30
1

Bagong Istasyon Ng Krus

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Bagong Istasyon Ng Krus

Citation preview

Page 1: Bagong Istasyon Ng Krus

1

Page 2: Bagong Istasyon Ng Krus

2

Ang Bagong

DAAN ng KRUS

PAGHAHANDA

Awit: Buksan ang Aming Puso

Buksan ang aming puso, turuan Mong mag-alab Sa bawat pagkukuro, lahat ay makayakap. Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag

Nang kusang matangkilik tungkuling nabanaag Buksan ang aming palad, sarili’y maialay

Tulungan Mong ihanap kami ang bagong malay.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. S. Amen. Panginoong Hesus, pinupuri ka namin at pinasasalamatan sa ginawa mong mga paghihirap para sa amin. Nawa’y sa pagsasagawa namin ng Via Crusis na ito ay lubos naming maunawaan at maramdaman din ang naramdaman mo. Sa pagtanaw ng utang na loob sa ginawa mong ito, pinagsisihan namin ang aming mga kasalanan. Batid namin ang iyong dakilang pagmamahal sa amin. Dahil sa pag-ibig mo, kami ay buong pusong nagsisisi sa mga salang nagawa namin, dahil ang lahat ng ito ay labag sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo, ang kordero ng bago at walang hanggang tipan. Amen.

Page 3: Bagong Istasyon Ng Krus

3

Unang Istasyon ANG HULING HAPUNAN N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (1 Cor 11:23-26) Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking

katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”

Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

Pagninilay Ang larawan ng Huling Hapunan ang naghahanda sa atin upang harapin ang hirap at sakit ng Krus patungo sa luwalhati ng pagkabuhay. Ang sakripisyo ni Hesus sa Krus ay ang sakripisyo sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya ang nagbibigay lakas sa atin habang pinapasan natin ang mga krus ng ating buhay at nagdudulot sa atin ng pag-asa para sa hinaharap. Sinusubaybayan natin ang landas ni Kristo, at sasaksihan natin ang kanyang pagkilos mula sa kanyang pakikipag-kapwa sa kanyang mga kaibigan hanggang sa kanyang pag-iisa at kalungkutan sa kanyang kamatayan patungo sa tagumpay at ligaya ng Pagkabuhay.

Page 4: Bagong Istasyon Ng Krus

4

Panalangin Makapangyarihang Ama, noong gabi bago siya ipagkanulo, ipinakita ng Iyong Anak sa Kanyang mga alagad kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila. Ang banal na eukaristiya ang tanda at patunay ng di mawawalit na pag-ibig at pangako ng buhay na daratnat namin sa langit. Tulutan mo na sa biyaya ng iyong Diwang banal kaming nadiriwang ng mga misteryo ni Kristo sa lupang papanaw ay mapakinabang sa hapag ng masaganang buhay sa bayang aming ngayong tinatanaw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo, ang kordero ng bago at walang hanggang tipan. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikalawang Istasyon SA HALAMANAN NG GETSEMANI N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Lu 22: 39-45) Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama

ang mga alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya

Page 5: Bagong Istasyon Ng Krus

5

pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati. Pagninilay Sa katauhan ni Kristo ng Getsemani na nakikibaka at puno ng hapis, nakikita natin ang ating mga sarili tuwing dumaraan din tayo sa gabi ng sakit, ng pagkawalay sa mga kaibigan, ng katahimikan ng Diyos. Sinasabi na “si Hesus ay maghihirap hanggang sa wakas ng panahon: hindi tayo pwedeng magtulug-tulugan ngayon, sapagkat naghahanap siya ng kasama at karamay” (Blaise Pascal, Pensees, No. 555, ed. Brunswieg) tulad ng ilan sa atin na naghihirap dito sa lupa. Sa kanya rin natin makikita ang ating mga mukha, kapag ito ay basa ng luha at hinahagupit ng suliranin. Ngunit ang pakikibaka ni Hesus ay hindi nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pagsuko, bagkus nag-uudyok para sa isang pagpapahayag ng pagtitiwala sa Ama at sa kanyang plano. Sa tagpong ito ng buhay ni Hesus, tanging ang panalanging “Ama Namin” ang ipinapaalala sa atin ni Hesus: “Manalangin kayo nang huwag madarang sa tukso... Huwag ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang masunod.” At dumating ang anghel ng aliw at kalakasan na tumulong kay Hesus na magsikap hanggang sa huling yugto ng kanyang pakikipamayan sa atin. Panalangin Ama naming mapagmahal, tinanggap ng iyong Anak ang pagtupad ng iyong kalooban. Sa isang hardin unang naganap ang kasaysayan ng pagsuway ng aming mga unang magulang, sa hardin din matatapos ang kasaysayan ng kasamaan sa buong pusong pagtaima ng Anak ng Kadakilaan. Tulutan mo kaming mapuspos ng lakas ng banal na Espiritu upang aming sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong Aming tagapagligtas. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Page 6: Bagong Istasyon Ng Krus

6

Ikatlong Istasyon SI HESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mc 14: 60-64. 15: 1) Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang

Mesisyas, ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi, “Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan. Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. Pagninilay Naudyukan ng opinion ng marami, kumakatawan si Pilato sa ugali ng karaniwa na sa ating lipunan ngayon: kawalan ng interes, pakialam at pagiging makasarili. Upang makaiwas sa panganib, kadalasang handa ang marami sa atin na yapakan at hamakin ang katotohanan at katarungan. Ang pag-uugaling ito ang nagpapamanhid sa ating konsensiya, kumikitil sa pagsisisi, at dumudungis sa pag-iisip. Ang kawalan ng pakialam ang unti-unting pagkamatay ng tunay na pagpapakatao.

Page 7: Bagong Istasyon Ng Krus

7

Sa paghatol ni Pilato nasaksihan natin ang masamang dulot ng kawalan ng pakialam. Katulad ng sinasabi ng mga Romano noong una, ang mali at walang pakialam na katarungan ay tulad ng sapot ng gagamba na bumibitag at pumapatay sa mga insekto, ngunit nakakayang sirain ng mga ibon sa lakas ng hagupit ng kanilang bagwis. “Si Hesus, tulad ng mga mababa sa daigidig na ito, walang kapangyarihang magsalita, ay nabitag. At katulad ng ating nakagawian, si Pilato ay nakatingin sa malayo, naghugas ng mga kamay at bilang pagpapalusot ay nagtanong: “Ano ang katotohanan?” Panalangin Ama naming mapagmahal, iniharap ang Hari ng mga hari sa hamak na kinatawan ng pinuno ng Roma. Ang isa ay makasarili at walang pakialam sa katotohanan at ang isa, na siyang katotohanan, ay hinatulan upang maligtas ang bayan sa kapahamakan. Ipagkaloob mong isabuhay namin ang katotohanang magpapalaya sa amin upang ang aming mga buhay ay maging marapat na handog sa iyong dambana hanggang kami’y magsipag-alay ng walang patid na papuri. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo ang dakilang kataas-taasang pari. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikaapat na Istasyon ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPAPATONG NG KORONANG TINIK N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mt 27:22-30, passim) Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay

Page 8: Bagong Istasyon Ng Krus

8

Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!” At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Pagninilay Si Hesus ay hinamak tulad ng isang batang tinutuya sa paglalaro ng hari-harian. Ngunit ang katotohanan, ang tinutuya ay tunay na Hari na ang dulot ay kaligtasan. Tulad ng sinasabi ni Mateo sa kanyang Ebanghelyo (25:31-46), darating muli ang Hari ng mga hari at hahatulan ang lahat ng mga nagpapahirap, at titipunin niya sa kaluwalhatian, hindi lamang ang mga pinahirapan, bagkus pati na rin ang mga dumalaw sa piitan, nagpagaling sa mga sugatan, nagpakain sa mga nagugutom, nagpainom sa mga nauuhaw, at iba pa. Ngunit ngayon, ang mukha na nagbagong-anyo at naliwanag sa Tabor ay puno na ng mga pasa at sugat; Siya na “larawan ng kaluwalhatian ng Diyos” ay niyurakan at nawalan ng dangal. Ang lingkod ng Panginoon ay itinalikod at sinugatan ng latigo habang ang nagdurugong mukha ay pinaglulurhan. Sa Kanya, sa Diyos ng luwalhati, ang kahinaan ng bawat nilalang ay nahahayag. Sa Kanya, ang Manlilikha ng daigdig, nagkaroon ang bawat nilalang ng boses. Panalangin Ama naming lumikha, sa lahat ng nilikha, ipinutong mo ang korona ng pamamahala sa taong iyong nilalang ayon sa iyong sariling larawan. Pinalitan namin ang iyong kagandahang loob ng koronang tinik at malupit na hagupit para sa iyong anak na sa ami’y nagpakasakit. Tulutan mong aming marinig ang hibik ni Hesus sa kapwa naming nananabik, nang katarungan at pagpapatawad sa lahat ng naaapi, ang bagong buhay at

Page 9: Bagong Istasyon Ng Krus

9

paghilom ay madaling sumapit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming dakilang hari. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikalimang Istasyon ANG PAGTANGGAP SA KRUS N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mt 27:31) Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos ay inilabas siya upang ipako sa krus.

Pagninilay Sa tagpong ito nagsisimula ang daan na ginugunita natin ngayon, ang Daan ng Krus na patungo sa bundok ng pagpapakasakit. Unti unting binabagtas ni Hesus ang daan. Duguan at nanlulupaypay ang katawan niyang buhat-buhat ang bigat ng Krus. Ayon sa tradisyon, tatlong beses nadapa si Hesus. Sinasalamin nito ang walang-hanggang kuwento ng mga kalalakihan at kababaihan na nakagapos sa gutom at kahirapan: mga mahihinang mga kabataan, mga matatanda at may sakit, ang mahihina at mahihirap, sila na tila ba ninakawan ng kalakasan at pangarap. Ang hirap na binagtas ni Hesus at ang kanyang ilang ulit na pagkadapa ay naglalaman din ng mga kuwento ng mga taong nag-iisa at nalulumbay, mga taong hindi binibigyan ng pagpapahalaga ng lipunan. Kay Kristo, pasan ang bigat ng Krus, makikita natin ang sangkatauhang tinawag ni Propeta Isaias na “daraing mula sa lupa, maririnig mo ang iyong tinig na makakapangilabot, nakakatakot na parang tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok.”

Page 10: Bagong Istasyon Ng Krus

10

Panalangin Ama naming makapangyarihan, pinasan ng iyong anak ang krus na dapat sa amin nakalaan. Sa aming pagbuhat ng aming mga Krus, kami’y bigyan ng lakas at tibay ng loob. Tulutan mong sa pagsubok ay maging tila matibay na moog, lagi nawang bukas ang puso tulad ng dakilang mananakop. Matutunan nawa namin na ang Krus ay hindi isang hadlang, bagkus ang hagdan tungo sa buhay na walang hanggan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming tinutularan. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikaanim na Istasyon ANG PAGKASUBASOB NI HESUS N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Isaias 53:4-6) “Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mag karamdaman. Subalit

inakala nating iyo’y parusa ng Diyos sa Kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yaweh sa Kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap. Pagninilay Sa atin pag-iisip, kailanman ay hindi madarapa ang Diyos. Ngunit sa pagkakataong ito, nasubasob si Hesus. Bakit? Hindi

Page 11: Bagong Istasyon Ng Krus

11

ito tanda ng kahinaan; ito ay tanda ng labis-labis na pagmamahal para sa atin. Ang pagkasubasob ni Hesus sa bigat ng Krus ay nagpapa-alala sa atin na ang kasalanan ay mabigat na pasanin. Ang kasalanan ang napapababa at susira sa atin. Ang kasalanan ang nagpaparusa at nagdudulot ng kasamaan sa atin. Ang kasalanan ay masama! Sa kabila ng lahat, mahal parin tayo ng Diyos at ninanais niya na tayo ay mapabuti. Ang Kanyang pag-ibig ang nag-uudyok sa kanya na isigaw sa mga bingi, sa atin na hindi marunong making: “Talikdan ang kasalanan sapagkat ito ang sumisira sa iyo! Ninanakaw nito ang kapayapaan sa iyo, ang ligaya sa iyo; inihihiwalay ka nito sa buhay.” Panalangin Ama naming mahabagin, bumagsak ang iyong Anak sa bigat ng kanyang pinapasan ngunit muli siyang bumangon upan kalooban mo ay sundan. Huwag nawa kaming susuko sa pagsubok na aming dinaraanan bagkus ay maging masigasig upang landas mo’y masundan. Sa aming kahinaan ang lakas mo ang aalalay, sa aming pagkaligaw kamay mo ang siyang gabay. Hinihiling namin ito Kay Kristong para sa amin ay nagsumikap. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikapitong Istasyon TINULUNGAN SI HESUS NI SIMON CIRENEO N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mc 15:21) Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon

Page 12: Bagong Istasyon Ng Krus

12

na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. Pagninilay Ang Diyos ay patuloy na naghihintay sa atin sa daan ng buhay. Kung minsan, kumakatok siya sa ating pintuan at humihiling na makibahagi sa ating hapag. Kung minsan, nakakasalubong natin siya, tulad ni Simon na taga-Cirene, at ito’y nagiging daan tungo sa pagbabagong uhay natin. Ito marahil ang dahilan kung bakit pinangalanan ni Marcos ang mga anak ni Simon na sina Alexander at Rufo, mga Kristiyano. Ito ay upang ipakita sa atin ang biyaya ng pagbabago na tinanggap ni Simon sa ‘di inaasahang pagkasalubong niya sa Panginoon: ang biyaya ng pananampalataya. Si Simon ang kukatawan sa pasasama ng makalangit na biyaya at ng gawain ng tao. Sa huli, ipinakita sa atin ni Marcos ang isang tunay na alagad: “pinasan niya ang Krus ni Hesus.” Panalangin Ama naming mapagmahal, sa pagod ng Iyong Anak isang dayuhan pa ang umalalay. Tulutan mo kaming ngalan niya ang tinataglay ay maging handa ring umagapay sa lahat ng taong sa Iyo ay nawalay. Kapus man ang dila upang Ikaw ay pasalamata, tulutan mong Ika’y aming paglingkuran kapag kawa’y dinadamayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak sa lahat ay tumatanggap. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... Ikawalong Istayon KINAUSAP NI HESUS ANG MGA BABAING TAGA JERUSALEM N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Page 13: Bagong Istasyon Ng Krus

13

Pagbasa (Lu 23: 27-31) Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babain nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo? Pagninilay Hindi nangangahulugan na hindi pinansin ni Hesus ang mapagmahal na pananangis ng mga kababaihan, katulad ng kanyang pagkilala sa mga mabubuting gawa na kanyang tinanggap nang siya ay nangangaral pa. Sa pagkakataong ito, si Hesus pa ang nagpakita ng pagmamalasakit sa paghihirap na sasapitin ng mga “kababaihan ng Jerusalem.” Sa di kalayuan ay may naghihitay na unos na nanganganib na maminsala sa banal na lungsod. Ang mga tinig ni Hesus ay nakatuon sa makalangit na paghahatol na darating sa kasamaan at kawalan ng katarungan. Nababahala si Hesus sa dalamhati na sasapitin ng mga kababaihang ito sa oras na kumilos ang Diyos sa kasaysayan ng tao. Ngunit ang kanyang mga salita na naghuhudyat ng naiimbing lagim ay hindi nagdudulot ng paghihirap at kamatayan ayon sa propeta, bagkus pagbabago at buhay: “Lumapit kayo kay Yahweh at kayo’y mabubuhay... Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga, makikigalak pati mga binata’t matatanda, ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa, aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.” (Amos 5:6; Jer 31:13)

Page 14: Bagong Istasyon Ng Krus

14

Panalangin Ama naming makapangyarihan, pinayapa ni Hesus ang damdamin ng mga babaeng sa paghihirap niya ay nakiramay, hayaan mong pagaanin din namin ang kalooban ng mga taong aming kalakbay. Matanto nawa namin na ang tunay na kapahamakan ay ang mga taong bingi sa tawag ng kapwa at ang puso ay guwang. Ikaw nawa’y aming Makita sa kapwa naming hikahos at baon sa dusa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na kapayapaan ng lahat. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikasiyam na Istasyon SI HESUS AY INALISAN NG MGA DAMIT AT IPINAKO SA KRUS N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Lu 23: 33-35) Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila

sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa’t isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!”

Page 15: Bagong Istasyon Ng Krus

15

Pagninilay Sa ilalim ni Hesus na nakabayubay sa krus ay ang mga taong-bayan na nagkatipon upang masaksihan ang malagim na papapako sa krus. Sila ay tanawin ng kababawan, ng maling kuryosidad, ng paghahanap ng makapagpapasabik. Ito ay larawan na maihahalintulad din natin sa ating lipunan ngayon; isang lipunan na naghahanap ng makapagpapasabik sa kanila tulad ng isang droga na maaaring makapagpagising sa nanamlay na kaluluwa, sa namamanhid na puso, sa nagdidilim na pag-iisip. Sa ilalim ng krus, naroon din ang karahasan ng mga lider at kawal na sa kanilang katigasan ng puso ay may kakanyahan na bastusin ang paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng kanilang panunuya: “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!” Hindi nila batid na ang nakauuyam na panlilibak nila at ang titulo na nilagay nila sa taas ng krus – Ito ang Hari ng mga Hudyo – ay ang katotohanan. Subalit hindi bumaba si Hesus. Hindi niya hahayaan na nagbubulag-bulagang sumunod sa panghihimok na gumawa ng himala; gagawin lamang niya ito sa pamamagitan ng pananampalatayang malaya at pag-ibig na totoo. At sa nakapanghihilakbot na kahihiyang sinapit niya at sa kanyang kawalan ng kapangyarihan sa kamatayan, binuksan niya ang pinto ng luwalhati at buhay, at inihahayag ang kanyang sarili bilang Panginoon at Hari ng kasaysayan at daigdig. Panalangin Ama naming maawain, ibinuka ni Hesus ang kanyang kamay upang tanggapin ang mga pako na dapat ay para sa aming nagsisuway. Mga kamay na gumabay, nagbasbas at nagpagaling ngayo’y napapako upang kamtin ang kalayaan namin. Itulot mo ring aming maialay ang kamay naming bukas sa mabuting gawa, taglay habang kami ay nabubuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming manunubos. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Page 16: Bagong Istasyon Ng Krus

16

Ikasampung Istasyon ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Lu 23: 39-43) Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw na Mesiyas? Iligtas mo ang

iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” Pagninilay Umaalingawngaw sa ating mga puso ngayon ang kahilingan ng salarin: “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari na.” Tila ba ipinapaalala niya sa atin ang ating kahilingan: “Alagaan mo kami Panginoon.Huwag mo kaming pababayaan. Maging tunay na kaibigan ka namin na nakikinig at gumagabay sa amin!” Makabuluhan ang tugon ng nakapakong si Hesus: “ Isasama kita ngayon din sa Paraiso.” Sa orihinal na konteksto, ang Paraiso ay naglalarawan sa atin ng malago at mabungang hardin. Ito ay naglalarawan sa paghahari ng liwanag at kapayapaan na ipinarangal ni Hesus. Ito ang hantungan ng ating pagpapagal sa kasaysayan, ito ang kaganapan ng buhay natin sa kasaysayan. Ito ang huling kaloob ni Hesus na bunga ng kanyang sakripisyo sa krus na nagbubukas sa atin tungo sa luwalhati ng pagkabuhay.

Page 17: Bagong Istasyon Ng Krus

17

Panalangin Ama naming mapagkalinga, pangako mo ay nakatutuwa, bagong buhay sa nagkasala, paraiso sa nagpapakumbaba. Makita nawa namin sa hamak na magnanakaw na ang langit ay makakamit din, maging ng mga dating mga hanap ay layaw. Ituro mo sa amin ang landas ng pagbabago, mamuhay ng marapat, isuko ang buhay para kay Kristo. Upang pagkaparam ng lupang aming ginagalawan, makamtan din namin ang pangakong binitawan. “ Sinasabi ko sa iyo ngayon di’y isasama kita sa paraiso.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatawad sa lahat ng tao. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikalabing-Isang Istasyon SI MARIA AT JUAN SA PAANAN NG KRUS N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Jn 19: 25-27) Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid

nitong na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay. Pagninilay Si Maria ay muling naging isang ina. At ang kanyang mga anak ay ang mga taong tulad ng “minamahal na alagad”, ang lahat ng sumusukod sa mantel ng mapanligtas na biyaya ng Diyos ang sumusunod kay Kristo na puno ng pananampalataya at pag-

Page 18: Bagong Istasyon Ng Krus

18

ibig. Sa mga sandaling ito, hindi na nag-iisa si Maria. Siya ay magiging Ina ng Simbahan na binubuo ng iba’t ibang lahi sa iba’t ibang panahon. Kasama siya, tayo ay patuloy na maglalakbay sa buhay na ito. Panalangin Ama naming lumilingap sa lahat, aming makikita sa paanan ng krus ng iyong Anak, kanyang inang ginigiliw at minamahal na alagad. Bagaman nagdurusa sa hapis ay sagana, di sila lumisan, di natakot sa nakita. Bagkus isinama sa puso nila at kaluluwa, sa pag-aalay ng iyong Anak na siyang tutubos sa sala. Iyong marapatin na amin ding marating ang antas ng pag-ibig ni Mariang ina rin namin. Sa pangangalaga ni Apostol Juan, kami nawa’y lumingap din sa aming inang bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng anak ni Maria ang aming Panginoong Hesukristo. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... Ikalabing-Dalawang Istasyon ANG PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Lu 23: 44-46) Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno

ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y

Page 19: Bagong Istasyon Ng Krus

19

ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. Pagninilay Kahit sa tayog ng krus, habang inihihinga ni Hesus ang kanyang huling hininga, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa sandaling ito, ang lahat ng makalupang karanasa ng paghihirap at kamatayan ay aakuin ng Diyos. Ito ay paniningningin ng walang-hanggan, ang binhi ng pangako ng buhay na walang hanggan ay ipapaloob dito at mangingibabaw. Bagaman isang trahedya ang kamatayan, ito ngayon ay nagkaroon ng bagong mukha: ito ngayon ay may mga mata na natutulad sa ating Ama sa langit. Ito ang dahilan kung bakit sa huling yugto ng kanyang hininga, nawika ni Hesus: “Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu!” Akuin din natin ang panawagang ito; ang panawagan na winika sa atin sa tula ng isang manunula: “Ama, hayaan mong ang mga daliri mo ang magpapikit sa aking mga mata. Ikaw na aking Ama, masdan mo ako tulad ng isang Ina na nasa tabi ng kanyang nahihimbing na anak. Ama, kunin mo ako at yakapin.” Panalangin Ama naming mapagmahal, naganap na ang pag-aalay, huling hininga ng iyong Anak, ang minimithing sandali ng tagumpay. Ang kurtina ng templo ay lubos na nawahak, ang kadustaan ng tao ay napanumbalik niyang ganap. Naputol nang lubusan ang kapangyarihan ng kasamaan, nagsisimula na ang araw ng kaligtasan. Bagaman mukhang sawi sa sugat na tinamo, ito ang tanda ng kaligtasan ng tao. Aming Amang lubos ang kabanalan, iyong ipagkaloob sa kamatayan ng iyong Anak na nais rin naming nagpasakop. Matapos na nawa ng kanyang kamatayan, ang mga hangad naming taliwas, puno ng kasalanan. Mamuhay nawa kami upang papurihan, kanyang sakripisyo sa amin inilaan. Panginoong Hesus, pastol ng kawan, kaawaan mo kaming mga makasalanan. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Page 20: Bagong Istasyon Ng Krus

20

Ikalabing-Tatlong Istasyon SI HESUS AY INIHATID SA LIBINGAN N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mt 27: 57-60) Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala’y Jose. Siya’y alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis. Pagninilay May mga pagkakataon na ang buhay ay parang isang mahabang Sabado de Gloria. Tila ba dumating na ang wakas, nagtagumpay na ang kasamaan, at naging mas makapangyarihan ang kasamaan kaysa kabutihan. Ngunit pinatatanaw sa atin ng mata ng pananampalataya na sulyapan ang drating na bagong umaga. Pangako ng pananampalataya na ang huling salita ay sa Diyos: sa Diyos lamang! Ang pananampalatayang ito ang maliit na lampara na nagbibigay sa atin ng liwanag sa dilim ng gabi; at ang liwanag nito ang unti-unting hahalo sa liwanag ng bagong araw, ang Araw ng Nabuhay na Kristo. Kung kaya, ang kuwento ng Biyernes Santo ay hindi natatapos sa libingan, ito ay muling sisiklab tungo sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Page 21: Bagong Istasyon Ng Krus

21

Panalangin Ama naming mahabagin, dinala sa libingan ang walang buhay na katawan nang tagapagligtas ng tanan. Sa kanyang kapanganakan, ginamit niya’y isang hiram na kweba, sa kanyang kamatayan ay isa ring hiram na libingan. Ipinakita mo sa amin ang tunay na mahalaga hindi ang mawalan ng panlupang yaman kundi ang mawalan ng kaluluwa. Humimlay sa kamatayan ang iyong pinakamamahal na Anak subalit di magtatagal ang bagong buhay ay sisikat. Ang mahal na Ina ngayon ay nagdadalamhati subalit mapapalitan ng matamis na ngiti. Lakas ng loob ang aming hinihingi sa pagbagtas sa bayang sinilangan ng aming lipi, anuman ang harapin, kami’y makatitiyak, sa pag-asa ng tagumpay, handog ng iyong Anak. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... Ikalabing-Apat na Istasyon ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo. S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo. Pagbasa (Mt 28: 1-6) Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba mula sa

langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel.

Page 22: Bagong Istasyon Ng Krus

22

Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.” Pagninilay Ang mga babae na dumalaw sa libingan noong Linggong iyon ang unang nakabatid ng mabuting balita ng Pagkabuhay. Ito marahil ay dahil sila ang huling nanindigan sa paanan ng Krus at hui sa mga nawalan ng pag-asa. Hanggang sa ang huling nakabatid ay ang nagdududang si Tomas na naniwala na sa mabuting balita ng Pagkabuhay. Hindi sila nakakita ng multo o bunga lamang ng kanilang imahinasyon. Nahawakan nila ang mga sugat sa kamay ng Panginoon. Hindi binabanggit ng mga ebanghelyo na si Hesus ay nagmula sa libingan. Ibinabalita lamang nila ang mga pagkikita ng mga alagad at ng Panginoon. Dala ng masidhing kaligayahan, ang mga alagad ang nagbalita sa iba hinggil sa Nabuhay na Kristo. At dahil sa kanila, magpahanggang ngayon, nakikilala natin para sa atin ang sinabi ni San Agustin, “Si Hesus ay naglaho sa ating mga mata, upang matagpuan natin siya sa ating mga puso.” Panalangin Ama naming makapangyarihan, ang pagkabuhay ng iyong Anak ay nagdala sa sanlibutan ng tunay na galak. Ang lilim ng kamatayan ay napawing ganap, ang araw ng kaligtasan ay lubos na sumikat. Ang liwanag ng kanyang pagkabuhay na mag-uli ay nawa’y magpabago sa buhay naming sawi. Wala nang kasalanan, wala na rin ang kamatayan, ito ang biyaya ng buhay sa kalangitan. Tulutan mong mabuhay kaming nananalig nang kapayapaan mo’y maghari sa mundong puno ng ligalig. Isugo mo kami bilang saksi ng iyong tagumpay, at upang ipahayag ang ebanghelyo sa kawa ay dumamay. Upang sa aming paglisan sa lupang papanaw, amin ding madatnan, bagong buhay na tinatanaw. Amen. Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Page 23: Bagong Istasyon Ng Krus

23

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Panginoong Hesus, sa pagninilay-nilay namin sa daan ng Krus na dinaanan mo ay napagtanto namin ang mapait na bunga ng aming nagawang pagkakasala. Ang mahal mong dugo ang naging kabayaran para mapalaya kami sa pagkaalipin ng kasalanan. Ang buong buhay mo ay kapalit ng iyong pagliligtas sa sangkatauhan. Tulutan mo kaming maisabuhay ang iyong magandang halimbawa, ngunit ito ay magagawa lamang namin sa tulong mo. Wala kaming magagawa sa aming sariling pagkukusa kung hindi mo kami aalalayan... Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na Anak para iligtas kami sa aming mga kasalanan. Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. N. Salamat Panginoon, sa ginawa mong pagliligtas sa amin. S. Salamat, Panginoon! N. Salamat Panginoon, sa pagpapatawad mo sa aming mga kasalanan. S. Salamat, Panginoon! N. Salamat Panginoon, sa ipinakita mong pagmamahal sa aming lahat. S. Salamat, Panginoon! N. Sa intensiyon ng aming mahal na Santo Papa Francisco. N. Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati... S. Amen. N. Sumaatin at manatili nawa ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan. S. Amen.

Page 24: Bagong Istasyon Ng Krus

24

MGA AWIT

PANANAGUTAN

Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang.

Ref: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya.

ALAY KAPWA

Di ba’t sadyang may kapwa ang sarili Dapat Hainan ng pagsisilbi

At mamangha ligaya’y dadalisay Pag sa kapwa buhay mo ay naalay

Bawat galing gamitin sa paglingap

Laging damhin kung may naghihirap At tandaan: ganyang pagmamahalan

Unang Unang atas ng kabanalan

(Ulitin 2nd stanza)

MAHIWAGA

Mahiwaga ang buhay ng tao, Ang bukas ay di natin piho At manalig lagi sana tayo,

Ang Diyos siyang pag-asa ng mundo.

Pag-ibig sa ating kapwa tao At laging magmahalan tayo;

Iyan ang lunas at ligaya At pag-asa ng bawat kaluluwa.

(Iyan ang hiwaga ng buhay ng tao.)

Page 25: Bagong Istasyon Ng Krus

25

ISANG PANANAMPALATAYA

Ref. Isang Pananampalataya Isang pagbibinyag Isang Panginoon Angkinin nating lahat.

I Habilin ni Hesus nuong siya’y lumisan Kayo ay magkatipon sa pamamahalan ( Ref.) II Ama pakinggan mo, ang aming panalangin Dalisay na pag-ibig sa ami’y sumapit (Ref.) III Mga alaga ko paano makikilala Tapat nilang pag-ibig wala nang iba pa. (Ref.)

BATBAT MAN NG PASAKIT .

Buhay batbat man ng pasakit May kulay ng silahis ng Pag-Ibig

Tunay makamtan mo man ang langit Di ka rin masisiyahan

Kung walang pagmamahal kaakibat ng dibdib

Ref: Anong mapapala ng tao sa lupa Di tulad sa kabila kapiling ang lumikha Hanapin natin kayamanang mapayapa

Buhay ni Hesus na mananakop ang halimbawa

Langit kayamanang di malirip Ligaya tuwang walang ka hulilip

Sining na di makatkat ng isip Sa mondo’y di makamit ang gintong pagmamahal

Kaakibat ng dibdib (Repeat Ref.)

Biyaya pagpapalang masagana Kaloob ng masintahing Bathala

Langit tugatog na ninanasa Ng lahat ng nilikha kaluluwang namamahal

Diyos ang tanging adhika. (Repeat Ref.)

Page 26: Bagong Istasyon Ng Krus

26

LUPA

Nagmula sa lupa,

Magbabalik ng kusa Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin, Ang dungis ng iyong kapwa,

Hugasan ang iyong putik sa muka.

Kung ano ang di mo gusto, Huwag gawin sa iba,

Kung ano ang ‘yong inutang Ay siya ring kabayaran.

Sa mundo ang buhay ay mayroong hangganan

Dahil tayo ay lupa lamang.

Kaya’t pilitin mong ika’y magbago Habang may panahon, ika’y magbago Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo.

BAKIT NGA BA?

Bakit nga ba pinupuri Kita? Bakit nga ba Sinasamba Kita? Bakit nga ba pinaglilingkuran, Bakit pinasasalamatan? (2x)

Ang nais ko’y ibigin Ka, hindi dahil sa pagpapala.

Ang nais ko’y ibigin Ka, hindi dahil sa himala. Ang nais ko’y ibigin Ka, dahil sa Ikaw ay Ikaw.

Mahal Kita o Diyos, Wala nang iba.

Page 27: Bagong Istasyon Ng Krus

27

HESUS

Kung nag-iisa at nalulumbay, Dahil sa Hirap mong tinataglay

Kung kailangan mo ng karamay, Tumawag ka at Siya’y naghihintay

Siya, ang ‘yong kailangan, Sandigan, kaibigan mo. Siya ang araw mong lagi, At karamay kung sawi

Siya ay si Hesus, sa bawat sandali.

Kung ang buhay mo ay walang sigla, Laging takot at laging alala,

Tanging kay Hesus makaaasa, Kaligtasang lubos na ligaya.

Siya ang dapat tanggapin, At kilanin sa buhay mo Siya noon, bukas, ngayon, Sa dalangin mo’y tugon

Siya ay si Hesus sa Habang Panahon

Kaya’t ang lagi mong pakatatandaan Siya lang ang may pag-ibig na tunay. (Pag-ibig na tunay...) (ulitin KORO II)

ANO PA KAYA O HESUS?

Ano pa kaya o Hesus ang nararapat Mong gawin, Nang ang puso ka’y maakit at puso Mo’y sintahin? Sa krus ikaw ay namatay upang ako ay mabuhay.

Nag-aanyo kang tinapay, Pag-ibig Mo’y walang humpay.

Kaya, o Hesus, puso ko, ngayon sa Iyo ay alay. Walang ibang susuyuin, pangako itong matibay.

Ang sa piling Mo’y mabuhay. Ngunit higit na dalisay, Ang sa Puso Mo’y nahimlay.

Page 28: Bagong Istasyon Ng Krus

28

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL

Ang Panginoon ang aking pastol Pinagiginhawa Niya akong lubos.

Hadog Niya’y himlaya’y sariwang pastulan

Ang pahingahan ko’y payapang batisan Hatid sa kaluluwa ang kaginhawahan Sa tuwid na landas Siya ang patnubay.

Madilim na lambak man ang tatahakin ko,

Wala akong sindak, Siya’y kasama ko. Ang hawak Niyang tungkod ang siyang gabay ko,

Hawak niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko.

Ang Panginoon ang aking pastol Pinagiginhawa Niya akong lubos.

PANANALIG By Bukas Palad Music Ministry

Sa puso kong umiibig

Walang nananaig Kundi yaong pananalig

Sa Sintang iniibig

KORO: Hindi Ka man masilayan

At init Mo'y maglaho nang tuluyan Pag-ibig ko sa 'Yo at katapan

Mananatili kailan pa man

Bawat tao'y nalulumbay At di mapalagay

Hangga't hindi nahihimlay Sa puso Mong dalisay (KORO)

Page 29: Bagong Istasyon Ng Krus

29

HESUS NG AKING BUHAY by Arnel Aquino, SJ

Sikat ng umaga Buhos ng ulan

Simoy ng dapithapon Sinag ng buwan Batis na malinaw Dagat na bughaw

Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling

Ika’y naroon Tumalikod man sa ‘yo Dakilang pag-ibig mo

Sa aki’y tatawag at magpapaalalang Ako’y iyong iniibig

At siyang itatapat sa puso

Tinig ng kaibigan Oyayi ng ina

Pag-asa ng ulila Bisig ng dukha

Ilaw ng may takot Ginhawa ng aba

Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling

Ika’y naroon Tumalikod man sa ‘yo Dakilang pag-ibig mo

Sa aki’y tatawag at magpapaalalang Ako’y iyong iniibig

At siyang itatapat sa puso

Page 30: Bagong Istasyon Ng Krus

30