Upload
jaq-montales
View
1.228
Download
59
Embed Size (px)
DESCRIPTION
filipino
Citation preview
BAHAGI NG PANANALITA
PangngalanPanghalipPandiwaPang-uriPang-abayPantukoyPangatnigPang-ukolPang-angkopPandamdam
PANGNGALAN
Kahulugang Pansemantika : Ang pangngalan ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atb.
Balarilang Tradisyunal: Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atb.
MGA HALIMBAWA:
1. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao
Mando ama guro
Bong anak manananggol
2. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop
Tagpi aso tandang
Muning pusa katyaw
3. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay
Mongol lapis pagkain
Bagong Balari- aklat laruan
lang Filipino
4. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook
Pilipinas lungsod kaparangan
Bundok ng Apo bundok Kamaynilaan
5. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian
bait kabaitan pagkamabait
tapang katapangan pagkamatapang
6. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
kasalan pulong
pag-aaway suntukan
Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.
Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.
Halimbawa:Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na
matiyaga.Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng
mga magulang.Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin
ng magulang sa anak.
Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.
HALIMBAWA:
ang mga anakng mga anak sa mga anak nina Mariakina Mariasina Maria
MGA KLASIPIKASYON
NG PANGNGALAN
Mga Uring Pansemantika
1. Pangngalang Pantangi : ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa: Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng
na Tao
Miguel Bb. Luz de Guzman
Carisa Dr. Villaroman
Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng ng Iba’t Ibang Uri ng Hayop
Tagpi Spot
Muning Brownie
Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng
Iba’t Ibang Bagay
Bic Bagong Balarilang Filipino
Mongol Magasing Panorama
Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Pook
Talon ng Maria CristinaIlog Pasig
Bundok ng Makiling Baguio
Mga Pangngalang Partikular na Pangyayari
Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975
Unang Pambansang Kilusan sa Pagpaplano ng Pamilya
2. Pangngalang Pambalana : ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa.
Halimbawa:
Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng
Tao
bata guro
lalaki abogado
Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Hayop
aso baka
pusa insekto
Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Bagay
lapis radyo
bahay relo
Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pook
ilog bulubundukin
kapatagan lungsod
Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Pangyayari
sayawan kantahan
gulo banggaan
ISA PANG PAG-UURING
PANSEMANTIKA NG PANGNGALAN
1.TAHAS : ANG PANGNGALANG HINDI TUMUTUKOY SA BAGAY NA MATERYAL.
Halimbawa:
tao puno pagkain
hayop gamut kasangapan
DALAWANG URI NG TAHAS
Palasak : ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Halimbawa:
buwig hukbo tumpok
kumpol lahi tangkal
Di- Palasak : ay tumutukoy lamang sa ga bagay na isinasaalng-alang nang isa-isa.
Halimbawa :
saging sundalo kamatis
bulaklak tao manok
MGA URI NG PANGKAYARIAN
1. PANGNGALANG PAYAK : KUNG ITO AY ISANG SALITANG UGAT LAMANG
Halimbawa:
asin balak
bunga diwa
2. PANGNGALANG MAYLAPI O HINANGO : KUNG BINUBUO ITO NG SALITANG-UGAT AT PANLAPING MAKANGAAN.
Halimbawa:
kaklase pagbasa
kabuhayan dinuguan
3. PANGNGALANG INUULIT : KUNG ANG KABUUAN NITO O BAHAGI NITO AY INUULIT.Dalawang Paraan ng Pag-uulit
Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal ay yaong bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit.
Halimbawa:
bali-balita dala-dalawa
sali-salita bali-baligtad
Pag-uulit na Ganap : pag-uulit sa buong pangngalan.
Halimbawa:
kuru-kuro buhay-buhay
bayan-bayan sabi-sabi
2. PANGNGALANG TAMBALAN : BINUBUO NG DALAWANG MAGKAIBANG SALITANG PINAG-ISA
Dalawang Uri ng Pagtatambal ng Pangngalan
1. Malatambalan o Tambalang Di- Ganap : yaong nananatili ang kahulugan ng pinagsasamang salita.
Halimbawa:
balikbayan dalagang-bukid (tao)
alay-kapwa bahay-kalapati
2. Tambalang Ganap : yaong nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga pinagtatambal na salita.
Halimbawa:
kapitbahay hampaslupa
bahaghari dalagambukid (isda)
MGA KAKANYAHAN NG PANGNGALAN
1. KAUSAPAN O PANAUHAN NG PANGNGALAN : ANG NAGSASABI KUNG ANG PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA TAONG NAGSASALITA, TAONG KUMAKAUSAP, O TAONG PINAG-UUSAPAN.
Halimbawa :
Ako si Don Diego.
Ikaw si Don Diego.
Siya si Don Diego.
2. KAILANAN NG PANGNGALAN : NALALAMAN NATIN KUNG ANG PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA ISA, DALAWA O HIGIT PANG TAO, HAYOP, BAGAY, POOK, O PANGYAYARI. ITO AY MAAARING ISAHAN, DALAWAHAN, MARAMIHAN O LANSAKAN.
Halimbawa:
Isahan : kapatid
Dalawahan : kambal
Lansakan : kawan
3. KASARIAN NG PANGNGALAN : PANGNGALANG MAY SEKSO AT WALANG SEKSO.
Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian
Mga Pangngalang may Kasarian
Tiyak na Kasarian
Panlalaki
Pambabae
Di-tiya na Kasarian
Mga Pangngalang Walang Kasarian
HALIMBAWA:
Mga Pangngalang Tiyak na PanlalakiMario kuyaGinoong Ramos tandangDon Jose ninong
Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae
Maria Ana ateGng. Ramos dumalagaDonya Perez ninang
Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian
estudyante kapatid
guro manok
manananggol kalabaw
Mga Pangngalang Walang Kasarian
Bibliya diwa
Bulking Mayon aklat
Maynila laro
4.KAUKULAN NG PANGNGALAN : ANG TAWAG SA KAKANYAHAN NG PANGNGALANG NAGPAPAKITA NG GAMIT NITO SA PANGUNGUSAP
Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan:
1. KAUKULANG PALAGYO : KUNG GINAGAMIT ITONG SIMUNO, PAMUNO SA SIMUNO, PANGNGALANG PATAWAG, KAGANAPANG PANSIMUNO, O PAMUNO SA KAGANAPANG PANSIMUNO.
Halimbawa:
• Simuno gamit ang pangngalan
Si Rizal ay Dakilang Malayo
• Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan
Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.
• Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan
Carisa, alagaan mo si Choy.
• Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan
Si Mabini ay Dakilang Lumpo.
• Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan
Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.
2. KAUKULANG PALAYON : ANG PANGNGALAN KUNG GINAGAMIT NA LAYON NG PANDIWA O LAYON NG PANG-UKOL O KUNG PAMUNO SA ALINMAN SA DALAWA.
Halimbawa:
• Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan.
Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran
• Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalanIbigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos
ang para sa Diyos.
• Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan
Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.
• Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan
Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.
PANGHALIP
Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa ngalan.
Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong- anyo.
1. MGA PANGHALIP NA PANAO : AY PANGHALILI SA NGALAN NG TAO.
Uri ng Panghalip
Panauhan Anyong ang (palagyo)
Anyong ng (paukol)
Anyong sa (paari)
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya kanya
Dalawahan
Una *(kata)Kita, tayo
*(nita)Natin
*(kanita)Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Una Kami Naming Amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
2. MGA PANGHALIP NA PAMATLIG : HUMAHALILI SA SA NGALAN NG TAO, BAGAY, ATB. NA ITINUTURO O INIHIHIMATON.
I. Pronominal
Anyong ang (Paturol)
*ire (ibang anyo : yari)
ito
iyan (ibang anyo : yaan)
iyon (ibang anyo : yaon)
Anyong ng (Paari)
*nire (ibang anyo : niyari)
nito
niyan
noon (ibang anyo: niyon, niyaon)
Anyong sa (Paukol)
*dine
dito
diyan
doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun
III. Patulad
*ganire
ganito
ganyan
ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Palunan
*narini (ibang anyo : nandini)
narito (ibang anyo : nandito)
nariyan (ibang anyo : nandiyan)
naroon (ibang anyo : nandoon)
3. PANGHALIP NA PANAKLAW : SUMASAKLAW SA KAISAHAN, DAMI, O KALAHATAN NG TINUTUKOY.
Halimbawa:
isa anuman magkanuman
iba alinman kuwan
balana sinuman
lahat ilanman
tanan kailanman
madla saanman
pawa gaanuman
4. PANGHALIP NA PANANONG : YAONG MGA PANGHALILI SA NGALAN NG TAO, BAGAY, ATB. NA GINAGAMIT SA PAGTATANONG.
Halimbawa:
Isahan Maramihan
sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
ilan ilan-ilan
PANDIWA
Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.
Kayarian ng Pandiwa
Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.
Kaganapan ng Pandiwa
Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.
Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwakaganapang tagaganapkaganapang layonkaganapang tagatanggapkaganapang ganapankaganapang kagamitankaganapang sanhikaganapang direksyunal
MGA POKUS NG PANDIWA
1. kaganapang tagaganap - panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa
Halimbawa : Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
–Kumain ng suman at manggang hinog ang
bata. (Ang bata ay kumain ng suman at manggang
hinog.)
2. kaganapang layon - panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa
Halimbawa : Kinain ng bata ang suman at manggang
hinog. –Kumain ng suman at manggang hinog ang
bata.(Ang suman at manggang hinog ay kinain
ng bata.)
3. kaganapang tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan
kong nagbalikbayan. –Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan
kong nagbalikbayan.(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili
ko ng ilaw na kapis.)
4. kaganapang ganapan - panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa
Halimbawa:Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming
katulong. –Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong
ang bakuran.(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng
aming katulong.)
5. kaganapang kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa
Halimbawa:Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa
pamamagitan) ng basahang malinis. –Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang
basahang alinis.(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko
ng mga kasangkapan.)
6. kaganapang sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa
Halimbawa:Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit
ng opyo. – Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit
ng opyo.(Ang labis na paghithit ng opyo ay
ipinagkasakit niya.)
7. kaganapang direksyon - panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa
Halimbawa:Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin
kong kabilang sa Peace Corps. – Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing
kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng
aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)
MGA ASPEKTO NG PANDIWA
Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.
1. ASPEKTONG PANGNAKARAAN O PERPEKTIBO : KILOS NA NASIMULAN NA AT NATAPOS NA.
Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraanmagsaliksik nagsaliksikmanghakot nanghakotmaunawaan naunawaanumunlad umunladalatan inalatansabihan sinabihanmatamaan natamaan
2. ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS : KILOS NA KAYAYARI O KATATAPOS LAMANG BAGO NAGSIMULA ANG PAGSASALITA.
Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Katatapostumula katutulauminog kaiinogmasulat kasusulatmakalibot kalilibotmakaamin kaaaminmaglakbay kalalakbay
3. ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN O IMPERPEKTIBO : KILOS NA NASIMULAN NA NGUNIT DI PA NATATAPOS AT KASALUKUYAN PANG IPINAGPAPATULOY.
Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Pangkasalukuyanmagsaliksik nagsasaliksikmanghakot nanghahakotumunlad umuunladalatan inaalatansabihan sinasabihanpagtawanan pinagtatawanan
4. ASPEKTONG PANGHINAHARAP O KONTEMPLATIBO : KILOS NA HINDI PA NASISIMULAN.
Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Panghinaharap magsaliksik magsasaliksik maghakot maghahakot umunlad uunlad yumuko yuyuko alatan aalatan sabihan sasabihan pagtawanan pagtatawanan
PANG-URI
GAMIT NG PANG-URI
1. Panuring Pangngalan
Mararangal na tao ang pinagpapala.
Panuring Panghalip
Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.
3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
Mga madasalin ang mga Pilipino.
KAYARIAN NG PANG-URI
1. Payak : kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.
Halimbawa : Maiinit ang ulo ng taong gutom.Huwag kang makipagtalo sa sinumang
galit.
2. Maylapi : kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Halimbawa :kalahi kaygandamataas makataomalahininga
3. Tambalan : kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.
Halimbawa :Karaniwang Kahulugantaus-puso biglang-yamanbayad-utang hilis-kalamay
Patalinghagang Kahulugankalatog-pinggan ngising-buwayabulang-gugo kapit-tuko
KAILANAN NG PANG-URI
May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.
Halimbawa:Kalahi ko siya. (Isahan)Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)
KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI
IBA’T IBANG ANTAS NG KASIDHIAN ANG PANG-URI:
1.Lantay o Pangkaraniwan – karaniwang anyo ng pang-uri tulad ng mayaman, pang-araro, palabiro, atb.
2. Katamtamang Antas – naipapaita ito sa paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti atb., o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.
Halimbawa :Medyo hilaw ang sinaing.Labis nang bahagya ang pagkain.Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni
Aling Maria.
3. Pinakamasidhi – naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita, paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at kay- ; at sa paggamit ng salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, atb.
Halimbawa :Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.Talaga naming napakalinis ngayon ng Rizal
Park.