Ang Kauganayan Ng Konsensya Sa Likas Na Batas

Embed Size (px)

Citation preview

ANG KAUGANAYAN NG KONSENSYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

ANG KAUGANAYAN NG KONSENSYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya.Babangon na o hindi pa, maliligo o maghihilamos, kakain na o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasiyang ito. Marahil hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain.Magkagayunman, sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang gagawin.Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa? Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?

Paunang Pagtataya1. Lumaki si John LLyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip. Nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti.

Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd?a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensyab. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agamagam.c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunind. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama.

2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakanb. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaanc. Makakamit ng tao ang kabanaland. Wala sa nabanggit

3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng taob. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masamad. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao

4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?Tamang konsensya Purong konsensyaMaling KonsensyaMabuting Konsensya

5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon.

Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?a. Obhektibo c. walang hangganb. Unibersal d. di nagbabago

6. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailanganc. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanayd. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?a. Mapalalaganap ang kabutihanb. Makakamit ng tao ang tagumpayc. Maabot ng tao ang kanyang kaganapand. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:ObhektiboUnibersal walang hanggan d. di nagbabago

9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay nadapat gawin at masamang dapat iwasan.c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagayna dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:

a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito aynakatutulong sa mas nakararami.d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

PAGTUKLAS SA DATING KAALAMAN

Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sa situwasyong ito. Pag-aralan ang case study . Ano ang iyong gagawin kungikaw ay nahaharap sa ganitong situwasyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging sagot.

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang libongpiso.33

Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mongkaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili ng kanyang gamot.34

Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong na ito sa iyong kuwaderno :1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN ATPAG-UNAWA

Marahil naririnig mo ang payo na, Gawin mong gabay ang iyong konsensya, sa tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang pagpapasya. Maraming paniniwala ang nakakabit sa salitang ito, gayundin ang ibat ibang pakahulugan dito.

Ikaw, ano ang pakahulugan mo sa salitang ito? Maraming paniniwala ang nakakabit sa salitang ito, gayundin ang ibat ibang pakahulugan dito.

Ikaw, ano ang pakahulugan mo sa salitang ito?

Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya.Kaso 1Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta. Subalit mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa inyo at humihingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?Kaso 2Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusasa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita moang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang gagawin mo?1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?Malaki ang papel na ginagampanan ng iyong konsensiya sa buhay mo. Dito nakasalalay ang paghubog ng iyong pagkatao dahil ito anghumuhusga sa kilos na iyong pinipiling gawin. Kung ang kilos mo ay nakadepende sa paghusga ng konsensiya, saan nakadepende ang konsensiya sa paghuhusga nito?PAGPAPALALIMANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong ama at ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng mabuti o ng masama?Ayon sakanila, may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at isa sa kaliwa. Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama na dapat mong gawin sa isang sitwasyon. Ayon sa kanila, kapag pinili mo ang mabuti,sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo ang masama, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kaliwa.Ngayon naman, marahil naririnig mo ang mga katagang: Malinis angkonsensiya ko o kaya naman Hindi maatim ng aking konsensiyaAno nga ba ang konsensya?

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ngmabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya.

Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay with o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay knowledge o kaalaman.Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang with knowledge o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:

Halimbawa nito, iniwan sa pangangalaga mo ang iyong nakababatang kapatid dahil umalis ang iyong ina. Ngunit sinabayan mo ang pag-aalaga ng panonood ng telebisyon. A. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Dahil dito, nahulog ang kapatid mo. Nagkaroon ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina, hindi lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng nanay mo may bukol din ito sa nooNang tanungin ka, sinabi mong napadikit lang sa dingding kayat nagkaroon ng gasgas, subalit di mo alam bakit may bukol ito. Hindi mo man aminin ang iyong ginawa at itanggi ang katotohanan, makumbinsi mo man ang iba at ikay paniwalaan, ang iyong konsensiya ay nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang konsensiya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.B. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sanay isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa itaas, sa iyong pagiisa hindi ka mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa iyong ina ang tunay na nangyari sa iyong kapatid. Ang konsensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.C. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. Halimbawang binalewala mo ang bulong ng konsensya na sabihin sa iyong ina ang tunay na pangyayari, hindi na natahimik ang iyong kalooban. Mas tumindi pa ang pagkabagabag nito lalo na nang nilagnat ang kapatid mo. Kayat sinabi mo ang totoong nangyari sa iyong ina. Napagalitan ka man subalit nawala ang iyong pag-aalala at nakadama ka ng kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito, ang konsensya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring nagpapahirap sa tao.

Ang konsensya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng katagang hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking konsensya.

Ipinakikita dito na ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao; kayat ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Paano nga ba nalalaman ng konsensiya ang tama at mali? Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya aylikhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan atkabutihan ng Diyos.Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kayat ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos.Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kayat ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kayat ito ang gumagabay sa kilos ng tao.Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao.Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.Mga Katangian ng Likas na Batas Moral1.Obhetibo Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.Ito ay nagmula sa mismong katotohanan ang Diyos.Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao.Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.2. Pangkalahatan (Unibersal) Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kayat ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggaptanggap sa lahat ng tao.3. Walang Hanggan (Eternal) Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kayat ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.4. Di-nagbabago (Immutable) Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago.Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.Ayon kay Lipio, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang batas-moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng lahatSubalit hindi nangangahulugang ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat niyang sundin araw-araw, bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa ang mga malalawak na pangkalahatang batas-moral sa pamamagitan ng sariling kilos.Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon.Uri ng Konsensya1. Tama Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang maliHalimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon subalit isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kayat nararapat na ito ay isauli mo.2. Mali Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay samga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

Mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali.

Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera.May pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao. Ito ang nagaganap sa kaniyang konsensiya nang hindi niya namamalayan. Karaniwang sinasabi ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang upang pangatwiranan ang maling ginawa. 116 Kung patuloy na babalewalain ng tao ang kaniyang konsensya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama.Epekto nito, ang tao ay maaaring maging katulad ng hayop sa kanyang pagpasya at pagkilos.117