matapos ng Tatlong Taong Pagpapabuti: Ang “State-of-the College” na Ulat (Hunyo 2009-Marso 2012) inihanda ni Rolando B. Tolentino, Dekano Una sa lahat, ang “state-of-the-College” na ulat na ito ay naglalatag ng mga natamo ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon dahil sa kolektibong pamumuno sa kanyang iba’t ibang mga programa. Malaki ang naging papel ng mga pinuno ng unit, fakulti, estudyante, kawani, REPs, alumni, at mga kaibigan sa pakikipagtulungan upang ihatid ang Kolehiyo sa mas matatag nitong antas sa kasalukuyan dulot ng tatlong taong pagpapabuti at kagalingan sa mga programa, polisiya, at pagkaunlad ng mga tao’t infrastruktura ng Kolehiyo. May tatlong bahagi ang ulat na ito:

una, ang presentasyon ng mga datos ng Kolehiyo;

ikalawa, ang natamo sa larangan ng akademiko, pananaliksik, at extension service,

pati ang pagpapabuti sa gawaing administrasyon at infrastruktura;

at pangatlo, ang mga hamong kailangang harapin ng Kolehiyo sa susunod nito siklo.

I. Ang Estado ng Kolehiyo Ang Kolehiyo ay nasa ika-47 na taon ng pagkatatag nitong 2012. Noong termino ni Dekana Ellen Paglinauan, nalinaw ang bisyon na pinaulad at tatahakin: “isang lipunang egalitaryo, may pakikilahok at progresibo sa pamamagitan ng pag-unlad sa media na may panlipunang responsibilidad, kritikal at mapagmatyag; mapagpalaya at transformatibo, malaya at independiente.” (Annex A-Vision Mission and Goals of CMC). May apat na undergraduate na programa ang Kolehiyo: Broadcast Communication, Communication Research, Film, at Journalism. May apat din itong M.A. na programa sa ilalim ng mga departamento at instityut: M.A. Communication, M.A. Media Studies na may spesyalisasyon sa Broadcasting, Film at Journalism. Isa ang programang doktoral, ang Ph.D. Communication sa ilalim ng Graduate Studies. May dalawa itong opisina na may sariling direktor: Office of Research and Publication (ORP) para sa mga usapin at programang pananaliksik at publikasyon, at Office of Extension and External Relations (OEER) para sa mga usapin at programa sa extension service at ugnayang panlabas. Kung sa usapin ng enrollment ng estudyante, ang Kolehiyo ay kasama sa mid-size na college units sa UP-Diliman (Annex B-CMC Enrollment and Graduation Rates from AY 2009-2010 to AY 2011-2012). Pababa ang enrollment ng estudyante sa Kolehiyo. Batay sa enrollment sa unang semester ng kada akademikong taon, ang mga undergraduate na program ay may pagbawas sa mga enrolment sa nakaraang dalawang taon, maliban sa Broadcast Communication na siya ring may pinakamarami ring bilang ng mga estudyante sa Kolehiyo.

Sa gradwadong programa, ang M.A. Communication Research ay may dinanas na pagbawas din, pati rin ang Ph.D. Communication. Ayon sa ulat ng opisina ng Chancellor, dalawa ang subscribed na programa, mula sa resulta ng UPCAT (Broadcast Communication at Journalism), at dalawa naman ay may kahinaan pa rin sa full subscription (Film at

Page 2: Basahin ang buong report

Communication Research). Ang mga 27% ng enrollment ay lalaki samantalang ang mas malaking 73% ay babae para sa undergraduate na programa. Sa gradwadong programa, may 32% ang lalaki at 68% ang babae. Programa AY 2009-2010 AY 2010-2011 AY 2011-2012 BABC 281 275 281 BACR 197 179 179 BAFAVC/BAF 196 179 173 BAJ 242 211 228 Total Undergraduate 918 854 871 MA MS BC/MA BC 31 35 38 MA C 47 45 40 MA MS F 48 46 49 MA MS J/MA J 31 27 33 PhD C 41 28 29 Total Gradwado 198 181 190 Total 1116 1035 1061

May 252 na graduates noong AY 2009-2010 (239 undergraduate, 7 M.A. at 6 Ph.D.), at may 245 na graduates noong AY 2010-2011 (242 na undergraduate, 1 M.A. at 2 Ph.D.; tignan ang Annex A). Eratiko pa rin ang pagpapatapos sa gradwadong programa, bagamat sinisimulan ng sinsinin ang mga proseso, deadline, at pati mga programa sa pamamagitan ng curricular review (Tignan ang Annex C-Enrollment and Graduation Statistics, M.A. and Ph.D.). Sa pinakahuling sarbey (Ikalawang Semestre, AY 2011-2012), mayroong 45 na fakulti at 38 na lecturer ang Kolekyo (Annex D-UP CMC Other Data on Faculty from 2009-2012). Narito ang profile ng fakulti para sa term: 30 ay tenured, 15 ay non-tenured 7 ay may AB/BA, 18 ang may M.A., 2 ang may Llb, 3 ang may MFA, at 15 ang may Ph.D. 16 ay lalaki, 29 ay babae May limang nakapagtapos ng gradwadong pag-aaral sa fakulti ng Kolehiyo sa huling tatlong taon: apat na M.A. at isang Ph.D. Ang porsyento ng fakulti na may Ph.D. ay 33%, at ang may terminal degree ay 40%. Ang mayroong M.A. ay 40%, at kung kasama ang may degree sa batas, 44%. Ang may undergraduate ang degree ay 16%. Ang bulto ng edad ng fakulti ay nasa 36-55 taong gulang (58%); ang nasa edad 35 pababa ay 18%, at ang nasa edad 56-65 ay 20%. Noong 2012, may dalawang fakulti ang lampas na 65 taong gulang (4%). Relatibong bata ang populasyon ng mg fakulti sa Kolehiyo. (Annex E Faculty Productivity in CMC) Sa nakaraang tatlong taon, limang fakulti ang ginawaran ng Professorial Chairs, at anim ang ginawaran ng UP Artist Productivity Award (Annex F-Professorial Chair Holders from 2009-2012; Annex G-UP CMC List of UPD Centennial Professorial Chair and Faculty Grant Holders). Limang fakulti ang pinagkalooban ng Centennial Professorial Chair, at lima rin ng Centennial Faculty Grantees mula sa UP Diliman (Annex G).

Page 3: Basahin ang buong report

Siyam na fakulti ang tumanggap ng Study Load Credit para makatulong sa pagtatapos ng kanilang gradwadong pag-aaral, at 50 proyekto ang pinagkalooban ng Research Load Credits para suportahan ang mga panananaliksik ng fakulti (Annex H-UP CMC Report on the Study Load Credits of Faculty from June 2009-May 2012; Annex I-UP CMC Faculty Research Load Credits).

Apat na fakulti ang pinagkalooban ng sabbatical, isa ng foreign scholarship, lima ng

study leave, at dalawa ng special detail with pay bilang suporta sa kanilang pananaliksik, pag-aaral, at pangkalahatang kagalingan (Annex J-UP CMC Report on Faculty Fellowships and Leaves from June 2009-May 2012). May 48 na kahilingan ang pinagkalooban ng special detail na status ng fakulti para magpresenta ng papel at manaliksik sa iba’t ibang kumperensya at festival (Annex K-UP CMC Special Details of Faculty for 2009-2012).

Si Professor Daphne Tatiana T. Canlas ay tumanggap ng Fulbright scholarship (2012-

2015) para sa kanyang doctoral na pag-aaral. Sina Professors Elizabeth Enriquez at Eulalio Guieb III ay tumanggap ng Ph.D. Incentive Grant; at sina Professors Lourdes Portus at Violeda Umali ng UP System International Publication Award. Si Professor Nicanor Tiongson ay tumanggap ng Best Art Book ng 2010 mula sa National Book Award, at ng parangal para sa kanyang kontribusyon sa Humanities mula sa Ateneo de Manila University. Si Professor Arminda Santiago ay tumanggap ng Criselda Lontok Award for Best Thesis in Women and Gender Studies (2010) (Annex G).

Si Professor Sari Raissa Dalena ay tumanggap ng parangal para sa best picture at best

director sa kanyang pelikulang “Ka Oryang” mula sa Cinema One Orginals 2011. Si Professor Ma. Cristina I. Rara ay finalist sa 2011 Golden Dove Awarads para sa programa para sa syensya at teknolohiya. At si Professor Yvonne Chua ay Jaime V. Ongpin Awardee for Excellence in Journalism (2009) (Annex G). Sa kabilang banda naman, may apat ang REPS, 41 ang kawani, at 14 ang kontraktwal na kawani ng Kolehiyo. Ang bulto ng kawani ay nasa Administrasyon (26) at UP Film Center (15). Lima ang gusali sa pamamahala ng Kolehiyo: Plaridel Hall, Annex Building, Media Center DZUP Building, Media Center Film Building, at ang UP Film Center. Dalawa ang mahahalaga nitong extension service, ang DZUP at ang Film Center. II. Ang mga Natamo sa Tatlong Taong Pagpapabuti Sa akademikong gawain, natapos ng Kolehiyo ang mga proposal para sa kanyang programang gradwado. Ang Ph.D. Communications ay naaprobahan na ng Board of Regents noong Hunyo 2011. Ang bagong programa sa Ph.D. Media Studies ay nasa proseso ng konsultasyon para maaprobahan sa Presidential Advisory Council. Ang tatlong programa sa MA Media Studies ay kasalukuyang tinatalakay sa Curriculum Committee. Sa pananaliksik at publikasyon, tumaas ang pagkilala at sistematisasyon ng gawain sa Plaridel Journal, at nagbukas ng bagong gawain ang Kolehiyo, ang UP CMC Media and Communication Book Series. Patuloy na nasusustina ang Faculty Colloquim Series kada

Page 4: Basahin ang buong report

semestre. At marami sa mga fakulti ng Kolehiyo ay pinagkalooban ng grants, chairs at Artist Productivity Award mula sa UP System at UP Diliman. Sa extension work, narebitalisa ang DZUP sa superbisyon ng Departamento ng Broadcast Communication noong 2010, at kasama ang UP Film Center sa superbisyon ng UP Film Institute, higit na mas malawak na publiko ang nararating ng Kolehiyo at Unibersidad. Narebitalisa rin ang Lopez-Jaena Workshop for Community Journalists noong 2011. Sa pangangasiwa ng Kolehiyo, pinarangalan din ang natatanging profesyonal para sa radyo si Eloisa Cruz-Canlas ng pinakamataas ng pagkilala para sa media practitioner ng UP System, ang Gawad Plaridel noong 2011. Akademiko:

Malusog ang kasalukuyang estado ng mga gradwadong programa, hinog para sa mayor na rebisyong higit na makakatugon sa pagkaunlad ng mga disiplina ng Kolehiyo. Nagawa at patuloy na ginagawa ito matapos ng mahabang panahon ng pananaliksik at pagsusuri ng trend sa pag-aaral ng media at komunikasyon sa mahahalagang unibersidad sa buong mundo at sa Filipinas, focus group discussion sa mga alumni, bagong graduate, kasalukuyang mag-aaral, personalidad sa industriya at civil society, at paglalagom ng mga programa.

Sa unang pagkakataon simula ng maitatag ang Ph.D. Communication noong 1986,

narebisa ang programa nito. Nailatag ang mga pag-unlad sa disiplina, tulad ng Health and Communication, Public Communication, Crisis Communication, at iba pa. Naaprobahan ang rebisyon noong Abril 11, 2011.

Nakapagbuo ng panibagong programa sa Ph.D. Media Studies na may layong anihin ang ikalawang spesyalisasyong umunlad sa Kolehiyo, ang pag-aaral ng media sa balangkas ng kultural na kontexto nito. Naaprobahan ito sa Arts and Letters Cluster ng Curriculum Committee noong Marso 14, 2011. Ang status nito ay inaantay ang endorsement ng Chancellor ng UP Diliman para matalakay sa Presidential Advisory Committee. Inaasahan ding maging akademikong kontribusyon ang bagong programa sa higit na pagpapalakas sa Ph.D. Philippine Studies na inaalok ng Tri-College (Arts and Letters, Social Science and Philosophy, at Asian Center). Kung maaaprobahan, ang Ph.D. Media Studies ang kauna-unang programa na ganito sa buong Asia. Narebisa ang mga programa ng Kolehiyo sa M.A. Media Studies at M.A. Communication Research. Ito rin ang unang rebisyon ng mga programa simula nang maitatag noong 2001. Ang curricular proposals ng tatlong subdisiplina sa M.A. Media Studies (Broadcasting, Journalism, at Film) ay inendorso ng Arts and Letters Cluster noong Pebrero 6, 2012. Ang mga ito ay tinalakay sa at inendorso ng Curriculum Committee noong Marso 26, 2012. Inaasahang matapos ang proposal ng M.A. Communication sa Summer 2012 para makahabol sa University Council na pulong sa maagang bahagi ng Unang Semestre, 2012-13. Itinatag ang Common Courses Textbook Committee para pagtibayin ang pagtuturo ng walo na komon na kurso ng Kolehiyo, at makagamit ng skolarsyip na sinulat ng mga Filipinong akademiko. Ang Communication 130 (Media and Communication Theories) ay ineedit nina

Page 5: Basahin ang buong report

Patrick Campos, Randy Solis, Choy Pangilinan at Rolando Tolentino, at tinatapos na lamang ang encoding ng manuskrito. Ang Communication 140 (Media and Society) ay ineedit nina Jo Santos at Tolentino, at matapos mafinalisa ang isang introduktoryong sanaysay ay handa nang ipasa sa press. Ang partner ng Kolehiyo para sa textbook series ay ang Anvil Publishing. Nakapaglabas din ng “Guidelines on Grade Values” (grade descriptors) bilang giya sa fakulti sa kalitatibong pagkakaiba ng mga grado para sa lecture at production na klase. Ang Kolehiyo ay may patuloy na linkage sa Inha University (South Korea), na nagko-sponsor ng kumperensyang “Asian Media Cooperation and Cultural Exchange” noong Oktubre 8, 2010. May nalathalang proceedings ito ng piling papel, Media, Culture, Asia (2010). Muling naituloy ang exchange program sa Hallym University (South Korea), “A Short-term Course in English Language Enhancement and Philippine Cultural Orientation” (Peb-Marso 2012). Hanggang 2012, may programa para sa student exchange ang Kolehiyo sa Royal Melbourne Institute of Technology (RMIT, Australia). Nag-exchange student dito sina Carlos Soliongo (Film, 2009), Samantha Lee (Film, 2009), Angela Sebastian (Comres, 2011), at Jessica Gabrielle Santiago (BC, 2012). Nabuksan din ang linkage at exchange sa Sciences Po Paris (France) noong 2011. Naging research host unit rin ang Kolehiyo para sa pananaliksik nina Faith Kares (Northwestern University, 2011-2012), Neal Matherne (UC Riverside, 2011-2012), at Carolynn Waye (Brooklyn College City University of New York, 2012-2013) Pananaliksik at Publikasyon:

Nakagawa ng College Research Agenda na siyang nagtakda ng apat na pangunahing direksyon ng mga pananaliksik sa Kolehiyo: “institutions of traditional and emerging media communication effects and influences; culture, society, and media; and journalism studies.” (Annex L-UP-CMC Research Agenda). At mula rito, bumalangkas din ang Department of Journalism ng spesipiko nitong agenda (Tignan ang Annex S).

Regular ang labas ng Plaridel Journal: A Philippine Journal of Communication, Media and

Society. Ito ay sa superbisyon ng Office of Research and Publication (ORP) ng Kolehiyo. Kasama ang Kasarinlan Journal, ang Plaridel Journal ay ang dalawang UP na journal na pinagkalooban ng Commission of Higher Education ng status na Accredited Category A-2, na may kaakibat na 50 porsyentong suportang pondo para sa publikasyon at panghihikayat sa mga university library na mag-subscribe rito. Ang Plaridel Journal ay suportado rin ng Office of the Vice Chancellor for Research and Development para sa karagdagang 50 porsyento ng publikasyon, pagsasalin, at editorial management. (Annex L-ORP Accomplishment Report June 2010-Jan 2012).

Para sa layunin na maging ISI-registered publikasyon ang Plaridel Journal, ginawang double-blind ang review process ng mga isinusubmiteng artikulo, nagbuo ng international advisory board, at ipinapasalin sa ingles ang mga artikulo sa Filipino. Nagpaunlad din ng guidelines para sa editorial board ang Director ng Office of Research and Publication para sa mas efisyenteng pamamalakad sa Plaridel Journal.

Page 6: Basahin ang buong report

Para masustina ang submisyon ng mga artikulo, bukas na ang Plaridel Journal na

pagsamahin ang koleksyon ng pag-aaral hinggil sa tematikong isyu (iilan lang ang open issue ng Plaridel Journal) at ilang nakapasa sa regular na proseso ng rebyu. Ang ilan sa mga pinakabagong tema na lumabas sa journal ay Media and Health (Aleli Quirante, isyu editor, Peb 2010), Communication and Media Studies (Lourdes Portus, isyu editor, Agosto 2010), at Youth and the Media (Arminda Santiago, isyu editor, Agosto 2011) (Annex L).

Sa pakikipagtulungan sa University of the Philippines Press at sa Office of the Chancellor,

mayroong UP CMC Media and Communication Book Series, sa ilalim pa rin ng ORP. Hinihikayat nito ang higit pang pag-unlad ng skolarsyip sa media at komunikasyon sa pamamagitan ng paglalathala ng mga mahahalagang pag-aaral. Nasa production na ang “In Media Res: In the Middle of Things“(Luis Teodoro, dating dekano ng Kolehiyo). Natapos na ni Reuben Ramas Canete (Art Studies) ang rebisyon na isinaad ng reviewer ng kanyang manuskrito, “Masculinity, Media, and its Publics in the Philippines: Selected Essays.” Ang manuskrito naman ni Eloisa Hernandes (Art Studies) “The Political Economy of Digital Cinema in the Philippines, 1999-2009” ay inaantay ang feedback ng reviewer. Pana-panahong nagpupulong ang mga prospektibong kontributor para sa series. (Annex L)

Simula 2010, ang mga undergraduate thesis ay ina-upload sa Ishwiki

(http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Category:CMC_Thesis) para sa mas malaganap na sirkulasyon sa online. Ang Kolehiyo ang nangunguna sa paggawa ng ganitong diseminasyon sa UP System, at mayroon nang 269 na tesis na maaring maakses sa pamamagitan ng fair-share use.

Nakapaglathala ng mga libro ng pananaliksik, sanaysay, at mahahalagang manwal sina

Professors Nicanor Tiongson, Yvonne Chua, at Tolentino. Pinagkalooban ng UP System Research Grants sina Professors Tiongson at Roehl Jamon (2011). Nakatanggap ng UP Centennial Professorial Chair sina Professors Portus, Elizabeth Enriquez, at Tolentino, at ng UP Centennial Faculty Chair sina Professors Portus at Tolentino. Nagkamit ng International Publication Award sina Professors Clarissa David, Portus at Tolentino. Pinagkalooban ng professorial chair sina Professors Rosa Feliciano (2009), Jose Lacson, Jr. (2010), Elena Pernia (Ramon Cojuangco Professional Chair, 2011), Danilo Arao (Teodoro Valencia, 2011), at Eduardo Lejano, Jr. (2012) (Annex M-Professorial Chair Holders 2009-2012).

Pinagkalooban din ang limang fakulti ng UP System Artist Productivity Award sina

Professors Tiongson (Artist 3), Tolentino (Artist 2), Grace Javier Alfonso (Artist 1), Jun Austria (Artist 1), at Yason Banal (Artist 1) noong 2009. Si Professor Libay Cantor (Artist 2) ay kinilala noong 2011 (Annex G).

Patuloy ang inobasyon sa format ng faculty colloquia, mula sa formal na lektura, ito ay

ginawang brown-bag series na inaasahang mas collegial ang palitan ng idea. Sa ilalim ng ORP, naimbitahan ding maging bahagi ng College colloquia ang mga sumusunod na skolars: Fritzie de Mata (UC Santa Cruz), Gina Velasco (Bryn Mawr College), Robert Diaz (Wayne State University), Paul Nadal (UC Berkeley), Andrew Leavold (Australian filmmaker), Bradley Freeman (Nanyang Technological University), Almond Aguila (University of Alberta), Lorenzo

Page 7: Basahin ang buong report

Perillo (UCLA), Nelson Turgo (Cardiff University), Neil Matherne (UC Riverside), Nemes Gyula (Film and TV School of Academy of Performing Arts, Prague), at Damon Woods (University of California) (Annex L).

Buhay ang mga research showcase ng tatlong departamento para sa kanilang mga

estudyante: Sining Plaridel (Broadcasting), Likha Adarna (Film), at Department Extension and Research Project (DERP, Comres).

Naging kosponsor din ang Kolehiyo ng kumperensya: kasama ang Inha University, at

ang International League of People’s Struggle (International Conference on Progressive Culture, Hulyo 2011). Naidaos ang ikatlo (2010) at ikaapat (2012) na Communication Research Conference, sa pangangasiwa ng Department of Communication Research. Ang 2012 na kumperensya ay umabot na sa pambansang saklaw. May karagdagang libro ang napabilang sa koleksyon ng UP CMC Library: 1,418 na libro ang binili at 852 ang ibinigay na donasyon. May karagdagang 206 na DVDs ang binili, at 1,204 na DVD na titulo ang ibinigay na donasyon para sa Audiovisual Library. Kasama sa mga donasyong natanggap ay mula kina Gary Colmenar, Almond Aguila, Gabby Verzosa, Victor Valbuena, at ang pamilya ng mga yumaong sina Alexis Tioseco, Joven Velasco, at Lourdes Simbulan. Sa pangangasiwa ng Office of Extension and External Relations (OEER), nasimulan ang Media Archives ng Kolehiyo (Annex M-Accomplishment Report-CMC Library). Extension Service Nirebitalisa ang DZUP noong 2010 sa suporta ng opisina ng Chancellor. Nagsimula ito sa pamamagitan ng isang multisektoral na inisyatiba, nakapagtayo ng bagong transmitter ang DZUP. Kasalukuyang may 11 na partner na Kolehiyo ito sa UP Diliman, 10 partner na institusyon na may 34 programa, pinakamalaki sa kasaysayan nito. Mapapakinggan ang DZUP sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog na erya sa 1602 AM. Matapos ng unang taon pa lamang ng rebitalisasyon nito, mayroon na itong nakamit na ilang nominasyon at dalawang panalo mula sa Catholic Mass Media Awards (2011), at limang nominasyon mula sa Golden Dove Awards, kabilang ang prestihiyosong “Best AM Station in Metro Manila” (2011). Ang UP Film Center ay nananatiling importanteng exhibition hub para sa pelikula. May regular run ang Cinemalaya at Cinemaone film festivals, at sinusuportahan din ang Pandayang Lino Brocka para sa Politikal na Pelikula at Bidyo. Nananatiling matibay at malawak ang ugnayan ng UP Film Center at ang mga embahada’t institusyong kultural. Sa ilalim ni Prof. Banal, nagiging important exhibition hub ang Bernal Gallery ng UP Film Center para sa multimedia arts. Bukod dito, ang Videotheque ay maliit pero importanteng exhibisyon na lugar para sa mga mahirap na mahanap na pelikula, pati na rin ng panayam sa mga filmmaker. Lalo ring yumayabong ang workshops ng UP Film Center na mayroon nang tatlong term kada taon. Sa superbisyon ng OEER, at sa komitment ng opisina ng Chancellor, muling narebitalisa ang Lopez-Jaena Workshop for Community Journalists noong Oktubre 2011 na may temang “Human Rights and Justice” at nilahukan ng 17 na journalists mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa unang taon ng rebitalisasyon, may karagdagang pondo at suportang ipinagkaloob

Page 8: Basahin ang buong report

ang Southeast Asian Press Alliance at Philippine Center for Investigative Journalism. (Annex N-Activities and Accomplishments of the OEER from 2009 to 2012). Sa superbisyon din ng OEER, naidaos ang pagpaparangal kay Eloisa Cruz-Canlas, a.k.a. Lola Sela para sa radyo(2011) mula sa Gawad Plaridel. Walang pinarangalan para sa community radio noong 2010, at ang paparangalan naman sa 2012 ay para sa natatanging practitioner sa telebisyon. Ang OEER din ang nakapagplantsa ng formal na pagbibigay ng donasyon ng Coca Cola Foundation para sa suporta sa Gawad Plaridel at research dissemination grant (Annex N). Nakatanggap din ng pondo ang Kolehiyo mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa proyektong “Preservation Through Modernization and Digitization of Archival Media Materials Through a UP-CMC Media Archives” (2011-2012). At regular din ang pagtanggap sa mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad, pati ang koordinasyon ng kahilingan para sa pananaliksik sa Kolehiyo sa pamamagitan ng OEER. May partnership din ang Kolehiyo sa Rotary Club of Manila para sa Journalism Awards nito. May mga proyekto ring inilunsad sa pakikipagtulungan sa European Union at Commission on Elections. (Annex O)

Aktibo rin ang Kolehiyo sa taunang paggunita at protesta sa Ampatuan Massacre. May

plake sa Bulwagan ng Malayang Pamamahayag para sa paninindigan ng Kolehiyo sa isyung ito. Pagpapabuti sa Administrasyon Nagpaunlad ng UP CMC Enchancement Grant for Faculty, REPS, Administrative Staff and Students mula sa 20% Undergraudate Tuition Fee Increment para sa Kolehiyo (Annex N-Guidelines for the Use of the CMC-EG for CMC Faculty, REPs, Administrative Staff, and Students). Ang grants ay para sumuporta sa presentasyon ng papel at creative na gawa, pagpapaunlad ng teaching modules, partisipasyon sa seminar at training programs, thesis at disertasyon. Ang mga insentibo ay para sa publikasyon ng pananaliksik, kagalingan sa pagtuturo, serbisyo sa Kolehiyo, patuloy na pag-aaral, at peer-mentoring. Hinihikayat ng UP CMC Enchancement Grant ang higit pang kagalingan ng mga sektor sa Kolehiyo sa larangang akademiko, pananaliksik at publikasyon, at extension service. Simula 2010, taunang idinaraos ang CMC Foundation Week sa unang linggo ng Marso. Ang CMC Foundation Week ay formal na isinasara sa Parangal ng Kolehiyo, nagsimula nang 2011, isang pagkilala sa mga natatanging estudyante, kawani at REPs, fakulti, at bagong graduate na nagbigay-karangalan sa Kolehiyo at Unibersidad. Simula 2010, ipinatupad ang tunguhin sa “paperless office” sa pagpapalaganap ng mga notice at impormasyon mula sa iba’t ibang opisina sa mga egroup ng fakulti, staff at REPS, at mga estudyante sa undergraduate at gradwadong antas. Ginawang simple ang proseso at papeles para sa clearance ng mag-aaral. Imbis na mga 20 opisina ang isa-isang pupuntahan para sa clearance, ito ay ginawang tatlo na lamang.

Page 9: Basahin ang buong report

Sa ilalim ng Office of the College Secretary, ang mga bagong polisya at guideline ay naformalisa at isinasakatuparan. Para sa mga estudyante, ang mga ito ay: policy on allowing heavier load for graduating students, policy on penalty courses for returning students, revised exit interview instrument, revised guidelines for recognizing CMC-based student organizations, and guidelines for the distribution and use of tambayans (Annex O- Terminal Report of the OCS).

Para sa fakulti, ang mga ito ay: policies in the application, review of application, and granting of RLCs (Research Loading Credit); guidelines on grade values (grade descritoprs); policy on late grade submission; and instrument for merit awards, such as Professorial Chairs. (Annex O) Ang checklist ng estudyante ay naka-computerize na. Katuwang ang UP CMC Foundation, Inc. sa pagbibigay ng finansyal na tulong sa staff at fakulti sa pagkakataong may malubhang sakit o may namatay sa pamilya. Regular ang mga pulong ng Faculty Assembly (tatlong beses isang taon) at Staff Assembly (dalawang beses isang taon). Buhay ang tatlong komite ng Staff Assembly: Information and Education, Recreation and Socials, at Welfare. Ang ilan sa mga seminar na itinaguyod ng Information and Education Committee sa periodikong in-house seminar ay gender, smooth interpersonal relationship, at stress management, bilang mga halimbawa (Annex R-Mga Seminar na Itinaguyod ng Information and Education Staf Committee Simula 2010 Hanggang Kasalukuyan). May quarterly celebration ng mga kawani na nagdaos ng kanilang kaarawan, at taunang team-building. Regular din ang pulong ng College Executive Board (CEB), at College Academic Personnel Committee (CAPC). Sa pangangasiwa ni Professor Daphe Tatiana Canlas bilang webmaster, ang Kolehiyo ay nakapagpaunlad ng independienteng website na naka-link sa UP Diliman. Nagpapaunlad ng “Guidelines for Security in the College” na may konsultasyon sa mga sektor ng Kolehiyo. Pagpapabuti sa Infraskturtura at Fasilidad Noong 2010 ay epektibong lumipat ang UP Film Institute sa kanilang bagong gusali sa Media Complex. Sa may P1 milyong pondo mula kay Senador Eduardo Angara, naitayo ang tambayan complex para sa estudyante sa harap ng Plaridel Hall, at ang kantina (pagitan ng Plaridel Hall at Annex Building).

Sa pondo mula sa opisina ng Chancellor, ang auditorium lobby ay ginawang mix-use exhibition space at pinangalanang Bulwagan ng Malayang Pamamahayag (Press Freedom Hall). Sa pondong ipinagkaloob ng batang alumnus si Ervin Temporal (Comres, Okt 2008), naipatupad ang renobasyon ng lobby sa ikalawang palapag na pinangalanang Bulwagan ng

Page 10: Basahin ang buong report

Malikhaing Pagpapahayag (Creative Freedom Lobby), pati na rin ang dalawang klasrum sa Comres.

Sa pondong ipinagkaloob ng UP CMC Foundation, Inc., nagkaroon ng punlang pondo

para sa expansyon ng CMC Library. Dinagdagan ito ng Graduating Batch ng 2012. Ang dating opisina at photo labs ng Film Institute ay sinimulang isaayos para sa papalaking koleksyon at serbisyo ng CMC Library. Inilipat na rin ang CMC Audiovisual Library (dating nasa Plaridel Hall) para sa sentralisadong pagseserbisyo sa mga estudyante. Ang UP CMC Foundation, Inc. ang nagbigay din ng pondo para sa renobasyon ng men’s rest room sa unang palapag ng Plaridel Hall.

Sa pondo mula sa CWTS, nakabili ng tig-isang laptop at LCD para sa apat na unit ng

Kolehiyo, at dalawang LCD para sa opisina ng College Secretary. Wired ang CMC Media Complex. Sa pakikipagtulungan kina Luis Olid, Jr. at Ricardo Bernardo, mga kawani ng Kolehiyo, nagpaunlad ng wi-fi network sa mga publikong lugar, opisina, at ilang klasrum. Nagpatupad ng Art Loans Program para makalikom ng art works para sa Kolehiyo. May 66 na trabaho ang ipinagkaloob ng 47 artists sa Kolehiyo. Ang mga trabaho ay nakadispley sa mga hallway, opisina, klasrum at sa CMC Library. Ang Graduate Students Association ang nagpondo ng renobasyon ng GSA Lounge.

Ang ilang proyektong maipapatupad sa kagyat na hinaharap ay ang mga sumusunod:

--renobasyon at equipping ng Film Studio (Lino Brocka Studio) sa CMC Media Complex,

Film Building, pati na rin ang access road mula sa harap ng Film Building tungo sa set entrances

ng Film at TV studios, sa pondong ipinagkaloob ni Senador Loren Legarda;

-- ang renobasyon ng dating mga klasrum ng Film Institute sa Basement, Annex Hall para

maging UP CMC Student Center (proposal na ipangalang Sentro Dimasilaw para sa Mag-aaral,

mula sa talipanpan ni Emilo Jacinto, ang utak ng Katipunan), na lalamanin ang opisina ng

Konseho ng Mag-aaral, at Tinig ng Plaridel (ofisyal na publikasyon ng mag-aaral ng Kolehiyo),

pati ang Media Lab (maglalaman ng 20 computer na donasyon ng Thompson Reuters), seminar

room, at assembly hall, pinondohon mula sa bahagi ng Kolehiyo sa 20 percent Undergraduate

Tuition Fee Increment;

--ang renobasyon ng Graduate Studies wing sa unang palapag ng Annex Hall para sa

modernisadong klasrum, seminar room, at opisina para sa gradwadong pag-aaral, na

pinondohan mula sa bahagi ng Kolehiyo sa graduate tuition fees.

Page 11: Basahin ang buong report

Para sa detalyadong ulat ng mga departamento at instityut, tignan ang mga terminal report (2009-2012) ng Communication Research (Annex P), Journalism (Annex Q), Broadcast Communication (Annex R), Film (Annex S), at Graduate Studies (Annex T). Para sa listahan ng mga individual at grupong pinarangalan ng Kolehiyo sa 2011 at 2012, tignan ang Annex U. III. Nalikhang Hamon ng Tatlong Taong Pagpapabuti Malakas ang mga unit ng Kolehiyo kung tutuusin. Ito ang nagbibigay-lakas sa Kolehiyo. Kailangang may mga programang makakapagbigay-interaksyon sa mga unit. Marami nang nakamit ang Kolehiyo sa pagtutulungan ng mga fakulti at unit nito, mas marami pang magagawa kung pag-iibayuhin ang pagsasamahang ito. Unti-unting ina-up-to-date ang mga akademikong programa ng Kolehiyo: aprobado na ang Ph.D. Communication; ang Ph.D. Media Studies at ang mga M.A. na programa ng tatlong unit ay dumaraan na rin sa proseso para sa rebyu. Kailangang maihabol ang M.A. Communication Research, pati na rin ang pinakahuli para sa yugtong ito ng curricular proposal—ang mga programa sa undergraduate. Kailangang maidiin ang faculty development program para matiyak ang pagtatapos hanggang sa doktoral na pag-aaral ng mga fakulti, pati na rin ang pagsustina ng produksyon ng skolarsyip, maging ng malikhaing akda. Kakailanganin ang maraming bilang ng Ph.D. lalo na’t patungo na ang Unibersidad sa pagiging research at graduate university. Sa ganitong bagong larangan ng Unibersidad, ang mga fakulti ay kakailanganing mag-mentoring sa gradwadong antas, kasama ang pagtulong sa kanilang advisees tungo sa publikasyon. Magtatalaga ng mga formal at informal na programa para lumikha ng “nurturing” at “enabling” na akademikong environment sa Kolehiyo para rito. Kailangan ding makapanghimok ng karagdagang bilang ng gradwadong estudyante, at hindi na mabawasan ang bilang ng undergraduate na estudyante. Kailangan ng patuloy na pagpapaunlad sa mga programa at serbisyo para sa estudyante; gayundin para sa kawani at fakulti. Kailangan ding pagtibayin ang ugnayan sa alumni, at patuloy na palawakin pa ang mga ugnayan sa iba’t ibang institusyon at sektor. Bagamat patuloy na lumalakas na rin ang mga gamit at infrastruktura ng Kolehiyo, kailangang magpaunlad pa rin ng karagdagang paghahanap ng pondo para sa ikatlo at huling building ng Media Center complex—ang Media Resource Center, pati na rin ang equipping ng TV Studio. Kailangan ding patuloy na paunlarin ang mga programa ng DZUP, kasama ang pagpapalawak ng mga palabas nito, at ng kapasidad nitong makapaghanap ng karagdagang pondo. Gayundin, kakailanganin pang sistemahin ang rasyonalisasyon ng mga programa sa UP Film Center. Magpaunlad ng mas malawak na extension program para makaapekto sa mas malaking publiko. Pagtitibayin ang Gawad Plaridel at Lopez-Jaena Workshop for Community Journalism. Kailangang buhayin din ang Media Literacy na programa, pati na rin ang pagpapaunlad ng iba

Page 12: Basahin ang buong report

pang mga programa: Women, Gender and Media; Science, Engineering and Technology Communication; Community Journalism; at iba pa. Kailangang mapaghandaan ang ika-50 taon ng pagkatatag ng Kolehiyo sa pamamagitan ng pagbuo ng komite para sa selebrasyong ito. Ito ang magandang benyu para makapaghagilap ng karagdagang pondo para sa Kolehiyo, maging ang pagpapatibay ng ugnayan nito sa alumni, mga institusyon at sektor. Tunay na marami pang gawain at pagpupunyagi ang Kolehiyo sa malapit nitong hinaharap para matiyak ito bilang ground-zero sa edukasyong media at komunikasyon. Pero matagal nang nagsimula ang pagpupursigi para sa mas maniningning na hinaharap ng Kolehiyo.

Hindi matatamo ang mga nabanggit na pagpapabuti sa nakaraang tatlong taon kung wala ang aking mga katuwang sa College Executive Board: Kalihim, Kolehiyo: Professors Lourdes Portus (Hunyo 2009-Mayo 2010), Danilo Arao (Hunyo 2010-Peb 2011), Violeta Umali (OIC, Mar-Mayo 2011), Patrick Campos (Hunyo 2011-kasalukuyan) Direktor, UP Film Institute: Professor Eduardo Lejano, Jr. Tagapangulo, Broadcast Communication: Professor Rosa Maria Feliciano Tagapangulo, Journalism: Professor Marichu Lambino Tagapangulo, Communication Research: Professors Fonz Deza (Hunyo 2009-Mayo 2010), Elena Pernia (Hunyo 2010-Mayo 2011), Lourdes Portus (Hunyo 2011-kasalukuyan) Tagapangulo, Graduate Studies: Professor Jose Lacson, Jr. Direktor, Office of Research and Publication: Professors Clarissa David (Hunyo 2009-Oktubre 2011), Daphe Tatiana Canlas (OIC, Nob 2010-Mar 2011), Eulalio Guieb III (OIC, Nob 2011-kasalukuyan) Direktor, Office of Extension and External Relations: Professor Arminda Santiago

Pasasalamat kina Bb. Clarissa Concepcion at Nini S. Burlat ng CMC Addministration para sa pagngangalap ng datos para sa ulat na ito. Para sa datos mula sa UP Film Center, salamat kina Bb. Dolores Basilan at Michelle Ortiz. Para sa mga datos mula sa iba’t ibang unit, pasasalamat sa pinuno ng mga ito.