9
Ako ay Ako Dahil sa Aking Pamilya Submitted by: Kimberly T. Balontong VIII-Berlin

Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Ako ay Ako Dahil sa Aking

Pamilya

Submitted by: Kimberly T. BalontongVIII-Berlin

Page 2: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Pamilya

Pera? Salapi? Luho? Wala ako niyan. Pero nag-iisa lang ang itunuturing kong kayamanan, ang aking pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko, ang aking pamilya ang siyang aking nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.

Page 3: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng

positibong impluwensya sa iyong sarili..

Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, kahit kailan di ko naranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Dahil wala akong tatay. Pero, kahit ganoon, pinaramdam sa akin ng aking nanay at dalawa kong kuya na hindi ako nag-iisa. At ang dalawa kong kuya ang siyang nagsilbi at nagparamdam sa akin na meron akong tatay kahit papaano. Ang aking aral na napulot ay, maging kontento kung ano ang meron ka. At imbes na maghanap ng kulang mo, ituon mo ang atensyon mo sa mga bagay na meron ka. Dahil hangga’t hinahanap mo ang kulang sa’yo, lalo kang magiging malungkot.

Page 4: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ang

pakikipagkapwa. Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon tungkol

dito.

Mula sa aking pagkabata, tinuruan na ako ng aking pamilya na maging magalang at mabait sa lahat ng tao. Tinuruan nila ako ng magandang asal. At kapag ako ay may pagkakamali, pinapaliwanag sa akin ng aking ina ang lahat upang aking maintindihan kung bakit niya ako dinidisiplina. Hindi sa paraang natatakot ako. Mula noon hanggang ngayon, tumatak na sa aking isip ang tamang pakikitungo sakapwa mo. At ang una kong naging paaralan ay ang aking pamilya.

Page 5: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Mas magiging makabuluhan kung lilikha ng isang “photo journal” sa computer gamit ang moviemaker o powerpoint. Maaari ring gumupit ng mga larawan mulasa lumang magasin at ito ang gamitin upang

ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.

Page 6: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito?

Ako, ay masaya sapagkat inilalarawan ko ang aking mga karanasan at bumabalik-balik sa isip ko ang mga pangyayaring nagpatibay pa sa aming relasyon bilang pamilya.

 Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing ito? Marami akong napagtanto habang ginagawa ito.

Natutunan ko na i-share sa iba ang karanasan ko sa pamilya ko at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

Page 7: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

 Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.

Sa paglipas ng panahon, alam nating mas bumibigat at dumadami ang ating responsible bilang isang miyembro sa pamilya. Minsan sa sobra nating busy, hindi na nagkakaroon ng komunikasyon, na madalas pang nagdudulot sa pagkasira ng isang pamilya. Para sa akin, kahit papaano nabibigyan naman namin ng sapat na oras ang bawat isa. Ang sabay na pagsisimba, ay magpapatibay hindi lamang sa samahan, kundi sa pananampalataya sa Diyos.

Page 8: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang indibidwal upang mapaunlad

ang kanyang sarili tungo sa pakikipagkapwa?

Binibigyan nila ng oras ang pagdidisiplina at higit sa lahat hindi nila ito idinadaan sa pananakot at pananakit. Pero kung minsan, hindi rin mapigilan ang damdamin kaya minsan napapalo. Pero ipinapaliwanag naman nila sa akin ng maayos. Dahil dito, natuto akong rumespeto gaya nga ng turo sa akin ng aking pamilya. Ang pagiging masiyahin ay natutuhan ko din sa kanila. Ang una kong guro ay ang aking pamilya.

Page 9: Ako ay ako dahil sa aking pamilya

The End