Upload
fazonelamigs
View
229
Download
6
Embed Size (px)
DESCRIPTION
dahill jan sa what if na kaya maraming sawi sa pagibig
Citation preview
Purihin ninyo ang Panginoon,dakilain ang Kanyang Ngalan
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman.
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman
Nilikha N’ya ang langit at lupa.Nilikha N’ya ang araw at
buwan.Nilikha N’ya ang mga isda’t
ibon.Mga gubat at karagatan.
Tunay S’yang banal at dakila.Purihin ang Kanyang Ngalan.
Ang lahat ng likha N’ya’y mabuti.
Pinagyaman N’ya ng lubusan.
Purihin ninyo ang Panginoon,dakilain ang Kanyang Ngalan
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman.
Nilalang ng Panginoon ang tao,Sa sarili Niyang larawan.
Nilalang N’ya ang sangkatauhan,
Binigyan N’ya ng kalayaan.Tunay S’yang banal at dakila.Purihin ang Kanyang Ngalan.
Kahit nagkasala ang tao.Minahal N’ya pa rin ng
lubusan.
Purihin ninyo ang Panginoon,dakilain ang Kanyang Ngalan
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman.
Ito ang tipanan ni YahwehSa lahat ng kanyang nilalang
Ako ang Iyong PanginoonIkaw ang tanging kong hinirang
Tunay syang banal at dakila Purihin ang kanyang ngalanPinagpapala ang mga tao
Sa Kanya ay tapat kailanman
Purihin ninyo ang Panginoon,dakilain ang Kanyang Ngalan
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman.
Purihin S’ya ay awitanat papurihan
magpakailanman
At sumaiyo rin
Panginoon kaawaan Mo kami,Kristo kaawaan Mo kami,
Panginoon kaawaan Mo kami
Amen
Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,
sa kaitaasan.
At sa lupa’y kapayapaan,Sa mga taong
kinalulugdan Niya.Pinupuri ka namin,
dinarangal Ka namin,Sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka namin,
Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoon Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Panginoong HesukristoBugtong na Anak,Panginoong Diyos,Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama
Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,
sa kaitaasan.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, Maawa Ka,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, Tanggapin Mo
ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklokSa kanan ng Ama,
Maawa Ka, Maawa Ka sa amin.
Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,
sa kaitaasan.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang
KataastaasanIkaw lamang , O Hesukristo,
ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
D’yos Ama. Amen.
Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,Papuri sa Diyos,
sa kaitaasan.
Amen
Salamat sa Diyos
Salmong Tugunan:
Masaya tayong papasok sa
tahanan ng Poong D’yos!
I. Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon aypumasok tayo!”Sama-sama kamimatapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.
Salmong Tugunan:
Masaya tayong papasok sa tahanan ng
Poong D’yos!
II. Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang
magsambahan, ang hangad,ang Poon ay pasalamatan, pagkat ito’y utos na dapat gampanan.Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng
haring hahatol sa tanan.
Salmong Tugunan:
Masaya tayong papasok sa tahanan ng
Poong D’yos!
ALELUYA!
Pagpalain dumarating sa ngalan ng Poon natin, paghahari’y kanyang
angkin.
ALELUYA
At sumaiyo rin
Papuri sa iyo, Panginoon
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa
ng langit at lupa.
Sumasapalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo, ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,
nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amangmakapangyarihan
sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa banal na
Simabahang katolika, sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng mga nangamatay
na tao at sa buhay na walang
hanggan. Amen.
Panalangin ng Bayan:
Kristong Hari namin,Dinggin mo kami.
Amen
Aming hatid alay na ito ang tinapay na nagmula sa
pagpapala MoAt tanggapin
ang alak na ito inuming inihain sa ‘Yo
Mahal naming Diyos inyong tanggapin ang munting alay
mula sa aminBuong puso namin
hihintayin pagpapala na aming hiling
Aming hatid alay na ito ang tinapay na nagmula sa
pagpapala MoAt tanggapin
ang alak na ito inuming inihain sa ‘Yo
Mahal naming Diyos inyong tanggapin ang munting alay
mula sa aminBuong puso namin
hihintayin pagpapala na aming hiling
Mahal naming Diyos inyong tanggapin ang munting alay
mula sa aminBuong puso namin
hihintayin pagpapala na aming hiling
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong
mga kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan
niyang banal.
Amen
At sumainyo rin
Itinaas na namin sa
Panginoon
Marapat na
siya ay pasalamatan
Santo, Santo,SantoDiyos makapangyarihan
Langit at lupa’y napupuno ng iyong
kaluwalhatian
Hosana sa kaitaasan Pinagpala ang naparirito sa Ngalan ng Panginoon
Hosana sa kaitaasan
Ang kamatayan Mo, Panginoon ipinahahayag.
Ang muli Mong pagkabuhay
ay ipinag-diriwang. Hanggang sa muling
pagbabalik, Panginoon
AMEN
Ama Namin, sumasalangit Ka Sambahin ang
Ngalan MoMapasa-amin ang
kaharian Mo
Sundin ang loob MoDito sa lupa para ng sa
langit Bigyan Mo kami ng
aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami Sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kami Ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami
Sa lahat ng masama
Sapagkat sa Iyo nag-mumula ang kaharian,
kapangyarihan at kaluwalhatian
magpasawalanghanggan
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutanIpakaloob Mo sa amin
ang kapayapaan
Panginoon, hindi ako karapat dapat na
magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita
mo lamang ay gagaling na ako.
Ikaw O Diyos ay tunay na dakila
Sa’yong mga gawa’t salita O Amang may likha
Kami’y namamanghaPag-ibig an alok mo sa lahat.
Kahit kami’y hindi karapat-dapat
Tinawag mo pa rin kaming lahat
Sa iyo, O Ama kami’y nagkaisaNagpupuri ngayon ang aming
puso at kaluluwa
Dakila ka O PanginoonDakila rin ang iyong pag-ibig na handog
Dakila ka pagkat sa araw na ito
Tinawag mo kami upang maging anak mo.
Buhay ngayon sa aminang paghamon
Maging ilaw sa aming panahonO ama sa iyo dumudulog
ngayonAng bayan mong hinirang at Sa ngalan mo’y nagkatipon
Dakila ka O PanginoonDakila rin ang iyong pag-ibig na handog
Dakila ka pagkat sa araw na ito
Tinawag mo kami upang maging anak mo.
Dakila ka O PanginoonDakila rin ang iyong pag-ibig na handog
Dakila ka pagkat sa araw na ito
Tinawag mo kami upang maging anak mo.
PANALANGIN NG PAKIKIIISA SA PANAHON NG SAKUNA
AMA NAMING MAPAGMAHAL, BUONG PANANALIG NAMIN KINIKILALA ANG IYONG PAGKALINGA SA AMING IYONG MGA ANAK. BUONG PAG ASA KAMING NAGTITIWALA SA IYO KAGANDAHANG LOOB NA MAGBIBIGAY SA AMIN NG KARUNUNGAN AT KATATAGAN SA PAGHARAP NAMIN SA MGA HAMON NG BUHAY. BUONG PAG IBIG KAMING NAGSUSUMAMO NA KAMI’Y IYONG TULUNGAN AT GABAYAN SA MADILIM NA ARAWNG KAMATAYAN AT KAPINSALAAN SA AMING BAYAN ,
DULUTAN MO NG WALANG HANGGANG
KAPAYAPAAN ANG MGA TINAWAG MO UPANG IYO NANG MAKAPILING.YAKAPIN MO SA IYONG MGA BISIG ANG MGA BATANG PUMANAW SA KANILANG KAMUSMUSAN. ALIWIN MO ANG MGA NAMIMIGHATI. LINGAPIN MO ANG MGA NASASAKTAN AT HILUMIN MO ANG MGA MAY KARAMDAMAN. PALAKASIN MO ANG LOOB NG MGA NAGDURUSA SA PAG GUHO NG KANILANG MGA TAHANAN AT PANGARAP UPANG MAKABANGON AT MAPAGSIMULA MULI.
PAGPALAIN MO ANG MGA BUKAS PALAD NA
TUMULONG SA MGA NANGANGAILANGAN NG MAKAKAIN MAISUSUOT AT MASISILUNGAN, AT NAGBIBIGAY NG KANILANG MAAASAHANG KALINGA SA MGA NAWAWALA AT NALILITO. SA HUDYAT NG IYONG SALITA TUMATALIMA ANG HANGIN AT DAGAT, IUNAT MO ANG IYONG MAPAGPALANG KAMAY AT IPAG-ADYA KAMI SA MGA SAKUNA AT KASAMAAN.
TURUAN MO KAMING MAPAGKAKATIWALAAN
TAGAPANGALAGA NG IYONG SANG NILIKHA. NGAYONG PANAHON NG KRISIS, HIMUKIN MO KAMING, LALO PANG MAGBAHAGI, MAGLINGKOD AT MAGMAHAL. AT ESPIRITU SANTA NAWA ANG MAGPANIBAGO SA AMING AT SA AMING BAYAN. HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN NI KRISTONG AMING PANGINOO. AMEN
MARIA, INA NG PAG ASA , IPANALANGIN MO
KAMI. SAN JOSE, IPANALANGIN MO KAMI. SAN LORENZO RUIZ, IPANALANGIN MO KAMI. SAN PEDRO CALUNGSOD, IPANALANGIN MO
KAMI. BEATO JOSE MARIA DE MANILA, IPANALANGIN
MO KAMI.
At sumaiyo rin
Amen
Salamat sa Diyos
Umawit nang sama-sama Magpasalamat tayo sa Kanya
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha
Sa pag-ibig sa pag-asaSa biyaya at ligaya
Magpasalamat sa Kanya Sa mabuting Niyang balita
Umawit nang sama-sama Magpasalamat tayo sa Kanya
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha
Sa saganang pang-unawa Sa ma-susing pagkalinga Magpasalamat sa Kanya
Sa handog Niyang kaligatasan
Umawit nang sama-sama Magpasalamat tayo sa Kanya
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha
Sa Dalanging kaayusan Sa mithiing kapayapaan Magpasalamat sa Kanya Sa pangakong kaligtasan
Umawit nang sama-sama Magpasalamat tayo sa Kanya
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha