12
1 Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 Salitang may Kaugnayan sa Nilalaman at Terminolohiya sa Matematika at Agham Bahagi ng Pangungusap Unang Kuwarter - Modyul 5 Jiecel Q. Macayaon Manunulat Hayde F. Gucor Tagasuri Dr. John Albert B. Colle Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

1

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 2 Salitang may Kaugnayan sa Nilalaman at

Terminolohiya sa Matematika at Agham

Bahagi ng Pangungusap Unang Kuwarter - Modyul 5

Jiecel Q. Macayaon Manunulat

Hayde F. Gucor

Tagasuri

Dr. John Albert B. Colle Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

2

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo.

Matutulungan ka nitong magbasa nang may pang-unawa

ang mga salitang may kaugnayan sa matematika at

agham, bahagi ng pangungusap (simuno at panaguri) at

makasunod nang maingat sa mga nakasulat na panuto sa

pagsusulit.

1. Nakababasa ng mga salitang may kaugnayan sa

nilalaman at terminolohiya sa asignaturang

Matematika at Agham. (MT2PWR-le-f-2.5)

2. Nakikilala ang bahagi ng pangungusap (Simuno at

Panaguri)

3. Nakasusunod nang maingat sa mga nakasulat na

panuto sa pagsusulit

Nakatitiyak akong handa at nasasabik ka nang

sagutan ang Panimulang Pagtataya. Ngumiti ka at

magsaya!

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

3

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilog kung tama ang

ipinapahayag sa pangungusap at ekis (X) naman kung

hindi.

1. Ang simuno ang pinag-uusapan sa

pangungusap.

2. Ang bahay, damit, lugar ay mga halimbawa ng

mga terminolohiyang ginagamit sa Matematika

at Agham.

3. Basahin nang may pang-unawa ang nakasulat

bago sagutan ang pagsusulit.

4. Ang panaguri ay ang bahaging nagsasabi

tungkol sa simuno.

5. Sagutan agad ang pagsusulit nang hindi binabasa

ang panuto.

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

4

A. Panuto: Bilugan ang pangngalang lansakan sa

pangungusap.

1. Ang grupo namin sa musika ang lalahok sa

paligsahan.

2. Kumuha si Anna ng kumpol ng bulaklak para sa

kaniyang lola.

3. Ang organisasyon ni Arman ang pinakasikat sa

aming paaralan.

4. Ang batalyon ng mga sundalo ang nagroronda gabi-

gabi sa aming barangay.

5. Mabait ang mga mag-aaral sa klase ni Gng. Cruz.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

5

B. Panuto: Isulat ang mga panlaping ginamit sa

sumusunod na salita.

1. umawit - ___________

2. magluto- ___________

3. kumain - ___________

4. malusog - ___________

5. umalis - ___________

Matematika Agham

digits matter

tens solid

ones liquid

area gases

figure atom

Basahin ang sumusunod na terminolohiyang may

kinalaman sa Matematika at Agham.

Paano mo binasa ang mga salita sa itaas?

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

6

Sa pagbabasa ng mga salita ayon sa pabaybay na

pantig nito. Ginagamit ang tamang diin sa bawat pantig

upang maibigay ang wastong kahulugan ng bawat salita.

May dalawang bahagi naman ang pangungusap ito

ay ang Simuno at Panaguri.

Ang Simuno ay bahagi ng pangungusap na pinag-

uusapan.

Halimbawa: Ang mga aklat ay maalikabok.

Ang Panaguri naman ay bahaging nagsasabi tungkol

sa Simuno. Kapag ito ay sumusunod sa Simuno ito ay

matatagpuan sa hulihan ng pangungusap,

pinangungunahan ito ng panandang ay.

Halimbawa: Si Mang Pepe ay nagpatawag ng pulong.

Mahalagang malaman at maunawaan ang mga

bahagi ng pangungusap upang malaman ang buong

diwa nito.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

7

Gawain 1

Panuto: Tukuyin at ilagay sa angkop na kolum ang mga

salita sa loob ng kahon.

Matematika Agham

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

number algebra

atom addition

molecules area

solar system factor

gas liquid

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

8

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang ginamit na simuno sa loob ng

pangungusap.

________1. Ang pinakadakilang bayani ng Pilipinas ay si

Doktor Jose P. Rizal.

________2. Dapat nating igalang ang ating bandila.

________3. Si Lorna ay natuto sa pagpunta niya sa

palengke.

________4. Gumawa ng tinapay ang aking ina.

________5. Si Ginoong Malvar ang nahalal na pangulo ng

samahan.

Gawain 3

Panuto: Ikahon ang panaguri sa pangungusap.

1. Ang papel ay nilipad na ng hangin.

2. Sama-samang nagsimba ang buong pamilya.

3. Bumili ng tatlong kilong bigas si Aling Rosie.

4. Ang mag-ina ay kumain ng meryenda.

5. Ang tsuper ay nagsakay pa ng dalawang pasahero

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

9

Binabasa ang mga salita ayon sa pabaybay na

pantig nito. Ginagamit ang tamang diin sa bawat

pantig upang maibigay ang wastong kahulugan ng

bawat salita.

Bahagi ng Pangungusap

Simuno – Bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan

Panaguri – Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno.

Kapag ito ay sumusunod sa simuno at matatagpuan sa

hulihan ng pangungusap, pinangungunahan ito ng

panandang “ay”

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

10

A. Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga

terminolohiyang ginagamit sa Matematika at Agham.

B. Panuto: Sumulat ng pangungusap na may simuno at

panaguri tungkol sa larawan. Bilugan ang simuno at

salungguhitan ang panaguri.

Sanggunian: https://tinyurl.com/vv2xzy9t

place

value

molecule expanded

ordinal galaxy space

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

11

1. ___________________________________________________.

2. ___________________________________________________.

3. ___________________________________________________.

A. Panuto: Tukuyin kung ang terminolohiya ay ginagamit

sa Matematika o Agham.

1. fraction ___________________________

2. digits ___________________________

3. planet ___________________________

4. liquid ___________________________

5. space ___________________________

B. Panuto: Kilalanin kung Simuno o Panaguri ang mga

salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang

sagot sa patlang bago ang bilang.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2

12

________1. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria

at Gemma.

________2. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa

sa parada noong pista.

________3. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang

Lupang Hinirang.

________4. Nagluluto ng masarap na ulam si Aliza.

________5. Si Henry ay aking matalik na kaibigan.

Mga Sanggunian

https://tinyurl.com/cu8m2ax7

https://tinyurl.com/u6ksmww3

https://tinyurl.com/vv2xzy9t

Susi sa Pagwawasto: Unang Pagsubok

1. √ 2. X 3. √ 4. √ 5. X

Gawain 2

1.Doktor Jose Rizal 2. Bandila 3. Lorna 4. Mama 5. Ginoong

Malvar

Pangwakas na pagsusulit

1.Panaguri 2.Panag-uri 3. Simuno 4. Simuno 5. Panaguri