26
i Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at Paghubog ng Pananampalataya Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan.Modyul 4 OFELIA B. VILLAMOR Developer Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera PANGALAN: _____________________________ ISKOR: ____________________ GURO: ____________________ BAITANG AT SEKSYON: ___________________ 8

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

  • Upload
    others

  • View
    95

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

i

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at

Paghubog ng Pananampalataya

Modyul ng Mag-aaral sa

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan.Modyul 4

OFELIA B. VILLAMOR Developer

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: _____________________________ ISKOR: ____________________ GURO: ____________________ BAITANG AT SEKSYON: ___________________

8

Page 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

ii

Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region SCHOOLS DIVISION OF CAR Wangal, La Trinidad, Benguet

Published by the Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE 2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.

However, prior approval of the government agency of office wherein the work

is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum

through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource

Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for

educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of

the work including creating an edited version, an enhancement or a

supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged

and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for

commercial purposes and profit.

Page 3: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

iii

PREFACE

This module is a project of the Curriculum Implementation Division

particularly the Learning Resource Management and Development Unit,

Department of Education, Schools Division of CAR which is in response to

the implementation of the K to 12 Curriculum.

This Learning Material is a property of the Department of Education – CID,

Schools Division of CAR. It aims to improve students’ performance specifically

in English and Filipino.

Date of Development: April 2020

Resource Location: Schools Division of Baguio City

Learning Area Grade Level: Edukasyon sa Pagpapakatao

(EsP)

Grade Level: Ikawalong Taon

Language Filipino

Learning Resource Type: Modyul ng Mag-aaral

Quarter/ Week Unang Markahan/ Ikaapat na

Linggo

Learning Competency / Code NaipaliLiwanag na: a. Bukod sa paglalang, may

pananagutan ang mga

magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang

kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa

pananampalataya. b. Ang karapatan at tungkulin

ng mga magulang na

magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at

pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.

EsP8PB-Id-2.3

Page 4: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

iv

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang may akda ng modyul na ito sa

Dakilang Lumikha sa pagbibigay ng talino, lakas, at sipag upang matapos

itong modyul.

Nagpapasalamat din ang may akda sa mga nagbigay tulong at suporta

upang mabuo at magawa nang maayos ang modyul tulad nina Ma’am Brenda

M. Cariño- punongguro, Ma’am Nora D. Dalapnas-Education Program

Supervisor ng araling EsP, at Ma’am Leticia B. Luoang - Ulong Guro ng EsP

at si Ginoong Sherwin Fernando na nagbigay ng ebalwasyon.

Panghuli, nagpapasalamat din ang may akda sa kaniyang pamilya sa

walang sawang pagsuporta at pagbibigay ng lakas loob. Ang kaniyang

kabiyak na si Andy at ang kanilang mga anak na sina Abelardo, Kristine

Louise at Charmaine Angela

Sa Diyos ang kadakilaan, papuri at pasasalamat!

DIVISION LRMDS STAFF:

Priscilla A. Dis-iw Christopher David Oliva Librarian II Project Development Officer II – LRMDS

Loida C. Mangangey, Ph. D Education Program Specialist – LRMDS

Victor A. Fernandez Education Program Specialist II – LRMDS

CONSULTANTS:

Juliet C. Sannad, Ed. D Chief – Curriculum Implementation Division

Soraya T. Faculo, PhD OIC – Office of the Asst. Schools Division Superintendent

Marie Carolyn B. Verano, CESO VI Schools Division Superintendent

Page 5: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

v

TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ii

Panimula iii

Pagkilala iv

Division LRMDS Staff iv

Talaan ng Nilalaman v

Pahina ng Titulo vi

Alamin 1

Subukin 2

Balikan 3 Tuklasin 4

Suriin 7

Pagyamanin 11 Isaisip 15

Isagawa 16

Tayahin 17

Susi ng Pagwawasto 21

Batayan 23

Page 6: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at

Paghubog ng Pananampalataya

Modyul ng Mag-aaral sa

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan.Modyul 4

OFELIA B. VILLAMOR Developer

Page 7: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

2

ALAMIN

Mapagpalang araw. Kumusta ka na? Nasa inyong tahanan ka ngayon, hindi

ba? Kasama ang inyong mga pamilya? Tanungin kita: Anu-ano ang mga na-

aapreciate mo sa mga ginagawa ng iyong mga magulang habang nasa “quarantine”

tayo? Dahil yan ang ating pag-uusapan sa modyul na ito. Gaano ba nagagampanan

ng mga magulang mo ang kanilang mga misyon?

Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang mga katagang ito? Marahil

napanood mo na rin minsan ang pelikulang ito. Nais kong gamiting gabay ito sa

pagpapakilala sa iyo ng susunod na aralin.

Ang mga magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na arugain,

igalang, at mahalin ang kanilang mga anak. Ito ay isang misyon na hindi madali;

bagkus ay puno ng maraming hamon. Sa kasalukuyan na nahaharap sa maraming

banta ang pamilyang Pilipino, mas magiging mahirap para sa isang pamilya, lalong-

lalo na para sa isang magulang, ang isakatuparan ang napakahalagang misyon upang

maihanda ang kanilang mga anak sa pakikipagkapwa; mga misyon na itinuturing ng

iba na imposible kasabay ng maraming pagbabago sa lipunan. Ano nga ba ang

pananagutan ng mga magulang sa mga anak at ano ang bukod-tangi at

pinakamahalaga sa mga ito? Paano nga kaya matitiyak na posible ang misyon na ito?

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng

pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos

ang kahalagahan ng pagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon. Ang saklaw

ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga sitwasyong

maaaring harapin ng mag-aaral kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit

ang iba’t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Ang bawat aralin ay

isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga

aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na sangguniang aklat.

Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang

maipamamalas mo ang sumusunod:

NaipaliLiwanag na:

a. Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya.

b. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. EsP8PB-Id-2.3

Page 8: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

3

SUBUKIN

Panuto: Sukatin natin kung ano ang nalalaman mo sa paksang tatalakayin. Basahing mabuti ang bawat tanong at sagutin ito. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang karapatan para sa _____ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.

a. kalusugan c. buhay b. edukasyon d. pagkain at tahanan

2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito ay___________________.

a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa. c. susubok sa kanilang kakayahan ng ipakita ang kanilang pananagutan

bilang magulang. d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao ang sa mundo.

3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:

a. pagharap sa anomang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral

b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan

c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan

d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito

4. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?

a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.

b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral sa ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap

c. Si Mario at Andrea na namumuhay ng simple kasama ang mga anak at katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.

d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap sa kalooban ng kanilang pagiging malayo sa kanilang pamiya.

Page 9: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

4

5. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga bata ang mga magulang? a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon

ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan. b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang

kanilang makukuha sa paaralan. c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at

kaalaman. d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga

bata. 6. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?

a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang

pinaghirapan d. Upang maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano

siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya. 7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng mga sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:

a. pagtanggap c. katarungan b. pagmamahal d. pagtitimpi

8. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya maliban sa:

a. Pagtitiwala b. Pagtataglay ng Karunungan c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

9. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:

a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng

pananampalataya d. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol

sa pananampalataya 10. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon

ng pamilya? a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananam-

palataya b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang

lahat ng kasapi ng pamilya c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na

karanasan d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at

pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan

Page 10: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

5

BALIKAN

Gawain 1: Magbalik tanaw sa mga araw-araw na sitwasyon sa inyong mga

tahanan; at gawin ang mga sumusunod.

Mahalagang Tao sa iyo

Mga salitang madalas mong napapakinggan mula sa kanila ARAW-ARAW

Reaksiyon / Pakiramdam mo sa tuwing naririnig mo sa kanila

Aral bakit pailit-ulit na sinasabi sa iyo

Tatay

1.

2.

3.

Nanay

1.

2.

3.

TUKLASIN

Gawain 2: PM (Pangmalalimang Mensahe)

Panuto: Bukod sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya, ano pa ang mahahalagang gampanin ng pamilya? Sasagutin natin ito sa gawaing ito.:

1. May anim (6) na laso sa ibaba, sumulat sa bawat isa nito ng piraso ng mahahalagang gampanin ng pamilya (magulang) para sa lahat ng kasapi nito.

2. Matapos maisulat ang anim ay bigyan ng maikling paliwanag ang bawat isa.

Page 11: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

6

3. Kulayan ng iba, t-ibang kulay. 4. Pagkatapos, i- rank sa iyong palagay ay pinakamahalaga.

• 1- bilang pinakamahalaga, 6-di gaanong mahalaga

5. Sumulat ng detalyadong paliwanag kung bakit ito ang iyong naging “ranking.”

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

__________________

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

__________________

Rank: ________

___

Rank: ________

___

Rank: ________

___

Page 12: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

7

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_____________________

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

__________________

Paliwanag:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________

Rank: ________

___

Rank: ________

___

Rank: ________

___

Page 13: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

8

6. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Bakit mahalaga ang mga gampanin na ito para sa iyo? Ipaliwanag.

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

__________________

b. Ano ang maaaring maidulot kung ang mga gampanin ng ito ay hindi matugunan

ng pamilya?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

__________________

c. Ano naman ang maidudulot kung ang mga gampanin na ito ay matugunan ng

pamilya?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

__________________

SURIIN

GAWAIN 3: Pagbasa ng Artikulo:

Panuto: Basahing mabuti ang artikulo at unawaing mabuti ang nilalaman nito.

ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA, AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao-

Ikalawang Baitang Unang Edisyon 2013

Binuod d ni: Ofelia B. Villamor

• Isa kang regalo para sa iyong pamilya, hindi mo maipaliliwanag ang kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong ina.

• Sila ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong kaganapan bilang tao. Nakatakada silang tumupad sa isang mahalagang misyon upang makamit ito.

• Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

• Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang ay ang kagustuhan Niya na ang katulad na paggalang at pagkilala ay ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Page 14: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

9

• Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.

Mga Misyon: 1. Pagbibigay ng Edukasyon

• Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.

• Mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na inihahain nito gamit ang mga pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag.

• Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay.

• Simpleng turo na magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga a. pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang

siya at hindi siya sukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay, b. pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao

na hindi tumitingin sa kanyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at;

c. katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.

• Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan, mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan na magbubunsod upang matutuhan nilang igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at maging ng diwa ng pagmamahal na hindi naghihintay ng kapalit at nagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan.

• Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Ang halimbawa at ang pundasyon ng impluwensya.

2. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya

• Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasya na ginagabayan ng maingat na paghusga.

• Isa sa mga pangunahing makatutulong ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasya upang ang isang tao ay maging matagumpay.

• Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang bata na magpasya para sa kanilang sarili, na makatutulong upang mataya ang kanilang kakayahan na maibahagi sa kanila ang tulong o paggabay na kanilang kailangan.

• May mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pagpapasya, ito ay dahil hindi pa sapat ang iyong mga karanasan at kakayahan bilang isang kabataan na bumuo ng sariling pananaw. Kaya mahalagang ang isang kabataan ay magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasya upang hindi sila masanay na gumawa ng mga maling pasya at hindi matuto rito.

Page 15: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

10

• Hindi rin tama na lagi na lamang nariyan ang magulang upang tulungan silang maisaayos ang kakanilang mga pagkakamali, hindi sila matututo sa paraan ito.

• Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili.

3. Paghubog ng Pananampalataya

• Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.

• Kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos , makatitiyak na ang mga pagpapasyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mag magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya. (wisdom)

• Ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa Paghubog ng Pananampalataya sa Pamilya:

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anomang pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.

2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa mga salita ng Diyos para sa kanyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kanyang araw-araw na pamumuhay.

3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay kanilang mararanasan. Maaari rin naman ituro sa mga kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa araw at ilagay ito sa lugar na madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal. refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook page).

4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto.

• Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na dumarating upang mailapat ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya. Ang pagtuturo ng pasasalamat ay maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng biyayang hindi inaasahan lalo na sa panahon ng kagipitan.

5. Tulungan ang bawat kasapi upang tumanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa pananampalataya. Kung ang nais ay maipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ang Diyos at ang pananampalataya, ulitin nang mas madalas ang mabuting mensahe ng Diyos sa kanila

6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol”.

• Maiiwasan na hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng mga gawain para sa pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito ng kusang-loob at buong-puso.

Page 16: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

11

Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Tiyakin na lilikha ng mga pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang,

sabi nga:

Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo

siyang maging mapanghusga.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala

sa kanyang sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag-

aalala.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng

layunin sa buhay.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kanyang sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan

ang kanyang sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging

makaramdam ng pagkakasala.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natututuhan niya na

masarap

mabuhay sa napakagandang mundo. – Dorothy Law Nolte, Ph.D.

TAYAHIN

Gawain 4: PamVille (Pamilya Village)

Panuto: Paano ginagamit na instrumento ng Diyos ang iyong mga magulang para sa pagkamit mo ng iyong kaganapan bilang tao.? Naaalala niyo pa ba ang larong “Farmville” sa computer? Iuugnay natin ang gawaing ito. Kung ang iyong mga magulang ang mga magsasaka, ano ang dapat nilang gampanan bilang misyon upang maging mayabong ka at “fruitful”? Isulat sa mga gulay ang iyong sagot.

Page 17: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

12

Gawain 5: Mga Misyon sa Pagbibigay ng Edukasyon

Panuto: Hanap-salita. Guhitan ang mga salitang tumutukoy sa pagbibigay ng edukasyon:

K A R A P A T A N A B D K

C D E F G H U I J K P I A

L M N O P Q R S T U A G T

V W X M A G U L A N G N A

Y Z K A B C A D E F M I R

G H I J K L N M N O A D U

P Q L I G A L A N G M A N

U N A N G G U R O R A D G

S T S U V W X Y Z A H B A

C S A N D A T A D E A F N

P A G T A N G G A P L G H

________________

________________

________________

________________ _________________

_________________

_________________

_________________

_______

_________________

_________________

_________________

_____

Page 18: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

13

GAWAIN 6: Crossword Puzzle

Panuto: Sagutan sa kahon na may bilang ang tinutukoy ng bawat paglalarawan.

Across: 1. Bunga ng mabuting pagpapasya. 4. Bunga ng maling pagpapasya 5. Bunga ng malaya at maingat na pagpapasya. 6. Nagiging dahilan ng hindi maingat at makasariling pagpapasya.

8.pangunahing bunga sa pagkakaroon ng mabuting pagpapasya Down: 2. Gusto 3. Filipino ng “capability”

7.Mahalagang maibigay sa bata sa murang edad na

makagawa ng mabuting pagpapasya.

GAWAIN 7: AKO BA ITO?

Panuto: Iguhit ang kung sang-ayon sa iyo ang pahayag at hindi ka sang-ayon.

Ilagay ang iyong sagot sa kahon bago ang bilang.

1. Kailangang maglalaan ng 10-15 minuto ang isang pamilya sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos

2. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anomang pandemya kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.

3. Hindi gampanin ng magulang kundi ng paaralan na ipaunawa sa mga kabataan ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa mga salita ng Diyos para sa kanyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kanyang araw-araw na pamumuhay.

4. Nakakatulong na magsulat ng mensahe ng bible verse bilang encouragement sa araw-araw at ilagay ito sa lugar na madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya

5. Mahalaga na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gumawa at kumilos ng may inaasahang kapalit.

1 2

3

4

7

8

5

6

Page 19: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

14

Isaisip

GAWAIN 8: PUNO NG MISYON

Panuto: Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang mong bigyan ka ng maayos na edukasyon, gabayan ka sa pagpapasya at hubugin ka sa iyong pananampalataya. Pinakabukod-tanging karapatan at pinakamahalagang gampanin nila ay ang maibigay ang edukasyon mo. Subalit kung ikaw ang tatanungin, anu-ano pa ang mga

pananagutan at tungkulin nilang nais mo pang magampanan para sa iyo.? Itala ang iyong mga sagot sa mga dahon ng mga puno. Kulayan ang puno.

GAWAIN 9: Pagninilay:

SWOT ANALYSIS Panuto: Gumawa ng paglalahad ng SWOT (strengths, weaknesses, opportunities,

threat) --- Kalakasan, Kahinaan, Pagkakataon, Banta sa pagsasakatuparan ng iyong mga magulang sa kanilang tungkulin/ misyon sa pagbibigay sa iyo ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog sa iyong pananampalataya. Sundan ang sumusunod na format. Maari itong kulayan.

Page 20: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

15

OPPORTUNITIES

STRENGTHS

WEAKNESSESS

THREATS

1515 Sagutin:

1. Gaano mo napapahalagahan ang pamilya mo batay sa mga Kalakasang itinala mo?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

____________________

SWOT

Analysis

Page 21: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

16

2. Sa mga kahinaan ng iyong pamilya, anong malaking kontribusyon mo upang maging

kalakasan ito?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

____________________

3. Paano mo gagawing motibasyon tungo sa iyong pag-unlad bilang isang indibidwal

ang mga oportunidad na mayroon ang iyong pamilya? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

____________________

4. Sa iyong palagay, magiging dahilan ba ng pagkawasak ng iyong pamilya ang mga

banta nito na itinala mo? Pangatuwiranan.

_______________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________

GAWAIN 10: PICTURE PUZZLE

Panuto:

1. Humanap ng anumang larawan sa internet o sa mga lumang magasin na maaaring magsimbolo sa edukasyon, pagpapasiya at pananampalataya.

2. Pagkatapos ay hati-hatiin ito upang maging puzzle pieces. 3. Ang magdidikta sa bilang ng piraso ng puzzle ay ang dami ng mga pagkatuto

na nakuha sa aralin. Ibig sabihin, bawat piraso ng puzzle ay maglalaman ng iyong mahalagang pagkatuto na may kaugnayan sa halaga na maisakatuparan ang misyon para sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

4. Isulat sa likod ng bawat piraso ng puzzle ang mga pagkatuto. 5. May inihandang halimbawa sa ibaba:

Page 22: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

17

6. Idikit ang mga puzzle pieces sa plastic cover upang mabasa maging ang mga

nakasulat sa likod nito.

Sagutin:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya? Paano ka nila mabibigyan ng edukasyon? May isa ka bang mungkahi paraan? Isa-isahin ang mga ito. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang kaya ang mga pangunahing dapat matutunan ng isang anak na tulad mo sa kanyang mga magulang? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasya? Ipaliwanag. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 4. Sa paanong paraan matuturuan ng pamilya ang mga anak sa paggawa ng mabuting pagpapasya? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 5. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang magulang ang unang

guro sa tahanan.

Page 23: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

18

6. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya sa kanilang mga anak? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 11: Pagsasabuhay

Panuto: Magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga pagkatuto sa bawat aralin sa EsP kung ito ay unti-unting mailalapat sa buhay hanggang sa ito ay maging bahagi na ng pang-araw-araw na pagkilos. Gawin natin ito…

1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo:

a. Mapauunlad ang pansariling-gawi sa pag-aaral

b. Makatitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasiya

c. Mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya

2. Pagkatapos, ilagay ito sa isang tsart upang mabantayan ang pagsasakatuparan

ng mga hakbang na ito.

3. Bantayan ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang sa loob ng dalawang linggo.

4. May inihandang halimbawa para sa iyo.

Hakbang

Unang Linggo Ikalawang Linggo

Lune

s

Mar

tes

Miy

erku

le

s Huw

ebes

Biy

erne

s

Sab

ado

Ling

go

Lune

s

Mar

tes

Miy

erku

le

s Huw

ebes

Biy

erne

s

Sab

ado

Ling

go

Edukasyon

1. Nakagawa ng gawaing iniatas ng guro

sa klase √ √ √ √ √ √ √ √ √

2. Nakagawa ng takdang aralin sa takdang

panahon

√ √ √

√ √ √ √ √ √ √

3.

4.

5.

Pagpapasiya

1. Isinagguni sa magulang o sa taong

may kaalaman sa moral na pamumuhay

ang isang suliranin

√ √ √

√ √ √

2.

3.

4.

Page 24: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

19

5.

Pananampalataya

1. Nagdasal kasama ang pamilya bago

kumain √ √ √

√ √ √

√ √ √

2.

3.

4.

5.

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik

sa iyong sagutang papel ang pinakangkop na sagot. 1. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng

mga sumusunod na pagpapahalaga maliban sa: a. Pagtanggap b. pagmamahal c. katarungan d. pagtitimpi

2. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon

ng pamilya?

a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananam-palataya

b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya

c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan

d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan

3. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya maliban sa: a. Pagtitiwala c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan b. Pagtataglay ng Karunungan d. Pagtuturo ng magulang ng mga

pagpapahalaga 4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng

magulang maliban sa: a. pagharap sa anomang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng

prinsipyong moral b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga

hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya at sa lahat

ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa

anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

Page 25: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

20

5. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan

6. Ang pagiging _____ ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

a. Masayahin b. mapanagutan c. irresponsible d. matulungin 7. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang

tungkulin sa kanilang mga anak? a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng

magandang buhay para sa kanilang mga anak. b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral sa ang kanilang mga anak sa mamahaling

unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap c. Si Mario at Andrea na namumuhay ng simple kasama ang mga anak at

katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.

d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap sa kalooban ng kanilang pagiging malayo sa kanilang pamiya.

8. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga bata ang mga magulang? a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang

pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan. b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang

kanilang makukuha sa paaralan. c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at

kaalaman. d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.

9. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple? a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang

pinaghirapan d. Upang maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya

at hindi sa kung ano ang mayroon siya. 10. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang

pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa: a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng

pananampalataya d. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol

sa pananampalataya. 11. Natatapos sa pagbibigay ng makakain, maiinom, maisusuot at matitirahan o sa

paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak.

A. Marahil b. mali c. siguro d. tama 12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang

magkaroon ng mga anak – ito ay___________________. a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.

Page 26: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay

21

c. susubok sa kanilang kakayahan ng ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.

d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao ang sa mundo. 13. Ang mga _____________________ ang itinuturing na una at pangunahing guro ng

mga anak sa tahanan. a. Lolo b. Yaya c. Magulang d. Tutor

14. Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang a. maging palaasa sa magulang c. maniwala sa kanyang sarili b. maging mapagbigay d. mawalan ng pangarap sa buhay

15. Ang _____________ ay bunga ng maling pagpili. a. paninisi b. naninisi c. pagsisisi d. sinisisi