21
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina Kolehiyo ng Edukasyon KAGAWARAN NG FILIPINO Pagsusuri sa Nobelang “Ang Bulaklak sa Kabaret” Ni Ruperto Santiago Cristobal Kahingian sa asignaturang: Lit 117 Panunuring Pampanitikan Ipinasa Kay: Dr. Erico M. Habijan Ipinasa Ni: Jetro Luis D. Torio CTE 3- Medyor sa Filipino 1

Ang Bulaklak sa Kabaret

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang pagsusuri sa nilalaman ng nobelang Ang Bulaklak sa Kabaret

Citation preview

Page 1: Ang Bulaklak sa Kabaret

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Kolehiyo ng Edukasyon

KAGAWARAN NG FILIPINO

Pagsusuri sa Nobelang

“Ang Bulaklak sa Kabaret”

Ni Ruperto Santiago Cristobal

Kahingian sa asignaturang:

Lit 117 Panunuring Pampanitikan

Ipinasa Kay:

Dr. Erico M. Habijan

Ipinasa Ni:

Jetro Luis D. Torio

CTE 3- Medyor sa Filipino

1

Page 2: Ang Bulaklak sa Kabaret

I. Introduksyon

Ang pagsusuring ito sa nobelang Ang Bulaklak sa Kabaret ay naglalaman ng ilang

mahahalagang kaalaman tungkol sa nobelang nasabi, napakilala ang mga tauhan at

ang kanilang ginampanang karakter, natukoy ang mahahalagang tagpo sa nobela sa

pamamagitan ng pagtalakay ng buod, pagtalakay sa mga pilosopiyang nakapaloob sa

nobela at ang pag-alam sa mga hamon at mahahalagang kaisipang nais ipahayag ng

may akda sa mga mambabasa noon at sa kasalukuyang panahon.

Ang nobelang ito ay isinulat ni Ruperto Santiago Cristobal at nalathala noong

taong 1918. Ang nasabing nobela ay naglalaman ng mahahalagang pangyayari sa

kasyasayan na sinasabing isa sa mga naging sakit ng ating lipunan. Ang

Bulaklak ng Kabaret ang titulo ng nobelang ito na sumisimbolo sa mga

magagandang at nakahuhumaling na mga bulaklak na makikita sa kaharian ng Dyablo

o ang kabaret. Kakikitaan ang nobelang ito ng mga bulaklak na napadpad ng malakas

na hangin mula sa iba’t ibang lugar. Iba-iba ang katangian nito ang iba’y sariwa at ang

iba nama’y tila binasa na. Para naman kay Dr. Erico Habijan sinabi niya na ang salitang

“bulaklak” para sa lahat ng akdang pampanitikang nababasa ay sumisimbolo sa isang

babae. Na kung saan masasabing tama ang kanyang tinuran dahil sa nobelang ito ay

mapatutunayang ang mga bulaklak nga ay mga babae dahil mula sa titulo at kabuuan

nito ay mababasa na sina Amor at Matang -Tsina ang mga magagandang bulaklak na

makikita sa loob ng kabaret.

Samantala ang kabaret naman ay lugar kung saan makikita at masasaksihan

ang mga taong naghahanap ng panandaliang aliw sa presyong sapat at kagiliw-giliw. Ito

ang tahanan ng mga taong handang lumustay ng malaking salapi para mabili at

makuha ang inaasam na aliw.

2

Page 3: Ang Bulaklak sa Kabaret

II. May-akda

Si Ruperto Santiago Cristobal ayon sa paglalarawan at sa mga panunang salita

na ibinigay ni Julian Cruz Balmaseda ay nagsabi ng ilang pahayag bilang bahagi ng

pagpapalimbag ng aklat na ito. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga pahayag

na matatagpuan sa unang bahagi ng nobela.

Hindi kabilang sa ilan sa marami nating mga manunulat na katulad ng isang

musmos na sa likas na kalikutan, ay nagpupumilit na makatakbo bago mag-aral na

humahakbang at lumakad. Ang iba’y madalas na magsimula sa pagsulat ng isang

kwentoo tula bago mag-aral sa pagsulat ng wikang tagalong. Para bagang ang Wikang

Tagalog ay hindi isang karunungang dapat pagdurugan ng utak, Anakin baga’y isang

kasangkapang may pako ka lamang at martilyong hawak ay mapaglalapat-lapat mo na

agad.

Siya ay unti-unting munang nagsunog ng kilay, nag-inot na magsulat ng maikling

balita sa mga pahayagan, nagbabasa ng mga sari-saring mga nasulat sa wikang

tagalong, maraming hatol sa mga lalong kilalang guro sa pananagalog, bago

nagtangkang sumulat ng isang maikling kasaysayang pinakaensayo niya sa pagpasok

sa matinik na buhay ng pagkamanunulat.

Isang taong nakakit ng isang namamangka, ang ginawa’y nanghiram ng sagwan,

humanap ng sasakyan sa laot ay gayong hindi pa niya nalalaman ni ang pagsikil at

pagkabig, ang pagsalungana’y at pagayon sa agos ng tubig, saka nasa laot na’y doon

magugunita ang kaniyang malaking pagkakamali.

IV. Banghay:

Ang panimula ng kwento ay kakikitaan ng buhay ng mga bulaklak sa kaharian ng

dyablo. Kung ano nga ba ang mga katangiang kanilang talaga at ang paraan kung

3

Page 4: Ang Bulaklak sa Kabaret

papaano sila nakasusungkit ng mga parokyano at kung ano ang kanilang lihim upang

ituring bilang diyosa ng gabi. Makikita rin sa simula ang mga lalaking mahilig sa

bulaklak at kung paano sila nito napaliligaya. Ang suliranin sa kwento ay kaugnay sa

lihim na pagtingin nina Matang-Tsina at Sunny kina Danny at Amor. Nagkaisa ang

dalawang sakim na ito upang paglaruan at paikot-ikutin ang kapalaran ng magsing-irog.

Gumawa sila ng paraan upang magtagumpay ang kanilang mga balak hinggil sa

planong pag-angki sa kanilang mga gusto. Sa kasukdulan ay nang mabunyag na ang

mga lihim na itinatago ng dalawang magkasabwat kasama na si Joe na siyang

nagsilbing tagapaghatid ng balita ukol sa mga planong pagpaslang sa dalawa. Kapwa

mainit ang dalawa sa isa’t isa ng nalaman ang mga lihim, lahat ay nagulat dahil sa di

inaakalang sabwatan ng tatlo at kung paano nila nagawang paikutin ang magsing-irog

para lang sa pansariling kagustuhan. Sa kakalasan ay hindi nakayanan nina Danny at

Amor ang nalaman dahilan upang tuluyan silang magalit sa isa’t isa at kapwa tumakas

sa mga panlililang na kanilang nalaman. At sa pagwawakas ay kasawian at sa din-

inaasahang pagkakataon ay muling pinagtagpo ang mga nagkasala at ginawan ng sala

ang naging kaganapan sa huli. Dala ng labis na galit at hinagpis ni Amor sa mga taong

naglaro sa kanyang buhay at sa minamahal ay iniligay niya ang hustisya sa kanyang

kamay. Kapwa pinaslang sina Sunny at Joe dahil sa paniniwalang silang ang sumira ng

buhay nito. At sa pagtatapos nagbayad ang mga nagkasala at naging masaya ang

naging buhay nina Amor at Dany na nauwi sa kasalan.

IV. Mga Mahahalagang Karakter sa Nobela:

1. Margarita

“Ngunit kalian darating ang kaligayahan ng isang pusong napipigta ng luha sa

pagtangis? Kalian pararatingin ang awa sa isang napayupyop sa Dios upang huwa

mabulid sa pagkakasala ang isang tao?”

Siya ang pinakapangunahing tauhan sa nobela. Siya ay mas kilala sa pangalang

“Amor Mio”, isang dalagang ulila sa pagmamahal ng magulang at maagang namulat sa

4

Page 5: Ang Bulaklak sa Kabaret

mundo ng realidad dahilan upang siya ay mapadpad sa mundo ng kabaret. Simpleng

babae na walang ibang hangad kundi mabuo ang pamilya at mahanap ang tunay na

pagmamahal.

Ang kanyang katauhan ay kakikitaan ng pilospiyang estosismo, dahil siya

ay nagpakasakit at nagtiis sa mga hamong kanyang hinarap mula nang siya’y

maulila sa kanyang pamilya at sa mga taong naglaro at nagpaikot sa kanyang

buhay. Larawan siya ng dalawang mukha ng Pilipinas kung saan ang una ay ang

mukhang ng pagtitiis mula sa mga taong mapanlamang na pilit na inaangkin at

dinudungisan ang malinis nitong mukha para lamang makuha ang kagustuhang

kanilang hinahangad. Ikalawa ay mukha ng pagtitiis at pagiging matatag sa

kabila ng mga hamong kanyang naranasan ay nanatiling nakatayo at umaasang

mga kabayaran ding naghihintay sa mga taong lumapastangan sa kanya.

2. Danny

“ ah, mangyari pa, talagang nais kong tayo’y makasal upang sa harap ng Dios at

sa harap ng tao’y aking isumpa na ikaw ay aking iniibig, iibigin at paglilingkuran”

“Babaeng walang –malay! Babaeng marunog makipaglaban sa hapis at sa

kamunduhan! Babaing kung pamagalan ng iba’y putik, ngunit babai palang kritsal ang

kabagay, malinis na batong marmol… iginagalang kita, pagpalain ka nawa sa aking

piling – lalong maging kalinisnisan, mapagtapat, katangi-tangi”

Siya ay mas kilala sa tunay niyang pangalang Jose. Kilalang makapangyarihan at

nakaririwasa sa buhay kung kaya’t lahat ng kanyang gusto’y imposibleng di niya

makuha. Siya ang lalaking nagpakita ng labis at tunay na pagmamahal kay Amor. Sa

kabila nang kanyang karupukan bilang lalaki ay nanatili parin ang kanyang paninidigan

at responsible mula sa mga kasalanang kanyang ginawa. Sa kabila ng kanyang

pagiging makapangyarihan ay hindi niya ito itinuring bilang instrumento upang makuha

ang kanyang mga kagustuhan bagkus ay sinikap niyang alisin at isantabi ang posisyong

5

Page 6: Ang Bulaklak sa Kabaret

ito para lamang maging patas ang kanyang pakikisama at turing sa taong sa palagay

niya’y makapagpapasiya sa kanya.

Siya ang simbolo ng mga kalalakihang nadadala lamang ng tukso sa kabila ng

pagiging marupok nito. Ang tunay na lalaki na handang magsakripisyo para sa kanyang

minamahal at kakayahang panindigan ang mga bagay na alam niyang bunga ng

kanyang pagkakasala. Sa kasalukuyan ay marahil iilan na lamang ang tulad niya na

tumatayo para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama. Dahil may mga tao lalo na ang mga

politiko na naghahanap rin ng kasiyahan ngunit ang pinagkakaiba nga lang ay

masyadong ginagamit ang kapangyarihan upang malamang at makuha lamang ang

kagustuhan.

Kung pakasusuriin siya ang kanyang karakter sa nobela siya ay maihahanay sa

pilosopiyang

3. Matang-Tsina

“Malinis ang suot na at pangalan, ngunit kung tatarukin ay kasing dungis din

naming ang iyong kaluluwang iniingatan”.

Isa sa mga magagandang bulaklak na makikita sa loob ng kabaret. Mas kilala sa

bansag na “Matang-Tsina” ngunit ang kanyang tunay na pangalan ay Amalia Regino.

Dating maybahay ngunit dahil sa si matustusang luho niya ay nagawa niyang hiwalayan

kanyang asawa at lumisan sa buhay na kinagisnan. Kilala siya sa pagiging tuso at

mapaglaro dahilan upang siya’y magbilang ng kanyang kinaksama mula kay Yapco, Mr.

Sydney at Ernani. Halos lahat ay nagsilbing panandalian lamang at maging dahilan

upang kagustuhan at angkinin si Danny. Bunga ng pagiging mayaman at katyuan nito

ay agad itong kinagiliwan at pinagplanuhan ng tusong si Amalia.

Siya ang babaeng lahat ay hahamakin at gagawin para lamang makuha ang

kanyang kagustuhan sa buhay. Dala marahil na kanyang sinapit noon ay pilit niya itong

inaalis para mabuhay ng masagana at sunod sa luho. Nagawa niyang paikutin ang

lahat ng mga tao sa kanyang paligid at gawing sunod-sunuran ang taong nagmamahal

6

Page 7: Ang Bulaklak sa Kabaret

sa kanya na si Ernani. Sinubukan niya rin sirain ang isang maayos na buhay para lanag

sa pansariling kagustuhan.

Sa kasalukuyan ay may mangilan-ngilang babae ang katulad niya lalo na ang mga

tinatawag na kerida, kabit o mistress na hindi iniisip kung anong pamilya ang kanilang

sinisira. Isa ito sa mga isyung nakikita hanggang sa ngayon dahil sa halip na mapigilan

ito ay patuloy paring marami ang gumagawa.

Batay sa kaniyang katauhan siya ay halimbawa ng pilosopiyang materyalismo dahil

tanging pera at iba pang materyal na bagay ang kanyang hinhangad sa mundong ito.

walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang mga bagay na nakapagpapasiya sa kanya

kaysa sa tunay na pagmamahal na di niya nararamdaman.

4. Sunny

“Malinins sa tingin lamang, ngunit ang budhi’y sadyang mahalay…”

“ Kay ganda mo! (Amor) sariwang-sariwa pa ang iyong balat, namumurok

pa ang iyong mga pisngi, ang mga mata mo’y walang malay pa sa kamunduhan,

at ang iyong puso’y nangangailangn pa ng tapat at wagas na kalinga”

“Nakapaghignati rin ako! Inaasahan kong ako’y magtagumpay!”

“Magdiwang ka sa ating tagumpay”

Kilalang abogado at isa sa mga parokyanong madalas mapadpad sa kabaret

upang mapunan ang tawag ng laman. Siya ang lalaking lihim at hibang sa

pagmamahal ni Amor. Dala ng labis na pagnanasa at pag-ibig na di makuha ay

nagawa niyang gumawa ng mga bagay na makasisira sa buhay ng taong

pinakamamahal niya. Unang-una ay nagawa niya paulit-ulit na itagao at halayin

si Amor at ikalawa ay ang pagtatangka sa buhay ni Danny na sadyang

nakasasama kung iisipin. At ang isa sa pinaka-nakagigimbal sa lahat ay ang

ginawang panghahalay sa nawawalang kapatid ni Amor na si Gloria nang ito’y

nasa edad sampu.

Siya ay naayon sa pilosopiyang maytismo at hedonismo, dahil sa

pilosopiyang maytismo ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang

7

Page 8: Ang Bulaklak sa Kabaret

makuha niya ang kanyang hangad at kagustuhan sa kabila ng kahinaan nito.

Sinamantala niya ang kanyang posisyon upang gawan ng masama ang mga

taong mahihina. Bagama’t masasabi nating dalai to ng kagustuhan niya ay may

pagkakasala pa rin siyang nagawa sa mata ng Diyos at sa batas ng tao. Kung

pilosopiyang hedonismo naman ay tugmang-tugma ito sa katauhan niya dahil

ayon nga sa pilosopiyang ito anumang bagay na nakapagpapasiya at

makapagdudulot ng kasiyahan at kakuntentuhan sa kanyang buhay.

5. Ernani

“Ako’y hindi na si Ernani – ang lalaking hinahangaan sa kanyang

pagkamatimpiin. Ngayo’y isa na akong sawing nagumon sa kamunduhan,

walang ngalan, walang puri, walang karangalan; isa ako ngayong

binatang walang kinikilalang Diyos kung hindi ang aliw, walang kinikilalang

buhay kundi ang pag-ibig, walang kinikilalang liwanag kung hindi ang mga

mata ng babae.”

Siya ang binatang taga-Sampaloc at ang lalaking-kuro kung ituring ni Amalia. Sa

kabila nang kanyang lihim na pagnanasa at pagkagusto dito ay sunod-sunuran siya

sa lahat ng kagustuhan nito. Dulot ng labis na paghanga at pagnanasa ay nabulag

na siya sa mga ito dahilan upang siya’y maging masama at magbago ng katauhan.

Kakikitaan siya ng pilosopiyang humanismo dahil ayon sa pilosopiyang ito

tanging tao lamang ang sentro ng mundo nakasalalay sa kanya kung ano ang

magiging kapalaran niya dahil siya ang gumagawa nito. Sa kabuuan ng nobelang

ito’y makikita sapagkat sa kinahinatnan nang kanyang buhay ay masasabing

nagkamali siya ng desisyon dahil sa mga naging epekto nito sa kanyang buhay na

nasira dala ng labis na pagmamahal.

Sa kasalukuyan ay may mga tao parin ang katulad ni Ernani lahat ay hahamakin

at gagawin para lamang maasam ang hinahanap na pag-ibig. Hindi masama ang

maghangad ng labis na pag-ibig ngunit kung buhay mo naman ang magiging

8

Page 9: Ang Bulaklak sa Kabaret

kabayaran nito ay sadyang di katanggap-tanggap. Dulot ng labis na pag-ibig ay may

mga taong nakagagawa ng isang bagay na alam naman nilang mali ay

ipagpapatuloy at gagawin pa rin nila. Isang suliraning makikita sa nobela na

mapapansin hanggang sa ngayon.

6. Joe

“ Ang kabutihang asal pala’y nakamamatay!”

Mas kilala sa kanyang tunay na pangalang Jose Capistrano. Ang lalaking tuso at

masunurin na kasabwat nina Matang-Tsina at Sunny sa paglalaro ng mundo ng

magsing-irog na sina Danny at Amor. Nakilala siya bilang ama ng kanyang dalawang

anak na sina Engracio at Roberto at asawang si Flora. Kilala bilang iresponsableng

ama dahil mas inuuna pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan ng kanyang

pamilya.

Siya ay kakikitaan ng pilosopiyang humanismo dahil bilang sentro ng mundo ay

siya ang gumagawa ng kanyang kapalaran.ipinapakita niya ang mga katangiang

naitataglay ng pilosopiyang ito.

Sa modernong panahon ay maihahalintulad siya sa mga batugang asawa na

walang ibang ginawa kundi ang unahin ang sarili bago ang pamilya. Isa itong suliranin

na ipinakita sa nobela tulad ng asawa ni Sisa na si

7. Gloria

“Nang mag-iisang buwan na ako sa nasabing bahay ay nahiling sa akin

niyan na magdala ng tubig sa kanyang silid, sumunod ako ; malikot na yao’y

isinara ang pinto at ako’y ginahasa”

Ang nakababatang kapatid ni Amor na nawalay sa kanya sa loob ng

walong (8) taon. Tulad ng kanyang ate ay maaga ring naulila sa pagmamahal ng

magulang. Dahil siya ay ulila na at walang pamilyang aaruga ay maagang

namasukan bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Maynila upang

9

Page 10: Ang Bulaklak sa Kabaret

may masilungan. Dala ng kanyang kamusmusan at kahinaan siya ay paulit-ulit

na pinagsamantalahan ng kanyang amo na si Sunny. Nang lumaon siya’y

pinalayas sa tahanang iyon dahil sa kahalayang ginagawa niya umano. Siya’y

inaruga ng ampunan sa loob ng walong taon hangga’t siya matagpuan ng

kanyang kapatid.

Siya ay kakikitaan ng katangiang nagtataglay ng doktrinang pang-asal

dahil puro pagpapakasakit, pagtitiis at pagtyatyaga ang kanyang ipinakita sa

kabila ng mga suliraning kinaharap niya sa buhay.

Simbolo siya ng mga kaabbaihang inabuso at pinagsamantalahan ang

kahinaan. Tulad ng ating bansa, inalisan ng kasuotan at pilit na hinubad ang

yamang pinakatatago nito. Sa ngayon ay napakarami paring mga kababaihan

ang naaabuso partikular na ang mga menor de edad, dahil sa kawalang

proteksyong ibinibigay ng mga magulang at ng awtoridad na siya dapat

nangangalaga rito.

8. Flora

“ Kung nais po ninyo itay, ang pilitin akong makasal sa lalaking hindi ko iniibig ay

pumapayag ang inyong anak”

Siya ang babaeng nagpakasakit at nagtiis sa pagmamalupit ng kanyang

asawang si Joe. Isang simpleng dalaga na pilit ipinakasal sa lalaking di naman niya

mahal kapalit lamang ang salaping kagustuhan ng kanyang ama. Isang simpleng

maybahay na handang magtiis sa ngalan ng kanyang dalawang anak.

Ang kanyang katauhan ay simbolo ng babaeng handang lumaban para sa

kaniyang karapatan. Hindi sumusuko sa anumang suliranin sa buhay at walang ibang

prayoridad kundi ang kanyang mga anak at pamilya.

10

Page 11: Ang Bulaklak sa Kabaret

Katulad rin ni Gloria siya ay nagtataguyod ng dokrtinang pang-asal dahil

nagpakasakit at tiniis ang lahat para lamang sa kapakanan ng kanyang pinakamamahal

na mga anak.

V. Pagsusuri sa mga Pilosopiyang nakapaloob sa Nobela

Sa kabuuan ng nobela ito’y kakikitaan ng iba’t ibang pilosopiya tulad ng

Estoisismo, Teyismo, Maytismo, Humanismo, Hedonismo at Materyalismo bilang mga

pilosopiyang nakita at nangibabaw sa katauhan ng bawat karakter at mga kaganapang

nabuo sa kabuuan ng akda. Bunga marahil ito ng matalinong obserbasyon ng

manunulat ay nagawa niya mapagsama-sama ang mga gawi ng mamamayan noon na

makikita hanggang sa kasalukuyang panahon.

Isa ang Pilosopiya Estosismo bilang isa sa mga pilosopiyang makikita sa nobela,

nagtataglay ito ng doktrinang pang-asal na makikita sa katauhan nina Gloria, Flora at

Amor ang mga babaeng maituturing na martir dahil sa pagtitiis, pagtyatyaga at

pagpapakaskit ang kanilang ipinakita. Mga babaeng sa halip na kaawaan ay kabibiliban

dahil sa katapangan. Si Amor bilang bulaklak ng kabaret ay sadyng maipagmamalaki

dahil sa kabila ng kanyang hanap-buhay ay sinikap niyang huwag masira ang kaniyang

buhay ng kanyang ginagawa. Alam niya kung paano ilulugar ang mga gawing makikita

lamang sa tahanan ng Dyablo. Sa kabila ng kanyang sinapit pinaglaruan ang kanyang

buhay ng mga taong galit sa kanya ay pinanatili parin niya ang pagtitimpi sa una. Ayon

nga sa banal na kasulatan na matatagpuan sa Mga taga Galasia 5:2-3 sinabing

“Kahinahunan at Pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.” kung

saan sa una’y sadyang pagtitimpi ang ipinakita niya dahil naniniwala siya na

mapapalad ang inaapi at alam niya na sasapitin rin ng mga taong yaon ang

kanilang pinagagawa. Ngunit sa huli ay inilagay niya ang hustisyang kanyang

hinahangad sa kanyang kamay nang paslangin niya ang mga taong gumawa

ng kasalanan sa kanyang mahal sa buhay na sina Sunny at Joe. Kung sa

mata ng Diyos ang pagbabatayan ay sadyang mali ang kanyang ginawa

11

Page 12: Ang Bulaklak sa Kabaret

ayon nga sa Bibliya sinabi ng mga Ebreo 10:29 “Sapagkat kilala natin ang

nagsabi, Akin ang paghihiganti; Ako ang magpaparusa”. Ibig sabihin ay hindi

dapat natin ilagay sa ating kamay ang hustisyang ating hangad dahil sa

batas ng Diyos ay malaking kasalanan ito. dahil makikita sa ilang bahagi ng

nobela na tanging kamatayan lamang ang magiging kabayaran sa lahat ng

kanyang sinapit, na makikita sa banal na kasulatan na sinabi ng mga Taga

Roma 6:20 “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” na siyang

pinanghahawakang prinsipyo ni Margarita.

Makikita rin sa nobelang ito ang pilosopiyang Maytismo na nagsasabing lakas

at kapangyarihan ay siyang wasto at nakasalalay dito ang anumang

pagpapasya at buong buhay ng tao. Sa katauhan ni Sunny ay higit na

makikita ang pilosopiyang ito dahil gamit ang labis na kapangyarihan ay

nagawa niyang samantalahin ang kahinaan ng mga taong walang lakas na

lumaban sa katauhan ni Gloria at Danny. Sa kanyang posisiyong

pinanghahawakan ay pinaramdam niya sa mga taong ito na kaya nyang

hawakan ang batas at lahat ay manipulahin. Naipakita rin ng tuwiran sa

nobelang ito na mas nananaig ang makapangyarihan kaysa sa mahihina at

tanging pansariling interes lamang ang hinahangad tulad ng sinabi ni

Thrasymachus na “anumang tama at makatwiran ay walang iba kundi ang

interes ng mas malakas”.

Bunga ng makasalanang gawi ng ilan sa mga tauhan sa nobelang ito

ay kakikitaan pa rin ito ng pananampalataya at paghingi ng tulong sa

Maykapal. Makikita sa akdang ito ang pilosopiyang Teyismo sa katauhan ng

bawat isang karakter lalo na sina Danny, Flora at Gloria. Ayon nga sa

pilosopiya ng teyismo kung walang Diyos, walang daigdig, walang tao, wala

lahat. Dahil sa kabuuhan ng nobela ay hindi nawala sa puso’t isip ng mga

tauhan ang pagtawag sa Panginoong Diyos. Gaano man kabigat ang

pagdurusa na kinahaharap ng bawat isa ay wala silang ibang

12

Page 13: Ang Bulaklak sa Kabaret

pinagdudulugan nito kundi siya lamang. Tunay nga na kahit anuman ang

katayuan at katauhan mo ay hindi maaring malimot sa ating puso ang Diyos

na may lalang sa atin. Kahit na alam nilang sila’y nakagawa ng kasalanan ay

hindi sila nag-imbot at nag-atubili na lumapit sa Diyos na marunong maawa.

Dala ng labis na inggit at galit kay Margarita ay nakagawa siya ng mga

bagay na pagsisihan niya habambuhay walang ibakundi si Amalia o mas

kilala sa bansag na Matang Tsina. Siya ay pumapaloob sa pilosopiyang

Hinduismo ng India sa pamamagitan ng Doktrinang Karma. Ito ay batas ng

gawa na tumutukoy sa mga bunga ng sariling mga gawa, asal, kilos, batas

ng sanhi at bunga. Tulad ng sinapit ni Matang-Tsina ay pinagabyaran niya sa

huli ang mga kasalanang ginawa niya sa magsing-irog na si Danny at Amor.

Siya ay nadala ng kanyang galit at inggit dahilan upang siya’y sumapit sa

sukdulan ng kasamaan at matutong magbalak ng masama, kung kaya’t ang

ganitong gawi ay sadyang nakasasam tulad ng nasasaad sa banal na

kasulatan matatagpuan sa Micah 2:1 “Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga

hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumangon

upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon. Sa

ganitong gawain ay hindi tama para sa isang normal na tao dahil ito’y

patungo na sa buhay na kawalan.

Sang-ayon din sa doktrinang ito ang paniniwalang kung ano ang iyong

itinanim ay siya mo ring aanihin; galit, poot, pagkamuhi, karangalan,

kabaitan, kataksilan at iba pa. na siya namang sinapit ng ilang piling tauhan

sa nobela. Ayon nga sa “Golden Rule” ni Confucius, “Ang mga bagay na

ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gagawin sa iyong kapwa”.

Ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang kapalaran batay sa

kanyang mga desisyon at hangarin sa buhay. Katulad sa naging buhay ni

ernani matapos niyang umasa at mabigo sa pag-ibig ni Amalia. Siya ay

13

Page 14: Ang Bulaklak sa Kabaret

naayon sa pilosopiyang Humanismo kung saan, ito’y nagsasaad na

Naniniwala ang pilospiyang ito na ang tao ang sentro ng mundo kung kaya’t

binigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng

talino at talento. Sa katauhan din ni Dany ay naipakita niya ang kanyang

kalakasan at hindi ang kahinaan, sa kabila ng mga suliranin ay naroroon ang

kanyang paninidigan na suungin at kayanin ang delubyo ng kasamaang

gawa nina Sunny, Joe at Amalia.

Ayon pa sa pag-aaral ni Habijan, Ang tao bilang sukatan ng lahat ng

bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa

pagpapahayag ng saloobin, kalayaan sa pagpapasya maging sa pagkilos.

Ang kalayaan ng isang tao ang makapagdudulot sa kanya ng kakayahang

makipag-ugnayan at makapaglabas ng saloobin batay sa mga nadarama at

nararanasan nito.

Isa ang pagiging materyalistiko ng tao ang nakapagdudulot sa kanya

ng kalungkutan at kasiyahan, depende sa kanyang hangad na labis na

makapagpapasiya sa kanyang buhay. Ang usaping ito ang isa sa mga

pilosopiyang nakikita sa nobela ang pilosopiyang materyalismo. Si Matang-

Tsina ang higit na nagpakita ng mga katangiang taglay ng pilosopiyang ito

dahil dulot ng buhay na kanyang pinagmulan ay natuto siyang mamasukan

sa kabaret at magsimulang maghangad ng mga materyal ba bagay. Mga

bagay na sa tingin niya ay lubusan siyang sasaya tulad ng pera, alahas at

mga kayamanan. Kaya nagawa niya rin akitin at bilugin ang ulo ni Dany dahil

sa hangad lamang nito’y kayaman at ang mabuhay bilang isang reyna.

Ang pilosopiyang Hedonismo naman ang isa sa pinakanangibabaw na

pilosopiya sa kabuuan ng nobela dahil naglalaman ito ng iba’t ibang

kaganapan kaugnay sa tunay na pagahhanap ng isang bagay na ikasisiya ng

bawat isa. Sa katauhan nina Dany, Sunny at Ernani ay mababakas ang

14

Page 15: Ang Bulaklak sa Kabaret

pilosopiyang ito na siyang nasuri sa nilalaman ng akda. Ayon nga sa

pilosopiyang ito ang kasiyahan at plesyur ang tanging layunin ng tao sa

mundo: kasiyahan, satispaksyon ng pagnanasa, kung kaya’t habang

masarap ang plesyur mas okay. Ang mga ito ay nakapaloob sa pilosopiya ng

Hedonismo mula sa salitang griyego na hedone (pleasure) at hedys (tamis).

Dahil ang naging sentro ng pagnanasang ito ay ang mga bulaklak sa

kabaret, ito ang lugar kung saan masasalamin ang iba’t ibang pagnanasa sa

laman. Tanging sagot sa nauuhaw na laman ang hinahanap ng mga

kalalakihang hindi makuntento sa isang kinakasama. Ayon nga kay

Aristippus ang plesyur ang tanging okay. Ngunit ang plesyur na ito ang

nagiging sanhi ng labis na pagnanasa at pagahhangad sa mundo.

Nakapagdudulot ito ng labis na kaisipang kamunduhan lalo na sa mga taong

hayuk sa laman kung ituring.

Sa kasalukuyang panahon ay hindi na bago ang ganitong usapin dahil kahit

saang sulok ka man tumingin ay hindi mawawala ang mga ganitong uri ng tagpuan na

siyang nagsisilbing lugar upang magawa at mairaos ang pangagailangang sekswal.

Hindi narin lalake’t babae ang gumagawa nito bagkus kapwa parehas kasarian ay

gumagawa na rin nito. Gayundin ang talamak na prostistusyon na isinusulong na

maging legal sa ating bansa bunga ng lumalaking bilang ng mga kaso nito na halos

lahat ng biktima ay mga kabataang menor de edad.

Ang huling pilosopiyang makikita sa nobelang ito ay ang materyalismo. Sa

nobelang ito tanging si Matang-Tsina lamang ay higit na nagpapakita.ng mga katangian

at gawi na taglay ng pagiging materyalistiko. Ayon sa pilosopiyang ito ang bawat bagay

sa mundo ay maaring materya, ang simula at wakas ng isang bagay. Ang kamatayan

ang magpapalaya sa tao sa lahat ng mga uri ng kasamaan at paghihirap. Sa

kinahinatnan ng buhay ni Matang-Tsina ay tanging kamatayan lamang ang naging

kabayaran sa kanyang mga kasalanan sa magsing-irog na sina Dany at Amor. Dahil sa

15

Page 16: Ang Bulaklak sa Kabaret

pagkamatay na iyon ay naging maayos na at tahimik na ang buhay ng lahat ng tao

kasama rina sina Joe at Sunny na lumagay na ang buhay sa kapayapaan.

16