3
MSEP 6 Mga Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan MUSIKA Date:_______________________ ARALIN 1 I. LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang awit-tugtugin sa iba’t-ibang palakumpasan sa pamamagitan ng angkop na kilos ng katawan. II. PAKSA: Kahulugan ng Awit/Tugtugin sa iba’t-ibang Palakumpasan ng May Angkop na Kilos ng Katawan Sanggunian: PELC A.1 pp. 2-8 Kagamitan” Pitch pipe, tsart, tape recorder III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain: 1. Panimulang Awit: “It’s a small world” 2. Balik Aral: Anun-ano ang mga alam ninyong awitin na napag-aralan ninyo noong kayo’y nasa ika-limang baitang? 3. Pagsasanay ng Tono: Pag-awit ng So-Fa silaba sa tunugang C B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Nakaraas na ba kayong dumalo sa isang pista? Anu-ano ang ginagawa ng mga tao tuwing araw ng pista? 2. Paglalahad Ngayon pakinggan natin ang isang awitin/tugtugin na may kaugnayan sa ginagawa ng mga tao tuwing sasapit ang araw ng pista ang “Pangdangguhan.” 3. Pagtalakay Bukod sa pag-awit o pagtugtog ayon sa nakatakdang tempo, ang awit ay nabibgyan din ng kahulugan sa

Aralin 1 Kahulugan Ng Awit at Tugtugin

Embed Size (px)

DESCRIPTION

musika

Citation preview

Page 1: Aralin 1 Kahulugan Ng Awit at Tugtugin

MSEP 6Mga Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan

MUSIKADate:_______________________

ARALIN 1

I. LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang awit-tugtugin sa iba’t-ibang palakumpasan sa pamamagitan ng angkop na kilos ng katawan.

II. PAKSA: Kahulugan ng Awit/Tugtugin sa iba’t-ibang Palakumpasan ng May Angkop na Kilos ng KatawanSanggunian: PELC A.1 pp. 2-8Kagamitan” Pitch pipe, tsart, tape recorder

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:

1. Panimulang Awit: “It’s a small world”2. Balik Aral:

Anun-ano ang mga alam ninyong awitin na napag-aralan ninyo noong kayo’y nasa ika-limang baitang?

3. Pagsasanay ng Tono:Pag-awit ng So-Fa silaba sa tunugang C

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Nakaraas na ba kayong dumalo sa isang pista?Anu-ano ang ginagawa ng mga tao tuwing araw ng pista?

2. PaglalahadNgayon pakinggan natin ang isang awitin/tugtugin na may kaugnayan sa ginagawa ng mga tao tuwing sasapit ang araw ng pista ang “Pangdangguhan.”

3. PagtalakayBukod sa pag-awit o pagtugtog ayon sa nakatakdang tempo, ang awit ay nabibgyan din ng kahulugan sa pamamagitan ng paglalapat ng angkop na kilos o galaw ng katawan.Anu-ano kayang kilos ang angkop sa awiting Pandangguhan

Sa parting vivace, anong kilos ang nararapat dito?

Manunugtog ay nangagpasimulaAt nangagsayawang ang mga mutya . . .

Sa parting presto, paanong kilos ang iaangkop dito?

Page 2: Aralin 1 Kahulugan Ng Awit at Tugtugin

May tumutugtog at may sumasayawMayroong sa galak ay napapasigawAng pista sa byan namin ay ganyanAng saya’y walang katapusan

Sa parting largo, anong angkop na kilos ng katawan ang pwede rito?

Halina aking mahalLigaya ko ay ikawKapag di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw

4. PaglalahatSa awiting Pangdangguhan anu-anong kilos ng katawan ang maaring iangkop dito? (masigla, mabilis na mabilis at mabagal/madalang)

C. Pangwakas na Gawain:Pangkatin ang klase sa apat. Pakinggang muli ang Pandangguhan at lapatan ng angkop na kilos.

Halimbawa:Bahaging I pagbabalse nang may katamtamang bilis

ang kamay ay nasa baywang

Bahagi II pagbabalse nang paikot sa kinaroroonan kasabay ng salisihang pag-imbay ng mga bisig pakanan at pakaliwa.

Bahagi III paglakad nang mabagal patungo sa harap (4 na sukat) at pabalik sa lugar (4 na sukat)

Bahagi IV pagpadyak nang salisihan

IV. Pagtataya:Gumawa ng sariling kilos habang inaawit/tinutugtog ang Pandangguhan.