3
BARANGAY VILLA SANTOS Joel S. Bengaño Kagawad Hilario B. Bengaño Kagawad Patricio Lf. Lomboy Kagawad Armando C. Ramos Kagawad Emmanuel R. Coderias Kagawad Felomino R. Briones Kagawad Arsenio Domingo Kagawad Analiza E. Miguel Ingat Yaman Melencio Lorenzo Kalihim Jennifer D. Obra SK Chairman Zenaida S. Bengaño Punong Barangay

BARANGAY VILLA SANTOS - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/New/pdf/villasantos.pdfPagbabalik-tanaw sa Nakalipas na ... kung paano ang mga hakbanging dapat na isaalang-alang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BARANGAY VILLA SANTOS - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/New/pdf/villasantos.pdfPagbabalik-tanaw sa Nakalipas na ... kung paano ang mga hakbanging dapat na isaalang-alang

BARANGAY VILLA SANTOS

Joel S. Bengaño Kagawad

Hilario B. Bengaño Kagawad

Patricio Lf. Lomboy Kagawad

Armando C. Ramos Kagawad

Emmanuel R. Coderias

Kagawad

Felomino R. Briones Kagawad

Arsenio Domingo Kagawad

Analiza E. Miguel Ingat Yaman

Melencio Lorenzo Kalihim

Jennifer D. Obra SK Chairman

Zenaida S. Bengaño Punong Barangay

Page 2: BARANGAY VILLA SANTOS - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/New/pdf/villasantos.pdfPagbabalik-tanaw sa Nakalipas na ... kung paano ang mga hakbanging dapat na isaalang-alang

BARANGAY VILLA SANTOS

KASAYSAYAN NG BARANGAY VILLA SANTOS

Ang Barangay Villa Santos ay isa sa 37 mga umuunlad na Barangay ng Muñoz, Nueva Ecija.

Ito ay may layong humigit-kumulangsa 7 kilometro buhat sa kabayanan. Ito ay naliligiran gaya ng:

sa Silangan – Barangay Villa Isla at sa Hilaga, Barangay Gabaldon.

Ang Villa Santos na dating Sitio ng Barangay Rangayan ay dating kilala Kasilagan o Bulihan

sanhi ng mga halamang Buli na hanggang sa kasalukuyan ay matatagpuang mayabong na dito ay

tumutubo, kakaiba sa lahat ng mga Barangay ng Muñoz, Nueva Ecija.

Noong buwan ng Mayo, taong 1957, naganap ang kauna-unahang halalan para sa

pamunuan ng Barangay, matapos na ito ay maihiwalay sa Rangayan bilang malayang Barangay, na

kung saan si Ginoong Ignacio Bengano ang kauna-unahang namuno bilang Tenyente del Barrio,

noong Marso, 1958, bilang Bise Acceliar ni G. Damacio Paraguison ng Rangayan.

Si G. Ignacio Bengano din, sa pamamagitan ng suporta at bunsod ng nakararaming bilang ng

kanilang nasasakupang mamamayan ang nagpunyagi ng pagkakahiwalay ng Villa Santos sa

Barangay Rangayann alisunod sa prosesong itinadhana sa ilalim ng batas. Dito nagsimula ang

pagsilang ng Barangay Villa Santos buhat sa dating sitiong Kasilagan o Bulihan.

Lawak ng Barangay Villa Santos (Land Area)

Ang Barangay Villa Santos ay may lawak na humigit-kumulang sa 134 hektaryas, na kung

saan halos 90% nito ay pawing mga sakahing bukirin at ang nalalabing 10% ay panirahan. Ito ay

may 3 purok. Ito ay dahilankung bakit ang Barangay Villa Santosay nabibilang na isa sa mga

pangunahing Barangay na Muñoz, Nueva Ecija, na pinanggagalingan ng mahalagang butil o

pagkain. Bukod sa palay, pangalawang pinagkakakitaan nang mga mamamayan ang pagtatanim ng

Page 3: BARANGAY VILLA SANTOS - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/New/pdf/villasantos.pdfPagbabalik-tanaw sa Nakalipas na ... kung paano ang mga hakbanging dapat na isaalang-alang

gulay, maliitang pag-aalaga ng mga hayop gaya ng kambing, baboy, manok at may ilang

pumapasok sa proyektong “Cattle Dispersal” bilang alternatibong pinagkakakitaan, matapos ang

pagtatrabaho sa bukid.

Populasyon:

Sa kasalukuyan ang Barangay Villa Santos ay mayroong humigit-kumulang sa 137 mga

bahayan at ay populasyong humigit-kumulang sa 673. May rehistradong Botanteng 427, na kung

saan nakararaming bilang ng mamamayan niyo na hols ay 99% ay pagsasaka ang pinagkukuhanan

ng kabuhayan.

Pagbabalik-tanaw sa Nakalipas na Pamunuan:

Ang Barangay Villa Santos na naging isang ganap na Barangay noong panahon ng

panunungkulan ng naging Punong Bayan Dario V. Santos, na siyang nanguna at nagturo sa mga

nasasakupan ng Barangay kung paano ang mga hakbanging dapat na isaalang-alang upang ang

Villa Santos ay maging isang Barangay sa pamamagitan ng pag-akto ng Mababang Kapulungan ng

Bansa, na kung saan ang lahat ng proseso at pamamaraan ay matagumpay namang naisagawa at

natugunan, daan upang sa huli’y magkaroon ng katuparan ang pagiging noon ay barrio at ngayon

ay ang Barangay Villa Santos.

Simula noong taong 1958, matatag ang Villa Santos bilang ganap na Barangay at is G.

Ignacio Bengano bilang kauna-unahang Punong Barangay o Tenyente del Barrio, ang mga

sumunod na nanungkulan ay sina: Samuel Bengano, Dionisio Busine, Filomeno Estepa, Florencio

Domingo at ang kasalukuyan, si G. Elpidio A. Bengano.

Mapapansin na sa nakalipas na mga panahon hanggang sa taong 1994, ay napakahina ang

naging pag-unlad ng Barangay Villa Santos sa lahat ng bagay, hindi sa kadahilanang ang Pamunuan

ay hindi kumikilos, subalit marahil sa kadahilanang kakulangan suportang nagbubuhat sa mga

nakatataas na Pamunuan ng Pamahalaan.

Taong 1994, sa panahong ang Punong Bayan ng Muñoz, Nueva Ecija ay si Mayor Efren L.

Alvarez, naganap ang halalang Pambarangay, na kung saan ang nagwagi ay si G. Elpidio A. Bengano

bilang Punong Barangay ng Villa Santos.

Sa pagkakataong ito, at sa kadahilanang ang bagong nahalal na Punong Barangay ay nasa

kasibulan at kasiglahan sanhi ng kabataan nito at bilang Punong Barangay ay nakita niya ang mga

pangunahing dapat na bigyan ng pagpapahalaga at pagsasaalang-alang gaya ng ilaw-dagitab, na

kung saan ay napailawan at nabigyan ng liwanag ang kaniyang nasasakupang mamamayan noong

taong 1995.

Kasunod nito, at sa patuloy na sigasig ni Kapitan Bengano, nagawa nitong maidulog at

mailapit sa mga kinauukulang nakatataas sa Pamahalaan ang iba pang suliranin at mga

pangangailangan ng kaniyang nasasakupan, gaya ng naipagawang solar dryers o bilaran ng palay,

na napakahalaga sa kaniyang Barangay bilang pagsasaka at pagtatanim ng palay ang pangunahing

pinagkakakitaan. Kasunod nito ang pagpapagawa ng kanilang “Barangay Hall, Barangay

Stage”pagpapabakod ng Barangay Plaza, pagpapakumpuni at pagsasaayos ng kanilang Gusali sa

Paaralan, gayundin ang pagbibigay ng pangunahing pansin sa mga lansangang patungong

kabayanan at pag-uugnay sa mga kaapit na Barangay na mahalaga sa paghahatid ng mga ani upang

maibenta at pakinabangan ng mga mamamayan.