Upload
others
View
73
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
TULANGBAYAN
V I C TO R E M M A N U E L C A R M E L O D. N A D E R A J R .U N I B E R S I D A D N G P I L I P I N A S
Kung mayroon mang saksi sa pagbabago sa at ng wikang Filipino sa kasaysayan ng Filipinas ito ay ang mga tulang-bayan.
Masasalamin ang ebolusyon at/o rebolusyon sa bawat tulang noong una ay katutubo na pagkaraan ay naging tradisyonal at kinalaunan ay magiging moderno.
Sa bugtong, halimbawa, mababanaagan ang pag-iiba ang mga hulagway o imaheng noong una ay maka-kalikasan at, pagkuwan, ay magiging likhang-tao.
Kung dati-rati ang salawikain ay patanghal, mapupunang ang mga ito ay nagiging mapangaral o mapagbigay ng aral.
BUGTONG
Noong 1981, inilimbag ang An Annotated Collection of Visayan Riddles, na inipon at inedit ni Maria Luz C. Vilches na inilimbag ng Divine World University Publications.
Sa terminong “Visayan” ang ibig sabihin ni Vilches ay “Waray” lamang. Ni hindi Cebuano o Hiligaynon, di kaya'y Akeanon, na ilan sa maraming wikang Bisaya.
Pinagsama-sama ang mga bugtong na ito sa pitong pangkat:
1. Isang nilalang;
2. Hayop;
3. Tao;
4. Kaanak;
5. Halaman;
6. Bagay;
7. Paglilista ng pagkukumpara, detalye ng mga anyo, kulay, at katangi-tangi o kapuri-puring gawain.
Ang unang anim na seksiyon ay mga bugtong na naghahambing sa malilinaw na bagay na maiisip. Ang pinakahuli, ang ikapito, ay mga bugtong na nagkukumpara sa malalabong bagay na ang katangian ay paglilista lamang ng detalyeng nagtutunggalian at di-nabigyan ng kaisahan sa loob sa konteksto ng solusyon o sagot.
Tradisyong pabigkas ang pundasyon ng pambansang panitikan.
Ang mga ito magiging batayan sa mga kulturang maaaring masira ng kalikasan, ng panahon, at mga pangyayari sa kasaysayan.
Kung hindi man ito makamit ng mga historyador pampanitikan sa Filipinas, ito ay sa dahilang ang mga Filipino mismo ay walang kaalaman, o kamalayan, sa pagpapahalaga sa ambag ng mga ito sa ganitong kaugalian.
At malamang dahil na rin sa katamaran.
SALAWIKAIN
Kasipagan naman ang ipinakita ni Paul Rodriguez Verzosa sa paglalabas niya ng Psychology of Proverbs ni na inilathala rin ng Institute of National Language noong 1950.
SALAWIKAIN, KAWIKAAN,
AT KASABIHAN
• salitang Tagalog na katumbas ng salitang proverbs sa English.
• maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay- patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
• pilosopiya o prinsipyo ng isang lugar.
• karamihan ay minana natin sa ating mga ninuno;
• madalas itong tumatalakay sa kanilang mga karanasan at pag-uugali nuong mga unang panahon.
• pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata;
• ukol sa angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon,
sa simbahan din ang tuloy.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Nasa tao ang gawanasa Diyos ang awa.
Magkulang ka na sa magulang huwag lamangsa iyong biyenan
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung ano ang itinanim,ay siyang aanihin.
Nagawa niyang hatiin sa mga kabanata ang kaniyang nakalap na mga salawikain sa tulong ng kaniyang mga mag-aaral sa Centro Escolar University. Tinilad-tilad niya ang mga ito ayong sa paksa:
1. Proverbial Idiosyncracies, Various Sources of Proverbs
2. The Classical Latin Proverbs,
3. The Direct Hispanic Influence
4. The Difficult Role of Translation, Balagtas' Moral Teachings
5. Proverbs and Friends and Friendship
6. Quezon and Bonifacio as Authors of Filipino Proverbs, at
7. The Filipino Code of Valor as Expressed by Proverbs.
Diwa ng Lahi: Mga Kasabihan at Sawikaing Tagalog nina Francisco Laksamana at Julian Cruz Balmaseda ang humango sa kaban ng yamang pinamagatang Coleccion de Refranes, Frases, y Modismos Tagalos37 ng mga paring sina Gregorio Martin at Mariano Martinez Cuadrado na inilathala sa Guadalupe noong 1890 upang tupdin ang kanilang pangarap:
“Wala kaming pangunang layon kundi iisa lamang: ang matipon ang nagsabog na puta-putaking kayamanan ng ating wika at panitikan, mga kayamanang tila mga butil ng gintong hilaw na di pa natatapyas ng makasining na kamay ng isang nilikha, sa paniniwala, naming kung ito'y masinop at mapagyaman sa isang aklat, balang-araw ay makakatulad ng isang marikit na hiyas na maipapalamuti sa noo ng ating Inang Wika.”
Pinagsasaluhan nila ang paniniwalang ang mga kasabihan, salawikain, bukambibig, at kawikaang nagpasalin-salin lamang sa mga bibig at tainga ay mga “hiwa-hiwalay na katadhanaan ng mga katutubong batas ng pagkatao, na nagpapakilalang ang mga Filipino noong una, bago pa dumating ang mga dayuhan, ay may sarili nang batas sa kabuhayan na nagpapakilala ng taas ng uri ngkanilang pagkatalos sa mga sagutin ng tao sa lupa at sa pakikipagkapuwa:
“Ang mga kasabihan, sawikain, bukambibig, at kawikaang ito'y nagpapatunay pa ring ang karamiha'y binibigkas nang patugma, kung di man patula, na ang pagkamanunula ng mga tagalog ay binhing inihahasik sa kanilang isip sapol sa kabataan hanggang sa sila'y umaaguy-agoy nang paghakbang na tungo sa libingan.”
Humigit-kumulang 606 ang kanilang naipong panitikang katutubo na karamihan ay mas binibigkas kaysa isinusulat.
TANAGA
Noong 1754, lumabas ang kauna-unahang kamalig ng panulaang Tagalog -- Vocabulario de la Lengua Tagala – nina Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar.
Mula nang magsimula ang xylographic printing o paglilimbag sa Filipinas noong 1593 sa pamamagitan ng Doctrina Christiana, ang nasabing diksiyonaryo ay itinuturing ni Bienvenido Lumbera na pinakamalawak na kalipunan ng mga tulang Tagalog na kinalap mula sa huling bahagi ng Siglo 17 at unang bahagi ng Siglo 18.
Isa sa kanilang inilathalang tulang pasalita ay ang tanaga, na inilarawan ng mga banyagang pari bilang “Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de metaforas.”
Ang tanagang kanilang ginamit ay isang salawikain, sa isang banda, at isa ring bugtong:
Nang ualang biring guinto, Doon nagpapalalo Nang magcaguinto guinto Doon nanga songmoco.
At ang sagot, o sentral na imahen, ay ang natirang tangkay ng palay!
Isang pagbasa sa nasabing tanaga ay paghahambing o pagtutumbas ng palay sa bansang Filipinas – na “nang walang biring ginto” o noong payak pa ang pamumuhay ay “doon nagpapalalo” o mapagmataas o mapagmalaki pero “nang magkaginto-ginto” o noong “guminhawa o yumaman” saka “doon na nga sumuko” o naging mapagkumbaba o mapagpaubaya!
Subalit, ang kakatwa, hindi lamang ito isang bugtong at/o isang salawikain, bagkus ito rin ang tinatawag na tanaga.
Umaabot sa 15 ang tanagang natipon at ginamit na halimbawa nina Noceda at Sanlucar sa kanilang bokabularyo. Isa dito ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa birtud ng kababaang-loob sa pamamagitan ng pagkokompara sa mga punong paho at doso:
Mataas man ang paho
Malangba ang pagtobo
Ang doso rin ang lalo,t,
Hangini di maobo.
Isa pa ang tigib sa pagbibiro at siste dahil sa tila-musmos na paghamon ng marupok na lumot sa tibay ng tulos na kung tutuusi'y pagsasandigan niya ng sariling kapalaran:
Catitibay ca tolos sacaling datnang agos aco,i, momonting lomot sa iyo,i, popolopot.
Ngunit ang susunod ang maituturing na isang hiyas:
Nang ualang biring guinto, Doon nagpapalalo Nang magcaguinto guinto Doon nanga songmoco.
May dalawang talim ang naturang tula. Sa isang banda, isang bugtong ito hinggil sa palay. Gayunman, isang aral din ito sa hungkag at sa totoong karunungan. Ang taong kulang sa dunong ay karaniwang tulad ng namumutikas pa lamang na palay: palalo at nakatingala lagi sa langit. Sa kabilang dako, ang taong tigib sa karanasan ay tulad ng uhay na hitik sa butil: marunong yumuko at magpakababa.
Isang suwerte natin ngayon na natipon at nailimbag nina Noceda at Sanlucar ang mga naturang sinaunang tanaga. Sa loob ng mahigit sansiglo, waring nawala ito sa gunita ng taumbayan. Salamat at nitong makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling binuklat ni Ildefonso Santos ang aklat nina Noceda at Sanlucar at natuklasan ang tanaga.
Lumikha mismo siya ng ilang tanaga at inilathala nang may kalakip na paliwanag hinggil sa ginamit na katutubong anyo. Isa dito ang kaniyang paghalaw sa bugtong ng palay at nilagyan niya ng gayong pamagat:
Palay siyang matino, Nang humangi'y yumuko, Nguni,y, muling tumayo: Nagkabunga ng ginto!
Nabasa ni Federico Licsi Espino Jr. ang tanaga ni Ildefonso Santos at isinulat niya ang naturang tuklas sa isang artikulong Ingles sa magasin niyang pinaglilingkuran. Bukod dito, sinundan niya ang pagsisikap ni Santos; sumulat din siya ng tanaga, at isa ang sumusunod na "Muling Pagkabuhay":
Dahan-dahan, ang langit Ay nagbababang-luksa; Unti-unti, ang binhi'y Nabubuhay sa lupa.
Nagsisulat din ng tanaga sina Rogelio G. Mangahas, Rio Alma, Lamberto E. Antonio, Pedro Ricarte, at iba pa nitong dekada 60.
Pansinin ang pansining na anyo ng auit na lilipatan ng mga hari’t reyna at iba pang nobilidad na noon ay naninirahan sa kung tawagin ay alejandrino o alexandrine ng mga dayo.
Tila magtataksil din ito ay makikipag-pareha sa corrido na sa bandang huli ay tatanggapin bilang korido.
DALIT
• Sang-ayon kay Fray Gaspar de San Agustin (1703), ang dalit ang isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng matu- laing pahayag sa buong Katagalugan. Ang isa pa ay ang “talingdaw” na isa diumanong tulang dramatiko at in- aawit nang sagutan. Ngunit sa dalit “ipinahahayag ng mga Tagalog ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin.” Isda akong gagasapsap, Gagataliptip kalapad, Kaya nakikipagpusag, Ang kalaguyo’y apahap.
Sa pamamagitan ng mga halimbawa ni San Agustin at ibang dokumento ay lilitaw na may isang tiyak na anyo ang dalit. Isang tula ito na maaaring mabuo sa isang saknong, gaya ng “tanaga” at “diyona,” at binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin ang bawat taludtod.
Narito ang isang mapagpatawang dalit noon:
Isda akong gagasapsap, Gagataliptip kalapad, Kaya nakikipagpusag, Ang kalaguyo’y apahap.
DIONA
Ang diona ay isang sinaunang tulang tatluhan na ang bawat taludtod ay may tig-pipitong pantig.
ANYO
TUGMA(PATINIG)
MALUMAYasawabana
MALUMIasiwapana
MABILIS
sawa (python) balbakwa
MARAGSAsawa (fed up)
tuwa
A
TUGMA(PATINIG)
MALUMAYdami
kabibe
MALUMIkuliti
MABILISdumi
MARAGSAkiliti
E/I
TUGMA(PATINIG)
MALUMAYtubo (pipe)
suso (breast)
MALUMItubo (profit) paso (burn)puso (heart)
MABILIS
ubotubo (sugarcane)
MARAGSAhubo
suso (escargot)paso (flowerpot)puso (boiled rice)
O/U
KATINIG(A. MALAKAS)
poottalostalopbilogsahodSampalocpookxerox
loobmolotov
O/U
Phuketpuwit
puwespawisAziz
hanepIhiptariff
Itnegdilig
DepEdidlip
Balic-balickropektapikTaufiqHendrix
GuiebdibdibLiv
E/I
alatahasulapbalagpaladAlakIraq
alabLav
A
TSZ
FP
GDCKQX
BV
KATINIG(A. MAHINA)
kahoyow !motorbagoongibonalimuomalkoholO/U
yeheyewsaliw
paderbeddengbelenehemkahelE/I
arayarawradardalangulanulambagalA
YWRNGNML
SUKATTALUDTOD
1. DALAWAHAN (pareado) e.g. KASABIHAN
Colang palar na bongcaui Lapatin ma,i, di mangyari.
SUKATTALUDTOD
2. TATLUHAN (terceto) e.g. OYAYI
Ang Ina mo, i, uala pa,
Nupol na nang sampaga Isasabog sa alta.
SUKATTALUDTOD
3. APATAN (cuarteto) e.g. KORIDO
Bunso co Bernardo ay sino pa baga Magmamana nitong reino nang España Sinong sasalinan nang cetro,t, corona Cundi icao bunso ngayo,i, aalis ca.
SUKATTALUDTOD
4. LIMAHAN (quintilla) e.g. PASYON
Umulan man sa bundok Huwag sa dakong laot, Aba si Kasampalok, Nanao nang di ko loob Walang baon na kumot.
SUKATTALUDTOD
5. ANIMAN (sexteto) e.g. AWITING BAYAN
Inday, Inday, sa Balitaw
Batang nabalian, kahoy na sariwa: Saging na nilaga, Kinuha sa lungga, Binabad sa suka Panggamot sa sikmura.
SUKATPANTIG
1. PIPITUHIN e.g. Tanaga (ni Ildefonso Santos)
Palay siyang matino. Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo – Nagkabunga ng ginto!
SUKATPANTIG
2. WAWALUHIN e.g. Ang Paggising ni Lope K. Santos
Kudyapi ang nakaparis Na sa dingding isinabitDatna’t panawan ng lamig;Nang kunin ka ng gagamitAng bagting mo’y walang tinigSa daliring nagnginginig.
SUKATPANTIG
1. LALABINDALAWAHING APAT-APAT-APAT
e.g. Ang Buhay ni Lope K. Santos
Mainggitin./ Maparangya./ Mapalalo.Maramdami’t/ kung gasinong /di-mabiro.Alanganin:/ tila lantad,/ tila tago.Nakikitang/ kumikilos,/ di-mahipo.
SUKATPANTIG
4. LALABINDALAWAHING ANIM-ANIM e.g. Jocelynang Baliuag
Pinopoong sintal niring kaluluwa,Nakakawangis mo’yl mabangong sampaga;Dalisay sa linis,l dakila sa ganda,Matimyas na bukall ng madlang ligaya.
SUKATPANTIG
5. LALABINGWALUHIN e.g. Anak ni Eba ni Marta Martin Martinez Kung pagsaulan kong/ basahin sa diwa/ ang matandang
aklat Ang nababasa ko’y/ ang bakas ng luhang/ sa daho’y
pumatak Bawat kabanata/ ng kasaysayan ko/ ay luhang taganas Ang nahahalaw ko/ sa aking kahapong/ sa luha’y nalagmak.
Ang tradisyon ng tulang pasalita ng mga katutubo nang hindi pa dumadaong ang mga dayuhang taga-Kanluran sa ating baybayin ay buhay na buhay pa sa ating kultura, na ang mahabang bahagi ay kinabibilangan ng mga tulang kumakalat lamang sa pamamagitan ng pasalitang tradisyon.
Katunayan, ang Florante at Laura ay naging bahagi ng buhay ng mga Filipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, hindi pagkat nabasa nila ang nalimbag na bersiyon ng tula noong 1838 kundi dahil ito ay inaawit ng mga marunong bumasa sa malawak na madlang hindi nakapag-aral kaya't hindi marunong bumasa.
Ang tradisyon ng pabasa sa panahon ng Kuwaresma ay pagpapatuloy ng tradisyon pasalita, na nagsasalin sa mga nakikinig ng aral ng pasyon sa pamamagitan ng awit.
Hindi kakulangan ng mga Filipinong manunulat na hindi sila tumutula tulad ng mga taga-Kanluran.
Mayroon silang katutubong kulturang sinasandalan at iyon ang pinagmumulan ng mga diwaing kanilang pinapaksa at ng mga pamamaraang kanilang ginagamit sa pagtula.
BAGUM(TULANG)BAYAN
NILALAMAN
TEXTBUGTONG(TEXTIGMO)
Mga mata maoy gipislat, ang agtang maoy nilurat (Mga mata ang pinipisak, ang noo ang lumiliwanag.)
Sagot: cellphoneBetsy Ferolino
Kung mugawas iyang sirad-an, kung muabot iyang ablihan.(Pag labas, ito’y kanyang sinasarhan , pag dating, ito’y kanyang binubuksan.)
Sagot: pintoDexter Murillo
Kon giinitan ka, lisoa sya/ kay bugnawng hangin iyang ibuga. (Kapag naiinitan ka ito’y pihitin, at magbubuga ito ng malamig na hangin.)
Sagot: airconRaul G. Moldez
•
TEXTPAKTAKON
Tarheta ko nga plastik
Subra pa sa magic
Ibag-id lang nakun
Bayad tanan nga balaklun.
(Tarheta kong plastik
Sobra pa sa madyik
Ikaskas ko lamang
Binili ko’y nababayaran.)
Sagot: credit cardMarcel Milliam
Telegrama sang reyna
Mabaton insigida
Kun ikaw magsabat sa iya
Tagpiso kada padala.
(Telegrama ng reyna
Mabilis agad na nakuha
Kung sasagutin mo siya
Piso bawat padala.)
Sagot: text messageMarcel Milliam
Wala nagapakilimos
Pero ginadahuan kwarta
Indi siya hari
Pero may trono sia.
(Hindi siya namamalimos
Pero inaabutan ng pera
Hindi siya hari
Pero may trono siya.)
Sagot: tsuper ng dyipResurreccion Hidalgo
Indi hayop, indi tawo
Wara’t baba, wara’t ulo
Pero may bibig nga naganganga
Kon mangagat, gapabilin ang unto.
(Hindi hayop, hindi tao,
Walang baba, walang ulo,
Pero may bibig na nakanganga
Kung mangagat, ngipin ay natitira.)
Sagot: staplerGenevieve Asenjo
Umido nga bombilya
Gina-tangisan sang kusinera.
(Pundidong bumbilya
Iniiyakan ng kusinera.)
Sagot: sibuyas BombayBryan Mari Argos•
TEXTSALAWIKAIN
Si Narsiso ay natakotNang mapatitig sa ilog.Noel T. Fortun
Lunting puno, hanging lantay,Purong tubig: simple’ng buhay!Gregorio M. Rodillo
Naghihilod ba si Lam-angSa pasig kaya masangsang?April Jade Imson
Naghihilod ba si Lam-angSa pasig kaya masangsang?April Jade Imson
Apitong akasya’t naraHuwag ilagay sa bulsa!Ferdinand Bajado
Pag Piedras Platas wala na;Magdadalit ang Adarna.Rene Ayala
Handog Niya’ng paraiso,Huwag mong gawing disyerto.Ferdinand Bajado
"Nilalambat ko'y salinas,Huli'y lata ng sardinas."Rolando P. Yape
Sirang payaw sa BanaweSumugat kay Idyanale.Remigio Alvarez Alva
TEXTANAGA
Napakasarap pakinggan,“Mahal ko ang aking bayan.”Mas sarap maulinigangGinagawa ang naturan•Catalino Buenviaje
Langgam, langgam, kagatin mo,Ang singit ng politico,Asam, asam, aming botoPag nanalo, lustay-pondo!• Joel Costa Malabanan
Ang punong mangga’y tinagpasat sinilaban ang ugat;bunga’y nalaglag, naagnas,namulat naging mansanas.•Vladimeir Gonzales
Kinakalambre sa lamig,laging may ulang tikatik,bayang parating may sakit,iaangat ng pag-ibig.Frank Rivera
Malayo man ako ngayon,kaulayaw bawat alon.Ako'y nalagas na dahon,sa ibang bayan umahon.Roger Endaya
Di pa hinog sa panahon,tinutuka na ng ibon.Bungang natakpan ng dahon,sinusungkit na ng gutom.Ferdinand Bajado
Buhok man ay nagkulay tsok,Lalamunan ma'y napaos,Walang lubay sa paghubogNg magiging manunubos.Gregorio Rodillo
Na-Gambala na ang toreMga kawal natureteKabayong walang hineteAng bansa ko’y mamamate.Myra Praxidio
DALITEXT
Ang payong ko’y si InayKapote ko si ItaySa maulan kong buhay
Raymund Pambid
Aanhin yamang Saudi,O yen ng Japayuki,Kung wala ka sa tabi?Fernando R. Gonzales
Kung aso hinahanap,‘Pag nagtampo’t naglayas,Ikaw pa kaya, anak?
Ferdinand Bajado
•Lolo, ‘wag malulungkot,•Ngayong uugud-ugod,•Ako po’y inyong tungkod.
–Gregorio M. Rodillo
Pinaglalawang kanin,Binudburan ng asin,Dasal pa ri'y taimtim.
Genaro R. Gojo Cruz
Paa ay lipak-lipak,Sa maghapong paglakad,May uwi lang sa pugad.
Juancho de Jesus
DALIT NG PASLIT
ni Benilda Santos
Tay, sa isip ko lang ‘to sinusulat
Sinulat ko na ‘to kahapon
Pero isusulat ko uli ngayon kasi
Talagang-talaga nang
Nahihirapan na ‘ko
Mula mung mamatay ka
Nang lumubog ‘yung barkong
Sinakyan mo
At si Nanay sumama sa traysikel drayber d’yan sa kanto
Naiwan ako ke tiyo
Di n’ya ako pinapasok sa iskul
Sa bahay na lamang daw
Kaya pala, dadalhin n’ya yung mga
Kaibigan niya dito
Sa gabi alam mo, maingay sila at lasing
Sabi nila, ‘nung unang gabi
Ba, pwede na ‘tong alaga mo, Lazaro
Tiningnan nila ako, ‘tay
Sabi, laro lang, ha
H’wag kang matakot
Tapos tawa nang tawa
Lahat kami humiga
Tapos madilim
Tapos, umaga na
Hoy, sabi ni Tiyo
Tayo ay pupunta ngayon sa Maynila
Magbalot ka na ng mga damit mo
Pero di ako makabangon
Tumingala lamang ako sa kisameNagbilang ng pakoMe kalawang ang lahat.Sa Maynila, marami pang pinapasokSi Tiyong mga lalakiMalakas tumawaMaraming pera sa bulsaMe mabaho, meron namang mabangoMerong mataba, me payat, me malinisMe katulad ni Tiyong sumisinga sa sahigLalo nang dumalas
Ang pagtingala ko sa kisame
Pero di na ‘ko makapagbilang ng pako
Kasi ‘yung kisame
Naging isang salamin
Kita ko dun lahat
Ang ginagawa namin
Sa sahig
‘Tay, magsusumbong na ‘ko, talaga, kasi
Dal’wang taon na at saka
Lumalaki ang salamin
Dumaraming nakikita
‘Tsaka baka di na ‘ko makabangon
Mabigat na mabigat na ‘yung puson ko, Itay
Pabigat nang pabigat, ‘Tay
Parang buong Maynila
Nasa loob ng puson ko
Alam mo? Alam mo? Alam mo?
DIONATEXT
www.foundationawit.com
Di na sana didilatpagkat walang natupadbuti, libre mangarap!
Ruel A. SolitarioBagong Silang, Caloocan City
Dionatext Makata ng Linggo 1
www.foundationawit.com
Nang malaglag ang dahon,may mga bagong usbong--luntian at mayabong.
Francisco MontesenaAngono, Rizal
Dionatext Makata ng Linggo 4
www.foundationawit.com
PUMILI NG PABORITONG DIONATEXT KONTRA DEPRESYON
Luna tan llena y clararadiante en lontananza¿Por qué pareces lejosy con luz suave y pura? Si ella fuera un hombrejalaría su cabellotiraría de su ropapara obligarla a quedar.mas, ¿cómo lo voy a hacer? ¿ Hay luna que brille igual entre tantas estrellas?¿Ni un monte que la esconda?ahora ya estás ocultaen tu nido, entre cerros.
Moon! So full and bright tonight,Beaming on the horizon!Tell me how it seems so far?How its light’s so soft and pure?Oh, if it were just a man,I would hold on to his hair,I would hold on to his clothesTo make him stay forever.But how on earth could I do that,Isn’t there a moon so brightAmong all the twinkling stars?A mountain to hide behind?Now you’re gone and out of sight,In your nest among the hills.
O buwang kay liwanag! Sa durungawa’y sinagPaano naging gayakLuningning mong busilakKung tao kang katuladPipigilan kitang t’yakSa buhok kita’y hawakSa damit man at sukatPa’no ka pipigilanO buwang nakasinagBituing kumikislapSa bundok na’y kublihanSa hinamugang patagTugatog mong pinugad!
duplo Ang duplo ay isang tradisyonal na larong mala-dula na itina- tanghal kung may lamayan at tinatampukan ng mga maka- tang-bayan. Layunin nitong magbigay ng aliw sa naulila at makiramay, magbigay paran- gal sa kaluluwa ng yumao, at sa panig ng mga kalahok magpa- malas ng talas ng isip at husay sa pagbigkas ng tula. Hinahati sa dalawang pangkat ang mga kalahok, malimit alinsunod sa kasarian, isang hanay ang mga babae at tinatawag na “belyaka” at isa pang hanay ang mga lalaki at tinatawag na “belyako.” Nasa gitna at may trono ang “hari ,” at katabi ang “ministro” o “piskal.” Sa paglalaro, karaniwang nag-uumpisa ito sa pagbabando ng isang problema. Maaaring nawawala ang singsing ng Hari o ninakaw ang kulasisi ng Hari at pagbibintangan ang isa sa mga kalahok. Itatanggi siyempre ito ng napagbintangan at ipapasa sa ibang kalahok. Magpapatuloy ang bintangan hanggang may mahuli o magpahuli.
DALLOT
Bahagi ng tradisyong oral ng mga Ilokano ang dallot, isang uri ng paawit na sagutan. Sa ilang bayan, binabay- bay itong “dal-lot” o kaya “dalot.” Maaaring dalawa o hig- it pang mannallot ang maging bahagi ng isang dallot. Isi- nasagawa ang dallot upang magkaroon ng mas masaya at nakalilibang na sandal ang mga nagsisipagtipon. Karani- wang paksa ng dallot ang pag-ibig ng dalawang tao, kara- nasan ng taong hindi nasuklian ang pag-ibig na ibinibigay sa kaniyang kasintahan o kaya’y pag-ibig na hinding-hindi maabot. Sinisimulan ang bawat dallot sa mga linyang:
A, ta, dumadallotA, ta dallot, duminidallang
EPIKONG-BAYAN
• Si E. Arsenio Manuel ang nagpangalang epikong-bayan o folk epic sa sinauna’t mahahabang patulang salaysay sa Filipinas. Sa isang lektura noong 20 Hunyo 1962, sin- uri ni E.A. Manuel ang mga epikong-bayan na naitala na noon ng mga etnolingguwista at antropologo. Inuri niya ang mga epikong-bayan alinsunod sa mga may-aring pan- gkating etniko. Una, ang epikong-bayan ng mga Kristi- yano at pangunahing halimbawa ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano at siya ring kauna-unahang epikong-bayang naitala sa Filipinas.
• Ikalawa, ang epikong-bayan ng mga pangkating pagano at siyang lumilitaw na pinakamarami. Kabilang sa sinuri ni E.A. Manuel ang Hudhud ng mga Ifugaw, Ullalim ng mga Kalinga, Hinilawod ng mga Su- lod, Tuwaang ng mga Bagobo, Guman ng mga Subanun, Agyu ng mga Bukidnon.
• Ikatlo, ang epikong-bayan ng mga Muslim at kabilang dito ang Darangen ni Bantugen ng mga Meranaw.
• Inilatag ni E.A. Manuel ang sumusunod na mga pangu- nahing katangian ng isang epikong-bayan:
(1) salaysay na may sustenidong haba ,
(2) batay sa tradisyong pab- igkas,
(3) umiikot sa mga sobrenatural na pangyayari o mga gawaing pambayani,
(4) nasa anyong patula,
(5) na inihihimig o inaawit,
(6) may layuning seryo sa pagtitipon o pagpapatibay ng mga kapaniwalaan, mga kaugalian, mga mithi, o mga halagahan sa buhay ng sambayanan.”
Sa pamamagitan ng mga naturang pamantayan ay nata- lakay ni E.A. Manuel ang ilang maselang isyu hinggil sa mga napapabalitang epikong-bayan noon. Tinukoy niya halimbawa ang problema sa itinuturing na epiko ng mga Bikolano, ang Ibalon o Handiong na hanggang ngayon ay walang bersiyon sa Bikol; ang kontrobersiyal na Maragtas sa Panay; at ang mga maling pagtuturing sa ilang ritwal at mito bilang epikong-bayan.