16
2nd - 3rd Quarter 2014 Unti-unti nang mapapalitan ang mga pinakikinabangang M-16 Automatic Rifle na ginagamit ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) sa pagbili ng mga M-4 Assault Rifle. Pinangunahan ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang pamamahagi ng mga bagong assault rifle sa mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) na ginanap sa Camp Aguinaldo, Lungsod ng Quezon, ika-14 ng Agosto. Binigyang-diin ng Pangulong Aquino sa talumpati niya na maaasahan na ngayon ng mga kawal ang kanilang mga sandata at hindi lamang ang kanilang lakas ng loob sa pakikibaka sa paglilingkod at pagtatanggol sa bansa. “Sa pagtitipon natin ngayon, pinatutunayan nating tapos na ang panahon kung saan dinaraan na lamang sa tibay ng loob at diskarte ang pagtupad sa tungkulin - tunay ngang kinakalinga Nakadama ng kagalakan ang mga kasundaluhan na naipadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyo noong nakaraang taon matapos na makatanggap ng papuri mula sa Pangulong Benigno S Aquino III. Matatandaan na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay natampok sa iba’t ibang operasyong-militar noong nakaraang taon kabilang na ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo kung saan naipamalas ang kanilang lubos na pagganap sa naiatang na gawain, dahilan upang papurihan ng Pangulo. Ayon kay Ten Kor Ramon Zagala, AFP Public Affairs Chief, partikular sa mga isinagawang operasyon ng Sandatahang Lakas ang misyon sa Zamboanga, sa mga pangkapayapaang operasyon at maging sa maliit ngunit maaasahang modernisasyon para sa kakayahang pandepensa nito. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pag-iiskwat sa mga military reservation. Itinakda ng isang direktibang inilathala ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong ika- 14 ng Hulyo 2014 and mga tuntunin at patakaran ukol sa pag-iiskwat ng mga sundalo sa loob ng military reservation. Base rito, ang sinumang mapapatunayang nag-iiskwat ay maaaring matanggal sa serbisyo, hindi magkakaroon ng promosyon, hindi makakapag- schooling, hindi mare-reenlist, at mawawalan ng iba pang pribilehiyo kapag tumanggi silang bakantehin ang lupa at bahay na pinag-iiskwatan. Ang mga tauhan ng Hukbo na nag-iiskwat ay daraan sa isang masusing imbestigasyon batay sa mga itinatakdang batas at regulasyon. Kapag lumabas sa resulta nito na ang sundalo ay talagang tunay na nag- iiskwat, isasangguni ito sa isang administrative body o kaya’y sa isang cognizant civil court para sa kaukulang Pinangunahan ng Pangulong Benigno S Aquino lll ang paggunita sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayaning Pilipino sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Lungsod ng Taguig, Agosto 25. Para sa Pangulo, ang pagdiriwang ngayong taon ay kumakatawan sa tatlong bagay-- ang pag-alala sa mga karaniwang tao na nalagay sa di-pangkaraniwang sitwasyon, at piniling gawin ang tama; ikalawa, ang pagpapasalamat sa kanilang mga sakripisyo; at ikatlo, ang pagmumuni-muni kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging bayani, hindi lamang noong unang panahon, kundi sa kasalukuyan. Naghayag ang Pangulo ng mga istorya ng mga pangkaraniwang Pilipino na nagpakita ng kahanga-hangang PAG-ISKWAT SA MILITARY RESERVATION, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL SA MILITAR M-4 ASSAULT RIFLE, IPAPALIT SA M-16 Mga Tropang Militar Natuwa sa Pagkilala ni P-Noy sa Kanilang Tulong sa Sambayanan Sundan sa pahina 4 Sundan sa pahina 4 Sundan sa pahina 7 Sundan sa pahina 7 Ang pagdating ng M-4 Assault Rifle ay bahagi ng AFP Modernization Program. Nag-alay ng bulaklak ang Pangulong Benigno S Aquino lll sa Tomb of the Unknown Soldier, habang nakamasid ang Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Heneral Gregorio Pio Catapang Jr, bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayaning Pilipino, na ginanap sa Libingan ng mga Bayani sa Kuta Bonifacio, Lungsod ng Taguig, ika- 25 ng Agosto 2014. (Larawan ni Ryan Lim / Rey Baniquet / Malacañang Photo Bureau / PCOO) Pinangunahan ni Pangulong Benigno S Aquino lll, kasama si Kalihim Voltaire T Gazmin ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, at Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) Heneral Gregorio Pio P Catapang Jr, ang seremonyal na pamamahagi ng mga sandata sa mga sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at Hukbong Pandagat ng Pilipinas, na ginanap sa Kampo Heneral Emilio Aguinaldo sa Lungsod ng Quezon noong ika-14 ng Agosto. Isa sa mga pangunahing programang modernisasyon sa SLP ay ang pag-upgrade ng mission-essential capability requirement ng mga tropa sa pamamagitan ng firepower. (Pinagkunan: www.pcoo.gov.ph/Larawan ni Rober Viñas/ Malacanang Photo Bureau) PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANING PILIPINO, GINUNITA ng estado ang mga kawal ng bayan,” sabi ng Pangulong Aquino. May kabuuang 50,629 ang assault rifle na binili ng pamahalaan para sa SLP at 27,300 ng ripleng ito ang dumating na noong Hulyo, samantalang ang nalalabing 23,329 ay inaasahang maidedeliber sa Disyembre ng taong kasalukuyan. Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi ng Joint Philippine Army-Philippine Marine Corps Assault Rifle Requisition Project sa ilalim ng Programang Modernisasyon ng SLP. Sa ilalim ng proyektong ito, tatanggap ang SLP ng kabuuang 50,629 M4 rifles, na ang 44,186 ay mapupunta sa Hukbong Katihan at 6,443 naman ang sa Hukbong Pandagat. Sinabi ni Pangulong Aquino na nakatipid ang pamahalaan ng may tinatayang P1.2 bilyon sa pagbili ng mga sandatang ito sa pamamagitan ng ginawang transparent bidding process.

2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

  • Upload
    lynhi

  • View
    216

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

2nd - 3rd Quarter 2014

Unti-unti nang mapapalitan ang mga pinakikinabangang M-16 Automatic Rifle na ginagamit ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) sa pagbili ng mga M-4 Assault Rifle. Pinangunahan ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang pamamahagi ng mga bagong assault rifle sa mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) na ginanap sa Camp Aguinaldo, Lungsod ng Quezon, ika-14 ng Agosto. Binigyang-diin ng Pangulong Aquino sa talumpati niya na maaasahan na ngayon ng mga kawal ang kanilang mga sandata at hindi lamang ang kanilang lakas ng loob sa pakikibaka sa paglilingkod at pagtatanggol sa bansa. “Sa pagtitipon natin ngayon, pinatutunayan nating tapos na ang panahon kung saan dinaraan na lamang sa tibay ng loob at diskarte ang pagtupad sa tungkulin - tunay ngang kinakalinga

Nakadama ng kagalakan ang mga kasundaluhan na naipadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyo noong nakaraang taon matapos na makatanggap ng papuri mula sa Pangulong Benigno S Aquino III. Matatandaan na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay natampok sa iba’t ibang operasyong-militar noong nakaraang taon kabilang na ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo kung saan naipamalas ang

kanilang lubos na pagganap sa naiatang na gawain, dahilan upang papurihan ng Pangulo. Ayon kay Ten Kor Ramon Zagala, AFP Public Affairs Chief, partikular sa mga isinagawang operasyon ng Sandatahang Lakas ang misyon sa Zamboanga, sa mga pangkapayapaang operasyon at maging sa maliit ngunit maaasahang modernisasyon para sa kakayahang pandepensa nito.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pag-iiskwat sa mga military reservation. Itinakda ng isang direktibang inilathala ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong ika-14 ng Hulyo 2014 and mga tuntunin at patakaran ukol sa pag-iiskwat ng mga sundalo sa loob ng military reservation. Base rito, ang sinumang mapapatunayang nag-iiskwat ay maaaring matanggal sa serbisyo, hindi magkakaroon ng promosyon, hindi makakapag-schooling, hindi mare-reenlist, at mawawalan ng iba pang pribilehiyo kapag tumanggi silang bakantehin ang lupa at bahay na pinag-iiskwatan. Ang mga tauhan ng Hukbo na nag-iiskwat ay daraan sa isang masusing imbestigasyon batay sa mga itinatakdang batas at regulasyon. Kapag lumabas sa resulta nito na ang sundalo ay talagang tunay na nag-iiskwat, isasangguni ito sa isang administrative body o kaya’y sa isang cognizant civil court para sa kaukulang

Pinangunahan ng Pangulong Benigno S Aquino lll ang paggunita sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayaning Pilipino sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Lungsod ng Taguig, Agosto 25. Para sa Pangulo, ang pagdiriwang ngayong taon ay kumakatawan sa tatlong bagay-- ang pag-alala sa mga karaniwang tao na nalagay sa di-pangkaraniwang sitwasyon, at piniling gawin ang tama; ikalawa, ang pagpapasalamat sa kanilang mga sakripisyo; at ikatlo, ang pagmumuni-muni kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging bayani, hindi lamang noong unang panahon, kundi sa kasalukuyan. Naghayag ang Pangulo ng mga istorya ng mga pangkaraniwang Pilipino na nagpakita ng kahanga-hangang

Pag-Iskwat sa MIlItary reservatIon, MahIgPIt na IPInagbabawal sa MIlItar

M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16

Mga Tropang Militar Natuwa sa Pagkilala ni P-Noy sa Kanilang

Tulong sa Sambayanan

Sundan sa pahina 4

Sundan sa pahina 4

Sundan sa pahina 7Sundan sa pahina 7

Ang pagdating ng M-4 Assault Rifle ay bahagi ng AFP Modernization Program.

Nag-alay ng bulaklak ang Pangulong Benigno S Aquino lll sa Tomb of the Unknown Soldier, habang nakamasid ang Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Heneral Gregorio Pio Catapang Jr, bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayaning Pilipino, na ginanap sa Libingan ng mga Bayani sa Kuta Bonifacio, Lungsod ng Taguig, ika-25 ng Agosto 2014. (Larawan ni Ryan Lim / Rey Baniquet / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

Pinangunahan ni Pangulong Benigno S Aquino lll, kasama si Kalihim Voltaire T Gazmin ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, at Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) Heneral Gregorio Pio P Catapang Jr, ang seremonyal na pamamahagi ng mga sandata sa mga sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at Hukbong Pandagat ng Pilipinas, na ginanap sa Kampo Heneral Emilio Aguinaldo sa Lungsod ng Quezon noong ika-14 ng Agosto. Isa sa mga pangunahing programang modernisasyon sa SLP ay ang pag-upgrade ng mission-essential capability requirement ng mga tropa sa pamamagitan ng firepower. (Pinagkunan: www.pcoo.gov.ph/Larawan ni Rober Viñas/Malacanang Photo Bureau)

Pambansang araw ng mga bayaning PiliPino, ginunita

ng estado ang mga kawal ng bayan,” sabi ng Pangulong Aquino. May kabuuang 50,629 ang assault rifle na binili ng pamahalaan para sa SLP at 27,300 ng ripleng ito ang dumating na noong Hulyo, samantalang ang nalalabing 23,329 ay inaasahang maidedeliber sa Disyembre ng taong kasalukuyan. Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi ng Joint Philippine Army-Philippine Marine Corps Assault Rifle Requisition Project sa ilalim ng Programang Modernisasyon ng SLP. Sa ilalim ng proyektong ito, tatanggap ang SLP ng kabuuang 50,629 M4 rifles, na ang 44,186 ay mapupunta sa Hukbong Katihan at 6,443 naman ang sa Hukbong Pandagat. Sinabi ni Pangulong Aquino na nakatipid ang pamahalaan ng may tinatayang P1.2 bilyon sa pagbili ng mga sandatang ito sa pamamagitan ng ginawang transparent bidding process.

Page 2: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

2Army bAlitA

AngArmyBalitaayangopisyalnapahayaganngHukbongKatihanngPilipinas.ItoayinilalathalaapatnabesessaisangtaonngHukbosapamamagitanngCivil-MilitaryOperationsGroup,KutaAndresBonifacio,MetroManila1201.NagsisilbiitongforumparasabukasatmalayangpagpapalitanngmgaideyaatkonseptotungkolsaPhilippineArmy.AngmgaartikulonainilalathalasaArmyBalitaayhindisumasalaminsaopisyalnapaninindiganngPhilippineArmymalibannalamangkungitoaytiyakangisinasaad.Bagama’thindinaminsagutinangmgaopinyonngmgakontributor,tinatanggapnamannaminangresponsibilidadsapagbibigayngoportunidadnamailathalaangmgaito.Angpahayagannaitoaynaaprubahanparasapampublikongpamamahagi.AngopisyalnapagpapamahaginitoaysamgayunitatmgatanggapanngPhilippineArmy,ArmedForcesofthePhilippines,atsailangtanggapanngpamahalaan.Parasareproductionsatre-publication,maaaringhumingingpahintulotmulasamgamay-akda.MaaaringiderektasamgamanunulatosaEditor-in-chiefnamaaaringmagrepresenta,kungnaisnagamitinangmgaito.KarapatanngArmyBalitanai-editopaikliinangmgaartikulonaisinusumite.AngArmyBalitaaytumatanggapngmgaartikulonanakasulatsaPilipinomanosaIngles.Angmgakontribusyonatmgakahilinganparasamgaimpormasyonaymaaaringipadalasa:Patnugot,ArmyBalita,CMOG,PAKutaAndresBonifacio,MetroManila1201.

Editorial Board

LT GEN HErNaNdo dCa IrIbErrI aFPCommanding General

MGEN roMULo M CabaNTaC Jr aFPVice Commander

bGEN raFaEL C VaLENCIa aFPChief of Staff

CoL adoNIS r baJao GSC (INF) PaSecretary General Staff

CoL bIENVENIdo r daTUIN Jr GSC (INF) PaAC of S for Personnel, G1

CoL FErNaNdo T TrINIdad GSC (INF) PaAC of S for Intelligence, G2

COL CIRILITO E SOBEJANA GSC (INF) PAAC of S for Operations, G3

CoL EMMaNUEL P PrIVado GSC (QMS) PaAC of S for Logistics, G4

CoL FraNCo NEMESIo M GaCaL GSC (INF) PaAC of S for Plans, G5

CoL arNoLd F aNdaLES (MNSa) PaAC of S for CEIS, G6

CoL raMIro MaNUEL a rEY GSC (INF) Pa AC of S for CMO, G7

COL JOSE L FAuSTINO JR GSC (INF) PAAC of S for Education and Training, G8

CoL NICoLaS b PaSIoN Jr GSC (INF) PaAC of S for Reservist and Retiree Affairs, G9

LTC NoEL J dEToYaTo GSC (INF) PaArmy Chief , Public Affairs

Editorial Staff

CoL arNULFo MarCELo b bUrGoS Jr INF (GSC) PaPublisher

LTC WENEFrEdo o arCEÑo Sr GSC (CE) PaEditor-in-chief

MAJ MIChAEL T BAuTISTA (INF) PAExecutive Editor

LYdIa V CabaJarEditorial Consultant

CPT GEMIra r dY (MI) PaAssociate Editor

CarINa C PaSTraNoManaging Editor

COL FEROzALdO PAuL T REGENCIA (INF) PAKarEL S dabU

Contributors

CPL NOEL M BERNARdINO (INF) PACPL RAMON MEGO (INF) PAPFC CESAR P LOPEz (INF) PA

Photographers

EditoryalHindi matatawarang kabayaniHan ng mga PiliPino

Iba’t ibang uri ng kabayanihan ang ipinamamalas ng mga Pilipino. Mga kabayanihan na hindi nangangailangan ng pagbubuwis ng buhay ngunit kakikitaan ng kadakilaan. Noong unang panahon, hindi mabilang ang mga bayaning Pilipino na nagsakripisyo at nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng Inang Bayan. Ilang digmaan ang kanilang pinaglabanan upang maipagtanggol ang soberenya ng bansa at maitaboy sa sariling lupain ang mga dayuhang gustong manakop ng ating bayan. Naitala sa mga pahina ng kasaysayan ng bansa ang pamosong Death March kung saan ipinakita ng mga Pilpinong mandirigma ang katatagan at determinasyon nilang mabuhay sa kabila ng mga pahirap, gutom at pasakit na dinanas nila sa mga kamay ng mga manlulupig. Sa mga digmaang kinasangkutan ng mga rebolusyonaryong Pilipino, hindi naging sagabal ang kakulangan sa mga armas at sopistikadong kaalaman sa pakikidigma laban sa superyor na armada ng kalaban. Bagama’t nakaranas ng matinding hirap and kanilang mga katawan, itinulak ng kanilang matibay na kalooban ang patuloy na paglaban hanggang sa matapos ang digmaan. Ganoon katindi ang kabayanihan noon. Sa panahong kasalukuyan, ibang uri naman ng kabayanihan ang umuusbong. Tulad ng mga bagong bayani sa makabagong panahon na binubuo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances na pumapasok sa bansa; mga guro at iba pang propesyonal na nagbabahagi ng kanilang talino at kakayahan upang makapagsilbi sa kapwa; mga alagad ng batas na nangangalaga sa

katahimikan at kaayusan sa bansa; mga ordinaryong mamamayan na buong sipag at tiyaga na gumaganap sa kanilang mga tungkulin bilang mga Filipino, sa isip, sa salita at sa gawa, gayundin ang mga atleta na nagbibigay karangalan sa bansa dahil sa mga tinatamong tagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Nguni’t lalung-lalo na ang mga magigiting na kawal ng bansa na nagmamatyag 24/7 bilang tagapagtanggol ng bansa at nagsisilbi sa kanilang kapwa Filipino sa abot ng kanilang makakaya. Minsan nang naisulat ni Atty Ernesto Maceda na “Ang Pilipino ay taal na matatapang…. Nasa dugo natin ang pagiging bayani……Sa araw-araw nating buhay, kahit sa hindi inaasahang pangyayari, maaasahan nating kusang lalabas ang pagkabayani ng Pilipino saan man ito makakita ng nangangailangan….second nature na sa atin ang makiisa sa kapwang nangangailangan – walang pagdadalawang isip ay hindi ipagdadamot ang simpatiya sa kababayan at hindi iindain ang peligro sa sariling kaligtasan kahit pa sa istranghero o dayuhan…Ang sabi nila, ang Pilipino ang pulubi ng Asya. Totoo man ito ay hindi naman tayo pulubi sa pagkabayani – sa kabayanihan, tunay tayong mayaman.” Sa panig ng mga sundalo, tila hindi ito mauubusan ng mga kuwento ng kabayanihan. Mga kawal na nag-alay o nagbuwis ng buhay upang makamtan ang tagumpay ng misyon ng organisasyon. Mga sakripisyo ng paglilingkod upang makapagsilbi sa mga mamamayan, malagay man ang sarili sa kapahamakan o kalimutan ang personal na kaginhawahan makatulong lamang sa iba o makapagsalba ng buhay ng iba. Nakikiisa ang pahayagang ito sa pagsaludo sa mga bayaning Pilipino sa bansa. /LVC

Humihingi ang patnugutan ng paumanhin sa mga di-sinasadyang pagkakamali na lumabas sa unang quarter ng pahayagang ito. Pahina 1 – Honest ‘to, Promise – Ikalawang talata, ang tama ay “Si Sgt Raffy M Braga, na nakatalaga sa tanggapan ng Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations, G7…”

SakriPiSyo, PagmamaHal Sa bayan, Pagkakaibigan... Isa sa mga mahahalagang okasyon na ginugunita at pinaglalaanan ng panahon ng pamahalaan ay ang Veterans Week. Sa mga araw na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga beterano na magkasama-samang muli at maipadama sa kanila ng pamahalaan ang pasasalamat sa hindi matatawarang sakripisyo, at sa napakahalagang papel na ginampanan nila upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. Sa taong ito ng paggunita, dalawa sa mga binigyan ng parangal ang magkapatid na sina Lt Jose P Javier, 104, isang doktor at Lt Fernando P Javier, 106, isang inhenyero. Sila ang pinakamatandang beterano ng WWll na nabubuhay pa. Sa isang interbyu na lumabas sa isang babasahin, binanggit nila na ang pananampalataya sa Maykapal at pagdarasal ng rosaryo ang naging lakas at panlaban nila sa mga hirap na dinanas sa Death March. Ang mga beterano na marahil ang pinakamabuting ehemplo sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa pagmamahal sa bayan. Walang pag-iimbot ang kanilang pagmamahal sa ating bayan at handa silang mamatay kung kinakailangan. Noong panahon ng giyera, kahit napapabalita ang pagkawala at pagkamatay ng kanilang mga kaibigan at kakilala ay boluntaryo pa rin silang magkapatid na sumanib sa Hukbo upang labanan ang mga Hapones. Sinasalamin ng kanilang buhay ang tunay na pagmamahal sa ating bayan. Sa ngayon, handa kaya ang mga kabataan na i-sakripisyo ang kanilang isinakripisyo noon? Payo nga ng magkapatid na beterano sa mga kabataan ngayon, “huwag ipagwalang-bahala ang kanilang tungkulin na ipagtanggol ang Inang Bayan kung kinakailangan”. Hindi lang naman sa giyera maipapakita ang pagmamahal, serbisyo at pagtatanggol sa bansa. Ngunit kung saka-sakali, kakayanin nga kaya ng bagong henerasyon na tularan ang kanilang mga sakripisyo? Sa kanilang edad, malinaw pa sa kaaalaman ng mga beterano na mas maraming krimen sa ngayon kung ikukumpara sa kanilang panahon —tulad ng mga scam, na ayon sa kanila ay hindi nangyayari

noon. Ayon kay Lt Fernando Javier, ang mga Pilipino sa kasalukuyan ay gustong umangat sa buhay kahit gumamit pa at manira ng ibang tao. Kaya ang kanilang payo ay bumangon tayo nang sabay-sabay bilang isang bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan. Nakalulungkot na isipin, ganoon na talaga ang nangyayari ngayon. Ngunit sa kabilang dako, hindi naman tayo nawawalan ng pag-asa sa “matuwid na daan” na pursigidong isinusulong ni Pangulong Aquino sa pagpapatakbo ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang liderato. At sa parte naman ng Philippine Army, masugid at matapat ito sa pagtahak sa Army Transformation Roadmap, sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala at pagganap ng mga tungkulin, at sa IPSP Bayanihan ng AFP kaagapay ang mga ahensya ng pamahalaan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran. Sana nga ay isaisip at isapuso nating mga Filipino ang bawat butil ng magagandang aral na mapupulot sa buhay at sakripisyo ng mga sundalong beterano. Hindi man nila masilayan ang mga pagbabago na minimithi natin bilang isang bansa, mahalaga na malaman nila sa ngayon na iyon ang patutunguhan natin. Kaagapay ang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa pagsusulong sa mga binhi ng pagmamahal sa Inang Bayan, noon, ngayon at hanggang sa hinaharap. Sa isang banda, buwan ng Abril nang naganap ang makasaysayang pagbisita ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barrack Hussein Obama sa ating bansa. Ngunit para sa mga sundalo ng Army, ito ay naging mas makahulugan dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makita at marinig ang kanyang talumpati nang personal itong magsalita sa harap ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo na ginanap sa Philippine Army Wellness Center dito sa Fort Bonifacio. Ang kanyang pagdalaw ay nangangahulugan ng mas pinatibay na pagkakaibigan at alyansa ng dalawang bansa at puwersang militar na pinatitibay naman ng “Balikatan Exercise” na taunang ginaganap sa iba’t ibang lugar ng bansa. /CCP

Page 3: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

3Army bAlitA

Timor, Canada at France. Ito ay taunang kumpetisyon na nilalahukan ng iba’t ibang yunit ng Australian Army upang ipakita ang galing sa pagbaril ng mga kalahok. Ito rin ang nagsisilbing larangan para maging palitan ng mga pamamaraan na maaaring matutunan sa bawat isa.

Muli, pinatunayan ng koponan ng Army na hindi ito pahuhuli at kayang makipagsabayan sa larangan ng shooting sa iba’t ibang Hukbo sa ibang bansa, hindi lang sa ASEAN ngunit sa buong mundo.

Ang galing sa pagbaril ay isa sa mga pangunahing kasanayan ng isang world-class na hukbo upang makamit ang respeto ng ibang kawal mula sa ibang bansa. Sa pagtupad ng adhikain na nakasaad sa Army Transformation Roadmap na maging isang world-class army, ang pagiging mahusay sa pagbaril ay binibigyang diin sa lahat ng bahagi ng pagsasanay.

Army shooters, Nag-uwi ng Commander-in-Chief trophy Mula sa Au shootfest

Mga Bumbero, Pinarangalan

Iniuwi ng mga koponan ng Philippine Army ang pinakamimithing tropeo mula sa ginanap na Australian Army Skills and Arms Meeting (AASAM) na ginanap sa Combined Arms Training Center, Puckapunyal Military Area, Victoria, Australia, noong ika-28 ng Abril hanggang ika-18 ng Mayo, 2014.

Ang koponan ng Army na kinabibilangan ng 14 na miyembro at pinangungunahan ni Lt Col Palmer M Parungao ay nag-uwi ng 14 na gintong medalya, 56 na pilak, at dalawang tansong medalya kabilang na ang pinakamimithing Chief of Staff trophy.

Ang koponan ay nakipagtunggali sa iba’t ibang kategorya tulad ng Rifle Match, Pistol Match, Machine Gun Match para sa indibidwal at koponan at pinagsamang mga armas tulad ng rifle at machine gun. Ang AASAM ay nilahukan ng mga bansang tulad ng Australia, Brunei, New Zealand, United States, United Kingdom, Tonga, Japan, Indonesia, Singapore, Thailand, East

Pinarangalan kamakailan ng Namumunong Heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, Lt Gen Hernando DCA Iriberri, ang mga nagresponde sa nasunog na himpilan ng Explosive Ordnance Battalion, Army Support Command. Ginanap ang nasabing pagpaparangal sa flag raising ceremony, noong Mayo 19. 2014 sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City.

Kabilang sa mga ginawaran ng Military Merit Medal ang 11 kawani ng Bureau of Fire Protection na sina F/INSPECTOR Maria Leah A Sajili, Fire Officer 3 Aristeo V Reloj, Fire Officer 3 Herle L Barrios, Fire Officer 2 Leo G Palconit, Fire Officer 2 Alter F Berug, Fire Officer 2 Edsel N Estrella, Fire Officer 1 Annabelle A Alingig, Fire Officer 1 Mohammad J Salahuddin, Fire Officer 1 Rossana M Chipay, Fire Officer 1 Revelyn G Lindero, at Fire Officer 1 Maricel L Lusuegro. Samantala, 17 firefighter volunteers naman ang ginawaran ng Military Civic Action Medal na kinabibilangan nina Fire Volunteers Agrepeno Santos, Michael Cabab, Mark Cabab, Louie Chang, Elver Santos, Rodolfo Franco, John Paulo Lantin, Edbert Cuaresma, Allan Gabito, Herbert Pavila, Ariel Vasquez, Francisco Gacusana, Julius Donesa, Jeffrey Favila, Emmanuel Ribaya, Robert Favila at Rommel Favila.

Ginawaran din ng Plaque of Appreciation ang iba pang mga himpilan tulad ng Taguig Fire Station, Pasay City Fire Station, Makati City Fire Station, Valenzuela Fire Station, Pasig Brotherhood Fil-Chinese Fire Volunteers, Old Paranaque Fire Volunteer Brigade, Inc at ang Southern Police District.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Heneral ang paglilingkod na ibinigay ng

Nagpalabas ang Hukbong Katihan ng Pilipinas ng isang Training Directive noong ika- 26 ng Marso 2014 na nagtatakda ng Service Courses para sa 2nd Training Cycle CY 2014 sa loob at labas ng bansa para sa mga sibilyang kawani.

Ang mga nabanggit na kurso na gaganapin sa bansang Australia ay nakapailalim sa pangangasiwa ng Australian Defense Cooperation Program TY 2014- 2015.

Ang lahat ng interesadong sibilyang kawani ay inaanyayahang mag-avail ng training offer sa loob at labas ng bansa. Para sa mga nagnanais makadalo ng training sa Australia, kailangan na maipasa muna ang Australian Defence Force English Language Profiling System o ADFELPS, upang makasama sa mga pagpipilian ng Philippine Army Schooling Board. Ang eksamen sa ADFELPS ay isinasagawa sa Speech Laboratory ng AFPCGSC, Camp Aguinaldo, Quezon City tuwing Martes ganap na ika-8:00 ng umaga. Samantala, may isang mobile team naman na ipadadala ang Hukbo para sa gustong kumuha ng ADFELPS sa mga sumusunod:

Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring tumawag sa ETS, CMB, OG1 local 6801 o makipag- ugnayan sa numerong 09178836025. (Carina C Pastrano)

Kurso Lugar Petsa ng PagbubuKas

Civilian Personnel Basic Supervisory Course CI 30 – 14

SOS, TRADOC, FBMM 26 Mayo 2014

Health Aspects of Disaster Course Brisbane, Australia Setyembre 2014

Civil Military Interaction Workshop Melbourne, Australia Nobyembre 2014

Strategic Communication Workshop Canberra, Australia Enero 2015

Communicable Disease Control Brisbane, Australia Setyembre 2014

Governance & Financial Management Seminar

Melbourne, Australia Pebrero 2015

Law of Peace Operations Sydney, Australia Pebrero 2015

Cyber and Emerging Technology Sydney, Australia Abril 2015

Lugar Kung saan gaganaPin LoKasyon Petsa

1ATG, TRADOC Malagutay, Zamboanga City 08- 09 ng Mayo 2014

H8ID, PA Catbalogan, Samar 05- 06 ng Hunyo 2014

H10ID Panacan, Davao City 02- 03 ng Hulyo 2014

H1002IBde Malungon, Sarangani 04-05 ng Hulyo 2014

H9ID, PA Pili, Camarines Sur 06- 07 ng Agosto 2014

H502IBde Echague, Isabela 05- 06 ng Setyembre 2014

H6ID, PA DOS, Maguindanao 09- 10 ng Oktubre 2014.

EnhancEd dEfEnsE coopEration agrEEmEnt, nilagdaan

Nilagdaan nina Defense Secretary Voltaire T. Gazmin at American Ambassador Philip S. Goldberg ang Enhanced Defense Cooperation Agreement, noong ika-28 ng Abril 2014, sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo, Quezon City. (Photo Source: Public Affairs, DND)

Training Schedule para sa mga Sibilyang Kawanimga kawani ng Bureau of Fire Protection at mga firefighter volunteer na dagliang nagresponde sa insidente, di alintana ang kanilang pansariling kaligtasan na naging dahilan upang mapigil pa ang mas malaking pinsala sa ibang karatig na pasilidad ng Hukbo at mga sibilyang establisimyento. Inihayag din niya ang kaniyang taos pusong pasasalamat.

“Today, we honor these admirable volunteers and inter-agency partners for braving their mission last May 7, not to prove their courage and skills but to help, and they did successfully, but were also caught in a pandemonium during an explosion. Please accept the Philippine Army’s profound thanks to each one of you for joining hands with us during the unfortunate incident at ASCOM,” turan ng namumunong heneral.

Hiniling ni Tenyente Heneral Iriberri ang panalangin para sa mga naging biktima ng nasabing insidente, kabilang na si 1Lt Dinar Alosada na isa sa mga naging kritikal ang kondisyon noon at na-confine pa sa East Avenue Medical Center, subalit binawian din ng buhay noong Mayo 21.

Kasalukuyang nagpapagaling naman ang iba pang casualty, lima sa Army General Hospital, Fort Bonifacio at tatlo sa AFP Medical Center.

Samantala, binigyang-diin ng Army Chief ang kahandaan ng bawat isa sa istriktong pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang para sa kaligtasan sa mga yunit at ang maagap na pagresponde sa mga di-inaasahang insidenteng tulad nang naganap sa himpilan ng EOD Battalion. (Karel s Dabu)

Page 4: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

4Army bAlitA

Ang inilaang badyet para sa proyekto ay halos P3.19 bilyon nguni’t sa halagang P1.94 bilyon lamang nabili ng pamahalaan ang mga nasabing sandata. Ayon sa Pangulo, ang natipid na halaga ay gagamiting pambili ng karagdagan pang 12,657 assault rifle para sa Hukbong Katihan at sa Disyembre rin darating ang mga ito. Ang badyet na pambili ng mga riple ay kinuha sa AFP Capability Upgrade Program na inilunsad noong 2012. Kasama ng Pangulong Aquino sa pagkakataong ito sina Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Bansa at si Heneral Gregorio Pio Catapang, puno ng kalupunan ng SLP. Samantala, sa pambungad na pananalita ni Heneral Catapang, pinasalamatan niya ang Pangulong Aquino sa pagbili ng mga sandatang ito para sa mga kawal na hanggang sa panahong ito, ang ginagamit pa ay ang mga lumang sandatang M16 at M16A1 na gamit pa noong Digmaan sa Vietnam.

Dumaan sa Masusing Inspeksyon Ayon kay Tenyente Koronel Noel J Detoyato, tagapagsalita ng HKP, matapos ang pagsusuri, ang mga armas ay ibababa na sa mga front line units. Binanggit pa niya na ang M-4 ay isang

napakahusay na sandata at akmang-akma para sa close quarter battle dahil nakapagpapaputok ito ng mas malalakas na punglo dahil sa tinatawag na rifle twisting kaya makasisiguro ng mas higit na pinsala sa kalaban. Ang M-4 ay may 1-in-7 twist kaya mas malakas ang puwersa nito kaysa sa 1-in-12 twist ng lumang M-16. Idinagdag pa ng Koronel na kahit parehong distansya (500 metro) ang inaabot ng parehong armas, mas madali namang i-upgrade ang M-4 kaakibat ang makabagong sighting devices. Maaari rin itong ma-enhance dahil ito ay isang A3 model. Ang carry handle nito ay natatanggal kaya pwede itong maging flat top rifle na may Picatinny rail para sa night vision gear. Mayroon din itong handguard na maaaring paglagyan ng TGT designator, flashlight at iba pang gamit. Ang M-4 ay mas maliit ang sukat kaysa sa M-16, kaya’t madali itong dalhin sa mga madahong lugar o maging sa loob ng mga sasakyan. Mas madali rin itong paputukin at kargahan ng bala. Ang M-4 ay gas-operated, magazine-fed, selective fire, shoulder-fired weapon na may telescopy stock at 14.5 pulgadang barrel para mapadali sa mga close quarters combat. (Lydia V Cabajar)

... Mula sa pahina 1M-4 Assault Rifle, ipapalit sa M-16

H E A D Q U A R T E R SP H I L I P P I N E A R M Y

Fort Andres Bonifacio, Metro Manila

COMMAND GUIDANCE

Seniors Leaders’ Conference on Program PerformanceAnd Budget Execution Review

1st Semester, FY 2014 (15 July 2014)

The outcome of this program performance and budget execution review of our major units has indeed provided us with reasonable insights on the challenges that we need to cope with in the implementation of our programs and activities. It also presented the level of physical and financial performances that are achieved so far this 1st semester vis-à-vis the established program and financial targets for the year. Likewise, this undertaking has given us the venue to divulge issues and concerns affecting the overall resource management system of the Army. The remarkable performance, accomplishments, and compliances manifested are commendable and provide the impetus towards the success of the Army’s mandate.

In line with our noble vision to transform the Philippine Army into a more credible, dynamic, responsive, capable, and professional army, it is my desire for everyone to:

- Sustain the gains in the implementation of your respective programs, projects, and activities to achieve the desired targets by year-end. The noted deficiencies of programming and recording of accomplishments should be corrected to avoid misleading information, evaluations, and assessments of our performance;

- To compensate the limited capital outlay funds and CUP projects intended to increase our equipment readiness, exert more efforts to judiciously and fully utilize all funds to maintain, preserve, and extend the service life of our existing capabilities. Proper handling, care, repair, and maintenance of equipment must be continuously adhered;

- Ensure the effective implementation of all Gender and Development (GAD) programs and activities and strictly adhere to the guidelines on the utilization of the GAD budget so that we will be able to comply with the law;

- Expedite the processing of appointments and promotions of qualified civilian employees to fill-up the vacant plantilla positions to beef up personnel requirements of our units and offices, thereby improving efficiency in the delivery of services.

- In the light of the occurrence of calamities and disasters, I reiterate my instruction to organize an Emergency Response Company in every PAMU. Corresponding disaster response trainings must be expedited and fast track the procurement of programmed disaster response equipment;

- Pursue purposive in-service and in-house trainings that shall integrate mission planning exercises with all other IPSP mission essential competency requirements of your respective subordinate units and personnel. This includes the serious implementation of marksmanship training programs as

required in the DPG and PDM;

- Sustain the high net trust and satisfaction ratings by continuously promoting the ATR, both internally and externally, and at the same time generate and sustain support from stakeholders;

- To attain our breakthrough goals in the ATR, I urge all units to reach the desired readiness level, accomplish 100% development and operationalization of individual scorecard, and qualify for the institutionalization stage of the Army Governance Pathway.

- Continuously pursue the empowerment of our NCOs using all available avenues. Related programs from selection and training to promotion and professional development must be continuously implemented and monitored;

- All Audit Observation Memorandum issued by the COA must be acted immediately and accordingly with sense of urgency to pre-empt adverse findings and incurrence of liabilities;

- While time is of the essence in the processing of funds to support the implementation of your respective programs and activities, let us not lose sight on promoting transparency, responsibility, and accountability in all transactions.

- Lastly, it is one of my paramount concerns to maximize and fast track the utilization of all kinds of funds provided to your respective units to ensure the timely implementation of programs and activities towards the accomplishment of your respective objectives in support to the Army’s mandate.

HERNANDO DCA IRIBERRILieutenant General AFPCommanding General

s/t:

kakayahan at nakapagbibigay inspirasyon sa mga taong nasa gitna ng peligro at kawalan ng pag-asa. Ayon sa Pangulo, ito ang mga Pilipinong nagbigay-tanglaw sa panahon ng kadiliman. Ngunit sa kabila nito, may mga tao pa ring nakasanayan na ang magbato ng batikos at magpakalat ng negatibismo, ayon sa kanya. Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang apat na taong pagtahak ng pamahalaan sa tuwid na landas na nagbubunga na ng pagbabago. Hinikayat niya ang mga Pilipino na huwag sayangin ito dahil ito ang ating paraan upang tanawin ang utang loob sa mga bayaning nagsakripisyo upang makarating

Pambansang araw ng mga bayaning PiliPino, ginunita... Mula sa pahina 1

tayo sa ating kinalalagyan ngayon. “Ito po ang tanging paraan upang masiguro natin kapag nagdiwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani ang mga susunod na henerasyon, aalalahanin, pasasalamatan, at pagmumuni-munihan nila ang panahong ito, at kanilang sasabihin: Ito ang panahong sama-samang nagpasya ang mga Pilipino na maging bayani,” ayon sa Pangulo sa kanyang pagtatapos ng talumpati. Ang tema ngayong taon ng pagdiriwang ay “Bayaning Pilipino: Lumalaban para sa Makatwiran at Makabuluhang Pagbabago.” (Carina C Pastrano)

Page 5: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

5Army bAlitA

“The comprehensive approach not only makes sense – it is necessary, NATO needs to work more closely with our civilian partners on the ground, and at a political level – especially the European Union and the United Nations.”

Anders Fogh Rasmussen, NATO Secretary General

Isang "Comprehensive Approach" para sa Peacebuilding Partnership • Col Ferozaldo Paul T Regencia INF (GSC) PA, MWGI

Isa sa mga peacebuilding measures na ating pinagpupunyagian bilang sentro ng ating campaign plan ay ang muling pagtataguyod ng ating lipunan. Sinasaklaw dito ang malawakang mekanismong pampulitikal, pangkaunlaran, pagiging makatao at maging ang mga programang nauukol sa mga karapatang pantao. Higit sa lahat, kasama rin dito, ang pangangailangan para sa muling pagbubuklud-buklod sa lipunan, pagbibigay tulong sa panahon ng kagipitan, pagbuo ng mga kalsada at mga gawaing imprastraktura, pang-ekonomiya at panlipunang pagsulong.

Kabilang sa mga aktibidad ng Peace Building ay ang humanitarian relief at rehabilitation; pagbaba o pagsuko ng mga sandata, demobilisasyon at muling paglahok ng mga rebelde sa pamayanan; mga pagsisikap para sa pagkakasundo; pagtataguyod sa kagalingan para sa mga kababaihan at kabataan; pangangalaga sa mga refugee at mga taong napilitang lisanin ang kanilang mga tirahan, pagpapaunlad ng ekonomiya partikular na sa mga paraan at naisin na suportahan ang inisyatiba na nagawa na, pagpapatibay sa mga progresibong programang pangkabuhayan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang peace-building partnership na ito ay isa sa pinalawak na papel na ginagampanan ng AFP. Ito ay ang pagbibigay ng pokus sa mga gawaing pang nation-building at pagpapaunlad ng pamayanan sa pamamagitan ng mga likas nitong kakayanan at pakikipag-ugnayan nito sa mga sibilyang sektor at mahahalagang ahensya ng pamahalaan. Ang AFP ay hindi na lamang isang organisasyon na nakatuon sa digmaan, hinaharap din nito ang iba pang mga responsibilidad bukod sa mga pangunahin nitong kakayahan sa pagiging militar.

Sa nakalipas na higit na apat na dekada, nakatuon ang AFP sa pagpuksa sa insurhensya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga operasyong militar. Sa mahabang panahon, napatunayan na ang istratehiyang ito ay hindi epektibo. Ang mga kampanya ng AFP noong mga nakaraang panahon ay nakasentro sa kalaban, ngunit sa pagpasok ng Enero 2011, itinuon na ng AFP ang kanilang pokus sa mas makataong pamamaraan na “winning the peace” sa pamamagitan ng Internal Peace and Security Plan (IPSP) Bayanihan. Layunin nito na magsagawa ng mga operasyong pansuporta upang makamit ang kapayapaan na tutulong sa bansang Pilipinas na magkaroon ng kapaligiran na aangkop sa pangmatagalang pag-unlad nito.

Ang istratehiya na susundin upang maipatupad ito ay ang “whole-of-nation approach” kung saan ang mga mamamayan ay kinakailangang makilahok at may responsibilidad na makibahagi sa katuparan ng kapayapaan at kaunlaran sa bawat pamayanan. Isa pang istratehiya ay ang people-centered at human security approach kung saan pagtutuunan ng pansin ang pinagmulan ng problema, ang kahirapan, kakulangan sa mga pangunahing serbisyo, kawalan ng hustisya, pagkasira ng kapaligiran, kamangmangan, atbp.

Nang umupo si General Emmanuel T Bautista bilang Chief of Staff ng AFP noong Enero 2013 itinanong niya: Paano tayo makapagtatatag ng Partnership Management Program? Inilunsad ng Civil-Military Operations Battalion (NCR) ang Partnership Management Program (PMP) noong Agosto 19, 2013, upang mapuspos ang pagtugon sa mga suliraning panlipunan na palasak sa mga pamayanan na sakop ng National Capital Region, sa pakikipagtulungan sa mga taong naniniwala na mahalaga at kailangang magkaisa at makibahagi sa pagsulong ng mga programang pang-

kapayapaaan at pang-kaunlaran. Inaasahan din na magsisilbi itong batayan ng mga katulad na gawain na isasagawa sa buong bansa. Mga inaasahan sa samahan (Partnership expectations and Prospectives)

Inaasahan na ang mga gawaing CMO ay sama-samang maisasagawa sa pamamagitan ng pagsulong ng mga posibleng interes sa pamamagitan ng mga kaakibat na mga organisasyong nakikibahagi sa Partnership Management Program (PMP). Nais ng PMP na magkaroon ng isang pagsasanib ng mga pagsisikap para sa mas epektibo at mahusay na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo para sa pamayanan. Ang pitong areas of collaboration:

1. Suporta sa Imprastraktura2. Pagbibigay lakas sa komunidad3. Maayos na Pamamahala at Adbokasiya4. Programa na Mapag-aangat sa Pamayanan5. Paghasa sa mga Kabataan sa Larangan ng Pamumuno6. Pagpapayabong ng Kakayahan at Kasayanan7. Pagpapalaganap ng Impormasyon

Ang pagkakakilanlan ng mga kapartner ay dapat na tuluy-tuloy at binabatay ayon sa Areas of Collaboration. Para sa aming bahagi, ang koordinasyon at pakikipagtulungan ay ginagawa sa buong NCR.

Matapos kilalanin ni Heneral Bautista ang kahalagahan ng Partnership Management Program, sinundan ito ng panibagong tanong, tulad ng paano gagamitin ang PMP upang pamahalaan ang mga sigalot? Lubos na naiintindihan na ang mga sibilyan ay hindi nararapat nakapuwesto sa unahan sa pagresolba ng sigalot dahil maaaring sila ang malagay sa kompromiso at mailagay sa isang sitwasyon na makakaapekto sa kanilang kaligtasan at kagalingan.

Sa pagpapatibay ng mga nasimulang programa, nais ng Civil-Military Operations Battalion (NCR) na tukuyin ang mga

pangangailangan at mga tiyak na alituntunin sa pagpapatupad ng PEACE Program. Ang layunin ng PEACE Program ay ang mga sumusunod:

1. Matugunan ang pangangailangan para sa livelihood training at pag-unlad.

2. Matugunan ang malaking kakulangan ng mga guro sa mga lugar na apektado ng sigalot sa pamamagitan ng pagtatalaga ng AFP sa mga sundalo upang magsilbing para-educator.

3. Maiangat ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

4. Maglaan ng edukasyong pang-matanda upang matuto silang makapagbasa at makapagsulat.

5. Matulungan ang pamayanan sa kanilang pag-oorganisa at pagpapalakas sa kanilang kakayanan.

6. Tumulong sa cultural preservation ng mga katutubo.7. Pandayin ang pampubliko at pribadong partnership sa

pamamagitan ng mga networking at alliance building upang magkaroon ng mga mapagkukunan ng resources para sa mga programang panlipunan at pang-ekonomiya.

8. Makapag-ambag sa lokal na environmental preservation sa pamamagitan ng masusing pagmamasid sa pamayanan at kapaligiran hanggang sa pagpapatupad sa mga proyekto.

9. Maglaan ng kaparaanan para sa pagkakaunawaan, direksyon at diskarte sa pamamahala sa umiiral at inaasahang pangangailangan na may kaugnayan sa aktwal na mga gawain na isasagawa.

10. Mapagpare-pareho at masubaybayan ng mga yunit sa ilalim ng Command ang mga aktibidad na magtatatag ng mga reperensya para sa mga aktibong pagsisikap.

Kasabay nito, nais ng CMO Bn (NCR) na pagtibayin ang kasalukuyang mga instrumento at sistema para sa mas mahusay na pagkaka-ugnay-ugnay at pagiging mabisa kasama ang mga partner nito sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang mekanismo. Ito ay para sa pagkakapare-pareho at standardisasyon na magpapalawig ng mapagkukunan at kakayanan ng mga yunit at stakeholder na kalahok para sa tukoy na hangarin.

Ang mga sundalo ng CMO Battalion kasama ang mga batang bahagi ng feeding program

Page 6: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

6Army bAlitA

Ngayon, hindi mahalaga kung sino ang magwawagi sa karera, ang mahalaga ay kung gaano karami ang makatatapos nito. Ito ay nagpapakita lamang ng whole-of-nation effort, kasama na ang magkakahawak-kamay tayo bilang mga mamamayan. Sa wakas ay makakakita tayo ng liwanag ng araw sa pag-abot ng pinakamimithing pangarap ng “kaunlaran tungo sa mapayapang pamayanan.”

Sa aming bahagi, “isang napakalaking karangalan sa mga sundalo na maging bahagi ng kaunlaran kasama ang mga mamamayan, dahil kami ang mga lingkod-bayan na binigyan ng mga pagkakataon na mapalawak ang aming tungkulin na maging bahagi ng kapayapaan at kaunlaran. Ang pangunahing pinagkukunan ng aming kaganapan ay hindi ang aming nakaugaliang ginagawa-kundi ang mga di-tradisyonal na pagsisikap na aming itinataguyod; ang pansariling kasiyahan na makuha ang pagmamahal at respeto ng taumbayan dahil sila ang dahilan kung bakit narito tayo upang maglingkod.”

Mga reperensya :

a. Internal Peace and Security Plan (IPSP) – Bayanihan, January 2011.

b. Our Tools in Peacebuilding, Briefing at the National Security Council, MGen Carlos Holganza AFP October 2011.

c. Concept Paper on the PEACE Program, GHQ and JTFNCR, BGen Rodolfo Santiago AFP and Col Ferozaldo Paul Regencia PA, November 2013.

d. Bridging Partnership Management Program and AFP Intervention Programs in Security Threatened Areas to “Win the Peace”, Development Academy of the Philippines, Maj George Bergonia PA, March 2014.

PROJECT SHOEBOX. Sama-sama at masayang nagbabalot ng mga gamit na ilalagay sa shoebox ang mga sundalo at mga boluntaryong sibilyan na nagbigay ng kanilang suporta sa Project Shoebox.

Isang mahalagang pangangailangan ng mga barangay ay isinasagawa sa pagpili ng mga aktibidad na itinuring na kinakailangan upang matugunan ang umiiral na mga isyu at mga alalahanin sa komunidad. Kaugnay sa mga pangangailangan ng barangay, ang Community Outreach Program (COP) ay isinasagawa kabilang ang mga piling gawain na itinuturing na mahalaga sa pagtugon sa mga kasalukuyang isyu at mga alalahanin ng pamayanan. Ang mga nabanggit na CMO activities ay pinagsama-sama ayon sa sumusunod: 1) Leadership, Values & Motivation; 2) Humanitarian Assistance; 3) Civil Relations; 4) Livelihood Programs; 5 ) Education Programs; 6) Health Services Program; 7) Sports and Fitness Program; 8) Fundamental Basic Activities; 9) Environmental Program; 10) Media Capabilities & Relations; 11) Engineer Works, at 12) Disaster Rescue, Relief and Retrieval Operations.

Patuloy na naghahanap ang kasundaluhan ng mas mahuhusay na serbisyo na maibibigay. Noon, ang mga proyekto nila ay para lamang sa accomplishment, ngayon ang mga ito ay nagsisilbing paraan “to win the hearts and minds” ng ating mga kababayan at maipakita ang epektibo at magandang pamamahala. Ang mga proyektong pang-imprastraktura na isinalin na sa mga benepisaryo nito ay magiging buhay na mekanismo (“functioning instrument”), di katulad noon na matapos mayari ang mga farm to market road, at mai-turnover ay iiwan na ang lugar. Sa ngayon, habang ginagawa ang mga kalsada, kasabay ding pinapalago ang mga bukirin, kasama ang mga kaagapay sa pagsasanay sa organic farming, pamimigay ng mga seedling, pamamahagi ng mga kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang paraan sa pagtatanim. Kasabay rin nito ang pagtukoy sa babagsakan ng mga inani upang siguruhin na kikita ang mga magsasaka at mabawasan na rin kundi man tuluyang alisin ang “middlemen” na nagiging dahilan ng maraming sakit ng ulo ng mga magsasaka.

Isa pang halimbawa, ay ang pagpapatayo ng mga silid-aralan. Noon ay itini-turnover lamang sa mga benepisaryo ng walang laman. Samantalang ngayon, sinisuguro na ang mga silid-aralan ay kumpleto sa kagamitan tulad ng upuan at lamesa, blackboard, mga school supply at uniporme ng mga bata; mga aklat at lalagyan nito; computer at internet connection; TV-DVD at e-media learning modules, electric fan, educational aids/posters at feeding program para sa mga bata. Sa kabuuan, ito ay dinisenyo upang gamitin ang mga pinagkukunan mula sa mga pribado at pampublikong kaagapay upang lubos na mapakinabangan ang infrastructure project. Gayundin, ang mapaghusay at mapanatili nito ang mga nakaraang natamo ng mga military operations at development support operations programs at civil works lalo na sa mga lugar na may banta at impluwensiya ng mga bantang grupo.

Nakahanda na ang ibang panukalang “Intervention Program” na maaaring magamit sa mga nakalaang resources mula sa pribadong sektor para sa mabuting pakinabang. Sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala ng partnership program, maaari ring makamtan ang pagpapakilos at pagsisimula ng mga sumusunod: Climate Change at Environmental Defense Program upang makapag-ipon ng mga pagkukunan, kapabilidad at manpower na tutugon sakaling may mga pangyayari na may kaugnayan sa global warming, pagkasira ng kapaligiran, pagbabago sa klima at epekto (man-made diasaster) sa kalikasan; at Alternative Energy Resource Program, sasaliksikin nito ang mga posibleng panggagalingan ng enerhiya upang tulungan ang mga komunidad upang makasabay sa mataas na presyo ng bilihin, gasolina at kuryente. Bukod sa mga pinanggagalingan ng enerhiya tulad ng araw, hangin at tubig, maaari tayong makakuha ng methane gas mula sa landfill area at waste disposal area bilang alternatibo sa paggamit ng kahoy at puno sa pagluluto. Ito ay mas matipid at hindi makasisira ng kapaligiran. Sa pamamagitan ng Ethno-Linguistic Cultural Program, mababawasan ang mga sigalot sa lokal na hanay kung magkakaunawaan sa pamamagitan ng komunikasyon. Ito ay magtatatag ng maayos na relasyon sa pagitan ng mga tribo, pangunahan ang anumang regionalist biases at mabawasan o magsilbing tulay sa bawat isa kahit pa tayo ay magkakaiba. Ito rin ay magbibigay ng lakas, una

sa mga sundalong CMO operator at sumunod sa ating mga payamanan na magsalita ng di bababa sa 10 diyalekto sa 171 diyalekto na mayroon sa ating bansa. Marami pang katulad na Intervention Program ang kailangang bigyan ng pansin, oras at sapat na pagsisikap upang higit na mapahalagahan ang kaugnayan nito sa pagkakamit ng kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng karapat-dapat na pakikisama sa iba’t ibang ahensya at grupo sa lipunan.

ang Formula ng “Winning the Peace”

Ang “winning the peace” ang permanenteng magsasara sa mga suliranin sa Internal Security Operations, magbibigay ng lakas sa mga mamamayan tungo sa pag-unlad, gapiin o higit pa ay kumbinsihin ang mga bantang grupo na mas maging mapagmatyag at maging makabuluhan sa lipunan sa kanilang pagsulong sa kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng demokratikong paraan at panghuli, ang pagtatagumpay ay makakamit nating lahat hindi lamang bilang organisasyon ngunit bilang mamamayang Pilipino at bilang isang bansa. Maaaring magsagawa ng Peace and Development Program sa pamamagitan ng mga sumusunod na mapagpipilian depende kung anong impluwensya ang isasagawa, ngunit hindi limitado sa mga ito:

1. Tipunin ang mga tao na suportahan ang kasundaluhan.2. Ang mga LGU ay mamamahala sa kaligtasan at kapakanan

ng kanilang mga nasasakupan3. Maayos na pamamahala4. Pagbutihin ang kundisyon ng pamumuhay ng mga tao5. Pag-ibayuhin ang turismo sa lugar ( agro-tourism)6. Pangangalaga ng kapaligiran na may kasamang negosyo7. Itaas ang sahod na pinagkakakitaan ng mga tao8. Aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa mga

proyekto ng pamahalaan9. Maging maka-demokrasya ang mga apektadong

residente10. Pangunahan ng pamahalaan ang kalagayan ng

impormasyon11. Buo ang tiwala ng mga tao sa gobyerno12. Ipinatayong pangunahing pasilidad (paaralan, health

center, kalsada, water at electrical system)13. Magkaroon ng edukasyon ang mga tao14. Mas mababang kaso ng kriminalidad15. Ligtas at tahimik ang pamumuhay ng mga tao

Si Col Ferozaldo Paul T Regencia ay nagtapos sa PMA Class 1986. Siya ay naging Editor-in-chief ng Army Journal mula Marso 1997-Disyembre 1998 at ng Peacebuilder Magazine 2008-2012; Chapter Editor at co-writer ng Chapter 4 ng librong ‘Philippine Army: The First 100 Years” at Associate Writer ng Psychological Operations Manual 3rd Edition Series of 1998. Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang Punong Taga-atas ng CMO Bn (NCR) at Komander JCMOTG-NCR, JTFNCR, siya ay naging Deputy Komander ng CMO Group, PA.

Page 7: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

7Army bAlitA

mga kasundaluhan, sa pangunguna ng Pangulo, sa pagtahak sa tamang direksyon habang lubos nitong sinusuportahan ang pagsisikap ng Sandatahang Lakas na maisulong ang pag-angat sa kakayahan nito. “Ang kasundaluhan ay mananatiling tagapagsulong ng kapayapaan hindi lamang sa loob ng bansa kundi sa iba pang panig ng mundo,” dagdag ng AFP Public Affairs Chief. Gayundin, patuloy na paiiralin ng SLP ang komitment nito sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad. “Ang papel namin bilang peacekeepers sa iba’t ibang delikadong lugar sa mundo ay nagpapamalas ng aming suporta sa komitment ng bansa sa Nagkakaisang Bansa,” banggit pa ni Zagala. Nakapagpadala na ng may 700 kasundaluhan at kapulisan ang Pilipinas sa UN Peacekeeping Operations sa Cote d ‘Ivoire, Haiti, India, Pakistan, Liberia, maging sa Middle East kasama na ang Golan Heights. (Lydia V Cabajar)

maabot nang lubos ang pagsulong. Hinikayat niya ang bawa’t miyembro ng AFP na magpatuloy magtrabaho ng magkakasama, dahil pinangangalagaan ng commander-in-chief ang kanilang kapakanan. May mga bagong digmaan na kinakaharap ang AFP sa kasalukuyan, ayon sa kanya, ito ay ang mga pandaigdigang hamon tulad ng pandaigdigang terorismo, pandaigdigang climate change, transnational crimes, at pagdagsa ng weapons of mass destruction. Bago ito, dinalaw ni Tenyente Heneral Catapang ang Northern Luzon Command sa Tarlac kung saan siya ang naging komander, at ang 1st Air Division sa Clark.

Nakatuon ang mga technician sa pag-a-assemble ng MLX4 upang maipamahagi ang mga ito sa iba’t ibang dibisyon at batalyon sa buwan ng Setyembre.

Isandaan at dalawampu’t apat (124) na yunit ng MLX4, isang manpack loudspeaker system, ang nakatakdang ipamahagi ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) sa mga yunit na nakatalaga sa iba’t ibang sulok ng bansa sa buwan ng Setyembre.

Matatandaan na ang maliit na loudspeaker system ay nagkaroon ng mahalagang bahagi sa pagpapalaganap ng impormasyon sa kasagsagan ng krisis sa Zamboanga noong Setyember 2013 at matapos ang bagyong Yolanda na nanalasa sa Tacloban noong Nobyembre ng taong ring iyon. Ito ang ginamit ng Loudspeaker Operations Team na ipinadala ng Civil-Military Operations Group sa mga kaganapang ito.

Dahil dito, iniutos ng pamunuan ng HKP ang pagpo-produce ng nasabing loudspeaker

Reproduksyon, Distribusyon ng MLX4 Pinagtutuunan ng HKP

Pag-Iskwat sa Military Reservation...disposisyon/prosekyusyon. Ang mga nasabing sundalo ay hindi rin maiisyuhan ng DLO, Command at Security Clearance dahil sa kasong squatting na isasampa laban sa kanila. Kapag hindi sila makakuha ng mga nabanggit na clearance, madidiskuwalipika sila sa promotion, schooling, reenlistment at sa ilan pang mga pribilehiyo. Dahil sa umiiral na batas, ang mga iskwater na kasapi ng militar, pinuno man o di-pinuno, na nakatakda nang magretiro mula sa serbisyo, ay hindi na maiisyuhan ng DLO at iba pang Command Clearance. Samantala, ang mga military squatter na nakatakda para sa compulsory retirement at hindi naisyuhan ng mga clearance ay sapilitang pagreretiruhin mula sa serbisyo, at makaapekto ito nang malaki sa mga claims at iba pang benepisyong matatanggap habang nakabinbin ang pagpapalabas ng nasabing clearance. Sa pakikipag-ugnayan din sa Finance Center, Philippine Army, dapat tiyakin ng Army Adjutant na ang lahat ng claims ng

mga sundalo na nakatakdang magretiro ngunit may nakabinbing kaso sa pag-iiskwat, ay hindi agarang maipagkakaloob batay sa kasong isinampa sa kanila. Sa kabilang dako, pagsasama-samahin naman ng Army Real Estate Office (AREO) ang lahat ng mga pangalan ng mga tauhan ng Hukbong Katihan na nag-iiskwat sa military reservation. Magsusumite ng report ang tanggapan sa Army Provost Marshall (APM), OG2, PA at OG1, PA para sa tamang disposisyon. Ang nasabing tanggapan (AREO) ay marapat ding makipag-ugnayan sa AFP Real Estate Office (AFPREO) para na rin sa mga pangalan ng Army personnel na nag-iiskwat sa military reservation na pinamamahalaan at kinokontrol ng mga GHQ unit. Kaugnay nito ang AREO ay dapat magsagawa ng pangunahing pagsisiyasat at mangalap ng mga sapat na ebidensya upang masusugan ang imbestigasyon na isasagawa ng APM at mapapatotohanan ng OG2, PA. (Lydia V Cabajar)

... Mula sa pahina 1

upang ipamahagi sa mga yunit nito nang sa ganoon ay mapalakas ang kanilang kapabalidad at makatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon sa anumang pagkakataon. Noong lumabas ang pondo noong buwan ng Mayo, agad sinimulan ang pag-assemble ng mga yunit ng loudspeaker. Kasabay nito, nagsagawa ng manpack loudspeaker operation training ang CMO Group para sa mga sundalong gagamit nito. Sa training na ito nakapaloob ang mga paksa sa communication process, community relations, negotiation techniques at guidelines for the release of information.

Bukod rito, nagpalimbag ng Loudspeaker Operations Handout ang Assistant Chief of Staff for CMO, G7 para sa tamang pangangalaga, paggamit at iba pang makakatulong na impormasyon sa mga gagamit nito. Kasama pa rin sa ipamamahagi sa mga dibisyon at batalyon ng HKP ang isang video instructional material.

Sa kasalukuyan, 30 yunit ng MLX4 ang natapos nang i-assemble, 50 yunit ang nasa proseso ng pag-assemble na tinatayang nasa 85 porsyento nang kumpleto, habang sinusulat ang artikulong ito. Samantala, hinihintay pa ang availability ng mga gamit para sa 40 pang yunit.

Ang pag-assemble ng MLX4 ay pinagtutuunan ng isang technical working group na binubuo ng mga tauhan ng CMOG -- Maj Sandiale K Mangelen-manager; Maj Omar B Hagada – assistant manager; MSg Reynaldo P Sanchez - technician; Sgt Roberto Dungonan – assistant technician; PFCs James R Fajiculay, Loygen A Pelio, Mark M Sahagun at Jhelie H Linugao bilang mga technician.

Samantala, sinabi ni Major Mangelen na ang inaasahang pamamahagi sa mga dibisyon ay matutuloy sa buwan ng Setyembre na naaayon naman sa timeline na napagkasunduan. Magkakaroon muli ng training ang mga sundalong kabilang sa loudspeaker operation na mula sa mga batalyon ng HKP. (Carina C Pastrano)

Ipinaaabot ni Tenyente Koronel Zagala ang pasasalamat para sa kabuuan ng Sandatahang Lakas mula sa Pangulo. Tiniyak niya na magpapatuloy ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagtupad sa misyon at mandato nito na isanggalang ang soberenya ng bansa at ipagtanggol ang sambayanan. May 19 na sundalo ang nasawi sa krisis sa Zamboanga, sanhi ng paglusob at pagkubkob sa ilang bahagi ng Zamboanga ng mga tagasunod ng dating ARMM Gov Nur Misuari. Sinubukan ng nasabing mga tagasunod nito na maiwagayway ang bandila ng MNLF sa munisipyo ng Zamboanga subalit di nagtagumpay. Agaran ding tumugon ang mga sundalo nang maganap ang lindol sa Kabisayaan, gayun din matapos manalanta ang bagyong Yolanda na sumubok sa kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa panahon ng kalamidad. Samantala, sinabi pa rin ni Tenyente Koronel Zagala na positibo ang

Mga Tropang Militar Natuwa sa Pagkilala...... Mula sa pahina 1

Isang linggo matapos mahirang na ika-45 Puno ng Kalupunan o Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dinalaw ng noon ay Tenyente Heneral Gregorio Pio Catapang Jr ang tatlong himpilan ng mga AFP major service—ang himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Lungsod ng Taguig, ang himpilan ng Hukbong Panghimpapawid sa Lungsod ng Pasay at ang Himpilan ng Hukbong Pandagat sa Roxas Boulevard, Lungsod ng Maynila, Hulyo 24. Sa kanyang pagbisita sa bawa’t himpilan, ipinaalala niya sa mga tropa ang pangkalahatang misyon ng AFP ayon sa kampanya nito para sa panloob na seguridad na naglalayong makamtan ang kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan na kinakailangan ng ating bansa upang

Afp Chief of staff, Dumalaw sa Himpilan ng mga Major service

(Mga larawan sa Itaas) Isa sa mahalagang kontribusyon ng MLX4 ay nang gamitin ito ng Loudspeaker Team sa AFP Disaster Response Operation matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa Tacloban at iba pang lalawigan ng Kabisayaan. (Mga larawan sa Ibaba) Sa unang pagkakataon, napatunayan ang kahalagahan ng MLX4 nang ito ay gamitin sa pagpapalaganap ng impormasyon kung paano susuko ang mga rebeldeng MNLF sa tropa ng pamahalaan sa kasagsagan ng krisis sa Zamboanga.

Page 8: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

8Army bAlitA

Pinangunahan ni Pangulong Benigno S Aquino III ang pagbubukas ng Asian Defense Security and Crisis Management Exhibition and Conference na ginanap sa World Trade Center, Pasay City, Hulyo 17.

Ang nasabing eksibit, na mas kilala sa taguring ADAS 2014, ay ang kauna-unahang Defense Show sa bansa na nailunsad matapos ang mahigit isang dekada. Itinampok ng ADAS ang iba’t ibang mga kagamitan, mga armas at mga sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pandagat na pawang gamit pandepensa. Kinabilangan din ito ng mga gamit panligtas sa panahon ng bagyo o kalamidad.

Sinabi ng Pangulo na malaking kagalakan na ganapin ang defense exhibit sa bansa kung saan lumahok ang mga

kumpanya mula sa iba’t ibang bansa, partikular sa Asya para itanghal ang kani-kanilang mga kagamitan at sasakyang pandepensa at maging sa larangan ng pagresponde sa kalamidad batay sa antas ng kapabilidad ng mga ito. Binisita ng Pangulong Aquino ang karamihan sa mga booth.

Naging bahagi sa serye ng mga aktibidad ng ADAS 2014 ang mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagtampok din ng kanilang mga kasalukuyang isinasakatuparang gawain at kapabilidad.

Dumalo at nakibahagi ang ilang mga opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan mula sa embahada, gayun din ang mga pinuno ng kani-kanilang Sandatahang Lakas, lalo na sa Asya, upang saksihan ang ADAS 2014 at masuri ang mga gamit

p-noY, pinangunahan ang

Asian Defense Security and Crisis

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng Subsistence Allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa. Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, “sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis sa pamamagitan ng resolusyong ito, inaasahan nating maitataas ang kanilang morale at makilala ang kanilang mga

Dagdag subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, pasado na sa Senadosakripisyo para sa ating bansa.” Sa ilalim ng nasabing resolusyon, itataas mula P90 hanggang P150 kada araw ang subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel ng ating gobyerno simula ika-1 ng Enero 2015. Partikular na nasasakupan ng resolusyong ito ang mga opisyal, enlisted personnel, probationary second lieutenants, at civilian active auxiliaries ng Armed Forces of the Philippines; commissioned at non-commissioned na kawani ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at

Tinalakay nina General Kiyofumi Iwata, Chief of Staff ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) at Commanding General ng Philippine Army Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang mga pamamaraan kung paano mapapalawig ang kasalukuyang relasyon ng dalawang hukbo upang maging mas matibay ang pagdadamayan ng Japan at Pilipinas sa larangan ng depensa. Sa pagdalaw ng chief of staff ng JGSDF sa bansa, tinungo nito ang Kuta ng Philippine Army. Gayundin, binisita niya ang Special Operations Command (SOCOM) sa Fort Magsaysay, Palayan City kung saan natunghayan niya ang Capability Demonstration ng Light Reaction Regiment; at sa kuta naman ng 51st Engineer Brigade, Camp Atienza, Libis, Quezon City isang capability demonstration sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) ang ipinamalas ng mga sundalong Pilipino.

JGSDF CHIEF OF STAFF

BUMISITA SA PA

Page 9: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

9Army bAlitA

ang kanilang ATM cards sa kanilang mga naiwang pamilya. Ang kanilang mga sahod ay dumidiretso sa kanilang mga ATM at ang subsistence allowance na lamang ng mga ito ang kanilang pilit na pinagkakasya sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. “Hinikayat ko ang ating mga kasama sa Kamara na bigyan ng aksyon ang panukalang ito nang sa gayon ay mapatupad ito sa darating na ika-1 ng Enero ng susunod na taon,” ani Trillanes, taga-pangulo ng Senate Committee on National Defense and Security.

pandepensa na maaaring naaangkop sa kanilang pangangailangan.

Ang ADAS 2014 ay isang pagkakataon upang mahikayat ang mga international exhibitor mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na tumungo sa Maynila. Ang ADAS 2014 ay nabuo matapos ang kaganapan sa West Philippine Sea na nagbigay-daan upang maigting na pagtuunan ng pansin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pagmomodernisa at mapalakas ang puwersa nito. Bilang resulta ng mga kaganapan, matinding pag-aaral ang isinasagawa ng SLP para sa mga plano nito kaugnay sa modernisasyon at sa pagbili ng gamit pandepensa. Ito ay upang paigtingin ang pagpapalakas sa kapabilidad nito bilang makahulugang puwersa ng pandepensa sa rehiyon. Nilalayon ng SLP na mapunan ang pangunahing papel na ginagampanan nito lalo’t sa pagpapanatili

ng integridad ng teritoryo ng bansa. Kaalinsabay nito, nakapokus ang ADAS sa mga pangangailangan ng Asia Pacific Armed Forces, The Internal State Security Organization at ng Crisis and Disaster Management Agencies.

Ang ADAS 2014 ay inorganisa ng APAC Expose Private Limited sa pangunguna ni Managing Director Andrew Marriott, sa pakikipagtulungan ng Department of National Defense, Office of Civil Defense, Government Arsenal, Philippine Coast Guard, Office for Transportation Security at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Samantala, pinasalamatan ng mga nag-organisa si Pangulong Aquino, gayundin ang lahat ng nakilahok at nakiisa, matapos ang matagumpay na pagsasagawa nito. (Karel S Dabu)

Nagsama-sama ang mga miyembro ng lupon ng usaping pangkapayapaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lungsod ng Davao mula Agosto 1-10 upang patuloy na pagtuunan ang napagkasunduang salin ng binalangkas na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ang 10 araw na pag-uusap ay isa sa mga pinakamahabang sesyon na ginanap sa larangan ng prosesong pangkapayapaan upang matapos ang mga gawain sa lalong madaling panahon. Ang magkabilang panig ay nagsimulang magtagpo noong Sabado at Linggo bago ginanap ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno S Aquino lll noong ika-28 ng Hulyo, at pansamantalang itinigil noong ika-29 ng Hulyo upang bigyang pagkakataon ang MILF na gunitain ang Eid al-Fitr bilang pagtatapos ng Ramadan.

Ayon sa punong negosyador ng MILF Mohagher Iqbal, ang kanilang isinasagawa ay napakahirap ngunit ang mahalaga ay umuusad ito. Matapos nilang mapagsama-sama ang mapagkakasunduang salin ng BBL, ang mga kasapi ng panel ay tutungo sa Kuala Lumpur upang pormal na maisapinal ang pormal na desisyon, ayon kay Iqbal.

Samantala, ang Malaysia ang tumatayong ikatlong-partido na tumutulong na mapagaan ang proseso ng pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa Mindanao ang

nagsisilbing isa sa mga pundasyon ng administrasyong Aquino, dahil ang napakatagal nang pakikipagdigmaan sa mga sesesyonistang grupo ay nagresulta at nakapagtala na nang mataas na bilang ng mga namatay, libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan, at maging naudlot na pag-unlad ng indibidwal at ekonomiya.

Sa mensahe ng Pangulong Aquino sa mga Pilipinong Muslim sa paggunita ng Eid al-Fitr, sinabi niya na ang komprehensibong kasunduan sa Bangsamoro na nilagdaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF ay nagpapakita na ang parehong partido ay pinagbigkis ng kanilang mithiin na magkaroon ng kapayapaan.

Hinikayat din ng Pangulo sa kanyang mensahe na panatilihin ang mga kapakinabangan ng mga positibong reporma at maging mapagmatyag na tagapamahala ng pagkakaisa at kaunlaran. Samantala, ipinahayag ni Iqbal na natutuwa siya sa pagbanggit ng Pangulo sa kanyang SONA tungkol sa Bangsamoro. Ang mabuti, ayon sa kanya, ay nananatiling nakatuon ang Pangulo at pamahalaan sa proseso ng pangkapayapaan.

Napag-usapan ng parehong panig ang dalawang mahahalagang isyung di pa napagkakasunduan base sa pagbabagong inihain ng grupong nagrerepaso sa Malacanang, ayon sa punong negosyador ng pamahalaan na si Miriam Coronel-Ferrer. Sinabi niya na naisulong na ang dalawang artikulo tungkol sa fiscal authority at istrakturang pamahalaan ng Bangsamoro.

Usaping Bangsamoro, Patuloypagbubukas ng adas 2014

Management Exhibition and Conference

Dagdag subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, pasado na sa SenadoBureau of Jail Management and Penology; mga kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy; at ang Philippine Coast Guard. Noong inisponsor ni Trillanes ang nasabing resolusyon sa Plenaryo, inihayag nito ang pagkadismaya kung papaanong nananatiling isa sa may pinakamababang sweldo ang mga kawaning ito sa kabila ng bigat ng kanilang mga tungkulin. Binanggit nito ang kalagayan ng mga sundalo at pulis na mga nakadestino sa malalayong lugar at kung saan iniiwan pa ng mga ito

Page 10: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

10Army bAlitA

Pa autoMateD CLearanCe systeM, PaPairaLin

Para sa mas pinabilis, mas segurado, mas maaasahan at mas mahusay na pag-proseso sa pagkuha ng mga command at security clearance, inilunsad ng Office of the Assistant Chief of Staff for Intelligence, G2, PA ang Automated Clearance System. Sa bagong sistema, mapapadali na ang pag-iisyu ng clearance dahil computerized na ang pagpoproseso nito.

Halos sa nakalipas na 35 taon, manu-mano lamang ang pag-proseso ng mga mahahalagang dokumento na kadalasan ay umaabot ng 22 araw dahil sa dami ng kumukuha nito na umabot ng 20,000 kada taon. Dagdag pa rito, nagkakaroon ng mga pagkakamali sa pagpasok ng mga impormasyon at madaling maabuso dahil wala itong sinusunod na konkretong polisiya at direktiba.

Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Ginanap noong ika-14 ng Mayo 2014 sa 5th Infantry Division ang pagtatapos ng huling batch ng Cordillera Peoples Liberation Army (CPLA) integrees. Ito ay kinabibilangan ng may 69 na mga anak ng dating miyembro nito mula sa Candidate Soldiers Course Class 13 at 14.

Ito ang kahuli-hulihang yugto ng Integration Component ng CPLA mula nang pirmahan nina dating Pangulong Corazon C Aquino at Fr Conrado Balweg, pinuno ng CPLA, ang proseso ng kapayapaan. Sa mahigit na dalawang dekada na nakalipas maraming balakid na ang dinanas sa pagpapatupad ng kasunduang ito.

Ganunpaman, sa pamamagitan ng pangkabuuang pangangasiwa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), at suporta ng AFP, at PNP at iba pang stakeholder, ang “integration component” ng prosesong pangkapayapaan ay natapos na. Ito ay nagresulta sa isang matagumpay na Disarmament, Demobilization at Reintegration (DDR) Process para sa mga miyembro ng CPLA.

Dagdag pa rito, sa loob lamang ng isang taon, may 425 na baril ang naisuko na ng mga miyembro ng CPLA sa dating komander ng 5ID na si MGen Joel P Ibanez, na ipinagpatuloy ng ngayong pinuno na si MGen Benito Antonio T De Leon. Mayroon ding 676 na integrees, kabilang ang 14 opisyal mula sa CPLA, ang napabilang na sa hanay ng regular na pwersa ng AFP—isang mahalagang katuparan sa mga adhikain ng Dibisyon na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Sa talumpati ni Iginagalang Dennis B Habawel ang gobernador ng lalawigan ng Ifugao, panauhing pandangal at tagapagsalita sa okasyon ng pagtatapos, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng integrasyon ng CPLA na makamit ang kaunlaran at ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-Cordillera. Binanggit din niya na ang dalawang partido na pumirma sa kasunduan ay naniniwala na ang Rehiyon ng Cordillera ay magiging maunlad lamang kung may kapayapaan at magiging matatag. Ang mga dating miyembro ng CPLA ay nag-alsa lamang dahil ipinaglaban lamang nila ang kanilang karapatan sa mga lupain na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno at para sa sariling pagsisikap, dagdag pa ng gobernador.

Hinikayat din ni Gobernador Habawel ang mga nagsitapos na maghawak-kamay sa ngalan ng kapayapaan at kaunlaran para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon. BIlang mga bagong kawal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, ang mga nagsitapos ay magsisilbing instrumento para sa mga pagbabago sa Cordillera. Sila rin ang makaka-agapay ng pamahalaan na maprotektahan ang mga pamayanan ng Cordillera mula sa mga banta ng kapayapaan at pagsulong nito.

Ang makasaysayang pagtatapos ay sinaksihan ng mga nakatatandang miyembro ng CPLA, mga lokal na opisyal, magulang at mga kaanak ng mga bagong sundalo. (5DPAO)

Ang sumusunod ay ang kumpletong listahan ng mga itinanghal na “Bests”:

COMBAT UNIT BRIGADE BATTALION

1ID 101st Infantry Brigade 55th Infantry Battalion

2ID 201st Infantry Brigade 85th Infantry Battalion

3ID 302nd Infantry Brigade 79th Infantry Battalion

4ID 403rd Infantry Brigade 8th Infantry Battalion

5ID 503rd Infantry Brigade 17th Infantry Battalion

6ID 602nd Infantry Brigade 7th Infantry Battalion

7ID 702nd Infantry Brigade 24th Infantry Battalion

8ID 803rd Infantry Brigade 87th Infantry Battalion

9ID 903rd Infantry Brigade 31st Infantry Battalion

10ID Approved SDF dated 22 Oct 2011, Exemption of 10ID

MID 4th Mechanized Infantry Battalion2nd Cavalry Squadron1st Light Armored Cavalry Troop (S)

SFR (A) SOCOM 4th Special Forces Battalion

FSRR, SOCOM 4th Scout Ranger Battalion

COMBAT SUPPORT UNIT UNIT

AAR 1st Field Artillery Battalion

ASR 9th Signal Battalion, 9ID, PA

ENGINEER 525th Engineer Battalion, 51EBde, PA

CMOBn 9th Civil-Military Operations Battalion, 9ID, PA

MIBn 8th Military Intelligence Battalion, 6ID, PA

COMBAT SERVICE SUPPORT UNIT UNIT

ASCOM 6th Forward Service Support Unit, 3ID, PA

FCPA 10th Finance Service Field Office

ATG 6th Army Training Group, 6ID, PA

School, TRADOC Combat Service Support School, TRADOC

ARESCOM NCRRCDG, ARESCOM

Performance Evaluation Results for 1st Qtr, CY 2014

Army Chief ipinaabot ang pagbati sa mga Napiling Best Brigade at Battalion... Mula sa pahina 16

PAGBISITA NG CG, USARPAC. Kinakamayan ni U.S. Army Gen. Vincent Brooks, namumunong heneral ng U.S. Army Pacific, ang mga sundalo ng 7th Infantry Division na sumalubong sa kanyang pagdating noong Mayo 7 sa Fort Ramon Magsaysay upang personal na bisitahin ang nagaganap na Balikatan Exercise 2014.

Sa ngayon, sa tulong ng mga modernong teknolohiya sa information system, ang clearance system na ito ang magbibigay ng pamantayan para sa Security Management.

Para sa bagong proseso, ang military o civilian personnel ay dapat magsumite ng sulat na nagre-request sila ng clearance sa G2 ng kanilang yunit. Bukod sa dating requirements na kailangang ipasa, naidagdag pa rito ang drug test result.

Bukod sa bagong proseso na pagdadaanan, ang bagong clearance ay may kakaibang katangian upang maseguro ang awtentisidad nito sa pamamagitan ng isang self-destruct sticker. (Carina C Pastrano)

Huling batch ng CPLA integrees nagtapos

ng Candidate Soldiers Course

Page 11: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

11Army bAlitA

Muling ginunita ang Linggo ng mga Beterano at Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad na pinangasiwaan ng Technical Working Committee na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, sa pangunguna ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Pinasimulan ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng isang symposium na mayroong tema na “Images of Valor and Victory, World War II Heroes in the Visayas”. Ito ay na ginanap sa Angelicum School, Jaro, Iloilo City, Marso 17. Sinundan ito ng pagpapalabas ng pelikulang “Death March” ni G. Adolfo Borinaga Alix Jr., na tinampukan nina Sam Milby, Zanjoe Marudo, Carlo Aquino, Jason Abalos, Felix Roco, Kristoffer King at Jacky Woo. Ang pagpapalabas ng pelikula ay ginanap sa AFP Theater, Camp General Aguinaldo Quezon City, Marso 24.

Matapos ito, isinagawa na ang mga serye ng programa kaakibat sa paggunita mula Abril 5-11 na natuon sa paksang diwa: “Balik-tanaw sa Sakripisyo ng Beterano, Gabay sa Landas ng Pagbabago”. Sa unang araw, kinabilangan ito ng “Sunrise Ceremony” kung saan panauhing pandangal ang namumunong heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, Ten Hen Hernando DCA Iriberri; Wreathlaying Ceremony na kinatawan ni Undersecretary Honorio S Azcueta ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, Kgg Voltaire T Gazmin, bilang panauhing pandangal; at ng Review in Honor of the Veterans na dinaluhan ng Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Kgg Jejomar C Binay Sr.

Isinagawa naman ang Tribute to Filipino War Heroes sa Corregidor Island, noong Abril 7 na dinaluhan ni Undersecretary Eduardo G Batac ng Civil, Veterans and Retiree Affairs ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Ginanap naman sa Mt Samat, Pilar Bataan, noong Abril 9, ang paggunita sa “Araw ng Kagitingan” na pinangunahan ng Pangulong Benigno S Aquino III kasama ang US Ambassador to the Philippines Philip S Goldberg

at Japan Ambassador to the Philippines Toshinao Urabe sa pag-aalay ng bulaklak sa Dambana ng Kagitingan at sa maikling programang ginanap.

Sinundan ito ng “Paggunita sa Capas” sa Capas, Tarlac noong Abril 10, kung saan ang lugar na ito ang naging concentration camp noong panahon ng mga Hapones noong taong 1942. Naging panauhing pandangal naman ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Tarlac, Kgg Noel L Villanueva.

Sa huling araw ng paggunita, naisagawa naman ang “Sunset Ceremony” na tinampukan ng pagsindi ng kandila sa Tomb of the Unknown Soldier. Naging panauhing pandangal si dating Hen Umberto Rodriguez, anak ng isang beterano.

Ang mga serye ng programa sa paggunita ng Linggo ng mga Beterano at Araw ng Kagitingan ay tinampukan ng paggawad ng Plaque and Certificate of Recognition, Philippine Liberation and World War II Medallions, Philippine Veterans Affairs Commemorative Medal sa mga beteranong may edad 90 pataas. Gayundin, katulad na parangal ang iginawad sa mga namayapang beterano na naglingkod sa panahon ng digmaan noong 1941 - 1945.

Sa kabuuan ng paggunita, naipamalas sa mga beterano at sa kanilang mga kaanak ang lubos na pasasalamat sa muling pagpupugay sa kanilang mga sakripisyo para sa Inang Bayan.

Mahina man ang paningin ng mga beterano, mga nakasaklay na, naka-wheelchair, mahina nang maglakad o akay-akay ng kaanak, hindi nila alintana ang hirap o pagod sa pagdalo sa mga serye ng programang handog para sa kanila. Namutawi sa kanilang mga labi at bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahang hindi mababayaran ng ano pa man.

Kaya’t sa pagpupugay sa beterano, pinahahalagahan ang kanilang mga naiambag sa pagtamasa ng kalayaan at ng demokrasya sa kasalukuyan na sa kanila’y utang ng sambayanang Pilipino. (Karel S Dabu)

NaTIoNaL HEroES daY

Linggo ng mga Beterano, Ginunita

SALUDO: A CONCERT FOR HEROES 2014

Isang libreng konsyerto ang inihandog ng mga banda mula sa Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Market! Market! Taguig City noong ika-23 ng Agosto bilang bahagi ng paggunita sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Bayaning Pilipino o National Heroes Day, na may paksang diwang: “Bayaning Pilipino: Lumalaban para sa Makatwiran at Makabuluhang Pagbabago,” nag-display ang Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) ng mga larawang kaugnay sa mga aktibidad ng mga sundalo at iba pang gamit militar noong krisis sa Zamboanga at rehabilitasyon matapos ang bagyong Yolanda. Ang photo at static display ay ginanap sa Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Lungsod ng Quezon.

Veterans’ week

RUN FOR HEROES 2014

Pinangunahan ng Namumunong Heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) Tenyente Heneral Hernando DCA Iriberri ang pagtakbo sa “Run for Heroes” na nilahukan ng mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) at mga sibilyan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang paraan ng paggunita sa pagdiriwang ng National Heroes Day noong ika-25 ng Agosto 2014. Ang makakalap na pondo mula dito ay ilalaan sa HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foundation, Inc, isang pribadong non-government organization na tumutulong sa mga naulilang anak ng

mga sundalong nasawi at nasugatan sa pakikipaglaban at habang tumutulong sa panahon ng

kalamidad.

PHOTO AND STATIC DISPLAY

Page 12: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

12Army bAlitA

cmo Heart Beats

Matapos ang isang taong matagumpay at makabuluhang pagtuturo at pakikisalamuha ng mga sundalong facilitator sa mga mag-aaral ng Tuloy sa Don Bosco School sa ilalim ng pinakaunang Pinoy Batang Bayani (PBB) Program, isang seremonya ang muling idinaos sa pagbubukas ng klase para sa school year 2014-2015. Ito ay nagpapatunay ng malalim na komitment ng dalawang institusyon sa pagtulong sa mga kabataang lansangan o street children at yaong nagmula sa mga pamilyang kapos sa buhay. Ang PBB ay isinasagawa sa pagtutulungan ng Tuloy Foundation Incorporated (TFI) at Philippine Army, sa pamamagitan ng CMO Group.

…Para sa mga Kabataang Manuvu

Ang mga batang sumasailalim sa PBB Program sa pagbubukas ng ikalawang taon nito sa Tuloy sa Don Bosco School.

Sa isang bilang ipinakita ng mga kabataang Manuvu ang kanilang

katutubong sayaw.

PBB para sa School Year 2014-2015

Isang makasaysayang bahagi ng ikalawang taon ng PBB ang pagsali ng mga bagong mag-aaral na sasailalim sa programang ito. Ito ang sampung mga piling kabataan na nagmula pa sa Erumanem of Timueys sa bayan ng Libungan, lalawigan ng Cotabato. Sila ay kabilang sa grupo ng Manuvu na isang katutubo ng komunidad sa Mindanao. Ito ay makasaysayan sa parte ng TFI dahil ito ang unang pagkakataon na makapagbibigay sila ng kanilang serbisyo at tulong sa mga katutubong Manuvu. Sa bahagi naman ng CMO Group, ito rin ang unang pagkakataon na nailapit para mabigyan ng tulong ang nasabing katutubo. Sa tulong ng mga sundalo at opisyal ng CMO Group, partikular na ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap ng mga tauhan ng Civil Affairs Division nito sa mga ahensya at grupong may kinalaman dito, naging maayos ang pag-uugnayan at maging ang paglabas ng mga bata sa unang pagkakataon malayo sa kanilang mga pamilya at tribu.

Ang pagtanggap ng TFI sa mga kabataang Manuvu, ay nangangahulugan na sila ay makapag-aaral hanggang makatapos nang mataas na paaralan o kursong teknikal, ang kanilang pagtira at pagkalinga sa ilalim ng TFI ay pawang walang bayad. Higit sa lahat, ito ay isang malaking pagkakataon na mabigyan ng katuparan ang kanilang mga pangarap na makapag-hanapbuhay, maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay pati na ang kanilang pamilya at buong tribu.

Samantala, sa ngayon bilang mag-aaral, ay matututunan nilang makisalamuha sa iba pang mga bata na may ibang kultura, na magbubukas at magpapalawak ng kanilang karanasan at kaalaman.

Evangelista, ang nagtatag ng Tuloy Foundation, Inc; Puteli (Princess) Emerjel L Humabad, bilang kinatawan ng Erumanen ne Manuva Tribe; mga mag-aaral, guro at pinuno ng nasabing paaralan, at mga sundalo at facilitator.

Ang pagtitipong ito ay pinasaya ng mga pagtatanghal, na inihanda ng mga kabataan mula sa katutubong Manuvu at mag-aaral ng Tuloy sa Don Bosco. Ang simpleng seremonya ng pagbubukas ay naging isang makasaysayang larawan ng pagkakabuklud-buklod, pagkakaisa, pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang institusyon. Ito ay pagpapatunay na sa

pagsasama-sama ng mga sundalo at sibilyan para sa katuparan ng isang dakilang adhikain ay maisusulong ang kagalingan ng ating mga kabataan.

• Carina C Pastrano

Sina Maj Gen Romulo M Cabantac Jr, Army Vice Commander, at Puteli (Princess) Emerjel L Humabad, bilang kinatawan ng Erumanem ne Menuva Tribe, habang pinanonood ang pagtatanghal ng mga katutubong kabataan ng Manuvu.

Mas Pinalawak na mga Paksa

Noong nakaraang taon, ang mga paksang tinalakay ng mga PBB facilitator ay base sa kurikulum ng paaralan, at nakasentro sa buhay at kabayanihan ng mga bayaning Pilipino, pagkakaroon ng disiplina at pagmamahal sa bayan. Ngayon, ang bagong kurikulum na susundin ay base sa K to 12 na programa ng Department of Education.

Lubos ang paghahanda ng mga sundalong facilitator upang lalong maging makabuluhan at kapakipakinabang ang kanilang misyon para sa mga kabataan. Matapos ang tatlong araw na pagsasanay, ang bawat grupo ay naglahad ng kanilang mga tatalakaying leksyon sa harap ng kanilang tagapagsanay. Sa pamamagitan nito, mas mapabubuti ang bawat leksyon na ituturo sa mga bata.

Kung hindi man nila naabot ang pinakamataas na marka noong nakalipas na pasukan bilang PBB facilitator, nagpapatunay pa rin ito ng kanilang masidhing pagtupad sa kanilang bagong tungkulin kahit pa ito ay dagdag nilang responsibilidad sa kani-kanilang kasalukuyang trabaho sa opisina.

Ang Pagbubukas ng Ikalawang Taon ng PBB

Sa isang simple ngunit masayang seremonya, ginanap ang pagbubukas ng ikalawang taon ng “Pinoy Batang Bayani Program” sa Tuloy sa Don Bosco School sa Alabang, Muntinlupa City noong ika-23 ng Hunyo 2014. Ito ay dinaluhan ng Vice Commander ng Philippine Army na si Maj Gen Romulo M Cabantac Jr, bilang kinatawan ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri; CMO Group commander Col Arnulfo Marcelo B Burgos Jr; Father Marciano “Rocky”

Ang unang pagkikita at pag-uusap ng dalawang bata na magkaiba ang kultura at kinalakhan.

Page 13: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

13Army bAlitA

Pagmamahalan na Humantong sa For Better or For Worse… (Sa Pagbangon Matapos ang Yolanda)

Kahit ang paligid man nila ay nababalot ng iba’t ibang negatibong emosyon, hindi ito naging hadlang sa nabuong magandang pagtitinginan na kalaunan ay pagkakaintindihan at pagmamahalan. Di man mabigkas ang laman ng puso at isip, bakas namn sa mukha ni Private Cordeta ang kanyang kaligayahan sa bagong estado niya ngayon sa buhay. Ilang buwan matapos na manalasa ang bagyong Yolanda sa Visayas, sabay at magkaiba man ang dinanas na hirap sa pagtulong sa pagbangon ng lalawigan, pinag-isang dibdib sina Private Cordeta at FO1 Manco sa isang sibil na seremonya sa Biliran. Ngayon ay nag-iipon ang bagong kasal para sa bahay na kanilang ipatatayo sa Biliran. Malayo man sa isa’t isa dahil bumalik na rito sa Maynila si Private Cordeta, sabay nilang binubuo ang makulay na mga pangarap para sa kanilang bubuuing pamilya na sinimulan nila sa gitna ng isang nakakasiphayong kapaligiran. (Carina C Pastrano)

Malalim ang mga sugat na iniwan ng hagupit ng bagyong Yolanda, lalo na sa mga kababayan natin na nawalan ng mga mahal sa buhay, bukod pa sa nawalan ng kabuhayan at tirahan na babalikan. Ngunit sa likod ng bawat malungkot na istorya ng buhay, naroon pa rin ang pag-asa na makabangon at magsimula muli. At minsan, di man inaasahan, may mga bago at masasayang kwento na mabubuo sa gitna ng kapighatian. Ito ang kuwento ng isang nabuong pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tagapaglingkod na parehong may misyon sa muling pagbangon ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Si Private Elieser S Cordeta, 27, na naka-assign sa Civil-Military Operations Group ay tubong Biliran, isa sa mga lalawigan na apektado ng bagyong Yolanda. Dahil na rin may misyon ang yunit niyang kinabibilangan na magpadala ng isang Loudspeaker Operations Team (LOT) na tutulong sa pagbangon ng ating mga kababayan sa

Visayas, ang mga sundalong tubo rito ang ipinadala upang maging bahagi ng misyon at upang personal na makadalaw na rin sa kani-kanilang pamilya. Apat na araw matapos ang bagyong Yolanda, isa sa mga unang yunit ng Army ang LOT na tumulak patungong Tacloban. Sa masalimuot na sitwasyon, ito ang nagsilbing tagapag-ugnay ng mga biktimang naghahanap ng paraan na kagyat makaalis sa lugar na noon ay mistulang ghost town na. Ang LOT ang naging tinig ng pamahalaan na naghahatid ng impormasyon na makakagaan sa sitwasyon at mapakalma ang kalooban ng mga biktima. Sa isang banda naman, si FO1 Joy V Manco, 26, ay tubong Naval sa lalawigan ng Biliran ay miyembro ng Bureau of Fire Protection na nakabase sa Tacloban City. Bagamat baguhan pa rin sa serbisyo, nakapagtapos at nakapasa ng board sa kursong Criminology, noong mga panahong iyon siya ay napasabak din sa matinding retrieval operations ng kanyang yunit.

Sa larangan ng pag-ibig, madalas nating marinig ang mga kataga na kung itinadhana raw, ito ay magaganap. Habang abala si Private Cordeta sa pagtupad ng kanilang misyon at sa pag-iisip niya sa kalagayan at sitwasyon ng kanyang mga magulang sa Biliran, hindi niya inaasahan na sa pag-iigib niya ng maiinom at magagamit na tubig sa headquarters na itinayo ng Metro Manila Development Authority (MMDA), may isa at kalahating kilometro ang layo sa kanilang pinaglalagian ang magpapabago ng kanyang buhay. Ayon kay Private Cordeta, isang kaibigan na taga-BFP ang naging daan upang makilala niya si FO1 Manco. Ang palitan ng cellphone numbers, mga text message at personal na pagkukwentuhan sa kanilang mga libreng oras ang naging paraan ng kanilang lubos na pagkakakilala sa bawat isa. Magkaiba man ng naatas na misyon, ang mga salaysay na may kaugnay sa kanilang tungkulin din ang naging madalas nilang pinag-uusapan sa kanilang pagkikita.

Sa isang pambihirang pagkakataon, ang mga miyembro ng pamayanang Aeta na nakatira sa Bgy Sapang Uwak, Porac, Pampanga ay sumailalim sa isang pagsasanay na nagturo sa kanila ng computer technology at inaasahang magiging daan upang makapaghanapbuhay at maiangat ang estado ng kanilang pamumuhay.

Ang lahat ng ito ay nabigyang katuparan dahil ang komunidad na ito ang napili ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (HKP) kaagapay ang iba pang kapartner nito tulad ng Tuloy Foundation Incorporated (TFI) at LLL Holdings Inc. Inilipat ng TFI ayon sa tagapangulo at nagtatag nito na si Fr Marciano Rocky Evangelista, ang operasyon ng isang 40-footer computer laboratory sa 702nd Infantry Brigade, 7th Infantry Division ng HKP, na siya namang mangangasiwa ng kursong Computer Literacy para sa mga mag-aaral na Aeta na sumasailalim sa pagsasanay. Ito ang unang pagkakataon na sumailalim ang mga Aeta sa ganitong pag-aaral na nagsimula noong ika-14 ng Agosto.

Mga Aeta sumailalim sa pagsasanay sa Computer technology

Ipinaliliwanag ng isang sundalo sa batang Aeta ang mga kaalaman tungkol sa computer.

Masayang sinusubukan ni G. Irfan Karabulut, Pangulo ng Turkish Chamber of Commerce of the Philippines, ang pagtudla gamit ang pana at palaso sa ginawang PA Stakeholders Team Challenge na ginanap sa Leonio Land, Porac, Pampanga. Pinamahalaan ni G. Karabulut ang Green Team sa iba’t ibang serye ng fun games na pinaglabanan ng mga katunggaling grupo.

Ang 40-talampakang mobile computer laboratory (MCL) ang nagsisilbing daan para sa mas matibay na pagpapartner ng HKP at TFI sa kanilang educational outreach program. Dalawang linggo ang itatagal ng MCL sa Brgy Sapang Uwak at lilipat ito sa iba pang barangay sa Porac upang makinabang ang ibang barangay ng kaparehong pagkakataon.

Ang pagbubukas ng kurso ay dinaluhan ng mayor ng Porac, Pampanga Condralito dela Cruz, iba’t ibang kapartner na stakeholder ng HKP tulad ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA); Turkish Chamber of Commerce of the Philippines (TCCP); ICAD Foundation of Turkey; Turkish Resources and Creative Solutions School Inc. (ARCSS); Leonio Land, Leonio Group of Companies, Rotary Club of Metropolitan Pateros at Ayala Land upang masaksihan ang mahalagang pangyayari sa mga katutubo sa Porac.

Samantala, kasabay nito ay idinaos ang unang PA Stakeholders Team Challenge na inorganisa ng Civil-Military Operations Group at nilahukan ng mga kabalikat na stakeholder para mapagtibay ang nabubuong samahan bilang magkasangga sa paglilingkod sa mga pamayanan para sa kapayapaan at pagsulong ng bayan.

Samantala, tumanggap rin ang Sapang Uwak Elementary School ng mga kagamitan at gamit pang-eskwela na nagkakahalaga ng P100,000 na pinagtulungang ipundar ng HKP, TFI at LLL Holdings Inc.

Page 14: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

14Army bAlitA

• Lydia V. Cabajar

Nagmamadaling binagtas ng isang doktor ang pasilyo papunta sa emergency room dahil sa isang tawag na tinanggap na kailangang-kailangan siya sa ospital. Dali-dali rin siyang nagpalit ng doctor’s gown at dumiretso na sa surgery block. Naabutan niya ang ama ng pasyente na di-mapakali sa may hallway habang naghihintay sa pagdating ng doktor.

Pagkakita sa doktor, sinigawan ito ng balisang ama:

“Bakit ngayon ka lang dumating? Di mo ba alam na nasa peligro ang buhay ng anak ko. Wala ka bang responsibilidad bilang doktor?”

Ngumiti lang ang doktor at winika:

“Pasensya na. Wala kasi ako rito sa ospital. Pero nagmadali naman ako sa pagpunta rito pagkatanggap ko ng tawag… At sana, gusto ko na kumalma ka lang para magawa ko ang trabaho ko.”

Ayon kay Guru Nanak, “When you are short of wisdom, breathe.”Isa sa pinakamaganda mong magagawa para sa iyong kalusugan ay ang mahaba

at malalim na paghinga. Ang paghinga ay libre, walang kailangang kagamitan, at magagawa mo anumang oras at magagawa ninuman mula sa indibidwal na

napakalusog hanggang sa taong may sakit.

lead the

Mga Benepisyo ng Maayos na Paghinga ng Malalim

Ang Anak at ang Ama

ang anak at ang ama

way “Kalma lang? Kung anak mo ba ang nasa operating room, magiging kalmado ka lang? Kung sarili mong anak ang mamamatay sa ngayon ano ang gagawin mo?” galit na galit na wika ng ama.

Muling ngumiti ang doktor at nagwika: “Sasabihin ko ang sinabi ni Job sa Banal na Aklat, ‘Sa alabok tayo nagsimula, sa alabok din tayo mauuwi.’ Purihin ang ngalan ng ating Panginoon. Hindi basta-basta mapapalawig ng mga doktor ang buhay ng tao. Sige, ikaw ang mamagitan sa anak mo, gagawin naman namin ang aming makakaya sa tulong ng grasya ng ating Panginoon.”

“Ang galing mong magbigay ng payo kasi hindi naman ikaw ang nasa lugar ko,” nagmukmok na sabi ng ama.

Lumipas ang mahabang oras ng operasyon at masayang lumabas ang doktor.

“Salamat sa Diyos. Ligtas na anak mo,” masayang wika ng doktor. Hindi pa nakapagsasalita ang ama ay tumatakbong tumalilis ang doktor. “Kung may mga katanungan ka, sa nurse mo na lang itanong.”

Nang makita ng ama ang nurse na nag-aasikaso sa anak sinabihan niya ito: “Ang arogante naman ng doktor na iyan. Hindi man lang siya nakapaghintay ng ilang minuto para matanong ko ang lagay ng anak ko.”

Napaiyak ang nars nang sumagot: “Namatay po ang anak ni Dok sa isang aksidente kahapon. Nasa sementeryo po siya para ilibing ang anak nang matanggap niya ang tawag mula sa ospital para agad niyang maoperahan ang anak ninyo. Ngayong nailigtas niya ang buhay ng anak mo, nagmamadali siyang umalis para maipagpatuloy niya ang pagpapalibing naman sa kanyang anak.”

Leksyon: Hindi dapat agarang maghusga sa kapwa dahil hindi natin alam ang tungkol sa buhay nila o kung anuman ang pinagdaraanan nila. Dapat din ay mag-ingat sa bibitawang salita upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.

1. Nakapagpapalinis ng Katawan ang Paghinga ng Malalim at Nagpapalabas ng mga Toxin

Ang ating katawan ay sadyang nakatakdang maglabas ng 70 porsiyentong toxins sa pamamagitan ng paghinga. Kapag hindi maayos ang ating paghinga, hindi natin naaalis ang mga dumi o lason o toxin sa ating katawan. Sa ganitong sitwasyon, napipilitan ang ibang sistema ng ating katawan na gumana nang husto at mag-overtime na maaaring mauwi sa karamdaman. Kapag naglalabas tayo ng hangin sa ating katawan, naglalabas tayo ng carbon dioxide na dadaan sa mga daluyan ng dugo patungo sa ating mga baga. Ang carbon dioxide ay isang natural na dumi dahil sa metabolism ng ating katawan.

2. Nagpapawala ng Tensyon Nararamdaman mo ba ang katawan

mo kapag ikaw ay galit, tensyonado, natatakot o na-ii-stress? Para itong naninikip di ba? Ang mga kalamnan mo ay naninikip at ang paghinga ay mababaw lamang. Kapag mababaw ang paghinga, hindi ka nakakakuha ng sapat na oxygen na kailangan ng ating katawan.

3. Nakapagpapa-relax ng Isip/Katawan at Nakapagpapalinaw ng Kaisipan

Ang pagkakaroon ng oxygen sa utak ay nakababawas sa level ng pagkabalisa. Pagtuunan ang iyong paghinga. Huminga ng dahan-dahan, nang malalim at isadyang ituon para sa buong katawan. Pansinin kung saan may naninikip at ituon ang paghinga sa bahaging iyon. Habang ni-re-relax ang katawan, mararamdaman na ang maayos at malalim na paghinga ay nakapagpapaliwanag ng pag-iisip at pang-unawa.

4. Nakapagpapaginhawa ng Suliraning Emosyonal

Ang maayos na paghinga ay nakapagpapabawas ng mga damdaming nakababagabag palabas sa ating katawan.

5. Nakagiginhawa sa Anumang Nararamdamang Sakit

Maaaring hindi natin napagtatanto ang koneksyon ng paghinga sa kung paano tayo nakapag-iisip, maramdaman at maranasan ang buhay. Halimbawa, ano ang mangyayari sa ating paghinga kapag may inaasahan kang mararamdamang sakit? Marahil, pipigilan mo ang iyong paghinga. Subalit sa mga pag-aaral, napag-alaman na ang tamang paghinga ay nakatutulong para makabawas sa nararamdamang sakit.

6. Nagmamasahe ng Iba’t ibang Bahagi ng Katawan

Ang paggalaw ng diaphragm sa ehersisyo ng paghinga ng malalim ay nakapagmamasahe ng tiyan, ng maliliit na bituka, atay at lapay. Ang papataas na galaw ng diaphragm ay nagmamasahe naman ng puso. Kapag lumanghap ng hangin, bumababa ang diaphragm at lumalaki naman ang tiyan. Sa pagsasagawa ng mga ganitong aksyon, namamasahe ang mahahalagang parte ng katawan at naaayos ang pagdaloy ng dugo sa mga iyon. Ang kontroladong paghinga ay nagpapalakas din at nagpapalusog sa mga laman ng tiyan (abdominal muscle).

7. Nakadaragdag ng Kalamnan (Muscle) Ang paghinga ay ang oxygenation

process sa lahat ng cells ng iyong katawan. Sa pagkakaroon ng oxygen sa utak, ito ay nakapagdaragdag ng muscle sa iyong katawan.

8. Nakapagpapalakas ng Immune System Ang oxygen ay dumadaloy sa ating

bloodstream sa pamamagitan ng pagdikit sa hemoglobin sa ating red blood cells. Ito naman ang tumutulong sa ating katawan para ma-metabolize ang mga nutrients at vitamins.

9. Nakapagpapabuti sa Postura o Tindig Ang technique para sa maayos na

paghinga sa tuluy-tuloy na panahon ay makapag-aambag sa maayos na posture o magandang tindig ng katawan. Kapag hindi maganda ang tindig ay nagdudulot ng hindi tamang paghinga. Kaya ang tamang paghinga ay isang importanteng proseso sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang tindig habang bata pa para makita ang magandang benepisyo nito.

10. Nakapagpapaayos sa Kalidad ng Dugo Ang malallim na paghinga ay

nakapagpapaalis sa lahat ng carbon dioxide at nakapagdaragdag ng oxygen sa dugo kaya gumaganda ang kalidad ng dugo sa tamang paghinga.

11. Nagpapabilis sa Pagtutunaw ng Pagkain Ang mga digestive organs, tulad

ng tiyan, ay tumatanggap ng maraming oxygen. Kapag ganoon, ang mga ito ay gagana ng maayos. Ang pagtunaw ay mapapabilis dahil ang mga pagkain ay higit pang magiging oxygenated.

12. Nagpapabuti ng Nervous System Ang utak, ang spinal cord at ang

mga nerves ay nagkakaroon ng higit na oxygenation kaya sila ay lumulusog. Kaya naisasaayos rin ang pangkalusugan ng buong katawan dahil ang nervous system ay kaugnay sa lahat na bahagi ng ating katawan.

13. Nagpapalakas ng mga Baga Kapag humihinga ng malalim,

nagiging mas malakas at malusog ang mga baga, isang mahusay na pangkontra sa lahat ng mga problema sa respiratory system.

14. Nagpapalakas sa Puso Ang pag-eehersisyo sa paghinga

ang nagbabawas sa pagtatrabaho ng puso sa dalawang pamamaraan. Una, ang malalim na paghinga ay nauuwi sa pagkakaroon ng mga malalakas na baga, na mangangahulugan na mas maraming oxygen ang dumadaloy sa dugo na dinadala ng puso sa ating mga baga. Kaya hindi na mahihirapan ang puso na mag-deliver ng oxygen sa mga tissue natin. Pangalawa, ang malalim na paghinga ay nakababawas ng pressure sa ating mga baga, kaya maayos ang pagdaloy ng mga dugo, kaya nakapagpapahinga ng kaunti ang puso.

15. Tumutulong sa Pagkontrol ng Timbang Kapag labis ang iyong timbang, ang

karagdagang oxygen ay nakasusunog ng excess fat nang mas mainam. Kapag kulang ka naman sa timbang, ang extra oxygen naman ang nagbibigay lakas sa mga gutom na tissues at glands. (Lydia V Cabajar)

Reperensya: 15 Benefits of Long Deep Breathing, nalathalang artikulo ng Bhavana Yoga Center noong ika-6 ng Agosto 2013.

Page 15: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

15Army bAlitA

534th eCb katuwang sa Pabahaypara sa mga biktima ng

kalamidad sa Davao

Pulu-pulutong na mga Sundalo para sa Brigada Eskwela 2014

Mati City, Davao Oriental – Ibinahagi na ng pamahalaang lokal ng Davao Oriental ang 31 bagong bahay na ipinatayo nito, katuwang ang Philippine Army, sa mga biktima ng kalamidad sa Davao Oriental noong ika-7 ng Mayo 2014 sa isang seremonya na ginanap sa Community Recovery Assistance Center sa Brgy Alegria, Cateel.

Ito ay bahagi lamang ng 100 bahay na sa kasalukuyan ay itinatayo ng mga inhenyero ng Philippine Army. Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Davao Oriental at Philippine Army ang kanilang pagtutulungan upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga taga- Davao na naging biktima ng

May 500 sundalo mula sa Research and Production Center, Civil-Military Operations Battalion, at Headquarters and Headquarters Service Company, lahat sa Civil-Military Operations Group, at mula sa Headquarters and Headquarters Support Group ang nagtungo sa halos 33 paaralan sa mga lungsod ng Muntinlupa, Taguig, Makati, Marikina, Caloocan, Pasay, Quezon, Pateros at Tondo upang magbahagi ng kanilang kakayanan sa pagkumpuni ng mga gamit tulad ng mga upuan at lamesa, mga elektrikal na kasangkapan at mga simpleng konstruksyon.

Taun-taon, magmula nang inilunsad ng Department of Education ang proyektong ito, ang mga guro, magulang, mag-aaral

Masayang ipinapakita ng mga pamilyang nabiyayaan ng bagong tayong bahay ang sertipiko ng kanilang pag-aari.

... Mula sa pahina 16

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, ang mga sundalo ng Philippine Army sa lahat ng sulok ng bansa ay naging kaagapay ng Department of Education, sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela kung saan inaayos ang mga sirang kagamitan, nililinis at pinapaganda ang kapaligiran ng mga pampublikong paaralan.

Ang mga sundalo ng Philippine Army habang nag-aambag ng kanilang kasanayan sa pagkumpuni ng mga sirang gamit ng paaralan na maaari pang pakinabangan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na gagamit ng mga ito.

at iba pang miyembro ng komunidad, kasama ang mga sundalo, sa loob ng isang linggo, ay nagkakaisa sa paghahanda at pagsasaayos ng mga silid-aralan sa pagbabalik-klase ng mga bata. Ngayong taon, ito ay ginanap mula Mayo 19 - 23.

Ito ay isa sa mga proyektong pinangungunahan ng mga sibilyang ahensya na sinusuportahan ng Philippine Army, kung kaya’t ang iba’t ibang yunit nito sa buong bansa ay nakikilahok. Naniniwala rin ang Hukbo na bukod sa isang maayos, malinis at ligtas na paaralan, karapatan ng kabataan ang magkaroon ng tamang edukasyon tungo sa pagtamasa sa kanilang mga pangarap sa buhay.

kalamidad noong nakaraang taon.

Ang pondo na ginastos para sa proyekto ay mula sa Modified Shelter Assistance ng Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan, habang ang 534th Engineer Construction Battalion (ECB), sa ilalim ng 53rd Engineer Brigade, ay nag-ambag ng mga sundalong inhinyero na magtatayo ng mga ito.

Bukod sa 534th ECB, naging bahagi rin sa pagpapatayo ng mga bahay ang mga sundalo ng 67th Infantry Battalion na noon ay pinamumunuan ni Lt Col Krishnamurti Mortela, sa mga bayan ng Boston at Baganga. (10DPAO)

15Army bAlitA

Labinlimang estudyante ng Basic Consumer Electronics Repair Course ang nagtapos sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Civil-Military Operations Group, sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City, Hunyo 6.

Ang 15 estudyante na mga kaanak ng kasundaluhan ay taos pusong nagpasalamat sa pagsasagawa ng kursong ito na isang programa ng Tuloy Foundation Incorporated (TFI) at ng Philippine Army.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing pagtatapos ang Director for Human Resource Department ng TFI na si G. Ramon A Falgui na pinapurihan ang mga nagsipagtapos dahil na rin sa kanilang pagpupunyagi na matuto at makatapos. Ayon kay G. Falgui, malaking bagay ang kanilang natutunan at nakuhang pagsasanay na tunay na makatutulong sa kanilang layuning higit pang kumita at makatulong sa kani-kanilang pamilya. Hinimok din ng panauhing pandangal ang mga nagsipagtapos na magkaroon sila ng pagpaplano sa para sa kanilang kinabukasan.

Ang kursong nabanggit at ang Basic Computer Literacy Course ay sabay na pinasimulan sa isang seremonya noong

Marso 5 sa himpilan ng CMOG, kung saan naging panauhing pandangal at tagapagsalita ang Founder/President ng TFI na si Fr Marciano ‘Rocky’ Evangelista. Dito ay pinasalamatan ni Father Evangelista si Col Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, Group Commander, CMOG na naging instrumento sa pagbibigay-daan upang magkaroon ng pagtutulungan ang TFI at ang Philippine Army sa mga hakbanging may kapakinabangan sa nakararaming kabataan lalo’t higit sa mga nasa Tuloy sa Don Bosco School, TFI. Gayundin, bilang bahagi ng programa, naipahiram ng TFI ang Mobile Computer Laboratories na nagagamit ng mga kaanak ng kasundaluhan.

Natapos naman ang Basic Computer Literacy Course noong Abril 4, na dinaluhan ng Punong Guro ng Tuloy sa Don Bosco School, TFI, G. Jose Perez.

Samantala, pinarangalan ang ilang miyembro ng Training Directorate para sa kanilang natatanging pagganap upang maisakatuparan nang matagumpay ang mga nasabing kurso. Iginawad sa kanila ang Military Merit Medal. Kabilang dito sina Maj Sandiale K Mangelen (CMOG), Cpt Emmanuel C Pastrana (ASR), TSg Reynaldo P Sanchez (CMOG) at TSg Reynaldo M Aguillana (ASR). (Karel S Dabu)

15, Nagtapos sa Basic Consumer Electronics Repair Course

Matapos ang mahigit apat na dekada nang pagtataguyod ng kahalagahan ng pagsisikap, pagtitipid at pag-iipon, ang Armed Forces and Police Savings and Loan Association, Inc., o mas kilala bilang AFPSLAI, ay isa na ngayong Php55 bilyong organisasyon na may mahigit 470,000 miyembro.

Makatatanggap ang bawat miyembro ng AFPSLAI ng dividend

mula sa Capital Contribution Account at interes galing sa Savings Deposit Account. Tax-free ang dibidendo at interes nito.

Batay sa mithiin ng AFPSLAI, natutulungang abutin ng mga miyembro ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng Business Loan, Vehicle Loan at Back-to-Back loan. Sa kasalukuyan, mas mababa na rin ang premium rates ng

Credit Redemption Insurance (CRI) sa Salary/Pension, Multi-Purpose Loan, Emergency Loan at Personal Loan.

Upang maging miyembro o mapag-alaman ang mga produkto o serbisyo ng AFPSLAI, maaaring i-browse ang www.afpslai.com.ph o sumangguni sa kahit alinman sa 21 sangay at 50 extension offices ng AFPSLAI sa iba’t ibang panig ng bansa.

AFPSLAI, Isang Php55B Organisasyon

Page 16: 2nd - 3rd Quarter 2014 M-4 AssAult Rifle, ipApAlit sA M-16armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/Army-Balita-2nd-3rd-Qtr-2014-email.pdf · Ang pagbili ng mga bagong sandata ay bahagi

16Army bAlitA

Pulu-Pulutong na mga Sundalo Para Sa Brigada ESkwEl a 2014

KUTA BONIFACIO, Lungsod ng Taguig – Pulu-pulutong na sundalo ang lumusob sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa National Schools Maintenance Week o Brigada Eskwela, na sinimulan noong ika-19 ng Mayo 2014.

Sa diwa ng Bayanihan, nagkaisa ang maraming grupo at organisasyon, kasama ang Philippine Army, upang maging matagumpay ang Brigada Eskwela at matiyak na ang lahat ng pampublikong paaralan ay maging ”Disaster Friendly and Resilient School-Communities.”

FORT BONIFACIO, Taguig City - Isang mainit na pagbati ang ipinahatid ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri sa mga sundalo at opisyal na bumubuo ng mga naitanghal na Best Brigade at Battalion para sa 1st Quarter ng taong 2014.

Sinabi ng Hepe ng Army na ang kanilang naabot sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin ay nagpapakita ng kanilang komitment na matupad ang hangarin ng Hukbo na maging world-class Army na ikararangal ng buong bansa. Ipinahayag din niya ang tiwala na matagumpay na makakamit ang mga layunin ng pagbabago dahil sa propesyonalismo at dedikasyon na ipinakita ng mga sundalo sa pagkamit ng kapayapaan.

Sa huli ay hinikayat niya ang mga kawal na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan at panatilihing maging gabay ang mga pinahahalagahang karangalan, pagkamakabayan, at tungkulin sa pag-abot ng kagalingan.

Sundan sa pahina 10

Sundan sa pahina 15

Army Chief ipinaabot ang pagbati

sa mga napiling Best Brigade at Battalion

pulu-pulutoNg NA MgA suNDAlo pARA sA BRigADA eskwel A 2014

Sama-sama ang mga sundalo ng Philippine Army at mag-aaral ng Signal Village Elementary School sa Taguig City, kasama ang kanilang mga guro at magulang habang sumasabay sa tugtog bilang warm-up exercise bago sumabak sa mga nakalinyang gawain kaugnay ng pagbubukas ng Brigada Eskwela na taunang ipinatutupad ng Department of Education sa lahat ng pampublikong paaralan ilang araw bago buksan ang klase. Sa proyektong ito, inaayos ang mga sirang kagamitan, nililinis at pinapaganda ang kapaligiran ng mga pampublikong paaralan upang masiguro na ligtas at maayos na makapag-aaral ang mga estudyante.