15
Aralin 20 Ang Gampanin ng Pamahalaan sa Pamilihan

Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Aralin 20

Ang Gampanin ng Pamahalaan sa Pamilihan

Page 2: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Ang ekilibriyong presyo ay nakakamit sa pamamagitan ng interaksiyon ng konsyumer at prodyuser. Ngunit may pag kakataon na ang presyo ay itinatakda ng

pamahalaan upang protektahan ang mga konsyumer o prodyuser.

A. Price Control- Ang Republic Act 7581 na kilala sa tawag na Price Control Act ay ipinatupad upang maisagawa ng pamahalaan ang pagkontrol sa presyo ng mga bilihin. Ang National Price Coordinating Council ay nabuo sa tulong ng Price Control Act. Ito ay may layunin at gawaing imonitor at mabantayan ang presyo ng mga produkto pagkatapos magpalabas ng price ceiling ang pamahalaan. Ang price ceiling ay ang pinakamataas ng presyong itinakda ng pamahalaan upang ipagbili ang mga produkto. Ito ay naaayon sa pagpapatupad ng price control ng pamahalaan. Ipinapatupad ang price control kapag nahaharap sa matinding krisis at kalamidad ang maraming lalawigan sa bansa.

Page 3: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

B. Price Support- Hindi lamang ang mga konsyumer ang dapat bigyan ng tulong at proteksyion ng pamahalaan, kundi maging ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda. Itinatakda ng pamahalaan ang floor price, ito ang pinakamababang presyo na maaaring bilhin ang isang produkto. Ang graph ay nagpapakita ng epekto ng pagpapatupad ng price support. Ang surplus ay ang labis na supply ng produkto sa pamilihan. An pagpapatupad ng price support ay nakaaapekto sa naitakdang ekilibriyo sa pamilihan.

Page 4: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Aralin 21

Production Function

Page 5: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Ang Input at Output- Ang relasyon ng input at output ay inilalarawan ng production function. Ang input ay ang mga bagay na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto, tulad ng mga makinarya, mga lupain at pagawaan, hilaw na materyales, kasanayan, at serbisyo ng mga manggagawa ng ginagamit sa prduksiyon. Ang output ay ang nagbuong produkto mula sa paggamit ng iba’t ibang bagay at ito ang bunga ng paggamit ng mga salik na produksiyon. Ang input ay inuuri bilang fixed input at variable input. Ang fixed input (FI)ay tumutukoy sa mga salik ng produksiyon na hindi nagbabago o hindi kayang baguhin sa ikli ng panahon na ginagamit sa pagpoprodyus. Ang variable input (VI) ay mga bagay na magbabago o madaling baguhin. Sa long run market period, ang mga input na ginagamit ay variable input, sapagkat lahat ng salik ng produksiyon ay nagbago bunga ng pagkakaroon ng mahaba ng panahon sa paglikha ng prdukto.

Page 6: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Law of Diminishing Marginal Returns- Sa isang short run market period nagaganap ang prinsipyong ito na ipinapakita ang epekto ng patuloy na paglaki ng paggamit ng isang variable input, samantalang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang fixed input (FI) ay ang lugar na ginagamit sa paglikha ng pandesal ay hindi nagbabago ang laki kahit sa anong lebel ng produksiyon. Ang variable input (VI) na kinakatawan ng mga bilang ng mga manggagawa ay nadaragdagan sa bawat lebel ng produksiyon. Ang total product (TP) na nabuo sa paggamit ng mga salik na nagbabago at di-nagbabago. Ang marginal product (MP) ay ang karagdagang produksiyon ng bawat idinaragdag na manggagawa.

Page 7: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Mga Gastusin sa ProduksiyonMay iba’t ibang gastusin na isinasaalangalang sa paglikha ng mga produkto.

1. Production Costs- Ito ang kabayaran sa mga salik ng produksiyon, tulad ng sahod ng mga manggagawa at interes sa kapital. Ito ang gastusin sa bawat salik ng produksiyon na may katumbas na bayad.a. Total Fixed Cost (TFC)- Ito ang mga gastusin sa pagbabayad ng mga salik na hindi nagbabago. Ang gastusing ito ay hindi nagbabago, kahit anong dami ng produksiyon, tulad ng upa sa mga pagawaan, gusali, at lupa na ginagamit sa produksiyon at negosyo.b. Total Variable Cost (TVC)- Ito ang nagbabagong gastusin na umaayon sa lebel ng produksiyon o sa anumang dami ng produksiyon. Ito ang gastusin na maaaring magbago ng isang negosyante, tulad ng elektrisidad, tubig at buwis, sahod sa hindi regular o permanenteng manggagawa at iba pa.

Page 8: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

c. Total Cost (TC)- Ito ang kabuuang gastusin sa paglikha ng mga produkto o serbisyo. Ang pagtaas ng total cost ay depende sa pagtaas ng TVC. Ang gastusing ito ay nakukuha kapag pinagsama ang total fixed cost at total variable cost.

d. Average Fixed Cost (AFC)- Ito ang hindi nagbabagong gastusin sa bawat produkto na nababatay sa total fixed cost na mayroon sa prduksiyon. Dito nalalaman kung magkano ang fixed cost ng bawat produkto.

e. Average Variable Cost (AVC)- Ito ang gastusin ng bawat produkto na nagbabayo ayon sa lebel ng produksiyon. Ang gastusin ng bawat produkto ay nakadepende sa total variable cost.

f. Average Total Cost (ATC)- Ito ay kabuuang gastusin sa bawat prdukto kapag pinagsama ang average fixed cost at average variable cost. Ito ang paghahati ng kabuuang gastusin sa dami ng produkto.

Page 9: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

g. Marginal Cost (MC)- Ito ang gastusin sa bawat karagdagang produkto na gagawin. Dito malalaman kung magkano ang gastos sa bawat produkto na naidagdag. Sapamamagitan nito ay naitatakda ang presyo ng bawat produkto.

Mga paraan sa pagkuha ng sumusunod:Total Fixed Cost (TFC) = TC – TVCTotal Variable Cost (TVC) = TC – TFCTotal Cost (TC) = TFC +TVCAverage Fixed Cost (AFC) = TFC ÷ TPAverage Variable Cost (AVC) = TC ÷ TPAverage Total Cost (ATC) = TC ÷ TPMarginal Cost (MC) = TC ÷ TP

Page 10: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

2. Ibang Gastusin sa Negosyo

a. Explict Cost- Ito ay tumutukoy sa mga gastusin na may kinalaman sa mga kabayaran na tinatanggap ng mga may-ari ng salik ng produksiyon na hindi may-ari ng negosyo.

b. Implicit Cost- Ito ang mga gastusin na may kaugnayan sa kabayarang tinatanggap mismo ng may-ari ng negosyo. Ang ganitong uri ng gastusin ay kinukuwenta upang malaman ang tunay na kinikita ng negosyo.

c. Opportunity Cost- Sa pagpasok sa negosyo ay may mga bagay na isinasakripisyo upang magamit sa kasalukuyang pangangailangan. Sa pagsasakripisyo ng isang salik ay may ipinagpalibang halaga na dapat kitain kung hindi ipinagpapaliban ang paggamit sa naturang salik.

Page 11: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Kabanata 11 Mga Estruktura ng Pamilihan

Isang Sulyap sa Ganap na Kompetisyon

Aralin 22

Page 12: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Ganap na Kompetisyon- Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang negosyante ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Ito ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:

1. Magkakapareho ang Produkto- Ang mga produkto sa loob ng pamilihan na may ganap na kompetisyon ay magkakatulad (homogenous) tulad ng mga produkto ba madalas na nakikita sa palengke.

2. Malaya sa Paglabas at Pagpasok sa Industriya- Ang sinumang negosyante ay may kalayaang makapamili ng mga produkto na nais niyang ibenta. Karamihan sa kanila ay mga maliliit na negosyante lamang, kaya madali para sa kanila ang lumabas sa industriya o magsara, kung saan hindi sila nagkaroon ng kita.

Ang pamilihan ay nauuri sa ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon. Ang pag-uuri ng pamilihan ay naaayon sa dami ng mamimili at nagbebenta, pagtatakda ng presyo, uri ng mga produkto, at ang kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan.

Page 13: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

3. Marami ang Mamimili at Nagbibili ng Produkto- Ang pagkakaroon ng napakaraming mamimili at nagtitinda ng produkto ang isang dahilan ng kawalan ng puwersa o kapangyarihan na magtakda ng presyo.

4. Sapat na Kaalaman at Impormasyon- Ang bawat negosyante at mamimili ay dapat na may ganap na kaalaman sa nangyayari sa pamilihan. Kung ikaw ay isang mamimili, makabubuting malaman mo ang prestong umiiral sa kasalukuyan upang maisaayos ang pagbabadyet ng iyong kita, mabili ang pinakamainam na produkto mula sa pinakamurang tindahan at matamo ang kasiyahan.

5. Malayang paggalaw ng mga Salik ng Produksiyon- Upang maging ganap ang kompetisyon, dapat walang sinumang negosyante ang nakakakontrol sa paggalaw ng mga salik ng produksiyon.

Page 14: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Pagtakda ng Presyo at Lebel ng Produksiyon sa Ganap na KompetisyonAng presyo ng produkto ay naaayon sa mekanismo ng bilihan na may maraming mamimili at nagbibili. Walang kumokontrol at walang sinuman ang may sapat na puwersa upang itakda ang presyo. Makikita sa talahanayan na ang presyo ng produkto ay hindi nagbabago kahit gaano karami ang produkto na ipagbibili. Ang mga tindera ay sumusunod lang sa itinakdang presyo sa pamilihan.Kapag ang dami ng produkto (Q) ay iminultiplay sa presyo ng produkto ay makukuha ang total revenue (TR) o kabuuang benta.

Page 15: Aralpan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

Sa pag-alam ng lebel ng produksiyon na magbibigay ng pinakamalaking tubo sa isang negosyante, ginagamit ang dalawang pamamaraan. Ito ay ang:

1. Total Revenue (TR) – Total Cost (TC), ang pagbawas sa kabuuang benta ng kabuuang gastos ay magreresulta ng pagkuha ng tubo. Bawat negosyante sa ganap na kompetisyon ay naghahangad na matamo ang pinakamalaking tubo sa anumang lebel ng prduksiyon.

2. Marginal Revenue (MR) – Marginal Cost (MC), ang paraang ito ang nagpapaliwang na anumang karagdagang benta ay katumbas ng karagdagang gastos ng negosyante na siyang pinakamainam na lebel ng produksiyon na tinawag optimim level. Sapagkat ang lebel na kung saan ang MR = MC ay napupunuan ng benta ang gastusin sa produksiyon bukod sa pagkakaroon ng malaking tubo. Ang ganitong kalagayan ay nakakaganyak sa mga prodyuser na magbenta ng mga produkto.