5
BARAGAY BAGOG SIKAT Rogelio T. Gabawan Jr. Punong Barangay Percy B. Vergara Kagawad Reynaldo G. Eligado Kagawad Celso S. Catabona Kagawad Alexander Alvaran Kagawad Cinenso DV. Reyes Kagawad Josefine Sayco Kagawad Charlito R. Eligado Kagawad Annabelle B. Reyes Kalihim Teresita S. Dulatre Ingat Yaman Hazel Salapare SK Chairman

BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

BARA�GAY BAGO�G SIKAT

Rogelio T. Gabawan Jr. Punong Barangay

Percy B. Vergara Kagawad

Reynaldo G. Eligado Kagawad

Celso S. Catabona Kagawad

Alexander Alvaran Kagawad

Cinenso DV. Reyes Kagawad

Josefine Sayco Kagawad

Charlito R. Eligado Kagawad

Annabelle B. Reyes Kalihim

Teresita S. Dulatre Ingat Yaman

Hazel Salapare SK Chairman

Page 2: BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

BARANGAY BAGONG SIKAT

“Isang Nayon Sumusupling sa Sama-samang Hirap at Tiyaga”

Isa itong munting nayon na sumibol at umusbong sa isang madawag na kagubatan

Sa Gitnang Luzon dalawang kilometro pahilaga mula sa pambansang lansangan patungo sa

lambak ng Cagayan. Ang isang manlalakbay patungong lungsod ng San Jose ay masusumpungann

sa panulukan ng barangay Bantug at sementadong bakod ng Pampamahalaang Pamantasan ng

Gitnang Luzon (Central Luzon State University) ang isang daan pambarangay patungo sa Bagong

Sikat na nag-uugnay sa Cabisuculan pakaliwa at Magtanggol pakanan.

Ang madawag na kagubatang nakalambong sa isang malawak at mayamang lupain na hindi

halos makahulagpos ang sikat ng araw ay sama-samang hinawan ng mga mapagpalang mga kamay

ng mga magigiting na angkan sa pamumuno ni Nicolas Ruiz. Ang naging bunga nito ay isang

munting paraiso na sagana sa yamang lupa at tubig na pinagkukunan nila ng kanilang ikabubuhay.

Ang pook na ito ay nagsilbing bukas na landas sa iba pang nais mandarayuhan dito.

Dahil sa masagang likas na kayamanang taglay ng ubod ng lawak na kapatagan ng muñoz

isa sa mga nayon ng Guimba inamuki ni Nicolas Ruiz ang kanyang mga magulang na sina Laureano

Ruiz at Magdalena Bartolome, mga kapatid na Antonio, Carlo, at Florencio, amaing Julio Tomas at

Page 3: BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

Julian Bartolome. Taong 1906 dumating sina Clemente Catabona, Gregorio at Alfredo Gabawan,

Pablo at Fulgencio Manuel at Anacleto Eligado. Ang ikatlong pangkat na kinabibilangan nina Cenon

Divina, Emilio Torres, Agaton Santos, Domingo Rafael at Lorenzo Vergara, Manuel Calang, Juan

Lopez at Isang Padilla.

Ang kasaganaan sa bukid ay siyang malakas na kapangyarihang nagbunsod sa mga tao na

lumipat sa Bagong Sikat kaya’t gumawa sila ng daan patungo sa pambansang lansangan.

Pagkatapos ng Pangalawang Pandaigdig na digmaan nagsibalik ang mga tao sa Bagong

Sikat gayon din ang mga taga nayon ng Magtanggol, Balante at Cabisuculan. Pinagyaman nilang

muli ang mga bukirin at nag patuloy ang pag unlad nito.

Sa mungkahi ni Maria Medina Ruiz sa tulong ng Alkalde Nicolas Ruiz ang sitio ng

Cabisuculan (Bagong Sikat) ay ipinatala nilang isang ganap na barangay ng muñoz:

Bagong Sikat ang nahabing pangalan sapagkat ang mga silahis ng ginintuang araw na unang

namanag sa pook na dating nalalambungan ng madawag na kagubatan nagbabadya ng bagong

pag-asa at patuloy na aarugain para sa darating na salin lahi.

ANG BARANGAY BAGONG SIKAT

May isang lansangan sa kaliwa kaagapay ng bakod ng Central Luzon State University

tatlong kilometro mula sa kabayanan ng muñoz, Nueva Ecija. Kasunod ng lansangang ito

patungong hilaga, may isa’t kalahating kilometro mula sa pambansang lansangan, ay tulay ng

simento. Pagtawid dito ay kabahayang konkreto at yero. Ito ang tahanan ng mga magsasakang tiim

sa sikat ng araw at tigatik ng ulan. Sa kaliwa ay paaralan, sa harap nito ay liwasan na kung saan ay

nakatirik ang bulwagang Barangay, ang tindahan ng kooperatiba, ang tanghalan, ang simbahang

katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay.

Ito ang tahanan ng isang magsasakang buhat kailokohan na siyang nanguna at nagturo ng

pagtatanim ng sibuyas sa lalawigan ng Nueva Ecija noong ika-20 dekada, si Antonio Ruiz. Ito ang

tahanan ni G. Gregori Gabawan, isa ring magsasaka tumanggap ng Presidential Award noong taong

1955 dahil sa pagkakaloob niya ng lote ng paaralan. Dito isinilang ang naging hukom ng Makati na

si VIVENCIO RUIZ at ang kanyang kapatid na si ANDRES na naging puno ng METROCOM. Dito rin

isinilang ang naging Provincial Agriculturist ng Nueva Ecija na si LEODIGARIO BARTOLOME. Dito

sumupling sa silong ng isang kubo ang Philippine Rural Recenstraction Movement (PRRM) noong

taong 1951 upang ihasik ang gintong butil ng kalinangan rural sa mga kanayunan sa pamumuno

ng dating Pangulo ng (Central Luzon State University) Central Luzon Agricultural College na si

ARCADIO MATELA.

Ang kasaysayan ng Bagong Sikat ay nagsimula sa isang pulutong ng mga dampa sa dalisdis

ng Barangay Cabisuculan. Ang pook na ito ay nasasakop ng baryo ng Papaya na siyang unang

pangalan ng bayan ng Muñoz bago ito naging bayan. Noong hiranging guro si NICOLAS RUIZ sa

baryon ng Papaya na sakop noon ng bayan ng Guimba noong 1904 ay mabanaagan niya ang

masaganang kinabukasan sa pusod ng kagubatan nakayungyong sa malawak na kapatagang

dinadaluyan ng isang sapa.

Dahil dito ay nirayuho niya ang kanyang mga magulang na sina BENEDICTO RUIZ at

MAGDALENA BARTOLOME at ang kanyang mga kapatid na sina ANTONIO, CARLO, at FLORENCIO,

pati ang kanyang mga amain na sina JULIO, TOMAS, at JULIAN BARTOLOME upang tumuklas dito

ng kanilang kapalaran. Mula sa bayan ng San nicelas, Ilocos Norte, kimkim ang puhunang

kasipagan at katatagan ng loob ay humimpil sila sa duluhan ng Cabisuculan. Buhat naman sa

Page 4: BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

bayan ng Guimba na una nilang nilatakan ay sumunod pa ang ilan nilang kamaganak noong taong

1906 na si CLEMENTE CATABONA, GREGORIO AT ALFREDO GABAWAN, at ang angkan ng mga

VERGARA at ELIGADO.

Nabuksan ang Muñoz Farm School noong taong 1907. Dahil dito at sanhi ng lunggating

makatuklas ng maganda kapalaran sa Papaya ay nahikayat ding yumungyong dito sina CENON

DIVINA, EMILIO TORRES, AGATON SANTOS.MANUEL GALANG, JUAN LOPEZ na buhat sa lalawigan

ng bulacan at iba’t ibang bayan.

Kasabay na nagsidating sa gawing kanluran at hilaga ng Papaya sina TRANQUILINO DELOS

SANTOS, LEOCADIO ISLA at ANASTACIO TOBIAS na lahat ay nagging Punong Bayan ng Muñoz.

Katulad ng angkan ni NICOLAS RUIZ ay hinawan nila ang kagubatan sa tulong ng mga upahang

baluga na unti-unting dumausdus sa kagubatan at burol sa gawing kanluran na kung saan ay

napatay ang kanilang pinunong si BATANGAN.

Dahil sa pithayang mapalapit sa kanugnog na Muñoz Farm School na ngayon ay CLSU, ay

gumawa sila ng lansangang patungo rito sa pamamagitan ng bayanihan. At udyok ng hangaring

masikatan ng bagong kapalaran ay tinawag nila na Bagong Sikat ang kanilang pook na dating sitio

ng Cabisuculan. Nang mag pabakod ang Central Luzon Agricultural School noong taong 1929 ay

naganyak sina NICOLAS RUIZ at ang kanyang mga kasama na lider na magpagawa ng lansangan

kaagapay ang bakod ng CLAC patungo sa pambansang lansangan upang sila’y magkaroon ng

sariling daan patungo sa kabayanan. Ito’y ginawa naman sa pamamagitan ng kontrata na ang

bawat ulo ng pamilya ay magtatambak ng sampung metro ang haba para mabuo ang lansangan.

Nagkaisa sila na ang Bagong Sikat ay dapat nang magsarili bilang isang baryo at hinirang nila si

GREGORIO GABAWAN bilang Tinyente del bario sa pamamagitan ng taasan ng kamay, at noong

maging Punong Bayan si NICOLAS RUIZ noong 1937 ay gumawa siya ng hakbang ang Bagong Sikat

ay maging ganap na baryo.

Ang silahis ng araw na kanilang pangarap ay lalong nagningning simula noon. Pagkatapos

ng digmaan dahil sa maigping na kalagayan ng katahimikan at kapayapaan ay lumikas sa Bagong

Sikat ang ilang pamilya buhat sa mga baryon g Balante, Cabisuculan, at Magtanggol. Habang

dumarami ang populasyon ay lalo namang nagiging masikhay sa pagunlad ang mga taga Bagong

Sikat. Dito nga itinatag ang Philippine Recenstruction Movement (PRRM). Nilansag ang paaralang

elementarya na nakasuno sa loob ng CLAC at inilipat ito sa loob ng baryo noong taong 1953 sa

loteng kaloob ni GREGORIO GABAWAN. Ito’y sa pamamagitan ng sarililng sikap na pinamunuan ng

mga lider ng barangay at ng unang gurong namahala na si JEREMIAS CAJUIGAN. Noong taong 1955

ay lumuwang ng isang metro ang lansangan ng baryo dahil sa pag kakaloob ni Pangulong MATELA

ng lupang sakop ng kolehiyo. Ang liwasang nayon ay bahagi rin ng lote ng nasabing institusyon na

ipinagkaloob ni Pangulong AMADO CAMPUS ng CLSU.

Lumawak pa ang barangay sa panahon ng panunungkulan ng Barangay Captain ENRIQUE

CATABONA ito’y noong taong 1982 ng masakop nito ang ilang bahagi ng Bantug, na kung saan

naging kabuklod na sa mga kilusang pangkalinangan ang mga pangalang

VILLANUEVA,ALVARAN,BACOLOD,CAJUIGAL at VICTORIA na dating nasasakupan ng Bantog.

Nagbigay din ng ilang bahagi ang Balante,Cabisuculan, at ang Magtanggol. Lumawak ito mula sa

dating 233.10 ha. na umabot ito hanggang 469.397 ektarya. Naisagawa ito at nasang-ayunan sa

kanyang matiyagang pakikipagugnayan at sa tulong na rin ng dating Punong Bayan DOMINADOR

V. SANTOS. Ang tulay na dating kahoy na madalas na may mahulog na kalesa ay napalitan na ng

tulay na semento noong taong 1986 sa panahon din ng panunungkulan ni Punong Barangay

ENRIQUE CATABONA.

Page 5: BARAG AY BAGOG SIKAT - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/bagongsikat.pdf · katoliko na sagisag ng matimyas na pagtutulungan at sariling sikap ng mga taga-barangay. Ito

Nagkaroon ng lansangan patungo sa Balante at lansangang nag-uugnay sa Cabisuculan at

iba pang barangay sag awing hilaga. Ang munting saluysoy sa ibaba ng tulay ay tinambakan at

pinagtirikan ng kabahayan. Noong taong 1991 naipasemento ang pangunahing lansangan ng

Bagong Sikat na may habang 530 metro mula sa kubkuban ng ALVARAN at VICTORIA hanggang sa

paanan ng tulay na siyang pinakamahabang nasementong barangay sa bayan ng Muñoz sa

taong1991. At sa mga sumunod na taon ay naipaispalto pa ang mahigit na isang kilometrong daan

mula sa Pambansang lansangan hanggang sa kubkuban ng VERGARA.

Ang Barangay ng Bagong Sikat ay nag pupugay sa mga naging Puno ng Barangay na

nagbunsod na kalinangan sa barangay na ito na sina

GREGORIO GABAWAN

SOTERO TRINIDAD

JOSE VERGARA

FEDIRICO LOPEZ

LEOPOLDO REYES SR.

ENRIQUE CATABONA

JOAQUIN B. SAYCO

LORENZO BERMUDA

RICARDO BERNOLO

JOSE DIGA

JOSE B. SAYCO

DAMASO TORRES

GENEROSO ESTRADA

MARCELINO ELIGADO

ARISTON VERGARA

JUANITO TORRES

ROGELIO GABAWAN SR.

ARTURO G. LOPEZ-----------------1997-2002

At ngayon, ang nga supling ng mga dakilang angkang nag pawis sa paglikha ng Bagong Sikat

ay nag karoon na ng iba’t ibang titulo sa CLSU at iba’t ibang pamantasan sa pamamagitan ng

gintong butil ng palay at sibuyas. Sila naman ngaun ang inaasahan magiging gulugod ng Barangay

na ito. Sa kanila nakaatang ang pagtatayo ng isang barangay na pinangarap ng kanilang mga

ninuno ang magsanghayang barangay na laging bagong sikat ang araw.

April, 2000

Submitted by:

ARTURO G. LOPEZ

Punong Barangay