30
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Unang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan: Disaster Prevention and Mitigation 10

Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

  • Upload
    others

  • View
    138

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5:

Unang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan:

Disaster Prevention

and Mitigation

10

Page 2: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Unang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan: Disaster Prevention and Mitigation Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito

ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay

kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Catherine G. Batalla

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Maesie T. dela Pena

Tagalapat: Catherine G. Batalla /Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:

Unang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan:

Disaster Prevention

and Mitigation

Page 4: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Unang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan: Disaster Prevention and Mitigation.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Unang Yugto ng Disaster Risk Reduction and

Management Plan: Disaster Prevention and Mitigation.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinalakay sa Araling Panlipunan

Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa

pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Leksyon 1 - Unang Yugto ng Disaster and Risk Reduction Management Plan

Leksyon 2 - Iba’t ibang Uri ng Disaster Risk Assessment

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib

dulot ng suliraning pangkapaligiran;

2. nasusuri ang mga dapat gawin sa Unang Yugto ng Disaster and Risk Reduction

Management Plan; at

3. natataya ang pansarili o pampamilyang kahandaan sa pagdating ng kalamidad

o sakuna.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

2

Subukin

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa

sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa unang yugto ng Disaster Risk Reduction and Management

(DRRM) Plan?

A. Disaster Preparedness

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Rehabilitation and Recovery

D. Disaster Response

2. Ang sumusunod ay kabilang sa pisikal na katangian ng hazard maliban sa:

A. force

B. intensity

C. lawak

D. saklaw

3. Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na

harapin o bumangon sa pinsalang dulot ng hazard.

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

4. Ito ay ang paggawa ng mga tala kung anong mga hazard ang naranasan ng isang

lugar, gaano kadalas at alin sa mga ito ang pinakapaminsala.

A. Disaster Events

B. Hazard Events

C. Historical Events

D. Timeline of Events

5. Ang mga ito ay kategorya ng Vulnerability Assessment maliban sa:

A. damdamin

B. pag-uugali

C. panlipunan

D. pisikal

6. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kinakailangang suriin ang mga

grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. Alin sa mga ito

ang tinutukoy?

A. elements at risk

B. financial at risk

C. location of people at risk

D. people at risk

Page 9: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

3

7. Ang barangay captain ng Sitio Wawa ay patuloy na inaalam kung anong bahagi

ng barangay ang maaaring higit na masalanta sa panahon ng kalamidad. Ang

gawaing ito ay tinatawag na:

A. Capacity Mapping

B. Hazard Mapping

C. Risk Mapping

D. Vulnerability Mapping

8. Ito ay pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang

lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang

partikular na panahon.

A. Disaster Management Plan

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability and Capacity Assessment

9. Alin sa sumusunod ang temporal na katangian ng hazard?

A. I,II,III

B. I,III,IV

C. II,III,IV

D. I,II,IV

10. Sa pagsusuri ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod

maliban sa:

A. elements at risk

B. financial at risk

C. location of people at risk

D. people at risk

11. Ito ay bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management Plan na tataya at

susubok sa kahandaan ng mga mamamayan sa pagharap ng hamon sa

kalamidad.

A. Disaster Preparedness

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Rehabilitation and Recovery

D. Disaster Response

12. Itinatala ni Mayor Salcedo ang mga kagamitan, imprastruktura, at mga tauhan

na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard sa kanilang bayan. Alin sa

sumusunod na hakbangin ang kanyang isinagawa?

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

I. duration II. forewarning III. frequency IV. manageability

Page 10: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

4

13. Ang pamilya ni Juan ay nagpupulong kung ano ang kanilang mga dapat gawin

upang maiwasan nila ang COVID-19. Gayundin upang mapaghandaan ito kung

sakali man na may mahawa sa kanilang pamilya. Alin sa sumusunod ang

kanilang isinagawa?

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

14. Ang mitigation ay isinasagawa upang maiwasan ang pinsala ng sakuna o

kalamidad sa isang lugar. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa paghahandang

ginawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging

matatag sa panahon ng pagtama ng sakuna?

A. Non-Structural Mitigation

B. Non-Structure Mitigation

C. Structural Mitigation

D. Structure Mitigation

15. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng

Unang Yugto ng DRRM Plan?

A. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.

B. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.

C. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na

kalamidad.

D. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

5

Aralin

1 Unang Yugto: Disaster

Prevention and Mitigation

Matapos mong maunawaan ang dahilan at ang gampanin ng National

Disaster Risk Reducation Management Council (NDRRMC) at ang Community Based

Disaster Risk Management Council (CBDRM) upang mapabilis ang pagbibigay

solusyon sa iba’t ibang hazard sa ating bansa, pag-aaralan naman natin ang unang

yugto ng Disaster Management Plan.

Balikan

Upang matiyak na natutuhan mo ang nakalipas na aralin ay narito ang

talahanayan na kailangan mong punan at sagutin.

Magbigay ng 5 katangian ng bawat Approach sa Disaster Management.

Top-Down Approach Bottom-Up Approach

TOP-DOWN APPROACH

BOTTOM-UP APPROACH

Kung ang sagot mo sa Top-Down Approach ay umaasa sa pamahalaan o

munisipalidad, hindi natutugunan ang madaliang pangangailangan ng

mamamayan, limitado ang pagbuo ng disaster management plan, hindi

pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan ukol sa

pagpaplano. Nagiging mabagal din ang pagtugon ng pamahalaan. At kung ang sagot

mo naman sa Bottom-Up Approach ay binibigyang pansin nito ang maliliit na

detalye na may kaugnayan sa hazard, kalamidad at pangangailangan ng

mamamayan. Ang batayan ng plano ay batay sa karanasan ng mga mamamayan na

nakatira sa disaster-prone area. Tama ka! Binabati kita sapagkat tunay ngang

natutuhan mo na ang nakalipas na aralin.

Page 12: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

6

Ngayon ay handa ka nang dumako sa panibagong aralin.

Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang dalawang approach sa pagtugon sa mga

hamong pangkapaligiran. Mayroon ka nang malawak na pang-unawa tungkol sa

mga ito na makatutulong sa iyong paghahanda ukol sa tamang kahandaan bago, sa

panahon ng pagtama, at pagkatapos ng kalamidad.

Tuklasin

SURI-LARAWAN.

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan kaugnay nito. Isulat

ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang makikita mo sa larawan?

___________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay nasa gitna ng isang kalamidad, ano ang iyong mararamdaman?

___________________________________________________________________________

3. Paano mo paghahandaan ang ganitong pangyayari? Ano-ano ang iyong mga

gagawing paghahanda?

___________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo sa bilang 1-3 ay tungkol sa kalamidad tulad ng bagyo, lindol

at iba pa, ikaw ay nakaramdam ng takot ngunit sa kabila ng takot ay patuloy kang

naghanda para makaligtas sa kalamidad ay tama ka!

Page 13: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

7

Mamaya ay higit mo pang matutuklasan kung tama ang iyong tugon sa mga

katanungan na iyan habang umuusad tayo sa pagtalakay ng aralin.

Ngayon ay dumako na tayo sa nilalaman ng modyul upang higit na makatutulong

sa iyo upang makapaghanda sa pagdating ng kalamidad.

Suriin

Ito ay bahagi ng Disaster Management Plan na tataya at susubok sa

kahandaan ng mga mamamayan sa pagharap ng hamon sa kalamidad.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Management Plan

Pamprosesong tanong:

1. Nakapunta ka na ba sa evacuation center?

2. Kailan ka pumupunta sa evacuation center, bago ba dumating ang

kalamidad, kasagsagan ng kalamidad o pagkatapos ng kalamidad?

Malalaman mo ngayon ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon

ng kalamidad.

Page 14: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

8

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

Kinakailangang maunawaan ang mga balangkas ng plano kung ano-ano ang

mga hazard, mga risk at sino ang mga maaapektuhan at masasalantang

kalamidad.

Iba’t ibang Uri ng Assessment

1. Hazard Assessment - ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at

pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa

isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.

Pisikal na Katangian ng Hazard

a. Pagkakakilanlan - pagkakaroon ng kaalaman sa hazard at kung paano ito

nagaganap

b. Katangian - uri ng hazard

c. Intensity - pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

d. Lawak - sakop at tagal ng epekto ng hazard

e. Saklaw - pagtukoy kung sino ang maaapektuhan ng hazard

f. Predictability - panahon kung kailan darating ang hazard

g. Manageability - kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang

mabawasan ang pinsala

Disaster Risk Assessment Plan

Hazard Assessment

Katangian ng Hazard

a. Temporal

b. Pisikal

Dalawang Proseso

a. Hazard Mapping

b. Timeline of Events

Capacity Assessment

Kategorya

1. Pisikal o materyal

2. Panlipunan

3. Pag-uugali

Vulnerability Assessment

Kagamitan, imprastraktura,

tao na magagamit sa pagharap sa kalamidad

Risk Assessment

Mga hakbang na nararapat

gawin bago ang pagtama ng sakuna o kalamidad

Page 15: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

9

HALIMBAWA:

Habang nanonood ang Pamilya Batalla ay biglang nakaroon ng flash report

tungkol sa binabantayang low pressure area sa bahagi ng West Philippine Sea

(pagkakakilanlan). Ayon sa report, inaasahan na magiging ganap na bagyo

(katangian) at tatawaging Ising. Ang bagyong Ising ay may bilis na 40kph patungong

northwest at may lakas na 110kph at bugsong aabot sa 130kph (intensity). At ayon

sa PAG-ASA ang bagyong Ising ay papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR)

sa darating na Sabado (predictability). Ito ay tatama sa Bicol Region sa Linggo ng

umaga (saklaw). Dahil dito, pinaghahanda ang mga komunidad lalo na ang mga

naninirahan sa may baybayin sa nasabing rehiyon sa posibleng flash floods at

malalakas na ulan at hangin.

Temporal na katangian ng Hazard

a. Frequency - dalas ng pagdanas ng hazard

b. Duration - tagal kung kailan nararanasan ang hazard

c. Speed of onset - bilis ng pagtama ng hazard

d. Forewarning - panahon oras sa pagitan sa oras ng pagtama ng hazard sa

isang lugar

e. Force - lakas na dulot ng hazard tulad ng hangin, tubig, flashflood at iba pa

HALIMBAWA:

BULACAN — Patay ang isang 65-anyos na ginang samantalang nawalan ng tirahan ang nasa 180 pamilya makaraang masunog ang isang residential area sa Barangay Santo Domingo, Malolos City nitong Linggo ng gabi (speed onset at force).

Ang nasabing sunog ay tumagal ng halos 2 oras bago naapula (duration), ayon sa Bureau of Fire Protection.

Nagtamo naman ng minor injuries ang isang 63-anyos na residente at isang 4-anyos na lalaki.

Nagpalipas ng magdamag sa covered court ang nasa 60 sa mga pamilyang nasunugan, habang ang iba ay nanatili sa tabi ng kanilang mga natupok na bahay para bantayan ang mga ito at subukang isalba ang ilang kagamitan.

Namahagi naman ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan.

Hazard Assessment - ito ay ang pagtukoy sa mga lugar at ang mga elemento

tulad ng gusali, taniman, at kabahayan na maaaring masalanta ng hazard.

Dalawang mahahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment:

a. Hazard Mapping - ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa

ng mga lugar na maaring masalanta ng hazard at mga elemento tulad ng

gusali, taniman, kabahayan na maaring mapinsala

Page 16: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

10

b. Historical Profiling o Timeline of Events - gumagawa ng historical profile

o timeline of events upang makita kung ano ang mga hazard na

nararanasan ng isang komunidad, gaano ito kadalas at alin sa mga ito ang

pinakamapinsala.

Pagputok ng Bulkan

Taon Petsa Bulkan Pangyayari Mga Epekto

1814 Pebrero 1

Bulkang

Mayon

(Albay)

Naglibing sa kalapit-bayan

ng Cagsawa kasama ng abo at bato.

Nasawiː

Halos 1,200.

1911 Enero 30 Bulkang Taal

(Luzon)

Sumabog ang bulkan na mga 60

kilometro o 30 milya mula Maynila. Ang mga nasawi ay pawang nakatira

sa kalapit na nayon.

Nasawiː Halos 1,300

1991 Hunyo

15 Mt. Pinatubo

Abril 1991 nagpakita ito ng mga

palatandaan ng kanyang aktibidad,

malamang na naapektuhan ng lindol

sa Luzon. Dahan-dahan itong tumindi

simula noong Mayo hanggang sa

pumutok ito noong Hunyo 15,

pagkatapos ng maraming siglo ng pananahimik.

Tinatayang Pinsalaː

US$443,000,000

Iba pang epektoː Winasak nito ang

kalapit na base

ng American Air Force.

2006

Marso -

Hunyo

Bulkang

Bulusan

Nangyari ang mahinang pagsabog ng

mga abo sa bunganga ng tuktok ng bulkan, Marso 21. Naulit ito noong

mula Abril hanggang unang bahagi ng

Hunyo 2006 at noong Hunyo 18,

muling nagbuga ng abo.

Nasawiː Isa ang

namatay dahil sa

hika na pinalubha

ng pagkalantad sa

abo, Hunyo 10.

Walang pinsalang

iniulat.

Pebrero -

Oktubre

Bulkang

Mayon

(Albay)

Nagbuga ng abo at nagsimulang

rumagasa ang lava pababa ng mga

dalisdis ng bundok, Hulyo 13. Hulyo

15 - Agosto 15 libo-libong mga tao ang

inilikas mula sa radius na 8 kilometro

sa paligid ng bunganga nito.

Huminahon ang aktibidad nito,

Setyembre - Oktubre 2006.

Walang ulat

2020 Enero Bulkang Taal

Enero 12, ng mag-alburoto ang

Bulkang Taal sa lawa ng Taal sa

lalawigan ng Batangas, nag-likha ito

ng lindol pasado alas-11 ng umaga, alas-2 ng hapon nang nag-umpisa

pumutok at nagbuga ito ng

matitinding abo sa mga lalawigan

ng Batangas, Cavite, Laguna

hanggang Rizal maging

ang Kalakhang Maynila na itinaas sa

Alert Level 3 hanggang 4 at pasado

alas-10 ng gabi umabot ang pagbuga

ng abo nito sa "Clark" sa Pampanga

Walang ulat

Page 17: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

11

2. Vulnerability Assessment – tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang

tahanan o komunidad na harapin o bumangon sa pinsalang dulot ng hazard.

Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kinakailangang suriin ang

mga sumusunod:

Elements at Risk – tumutukoy ito sa tao, hayop, mga pananim, bahay,

kasangkapan, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon at pag-

uugali na higit na maapektuhan ng kalamidad

People at Risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na

maapektuhan ng kalamidad.

Location of People at Risk – tumutukoy ito sa lokasyon o tirahan ng mga

taong natukoy na vulnerable.

3. Capacity Assessment - sinusuri nito ang kapasidad ng komunidad na harapin

ang anumang hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang mga kagamitan,

imprastruktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng

hazard o kalamidad.

Kategorya ng Capacity Assessment

Pisikal o materyal - tumutukoy sa materyal na yaman (halimbawa pera,

likas na yaman)

Panlipunan - kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa lipunan

(halimbawa matatanda, kabataan, may-sakit, mga buntis )

Pag-uugali tungkol sa hazard - paniniwala o gawi na nakahahadlang

sa pagiging ligtas ng komunidad (halimbawa: paghahanda ng emergency

kit, pagiging kalmado sa panahon ng sakuna)

4. Risk Assessment – ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang

pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

Dalawang Uri ng Mitigation:

1. Structural Mitigation – tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal

na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon

ng pagtama ng sakuna.

2. Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga ginagawang paghahanda

at pagpaplano ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa

panahon ng sakuna.

Page 18: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

12

Pagyamanin

A. Krus ng Plano

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Mag-isip ng isang sakuna o kalamidad na maaaring nangyari o mangyayari sa iyo.

Isulat ito sa gitna ng krus.

2. Magtala ng apat (4) bagay na kailangang ihanda sakaling may sakuna at

paliwanag ang kahalagahan nito.

1.

2. 3.

4.

Page 19: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

13

B. Gaano ka Kahanda?

Panuto: Sagutin ang checklist ng mga dapat kasama sa Emergency Supply Kit.

Lagyan ng tsek kung ikaw ay mayroon na ng nasabi sa talaan. Ito ay upang

mataya kung ikaw at iyong pamilya ay handa na sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Basic Emergency Supply Kit

Tubig na isang (1) galon bawat miyembro ng pamilya bawat araw. Maghanda

ng sasapat sa tatlong araw

Pagkain na hindi madaling masira na sasapat sa 3 araw

Flashlight at ekstrang baterya

First Aid Kit

Pito pantawag ng tulong

Face mask, basang bimpo

Mapa ng lugar

Numero ng Emergency Hotlines

Numero ng mga kasapi ng pamilya

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nakapagmarka ng 9 na tsek Handang-handa na sa

pagdating ng kalamidad 10 puntos

Nakapagmarka ng 6-8 tsek Handa na sa pagdating ng

kalamidad 8 puntos

Nakapagmarka ng 4-5 tsek Hindi pa gaanong handa

sa pagdating ng kalamidad 5 puntos

Nakapagmarka ng 0-3 tsek Hindi pa handa sa

pagdating kalamidad 3 puntos

Page 20: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

14

C. Punan Mo

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Itala ang mga impormasyon sa bawat assessment

sa Disaster Prevention and Mitigation. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Hazard

Assessment

Vulnerability

Assessment

Capacity

Assessment

Risk

Assessment

D. Pisikal o Temporal?

Panuto: Isulat sa patlang ang PKH kung ito ay Pisikal na katangian ng hazard at

TKH kung ito ay Temporal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______1. Duration

______2. Force

______3. Frequency

______4. Intensity

______5. Katangian

______6. Lawak

______7. Manageability

______8. Pagkakakilanlan

_____9. Saklaw

_____10. Speed of onset

Page 21: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

15

E. Lamang ang Handa!

Panuto: Gumawa ng isang poster na magpapakita ng mabuting epekto ng pagiging

handa sa pagharap ng sakuna o kalamidad. Mamarkahan ang iyong gawa sa

pamamagitan ng kraytirya sa ibaba. Gumamit ng karagdagang papel para sa

pagguhit. Idikit o i-stapler ang output sa iyong sagutang papel.

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman

Nakatulong ang impormasyon

upang maging handa sa

pagharap sa kalamidad 10

Kaangkupan Madaling maunawaan ang

ipinahahayag ng poster 7

Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon at

nakahihikayat na maghanda 3

KABUUAN 20

F. Crossword Puzzle

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng crossword puzzle. Punan ng

tamang titik ang bawat kahon upang mabuo ang salita. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

Pahalang

1. Uri ng assessment kung saan tinataya

nito ang kahinaan o kakulangan ng

isang tahanan o komunidad na

harapin o bumangon sa pinsalang

dulot ng hazard.

3. Uri ng assessment na tumutukoy sa

pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala

na maaaring danasin ng isang lugar

kung ito ay mahaharap sa isang

sakuna o kalamidad sa isang

partikular na panahon

5. Sinusuri nito ang kapasidad ng

komunidad na harapin ang anumang

hazard

6. Tagal kung kailan nararanasan ang

hazard

7. Tumutukoy sa uri ng hazard

8. Sakop at tagal ng epekto ng hazard

Pababa

2. Isa sa mga uri ng assessment na tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin

bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan

o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

Page 22: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

16

4. Uri ng mitigation na tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal na

kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng

pagtama ng sakuna.

9. Pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard

10. Tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng hazard

Isaisip

Punan Ang Patlang

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang batay sa iyong napag-aralan sa

aralin. Piliin ang salita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang ________________________ ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at

pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna

o kalamidad. Sa pagsasagawa nito, dapat bigyang pansin ang dalawang katangian:

ang una ay _________________________ at ang pangalawa ay ________________________.

Sa ________________________, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan

o komunidad na harapin ang pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa

________________________ naman ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na

harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Sa ________________________ kailangang suriin

ang elements at risk, people at risk at location of people at risk. Sa Capacity

Assessment, sinusuri ang ________________________ ng komunidad na harapin ang

kalamidad o sakuna.

Dahil sa ________________________, nagiging sistematiko ang pagkalap ng mga

datos, at pagtatala sa hazard na dapat bigyang pansin.

Capacity Assessment pisikal

Disaster Risk Assessment temporal

Hazard Assessment Vulnerability at Capacity Assessment

kakayahan Vulnerability Assessment

kakulangan

Page 23: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

17

Isagawa

Panuto: Suriin ang hazard map at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat

ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang hazard na kinakaharap ng paaralan?

______________________________________________________________________________

2. Itala ang tatlong (3) bagay sa bawat hazard na nararapat gawin upang maiwasan

ito.

a. _________________________________________________

b. _________________________________________________

c. _________________________________________________

3. Ano ang magiging epekto kapag ang bawat isa ay handa sa sakuna o kalamidad?

Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Hilaga

Kanluran Silangan

Timog

Page 24: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

18

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot

sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang mga impormasyong mula sa mga Disaster Prevention and

Mitigation?

A. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad

B. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad

C. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating

na kalamidad.

D. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad

2. Ang sumusunod ay kabilang sa pisikal na katangian ng hazard maliban sa

A. force

B. intensity

C. lawak

D. saklaw

3. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment kinakailangang suriin ang lugar

kung saan ang grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad.

Alin sa mga ito ang tinutukoy ng pahayag?

A. elements at risk

B. financial at risk

C. location of people at risk

D. people at risk

4. Tinataya nito ang kakayahan ng isang tahanan o komunidad na harapin o

bumangon sa pinsalang dulot ng hazard.

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

5. Ano ang tawag sa unang yugto ng Disaster Risk Reduction and Management

(DRRM) Plan?

A. Disaster Preparedness

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Rehabilitation and Recovery

D. Disaster Response

Page 25: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

19

6. Ito ay pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang

lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular

na panahon.

A. Disaster Management Plan

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability & Capacity Assessment

7. Ito ay ang paggawa ng mga tala kung anong mga hazard ang naranasan ng isang

lugar, gaano kadalas at alin sa mga ito ang pinakapaminsala.

A. Disaster Events

B. Hazard Events

C. Historical Events

D. Timeline of Events

8. Ang mitigation ay isinasagawa upang maiwasan ang pinsala ng sakuna o

kalamidad sa isang lugar. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa paghahandang

ginagawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging

matatag sa panahon ng pagtama ng sakuna?

A. Non-Structural Mitigation

B. Non-Structure Mitigation

C. Structural Mitigation

D. Structure Mitigation

9. Ang mga ito ay kategorya ng Vulnerability Assessment maliban sa

A. damdamin

B. pag-uugali

C. panlipunan

D. pisikal

10. Alin sa sumusunod ang temporal na katangian ng hazard?

A. I,II,III

B. I,III,IV

C. II,III,IV

D. I,II,IV

11. Ang barangay captain ng Barangay San Pedro ay patuloy na inaalam kung paano

nila mapaghahandaan ang padating na kalamidad. Sinisiyasat at itinatala nila

kung anong gamit mayroon ang barangay, pondo at tao na maaaring magamit

sa panahon ng kalamidad, ito ay tinatawag na

A. Capacity Mapping

B. Hazard Mapping

C. Risk Mapping

D. Vulnerability Mapping

I. duration II. forewarning III. frequency IV. predictability

Page 26: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

20

12. Sa pagsusuri ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang mga

sumusunod maliban sa

A. elements at risk

B. financial at risk

C. location of people at risk

D. people at risk

13. Ito ay bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management Plan na tataya at

susubok sa kahandaan ng mga mamamayan sa pagharap ng hamon sa

kalamidad.

A. Disaster Preparedness

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Rehabilitation and Recovery

D. Disaster Response

14. Inalam ni Mayor Gonzales ang mga barangay na maaaring higit na maapektuhan

ng kalamidad o sakuna. Alin sa sumusunod na hakbangin ang kanyang

isinagawa?

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

15. Ang pamilya ni Lito ay nagpupulong kung ano ang kanilang mga dapat gawin

upang maiwasan nila ang COVID-19. Gayundin upang mapaghandaan ito kung

sakali man na may mahawa sa kanilang pamilya. Alin sa sumusunod ang

kanilang isinagawa?

A. Capacity Assessment

B. Hazard Assessment

C. Risk Assessment

D. Vulnerability Assessment

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pag-

aaral sa ika-limang paksa ng ating aralin. At handa ka nang harapin ang mga

susunod na pang modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang

pagsasagot sa karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa

aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 27: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

21

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang nilalaman ng graphic organizer. Punan ng wastong

impormasyon ang bawat kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Disaster Risk Assessment Plan

Hazard Assessment

Katangian ng Hazard

a.

b.

Dalawang Proseso

a. Hazard Mapping

b. Timeline of Events

Kategorya

1. Pisikal o materyal

2. Panlipunan

3. Pag-uugali

Vulnerability Assessment

Mga hakbang na nararapat gawin bago

ang pagtama ng sakuna o kalamidad

Page 28: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

22

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1.B 2.A 3.D 4.D 5.A 6.D 7.B 8.B 9.A 10.B 11.B 12.A 13.C 14.C 15. C

BALIKAN

Mga Mungkahing Sagot Top-Down Approach ay umaasa sa pamahalaan,munisipalidad hindi natutugunan ang madaliang pangangailangan ng

mamamayan

limitado ang pagbuo ng disaster management plan hindi pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at

Lokal na Pamahalaan ukol sa pagpaplano

Nagiging mabagal din ang pagtugon ng pamahalaan

Bottom-Up Approach binibigyang pansin nito ang maliliit na detalye na may

kaugnayan sa hazard, kalamidad at pangangailangan ng mamamayan

ang batayan ng plano ay batay sa karanasan ng mga mamamayan na nakatira sa disaster-prone area.

PAGYAMANIN

A. Mga Mungkahing Sagot

-Tubig -Pagkain (delata,

noodles) -radyo -baterya -First Aid -Sabon at mga kauri nito -ID -Mahahalagang

dokumento B. Gaano ka Kahanda?

Batay sa rubriks (10 puntos)

D. Pisikal o

Temporal?

1.TKH

2.TKH

3.TKH

4.PKH

5.PKH

6.PKH

7.TKH

8.PKH

F. Crossword

Puzzle

Pahalang 1. Vulnerability 3. Hazard 5. Capacity 6. Duration 7. Katangian 8. Lawak Pababa 2. Risk 4. Structural

9. Mapping

10. Frequency

C. Punan Mo

Hazard Assessment Vulnerability Assessment

Capacity Assessment

Risk Assessment

hakbang na

dapat gawin upang

maiwasan at

mapigilan ang malawakang

epekto ng kalamidad o

sakuna

Duration

Force

Forewarning

Frequency

Hazard

mapping

Historical

profiling

Intensity

Katangian

Lawak

Pagkakakilanlan

Pisikal

Predictability

Saklaw

Speed onset

Timeline of

event

Elements at

risk

Kahinaan

Kakulangan

Location of

people at risk

Pag-uugali

Panlipunan

People at risk

Pisikal

Imprastraktura

Kagamitan

Kakayanan

Kapasidad

tao

E. Lamang ang

Handa!

Batay sa rubriks

(20 puntos)

ISAISIP

Hazard

Assessment

Pisikal na

Katangian

Temporal na

Katangian

Vulnerability

Assessment

Capacity

Assessment

Disaster Risk

Assessment

Kakayahan

Vulnerability

and Capacity

Assessment

KARAGDAGANG GAWAIN

ISAGAWA Nasa

restriksyon ng

guro (15puntos)

TAYAHIN 1.C 4. A 7. D 10. A 13. B

2.A 5. B 8. C 11. A 14. B

3.C 6. B 9. A 12. B 15. C

Page 29: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

23

Sanggunian

K to 12 Curriculum Implementation and Learning Management Matrix. 2020. Ebook. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

K to 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig: Department of Education.

K to 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig: Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/ download/18275.

"The National Disaster Risk Reduction And Management Plan". 2011. Department of

Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports

_resources/DILG-Resources-2012116-420ac59e31.pdf.

Page 30: Araling Panlipunan...name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]