4
Taon 17 Blg. 3 Hulyo -Setyembre, 2017 2017 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph Buong pusong binati at tinanggap ng Sangguniang Panlalawigan ang ‘newly appointed’ na Bokal mula sa bayan ng San Miguel, Bulacan; bilang kinatawan ng mga Indigenous People sa lalawigan ng Bulacan – si Gng Norma Santos Roque. Ipinanganak noong Setyembre 6, 1958 at kasal kay G. Antonio Cruz Roque, na isang mangingisda, biniyayaan ng apat (4) na anak; isang lalaki at tatlong babae. Si Bokal Norma ay mula din sa limang (5) magkakapatid, isang lalaki, apat na babae at mag-asawang Miguel Santos Cruz at Trinidad Domingo Vargas. Nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Paaralan ng Sibul Springs. Nagsimula ang kaniyang paglilingkuran as ‘volunteer’ sa loob ng labinlimang (15) taon; noong 1998 bilang Tribal Health Worker ng mga Dumagat sa ilalim ng Galilee Homes, Doña Remedios Trinidad. Ito ay panahon nina Gobernador Roberto Pagdanganan hanggang kay dating Gobernador Jonjon Mendoza. Gayundin bilang Mother Leader sa munisipalidad ng Doña Remedios Trinidad. Hanggang sa panahon ni Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ay nagsilbi siya bilang Mother Leader, kung kalian doon lamang siya nabigyan ng allowance. Hindi naglaon ay ginawa siyang Vice Tribal Governor ng mga Dumagat/Tribo ng Bulacan; taong 2013 hanggang ikatlong kapat ng 2017. Sa kaniyang ginagawang pagtulong sa kaniyang mga kalahi ay pinag-aabot-abot lamang niya ang kita nilang mag-asawa sa pangingisda at pagyayantok. Tumutulong siya anumang oras siya kailanganin dahil sa ang prinsipyo niya sa buhay na, “tutulong ako hangga’t kaya ko at nandirito ako,” ang kaniyang pinanghahawakan. Kaya’t marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong sa pagkakaroon ng eleksyon kung saan siya ang nanguna kaya’t siya ang napili bilang Kinatawan ng ICC’s/IPs sa ating lalawigan at naitalaga siya bilang BOKAL. Mula Agosto 2017 ay naupo na siya bilang Kasangguni ng ika-9 na Sangguniang Panlalawigan at kinilala bilang IGG. NORMA S. ROQUE. Ang baguhang Bokal ay sadyang mahiyain at tahimik ang personalidad subali’t may itinatagong galing sa pag-awit. Iyan ang dapat nating antabayanan sa pag-akyat niya sa entablado ng Sanggunian. Upang patuloy na makatulong sa kaniyang pamayanan ay nagsasagawa din siya ng mga proyektong tulad ng Medical Mission at Feeding Program. Para naman sa kalikasan ay may Tree Planting sila tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre bilang IP’s Day. Sa pagiging isang mambabatas ay ay kaalinsabay ang responsibilidad sa pagbabalangkas ng mga napapanahong batas na sadyang makakaagapay sa katayuan at kalagayan ng ating mga Indigenous People. WELCOME TO THE SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN ….. BOKAL NORMA! Hangad po namin ang inyong patuloy na taos pusong pagmamalasakit at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang IPs. Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE

2017 Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE · Kayat marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2017 Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE · Kayat marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong

Taon 17 Blg. 3 Hulyo -Setyembre, 2017 2017

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN

Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph

Buong pusong binati at tinanggap ng Sangguniang Panlalawigan ang ‘newly appointed’ na Bokal mula sa bayan ng San Miguel, Bulacan; bilang kinatawan ng mga Indigenous People sa lalawigan ng Bulacan – si Gng Norma Santos Roque. Ipinanganak noong Setyembre 6, 1958 at kasal kay G. Antonio Cruz Roque, na isang mangingisda, biniyayaan ng apat (4) na anak; isang lalaki at tatlong babae. Si Bokal Norma ay mula din sa limang (5) magkakapatid, isang lalaki, apat na babae at mag-asawang Miguel Santos Cruz at Trinidad Domingo Vargas. Nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Paaralan ng Sibul Springs. Nagsimula ang kaniyang paglilingkuran as ‘volunteer’ sa loob ng labinlimang (15) taon; noong 1998 bilang Tribal Health Worker ng mga Dumagat sa ilalim ng Galilee Homes, Doña Remedios Trinidad. Ito ay panahon nina Gobernador Roberto Pagdanganan hanggang kay dating Gobernador Jonjon Mendoza. Gayundin bilang Mother Leader sa munisipalidad ng Doña Remedios Trinidad. Hanggang sa panahon ni Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ay nagsilbi siya bilang Mother Leader, kung kalian doon lamang siya nabigyan ng allowance. Hindi naglaon ay ginawa siyang Vice Tribal Governor ng mga Dumagat/Tribo ng Bulacan; taong 2013 hanggang ikatlong kapat ng 2017. Sa kaniyang ginagawang pagtulong sa kaniyang mga kalahi ay pinag-aabot-abot lamang niya ang kita nilang mag-asawa sa pangingisda at pagyayantok. Tumutulong siya anumang oras siya kailanganin dahil sa ang prinsipyo niya sa buhay na, “tutulong ako hangga’t kaya ko at nandirito ako,” ang kaniyang pinanghahawakan. Kaya’t marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong sa pagkakaroon ng eleksyon kung saan siya ang nanguna kaya’t siya ang napili bilang Kinatawan ng ICC’s/IPs sa ating lalawigan at naitalaga siya bilang BOKAL. Mula Agosto 2017 ay naupo na siya bilang Kasangguni ng ika-9 na Sangguniang Panlalawigan at kinilala bilang IGG. NORMA S. ROQUE. Ang baguhang Bokal ay sadyang mahiyain at tahimik ang personalidad subali’t may itinatagong galing sa pag-awit. Iyan ang dapat nating antabayanan sa pag-akyat niya sa entablado ng Sanggunian. Upang patuloy na makatulong sa kaniyang pamayanan ay nagsasagawa din siya ng mga proyektong tulad ng Medical Mission at Feeding Program. Para naman sa kalikasan ay may Tree Planting sila tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre bilang IP’s Day. Sa pagiging isang mambabatas ay ay kaalinsabay ang responsibilidad sa pagbabalangkas ng mga napapanahong batas na sadyang makakaagapay sa katayuan at kalagayan ng ating mga Indigenous People. WELCOME TO THE SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN ….. BOKAL NORMA! Hangad po namin ang inyong patuloy na taos pusong pagmamalasakit at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang IPs.

Bagong Bokal para sa mga IPs:

IGG. NORMA S. ROQUE

Page 2: 2017 Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE · Kayat marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong

2

Panahon na naman ng pista ng ina ng lahat ng kapistahan sa ating lalawigan – ang SINGKABAN – simula Setyembre 8 hanggang 15. Napakarami pong programa ang nakahanay para sa isang linggong pagdiriwang ng Singkaban sa ating lalawigan. At kahit po, isinasagawa ang pagsasaayos ng ating kapitolyo maging ng mga binubungkal na kalsada sa paligid nito ay mababanaag pa rin ang ‘excitement’ at ang kasiyahan sa pagdatal ng linggo ng Singkaban. Para sa pagbubukas ng Singkaban 2017 na may temang SINGKABAN FESTIVAL 2017: “Bulacan, babalik-balikan!” ay panauhing pandangal ang ating Senador Grace Poe kung saan niya nasambit na “ang pagiging likas na malikhain ng mga Bulakenyo ay dapat pagyamanin sa lahat ng panahon.” Sapagkat sa takbo ng mundo natin ngayon kung saan iba’t-ibang teknolohiya ang namamayagpag sa ating paligid ay nawawala na ang paggamit ng imahinasyon at pagkamalikhain ng tao, subali’t sa mga katangian na angkin ng mga Bulakenyo, kailanman ay hindi mawawala sa uso na siyang nagbibigay halaga sa sining at kalinangan ng Bulacan. Kabilang sa mga aktibidad na tinuturan ay ang “Sineliksik Bulacan Docufest 2017 Film Showing, Pambansang Kumperensiya sa Bulacan 2017, at Bulacan Business Conference 2017” kung saan panauhin sina G. Manny Pangilinan at Senador Paolo Benigno Aguirre Aquino IV. Nakahanay din sa mga aktibidad ang “Parada ng Karosa, Indakan sa Kalye, at presentasyon ng mga kandidata/kandidato ng Hari at Reyna ng Singkaban 2017.” Pinahalagahan din ng ating lalawigan ang OPM sa pagtatampok ng tugtuging OPM at mga talent nito tulad ng Sponge Cola at Rocksteaddy sa isang Free concert, Sing Ka Band 2017. At higit sa lahat ang konsiyerto ni Mr. Pure Energy, Gary Valenciano para sa Governor’s Night kung saan naipakita niya na mahal siya ng mga Bulakenyo dahil sa dami ng nanood nito. Ako po ay saksi sa naganap na concert ni Mr. Gary V. at masasabi ko ng hindi pa kumukupas ang husay nito sa pagsayaw at pagkanta, world class talaga! Gayundin, kumita ng humigit-kumulang 1-milyon ang “Tatak Singkaban ng Central Luzon at Bahay Kubo, Bahay Gulay” kung saan iba’t-ibang de kalidad na produkto ng Gitnang Luzon ang itinitinda. Pati ang BUFFEX 2017 kung saan iba’t-ibang mga gawang Bulakenyo galing sa 21 na bayan at 3 lungsod sa ating lalawigan ang nag-exhibit ng kanilang mga ipinagmamalaking sariling produkto. Nagtapos ang Singkaban Fiesta sa pagbibigay parangal sa mga natatanging Bulakenyo na nagbigay karangalan sa iba’t-ibang larangan at espesyalidad na ginanap sa Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center… ang Dangal ng Lipi. Lagi pong inaabangan ang Singkaban Festival sa ating lalawigan. At talaga naman pong kaabang-abang dahil sa mga handog nitong kasiyahan, sorpresa, angking likha at gawa ng sambayanang Bulakenyo! Sadyang maipagmamalaki at tunay na tatak Bulacan…. ANG SINGKABAN!

SINGKABAN 2017

Page 3: 2017 Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE · Kayat marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong

0

3

PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 38-2017

KAUTUSANG NAGBIBIGAY PARANGAL SA NATATANGING KOOPERATIBA NG TAON (GAWAD GALING KOOPERATIBA O GGK) AT NAGTATATAG SA LUPONG PAGPAPARANGAL (AWARDS COMM.) NG NATATANGING KOOPERATIBA AT PANGANGALAKAL

PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 39-2017

KAUTUSAN NA NAGPAPATIBAY SA PAGPAPALIT NG PANGALAN NG TANGGAPAN NG PROVINCIAL YOUTH, SPORTS, EMPLOYMENT AND DEVELOPMENT OFFICE (PYSEDO) NA MAGING PROVINCIAL YOUTH SPORTS PUBLIC EMPLOYMENT SERVICES OFFICE (PYSPESO) AT LUMIKHA NG ISANG (1) ADMINISTRATIVE POSITION AT LABING ISANG (11) REGULAR PLANTILLA POSITIONS

PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 42-2017

KAUTUSAN NA NAGPAPATIBAY SA PAGPAPALIT NG PANGALAN NG TANGGAPAN NG PROVINCIAL YOUTH, SPORTS, EMPLOYMENT AND DEVELOPMENT OFFICE (PYSEDO) NA MAGING PROVINCIAL YOUTH SPORTS PUBLIC EMPLOYMENT SERVICES OFFICE (PYSPESO) AT LUMIKHA NG ISANG (1) ADMINISTRATIVE POSITION AT LABING ISANG (11) REGULAR PLANTILLA

KAPASIYAHAN BLG. 385-T'17

KAPASIYAHAN NA ITINATAKDA BILANG ISANG HARDIN NG GINTONG ALAALA NG BULACAN HIGH SCHOOL (BHS) AT MARCELO H. DEL PILAR HIGH SCHOOL (MHPHS) ANG PALIGID NG MGA LABI NG GINTONG GUSALI (GOLDEN JUBILEE BUILDING) NG MHPHS SA BAKURAN NG KAPITOLYO

KAPASIYAHAN BLG. 387-T'17 KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG PHILIPPINE CROP INSURANCE CORPORATION (PCIC)

KAUGNAY NG PAGSASAGAWA NG AG-

9 Pang CSOs

Naakredita ng SP

Siyam (9) pang Civil Society Organizations

(CSOs) ang napagkalooban ng Akreditasyon

ng Sangguniang Panlalawigan para sa

ikatlong tremestre (3rd quarter) ng taong

2017. Ito ang mga sumusunod:

1. Bulacan Comelec Employees

Association 2nd Floor Hiyas ng Bulacan Convention Center, Provincial Capitol Compound Malolos City, Bulacan. 2. Bulacan League For Emergency

Telecommunications Association Inc. – Bulacan Integrated Traffic Assistance Group (BULLET-BITAG) 3. Gifts, Housewares, Decors Producers

Association of Bulacan, Inc. Villa Rosalinda, Caingin, City of Malolos, Bulacan. 4. St. Elined School Foundation, Inc. T. Santiago St., Poblacion, Sta. Maria, Bulacan. 5. Willing Hearts Orphanage, Inc. 254-A Lalakhan, Sta. Maria, Bulacan. 6. Kapuso-Makatao Maka-Diyos

(KAMM), Senior Citizens Inc., Harmony Hills 1, Muzon, City of San Jose Del Monte, Bulacan. 7. Trellis For Retiring and Veteran

Teachers, Tambubong, San Rafael, Bulacan – Chapter 8. Ayala Young Leaders Alumni Asso-

ciation, Inc. Central Luzon Ayala

Foundation, Inc. 8F 111 Paseo Bldg., Paseo de Roxas cor. Legaspi St, Legaspi Village, Makati 9. Dularawang Bulacan Foundation,

Inc. Gat. Blas F. Ople Building (Hiyas), Capitol Compound, Guinhawa, City of Malolos, Bulacan

KAPASIYAHAN BLG. 449-T'17 ISANG KAPASIYAHAN NA MAGALANG NA HUMIHILING KAY SECRETARY FORTUNATO T. DELA PEÑA NG DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST) NA MAPAGKALOOBAN NG SAMPUNG (10) HANDLOOM WEAVING UPANG MAGAMIT NA PANGKABUYAHAN ANG MGA KABABAIHANG BULAKEÑA

3rd

Quarter

RICULTURAL INSURANCE PROGRAM PARA SA MGA PILING MAGSASAKA NA MAKIKIISA SA PAGTATANIM NG HYBRID RICE SA WET SEASON 2017 AT SA DRY SEASON 2017-2018

KAPASIYAHAN BLG. 388-T'17 KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA DEED OF DONATION SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY (DITC) NA KAKATAWANIN NI GNG. CHERYL C. ORTEGA, CHIEF DIRECTOR, UKOL SA PAGKAKALOOB NG APAT (4) NA YUNIT NG COMPUTER DESKTOP SET SA TANGLAW PAG-ASA YOUTH REHABILITATION CENTER PARA SA PROGRAMANG TECH4ED KUNG SAAN ANG MGA KABATAAN AY MATUTUTO SA LARANGAN NG COMPUTER TECHNOLOGY

KAPASIYAHAN BLG. 423-T'17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY NA MADAGDAGAN ANG HALAGANG IPINAGKAKALOOB NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN PARA SA PROGRAMANG “LINGAP SA PAMILYA NG NAULILA” MULA P1,000.00 TUNGO SA P2,000.00 UPANG MARAMDAMAN NG MGA KALALAWIGAN ANG LUBOS NA PAGKALINGA SA KANILANG MGA NAULILA

KAPASIYAHAN BLG. 427-T'17 KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT – FIELD OFFICE REGION III, NA KAKATAWANIN NI REGIONAL DIRECTOR, GEMMA B. GABUYA, HINGGIL SA MEDICAL ASSISTANCE PROGRAM “LIBRENG GAMOT PARA SA MASA” OR “LINGAP SA MASA”DISTRICT HOSPITAL GAYUNDIN ANG PAGBILI NG KAKAILANGANING KAGAMITAN PARA DITO

Page 4: 2017 Bagong Bokal para sa mga IPs: IGG. NORMA S. ROQUE · Kayat marahil sa kaniyang kasipagan at pagkamatulungin ay nakita ng butihing Goberador, ang kaniyang pagpupunyagi na humantong

JULY AUGUST SEPT TOTAL

A. NUMBER OF SESSIONS CONDUCTED

1. Regular 4 5 4 13

2. Special - - - -

TOTAL 4 5 4 13

B. NUMBER OF RESOLUTIONS/ORDINANCES ENACTED

1. Provincial Resolutions 48 56 59 163

2. Provincial Ordinances 2 2 2 6

3. Provincial Appropriation Ordinances - - - -

4. Municipal/City Resolutions (reviewed) 10 4 5 19

5. Municipal/City Ordinances (reviewed) 26 21 47 94

TOTAL 46 43 71 160

C. NUMBER OF COMMITTEE MEETINGS/ PUBLIC HEARINGS

CONDUCTED

1. Committee Meetings 10 7 11 28

2. Public Hearings 1 0 1 2

D. SPECIAL PROGRAMS/PROJECTS

1. Broadcast of SP Radio Program “SP Files” every Wednesday 3 3 2 8

2. Printing of SP Quarterly Newsletter “Legislative Digest” for 2nd Quarter - - 1 1

3. Maintenance/Updating of SP Web ** ** ** **

** - Continuous

Ang Legislative Digest ay

inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang

taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang

tanggapan.

Telepono Blg. – (044) 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

4

SUMMARY OF ACCOMPLISHMENT 3rd Quarter

(July - September 2017)

MAKINIG AT MAKISANGKOT! sa Radio Program ng Sangguniang Panlalawigan na:

“SP Files”

Mapapakinggan tuwing araw ng MIYERKULES,

9:30 – 10:30 ng umaga sa himpilan ng

Radyo Bulacan, 103.9 FM

sa talapihitan ng inyong mga radyo.

Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R. Santos, Anthony Amizona (Kuya Tonton) and

Divina Gracia R. Jimenez (Ate Divine).