Upload
others
View
21
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
NASUNGKIT NG IYOSAN ES
ang kampeonato sa Tugsayawit sa
nakaraang District Science Camp
na ginanap sa Almeria Gym noong
nakaraang Setyembre 19, 2014.
Ang naturang patimpalak
ay pinangungunahan ng ating Dis-
trict Supervisor na si G. Rocleo A.
Plecerda at ng mga Punong Guro sa
ibat-ibang paaralan.
Ang mga hurado naman ay
sina G. Benjie Medallo, punong-guro
ng WEBHSAC; G. Ronald Olaivar,
bagong guro sa WEBHSAC at Gng.
NASUNGKIT NI JUN MARK
Mosqueda ang Ikalawang Pwesto
sa nakaraang G. at Bb. Kalikasan
District Level na ginanap sa Al-
meria Gymn noong Setyembre 19,
2014.
Ang mga hurado sa
naturang paligsahan ay sina G.
Benjie Medallo, punong-guro ng
WEBHSAC; G. Ronald Olaivar,
bagong guro sa WEBHSAC at
Gng. Zaea D. Villamor, Head Teach-
er ng Naval National High School.
Nakuha naman ng Tamarindo
ES ang kampeonato sa G. Kalikasan-
at ng Caucab ES ang Bb. Kalikasan.
Sila ang magiging representante ng
ating Distrito sa Division Level na
gaganapin sa CNSAT, Cabucgayan,
Biliran ngayong Setyembre 26, 2014.
Tinanggap naman ni Jackelyn
Pecajas, and ating pambato sa Bb.
kalikasan ang Best in Casual Attire.
NAKAPALOOB
BALITANG LOKAL 1
IES, kampeon sa Tugsayawit 1
Mosqueda, pasok sa top five 1
EDITORYAL...RA 10627 2
Liham sa Patnugutan 2
BALITA 3
School-Based G. at Bb. Kal... 3
Selebrasyon sa Buwan ng Nutrisyon 3
LATHALAIN 4
Mga Pamahiin at Kahulugan nito 4
Buwan ng Wika, ipinagdiwang 4
PANITIKAN 5
Tula : Pangaral sa Buhay 5
Trivia's 5
Joke 5
BALITA 6
Paghid, kampeon sa... 6
Mga. Mag-aaral nakatanggap... 6
Announcements 6
Mga pambato ng ating paaralan sa nakaraang Tugsayawit. - Shaira
Zaea D. Villamor, Head Teacher
ng Naval National High School.
Ang IES ang repre-
sentante ng ating Distrito sa Di-
vision Science Camp na ginanap
noong Setyembre 25, 2014 sa
CNSAT, Cabucgayan, Biliran.
Ito ang kauna-unahang panalo
ng IES sa Tugsayawit.
ni Ellen Shane E. Cezar
ni Dean Andrei P. Velarde
MADALAS KA BANG MA
bully o mam-bully?
Batay sa pag-aaral, mara-
mi na ang mga insedente ng pam-
bubully sa mga paaralan kaya
ipinatupad na ang RA 10627 o
anti-bullying act of 2013.
Ang batas na ito ay
nagbabawal sa sinumang tao o
mag-aaral na mambully sa kapwa
mag-aaral. Sa ilalim ng nasabing
batas, ang lahat ng paaralan sa
elementarya at sekondarya ay
kinakailangang gumawa ng mga
polisiya laban sa bullying sa kani-
kanilang institusyon. Ang kopya
ng mga polisiya ay kailangang
ibigay sa mga mag-aaral at magu-
lang nila.
Inatasan ng RA 10627
ang mga paaralan na magpataw
ng parusa sa mga mahuhuling
nambu-bully. Kailangan din si-
lang sumailalim sa rehabilitation
program na pangangasiwaan ng
paaralan.
Sa ilalim ng batas, itinu-
turing na bullying ang, "any se-
vere or repeated use by one by
one or more students of a written,
verbal or electronic expression, or
a physical act or gesture, or any
combination thereof, directed at
another student that has the effect
of actually causing or placing the
latter in reasonable fear of physi-
cal or emotional harm or damage
to his property; creating a hostile
environment at school for the oth-
er student; infringing on the rights
of the other student at school or
materially and substantially dis-
rupting the education process or
the orderly operation of a school."
Dapat na maging seryoso
ang ating pamunuan sa
pagpapatupad ng batas na ito
upang maiwasan ang di-
magandang epekto ng bullying.
2 OPINYON Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
Mayroon ba kayong mga katanungan, reklamo o anunsiyo? Ipadala ito sa
FB ng Ang Kronika Iyosan ES o bumisita sa opisina ng punong-guro upang
maipaabot ang mga ito at nang mabigyan ng agarang kasagutan.
Mahal na patnugot,
Napapansin ko lang po na tila walang pakialam ang ibang kabataan sa oras ng flag ceremony. Marami po ang nakikipagkwentuhan lang o nakikipagharutan sa katabi sa mga oras na ito. Ano po ba ang dapat na solusyon dito?
Anonymous
Mahal na Patnugot,
Natutuwa po ako at nagkaroon tayo ng sarili nating pahayagan dahil marami po akong natututu-han. Sana ay magtutuloy-tuloy na po ang pag-iisue ng ating pahayagan.
Shakira
Dear Anonymous,
Maramingg salamat sa ibinigay mong obserbasyon Hayaan mo at makakarating ang issue na ito sa ating mga guro upang mabigyang so-lusyon ito.
Ang Kronika
Dear Miss Shakira,
Maraming salamat sa iyong pagsubaybay sa ating paha-yagan. Nangangahulugan itong may pakialam ka sa mga isyu sa ating paaralan. Asahan mong hinii kami magsasawa sa pagbi-bigay ng mga balita na gusto nin-yong malaman. Maraming sala-mat din sa pagsulat mo sa amin.
Ang Kronika
GINANAP ANG KAUNA-
unahang School Based G. at
Bb. Kalikasan na sinalihan ng
20 mag-aaral ng ating paaralan,
sampung babae at sampung
lalaki mula Ikatlong Baitang
hanggang Ikaanim na Baitang.
Itinanghal na kauna-
unahang G. at Bb. Kalikasan
sina Jackelyn Pecajas at Jun
Mark Mosqueda. Samantalang
nakuha naman nina Kreisha Zussane
Sale at Deniel Jefferson Garciano
ang Unang Pwesto; sina Licette
Ibaňez at Rami Gyle Kaagabay na-
man ang nakakuha sa Ikalawang
Pwesto. Tumanggap ang mga nana-
lo ng premyo at kaunting cash prize.
Samantalang nakatanggap naman
ang mga hindi nanalo ng consola-
tion prizes mula sa mga guro.
Ang naturang kompetisyon
ay idinaos noong Ikawalo ng
Setyembre, 2014. Ang mga la-
laking kalahok ay sina Hena Kaine
Cezar, Ikatlong Baitang; Daryl
James Paghid, Ikaapat na Baitang;
Ariel Christopher Presente, Ikali-
mang Baitang; Deniel Jefferson
Garciano, John Lloyd Paghid,
Mark Jester Calvez, Rami Gyle
Kaagbay, Sarnor Inting at Emerson
Candila, mula sa Ikaanim na
Baitang.
Samantalang ang mga ba-
baeng kalahok naman ay sina
Christal Shaine Calvez, Licette
Ibaňez at Dinmaika Destor ng
Ikaapat na Baitang; Yllaiza Nicole
Sale, Dellie Corilla, Lovely Ya-
nerah Caparro at Christal Shaira
Calvez sa Ikalimang Baitang;
Jackelyn Pecajas, Avon Mataga-
nas, at Kreisha Zussane Sale sa
Ikaanim na Baitang.
DINAGSA NG MGA GURO,
magulang at mag-aaral ang mga
panindang gulay at prutas sa
nakaraang selebrasyon ng Bu-
wan ng Nutrisyon noong Hulyo
25, 2014.
Nagsimula ang parada
sa ika-walo ng umaga at sinun-
dan ito ng maikling programa.
Nagpasiklab naman ang mga
mag-aaral sa bawat baitang sa
kanilang natatanging presen-
tasyon. Pinangungunahan ni Bb.
Maritess S. Arancina, punong-
guro ang naturang Programa
kasama ang mga guro.
Sari-saring gulay at
prutas ang makikita sa mesang
lagayan ng mga paninda ang
ibinida ng mga mag-aaral. Hin-
di magkamayaw ang mga guro,
magulang at mga mag-aaral sa
pagpili ng gusto nilang bilhin.
Kinahapunan, idinaos ang
Quiz Bee na sinalihan ng 21 mag-
aaral mula Ikaapat hanggang
Ikaanim na Baitang. Tinanghal na
kampeon si John Lloyd Paghid
mula sa Ikaanim na Baitang na
nakakuha ng 25 puntos. Nakuha
naman ni Deniel Jefferson Gar-
ciano, Ikaanim na baitang ang
Ikalawang Pwesto sa iskor na 17.
Nag-tie naman sa Ikatlong Pwesto
sina Kreisha Zussane Sale at Mark
Jester Calvez sa iskor na 14,
pawang nasa Ikaanim na Baitang.
Ang mga namuno sa Quiz
Bee ay sina Gng. Dianita M. Be-
soyo, guro sa Unang Baitang at
Chairman sa naturang paligsahan;
Gng. Rosaline C. Gaviola, guro sa
Ikalimang Baitang, iskorer at Gng.
Rowena C. Matugas, guro sa Ikat-
long Baitang, ang timer.
3 BALITA Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
Ang mga nanalo sa G. at Bb. Kalikasan , mula sa kaliwa: Kreisha Zussane Sale at Deniel Jefferson Garciano, First Runners-Up; Jakelyn Pecajas, Bb. Kalikasan at Jun Mark Mosqueda, G. Kalikasan; Licette Ibaňez at Rami Gyle Kaagbay, Second Runners-Up - Shaira
ni John Lloyd Paghid
ni Kreisha Zussane Sale
Ang mga mag-aaral, guro at magulang ha-bang namimili ng gustong bilhin mula sa mga display na prutas at gulay - Shaira
6. Huwag papaswit o si-
sipol kung gabi.
Bakit? Dahil nagtatawag ka
daw ng ahas.
7. Baligtarin ang damit ka-
pag naligaw ka sa daan.
Bakit? Dahil pinaglalaruan
ka raw ng mga engkanto..
Ito ang ilan sa mga pamahiin ng ating mga lolo at lola na ipi-
nasa naman sa ating mga
magulang. Nawa’y may natutu-
han kayo mula sa artikulong
ito. Hanggang sa muli!
MARAMI SA ATIN ANG HINDI
nakakaalam ng iba’t ibang
pamahiin na kinalakihan ng
ating mga magulang. Nari-
to ang ilan sa mga ito at
ang kanilang kahulugan.
Alamin natin...
1. Bawal sukatin ang damit
pangkasal.
Bakit? Dahil baka hindi raw
matuloy ang kasal.
2. Bawal magwalis sa loon
ng bahay kapag may
patay.
Bakit? Dahil nasa paligid
lang daw ang kaluluwa nito
at baka maitaboy.
3. Bawal daw kumanta
habang nagluluto sa
harap ng kalan.
Bakit? Dahil baka daw
makapag-asawa ka ng so-
brang tanda.
4. Masama daw managinip
na nabunot ang ngipin.
Bakit? Dahil baka may ma-
matay daw na kamag-
anak.
5. Masama daw na ma-
kasalubong ka ng itim na
pusa.
Bakit? Dahil senyales daw
ito na may masamang
mangyayari.
MATAGUMPAY NA IPINAG-
diwang ng ating paaralan ang
nakaraang Buwan ng Wika na
may temang: Wika ng Pagka-
kaisa na ginanap noong Agosto
20, 2014.
Sinimulan ito sa pama-
magitan ng isang parada at
pagkatapos ay sinundan ito ng
maikling programa. Masiglang
ibinahagi ng mga mag-aaral sa
bawat baitang ang kani-kanilang
mga talento lalo na sa paggamit
ng ating Wikang Pambansa.
Pinamumunuan ng ating
mga guro ang naturang pro-
grama kasama ang mga opisyal
ng Barangay at mga magulang.
Ipinagmalaki naman ng ating
mga guro ang kanilang sayaw
bilang espesyal na presentasyon
sa naturang okasyon.
Masaya namang pinanood
ng lahat ang naturang programa.
Nagtapos ang programa sa Pana-
pos na Salita ni Bb. Maritess S.
Arancina.
Nagpasiklaban naman ang
mga mag-aaral sa kanilang talento
sa pag-awit kinahapunan kung
saan tinanghal na kampeon si
Yllaiza Nicole Sale, Ikalimang
Baitang. Sina G. Arnold Garin,
Gng, .Khema bella Kaagbay at
Gng. Lucil Ibañez ang mga
hurado.
4 LATHALAIN/BALITA Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo-Disyembre 2014
ni Angel Dane Kaagbay
(Unang Yugto)
Ang ating mga naggagandahang guro, mula sa kaliwa: Gng. Rowena Matugas, Gng. Aku-na Sabondo, Gng. Dianita Besoyo, Bb. Maritess Arancina, Gng. Jine Sabondo, Gng. Rosaline Gaviola at Bb. Mary Grace Cañete - Shaira
ni Deniel Jefferson Garciano
Nais niyo bang mag-internet o FB
pero wala kayong pamasahe sa Naval?
Narito na ang solusyon! Bumisita sa
bahay ni G. at Gng. Jonathan Calvez.
Sa halagang P20/oras pwede ka ng
mag-internet o FB ng di na kailangang
mamasahe pa. Dalhin lang ang inyong
gadget at siguradong mag-eenjoy
kayo. Kaya, ano pang hinihintay niyo?
Magmadali na!
5 PANITIKAN Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
TRIVIA QUIZ
In which American state is
t h e G r a n d C a n y o n ?
(Arizona)
In which year was the berlin
Wall built? (1961)
Where are the Angel Falls?
(Venezuela)
How many countries are in
Scandinavia? (Three)
Who wrote ‘Great Expecta-
tions’? (Charles Dickens)
What is the lowest prime num-
ber? (2)
In which sport would you use
a caddy? (golf)
How many notes are there in
octave? (8)
What is the most widely spo-
ken language on Earth?
( M a n d a r i n C h i n e s e )
PANGARAL SA BUHAY
By: Licette Ibañez
Ang buhay natin ay parang gulong,
May panahong tayo ay nasa ibabaw
minsan naman ay nasa ilalim.
Saanmman man tayo pumunta at
Anuman ang ating pasanin,
Pakatandaan natin na siya’y laging
nasa ating tabi,
Handang tumulong at umalalay sa atin.
Upang huwag tayong panghinaan ng loob.
TINALO NI JOHN LLOYD
Paghid, Ikaanim na Baitang ang
pitong katunggali niya sa Flow-
er Arrangement sa nakaraang
District Techno-Olympics na
ginanap sa Almeria Central
School noong Nobyembre 11,
2014.
Si John Lloyd ang pina-
kaunang natapos sa walong ka-
lahok sa naturang patimpalak.
Ang mga hurado sa kategoryang
ito ay sina Gng. Gloria Jacolbe
at Gng. Ethyl Rios.
Ito ang pinakaunang pag
kakataon na nakauwi ang ating
paaralan ng kampeonato sa Flow-
er Arrangement at ito naman
ang ikalawang kampeonato na
natanggap natin mula sa Distri-
tong Paligsahan sa taong ito.
Sinalihan naman ni
Christal Shaira T. Calvez, Ikali-
mang Baitang ang Basic Encod-
ing. Ang tinanghal na panalo sa
kategoryang ito ay ang Matanggo
ES.
Sasabak si Paghid sa Di-
vision Level Competition nga-
yong Nobyembre 19, 2014 araw
ng Martes na gaganapin sa Divi-
sion Office.
TINANGGAP NG MGA MAG-
aaral ng Iyosan Elementary
School ang ayuda na ibinigay ng
National Council of Churches in
the Philippines o NCCP noong
nakaraang Setyembre 12, 2014.
Pinangungunahan nina
Bb. Maritess S. Arancina, Punong
-guro at Rev. Dolores Cabasan,
Pastor ng UCCP ang pamimigay
sa mga school kits (binubuo ng
bag na may 3 malaking note-
books, color, mga lapis, eraser,
ruler, at gunting), at mga health
kits (binubuo ng sabon, tooth-
paste, mga band-aid, toothbrush,
suklay, nail cutter at tuwalya) sa
mga mag-aaral. Kasama din si
Hon. Teddy Besoyo sa pamama-
hagi sa mga naturang ayuda.
May ibinigay ding mga
sabon panlaba at pampaligo, sani-
tary napkins at panty liners,balde,
toothpaste, toothbrush, at tuwalya
para sa mga mag-aaral. Nagpa-
pasalamat naman ang mga mag-
aaral at ang kanilang mga magu-
lang sa mga natanggap nilang
maagang pamasko. May mga
kagamitan din sa kusina na ibi-
nigay para sa ating paaralan at
anim na kahon ng mga aklat para
sa Ikatlo, Ikalima at Ikaanim na
Baitang.
Ito ang kauna-unahang
tulong na natanggap ng ating mga
mag-aaral mula sa pribadong
sektor. Ang programang ito ay
naisakatuparan dahil sa tulong ni
Rev. Mylen Kadusale, Pastor din
6 BALITA Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
ni Jun Mark Mosqueda
Si John Lloyd Paghid, hawak ang kanyang gawang Flower Arrangement. - Shaira
ni Mark Jester Calvez
Sina Bb. Maritess S. Arancina, Punong-guro at Rev. Dolores Cabasan, Pastor ng UCCP ang nanguna sa pamimigay ng tulong na natanggap mula sa National Council of Church-es in the Philippines o NCCP - Shaira
ng UCCP na nasa Tacloban
nakadistino.
MATAGUMPAY NA IDINA-
os ang ikalawang Induction of
Officers para sa ating mga opis-
yales sa iba’t ibang organisas-
yon ng ating paaralan noong
Oktubre 25, 2014 sa Iyusan So-
cial Hall.
Pinangungunahan ni
Hon. Vice-Mayor Henry Qui-
jano ang pag-iinduct sa ating
Gen. PTA Officers, samantalang
si Hon. Victoria A. Sabondo,
Kapitan ng Barangay, ang nag-
induct sa mga Homeroom Of-
ficers. Ang mga Supreme Pupils
Government Officers o SPG
naman ay si Hon. Teddy Besoyo
ang nag-induct.
Nagpasiklab ang mga
magulang, mag-aaral, Women’s,
Brgy. Officials at mga guro sa
kani-kanilang natatanging pre-
sentasyon. Tuwang-tuwa na-
man ang mga manonood sa
mga presentasyon na inihanda
ng bawat grupo.
Idinaos ang maikling
koronasyon pagkatapos ng
instant kuracha kung saan
itinanghal na reyna si Gng.
Rosalie Ejorcadas at appointed
hari naman si G. Marvin
Sadoguio. Si Gng. Anabel
Sabornido naman ang nakakuha
sa Unang Pwesto na sinundan
nina Gng. Dina Paghid, Gng.
Genalyn Catandijan, Gng. Jen-
nelyn Lambit, Gng. Daisy
Presente at Gng. Genalyn Sesdoy-
ro, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nagtapos ang Induction
of Officers sa pamamagitan ng
Royal Dance ng mga kandidata
na sinundan ng non-stop na saya-
wan.
7 BALITA Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
ni Licette A. Ibañez
ni Emerson S. Candila
Si Hon. Vice-Mayor Henry Quijano (sa kanan) habang nag-iinduct sa mga Gen. PTA Officers na sina Hon. Irma Sumalinog, Hon. Daylinda Cañete, Gng. Lucil Ibañez, Gng. Daisy Presente, Gng. Estrella Pecajas, Gng. Ejorcadas, at G. Jimmy Santolorin- Shaira
MATAGUMPAY NA NAI-
panalo ng ating mga manlalaro
ang kani-kanilang mga kategorya
sa larangan ng isports sa
nakaraang District Meet Na
ginanap noong Oktubre 1-2, 2014
sa Almeria Central School.
Ang mga atleta ng ating
paaralan na pasok sa Provincial
Meet ay sina Aldrin Valderosa,
Sarnor Inting at Gerwin Ponso
para sa Athletics; sina John Lloyd
Paghid, Christal Shaira Calvez at
Jackelyn Pecajas naman sa swim-
ming.
Ang mga atletang ito ay
sasabak sa nalalapit na Provincial
Meet na gaganapin sa Nobyembre
20-22, 2014. Samantala ang con-
centration naman para rito ay
isasagawa sa Nobyembre 18-19,
2014 sa parehong lokasyon kung
saan ginanap ang mga naturang
laro. Ang mga kandidata kasama ang mga Brgy. Officials. Nakatayo mula sa kaliwa: Hon. Teddy Besoyo, Hon. Irma Sumalinog, Hon. Victoria Sabondo, Hon. Lito Sumaya, Gng. Rebecca Calvez, Hon. Ernesto Pecajas, Hon. Daylinda Cañete at Hon. Florida Besoyo. Mga nakaupo mula sa kaliwa: Gng. Genalyn Sesdoyro, Gng. Jennelyn Lambit, Gng. Dina Paghid, Gng. Rosalie Ejorcadas (Reyna) , G. Marvin Sadoguio (Hari), Gng. Anabel Sabornido, Gng. Genalyn Catandijan at Gng. Daisy Presente. -Shaira
Updates
MATAGUMPAY NA NAIPA–
sok nina Christal Shaira T.
Calvez, Ikalimang Baitang at
Deniel Jefferson Garciano,
Ikaanim na Baitang ang kanilang
mga kategorya sa nakaraang Di-
vision School Press Conference o
DSPC na ginanap sa Caibiran
Central School, Caibiran, Biliran
noong Nobyembre 13-15, 2014.
Nanalo si Christal Shaira
T. Calvez ng ikalawang pwesto
sa Photojourn Filipino saman-
talang nakuha naman ni Deniel
Jefferson Garciano ang ikaapat
na pwesto sa Editorial Cartoon-
ing English.
Top 4 lamang ang
kinuha na makakapasok sa
RSPC. Kabilang sila sa mga de-
legado ng ating sangay na pu-
punta sa Regional School Press
Conference na gaganapin sa
Dolores, Eastern, Samar sa Disy-
embre 4-7, 2014.
Kasama nina Shaira at
Deniel sa DSPC sina Dean An-
drei P. Velarde at Ellen Shane
Cezar sa Ikalimang Baitang at
John Lloyd Paghid, Ikaanim na
Baitang.
MARAMI ANG NANGA-
ngamba sa nakaraang bagyong
Ruby na dumaan sa Biliran noong
nakaraang Disyembre 5-6, 2014.
Sinira ng naturang bagyo
ang ating gazebo sa Ikalima at
Ikaanim na Baitang. Nasira rin
ang mga flasher sa Ikalima at
Ikalawang Baitang. Marami din
ang nasiraan ng kani-kanilang
bahay dahil sa naturang bagyo.
Hindi man kasinlaki ng
pinsala ni Bagyong Yolanda ang
bagyong Ruby, marami pa rin
itong pinsalang nagawa. Kaya
dapat na lagi tayong maging han-
da sa lahat ng sakuna.
ISA ANG ATING PAARALAN
sa dumalo sa nakaraang Centen-
nial Jamboree na ginanap sa Cebu
City noong Nobyembre 7-12,
2014 na dinaluhan nina Junmark
Mosqueda, Ikaanim na Baitang at
Gng. Rowena Matugas, guro sa
Ikatlong Baitang.
Pinangungunahan ni
Bise Presedente Jejomar Binay
ang naturang aktibidad kung saan
hindi bababa sa sampung libo ang
dumalo na mula pa sa iba;t ibang
panig ng bansa. Dumalo rin sa
naturang okasyon ang ating Kon-
gresista na si Cong. Rogelio J.
Espina.
Isinabak naman ang
ating mga partisipante sa iba’t
ibang pagsasanay sa scouting ga-
ya ng Scout Law Relay, Team
Building, Back to Basics, Obsta-
cle Course at Learn a Trade.
8 BALITA Ang Kronika Volume 5, Issue 1 Hunyo - Disyembre 2014
ni John Lloyd Paghid
Si Christal Shaira T. Calvez hawak ang kanyang sertipiko bilang 2nd Place Photo-journ Filipino sa DSPC 2014. - CSTC
ni Mark Jester Calvez
Greetings!!! Congratulations sa lahat ng mga win-
ners ng ating paaralan.
- Fr. Teachers
Binabati ko po si Ate Christal Shai-
ra sa kanyang panalo sa nakaraang
DSPC sa Caibiran.
- Fr. Sisters
Maraming salamat po sa lahat ng
tumulong sa amin para sa Regional
Schools Press Conference.
- Shaira at Deniel
Provincial Meet Updates
PASOK ANG ILAN SA ATING
mga atleta para sa EVRAA Meet
matapos na manalo sa nakaraang
Provincial Meet na ginanap noong
Nobyembre 20-22,2014 sa Naval
School of Fisheries.
Sila ay sina Gerwin
Ponso at Sarnor Inting sa Athletics
at si John Lloyd Paghid naman sa
Swimming. Sasabak sila sa EV-
RAA Meet sa Pebrero sa susunod
na taon.
ni Rami Gyle Kaagbay Ang mga evacuees habang naglilinis sa plasa ng paaralan pagkaraang ng bagyong Ruby. - CSTC
Bagyong Ruby Updates