1.Edukasyong Pagpapalakas Maayos V

Embed Size (px)

DESCRIPTION

first Grading Period

Citation preview

I. LayuninNaisasagawa nang maayos ang mga pang araw-araw na Gawain na sinusunod ang mga alituntunin sa wastong tindig, ayos at tikas ng katawan nang may kasiyahan.

II. A.Paksang AralinMaayos na Pagdala ng Kagamitan sa Paaralan B. Sanggunian: Magpalakas at Umunlad pp 10-12 C. Kagamitan: larawan ng ibat-iabang pososyon sa pagdala ng mga kagamitan sa paaralan.III. Mga Gawain

A. Pampasiglang Gawain

Bilang Paghahanda sa pagtatalakay sa aralin,ipagawa ang mga sumusunod:

1. Tumayo nang tuwid at ulagay ang mga kamay sa tagiliran.2. Itaas ang kamay pasulong sa pantay balikat.3. Ilagay ang mga kamay sa balikat na pantay ang siko sa balikat.4. Ilagay nang magkadikit ang mga kamay sa batok na pantay balikat ang siko.5. Ilagay ang mga kamay sa tagiliran. ( Ulitin ang lahat ng 16 na bilang )

B. Panlinang na Gawain

1.PagganyakPagpapakita ng ibat ibang larawan ng ibat-ibang posisyon ng mga bata sa maayos na paghila,pagtulak, pagbuhat at pagkuha ng isang bagay sa mataaas at mababang lugar. Pagusapan ang mga larawan.

2.Paglalahad ng Aralin

a. Ipapanood ang video ng Tamang tikas ng Katawan.- Saan ang bigat ng katawan sa pagtulak at paghila ng isang bagay?- Saan ang bigat ng katawan sa pagkuha ng isang bagay?- Ano ang mangyayari sa katawan kung makaugalian ang pagbubuhat ng mabigat na bagay sa maling paraan; sa tamang paraan?b. Pagsasagawa ng mga bata ng sumusunod:1. pagdampot ng isang bagay sa sahig.2.Pagkuha ng isang bagay sa mataas at mababang lugar.3. Paghila at pagtulak ng bag na may gulong.4.Pagdadala ng mga kagamitan sa paaralan5.Pagdadala ng bag.C. Pamamahingang GawainPabilisan ang pangkat A at B sa pagsasagawa ng ibat ibang kasanayan.

III. Pagpapahalagaa. Isulat sa patlang kung pagkuha,pagupo,o pagbuhat ang kasanayanng dapat gamitin sa mga Gawain nakasaad.1. Pagkuha ng gamit mula sa sahig.2. Pagaayos ng gamit mula sa upuan.3. Pag uurong ng isang bagay .4. Pag uurong ng isang bagay na pasulong.5. Pagkuha ng lapis sa hapag aralan mula sa upuan.

IV. Puna / Kasunduan

Ang mga bata ay nagsagawa nang maayos na Gawain.Mangako na sa pag-uwi ninyo at sa pagpasok sa paaralan ay titingnan ninyo ang inyong sarili at kamag-aral kung wasto ang pagdadala ng mga kagamitan sa paaralan.