7
Tungol, Zedrick Paul L. “MTB-MLE” Raniela Barbaza, Ph. D. 2010-10186 Mother Tongue-Based Multilingual Education I. Pagkilala sa MTB-MLE at ang kasaysayan nito sa Pilipinas. Ang MTB-MLE ay isang sistema ng pagtuturo na kung saan inaatasan ang mga pampubiklong paaralan, particular sa mga estudyanteng nasa Kindergarten, Grade 1 at Grade 2, na gamitin ang mga sumusunod na lenggwahe kung saan ang mga nasabing lenggwahe ay lingua franca, bilang parte ng K to 12 Basic Education Program na sinimulan noong Hulyo 14, 2009 sa pamamagitan ng DepEd Order 74 s. 2009 at pinagtibay noong Pebrero 17, 2012 sa bisa ng DepEd Order 16 s. 2012. Bicolano Cebuano Chabacano Hiligaynon Ilocano Kapampangan Maguindanaoan Maranao Pangasinense Tagalog Tausug Waray-Waray Ayon sa isang leksyon ni Yolanda Quijano, isang representatibo ng DepEd, ang isyu ng ginagamit na lenggwahe sa mga paaralan ay nagsimula noong panahon pa ng mga Espanyol at Amerikano dahil noon pamay marami nang ibat ibang lenggwaheng ginagamit ang mga Pilipino, kasabay pa ng lenggwaheng Espanyol at Amerikano. Sinasabi rin ni Quijano na ang isang bata ay mas madaling matututo (partikular ang lebel ng primary) kapag ginagamit ang unang lenggwahe dahil mas komportable ang estudyante.

a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

facts and insights on the MTB-MLE program implemented in the Philippine education system

Citation preview

Page 1: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

Tungol, Zedrick Paul L. “MTB-MLE” Raniela Barbaza, Ph. D. 2010-10186 Mother Tongue-Based Multilingual Education

I. Pagkilala sa MTB-MLE at ang kasaysayan nito sa Pilipinas.

Ang MTB-MLE ay isang sistema ng pagtuturo na kung saan inaatasan ang mga

pampubiklong paaralan, particular sa mga estudyanteng nasa Kindergarten, Grade 1 at

Grade 2, na gamitin ang mga sumusunod na lenggwahe kung saan ang mga nasabing

lenggwahe ay lingua franca, bilang parte ng K to 12 Basic Education Program na

sinimulan noong Hulyo 14, 2009 sa pamamagitan ng DepEd Order 74 s. 2009 at

pinagtibay noong Pebrero 17, 2012 sa bisa ng DepEd Order 16 s. 2012.

Bicolano

Cebuano

Chabacano

Hiligaynon

Ilocano

Kapampangan

Maguindanaoan

Maranao

Pangasinense

Tagalog

Tausug

Waray-Waray

Ayon sa isang leksyon ni Yolanda Quijano, isang representatibo ng DepEd, ang isyu ng

ginagamit na lenggwahe sa mga paaralan ay nagsimula noong panahon pa ng mga

Espanyol at Amerikano dahil noon pama’y marami nang iba’t ibang lenggwaheng

ginagamit ang mga Pilipino, kasabay pa ng lenggwaheng Espanyol at Amerikano.

Sinasabi rin ni Quijano na ang isang bata ay mas madaling matututo (partikular ang lebel ng

primary) kapag ginagamit ang unang lenggwahe dahil mas komportable ang estudyante.

Page 2: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

Dahil dito, madaling intindihan ng mga leksyon at hindi na basta-bastang nagsasaulo na

lamang ng mga konsepto kahit na hindi kumpleto ang pagkakaintindi dito. Sa isang

eksperimento noong 1948 hanggang 1954 sa Iloilo kung san ginamit ang Hiligaynon

bilang lenggwahe ng pagtuturo o MOI (Mode of Instruction). Pagkalipas ng isang taon,

nahigitan ng mga batang natuto sa Hiligaynon kaysa sa mga estudyanteng tinuruan

gamit ang Inggles. Dagdag pa rito, nailipat ng mga batang natuto sa Hiligaynon ang

kanilang mga natutunan sa Inggles pagkatapos ng anim na buwan ng pag-aaral.

Nagkaroon pa ng mga sumunod ng eksperimento sa Rizal, Cebu, Ifugao, Ilocos,

Lubuagan. Lahat sila ay nagbalik ng positibong resulta, kabilang na ang mas mabilis na

pagintindi sa Matematika at Siyensiya, pagiging mas aktibo sa klase. Nakita rin na ang

mga estudyanteng natuto sa kanilang unang lenggwahe na magsulat at magbasa ay mas

medaling natuto ng iba pang mga lenggwahe. Gamit ang mga resultang ito, pinahayag ni

Quijano na dapat nang gawing batas ang paggamit ng unang lenggwahe sa pagturo sa

iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Kabilang sa sumusuporta sa pagpapatupad ng MTB-MLE ang iba’t ibang mga organisasyon

tulad na lang ng UN, sa kanilang “Education for All” program at ng Summer Institute of

Linguistics, Linguistic Society of the Philippines, Philippine Association of Language

Teachers, Translators Association of the Philippines, Vibal Publishing House, British

Council, CFC Educational Foundation, at ang Save the Children Foundation.

Sa pangununa ni Rose Villanueva ng DepEd, ang national coordinator ng MTB-MLE, iba’t

ibang programa ang isinulong sa mga paaralan upang ipagtibay ang pagiging epektibo ng

Page 3: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

MTB-MLE. Kasama na rin ang mga workshop at pagpuplong upang ipakilala ang bagong

sistema ng pagtuturo sa mga guro’t ibang miyembro ng pakultad. (Martin, 2011)

Sa simula ng SY 2012-2013 ay ipinatupad na ang MTB-MLE kasama ang K-12 Basic Education

Program sa buong bansa.

II. Bakit kailangan ng MTB-MLE?

Sa isang artikulo ni Laura Garbes ng Cultural Surival, sinasabi niya na ang pagsasaad ng

Inggles at Tagalog bilang pangunahing lenggwahe ng Pilipinas ay praktikal, dahil sa

pagiging arkipelago ng ating bansa na kung saan may humigit-kumulang 171 na

lenggwaheng ginagamit. Subalit, nagkakaroon ng diskriminasyon sa ibang lenggwahe,

halimbawa na ang pagpaparusa sa mga mag-aaral sa primarya dahil nga sa pagtrato sa

Inggles bilang “Language of Success”. Dahil dito, nagkakaron ng malaking pinsala hindi

lang sa sikolohiya ng mga batang pinaparusahan, pati na rin sa kultural na

pagkakakilanlan sa kanila. Namamatay ang ibang mga lenggwahe dahil sa pilit na

paggamit ng Inggles sa mga paaralan.

Kasama sa pagtatalaga ng K-12 Basic Education Program, ang MTB-MLE ay ipinatupad upang

iwasan ang pagkamatay ng mga lenggwaheng Pilipino.

III. Mga Problema na hinaharap ng MTB-MLE

Sa pagpapatupad ng MTB-MLE ay kasama rin itong mga suliranin para sa mga estudyante at

mga guro. Dahil sa pagiging makabago nito ay nahihirapang makiangkop ang ilang mga

guro sa sistemang ito. Sa iba’t ibang artikulo sa Philippine Daily Inquirer at ilang mga

Page 4: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

blog ay ang mga opinyon ng mga guro’t hindi guro tungkol sa MTB-MLE. Sa kasamaang-

palad marami sa kanila ay negatibo.

Sa isang artikulong isinulat ni Ricardo Nolasco, isang propesor sa Departamento ng

Linggwistika ng Unibersidad ng Pilipinas (Diliman) ay pinapahayag ang mga problema ng

guro sa pagtanggap sa MTB-MLE. Isa na rito ang mismong abilidad nila sa lenggwaheng

kanilang gagamitin sa pagtuturo. Nagkaroon ng isang pagsusulit kung saan ipinasaulo

ang sampung salita ng Lubuanga-Kalinga sa mga guro, na lahat ay nagtapos ng kolehiyo.

Sinabi ng gurong mga ito na masiyadong marami ang ipinasaulo sa kanila, kahit sampu

lang ito. Kahit na itong aktibidad ay ginamit upang ipamalas sa kanila ang

nararamdaman ng mga batang pilit tinuturuan ng Inggles at Tagalog ay isa pa rin itong

harang patungo sa pagtagumpay ng MTB-MLE.

Ayon sa isang artikulo ng Leyte Samar Daily Express, sa simula ng SY 2012-2013 ay nalito ang

mga guro, estudyante at magulang dahil ang ginagamit paring mga aklat ay nakasulat sa

Inggles o Tagalog, kahit na iniutos na ng DepEd na gumamit lamang ng mga librong

nakasulat sa kanilang lingua franca. Ito ay dahil sa kakulangan ng mismong mga

materyales na nakasulat sa lenggwaheng bernakular. Dahil rito, naibaliktad ang

magandang intensyon ng MTB-MLE. Sa halip na padaliin ang pagtuturo, ay lalong nalito

ang mga mag-aaral, guro at magulang. Sa isa pa ngang eskwelahan ay nagkaroon ng

asignaturang “MTB-MLE”. Ito ay isang patunay na hindi pa masiyadong naiintindihan

ang makabagong sistemang ipinatupad ng DepEd.

Page 5: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

IV. Sariling Pananaw Ukol sa MTB-MLE

Pagpaumanhin niyo na lang po ang pag-gamit ko ng impormal na lenggwahe.

Sa tingin ko, hindi pa handa ang Pilipinas sa MTB-MLE. Ang mga rason ay:

1. Mga Guro

a. Ang ibang mga guro ay sa sarili nila, hindi masiyadong magaling sa lenggwaheng

kailangan nilang gamitin sa pagtuturo. Sa tingin ko ay mareresolba ito kung

magkakaroon ng mandatoryong workshop para sa lahat ng mga guro ng mga

paaralang sakop ng MTB-MLE, upang hindi lang palawakin ang kanilang

kaalaman tungkol sa lenggwahe, pero pati na rin kung papaano ito gagamitin sa

pagturo.

b. Kahit na sa tingin ko ay maraming aangal dito, hindi ba puwedeng magkaron ng

isang pangangailangan ng “certification” o patunay na ang isang guro na siya ay

sumailalim sa isang pagsasanay sa MTB-MLE? Makakatulong ito sa mga paaralan

dahil hindi na kailangan mahirapang umangkop ang mga guro sa sistemang ito.

2. Mga Materyales

a. Kulang ang mga libro na nakasulat sa lingua franca at ang mga gumagawa nitong

mga librong ito.

b. Sa pagkakataong mayroon man, ay limitado lamang ang laman nito at hindi sapat

kumpara sa mga aklat na nasa Tagalog/Inggles.

Page 6: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

Sa lahat lahat, sa tingin ko ay dapat pinaghandaan muna ng mabuti ng DepEd ang pag

implementa ng MTB-MLE. Kahit na nagkaroon na ng mga eksperimento, kailangan parin

nilang intindihin kung paano nila makukuha ang mga positibong resulta kapag sa buong

bansa na ipinatupad ang sistemang ito. Naniniwala ako sa sinasabi ng mga artikulong

aking nabasa na mas madaling mag-aral kung ang ginagamit mong lenggwahe ay doon

kung saan ka komportable.

Page 7: a report on the MTB-MLE system in the Philippines (tagalog)

Mga Siniping Akda

Multilingual Philippines. Web. 30 Agosto 2012.

DepEd Order 74 s. 2009, Web. 30 Agosto. 2012

<http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/DO%20No.%2074,%20s.%202009.pdf>

DepEd Order 16 s. 2012, Web. 30 Agosto 2012.

<http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/DO%20No.%2016,%20s.%202012.pdf>

Quijano, Yolanda, “MLE in the Philippines: History and Possibilities.” Lecture. 1st Philippine Conference-Workshop on Mother Tongue-Based Multilingual Education, 18 Peb. 2010. 30 Agosto 2012.

< https://docs.google.com/present/view?id=dd7bqfr8_17ctks8vg3>

Garbes, Laura “Mother Tongue Based Education in the Philippines.” Cultural Survival. Web Article. 13 Hulyo 2012. 30 Agosto 2012.

< http://mlephil.wordpress.com/2012/08/30/mother-tongue-based-education-in-the-philippines/#more-5402>

Martin, Isabel Pefianco. “The MTBMLE Express: unstoppable.” Philippine Daily Inquirer. Opinion. 15 Abril 2011. Nolasco, Ricardo. “MTBMLE: far beyond the Aquino administration.” Philippine Daily Inquirer. Opinion. 18 Mayo 2012.

“MTB-MLE in a mess.”Leyte Samar Daily Express. Editorial. 21 Hunyo 2012.