A Timeless Love - WhenItComesToLove

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    1/188

    timeless.jpg

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    2/188

    A TIMELESS LOVE.

    This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed inthis story areonly products of the authors imagination. Any resemblance to an actual incident is purelycoincidental.

    Published April 11, 2012 in Wattpad.

    http://www.wattpad.com/4080627-a-timeless-love

    A TIMELESS LOVE. 2012 by whenitcomestolove / @iamRomaDee.

    All Rights Reserved.

    No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without theauthors consent.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    3/188

    PROLOGUE.

    What is Love?

    Ang cliche na nyan diba?

    Parang paulit-ulit nalang na Love is ganto. Love is ganyan.

    Kaya ba talagang idefine ang salitang yun?

    Sabi nila, basta daw nageexist ang love, kaya mo na malampasan lahat.

    Totoo ba yun?

    Pano kung nabubuhay kami sa magkaibang panahon?

    Yung tipo na nasa past nya ako at nasa future ko sya?

    May magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalabannamin?

    Can love really survive the test of time?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    4/188

    1. MIKAELA FUENTES - 1948

    MIKAELA'S POV

    "Mikaela, iha! Mag-ayos ka na. May dadating tayong mga bisita." Sabi ni inay habang naglulutong pagkain.

    "Sino po ang dadating?"

    "Mga makapangyarihang tao, anak. Sila ang nagpapasweldo sa iyong tatay kaya malaki angutang na loob natin sa kanila."

    "Pano naman naging utang na loob yun inay? Pinaghihirapan naman ni tatay ang trabahonya ah."

    "Pero kahit na. Alam mo naman na mas mahirap pa tayo sa daga noon, pero dahiltinulungan nila ang ama mo, nakaahon tayo sa hirap."

    "Ewan ko nay."

    "Alam mo, magbihis ka nalang anak. Sige na."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    5/188

    Hindi na ko umimik. Sumunod nalang ako sa utos ni nanay.

    Dumiretso ako sa aking kwarto at naghanap ng matinong masusuot.

    Pagkatapos ko magbihis, nagtungo ako sa salamin para tingnan ang aking sarili.

    "Ang ganda mo Mikaela. Sayang nga lang at walang nakakapansin sa ganda mo."

    Oo, ganyan ako lagi. Kinakausap ko lagi ang sarili ko. Wala naman kasi akong ibang makausap e.

    Hindi kasi kami nakikisalamuha sa iba naming kapitbahay. Simula kasi noong nakaa

    hon kami sakahirapan, tumaas na ang pride ni Papa at hindi na sya basta basta nakikipagkaibigan sa kahit sino.Namimiss ko na nga ang dating sya e.

    Ay, bago ko makalimutan,

    Ako nga pala si Mikaela Fuentes. 20 taong gulang. Sa edad kong to, hindi pa akokailanman nagkaron

    ng nobyo.

    Bakit?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    6/188

    Unang-una, dahil walang nakakapansin sakin. Katulad nga ng sabi ko, hindi kaminakikisalamuhamasyado sa ibang tao.

    Pangalawa, wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay.

    "Mikaela, anak? Halika na dito sa baba. Andito na ang mga bisita."

    Agad agad akong bumaba. Nakakahiya naman kung ako pa ang hihintayin diba?

    Pagbaba ko, nakita ko si Itay, may kasamang isang lalake na medyo may edad na. May kasama rinsya na isang binata na siguro ay kaedad ko lamang. Medyo natulala ako dun sa binata. Ang gwapo e.

    "Mikaela, ito si Tiyo Edgar, ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Atitonaman si Javier, ang anak nya."

    "Magandang tanghali po."

    Ngumiti lang sakin si Tiyo Edgar. Habang si Javier naman ay lumapit sakin at kinuha ang kamay kopara halikan ito.

    "Magandang tanghali din magandang binibini."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    7/188

    Medyo napuno ng katahimikan ang paligid at nakita kong abot langit ang ngiti nitatay at ni TiyoEdgar.

    "Ahm. Tara na kumain?" Sa wakas, nagsalita na rin si nanay.

    Pumayag naman ang lahat na kumin. Hindi lang ako nagsasalita,, pero kumakalam naang sikmura konoh.

    Habang naglalakad kami patungo sa kainan, biglang tumabi sakin si Javier.

    "Mikaela, kung mamarapatin mo sana, maaari ba tayong maging magkaibigan?"

    Ano raw?! Kinikilig ako. Haha. Ang mukhang ganto kakisig, hindi tinatanggihan.

    "Ah. Oo naman. Walang problema." Sabi ko sabay ngiti.

    Nginitian din nya ako. Haaayy. Pwede matunaw? Haha. Ang gwapo nya talaga.

    Pagdating namin sa hapagkainan, agad naman kaming kinantsawan ng aking ama.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    8/188

    "Mukhang nagkakamabutihan na yata ang iba dyan ah."

    "Tama ka dyan kaibigan. Mukhang magiging madali para sa kanila ang pinaplano natin."

    "Anong pinaplano nyo, aber?" Tanong ni nanay.

    "Malalaman nyo rin sa tamang panahon." Tatay.

    Nagsimula na kaming kumain. Minsan nagkakapalitan kami ng tingin ni Javier at nagngingitian nalangkami pag nangyari yun.

    Hay ang gwapo nya talaga. Parang tinamaan na yata ako ni kupido. Pero tsaka ko na yun iisipin.

    Sa ngayon kasi, binabagabag ako nung sinasabing plano ni Tatay.

    Ano kaya yun?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    9/188

    2. GINO LEDESMA 2012

    GINOS POV

    .Gino Ledesma! Bumaba ka na dyan!.

    Hay ayan na naman si Mama. Nang-aabala na naman ng masarap kong tulog.

    Bumangon nalang ako at naghilamos. Masamang ginagalit ang nanay ko e. Maladelubyo sa movie na2012 ang bagsik.

    Pagkababa ko, ayun. Ready na ang almusal. Woo. Sarap ng buhay ko. Haha.

    .Goodmorning to the most beautiful mom in the world.. Bati ko kay Mama Menchu.

    .Sus! Sipsip! Kumain ka na nga lang at pupunta ka pa sa Bahay Pag-ibig..

    Bahay Pag-ibig ang name nung Home for the aged na weekly kong binibisita. Ewan ko ba perogustong-gusto ko yung lugar na yun.

    .Si papa nga po pala?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    10/188

    .Ayun, pumasok na sa office nya. Kaya ikaw, bilis-bilisan mo dyan, baka hinihintay ka na ngmga fans mo dun..

    Natawa nalang ako sa sinabi ni mama. Sa gwapo ko kasing to, andaming mga tao dunsa Bahay Pag-ibig ang nahuhumaling sakin. Haha. Walang halong biro.

    Pagkatapos ko maligo at magbihis, agad agad na kong nagdrive papunta dun sa Bahay Pag-ibig. Oo,ako ang nagdadrive kasi 22 years old na ako. Nasa tamang edad na.

    Finally after 10 years, nakarating na rin ako sa wakas. Ibinaba ko na lahat ng pasalubong ko atbinigay ito dun sa mga helpers na sumalubong sakin.

    Tinulungan ko na rin sila dalhin yun lahat sa storage room. Pagkatapos namin ayusin yung mga dalakong pasalubong, ayun dumiretso na ko sa confession room. -__________- Okay jokelang. Sa officeni Sir Laurenti ako nagpunta. Sya kasi ang nagmamanage nitong home for the aged.

    .GINO! Medyo tinanghali ka yata. Yan agad ang pambungad sakin ni Sir.

    .Oo nga po e..

    .O sya. Halika na. Hinahanap ka na ng mga admirers mo..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    11/188

    Naglakad na kami papunta sa receiving room. Doon tumatambay ang mga lola at lolokapag walasilang ginagawa. Yung iba, nagpapahangin. Yung iba naglalaro. Yung iba nagbabasa. Yung ibanagsusulat. Yung iba, nanonood ng TV.

    .GINO HONEY!.

    Kung inaakala nyong girlfriend ko yan. Pwes nagkakamali kayo. Hahaha.

    .Hello Lola Zeny!. Sabi ko sa matandang nakayakap sakin.

    Si Lola Zeny ay isip bata na. Minsan nag-uugaling 3 years old sya. Minsan naman,nagiging maturewoman. Pero sa oras na to, mukhang isa syang teenager.

    .Anong Lola Zeny ka dyan! Babe nalang..

    Hindi ko maiwasang ngumiti. Nakakatuwa si Lola.

    .O sige, Babe. San mo gusto pumunta?.

    .Date tayo honey!.

    Bago pa man ako makasagot, biglang naglapitan samin ang iba pang mga lola.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    12/188

    .Gino! Ako nalang idate mo!.

    .Hello! Ang gwapo mo naman. Kamukha mo ang namayapa kong asawa..

    Well. Sabi sa inyo e. Lakas ng kamandag ko. Haha. Para akong artista ditong pinagkakaguluhan ngmga matatanda. Lagi namang ganto pag pumupunta ako kaya medyo sanay na ko.

    Pinagtatawanan nalang ako ni Sir Laurenti.

    Habang nagkakagulo sila sakin, bigla akong napatingin sa may garden. Specifically dun sa puno samay garden. Nakita ko ang isang matandang nakaupo sa ilalim ng puno.

    Hindi ko pa sya nakikita dati. Siguro bagong pasok lang.

    Nung dumating na yung mga nurse ng mga lola na kumuyog sakin, nakalaya na ako sakanila.Ipinasok na kasi sila sa mga rooms nila.

    Naiwan nalang kami dito ni Sir Laurenti.

    .Sir. Bago po bang pasok si Lola?. Sabi ko sabay turo dun sa matandang nasa ilalim ng puno.

    .Ah oo. Nung isang araw lang sya naadmit dito..

    .Ganun po ba? Okay lang po ba na lapitan ko sya?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    13/188

    .Oo naman..

    Linapitan ko na si Lola. Nakita kong may binabasa sya. Hindi ko alam kung book ba to o ano. Parakasing makalumang notebook e.

    Tumigil ako sa harapan nya. Hindi muna ako umupo dahil baka mathreaten sya kahitpa harmlessnaman ako.

    .Hello Lola..

    Napatingin sya sakin at napansin kong gulat na gulat sya.

    .Pwede ko po ba kayong tabihan?.

    Nagnod nalang sya kaya naman umupo na ko sa tabi nya.

    Pagkaupo ko, pansin kong sinara nya yung binabasa nya.

    .Naku. Wag po kayo mahiya. Hindi ko naman po babasahin e. Sige po, tuloy nyo lang po..

    Napatingin nalang sya sakin at ngumiti.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    14/188

    .Hindi. Ayos lang. Tapos na rin naman akong basahin ang mga nakasaad dito para sa arawna to..

    Woah. Lalim ni Lola. Nosebleed ako mga bregs! Haha.

    .Ah. Ganun po ba. Ako nga po pala si Gino. Kayo po, anong pangalan nyo?.

    .Nanay Elay nalang..

    .Ah. Hello po Nanay Elay. Haha.. Hindi ko alam pero ang komportable ko kay Nanay

    . Siguro longlost lola ko to. Haha.

    .Napakakisig mong bata. May nobya ka na ba?.

    .Naku. Wala pa po. Hindi ko pa po naiisip yan e..

    Ganun ba. Tama yan. Maghintay ka lang ng tamang panahon. Malay mo bukas, dumating

    na ang tamang babae para sayo..

    Sinabi nya yun ng hindi nakatingin sakin. Ang lalalim talaga ng mga matatanda. Pero kakaiba tong siNanay. Kahit na may katandaan na sya, may katinuan pa rin ang pag-iisip nya. Siguro lagi tongumiinom ng Memo plus Gold. Joke lang.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    15/188

    .Kung dadating man sya bukas. Ngayon palang maghahanda na ko para masalubong kosya.Hahaha..

    .Hahaha. Nakakatuwa kang bata ka. Pero payo ko lang, wag kang mapapalagay sa unangimpresyon mo sa isang tao. Kilalanin mo muna sya ng mabuti..

    .Para san naman po yun Nanay?.

    .Wala lang. Nabasa ko lang. Gusto ko lang ibahagi sayo..

    Bago pa man ako makapagsalita, dumating na ang caretaker ni Nanay. Kinukuha na sya paramagpahinga na.

    .Sige Gino. Mauna na ko. Ingat ka pag-uwi.. At binigyan na naman nya ako ng kanyang ngiti.

    .Sige po Nanay Elay. Nice to meet you po..

    Nakakatuwa si Nanay. Ang lalim nya magsalita.

    Habang lumilipad ang utak ko dito, bigla kong narinig na tumunog ang phone ko.

    Chineck ko kung sinong tumatawag at nakita kong si Ysabella pala.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    16/188

    Si Ysabella ay kaklase ko simula High School hanggang College. Tapos kasama ko pa sya sa work.Pareho kasi kaming graduate ng BA Film. At ngayon, may ginagawa kaming isang pelikula.

    Nakalimutan ko yatang sabihin na ex ko sya. Nagbreak kami dahilSa totoo lang hindi ko alam angrason. Haha.

    .Hello Ysa.

    (Gino. Nasa Bahay Pag-ibig ka ba ngayon?)

    .Oo. At pauwi na ko. May kailangan ka ba?.

    (Ah wala naman. May papabili sana ako sayo e. Kaso malayo ka pala dito. Sige, iba nalangsasabihan ko. Sorry sa abala. Sige. Bye.)

    .Okay. Bye..

    Pagkababa ko ng phone. Naglakad na ko papalabas. On my way out, nadaanan ko angkwarto niNanay Elay.

    Nakita kong natutulog na sya. Pero ang cute kasi nakangiti sya habang natutulog.

    .Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kasaya.. Nagulat ako sa nagsalita. Yung caretaker pala niNanay.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    17/188

    .Talaga po?.

    .Oo e. madalas nakikita ko lang sya nagbabasa nung binabasa nya. Minsan naluluhapa sya.Pero ngayon, tingnan mo oh. Nakangiti habang natutulog..

    .Oo nga po eh. Ang saya nga din po nya kanina nung magkausap kami..

    .Naku. Gino. Pakiusap ko lang, tuwing dadalaw ka dito, kausapin mo sya lagi ha.Parasumaya sya lagi ng ganyan..

    .Wala pong problema. Magaan din naman po ang loob ko sa kanya e..

    Ngumiti nalang sakin si Ate Caretaker. Haha. Dko alam pangalan e. Nakalimutan koitanong.

    Bago ako umalis, sumilip muna ako ng huling beses kay Nanay.

    Hindi ko maiwasang ngumiti pag nakikita syang nakasmile.

    Ewan ko ba.

    Parang may kakaiba sa kanya e.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    18/188

    3. KWINTAS.

    MIKAELA'S POV

    Pagkatapos ng pagdalaw samin kahapon nina Tiyo Edgar at ni Javier, parang pakiramdam ko wala nasakin ang puso ko.

    Parang naibigay ko na yata kay Javier.

    Parang sya ang isang lalaking hihilingin mong makasama habang buhay.

    Bukod sa kanyang kakisigan ay napakagalang din nya at napakamaginoo. Hay. Ako nayata angpinakamaswerteng babae kung magugustuhan niya ako.

    *PAK*

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    19/188

    "Aray, ate!" Binatukan kasi ako ni Ate Risa. Pinsan ko.

    "E kasi kanina ka pa tulala dyan? Iniisip mo na naman ang Javier mo noh?"

    Napangiti nalang ako at napayuko.

    "Hay nako. Ang pinsan ko, umiibig na. Sa wakas. Akala ko tatanda ka nang dalagae."

    "Ate naman!"

    "Pero alam mo, sa palagay ko, gusto ka rin ni Javier. Iba ang mga tingin nya say

    o e."

    "Talaga ate???" Sabi ko ng kinikilig.

    "Alam mo... may kakilala akong manghuhula. Gusto mo pumunta tayo dun paramagpahula? Tingnan natin kung si Javier ang lalakeng karapat dapat sayo!"

    "Sige ate! Tara na!"

    Dahil gusto kong malaman kung si Javier na nga ba ang nakatakda para sakin, sumama ako kay Atekahit pa wala naman akong masyadong tiwala sa mga manghuhula. Wala namang mawawala sakindiba?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    20/188

    Noong nakarating na kami sa bahay nung manghuhula, parang gusto ko na umuwi. Nakakatakot angpaligid. Kakaiba ang pakiramdam ko.

    Pero ano pa ba ang magagawa ko, nandito na kami e.

    "Sino yan?" Sabi nung aleng manghuhula.

    "Magandang hapon po. Ako po si Risa at ito po si Mikaela. Magpapahula po sana kami."

    Tiningnan nya kami. At sinasabi ko sa inyo. Ang mga tingin nya ay lubos na nakak

    akilabot.

    "Maupo kayo."

    Sinunod namin sya at umupo dun sa harap nya.

    "Anong gusto nyong malaman."

    "Ito po kasing pinsan ko. Gusto nyang malaman kung yung lalakeng gusto nya ngayon anglalakeng makakatuluyan nya." Sabi ni ate.

    "Nais mong malaman kung sino ang lalakeng nakalaan para sayo?"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    21/188

    Tanong nya sakin. Inulit lang nya sinabi ni ate e. -_____________-

    "Opo sana. Makikita nyo po ba yun sa bolang kristal nyo?"

    "Hahaha. Unang una, wala akong bolang kristal. Pangalawa, hindi ko yun makikita..."

    "Ay. Ano ba yan. Naging manghuhula pa ho kayo e hindi nyo din pala kayang sagutin angmga katanungan namin. Tara na nga ate. Lumisan na tayo dito."

    Papaalis na sana ako, pero nagsalita ulit si aleng manghuhula.

    "Hindi ko sya kayang makita dahil ikaw lang ang may kakayahan para magawa yun."

    Napatingin naman ako kay ale.

    "Bakit? May dugo po ba akong manghuhula. Nawawala nyo po ba akong anak?!"

    *PAK*

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    22/188

    "Pagpasensyahan nyo na po itong pinsan ko. Masyado lang pong nadala sa mga aklatnabinabasa nya."

    "Ayos lang yun mga iha." Pagkasabi nya nun, may kinuha sya sa isang maliit na lalagyanan.

    Ipinakita nya ito sakin. Isa itong kwintas na relo na may pindutan sa may bandang itaas. Para sankaya iyon?

    "Ito ang magpapakita sayo ng hinaharap mo."

    "Yan po? Pano po?"

    "Kailangan mo itong isuot palagi. Sa oras na handa ka na, pindutin mo lang ang maliit nabuton na ito."

    "Pagkatapos? Ano pong mangyayari?"

    "Hindi ko alam."

    "Grabe naman ho kayo! Pano po kung ikamatay ko to?"

    "Aba. Ikaw ang may kagustuhan nyan. Hindi ako. Pero kahit hindi ko alam kung anonggagawin nyan sayo, nakakasigurado akong masasagot ang katanungan mo dahil sa kwintasna yan. Magtiwala ka lang."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    23/188

    "O sige na nga po. Pag ako namatay, kayo po unang mumultuhin ko."

    "Sige na, umalis na kayo."

    Bumalik na kami sa bahay namin. Tinititigan ko pa rin itong kwintas na to. Hanggang nung kumakainkami, lumilipad pa rin ang aking diwa.

    "Mikaela, anak. Ayos ka lang ba? Tulala ka yata?" Tanong ni Inay.

    "Ayos lang po ako. Medyo inaantok na nga lang po ako."

    "Ganun pa. O sige. Pagkakain mo, dumiretso ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahalangmagligpit ng kinainan natin."

    Ngumiti nalang ako at kumain na ulit.

    Pagkaubos ko ng pagkain ko, nagpunta na ko sa silid ko at isinarado ko ang pintuan.

    Nababagabag pa rin ako dito sa kwintas na to. Subukan ko na kaya? O bukas nalang?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    24/188

    Tama. Bukas nalang.

    "Hay. Ganto ba talaga pag umiibig? Nagiging praning?"

    Kinausap ko yung kwintas kahit alam kong hindi naman ito sasagot sakin.

    Di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

    ---------------

    KINABUKASAN.

    Medyo tinanghali ako ng gising ngayon.

    Pagkalabas ko, nagulat ako sa bulaklak na nakapatong sa lamesa. May nakaangkop na sulat dun sabulaklak na yun.

    Kinuha ko iyon at binasa.

    Magandang umaga magandang binibini.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    25/188

    Sana nagawa kitang mapangiti dito.

    -Javier.

    Ibinaba ko ang sulat at kinuha ang bulaklak. Inamoy amoy ko ito. Yun kasi yung nababasa ko sa mgalibro e. Inaamoy nung babaeng bida yung bulaklak na bigay sa kanya.

    Hindi ko pa kasi nararanasan to e. Ngayon lang.

    Dahil sa sobrang tuwa ko at dahil pakiramdam ko talagang si Javier na talaga. Bumalik na ko sakwarto ko para subukan ang kwintas.

    "Gusto ko lang naman makita kung si Javier na talaga yung nakalaan para sakin e." Kausapko na naman sarili ko.

    Tiningnan kong mabuti ang kwintas at bumuntong hininga.

    Tapos pinindot ko na yung buton.

    Napapikit ako.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    26/188

    Limang segundo...

    Sampung segundo.....

    Tatlumpung segundo.....

    Iminulat ko ang mata ko ng dahan dahan at nagulat ako sa nakita ko.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    27/188

    Nakita ko lang naman ang kwarto ko. -______- Oo, walang nangyari. Umasa pa namanako.

    "Ano ba yan! Hindi naman pala to totoo e. Naloko lang kami. Hay. Kala ko naman----"

    Biglang nagliwanag ang kwintas at pansin kong unti-unting naglalaho ang bawat parte ng katawan ko.

    "AAAAHHH. Anong nangyayari?"

    Nagliwanag na ang buong kwarto. Sa sobrang liwanag, wala na kong makita. Puro puti lang.

    "Diyos ko. Sana po hindi muna ako mamatay. Gusto ko pa po ikasal"

    At isinara ko na ang mata ko.

    -----------------------------------------

    GINO'S POV

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    28/188

    Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa pinagshushootingan ng pelikula namin.

    Drive drive lang. Wala namang masyadong sasakyan e. Nasa loob pa kasi ako ng subdivision.

    Maaliwalas ang paligid.. hanggang.......

    *SCREEEEEECCHHHHH*

    Bigla akong nagpreno. Pano, may biglang nagflash na liwanag. Kala ko nga kidlate. Pero walanamang bagyo.

    Grabe ha. Nakakabulag yung ilaw na yun. Sakit sa mata!

    Nung nawala na yung liwanag, bumaba ako ng kotse para tingnan kung ano yun. Bakaalien!

    Pero hindi e. Isang babae.

    Nakapraying position pa. Ano to, santa? Hala. Apparition ba to? Mamamatay na baako? Bakit sakin pasya nagpakita?

    "Ah.. Ms?"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    29/188

    Lumapit ako sa kanya at pakinig kong nagdadasal sya.

    "Diyos ko po. Huhuhuhu."

    "Ms?" Hinawakan ko sya sa balikat at wrong move pala yun

    "AAAAAAAAAAAHHH. LUMAYO KA SAKIN." Sabi nya at nakacross pa yung kamay nya. Anokomulto?

    "Ms. Teka. Mabait akong tao. Bakit ka ba nandito?"

    "Nasan ba ko? Tsaka bakit ganto ang itsura dito? Bakit puro bato ang mga bahay?"Binabana nya ang kamay nya. Nahimasmasan na yata

    "Uhm? San ka ba galing Ms? Sa bundok? Sayda namang ganto ang mga bahay e."

    "Hindi e. Gawa sa kahoy ang bahay namin."

    "Ah. Ganun ba? Pero ganto talaga ang ibang bahay dito, gawa sa bato."

    "Siguro nga. Siguro hindi ko palang nararating ang lugar na may gantong sibilisasyon."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    30/188

    Wow. Lalim!

    "Haha. Ang lalim mo naman magsalita."

    "Ha? Normal lang ang gantong salita. Anong malalim sa sinabi ko?"

    "Haha. Nevermind."

    "Ha? Anong nevermind?"

    Grabe. -__________-

    "Ms. Sa totoo lang. Sang panahon ka ba galing? Haha. Una, yang suot mo. Mukhangmakaluma e. Costume ba yan o ano? Haha. Tapos kung magsalita ka pa, parang feelna feelmo ang role mo ah."

    "Alam mo, binata. Kalahati sa sinabi mo ay hindi ko maintindihan."

    "Wow. Ang lalim talaga! 2012 na ngayon Ms. Maraming tatawa sayo pag narinig ka nila.Pasalamat ka nakakapagpigil pa ko."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    31/188

    "2012? 1948 palang ngayon diba?"

    ANO DAW?

    "HAHAHA. MS. MASHADO KA NANG NACACARRIED AWAY SA ROLE MO." Hawak ko na angtiyan ko sa kakatawa. Hindi ko talaga mapigilan e.

    "Hindi ako nagbibiro. 1948 palang ngayon."

    Seryoso ang mukha nya. At napatigil na ko sa pagtawa.

    "1948?"

    "Oo. 1948."

    "Ms. 2012 na ngayon."

    "Pwes sa pinanggalingan ko, 1948 palang. At hindi ako nagbibiro."

    At nalaglag dun ang panga ko.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    32/188

    4. MALL.

    GINO'S POV

    Nasa loob kami ng kotse ngayon. Wala lang. Nasa loob lang kami. Hindi ko madigest yung sinabinitong babaeng to kanina e.

    She's from 1948? Oh cmon!

    Tiningnan ko ulit tong babaeng to at mukha naman talaga syang makalumang tao.

    Halatang amazed na amazed sya sa kotseng to e. Paglaruan ba naman ang aircon.

    "Ah. Ms?"

    "Ano yun, ginoo?"

    "Sigurado ka ba sa sinabi mo kanina? Na galing kang 1948?"

    Umayos na sya ng upo at tumingin sakin.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    33/188

    "Nais mo bang isalaysay ko sayo ang nangyari sa akin?"

    Hanep. Lalim talaga mga bregs.

    "Sige."

    "Ganto kasi yun. May isang binata na nakapagpatibok ng aking puso. Lubos talagasyangnapakakisig at napakamaginoo. Hay."

    Kung makikita nyo lang ang itsura nya ngayon. Alam nyo yung itsura ng mga sinaunang babae na pag

    nagdedaydream ng crush nila? Ganun ang itsura nya ngayon. Feel na feel talaga.

    "Nais kong malaman kung sya na ba ang nakalaang lalaki para sa akin kaya sinamahan akong aking pinsan sa manghuhula dun sa lugar namin."

    "Manghuhula?!"

    "Oo, binata. Manghuhula. Pagkasabi ko sa kanya ng aming pakay ay ibinigay nya saakinitong kwintas na to at sinabi nyang ito daw ang makakasagot sa aking katanungan."

    "Weh. E mukhang hindi ka naman nasagot ng kwintas na yan e. Bakit ka nandito?"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    34/188

    "Wala rin akong ideya, binata. Siguro kaya nya ako dinala sa panahong to ay paraipakita saakin ng hinaharap. Kung si Javier ba ang naging kabiyak ko, o nagkaanak ba kami... Hay.Hindi na ako makapaghintay."

    "Psh." Sabi ko at tumalikod na ako sa kanya.

    "Alam mo ikaw, tulungan mo nalang ako. Tulungan mo akong mahanap si Javier."

    "AYOKO NGA. Ni hindi ko nga kilala yang Javier na sinasabi mo e. Pati nga ikaw hindi kokilala e."

    "Nagmamakaawa ako sayo. Tulungan mo lang ako at lulubayan na kita."

    Nagliwanag ang mata ko sa sinabi nya. Kung tulungan ko na kaya tong babaeng to?Nakaaawa namane. At tsaka para lubayan na rin nya ako. Medyo nauubos na kasi ang dugo ko sa kanya. Kanina pa konagnonosebleed dito sa mga sinasabi nya

    "Oo na!" Sabi ko, sabay harap sa kanya.

    Oops. Wrong move.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    35/188

    Ang lapit pala nya sakin. Maganda naman pala tong babaeng to e. Muka lang talagang may sayad angutak dahil sa mga kinikilos nya.

    Mga 2 minutes din kaming magkatitigan. Kung hindi pa siguro sya lumayo, baka nahalikan ko na to.Haha. Joke.

    "Ah. Ehem. Mikaela nga pala." Sabi nya at inabot ang kamay nya.

    Kinuha ko ito ang nakipagshake hands. "Gino."

    Napansin kong ang sama ng tingin nya dun sa kamay namin.

    "May problema ba?" Sabay tanggal ko ng kamay ko.

    "Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal? Hinahalikan ang kamay ng babae kapagnakikipagkilala ka dito."

    Ay nga pala. 19 kopong kopong pa nga pala galing tong babaeng to.

    Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ko ito.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    36/188

    "Yan. Tama yan." Binitiwan ko na ang kamay nya.

    "Tara na Gino! Hanapin na natin ang Javier ko!" Sinabi nya ng kinikilig. Ano batong babaeng to?

    "Teka nga. Bago tayo gumala. Mag-ayos ka nga muna ng itsura mo. Tara, sasamahankita samall."

    Napatingin sya sakin at nakita kong parang andaming question marks sa mukha nya.

    "Mall?"

    Nginitian ko nalang sya at nagsimula na akong magdrive.

    ----------------------

    MIKAELA'S POV

    Dinala ako ni Gino sa isang malahigante at napakalamig na lugar.

    "Mall" daw ang tawag dito.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    37/188

    "Umayos ka nga! Wag kang magpahalatang makalumang tao ka!"

    Bakit ba lagi nalang galit tong si Gino? Sayang naman ang kakisigan nya.

    "Pasensya na."

    Napatingin sya sakin na parang gulat na gulat. Unang beses ba nya narinig ang salitang "pasensyana"?

    "Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

    "Wala. Wala. Halika na nga!" Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa kung saan man.

    Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Normal lang ba sa panahong to ang maghawak ngkamay? Sa panahon kasi namin, ginagawa lang to ng dalawang magsing-irog.

    Pakiramdam ko nagiinit ang mukha ko sa iniisip ko.

    Tumigil kami sa isang tindahan. Puro mga maiiksing damit ang nandito. Bakit ganto? Hindi ba silanahihiya?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    38/188

    "O Mikaela, isuot mo to." Sabi nya, sabay abot ng isang berdeng dress sa akin. Long sleeves ito athindi kaiksian. Inabutan rin niya ako ng sapatos.

    Kinuha ko ang damit at nagpalit ako. Pagkalabas ko dun sa tinatawag nilang "fitting room" natulalasakin si Gino.

    "Bakit?"

    "Ma'am. Ang ganda nyo po. Bagay po kayo ng boyfriend nyo." Sabi nung babaeng magtitinda.

    "Boyfriend?' Tanong ko.

    "Opo. Sya po. Kasintahan nyo po sya diba?" Sabi nya sabay turo kay Gino.

    KASINTAHAN? SI GINO? Malayo pa yata sa imposible yun.

    "Ah. Hindi po. Haha." Peke kong tawa.

    Nilapitan ko na si Gino at tinapik ito. Tulala pa rin kasi e.

    "Gino! Uy. Ayos ka lang ba?"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    39/188

    "H-ha? A-ah. Oo. Halika na, bayaran na natin yan."

    Sabi nya sabay punta dun sa tinatawag nilang "cashier" at nag-abot ng maraming mga papel na iba'tiba ang kulay.

    Pagkalabas namin sa tindahang ito, tahimik lang si Gino kaya napagdesisyunan kong magsalita na.

    "Gino, ano yung inabot mo dun sa cashier kanina?"

    "Uhm.. Pera?"

    "Pera? Bakit ganun ang itsura?"

    "Haha. Ganun talaga ang pera sa panahong to."

    "Magkano ba ang halaga ng damit at sapatos na to?

    "Limang libong piso."

    Muntik na kong mahimatay sa narinig ko.

    "L-LIMANG L-LIBO?!"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    40/188

    "Anong nakakagulat dun?" Kaswal nyang tanong.

    "Hindi ba napakalaking halaga yata nun? Sana hinayaan mo nalang ako isuot ang damit kokanina. Ayos lang naman yun."

    Sa panahon kasi namin, limang piso palang, malaking halaga na. Mayaman ka na kung magkakaroonka ng dalawampung piso. Pero sya, nagbayad ng limang libong piso?!

    "Alam mo Mikaela, sa panahon ngayon, mura lang ang limang libo. Sa taas ng presyo ngbilihin ngayon, maliit na halaga nalang yan."

    "G-ganun ba? N-nakakahiya." Sabi ko sabay tungo.

    Nagulat ako nung biglang akbayan ako ni Gino.

    "Okay lang yun, ano ka ba! Wag ka na malungkot." Sabi nya sabay ngiti sakin.

    Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba ganto ang lalaking to? Minsan galit, minsan mabait? Taposkung makahawak ng kamay ko at makaakbay sakin, parang may relasyon kami.

    Hindi kaya...

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    41/188

    AAAAAAH. Hindi Mikaela. Ikaw lang ang nag-iisip nyan. Wala ka sa panahon mo at siguro ganto langang ginagawa nila sa panahon ngayon.

    "Ah. Mikaela, gutom ka na ba? Kain muna tayo, gusto mo?" Tanong nya sakin habangnakaakbay pa rin.

    Ayoko namang tanggalin baka magmukha pa akong masama.

    "Sige. Ayos lang sakin." Sagot ko.

    "San mo gusto kumain?"

    Ako pa talaga ang tinanong ng lalaking to? Alam naman nyang hindi ako pamilyar sa lugar na to.

    Tumingin ako kung saan saan at isang kainan ang nakahuli ng atensyon ko.

    ----------------------------------------------

    GINO'S POV

    Biglang nagtago si Mikaela sa likod ko.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    42/188

    "Mikaela! bakit? Anong meron?"

    "M-may m-malaking bubuyog dun! Kulay dalandan! Umalis na tayo dito baka kung anongkamalasan ang dala nyan Gino!"

    Napatitig ako ng ilang minuto sa kanya at pagkatapos ay tumawa ako ng napakalakas.

    "Hahaha. Mikaela. Mascot yan. Mas-cot. At hindi yan bubuyog, may tao sa loob nyan.Hahaha." Hawak ko na ang tyan ko sa sobrang kakatawa. Haha. Hindi ko talaga mapigilan.

    "G-ganun ba?" Sabi nya, habang dahan dahang lumalabas sa pagkakatago nya.

    "Ano, dyan tayo kakain?"

    "Sigurado ka ba? Baka tayo ang kainin nyan."

    "Hahahaha. Mikaela. Trust me. Sige na. Hindi ka mapapahamak."

    Kinuha ko na ang kamay nya at hinila sya papunta kay "Jollibee"

    Nag-order na ako at lahat lahat pero hindi pa rin nawawala ang tingin nya dun samascot.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    43/188

    "Kumain ka na. Andito naman ako e. Kung sakaling maging totoong higanteng bubuyogman yan, ako ang bahala sayo. Haha. Kaya sige na. Kain ka na." Sabi ko sabay abot ng pagkainsa kanya.

    Nginitian nya lang ako at kumain na.

    Pagkalipas ng ilang minuto, naubos na namin ang pagkain namin. Lalabas na sana kami, pero biglangnapahawak sa kamay ko si Mikaela.

    Andun kasi yung mascot sa may labasan. Haha. Duwag talaga to.

    "Halika. Ako ang bahala sayo."

    Lumapit kami sa may mascot. Naninigas si Mikaela kaya nilaksan ko ang pwersa ngpaghatak sakanya hanggang sa magkatapat na sila ni "Jollibee"

    Napatingin sa kanya si Jollibee at akmang yayakapin sya, pero bigla syang lumayoat napakapit sabraso ko.

    "Mikaela, hindi ka nya sasaktan. Tingnan mo nga ang mga bata oh. Sila pa ang lumalapit sakanya. Sige na.. Kaya mo yan. Andito naman ako e."

    Lumapit na sya kay Jolliibee at hinahawak-hawakan nya ito. Nung medyo naging comfortable na sya..Sya na mismo ang yumakap kay Jollibee.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    44/188

    "Gino! Pagmasdan mo oh! May bago akong kaibigan! At hindi lang kaibigan. Isang bubuyogna kaibigan!" Sinigaw nya habang nakayakap pa rin kay Jollibee.

    Hindi ko mapigilang tumawa at mapangiti kay Mikaela. Kakaiba talaga tong babaengto.

    Pagkatapos ng yakapan moment nila ni Jollibee, pumasyal muna kami sa Floral Exhibit dun sa labasng mall.

    "Woooooooooow! Ang aliwalas naman dito. Ang daming mga bulaklak. Ang gaganda ngkulay!" Para lang akong tatay dito na sinusundan ang anak nyang babae. Takbo kasi ng takbo si

    Mikaela e. Tuwang tuwa sa mga bulaklak.

    "Hoy Mikaela! Mag-ingat ka nga! Baka madapa ka!"

    Pero kakasabi ko palang nun, bigla syang nadapa. Ay lampa. -__________-

    Tumakbo ako papunta sa kanya at tinulungan syang tumayo.

    "Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

    "Oo. Salamat."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    45/188

    Ngumiti nalang ako sa kanya.

    "Ay nga pala! Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"

    Biglang nawala ang ngiti sa mukha nya. Napaltan ito ng pag-aalala.

    "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa panahon ko. Natatakot akonghindi ko na muli makita sina inay at itay." Napayuko sya pagkasabi nya nun.

    Hindi ko alam kung bakit, pero niyakap ko sya.

    "Ssh. Wag ka mag-alala. Makakabalik ka." Kumalas din agad ako sa yakap.

    Nginitian lang nya ako. May sasabihin pa ata sya e. Pero bago nya magawa yun, biglang umilaw angkwintas na suot nya.

    "Mikaela! Ang kwintas mo!"

    Hinawakan nya ang kwintas nya at pinindot nya ang buton dun sa bandang taas nungpendant.

    Pagkapindot nya nun, unti-unting naglalaho ang bawat parte ng katawan nya.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    46/188

    "Mikaela!" Lalapitan ko sana sya pero pinigilan nya ako.

    "Wag ka mag-alala. Ganito talaga ito. Babalik ako, Gino. Habang wala ako, ikaw na munaang maghanap kay Javier ha? Paalam!"

    Biglang nagkaroon ng isang nakakasilaw na liwanag. Parang nung unang beses ko lang sya nakitakanina.

    Pagkamulat ko ng mata ko, wala na si Mikaela.

    Nakakaloko naman yung huling bilin nya sakin e. Hanapin ko daw si Javier. E malay ko ba kung anong

    itsura nun.

    Makisig daw. E diba ako yun? Baka ako ang hinahanap nya! Haha.

    Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan, hindi ko maiwang maisip.

    Kelan kaya ulit babalik si Mikaela?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    47/188

    5. MULING PAGKIKITA.

    MIKAELAS POV

    Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nakabalik ako dito galing sa makabagong panahon.Siguro tatlong araw na rin.

    Sa tatlong araw na nandito ako sa panahon ko, patuloy lang akong nakakatanggap ng mga liham atregalo mula kay Javier.

    .Pinsan. Mukhang seryoso talaga sayo si Javier ha..

    .Sinabi mo pa, pinsan.. Sabi ko habang inaamoy ang bulaklak na pinadala nya sakin nga-ngayonngayon lang.

    .Maiba ako pinsan, sinubukan mo na ba ang kwintas na ibinigay sayo ng alengmanghuhula?.

    .Oo..

    .Anong nangyari?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    48/188

    .Nakarating ako sa hinaharap..

    Nabitawan ng pinsan ko ang hawak nyang libro sa sinasabi ko.

    .Ikaw ba ay may sakit? O ikay nababaliw na?.

    .Wala akong sakit, ate. Totoo ang sinasabi ko. Nakarating ako sa panahong dalawang libotlabing-dalawa..

    .HAHAHA. Mikaela naman. Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?.

    .Oo, ate. May nakilala pa nga akong estrangherong Gino ang pangalan. Siya ang ma

    gigingkatulong ko sa paghahanap kay Javier sa panahong yun..

    .Ha? Bakit mo kailangang hanapin si Javier?.

    .Dahil nabanggit ng manghuhula na sasagutin daw ng kwintas na ito ang katanunganko..

    .Ngunit ang tinanong mo ay kung si Javier nga ba ang nararapat sa iyo..

    .Tumpak! Kaya nga hinahanap ko si Javier sa panahong pinagdalhan sakin ng kwintas..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    49/188

    .Pero paano kang nakakasiguradong nararapat nga si Javier sayo? Paano kung kayakadinala doon ng kwintas ay upang maipakita sayo ang hinaharap at hindi para hanapin siJavier..

    .Yun na nga ang ipinaparating ko, ate. Si Javier ang hinaharap ko, alam ko. Kayanakakasigurado akong makikita ko sya o ang mga anak at apo namin sa panahong yun..

    .Pero paano kung dinala ka dun ng kwintas para makilala mo ang lalaking mamahalin mo.Ang lalaking nararapat talaga sayoat hindi yun si Javier.

    Hindi ko alam kung bakit, ngunit pumasok sa isipan ko si Gino. AAH. Wala, marahil ay naalala ko

    lamang sya.

    .Ay. Ewan ko ate. Pinapagulo mo pa kasi ang sitwasyon e..

    .Alam mo, Mikaela. May dahilan ang lahat. Nabanggit mong may nakilala kang binata dundiba? Sa tingin mo, bakit mo sya nakilala?.

    Si Gino? Bakit nga ba? Kung tutuusin sa kanya talaga ako dinala ng kwintas.

    .Siguro siya ang itinakdang makakatulong ko..

    .Hmmm. Maaari. Maaari ring hindi. Napatingin ako kay Ate na nagbabasa na naman ngaklatnya. Anong nais nyang iparating?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    50/188

    Kailangan kong makausap ang babaeng manghuhula upang malinawan ako.

    Gumayak na ako at nagpunta sa tirahan ng manghuhula. Kahit kailan talaga, hindiko gusto ang lugarna to. Nakakakilabot!

    .Mikaela. Anong kailangan mot napasadya ka dito?. Bati nya sakin.

    Umupo na ako sa harapan nya at inilahad ko ang kwintas.

    .Nagamit mo na ba?. Tanong nya sakin.

    .Opo..

    .Anong nangyari?.

    .Dinala po ako nito sa panahong 2012..

    .HmmmTapos? Nasagot na ba nito ang katanungan mo?.

    .Hindi po. Wala pong nangyari sa pagpunta ko doon. Nakakilala lang po ako ng isangestranghero, ngunit bukod doon, walang kahit anong may kinalaman kay Javier..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    51/188

    .Sa tingin ko, kahit papano ay nasagot na ng kwintas ang katanungan mo..

    .Po? Ano pong ibig nyo sabihin?.

    Ngumiti lang sakin ang manghuhula. .Ayaw kong sagutin yan. Nais kong ikaw mismoangmakatuklas. Sana gamitin mo ng tama ang kwintas na yan at sana magawa mongmatuklasan ang sagot sa iyong katanungan bago pa mahuli ang lahat..

    .Po?.

    .May katapusan rin ang lahat Mikaela. Habang maaga pa, gawin mo na ang nararapatat

    sulitin mo ang mga araw. Darating ang panahong pagdadamutan ka ng oras at tadhana..

    Pagkatapos nya sabihin yun, bumalik na sya sa ginagawa nya. Ako naman, umalis na. Pinag-iisipan kopa rin ang sinasabi nya. Pagdadamutan ng oras at tadhana? Anong ibig nyang sabihin?

    Tanaw ko na ang aming bahay ngunit bago ako makarating doon, bigla akong natisod

    sa isang bato.Dahil likas akong lampa, ipinikit ko na lamang ang mata ko at inintay na bumagsak ako sa lupa.Ngunit, wala akong naramdaman.

    Pagmulat ko ng mata ko, nakita kong hawak ako ni Javier.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    52/188

    .Ayos ka lang ba, Mikaela?. Seryosong seryoso ang mukha nya at ramdam ko sa tinig nya angpag-aalala.

    .Ayos lang ako, Javier. Salamat..

    .Mag-iingat sa susunod ha? Ayaw kong nasasaktan ka..

    Ramdam kong namumula ang mukha ko kaya napatungo ako. Pero, itinaas ulit ni Javier ang mukhako.

    .Huwag ka na mahiya, Mikaela. Mas lalo kang gumaganda pag ikay namumula.. Ngumitisyang nakakatunaw nyang ngiti.

    .A-ahh. Wala akong masabi. Ang lakas ng tibok ng puso ko!

    .Haha. Sige na Mikaela, mauna na ako sayo.. Kinuha nya ang kamay ko at hinalikanito. .Mag-iingat ka ha?.

    Bago sya lumisan ay hinaplos nya muna ang mukha ko. Ngumiti lang ako sa kanya, tapos ay naglakadna sya papalayo.

    Seryoso na talaga ako. Nais ko na talagang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Naiskong malaman kung si Javier nga ba ang makakatuluyan ko.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    53/188

    Tumakbo ako papunta sa likod ng bahay tapos ay pinindot ko ulit ang mahiwagang buton.

    -------------

    GINOS POV

    Tatlong araw na rin ang nakalipas mula noong huli kong nasilayan si Mikaela.

    PWE. Ano ba yan! Bat napagaya na ko sa kalaliman ng babaeng yun?

    Pero seryoso, 3 days na nga talaga.

    Thursday ngayon at may work ako. Actually, may meeting kami ngayon para sa storyconferencenung film na ginagawa namin.

    Nagsimula na yung shooting nung isang araw, pero kailangang idelete yung scenes

    na yun dahil hindipala naapprove ng board yung storyline na sinubmit ni Ysabella.

    .Ms. Ysabella, wala ka bang bagong storyline na isasubmit?. Sabi nung boss namin

    .

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    54/188

    .Uhm, sir. Im still working on it.. Ysabella.

    .Better make it fast, Ysabella. Sayang ang panahon at oras natin..

    .Yes sir, I apologize for that..

    .I dont need your apology. I need your storyline..

    .Yes sir..

    Lumabas na yung boss namin. Ibig sabihin lang nun, tapos na ang meeting.

    Nilapitan ko muna si Ysa na mukhang kabang-kaba.

    .Are you okay?. Napatingin sya sakin at ngumiti ng pilit.

    .Yes. I am..

    .How silly of me. Mali pala yung tanong ko. I mean, I shouldnt have asked you that. Alamko namang hindi ka okay..

    .Really? How did you know?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    55/188

    .Sabihin nalang natin na since high school, kilala na kita..

    .Thats not enough..

    .Well, we used to be lovers, you know..

    Parang nailang sya sa sinabi ko kaya napaiwas sya ng tingin.

    Napasmirk nalang ako at hinalikan sya sa cheeks.

    .What was that for?!.

    .Wala lang. Cute mo e. Sige, alis na ko. Goodluck sa storyline. Bakit hindi nalang love storynatin ang gawin mo, para mapabilis. Haha. Joke lang. Okay, bye.

    Binilisan ko na ang paglabas ng conference room. Baka paghampas hampasin ako niYsa sa mgasinabi ko e.

    Nagdrive na ko pauwi. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, nagshower agad ako. Ang init e!Summer na kasi.

    Nung tapos na ko magshower, kukunin ko na sana yung towel, pero nakalimutan ko pala sa kama.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    56/188

    Aish. Wala namang tao. Sige lalabas na ko.

    Para makasigurado, sumilip muna ako bago ako lumakad papalabas.

    Nung malapit na ko sa towel ko at kukunin ko na ito, biglang may nagflash na liwanag sa harap koat

    .Gin-------- AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!.

    WTF!!!!!!!!!!!!!! Minadali kong kunin yung towel at ibinalot ito sa katawan ko.

    .ANO BA MIKAELA! BAKIT BASTA BASTA KA NALANG NASULPOT DYAN!???????.

    Nakataklob pa rin ang kamay ni Mikaela sa mukha nya.

    .Hoy! Okay na! May taklob na. Pwede mo nang imulat ang mata mo!.

    Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay nya sa mukha nya.

    .AHHHHHHHHHHH. HUBAD KA PA RIN. MAGSUOT KA NG PANTAAS GINO!!!!. Sigaw nya sabaytalikod.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    57/188

    Hahaha. Nakakatawa talaga to. Napakaconservative.

    Kumuha na ako ng tshirt, tapos sinuot ko to.

    .O yan, okay na..

    Dahan dahan syang tumalikod, tapos huminga sya ng malalim.

    .Hayyy. Sa wakas. Bakit ka ba kasi naglalakad ng hubad?.

    .E bakit ba kasi basta basta ka nalang sumusulpot?!.

    .Hindi ko naman kontrolado tong kwintas e. At nagtataka nga rin ako kung bakit lagi nalangako nito dinadala sa kung nasaan ka. Hindi naman ikaw ang sadya ko dito..

    .Baka crush ako ng kwintas mo. Haha..

    .Ano?.

    .Aish. Wala..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    58/188

    .Gino. Tulungan mo naman ako oh. Pwede mo ba akong ilibot dito sa lugar nyo paramagingpamilyar ako. Sa gayon, hindi ko na kakailanganin ang tulong mo sa paghahanap kokayJavier..

    .Ayoko, pagod ako.. Sabi ko, sabay higa sa kama.

    .Nakikiusap ako Gino.. Lumapit sya sakin at tiningnan nya ako ng diretso sa mata

    . Bakit parangnalulunod yata ako sa mata nya?

    AAH GINO! Get back to your senses!

    .OO NA OO NA!. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

    .Salamat! Maraming salamat!. Sigaw nya habang palundag lundag.

    .Hoy. Mag-ingat ka nga. Tangat lampa ka pa naman.. Tumingin sya sakin ng masama.

    .Alam mo ikaw, ang layo talaga ng ugali mo kay Javier. Napakamaginoo nya samantalang

    ikaw, napakawalang modo..

    .At ako pa talaga ang walang modo!.

    .Oo. At napakayabang mo pa. Kung makapagyabang ka parang ang laki laki ng.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    59/188

    Hindi na nya tinuloy ang sinabi nya, nakatingin lang sya sa bandang ibabang parte ng katawan ko.Napatingin din ako at

    .MIKAELAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!.

    Tumawa nalang sya ng malakas tapos ay tumakbo na sya papalabas ng kwarto ko.

    .Magbihis ka na! Aalis pa tayo, Gino! Hahaha..

    Makapag-utos naman to.

    Pero alam nyo, kahit ganyan ang babaeng yanHindi ako naiinis sa kanya.

    Parang ngang tuwang-tuwa pa ko dahil nakita ko na ulit sya e.

    --------------------------------------------------------------------------------

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    60/188

    6. I Care

    GINO'S POV

    Pinapasyal ko ngayon si Mikaela. Kahit pagod na pagod na ko, parang narerefill ang energy ko dahil sababaeng to.

    "GINO! MAY DELUBYONG DADATING! TINGNAN MO!!!! TARA NA. BAKA MALUNODTAYO!!" Sabi nya sabay tago sa likod ko.

    Tiningnan ko yung tinitingnan nya. Alam nyo ba kung ano yun?

    Yung fountain. -_____________________-

    "Mikaela. Yan ay fountain. Display lang yan dito. Walang mangyayaring masama sayo."

    "Sigurado ka ba? Baka..."

    "Magtiwala ka lang sakin. Tara na."

    Hinila ko sya papunta dun sa fountain. Grabe talaga to. Kawawa sya pag wala ako.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    61/188

    "Ang ganda pala. Hihi." Sabi nya habang dinadaw daw yung kamay nya dun sa fountain.

    "Sabi sayo e." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa babaeng to. Nakakatuwa e.

    Mamaya-maya, napatingin sya dun sa may nagtitinda ng ice cream.

    "Gusto mo?"

    Tumingin lang sya sakin tapos ngumiti sya.

    Pumunta na kami dun sa may tindahan ng ice cream tapos binili ko na sya.

    "Naku sir. Bagay na bagay po kayo ng girlfriend nyo. Nakakatuwa po kayong tingnan." Sabinung magtitinda.

    "Hindi po niya ako kasintahan. Magkaibigan lang po kami." Sagot ni Mikaela.

    "Naku naman ma'am. Wag nyo na po itanggi. Halatang halata naman po e."

    "Po? Pero hindi po talaga."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    62/188

    "O sige po. Pero bagay na bagay po talaga kayo." Sabi nung magtitinda sabay abotnung icecream samin.

    Nagbayad na ko tapos umalis na kami. Naglalakad lakad lang kami nang biglang nagsalita si Mikaela.

    "Gino, bakit ganun? Lagi nalang tayong napagkakamalang magkasintahan?"

    "Ha? Hindi ko alam e. Siguro kasi gwapo ako."

    "Ha? Anong kinalaman nun?"

    "Gwapo ako... tapos maganda ka." Binulong ko lang yung huling sinabi ko.

    Napatingin lang sya sakin. "Bakit ganyan ka makatingin?"

    "Maganda ako?" Sabi nya habang nakangiti.

    "Ha? Wala akong sinasabing ganyan ha. Tigilan mo ko."

    "Pero narinig ko yun. Hindi mo maaring ipagkaila."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    63/188

    "Wala kang pruweba."

    "Meron."

    "Sige nga. Ano?"

    Hindi na sya nakapagsalita. Hahaha. Wala pala to e.

    Nagpatuloy lang ako sa paglalakad tapos bigla akong nakarinig ng sigaw.

    "AAAHH. GINO!!!"

    Napalingon ako kay Mikaela at nakita kong nakataklob ang kamay nya sa mukha nya.

    Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

    "Mikaela! Anong nangyari?!"

    Sinusubukan kong tanggalin ang mga kamay nya, pero ayaw nya.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    64/188

    Pero mamaya-maya, natanggal ko din yun.

    "Anong problema, Mikaela? Anong masakit?"

    Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya. Siguro mga 1 inch lang yung pagitan.

    Minulat nya yung mata nya tapos tinitigan nya ako.

    Ako naman, nawala na naman sa katinuan dahil halos malunod na ko sa pagtitig nya. Pati akonapatitig na rin.

    "Sabi na nga ba e. Sa sobrang ganda ko, hindi mo na maialis ang mga tingin mo sakin. Naismo ba akong tunawin, Gino?"

    Nahimasmasan na ko sa mga nangyari. Loko din tong si Mikaela e. Nilayo ko na angmukha ko sakanya.

    "Alam mo ba kung gano ako nag-alala sayo?! Tapos mangtitrip ka lang pala! Aish.Ewan kosayo. Umuwi ka na nga sa panahon mo! Bahala ka na."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    65/188

    Naglakad ako ng mabilis. Ewan ko kung sumusunod pa sya o ano. Bahala sya.

    "Gino. Patawad na."

    Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. Yung boses nya kasi e. Ang sincere.

    Napalingon ako sa kanya at nakita kong halos maluha-luha na sya.

    "Hoy. Ano ka ba! Wag ka nga umiyak dyan. Baka kung anong isipin ng mga tao!"

    "Ikaw kasi e. Ayaw mo pang aminin yung sinabi mo kanina. Kailangan ko pa tuloy gumawa

    ng paraan. *sniff sniff* "

    Yan na nga ba. Umiyak na sya. Lumapit na ko sa kanya tapos pinahiran ko yung luha nya.

    "Wag ka na nga umiyak. Sorry na. Sige ka, papangit ka nyan."

    Napatingin sya sakin tapos ayan na naman ang ngiting pang-asar nya.

    "Ibig sabihin..."

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    66/188

    "Oo na. Maganda ka na. Psh."

    Bigla nalang nya ako niyakap. "Salamat Gino!"

    dubdubdubdub.

    Hala ano yun?! Bakit ambilis ng tibok ng puso ko?!

    Niyakap ko na rin sya pabalik. Ewan ko. Parang kusang gumalaw yung kamay ko e.

    "Gino?"

    Napatingin kami dun sa nagsalita.

    "Ysa. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sabay bitaw sa pagkakayakap namin ni Mikaela.

    "Wala naman. Namamasyal lang." Sabi nya habang nakatingin kay Mikaela.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    67/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    68/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    69/188

    Napaiwas ng tingin si Mikaela.

    "Ah. Haha. Tara na Gino."

    Naglakad na sya papalayo. Ako naman, sinundan sya.

    Dumaan kami dun sa mga nagvovolleyball. Sasabihan ko palang sana si Mikaela na wag nalang dundumaan pero naunahan na ko nung bola.

    "ARAY!" Sigaw ni Mikaela. Tinamaan kasi sya ng bola. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kanya.

    "Naku. Ate. Sorry po. Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Sorry po."

    "Ayos lang yun. Sige na, ipagpatuloy nyo na ang paglalaro nyo." Sabi ni Mikaelahabanghinihimas ang noo nya.

    "Salamat po. Ang bait nyo!" Sabi nung bata tapos tumakbo na sya paalis.

    Hinila ko si Mikaela papunta dun sa may likod ng puno.

    "Ayos ka lang ba?"

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    70/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    71/188

    Bumalik na sya sa realidad.

    "Mukhang kailangan ko na ulit umalis. Sige Gino. Hanggang sa muli nating pagkikita."

    Pipindutin na sana nya ang buton pero pinigilan ko sya.

    "Teka lang!"

    "Bakit?"

    Bakit ko nga ba sya pinigilan? AISH! EWAN KO.

    "Wala wala. Ingat ka." Sabi ko tapos umurong na ko.

    Pinindot na ni Mikaela ang buton tapos isa na namang nakakasilaw na liwanag angbumulaga sakin.Napapikit ako ng mata dahil dun.

    Pagmulat ko ng mata ko, wala na si Mikaela.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    72/188

    Hindi ko alam kung bakit, pero...

    Parang gusto ko na ulit syang makita.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    73/188

    7. I MISS YOU.

    MIKAELAS POV

    Kakaiba ang mga ikinilos ni Gino noong huli naming pagkikita.

    Bakit kailangan niya pa akong halikan sa noo? Ganun ba talaga sa makabagong panahon? Hinahalikanang sugat upang gumaling?

    Pero hindi rin naman gumaling e. Namanhid lang siguro sapagkat nagulat ako sa biglang paghalik niGino.

    Nakakapagtaka rin ang pagiging maalahanin niya. Kung nakita niyo lamang ang mukha niya nungnagpanggap ako at nung tinamaan ako ng bolatila makakapatay siya ng nilalang kung maynangyaring masama sa akin.

    Ngunit bakit ko ba ito pinag-iisipan? Baka naman ganun lang ang talaga ang modernong maginoo.

    .Mikaela! Ang lalim yata ng iniisip mo!. Pinsan.

    .Hindi naman ate..

    .Nga pala, nakabalik ka ba sa makabagong panahon?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    74/188

    .Oo, ate..

    .Anong nangyari? Nahanap mo ba si Javier o ang mga anak nyo?.

    .Hindi ate. Laging kay Gino ako dinadala ng kwintas.. Sabi ko sabay hawak dun sakwintas.

    .Gino? Ang estrangherong tumutulong sayo?.

    .Oo ate. Hindi ko nga alam e. Pero tuwing pupunta ako sa makabagong panahon, lagi akongdinadala ng kwintas sa kung nasaan si Gino..

    .HmmIba na yan Mikaela. Sa tingin ko, may dahilan kung bakit kay Gino ka laginapapadpad..

    .Hindi ba yun na ang dahilan, ate? Yung siya ang aking makakatulong sa paghahanap saposibleng naging pamilya namin ni Javier?.

    .Maaari. Ngunit, matanong ko sayo Mikaela. Ano ba talaga ang rason mo sa paghanap ngpamilya nyo ni Javier sa hinaharap? Hindi ba maaaring makuntento ka na lamang sangayonat hintayin ang mga susunod na araw kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan niyoniJavier?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    75/188

    .Sa bagay. Tama ka, ate. Siguro, masyado lang akong nadala ng emosyon ko kaya nais kongmalaman agad kung si Javier nga ba ang makakatuluyan ko..

    .Sa tingin ko, hindi mo na kailangan ang kwintas na yan..

    .Oo ate. Ngunit, mahigpit na bilin sa akin ng manghuhula na huwag ko itong tatanggalin..

    .Bakit mo pa siya kailangang sundin kung hindi mo na rin naman gagamitin ang kwintas naiyan?.

    .Wala namang masama, diba? Tsaka ko na lamang ito tatanggalin kapag nakausap kona

    ang manghuhula tungkol dito..

    .Ikaw ang bahala..

    Pagkatapos ng usapan namin ng aking pinsan, dumiretso na ako sa aking silid.

    Tinitigan ko ang kwintas ko at kinausap ko ito.

    Pano ba yan. Mukhang hindi na ulit tayo magkikita.

    Kahit kausap ko ang kwintas, alam ko sa sarili ko na sa isang tao ko nais ipabatid ang aking mensahe.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    76/188

    Kay Gino

    -------------------------------

    GINOS POV

    Sabado ngayon. At alam nyo namang every Saturday, pumupunta ako ng Bahay Pag-ibig diba?

    Grabe. 1 week lang pala ang nakalipas since nung last visit ko? Parang andami nang nangyari sa oneweek na yun e.

    On the way na ko papunta sa Bahay Pag-ibig, pero dahan dahan akong nagdadrive. Baka kasi bigla nanamang sumulpot si Mikaela tapos mabangga ko pa.

    Kaso nga lang, nakadating na ako sa Bahay Pag-ibig at lahat lahat pero walang Mikaela.

    .Gino!. bati ni Sir Laurenti.

    .Hello Sir!. Sabi ko sabay abot nung mga dala ko.

    .Kanina ka pa nila hinihintay dito..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    77/188

    .Talaga po? Haha..

    .Naku. Oo. Lalo na ni Lola Zeny! Haha..

    .Ganun po ba? Haha. Sige, tara na po sa kanila..

    .Sige, mauna ka na. Aayusin ko muna tong mga dala mo. Andun ulit sila sa receiving room.

    Nagpunta na ko sa receiving room. Katulad dati, madami ulit ang bumati sakin, unang-una na si LolaZeny.

    Pero hindi na teenager si Lola Zeny ngayon. Isa na syang toddler. Haha. Ang cutenga e.

    .Hello Kuya Gino! Laro tayo!. Sabi ni Lola Zeny habang hinihila ako.

    .Sige po. Ano pong gusto nyong laro?.

    .Uhm. Bahay-bahayan!.

    .Haha. O sige! Ako daddy, tapos ikaw ang anak ko?.

    .Sige!.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    78/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    79/188

    .Babae ba yan?.

    .Hahaha. Opo e..

    .Nais mo bang magkwento sakin?.

    Sumandal ako sa may puno tapos tumingala ako para pagmasdan ang langit.

    .Meron po kasi akong nakilala. Sobrang kakaiba po sya sa lahat ng mga babaeng kilala ko..

    .Gusto mo sya?.

    .Po? Hindi naman po. Pero parang gusto ko po syang laging nakikita..

    .Bakit hindi mo sya puntahan sa kanila?.

    .Hindi po pwede e..

    .Bakit naman?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    80/188

    Napaayos ako ng upo tapos humarap ako kay Lola.

    .Basta po. Bawal po..

    Ngumiti sya sakin tapos hinawakan ang kamay ko.

    .Basta sundin mo lang ang puso mo, Gino. Tandaan mong malupit na kalaban ang oras..

    .Po? Ano pong ibig nyo sabihin?.

    Binitiwan na nya ang kamay ko tapos sya naman ang tumingala para pagmasdan ang langit.

    .Wala naman. Nabanggit ko lang.. Ngumiti sya pagkasabi nya nan.

    Grabe. Ang lalim talaga ni Lola. Sa kalaliman nya halos hindi ko na sya maitindihan.

    .Wag nyong aksayahin ang oras. Mamuhay kayo na parang ito na lagi ang huling ara

    w namagkasama kayo para pagdating ng panahon, wala kayong pagsisisihan..

    .Opo, lola..

    .Maaari mo ba akong kwentuhan tungkol dun sa babaeng tinutukoy mo?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    81/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    82/188

    Pumasok na sya sa room nya kaya eto ako, windang.

    Ano naman kaya ang ibig sabihin nya?

    Nagpaalam na ako kay Sir Laurenti tapos nagdrive na ko pauwi.

    Pagkadating ko ng bahay, inaasahan kong makikita ko si Mikaela o bigla syang susulpot, pero wala.

    Natulog nalang ako, umaasang pagkagising ko, makikita ko ang mukha nya.

    ---------------------

    ( AFTER 6 Days )

    Isang linggo na ang nakakalipas simula nung huli kong nakita si Mikaela.

    .Gino! Ano ba yang mukhang yan? Bakit ba lagi ka nalang nakasimangot?. Mama Menc

    hu.

    .Wala to, ma..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    83/188

    .Hay nako. In love ka noh!.

    .PO?!.

    .Kasi ganyan ka lang pag miss mo na yung girlaloo mo..

    .HA?!.

    .Jusko Gino. Wag ka na nga magmaang-maangan pa..

    .Pero ma.

    .Gino, nanay mo ko. Kilala kita..

    .Pano mo malalaman ma? E lagi ka namang wala! Half of the time, busy ka sa pag-aawaynyo!.

    .Ano bang pinagsasasabi mo, Gino?! Nanood ka naman ng Princess and I kagabi noh!Wag

    mo na ngang gayahin yung lines dun ni Daniel Padilla! Utang na loob, 22 years old ka na!Feeling teenager.

    .Mukha naman akong teenager..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    84/188

    .Kahit na. Act like a 22 year old man. Hindi yung feeling high school ka na hindi mo pamaclarify yang feelings mo..

    Natahimik ako sa sinabi ni Mama.

    Clarify my feelings?

    Oo, miss ko na si Mikaela.

    But does that mean na in love na ko sa kanya?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    85/188

    8. LOVE

    GINOS POV

    2 months.

    Oo, dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung huli kong makita si Mikaela.

    Araw araw akong naghihintay para sa kanya. Araw-araw tuwing gigising ako o magdadrive, inaasahankong bigla syang sulpot sa paningin ko. Pero wala e.

    Hindi na yata sya babalik

    .Gino, ano na namang problema mo ha? Bakit ba araw araw ka nalang malungkot?. MamaMenchu.

    .Wala to, Ma. Wala lang ako sa mood..

    .2 months ka nang wala sa mood, Gino, iba na yan..

    Napatingin ako kay Mama.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    86/188

    .Bakit ba kasi hindi mo pa amining in love ka?.

    .Ako, in love? Imposible yun ma. Hindi ko pa ganun kakilala yung babaeng yun tapos inlove na agad ako?.

    .Alam mo kasi anak, minsan hindi na kailangan kilalanin ng puso ang mamahalin nya e.Minsan, basta nalang sya tumitibok pag nakita na nya yung taong nakatakdang magingkapares nya..

    Hindi na ko sumagot kay Mama.

    Oo, miss ko na si Mikaela. Tuwing makikita ko sya, kakaibang saya yung nararamdaman ko.Magkasama palang kami pero parang miss ko na agad sya. Nung ngang huli naming pagkikita, ayawko na sana syang paalisin pero kailangan nyang bumalik sa panahon nya e.

    .So, Gino. In love ka na ba dyan sa girl na yan?.

    I took a deep breath. Hindi ako dapat magpakafeeling high school ngayon. Im a man, not a teenager.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    87/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    88/188

    .Nah. Just tired..

    .Ohh. Then you should take the day off. Wala na naman tayong gagawin e..

    .I guess youre right.. I stood up and headed to the door. .Congrats, by the way..

    .Thanks to you..

    .Huh? Why thank me? What did I do to help?.

    .You let me come with you sa Bahay Pag-ibig..

    .And what does it have to do with your story?.

    .Lets just say I was inspired by a story of one lola there..

    .Ohhh. Alright. Well, goodluck on that. Ill see you tomorrow..

    .Yeah. You too. Take care..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    89/188

    I just smiled, then I went out.

    Dumiretso ako ng car park, I got inside my car then nagdrive na ko. I dont care kung san akomapadpad, ang alam ko lang, I want to see Mikaela.

    Pumunta ako sa park where I last saw her.

    .MIKAELA! NASAN KA NA BA?!. Sinigaw ko yan. Wala akong pakialam kung may makarinig oranything. Basta gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Feeling ko kasi sasabog na ang puso kosa pagkamiss kay Mikaela e.

    .Wag ka ngang sumigaw! Hindi ka na nahiya sa mga taong nakapalibot sa lugar na i

    to!.

    Para akong naging bato dito sa kinatatayuan ko. Ang boses na to. Ang malalim napagsasalita na ito.

    Humarap ako sa taong nagsalita. Pakiramdam ko mabubutas na ang dibdib ko sa sobrang lakas ngtibok ng puso ko.

    Sa pagharap ko sa taong yun, nakita ko ang matagal ko nang hinahanap. Ang matagal ko nanghinihintay.

    Si Mikaela.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    90/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    91/188

    Nalungkot ako sa sinabi sya. .Pero, bakit ka nandito?.

    Napatingin sya sakin tapos umiwas rin agad. .Yung totoong rason?.

    .Oo. Kung alam mo naman palang hindi mo dapat pangunahan blablabla, bakit ka pabumalik dito?.

    Kahit nakasideview sya sakin, nakita kong nagsmile sya tapos umupo sya dun sa may upuan sa tabi.

    Umupo rin ako sa tabi nya.

    .Ewan ko ba Gino, pakiramdam ko may kulang sakin noong mga nakaraang araw. Paranghindi ako makangiti. Hindi ko magawang maging masaya. Laging may hinahanap hanapangpuso ko. At yung hinahanap hanap nyang yun ay natatagpuan lamang tuwing nagpupuntaako sa panahong to..

    Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Mikaela.

    .Ano sa tingin mo yung hinahanap ng puso mo?.

    Napahawak sya sa necklace nya. .Hindi ko alam, Gino. Hindi ko alam..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    92/188

    Kinuha ko yung kamay nyang nakahawak sa necklace nya. Nagulat siguro sya sa ginawa ko kayanapatingin sya sakin.

    .Alam mo Mikaela, sa tingin ko alam mo kung anong hinahanap nyan. Pero hindi molangmaamin sa sarili mo..

    Hinigit nya ang kamay nya tapos umiwas sya ng tingin.

    .Mikaela.

    .Ano yun?.

    .Bakit hindi ka makatingin sakin?.

    .Naiilang ako..

    .Maiilang ka lang sa isang tao kung may tinatago kang pagtingin dito..

    .Hindi naman siguro lahat..

    .Kung ganon, bakit hindi mo ko tingnan?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    93/188

    She looked at me, at nung nagtagpo ang mga mata namin, parangparang nahihypnotize ako.

    Iiwas na naman sana sya ng tingin pero hinawakan ko na ang mukha nya.

    .Mikaela, may gusto akong sabihin sayo..

    .Ano yun?.

    .Gusto kita. Gustong-gusto kita..

    Nagulat sya sa mga sinabi ko.

    .Wag ka sanang magagalit sakin, pero yun talaga ang nararamdaman ko. Dalawang buwanka nawala. Ang tagal kitang hinintay. Araw araw akong naghihintay ng isang babaeng biglanalang susulpot sa harap ko. Pero wala e. Hindi ka dumating. Kaya ngayon na nandito kana, ayoko nang palampasin ang pagkakataon na to. Gusto kita Mikaela..

    Hinawakan ni Mikaela ang kamay kong nakahawak sa mukha nya.

    .Gustong-gusto kong bumalik dito. Gustong gusto kitang makita. Tila nag-aaway naangpuso at isipan ko dahil magkaiba ang sinisigaw nila. Sa nakaraang mga araw, sinunod koang isip ko sapagkat yun ang alam kong tama, pero sa paglipas ng bawat oras, unti untikong nararamdaman ang kulang. At ikaw yun, Gino. Ikaw ang kulang. Ayaw ko man itongaminin pero ito ang katotohanan.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    94/188

    Dinikit ko ang noo ko sa noo nya. Hawak ko pa rin ang mukha nya, at hawak pa rinnya ang kamayko.

    .Ayoko nang umalis, Gino. Dito nalang ako, kasama ka..

    .Ayaw na rin kitang umalis. Gusto ko dito ka lang. Dito ka lang kasama ko..

    Umayos na kami ng upo.

    .Pero paano yun? Hindi ako taga dito sa panahon nyo, Gino. Alam mo yan..

    .Gagawa tayo ng paraan. Kakalabanin natin ang panahon at oras, Mikaela. Kahit anogagawin ko para makasama ka..

    .Nagbibiro ka ba? Hindi biro ang sinasabi mo, Gino. Hindi tao ang oras at panahon. Walakang laban sa kanila..

    .Meron. Meron tayong hawak na panlaban sa kanila..

    .Ano, Gino?.

    .Love, Mikaela. Pagmamahal ang itatapat natin sa kanila..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    95/188

    9. SUMPAAN

    MIKAELAS POV

    .Love, Mikaela. Pagmamahal ang itatapat natin sa kanila.. Wika ni Gino.

    Hindi ko lubos maisip ang sinabi ni Gino. Parang imposibleng malabanan namin angoras at panahon.

    .Ngunit.

    .Sshh. Wag ka na magsalita Mikaela. Basta ang mahalaga, magkasama tayo ngayon..Sabi niGino tapos niyakap nya ako.

    Naalala ko ang mga lumipas na araw. Ang dalawang buwang nagdaan. Wala akong ibang inisip kunghindi si Gino. Si Gino at si Gino.

    ---- FLASHBACK ----

    Mikaela, may problema ka ba?. Inay.

    .Wala ho..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    96/188

    .Parang napapansin kong madalas kang tulala o malungkot..

    .Wala lang ho ito, Nay..

    .O sya sige. Tawagin mo na lamang ako kung ikay may kailangan pa..

    Isang buwan na ang nakakalipas simula noong huli kong makita si Gino. Nais ko sanang bumalik sapanahon nya ngunit naalala ko ang sinabi ng aking pinsan. Walang kasaysayan angpagpunta kodoon.

    Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paggagantsilyo.

    Mamaya-maya ay may narinig ako kumatok kaya nagtungo ako sa pintuan para buksanito.

    .Mikaela.. Si Javier.

    .Javier. Napadalaw ka. Pasok ka muna..

    .Para sayo nga pala Mikaela.. Iniabot nya sakin ang bulaklak.

    .Salamat. Maupo ka muna..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    97/188

    Ipinatong ko muna ang bulaklak sa lamesa na katabi ng upuan ni Javier tapos umupo na ko sa tabinya.

    .Anong kailangan mo at napadalaw ka?.

    .Wala naman. Nais lang kita makita. At tsaka may nasabi rin kasi sakin si ama..

    .Tungkol saan?.

    .Sa tingin ko, hintayin nalang natin na ang iyong ama ang magsabi sayo..

    .Ah. Ganun ba. O sige..

    Hindi ko alam pero parang wala ako sa sarili ko. Dati rati ay napakalakas ng tibok ng puso ko pagnakikita ko si Javier o makakausap sya pero ngayon ay wala akong maramdamang galak.

    .Mikaela, may problema ba?.

    .W-wala naman. Kumusta ka na nga pala?.

    .HetoMasayaat umiibig.. Sagot nya.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    98/188

    Napatingin ako sa kanya pero agad ko rin binawi ang tingin ko at tumungo.

    Nagulat na lamang ako nang bigla nyang hawakan ang aking kamay.

    .Mikaela. Nitong mga nakaraang araw, walang ibang sinasabi ang isip ko kundi angpangalan mo. Walang ibang tinitibok ang puso ko kundi ikaw. Tuwing ipipikit ko ang akingmga mata, ikaw lamang ang nakikita ko..

    .J-javier. Napatingin ako sa kanya.

    .Mikaela, akoy umiibig sayo..

    Ito. Ito ang matagal ko nang pinakahihintay. Pero bakit ganito? Wala akong nararamdaman.

    .Ayos lamang kung wala kang maisagot sa akin. Alam kong nagulat ka sa aking pagtatapat.Pero sana maniwala ka. Totoo ang aking sinabi Mikaela. Hindi kita nililinlang..Javier.

    Hindi na ko nakapagsalita. Ngumiti na lamang ako.

    Kinalaunan ay umalis na rin si Javier. Pagkaalis nya ay agad akong nagtungo sa aking pinsan upangibalita ang pagtatapat ni Javier.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    99/188

    .Pinsan! May sasabihin ako sayo!.

    .Ano yun Mikaela?.

    .Nagtapat na sa akin si Javier! Sabi nya mahal daw nya ako..

    .Talaga? Ngunit bakit hindi ka yata masaya?.

    .Hindi ko rin alam. Sa totoo lang, habang nagtatapat sa akin si Javier, mukha niGino angnakikita ko sa aking isipan..

    .Ang estranghero mula sa hinaharap?!.

    .Oo, ate..

    .Mikaela! Iba na yan. Sa palagay ko ay may nararamdaman ka na para sa lalaking yun..

    Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni ate.

    .Pero Mikaela. Alam mo namang hindi pwede diba? Hindi kayo pwede. Nasa magkaibangpanahon kayo.. Ate.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    100/188

    Parang nadurog ang puso ko sa sinabing yun ni ate. Hindi ba talaga kami pwede? Wala ba talaga pag-asa?

    .Alam mo, bakit hindi mo itanong sa manghuhula kung may magagawa siya?.

    Nabuhayan ako sa sinabing yun ng pinsan ko. Tama sya.

    Agad akong nagtungo sa manghuhula.

    .Tao po?.

    .Pasok!. Sigaw nya.

    Pumasok ako at pumunta ako sa kinaroroonan niya.

    .O Mikaela, ikaw pala..

    .May itatanong ho sana ako..

    .Ano yun?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    101/188

    .Pwede ho bang hindi na ko bumalik dito? Pag pumunta ako sa hinaharap, maaari bang dunnalang ako?.

    Nagulat ang manghuhula sa sinabi ko.

    .Hindi yun maaari Mikaela. Hindi ka taga roon kaya hindi ka pwedeng manatili sapanahongiyon..

    .Kahit magtagal man lamang ako roon? Kahit yun man lamang? Pansin ko kasing isangaraw lang lagi ang itinatagal ko.

    .May paraan ang nais mo. Ngunit tanging ikaw lamang ang makakatuklas nun..

    Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

    .Maaari ko bang makita ang iyong kwintas, Mikaela?.

    Kinuha ko ang kwintas ko at ipinakita ko sa kanya.

    Napansin kong nalungkot ang mukha nya.

    .Mayroon ho bang problema?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    102/188

    .Mikaelamalapit nang mawalan ng bisa ang kwintas mong to.

    Po? Ano pong ibig nyong sabihin?.

    Binitawan nya ang kwintas ko at humarap sya sakin.

    .Nakikita mo ang mahabang kamay ng orasan? Sa oras na tumapat yan sa 12, mawawalanng kapangyarihan ang kwintas mo. Nasa 4 na sya. Palagay ko ay katumbas ng dalawangnumero ang isang araw. Kaya sa oras na magtagal ka ulit ng isang araw sa hinaharap, sa 6na pupunta ang mahabang kamay..

    .Ano hong mangyayari sakin pag nawalan ng bisa ang kwintas?.

    .Depende Mikaela. Depende sa magiging desisyon mo..

    .Po? Ano pong desisyon?.

    .Hindi ko pa lubos na naaaral ang kwintas na yan. Sa ngayon, yan pa lamang ang nalalaman

    ko. Mas mabuting bumalik ka na lamang dito sa ibang araw. Hahanapin ko muna angaklatna nagsasaad ng lihim ng iyong kwintas Mikaela.

    Lumabas na ko at umuwi na sa amin. Habang akoy naglalakad, napahawak ako sa kwintas ko.

    Ano ang lihim mo, mahiwagang kwintas? Anong maaaring mangyari kung mawalan ka man ng bisa?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    103/188

    ---- END OF FLASHBACK ----

    Pano pag umilaw ang kwintas mo, Mikaela. Anong gagawin mo?. Tanong ni Gino.

    Humiwalay na kami sa pagkakayakap sa isat-isa.

    .Hindi ko rin alam, Gino. Basta ang sabi ng manghuhula. May paraan daw upang pigilan angpagbabalik ko sa nakaraan. Ngunit hindi nasabi sakin kung ano..

    .Kung may paraan para pigilan yang pagbabalik mong yan. Siguro may paraan rin parahindi ka nalang umalis dito. Para dito nalang tayo mamuhay ng magkasama..

    Tumingin ako sa mga mata ni Gino. Nakita ko ang sinceridad nya. Nais nya talagaakong makasama.Hindi sya nagbibiro.

    .Nais mo ba talaga akong makasama habang buhay Gino? Hanggang tumanda? Seryoso kaba sa iyong sinasabi?.

    .Seryoso ako Mikaela. Kahit ano, hahamakin ko para sayo. Kasi mahal kita..

    Nagulat ako sa sinabi ni Gino. Kanina lamang ay gustonya lamang ako pero ngayon mahalna nyaako.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    104/188

    .Mahal? Mabigat na salita ang sinasabi mo, Gino..

    .Yun ang totoo, Mikaela. Ayaw lang kitang matakot o magulat kaya sinabi kong gusto kita.Pero ang totoo, mahal na kita..

    .At lahat hahamakin mo?

    .Oo. Kahit ano..

    Hindi na ako nakapagsalita. Nalunod na lamang ako sa mga tingin nya. Hindi ko alam kung mahal kona rin sya. Pero ang alam ko lang, gusto ko syang makasama.

    .Mahal mo ba talaga si Javier?. Tanong ni Gino.

    Miski ako ay hindi ko alam ang sagot. Naguguluhan ako.

    .Hindi ko alam Gino. Noon, gustong-gusto ko sya. Pero nitong mga nakaraang araw,parangnawala na ang nararamdaman ko sa kanya. Wala akong ibang iniisip kundi ikaw..

    Hinawakan ni Gino ang mukha ko. .Ako rin, Mikaela. Wala rin akong ibang iniisipkung hindiikaw..

    Dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya. Nais ko sanang lumayo pero hawak nyanga pala angaking mukha.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    105/188

    Pero sa paglapit nyang yun, biglang umilaw ang kwintas.

    .Gino! Ang kwintas! Anong gagawin natin?. Nangangamba kong tanong.

    .Ipikit mo lamang ang mata mo, Mikaela. Ipaparamdam ko sayo at sa kwintas mo angpagmamahal ko para sayo..

    Ginawa ko ang sinabi nya. Ipinikit ko ang mata ko tapos naramdaman ko na lamangna maymalambot na kung ano man ang lumapat sa aking labi.

    Labi pala yun ni Gino.

    Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas parang naririnig ko na ang bawat tibok nito.

    Mas lalo pa niya akong nilapit sa kanya kaya napahawak ako sa batok nya. Dahan dahan niyangginagalaw ang labi nya kaya sinabayan ko ito.

    Ilang segundo o minuto rin namin yun ginawa. Tapos bumitaw na kami. Pero hindi pa rin nya nilalayoang mukha nya sa akin.

    Napatingin ako sa kwintas ko at hindi na ito umiilaw. Ngunit pagtingin ko sa mahabang kamayNakatapat na ito sa 6. Napanatili nga ako dito ni Gino, ngunit hindi nya pa rinnapigilan ang pagtakbong oras.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    106/188

    .Sabi ko naman sayo. May laban tayo.. Sabi nya ng nakangiti.

    Ngumiti na lamang ako at hindi sumagot sapagkat alam kong hindi talaga nya tuluyang nalabanan angoras.

    Itinago ko na ang kwintas sa loob ng aking damit. Tapos humarap na ako kay Gino.

    .Mikaela, may sasabihin ako sayo..

    .Ano yun?.

    Hinaplos nya ang mukha ko.

    .Mahal kita at sayong-sayo lang ako. Pinapangako ko yan Mikaela. Pero gusto ko sana nasakin ka rin lang..

    Natuwa ako sa sinabi ni Gino. Parang nais kong umiyak sa sobrang saya.

    Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya hinayaan ko na lamang ang puso ko namagsalita.

    Oo Gino. Sayo lang rin ako. Isinusumpa ko..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    107/188

    10. JAVIER?

    GINOS POV

    Pagkatapos ng usapan namin ni Mikaela sa park, inuwi ko na sya sa bahay. Its about time for her tomeet my mom.

    Eto na.

    .Mom?. Sabi ko sabay pasok.

    .Gino? Gino is that you? WherOh. Hello.. Napatingin si mama sa babaeng kasama kongayon.

    .Magandang gabi po.. Mikaela.

    .Are you Mikaela?. Mama.

    .Opo.. Nakangiting sabi ni Mikaela.

    .Oh. Nice to meet you. Youre really pretty pala. Dito ka ba magdidinner?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    108/188

    .Yes, Ma. Dito rin sya matutulog ngayon..

    .Oh! Thats great! Panahon na nga siguro na magkaapo ako..

    Natulala kami sa sinabi ni Mama.

    .MA! Nakakahiya ka!. Ako.

    .What? Youre in the right age already. Kung gusto nyo nang magpakasal, then lets go. Ifyou want to have a baby, why not?!.

    Kung sana ganun lang talaga yun kadali. Sana pinakasalan ko na ngayon si Mikaela

    .

    .Ma, youre so liberated. Kumain na nga tayo..

    Ngumiti lang si Mama tapos nagpunta na sya sa kitchen. Sumunod na rin kami ni Mikaela.

    .Pasensha ka na sa mommy ko ha. Ganun talaga yun e..

    .Hindi ko alam na ganto na pala ang mga babae sa panahon ngayon. Napakaimportante ngkasal sa panahon namin. Hindi ito basta basta isinasagawa. Pinaghahandaan ito athigit salahat, sinisigurado muna ng magkatipan kung sila talaga ang nararapat sa isat-isa..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    109/188

    .Bakit, Mikaela? Tingin mo ba, hindi ako nararapat para sayo?. Malungkot kong tanong sakanya.

    .Hindi sa ganun, Gino. Pero kung titingnan mo ang sitwasyon natinhindi basta basta anghumahadlang satin.. Mikaela.

    Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. .Basta, mahal kita..

    Napatingin sya sakin at binigyan ko nalang sya ng ngiti. Dumiretso na kami sa dining room at kumainna.

    Kung ano ano ang pinagtatanong ni Mama kay Mikaela. Buti naman at nagkasundo sil

    a. Kahitmakalumang tao tong si Mikaela, marunong sya makisama. Kaya nga nahuli nya ang puso ko eh.

    .O sige na. Matulog na kayo. Ako na bahala dito. Goodnight!. Sabi ni mama at binigyan nya akong nakakalokong ngiti.

    Nagpunta na kami sa kwarto ko.

    .Uhm. Mikaela, dyan ka sa kama, dito nalang ako sa sahig..

    .O sige..

    Hindi na kumontra si Mikaela. Expected ko naman to e. Conservative nga sya diba?

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    110/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    111/188

    .MikaelaGising na.

    Unti unti nyang minumulat ang mata nya.

    .G-gino?.

    .Hi..

    Ngumiti sya sakin. .Magandang umaga..

    .Good morning din. Then I kissed her on the lips.

    .Ang aga-aga *tsup* pa Gino *tsup* Ganyan na *tsup* agad ang *tsup* ginagawa mo!

    . Sabinya sabay harang sa bibig ko. Bawat salita nya kasi hinahalikan ko sya sa labi.

    .Gino!.

    Tinanggal ko ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko .Sorry na. Miss na kita e..

    .Nangulila ka agad sakin samantalang magkasama tayo kahapon pa?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    112/188

    .Ganun talaga. In love ako e.. At ayun nakanakaw na naman ako ng halik.

    Nakatingin lang sakin si Mikaela. Wala syang reaksyon.

    .May problema ba?. Tanong ko.

    Ngumiti sya at bumangon na. .Wala naman..

    .Sya, eto oh, kumain ka na. Papasyal tayo ngayon..

    Kumain na si Mikaela at ako rin. Sabay kami. Sinusubuan nya ako e. Hay buhay. Ang saya.

    Pagkatapos naming kumain, pinagbihis ko na at pinaligo si Mikaela. Ipapasyal kosya ngayon.

    Pagkatapos ng mahigit isang oras, sa wakas, natapos rin sya!

    .Tara na?.

    She nodded.

    Sumakay na kami sa sasakyan ko at nagdrive na ko. Pupunta kami sa Rivero Resort.Pagmamay-ariyun ng pamilya nina Patrick. Bestfriend ko since high school.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    113/188

    .San tayo pupunta?. Mikaela.

    .Basta, makikita mo nalang..

    Ilang oras din bago kami nakarating dun. Pero worth the wait naman.

    Ang ganda ganda nitong resort. Best place para samin ni Mikaela.

    Napatingin ako kay Mikaela na nakatulog pala. Kaya ginising ko na sya.

    .Mikaela, gising na..

    .N-nandito na ba tayo?.

    .Oo. Halika na?.

    Binaba na namin ang gamit namin. Konti lang naman. Swimsuits. Extrang damit. Etc.

    Nagcheck in na rin kami dun sa hotel.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    114/188

    .Napakaganda naman dito! Ang aliwalas! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klasengdagat! Maliit lang.. Sabi ni Mikaela na nakasalip dun sa balcony.

    Lumapit ako sa kanya at binack hug ko sya.

    .Hindi yan dagat. Swimming pool ang tawag dyan..

    .Ah. Ganun ba..

    Hinarap ko sya sakin.

    .Ginobakit ganyan ka makatingin?.

    .Magpakasal na tayo Mikaela.. Bigla ko nalang nasabi.

    .H-ha? Anong sinasabi mo, Gino?.

    Imbes na sagutin ko sya, hinalikan ko sya.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    115/188

    Passionate kiss. Wala naman sigurong masama dito. 22 years old na ako. Sya naman20 years old.Nasa tamang edad na kami.

    Binuhat ko sya at inihiga sa sofa.

    .Gimmppff. Malhmmmff..

    Mukhang may sasabihin si Mikaela kaya tumigil muna ako.

    .Gino, tama na. Baka kung san mapunta to. Hindi to tama..

    .Kaya nga magpakasal na tayo. Para wala nang magbabawal sating gawin ang kahit ano..

    .Pagbabawalan pa rin tayo ng oras at panahon, nakakalimutan mo na ba?.

    .Pero napigilan kita sa pagbalik sa panahon mo diba?.

    .Oo. Pero hindi mo napigilan ang pagtakbo ng oras..

    Ipinakita nya sakin ang kwintas nya. Nakatapat ang mahabang kamay nito sa 6.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    116/188

    .Sa oras na tumapat ito sa 12, mawawalan na ng bisa ang kwintas. Maaaring masamaomaganda ang mangyari, pero depende iyon sa pipiliin ko..

    .Anong pipiliin?.

    .Hindi ko rin alam.. Napatungo nalang si Mikaela.

    .Wag ka na malungkot. Magagawan natin yan ng paraan. Ang mabuti pa, mamasyal namuna tayo para hindi na muna natin to maisip..

    Pumayag naman sya kaya dinala ko sya dun sa may restaurant. Maglalunch muna kami.

    Uupo na sana si Mikaela, pero may nakabangga sa kanyang lalake kaya nalaglag nyayung bag nadala nya.

    .Ah, Miss. Sorry! Sorry. Hindi kita napansin. Im really sorry, are you okay?. Sabi nung lalakikay Mikaela habang pinupulot ang bag nya.

    .Ayos lang. Hindi naman ako nasak--- JAVIER?.

    Ha?! Ano daw? Javier?

    .Woah. Yes, Im Javier. But how did you know my name, miss?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    117/188

    11. ANG PAGBABALIK.

    MIKAELAS POV

    .Woah. Yes, Im Javier. But how did you know my name, miss?.

    Sasagot na sana ako, pero bago ko pa yun magawa, hinila ako ni Gino papalayo.

    .Gino, saglit lang. Kailangan ko syang makausap..

    .Bakit pa? Akala ko ba, wala ka nang nararamdaman para kay Javier?.

    .Oo, pero nakakapagtaka kung bakit naririto rin sya..

    Napabuntong hininga si Gino tapos pinayagan na nya akong bumalik kay Javier.

    .Javier?.

    .Uhm. Ms. Baka nagagalit yung boyfriend mo..

    .Hindi. Ayos lang sya. Pero Javier nga ba ang pangalan mo?.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    118/188

    .Oo. Pero actually, Javier the third na ako e. Javier din kasi ang lolo ko at ang daddy ko..

    Lolo at daddy? Sa pagkakaalam ko, hindi Javier ang pangalan ng ama ni Javier.

    .Naguguluhan ako. Javier ang pangalan ng ama mo?.

    .Yes..

    Bakit ganun? Bakit?

    .Nakikilala mo ba ako?.

    .You look familiar, but no. Hindi kita kilala ms. e..

    .Ako si Mikaela..

    .Ohh. Nice name. Hi Mikaela. Nice to meet you..

    Inilahad nya ang kamay nya. Kukunin ko na sana ito, pero biglang kinuha ni Ginoang kamay ko athinawakan ito.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    119/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    120/188

    .Medyo. Long distance relationship kasi kami e. Actually, shes one of my reasonskungbakit umuwi ako ngayon..

    .One of my reasons?.

    .Oo. May isa pa kong rason kaya ako umuwi..

    .Ano yun?.

    .To find my lost grandmother. Iniwan nya kasi kami e. Umalis sya. Pipigilan ko sana sya atsusundan, but my grandpa didnt let me do that before. He told me to wait for the

    righttime. And ngayon, ngayon na daw yung tamang panahon..

    .Alam mo ba kung san sya hahanapin?.

    .Yes, lolo gave me an address, but Im not familiar with the places here in the Philippines,so hindi ko alam kung pano ako pupunta dito..

    .If you want, sasamahan ka nalang namin dyan. Kaso nga lang hanggang bukas pa kamidito..

    .Me too! Sabay sabay nalang tayo umalis..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    121/188

    .Yun naman pala e. Sige. Magkita nalang tayo sa may receiving area ng hotel..

    Sa buong pag-uusap nila ni Gino, wala akong naintindihan. Wala kasing laman angutak ko kundi mgakatanungan kung bakit nandito sa harap ko si Javier at hindi nya ako kilala.

    Pano kung ibang Javier pala to? Pano kung nagkataon lang na kamukha at kapangalan nya lamangang Javier na kilala ko? Pero paano kung apo o anak pala sya ni Javier?

    .Mikaela, tulala ka dyan, ayos ka lang ba?.

    .H-ha? Oo. Gino, pwede bang bumalik na tayo sa kwarto natin? Gusto ko na sanangmagpahinga. Nawalan na rin kasi ako ng gana..

    .Ganun ba? O sige. Nice to meet you Javy. Una na kami..

    .Sige, ingat kayo.. Pagpapaalam ni Javier na tinawag na Javy ni Gino.

    Bumalik na kami sa hotel at pagkadating namin dun agad akong napaupo sa kama.

    .Anong problema, Mikaela?.

    .Gino, kailangan kong bumalik sa amin. Kailangan kong malaman ang sikreto ng kwintas naito..

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    122/188

    .Pero MikaelaAng sabi mo gusto mo dito ka nalang?.

    Hinawakan ko ang mukha nya. .Oo, Gino pero aayusin ko muna to. Baka sakaling alam na ngmanghuhula ang sikreto ng kwintas. Baka sakaling alam na nya ang paraan paramagkasama na tayo..

    .Kung yan ang gusto mo, hahayaan kita. Pero sana bumalik ka sakin. Sana bumalikkadito..

    .Babalik ako. Pinapangako ko. Hintayin mo lamang ako..

    .Maghihintay ako..

    Pinindot ko na ang buton ng kwintas. Umilaw na ito at dahan dahan na akong naglalaho. Isinara ko naang mata ko at binitawan si Gino.

    Pagmulat ko ng mata ko, nandito na ko sa tapat ng bahay namin.

    .O Mikaela, kumusta naman ang pagtuloy mo sa iyong pinsan? Tamang-tama lamang angiyong pagdating. Nandito na rin sina Javier. May nais sabihin ang iyong ama.. Salubong niinay.

    Mukhang pinagtakpan ako ng aking pinsan.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    123/188

    Pumasok na kami sa bahay. Nandun sa sala sina Javier at ang aming mga ama.

    .Mikaela, maupo ka.. Ama.

    Sinunod ko ang kanyang sinabi.

    .Mikaela. Naalala mo namang nung una silang dumalaw dito, hindi ba?. Ama.

    .Opo..

    .May nabanggit kami noong plano namin. At ang plano naming iyon ay.

    .Ay ano po?.

    .Ay ang ipakasal kayong dalawa, Mikaela..

    Nagulat ako sa sinabi ni Itay. Napatingin ako kay Javier na abot tenga ang ngiti.

    .Ngunit.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    124/188

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    125/188

    Huminga ng malalim ang manghuhula.

    .Sa oras na dumating ang mahabang kamay sa 12, kusang iilaw ang kwintas. Kung pipiliinmong manatili sa hinaharap, magbabago ang iyong katauhan. Ang iyong itsura. Depende sakung ano ang edad mo sa panahong yun. Maaaring buhay ka, ngunit maaari ringmamamatay ka. Depende sa kung ano ang nakasulat sa iyong tadhana..

    Napaupo ako sa aking narinig. Maaari akong mamatay? Magbabago ang aking itsura?Matatanggap paba ako ni Gino kung mangyari man yun?

    .Ngunit kung babalik ka sa panahon mo sa oras na umilaw ang kwintas, mabubuhay ka ngnormal. Ipagpapatuloy mo lamang ang nasimulan mong buhay..

    .Yun lamang? Wala nang ibang kapalit?.

    .Mabubura ang iyong ala-ala. Tatanggalin ng kwintas ang lahat ng mga ala-ala mopatungkol sa lahat ng naranasan mo sa hinaharap..

    Kumirot ang puso ko sa aking narinig. Si Gino? Makakalimutan ko ang lalaking nagpatibok ng puso

    ko? Hindi. Hindi maaari.

    Tiningnan ko ang kwintas at nakatapat na ang mahabang kamay nito sa 8.

    Naramdaman ko na lamang na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

  • 8/10/2019 A Timeless Love - WhenItComesToLove

    126/188

    Tumakbo na ako papalabas. Hindi ko na alam kung san ako pupunta. Basta ang alamko lang, takboako ng takbo hanggang sa may nabangga ako.

    .Mikaela? Ayos ka lang ba?.

    Napatingin ako sa