30
107 Ama, basbasan din ninyo ako.” At huma- gulgol si Esau. 39 Kaya sumagot si Isaac na kanyang ama: “Titira kang malayo sa kasaganaan ng lupa, malayo sa hamog ng langit. 40 Mabubuhay ka sa patalim at pagliling- kuran mo ang iyong kapatid. Ngunit ka- pag ninais mo, maaalis mo ang kanyang pamatok sa batok mo.” Tumago si Jacob sa bahay ni Laban 41 Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa bendis- yong ipinagkaloob dito ng kanyang ama, at naisaloob niyang “Malapit na ang pagluluksa para sa aking ama. Saka ko papatayin ang aking kapatid na si Jacob.” 42 Nang malaman ni Rebeca ang banta ni Esau na kanyang panga- nay, ipinatawag niya si Jacob na kanyang bunso at sinabi rito: “Gustong gumanti sa iyo ng iyong Kuya Esau, at papatayin ka niya. 43 Kaya pa- kinggan mo ako, anak ko, tumakas ka ngayon din at pumunta kay Labang kapatid kong nasa Haran. 44 Ilang panahon ka munang tumira sa kanya hanggang humupa ang poot ng iyong kuya. 45 At kapag hindi na siya galit at nalimutan na ang ginawa mo sa kanya, ipasusundo kita para makabalik dito. Bakit kailangang mawala kayong dalawa sa akin sa iisang araw?” 46 Sinabi naman ni Rebeca kay Isaac: “Naka- kaaburido na ang mga Heteang iyan! Ano pa’ng halaga ng buhay kung isa rin lang Heteang tulad nila ang mapapangasawa ni Jacob sa lupaing ito!” 1 Ipinatawag ni Isaac si Jacob at binas basan siya at iniutos: “Huwag kang mag-aasawa ng isang Kananea. 2 Magpunta ka sa Padan-Aram, sa bahay ni Batuel na ama ng iyong ina, at doon ka humanap ng mapapa- ngasawa mula sa mga anak ni Laban na ka- patid ng iyong ina. 3 Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, gawin kang ma- bunga at paramihin ang iyong lipi upang ikaw ay maging pagtitipon ng mga bansa. 4 Ipag- kaloob nawa niya sa iyo at sa iyong mga inapo ang pagpapala ni Abraham upang masakop mo ang lupaing tinitirhan mo ngayon na ibinigay ng Diyos kay Abraham.” 5 Pinaalis na ni Isaac si Jacob, at nagpunta nga ito sa Padan-Aram, kay Labang anak ng Arameong si Batuel at kapatid ni Rebecang ina nina Jacob at Esau. 6 Nakita ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan-Aram upang doon humanap ng mapapangasawa, at sa pagbabas- bas sa kanya ay iniutos na “Huwag kang mag- aasawa ng Kananea.” 7 At sa pagsunod sa kan- yang ama at ina, nagpunta nga si Jacob sa Padan-Aram. 8 Naunawaan ni Esau na hindi kasiya-siya sa kanyang amang si Isaac ang mga babaeng Kananea. 9 Kaya pinuntahan niya si Ismael at kinuhang asawa – bukod sa kanyang mga asawa na – si Majalat na anak ni Ismael na anak ni Abraham at kapatid ni Nebaiot. Panaginip ni Jacob 10 Umalis si Jacob sa Berseba patu- ngong Haran. 11 Pagdating niya sa isang lugar, tumigil siya roon dahil lubog na ang araw, at doon pinalipas ang gabi. Kinuha niya ang isa sa mga bato roon at inunan, at nahiga siya para matulog. 12 Nang natutulog na si Jacob, nana- ginip siya na may nakatindig na hagdan 28.10 Umalis si Jacob sa Berseba patungong Haran. Umalis si Jacob para maghanap ng trabaho at asawa sa lupain ng kanyang mga ninuno. Nagkaroon siya sa daan ng isang pangitain sa pagpapanibagong- tipan sa kanya ng Diyos. Kaiba kay Abraham na tinawag ng Diyos nang siya’y matanda na’t alam na ang kahalagahan ng buhay, si Jacob ang taong unti-unting namumulat sa kanyang bokasyon. Una, binili niya kay Esau ang karapatan nito ng pagkapanganay sapagkat hinusgahan niya ito at itinuring na iresponsable. Ngunit hindi pa rin niya alam ang presyo ng pagpapala ng Diyos sa kanyang mga ninuno. Pagkatapos ay kailangang palakasin ng kan- yang ina ang loob niya para makipagsapalaran siyang nakawin ang bendisyon. Nagpakumbinsi siya at sa huli na lamang niya naunawaan ang resulta ng kanyang ginawa: kailangang tumakas siya para mailigtas ang kanyang buhay. Subalit kung kailan kailangang harapin ni Jacob ang mapanganib na buhay ng isang dayuhan at takas, saka niya nakatagpo ang Diyos at sa unang pagkakatao’y nagising siya sa kanyang responsabilidad: sa mundo’y siya ang nag-iisang tagapagdala ng mga pangako ng Diyos. Responsable ang taong alam na may panana- gutan siya at kayang panagutan ang kanyang mga kilos. Naiintindihan ni Jacob na dapat siyang managot sa Diyos na humirang sa kanya. Talaga palang nasa lugar na ito si Yawe. Nag-iisa at walang kalaban-laban si Jacob sa pagtulog niya, malapit sa isang lunsod ng mga banyaga. Ngunit muling pinagtitibay ng Diyos sa kanya ang mga pangakong binitiwan nito sa kanyang mga ninuno at tinitiyak ang kanyang pangangalaga: mapapasaiyo balang araw ang lupang ito. Ito ang Pinto ng Langit. Nakita ni Jacob na bukas ang langit at bumubuo ng buhay na tulay ang mga 28 GENESIS 28

107 GENESIS 28 - Bible Claret TESTAMENT/1-An… · 39 Kaya sumagot si Isaac na kanyang ama: “Titira kang malayo sa ... ang langit at bumubuo ng buhay na tulay ang mga 28 GENESIS

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

107

Ama, basbasan din ninyo ako.” At huma-gulgol si Esau.

39 Kaya sumagot si Isaac na kanyangama: “Titira kang malayo sa kasaganaanng lupa, malayo sa hamog ng langit.40 Mabubuhay ka sa patalim at pagliling-kuran mo ang iyong kapatid. Ngunit ka-pag ninais mo, maaalis mo ang kanyangpamatok sa batok mo.”Tumago si Jacob sa bahay ni Laban

41 Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa bendis-yong ipinagkaloob dito ng kanyang ama, atnaisaloob niyang “Malapit na ang pagluluksapara sa aking ama. Saka ko papatayin ang akingkapatid na si Jacob.” 42 Nang malaman niRebeca ang banta ni Esau na kanyang panga-nay, ipinatawag niya si Jacob na kanyang bunsoat sinabi rito: “Gustong gumanti sa iyo ng iyongKuya Esau, at papatayin ka niya. 43 Kaya pa-kinggan mo ako, anak ko, tumakas ka ngayondin at pumunta kay Labang kapatid kong nasaHaran. 44 Ilang panahon ka munang tumira sakanya hanggang humupa ang poot ng iyongkuya. 45 At kapag hindi na siya galit at nalimutanna ang ginawa mo sa kanya, ipasusundo kitapara makabalik dito. Bakit kailangang mawalakayong dalawa sa akin sa iisang araw?”

46 Sinabi naman ni Rebeca kay Isaac: “Naka-kaaburido na ang mga Heteang iyan! Ano pa’nghalaga ng buhay kung isa rin lang Heteangtulad nila ang mapapangasawa ni Jacob salupaing ito!”

1 Ipinatawag ni Isaac si Jacob at binasbasan siya at iniutos: “Huwag kang

mag-aasawa ng isang Kananea. 2 Magpunta ka

sa Padan-Aram, sa bahay ni Batuel na ama ngiyong ina, at doon ka humanap ng mapapa-ngasawa mula sa mga anak ni Laban na ka-patid ng iyong ina. 3 Pagpalain ka nawa ngMakapangyarihang Diyos, gawin kang ma-bunga at paramihin ang iyong lipi upang ikaway maging pagtitipon ng mga bansa. 4 Ipag-kaloob nawa niya sa iyo at sa iyong mga inapoang pagpapala ni Abraham upang masakop moang lupaing tinitirhan mo ngayon na ibinigayng Diyos kay Abraham.”

5 Pinaalis na ni Isaac si Jacob, at nagpuntanga ito sa Padan-Aram, kay Labang anak ngArameong si Batuel at kapatid ni Rebecang inanina Jacob at Esau.

6 Nakita ni Esau na binasbasan ni Isaac siJacob at pinapunta sa Padan-Aram upang doonhumanap ng mapapangasawa, at sa pagbabas-bas sa kanya ay iniutos na “Huwag kang mag-aasawa ng Kananea.” 7 At sa pagsunod sa kan-yang ama at ina, nagpunta nga si Jacob saPadan-Aram. 8 Naunawaan ni Esau na hindikasiya-siya sa kanyang amang si Isaac ang mgababaeng Kananea. 9 Kaya pinuntahan niya siIsmael at kinuhang asawa – bukod sa kanyangmga asawa na – si Majalat na anak ni Ismael naanak ni Abraham at kapatid ni Nebaiot.

Panaginip ni Jacob• 10 Umalis si Jacob sa Berseba patu-

ngong Haran. 11 Pagdating niya sa isanglugar, tumigil siya roon dahil lubog na angaraw, at doon pinalipas ang gabi. Kinuhaniya ang isa sa mga bato roon at inunan,at nahiga siya para matulog.

12 Nang natutulog na si Jacob, nana-ginip siya na may nakatindig na hagdan

• 28.10 Umalis si Jacob sa Berseba patungongHaran. Umalis si Jacob para maghanap ng trabaho atasawa sa lupain ng kanyang mga ninuno. Nagkaroonsiya sa daan ng isang pangitain sa pagpapanibagong-tipan sa kanya ng Diyos.

Kaiba kay Abraham na tinawag ng Diyos nang siya’ymatanda na’t alam na ang kahalagahan ng buhay, siJacob ang taong unti-unting namumulat sa kanyangbokasyon. Una, binili niya kay Esau ang karapatan nitong pagkapanganay sapagkat hinusgahan niya ito atitinuring na iresponsable. Ngunit hindi pa rin niya alamang presyo ng pagpapala ng Diyos sa kanyang mganinuno. Pagkatapos ay kailangang palakasin ng kan-yang ina ang loob niya para makipagsapalaran siyangnakawin ang bendisyon. Nagpakumbinsi siya at sa hulina lamang niya naunawaan ang resulta ng kanyangginawa: kailangang tumakas siya para mailigtas angkanyang buhay.

Subalit kung kailan kailangang harapin ni Jacob angmapanganib na buhay ng isang dayuhan at takas, sakaniya nakatagpo ang Diyos at sa unang pagkakatao’ynagising siya sa kanyang responsabilidad: sa mundo’ysiya ang nag-iisang tagapagdala ng mga pangako ngDiyos. Responsable ang taong alam na may panana-gutan siya at kayang panagutan ang kanyang mgakilos. Naiintindihan ni Jacob na dapat siyang managotsa Diyos na humirang sa kanya.

Talaga palang nasa lugar na ito si Yawe. Nag-iisaat walang kalaban-laban si Jacob sa pagtulog niya,malapit sa isang lunsod ng mga banyaga. Ngunitmuling pinagtitibay ng Diyos sa kanya ang mgapangakong binitiwan nito sa kanyang mga ninuno attinitiyak ang kanyang pangangalaga: mapapasaiyobalang araw ang lupang ito.

Ito ang Pinto ng Langit. Nakita ni Jacob na bukasang langit at bumubuo ng buhay na tulay ang mga

28

GENESIS 28

108

sa lupa na abot-langit ang tuktok, atakyat-panaog doon ang mga anghel ngDiyos. 13 At nakatayo sa tabi niya si Yaweat sinabi sa kanyang “Ako si YawengDiyos ni Abraham na iyong ama at Diyosni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa iyongmga inapo ang lupang tinutulugan mo.14 Matutulad sa alabok ng lupa ang iyongmga inapo at kakalat ka sa kanluran at sasilangan, sa hilaga at sa timog. At maki-kita ng lahat ng bansa sa lupa ang akingpagpapala sa pamamagitan mo at ngiyong inapo. 15 Tingnan mo, ako’y suma-saiyo at lagi kitang iingatan saan ka manpumunta. Ibabalik kita sa lupaing ito athindi kita iiwan hanggang hindi ko natu-tupad ang aking ipinangako.”

16 Nagising si Jacob at kanyang sinabi:“Talaga palang nasa lugar na ito si Yawepero hindi ko alam.” 17 Natakot siya atsinabi: “Nakakatakot ang lugar na ito!

Ito’y walang iba kundi ang Bahay ngDiyos at Pinto ng Langit!”

18 Maagang gumising si Jacob at kinu-ha niya ang batong kanyang inunan atitinayo iyon bilang haligi at binusan ito nglangis. 19 Pinangalanan niyang Betel anglugar na iyon na dating tinatawag na Luz.20 At sumumpa si Jacob: “Kung sasaakinsi Yawe at pangangalagaan niya ako sapaglalakbay kong ito, at bibigyan ako ngtinapay na makakain at damit na maisu-suot, 21 at pababalikin akong maluwalhatisa bahay ng aking ama, at magpapaka-diyos para sa akin si Yawe, 22 magigingbahay ng Diyos ang batong ito na itinayoko bilang haligi at ibabalik ko ang ikapung lahat ng ibinibigay mo sa akin.”

Si Jacob sa bahay ni Laban• 1 Nagpatuloy si Jacob at dumating salupain sa silangan. 2 Nakita niya roon ang

anghel ng Diyos sa gitna ng langit at lupa: ito anglarawan ng pakikipagniig sa Diyos na bigong hi-nahanap ng mga tao sa iba’t iba nilang relihiyon.Makapagbibigay sa atin ang mga ito ng ilang panlabasna kaalaman tungkol sa Diyos at mabibigyang-kasiyahan ang ating likas na damdaming relihiyoso.Subalit gaano man isaloob ng taong makasalanan angpaghahanap niya sa Diyos, hindi pa rin siya mata-tagpuan sa kaibuturan ng kanyang sarili sa tuwiran atpersonal na pagtatagpo.

Si Kristo ang tanging tulay sa pagitan ng Diyos at ngmga tao: ang Anak ng Diyos na naging tao, parehongDiyos at tao. At sa pagtukoy sa tekstong ito (Jn 1:15),ipahahayag ni Jesus na siya mismo ang Pinto ngLangit, dahil sa kanya niyakap ng Diyos ang sangka-tauhan.

Pinangalanan niyang Betel ang lugar na iyon.Matutunghayan natin dito tulad sa naunang mgakabanata ang mga popular na alamat. Bahay ng Diyosang ibig sabihin ng Betel at pinalalabas ng sumulat ngBiblia na si Jacob ang nagpangalan sa lugar na ito patina ang kaugalian ng pagbabayad ng ikapu sa templong Betel.

MGA PANAGINIP

Nakatatawag-pansin sa ating lahat ang mgapanaginip at sinisikap nating bigyang-kahuluganang mga iyon. At mas madalas e wala namangipinahahayag na anuman ang mga ito kundi nag-papahiwatig lamang ng nangyayari sa kaloobannatin, sa ating “subconscious”, ng hindi natin na-lalaman nang malinaw tungkol sa ating espiritu.Magagamit ng sikolohiya ang mga panaginip para

madiskubre ang mga bakas o mga sugat na hatid ngkahapon.

Maaari ring magpahiwatig o maghayag ng mgakutob at sapantaha ang mga panaginip. Ipinaki-kita sa atin ng Biblia na ginagamit ng Diyos (o ngkanyang mga anghel) ang mga panaginip paramakipag-usap sa atin. Dito tinatanggap ng Diyosang tao kung ano siya at isinasaalang-alang angkanyang pag-iisip. Sa resulta malalaman kung angDiyos nga ang nakikipag-usap sa panaginip. Sinabini Jesus: “Sa bunga nakikilala ang puno.” Sa gayongmga pagkakataon, ang Diyos mismo ang nagbibigayng paliwanag: hindi natin kailangang maghanap pao pumunta kaninuman at iniiwan niya tayong mayganap na kapanatagan.

Para sa mga taong may dinalisay at malalim napananampalataya, hindi nila masyadong pinahaha-lagahan ang mga panaginip tulad ng pagpapa-halaga ng mga sambayanan noong unang panahonsa Biblia. Alam din natin na ang Espiritu ng Kadi-liman ay makapagpapanggap bilang anghel (2 Cor11:14). Kung ngayo’y malaking bahagi ng sangka-tauhan ang parang umaasa sa mga panaginip parasa kanilang direksyon sa buhay, wala itong kinala-man sa pananampalataya. Sa Biblia, bukod sa mgapagtatakwil at pagtuligsa sa Dt 18:10, mababasa rinnatin sa Jer 29:8 ang pagbatikos sa mga nakapa-nanaginip sa gusto nilang mapanaginipan. Tingnandin sa Sir 34:1.

• 29.1 Inilalahad ng mga kabanata 29-31 si Jacobbilang masipag at tusong trabahador na nagtitiwala samga pangako ng Diyos. Nagtagumpay siya sa wakas,hindi talaga dahil sa sariling pagsisikap kundi sa pag-papala ng Diyos ng kanyang mga ninuno.

GENESIS 28

29

109

isang balon na may tatlong kawan ng mga tupasa malapit. Sa balong ito pinaiinom ang mgakawan, at may isang malaking tipak ng bato nanakaharang sa balon. 3 Kapag naroon na angbuong kawan, pagugulungin ng mga pastol angbatong nakaharang sa balon, paiinumin angmga kawan at saka muling ihaharang ang batosa bunganga ng balon.

4 Nagtanong si Jacob sa mga pastol: “Mgakapatid, taga-saan kayo?” Sumagot ang mgaito: “Taga-Haran kami.” 5 At sinabi naman niya:“Kilala ba ninyo si Labang apo ni Nahor?”Sumagot ang mga pastol: “Oo, kilala naminsiya.” 6 At itinanong ni Jacob: “Mabuti ba namanang lagay niya?” Sumagot ang mga ito: “Oo,mabuti naman. At hayan si Raquel na anak niya,kasama ang mga tupa!”

7 At sinabi ni Jacob: “Tingnan ninyo, mataaspa ang araw, hindi pa oras para tipunin ang mgakawan. Painumin na ninyo ang mga tupa atdalhin sila sa pastulan.” 8 Ngunit sinabi ng mgapastol: “Hindi namin magagawa ’yon hangganghindi natitipon dito ang buong kawan at na-pagulong na ang batong nasa bunganga ngbalon. Saka pa lamang namin mapaiinom angmga tupa.”

9 Nakikipag-usap pa si Jacob sa kanila nangdumating si Raquel kasama ang mga tupa ngkanyang ama sapagkat siya ay isang pastol.10 Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak niLabang kapatid ng kanyang ina, lumapit siya sabalon at pinagulong ang bato mula sa bungangang balon at pinainom ang mga tupa ni Labangtiyo niya. 11 At hinalikan ni Jacob si Raquel atumiyak nang malakas.

12 Sinabi ni Jacob kay Raquel na kamag-anaksiya ng ama nito at anak ni Rebeca, at tumakbonaman ito para ipagbigay-alam sa kanyangama. 13 Nang malaman ni Laban ang tungkolkay Jacob na anak ng kanyang kapatid, pa-takbo niyang sinalubong iyon. Pagkataposniyang yakapin at halikan si Jacob, pinatuloyniya ito sa kanyang bahay. Isinalaysay ni Jacobsa kanya ang lahat ng nangyari. 14 At sinabi niLaban: “Talaga ngang ikaw ay aking laman atdugo!” At tumigil doon si Jacob nang isangbuwan.

Dalawang pag-aasawa ni Jacob15 Sinabi ni Laban kay Jacob: “Huwag mong

sabihing maglilingkod ka sa akin nang libredahil kamag-anak kita. Sabihin mo, magkanoang suweldong gusto mo?”

16 May dalawang anak na dalaga si Laban:Lea ang pangalan ng panganay at Raquelnaman ang pangalan ng bunso. 17 Walang

ningning ang mga mata ni Lea, ngunit magandaang katawan at mukha ni Raquel at kaakit-akit.18 Nagkagusto si Jacob kay Raquel at sinabiniya: “Maglilingkod ako sa inyo nang pitongtaon bilang kapalit ng bunso ninyong anak na siRaquel.” 19 Sumagot si Laban: “Mas mabutingang sa iyo ko siya ibigay kaysa iba; manatilika ritong kasama ko.”

20 Kaya pitong taong nagtrabaho si Jacobpara mapasakanya si Raquel ngunit parangilang araw lamang iyon sa kanya dahil mahalniya si Raquel. 21 At sinabi ni Jacob kay Laban:“Ibigay na ninyo sa akin ang aking asawasapagkat tapos ko na ang aking taning, gusto kona siyang makasama.” 22 Kaya inanyayahan niLaban ang lahat ng tagaroon at naghanda nangmalaki. 23 Ngunit kinagabihan, ang anak niyangsi Lea ang pinapasok niya kay Jacob, atnakipagtalik naman dito si Jacob.

24 Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyangaliping si Zelfa bilang utusan.

25 Kinaumagahan – siya pala si Lea! Kayasinabi niya kay Laban: “Ano ang ginawa ninyosa ’kin? Hindi ba’t naglingkod ako dahil kayRaquel? Ba’t ninyo ’ko nilinlang?” 26 Sinabi niLaban: “Hindi namin kaugalian na ipakasal angbunso nang una sa panganay. 27 Tapusin momuna ang pagdiriwang ng kasal, at ibibigay korin sa iyo ang aking bunsong anak. Ngunitkailangang maglingkod ka sa akin nang pitongtaon pa.” 28 Sumang-ayon si Jacob, at pagkata-pos ng isang linggo sa piling ni Lea, ibinigay sakanya ni Laban ang anak na si Raquel upangmaging asawa niya.

29 Ibinigay naman ni Laban kay Raquel angaliping si Bila bilang utusan niya. 30 Nakipag-talik din si Jacob kay Raquel, at mas minahalniya si Raquel kaysa kay Lea. At nagpatuloysiyang magtrabaho para kay Laban nang pitongtaon pa.

Mga anak ni Jacob31 Nang makita ni Yawe na hindi minamahal

si Lea, pinapanganak niya ito; ngunit baognaman si Raquel. 32 Nabuntis si Lea at nagka-anak ng isang lalaki na pinangalanan niyangRuben dahil sinabi niyang “Nakita nga ni Yaweang aking kahihiyan. Tiyak na mamahalin naako ngayon ng aking asawa.” 33 Muli siyangnaglihi at nagkaanak ng isa pang lalaki, at sinabiniyang “Narinig ni Yawe na ako’y binabale-wala,kaya ipinagkaloob din niya sa akin ang anak naito.” At pinangalanan niya iyon ng Simeon.34 Naglihi na naman siya at nanganak ng isapang lalaki, at kanyang sinabi: “Mas magu-gustuhan na ako ngayon ng aking asawa

GENESIS 29

110

sapagkat nabigyan ko siya ng tatlong anak nalalaki.” Kaya pinangalanan niyang Levi angsanggol. 35 Muli siyang naglihi at nagkaanak nanaman ng isang lalaki, at sinabi niya: “Pupurihinko si Yawe sa pagkakataong ito.” Kaya pina-ngalanan niyang Juda ang bata. Pagkatapos ayhindi na siya nagkaanak.

1 Nanaghili si Raquel sa kanyang kapatiddahil hindi niya mabigyan ng anak si

Jacob, at sinabi niya: “Bigyan mo ako ng anak,o mamamatay ako.” 2 Nagalit si Jacob sa kanyaat sinabi: “Ako ba ang Diyos na nagkait sa iyo ngmga anak?” 3 At sinabi niya: “Hayan ang akingaliping si Bila; makipagtalik ka sa kanya upangmanganak siya sa aking mga tuhod at magingakin ang anak.” 4 At ibinigay niya ang kanyangaliping si Bila kay Jacob bilang asawa. At na-kipagtalik si Jacob sa kanya. 5 Nabuntis si Bila atnagkaanak kay Jacob ng isang lalaki. 6 At sinabini Raquel: “Binigyang-katarungan din ako ngDiyos! At pinakinggan niya ang aking tinig atbinigyan ako ng anak na lalaki.” Kaya pina-ngalanan niyang Dan ang sanggol. 7 Naglihi nanaman si Bilang alipin ni Raquel at nagkaanakng ikalawang lalaki kay Jacob, 8 at sinabi niRaquel: “Nakipaglaban ako nang mahigpit saaking kapatid at nagtagumpay ako!” Kayapinangalanan niya itong Neftali.

9 Nang hindi na nanganganak si Lea, ibinigayniya ang kanyang aliping si Zelfa kay Jacobbilang asawa. 10 Nagkaanak ng lalaki si Zelfakay Jacob. 11 Sinabi ni Lea: “Napakasuwerteko!” kaya pinangalanan niya siyang Gad.12 Nag-anak ng isa pang lalaki kay Jacob siZelfang alipin ni Lea. 13 At sinabi ni Lea: “Na-pakasaya ko! Tatawagin akong masaya ng mgababae,” kaya pinangalanan niyang Aser angsanggol.

14 Panahon ng anihan ng trigo, at lumabas sakaburulan si Ruben at nakakita siya ng mgamansanitas na ligaw na dinala niya sa kanyanginang si Lea. Sinabi ni Raquel kay Lea: “Bigyanmo naman ako ng kaunting mansanitas na ligawna dala ng iyong anak!” 15 Ngunit sumagot siLea: “Hindi pa ba sapat na agawin mo ang akingasawa at gusto mo pang kunin ngayon angdalang mansanitas ng aking anak?” Kaya sinabini Raquel: “Sige, sa iyo sisiping si Jacob ma-mayang gabi bilang kapalit ng mga mansanitasng iyong anak.” 16 Kinahapunan, pag-uwi niJacob mula sa bukid, sinalubong siya ni Lea atsinabi: “Matutulog kang kasiping ko ngayonggabi sapagkat inarkila kita ng mga mansanitasng aking anak!”

Kaya nakipagtalik si Jacob sa kanya nanggabing iyon. 17 Dininig ng Diyos si Lea at na-buntis siya at nagkaanak ng ikalimang lalakikay Jacob. 18 Sinabi ni Lea: “Ginantimpalaanako ng Diyos sapagkat ibinigay ko sa akingasawa ang aking alipin.” Pinangalanan niyangIsacar ang sanggol. 19 Nagkaanak ng isa panglalaki si Lea kay Jacob. 20 At sinabi niyang:“Napakagandang regalo ng Diyos! Tiyak na saakin na pipisan ngayon ang aking asawasapagkat nabigyan ko siya ng anim na anak.”Pinangalanan niya itong Zabulon. 21 Nang lu-maon, nanganak siya ng isang babae at pina-ngalanan niyang Dina.

22 At inalala rin ng Diyos si Raquel na nana-langin na siya’y maging ina. 23 Nabuntis siya atnagsilang ng isang lalaki. Sinabi niya: “Inalis ngDiyos ang aking kahihiyan.” 24 Pinangalananniyang Jose ang sanggol, at sinabing “Dagda-gan pa sana ako ni Yawe ng isa pang anak nalalaki.”

Iba pang mga kuwento

25 Pagkapanganak ni Raquel kay Jose, sinabini Jacob kay Laban: “Pauwiin na ninyo ako saaking sariling bayan. 26 Ibigay ninyo sa akin angaking mga asawa at mga anak na dahilan ngpaglilingkod ko sa inyo. Alam naman ninyokung paano ako nagtrabaho para sa inyo.”27 Sinabi ni Laban: “Pagbigyan mo pa ako, hu-wag ka munang umalis. Sapagkat nalamankong pinagpala ako ni Yawe dahil sa iyo.” 28 Atidinugtong niya: 29 “Sabihin mo kung magkanoang gusto mo at ibibigay ko sa iyo.” Sinabi niJacob: “Alam ninyo kung paano ko kayo pinag-lingkuran at kung paanong dumami ang inyongmga tupa sa pag-aalaga ko. 30 Napakalaki naang inilago ng kaunti ninyong ari-arian bago akodumating, at pinagpala kayo ni Yawe. Kailan paako makapagtatrabaho sa aking sambahayan?”31 Itinanong ni Laban: “Ano ang maibibigay kosa iyo?”

Sumagot si Jacob: “Wala kayong dapat ibi-gay sa akin. Ngunit kung gagawin ninyo angsasabihin ko, patuloy kong aalagaan ang inyongkawan. 32 Pipilian ko ngayon ang inyong kawanat ibubukod ko ang lahat ng tupa at kambing naitim, guhitan at may batik. Ang mga iyon angmagiging upa ninyo sa akin. 33 Mapapatunayanninyo ang katapatan ko bukas kung susuriinninyo ang aking upa. At maituturing ninyongnakaw ang lahat ng kambing na walang batik otagpi at ang hindi itim na tupa na makikita ninyosa aking pag-aari.” 34 Sinabi ni Laban: “Sang-ayon ako. Gawin natin ang iyong sinabi.”

GENESIS 29

30

11135 Nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban

ang mga barako at inahing kambing na maytagpi o guhit, lahat ng may batik na puti at lahatng itim na tupa. Ibinigay niya ang mga iyon sakanyang mga anak. 36 At pinapunta niya samalayo si Jacob – mga tatlong araw na lakadang layo. Patuloy na ipinastol ni Jacob angnatira sa mga kawan ni Laban. 37 Nang mag-kagayo’y pumutol si Jacob ng mga sariwangsanga ng mga puno ng almond, kakawate atestorake. Kinayasan niya ang mga ito paramagkaguhit ng puti. 38 At inilagay niya ang mgasanga sa inuman ng mga hayop upang makitang mga iyon tuwing iinom. 39 Sa pag-aasawahanng mga hayop sa harap ng mga sanga, nag-kakaanak ang mga iyon ng mga may guhit,batik o tagpi. 40 At ibinukod niya ang mga batangtupa ngunit ang iba’y pinaharap niya sa mgahayop na may guhit, batik o tagpi na pag-aari niLaban, kaya nakabuo siya ng sariling kawanginihiwalay niya sa mga kawan ni Laban. 41 Satuwing mag-aasawahan ang malulusog nahayop, inilalagay ni Jacob ang mga kinayasangsanga sa inuman para makita iyon ng mga ito.42 Ngunit kapag mahihina, hindi niya inilalagayroon ang mga sanga, kaya mahihina angnapupunta kay Laban samantalang kay Jacobang malalakas. 43 Kaya naging napakayamanniya – mayamang-mayaman – at nagkaroonsiya ng napakaraming inahing tupa, maramingaliping babae at lalaki, at mga kamelyo at mgaasno.

Umuwi si Jacob sa sariling bayan1 Napag-alaman ni Jacob na sinasabing mga anak ni Laban: “Kinamkam ni

Jacob ang lahat ng ari-arian ng ating ama, atnakapagpayaman siya.” 2 At napansin ni Jacobna hindi na tulad nang dati ang pagtingin sakanya ni Laban.

3 At sinabi ni Yawe kay Jacob: “Umuwi ka nasa bayan mo, sa lupain ng iyong mga ninuno.Ako ay sasaiyo.” 4 Ipinatawag ni Jacob sinaRaquel at Lea sa bukid na kinaroroonan ngkanyang mga kawan. 5 Sinabi ni Jacob sakanila: “Nakikita kong nagbago na ang pagti-ngin sa akin ng inyong ama, ngunit sumasaakinang Diyos ng aking ama. 6 Alam ninyong ubos-lakas kong pinaglingkuran ang inyong ama.7 Ngunit dinaya niya ako at makasampung ulitna pinalitan ang aking sahod. Subalit hindiipinahintulot ng Diyos na pinsalain niya ako.8 Kapag sinasabi niyang – Ang mga may tagpiang magiging sahod mo – nag-aanak naman ngmga tupang may batik ang buong kawan. Atkung sabihin naman niyang – Ang mga guhitan

ang magiging sahod mo – nagkakaanak din ngmga guhitang tupa ang mga kawan.

9 Ang Diyos ang kumuha sa kawan ng inyongama at ibinigay sa akin ang mga ito. 10 Sapagkatsa panahon ng pag-aasawahan ng mga hayop,napanaginipan kong guhitan, may batik o tagpiang mga barakong kambing na nakababa samga inahin.

11 At sinabi sa akin ng Anghel ng Diyos sapanaginip – Jacob! – at sumagot naman ako –Narito ako. 12 At sinabi niya – Tingnan mongmabuti at guhitan o may batik o tagpi ang lahatng barakong nakababa sa mga inahin. Nakita koang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban. 13 Akoang Diyos na napakita sa iyo sa Betel kung saanmo binusan ng langis ang isang haligi at su-mumpa sa akin. Umalis ka ngayon din sa lu-paing ito at umuwi sa bayang sinilangan mo.”

14 Sumagot sina Raquel at Lea: “May kapartepa ba kami sa ari-arian ng aming ama? 15 Hindiba’t mga dayuhan na ang turing niya sa aminmula nang ipagbili kami at lustayin ang pinagbil-han sa amin? 16 Pero kinuha ng Diyos ang lahatng kayamanan ng aming ama at ibinigay saamin at sa aming mga anak. Kaya gawin mongayon ang lahat ng sinabi sa iyo ng Diyos.”

17 Kaya isinakay ni Jacob sa mga kamelyoang kanyang mga anak at mga asawa, 18 atdinala ang buo niyang kawan at lahat ng natiponniya sa Padan-Aram para umuwi sa kanyangamang si Isaac sa lupain ng Kanaan. 19 Sina-mantala naman ni Raquel ang paggugupit niLaban sa balahibo ng mga tupa, at ninakaw angmga sagradong rebulto ni Laban. 20 Sa ganitongparaan nilinlang ni Jacob si Labang Arameo sahindi niya pagpapaalam sa kanyang pag-alis.21 Tumakas siyang dala ang lahat niyang ari-arian, tumawid sa Ilog Eufrates patungongkabundukan ng Galaad.

22 Makaraan ang tatlong araw, nabalitaan niLaban na tumakas si Jacob. 23 Isinama niya angkanyang mga tauhan at hinabol si Jacob, atinabutan sa kabundukan ng Galaad makaraanang pitong araw. 24 Ngunit napakita ang Diyoskay Labang Arameo sa panaginip at sinabi sakanyang “Mag-ingat ka sa pakikipagtalo kayJacob.” 25 Nakapagpatayo na ng kanyang toldasi Jacob sa kabundukan ng Galaad nang abutansiya ni Laban. At doon na rin tumigil si Laban atang kanyang mga tauhan. 26 At sinabi ni Labankay Jacob: “Ano ang ginawa mo at nilinlang moako at dala mo pa ang aking mga anak naparang mga bilanggo sa digma? 27 Ba’t kapalihim na umalis at nilinlang ako? Bakit hindi

GENESIS 31

31

112

ka nagsabi sa akin? Inihatid ko sana kayo sa gitnang tuwa at awitan, sa saliw ng tamborin at alpa.28 Hindi mo man lang pinahalikan sa akin ang akingmga apo at mga anak para makapagpaalam sakanila. Isang kahangalan ang ginawa mo. 29 Pu-wede kitang saktan ngunit binalaan ako kagabi ngDiyos ng iyong ama at sinabing – Mag-ingat ka sapakikipagtalo kay Jacob. 30 Kung umalis ka dahilnananabik kang makauwi sa bahay ng iyong ama,bakit naman ninakaw mo pati ang aking mgasagradong rebulto?”

31 Sumagot si Jacob kay Laban: “Natatakotkasi ako na baka bawiin ninyo sa akin anginyong mga anak! 32 Ngunit dapat mamatay angsinumang makita ninyong may dala sa inyongmga sagradong rebulto. Sa harap ng ating mgakapatid, tingnan ninyo kung mayroong nasaakin na inyong ari-arian, at kunin ninyo.” Hindialam ni Jacob na ninakaw ni Raquel ang mgasagradong rebulto. 33 Kaya pumasok si Laban satolda ni Jacob, at saka sa tolda ni Lea at sa toldang dalawang aliping babae. Ngunit wala siyangnakita. Pagkalabas ni Laban sa tolda ni Lea,pumasok naman siya sa tolda ni Raquel. 34 Ngu-nit dinala ni Raquel ang sagradong rebulto atinilagay sa ilalim ng inuupuan niya sa kamelyo.Hinalughog ni Laban ang buong tolda ngunitwala siyang nakita. 35 Sinabi ni Raquel sa kan-yang ama: “Huwag kayong magalit sa akin,aking panginoon, at hindi ako tumitindig sainyong harap sapagkat ngayon ang panahonko.” Kaya kahit na naghanap si Laban ay hindiniya nakita ang mga sagradong rebulto.

36 Kaya nagalit si Jacob at sinumbatan siLaban, at nag-usig: “Ano ang aking pagkaka-sala? Anong kasalanan ang nagawa ko paraako’y sundan ninyo? 37 Ngayong nahalughog naninyo ang lahat kong ari-arian, may nakita bakayong pag-aari ninyo? Kung mayroon, ipakitaninyo sa harap ng inyong pamilya at ng akingpamilya, at pabayaang sila ang humatol sa atingdalawa.

38 Dalawampung taon ninyo akong kasama,at hindi nakunan ang inyong mga inahingkambing at tupa. Ni hindi ako kumain kahit isaman sa mga barako ng inyong kawan. 39 Walaakong dinala sa inyong hayop na nasila ngmababangis na hayop sapagkat pinalitan komismo ang mga iyon. At siningil ninyo sa akinang anumang ninakaw sa araw o sa gabi. 40 Hindiako makahinga kung araw dahil sa init at nag-titiis ako ng lamig sa gabi, at halos hindi akomakatulog.

41 Dalawampung taon ninyo akong kasama.Labing-apat na taon akong naglingkod sa inyopara sa dalawa ninyong anak at anim na taonpara sa inyong mga kawan, at sampung ulitninyong binago ang aking sahod. 42 Kung hindisumaakin ang Diyos ng aking ama, ang Diyos niAbraham at ang Kinatatakutang Diyos ni Isaac,siguradong pinalayas na ninyo ako nang walangdala kahit ano. Ngunit nakita ng Diyos ang akingpaghihirap at ang pagtatrabaho ng aking mgakamay, at ibinaba niya kagabi ang kanyanghatol.”

43 Sumagot si Laban kay Jacob: “Mga anakko ang mga babae, mga apo ko ang mga bata,kawan ko ang mga kawang ito. Akin ang lahatng nakikita mo. Masasaktan ko ba ngayon angaking mga anak o ang kanilang mga anak?44 Halika, gumawa tayo ng kasunduan, ikaw atako, at iyon ang gawin nating saksi.” 45 Kumuhasi Jacob ng bato at itinayo iyon bilang haligi.46 At sinabi niya sa kanyang mga kapatid:“Mamulot kayo ng mga bato.” Kaya namulot silang mga bato at pinagpatung-patong ang mgaiyon, at kumain sila sa tabi nito. 47 Tinawag iyonni Laban ng Yagar-Saaduta pero Galed angitinawag dito ni Jacob. 48 Sinabi ni Laban: “Saksinatin sa araw na ito ang buntong ito ng mgabato.” Iyon ay tinawag namang Galed 49 at kilalarin bilang Mispa dahil sinabi niyang “Bantayannawa tayo ni Yawe kapag malayo na tayo sa isa’tisa. 50 Kapag hiniya mo ang aking mga anak atkumuha ka ng ibang asawa bukod sa kanila,hindi tao ang hahatol sa ’yo kundi ang Diyos nasaksi sa ating kasunduan.” 51 At sinabi pa niLaban kay Jacob: “Narito ang buntong ito ngbato at ang haliging itinayo ko sa pagitan natingdalawa. 52 Ang mg ito ang sasaksi na hindi akolalampas sa buntong ito para saktan ka at hindika rin lalampas sa haliging ito para saktan ako.53 Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Nahor,ang Diyos nawa ng kanilang ama ang humatolsa atin.”

At sumumpa si Jacob sa Ngalan ng Kinata-takutang Diyos ng kanyang amang si Isaac.54 Nag-alay siya ng mga hain sa bundok atinanyayahang kumain ang kanyang mga ka-patid. Doon sila nagpalipas ng gabi pagkakain.

• 1 Kinaumagahan, maagang gumising siLaban, hinalikan ang kanyang mga apo

at mga anak, at binasbasan ang iyon at sakaumuwi.

• 32.1 Nasa tumatakas na Jacob ang mgapagpapala ng Diyos. Walang pagod siyang

GENESIS 31

nagtrabaho, at pagkatapos ng labinlimang tao’y maydalawa na siyang asawa, maraming anak at di-

32

1132 Nagpatuloy si Jacob sa kanyang pagla-

lakbay at sinalubong siya ng mga anghel ngDiyos. 3 Pagkakita ni Jacob sa kanila, naibulalasniyang “Dito nananahan ang Diyos,” at tinawagniyang Majanaim ang lugar na iyon.

Nakipaglaban si Jacob sa Diyos4 Nagpadala ng mga paunang sugo si

Jacob sa kanyang kapatid na si Esau salupain ng Seir, sa rehiyon ng Edom 5 atinutusan ang mga ito: “Ibigay ninyo angpahatid na ito sa aking panginoong siEsau mula kay Jacob na kanyang lingkod– Nabuhay ako ritong kasama ni Labanhanggang ngayon. 6 Mayroon akong mgabaka at mga asno at mga tupa, mgaaliping lalaki at babae. Ginusto kongmagpasabi sa iyo, aking panginoon,upang hindi mo naman ako masamain.”7 Nagbalik ang mga sugo at sinabi kayJacob: “Nakipagkita kami sa inyong ka-patid na si Esau at paparito na siya upangmakipagtagpo sa inyo, kasama ang apat-naraang tauhan.”

8 Lubhang natakot si Jacob at pinang-hinaan ng loob. Kaya hinati niya sa dala-wang grupo ang mga taong kasama niya,pati ang mga baka, mga tupa, mga kam-bing at mga kamelyo.

9 Naisip niyang “Kapag dumating siEsau at sinalakay ang isang kampo, ma-katatakas naman ang isa pa.” 10 At nana-langin si Jacob: “Yaweng Diyos ni Abra-ham, Diyos ng aking amang si Isaac, ikawang nagsabi sa akin – Umuwi ka sa iyongbayan, sa iyong angkan at pasasaganainkita. 11 Hindi ako karapat-dapat sa kabu-tihang-loob at katapatang ipinakita mo saakin. Wala akong dala kundi ang akingtungkod nang tumawid ako sa Jordan, atngayo’y may dalawang kampo na ako.

12 Iligtas mo ako sa kamay ng aking ka-patid na si Esau sapagkat natatakot akona baka pagdating niya’y patayin kaminglahat, maging ang mga ina at mga bata.13 Ngunit ikaw rin ang nagsabing – Pasa-saganain kita at gagawin kong tulad ngbuhangin sa dalampasigan ang iyong lahi,na hindi kayang bilangin.” 14 At doon nag-palipas-gabi si Jacob.

Mula sa kanyang mga ari-arian, pumili siyang maireregalo niya sa kanyang kapatid na siEsau: 15 dalawandaang inahing kambing atdalawampung barakong kambing, dalawan-daang inahing tupa at dalawampung barakongtupa, 16 tatlumpung kamelyong ginagatasan atang mga bisiro niyon, apatnapung inahing bakaat sampung toro, dalawampung inahing asno atsampung barakong asno. 17 Inilagay niya angmga iyon sa pangangalaga ng kanyang mgaalipin, isa sa bawat kawan, at sinabi niya sakanyang mga alipin: “Umuna kayo sa akin, atlagyan ninyo ng pagitan ang bawat kawan.”18 Tinagubilinan niya ang nasa unahan: “Kapagsinalubong ka ng aking kapatid na si Esau atitanong – Sino ang may-ari sa iyo? – at – Saan kapupunta? – at – Kanino ang mga hayop naipinapastol ninyo? 19 Sumagot kayo – Kay Jacobna inyong lingkod ang mga ito. Regalo niya angmga ito na ipinadadala niya sa aking pangi-noong si Esau. Kasunod namin si Jacob napaparito.” 20 Inutusan din ni Jacob ang ikalawaat ikatlong alipin at lahat ng sumusunod sa mgakawan: “Ganito rin ang sasabihin ninyo kayEsau kapag nasalubong ninyo siya – 21 Kasunodnamin ang inyong lingkod na si Jacob!” – sa-pagkat napag-isip-isip niyang “Mapaglulubagko ang loob niya sa mga regalong una kongipinadadala. At itutunghay na niya ang akingmukha sa paghaharap namin.” 22 Kaya ipinaunaniya ang mga regalo pero sa kampo pa rin siyanagpalipas ng gabi.

• 23 Nang gabing iyon, bumangon siJacob at tinipon ang dalawa niyang

mabilang na ari-arian. Sa panahong iyon siya buma-balik sa sariling bayan at naghahanda para harapin siEsau na kanyang kapatid at kalaban.

Lubhang natakot si Jacob at pinanghinaan ngloob. Sa kanyang kabalisahan, nanalangin si Jacob saDiyos para ipaalaala sa kanya ang Pangako niya at angkanyang “katapatan”, o ang lahat ng ginawa ng Diyospara sa kanya at sa kanyang mga ninuno. At su-

masagot naman ang Diyos ayon sa pamamaraan nito,medyo mahiwagang paraan, sa isang pangitain sagabi.

• 23. Isang lalaki ang nakipagbuno sa kanyahanggang sa madaling-araw. Paghaharap ito ngDiyos at ni Jacob. Tinatanggap ng Diyos ang pag-katalo at ipinagkakaloob ang kanyang pagbabasbas.

GENESIS 32

114

asawa, ang dalawang aliping babae atlabing-isang anak para tumawid sa IlogYabok. 24 Pinatawid niya sila at ipinadalarin sa kabilang ibayo ang lahat niyang ari-arian. 25 At naiwang mag-isa si Jacob.

At isang lalaki ang nakipagbuno sakanya hanggang madaling-araw. 26 Nangmakita ng lalaki na hindi niya kaya siJacob, hinampas niya ito sa singit at na-linsad iyon. 27 Sinabi ng lalaki: “Pakawa-lan mo ako sapagkat sumisikat na angaraw.” Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi kitabibitiwan hanggang hindi mo ako bina-basbasan.”

28 Tinanong siya ng lalaki: “Ano angpangalan mo?” Sumagot siya: “Jacob.”29 At sinabi ng lalaki: “Mula ngayo’y hindika na tatawaging Jacob kundi Israel (naang kahuluga’y Lakas ng Diyos) sapagkatnakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao,at ikaw ang nangibabaw.” 30 At sinabinaman ni Jacob: “Sabihin mo sa akin ang

pangalan mo?” Sumagot ito: “Bakit moitinatanong ang pangalan ko?” At binas-basan niya roon si Jacob.

31 Kaya Panuel ang itinawag ni Jacobsa lugar na iyon, (ibig sabihi’y Mukha ngDiyos) sapagkat sinabi niya: “Harap-harapan kong nakita ang Diyos at buhaypa rin ako.” 32 Sumikat ang araw habangnagdaraan sa Panuel si Jacob na pipilay-pilay dahil sa kanyang balakang.

33 Kaya hanggang sa araw na ito, hindi ku-makain ng litid sa hita ng hayop ang mgaIsraelita, sapagkat iyon ang bahaging hinipo kayJacob.

Pagkikita nina Esau at Jacob1 Natanaw ni Jacob na dumara-ting si Esau kasama ang apat-

naraang tauhan. Kaya pinaghati niya angmga bata kina Lea at Raquel at sa dala-wang aliping babae. 2 Pinapuwesto niyasa harap ang mga aliping babae at ang

May mga pagkakataong mas nakikilala natin angsarili sa pagtulog kaysa kung tayo’y gising. Ganito angnangyari kay Jacob. Sa pakikipagbuno niya sa Diyosnang gabing iyon, naunawaan niya na ang kanyangmga pagpapagod at mga pagsubok ay higit pa pala sapakikipagharap sa lipunan at sa mga tao; isa itongpakikipagbuno sa Diyos. Pinangakuan siya ng tagum-pay ng Diyos ngunit hindi niya ito ibibigay hanggang dinauubusan ng lakas si Jacob.

Sapagkat mas nauunawaan ni Jacob ang dahilan ngnapakaraming pagsubok at pagkabalam, kinakausapniya mismo ang humaharang sa kanya ngayon sa daanat siya lamang makapagpapabago sa kalooban niEsau. Naging malakas si Jacob laban sa Diyos, hindisiya humingi ng pabor o kaunting tulong, kundi sina-sabi niyang kailangan nitong tuparin ang kanyangmga pangako: Hindi kita bibitiwan hanggang hindimo ako binabasbasan.

Ang panalangin ni Jacob ay hindi pagiging sunud-sunuran na ayon sa ilan ay katangian ng magaling namananampalataya. Hindi lamang pagtanggap sa ka-looban ng Diyos ang panalangin, na para bang ma-tagal na iyong nakasulat sa langit, o kaya’y paghingi nglakas para matanggap ito: pamimilit din sa Diyos angpanalangin, taglay ang pananalig sa kanyang mgapangako at kaalamang pinakikinggan niya tayo. Kunghindi tayo magkakaroon ng bahagi sa mga pagpa-pasya ng Diyos na may kinalaman sa atin at sapamamahala sa mundo, magiging huwad ang Tipan.

Sa mga krus na daan ng buhay, sa gitna ng posi-bilidad na manatiling walang pagbabago o mahigtanang sarili, alam ng sumasampalataya na ibibigay sa

kanya ng Diyos itong huli kung hihingin niya iyon nangmay pananampalataya.

Hinampas niya ito sa singit at nalinsad iyon.Matapos ang matagal na pagkatapon, nakikipagharapsi Jacob sa Diyos nang gusto na niyang puwersahangpumasok sa Lupang Pangako. Sa katunaya’y walangiba kundi pagpapaloob sa misteryo ng Diyos angpagpasok sa Lupang ito. Gustong ibahagi sa atin ngDiyos ang kanyang buhay ngunit malayo itong mang-yari para sa taong malakas, at nakasisiguro sa kanyangsarili at sa kanyang mga daan. Kaya nga sa pagpasoknatin, dumarating ang Diyos para subukin tayo.Anumang dagok o kasawiampalad o krisis ang danasinnatin, naiiwan tayong sugatan at para nang mgadayuhan sa daigdig na ito. Pumapasok si Jacob napipilay-pilay sa Lupang Pangako dahil inilalaan diniyon ni Jesus sa mga umiiyak, sa mga nauuhaw sakatarungan, sa mga di-marahas.

Mula ngayo’y tatawagin kang Israel. Hindi nawa-wala ang pangalang Jacob o ang kahulugan nito: angAktibista, ang Manloloko. Ngunit magiging Israel dinsiya: Malakas-laban-sa-Diyos. Jacob-Israel ang panga-lang tataglayin ng bayan ng Diyos. Sa buo nilangkasaysaya’y walang-tigil sa pagkakasala ang Israel atmaraming beses silang paluluhurin ng Diyos. Subalitlagi pa ring magpapatalo ang Diyos at magpapatawadsa kanyang bayan sa oras na ipaalala nila sa kanya angkanyang mga pangako.

Pagkatapos ng pagwawagi ni Jacob kailangangmapasailalim ng mga plano ng Diyos ang mga pang-yayari. Hindi hinahadlangan ni Esau ang pagbabalik niJacob sa lupain ng kanyang mga ninuno.

GENESIS 32

33

115

mga anak nila, kasunod si Lea at angmga anak nito at nasa hulihan sinaRaquel at Jose. 3 Ngunit siya mismo angtumayo sa unahan at pitong ulit na yu-muko sa lupa bago lumapit sa kanyangkapatid.

4 Tumakbo si Esau para salubunginsiya, niyakap sa leeg at hinalikan. Atkapwa sila umiyak. 5 Nang makita ni Esauang mga babae at ang mga bata, sinabinito: “Ano mo ba ang mga ito?” Sumagotsi Jacob: “Sila ang mga anak na bigay ngDiyos sa iyong lingkod.”

6 At lumapit ang mga alipin kasamaang kanilang mga anak at yumuko. 7 Lu-mapit din si Lea at ang kanyang mga anakat yumuko, at pagkatapos ay lumapit sinaJose at Raquel at yumuko din.

8 Itinanong ni Esau: “Ano mo ang mgagrupong nasalubong ko?” Sumagot siJacob: “Pasalubong ko sa iyo upangmakuha ko ang iyong loob.” 9 Sumagot siEsau: “Kapatid ko, marami na ako niyan.Huwag na, sa iyo na ang mga iyan.”10 Ngunit sinabi ni Jacob: “Huwag monamang tanggihan. Utang na loob, tang-gapin mo na ang regalo ko sapagkat na-parito ako para humarap sa iyo tulad ngpagharap sa Diyos, at buong kaganda-hang-loob mo naman akong tinanggap.11 Kaya tanggapin mo na ang pasalubongko sa iyo sapagkat nagmagandang-loobsa akin ang Diyos at mayroon ako nglahat.” At napilit din ni Jacob si Esau.

12 At sinabi ni Esau: “Tayo na at ituturoko ang daan.” 13 Pero sinabi ni Jacob:“Alam ng aking panginoon na hindi ma-kapagmamadali ang mga bata at isa pa’yinaalala ko ang mga inahing tupa at angmga bakang may guya. Kung mapa-pagod ang mga iyon kahit sa loob ngisang araw lamang, maaaring manga-matay ang buong kawan. 14 Kung ikasi-siya ng aking panginoon na magpauna nasa akin, mabagal akong lalakad kasunodng mga baka at ng mga bata hanggangabutan ko ang aking panginoon sa Seir.”

15 Sinabi ni Esau: “Kung gayon, bayaanmong iwan ko sa iyo ang ilan sa akingmga tauhan.” Sumagot naman si Jacob:“Bakit? Sapat na sa akin na wala ka nangsama ng loob.”

16 At bumalik si Esau sa Seir nang arawding iyon. 17 Ngunit nagtuloy si Jacob saSukot. Doon siya nagtayo ng kanyangbahay at ng silungan ng kanyang mgahayop. Kaya tinawag na Sukot ang nasa-bing lugar.

18 Sa kanyang pagbabalik mula sa Padan-Aram, maluwalhating nakarating si Jacob sasiyudad ng Sikem sa Kanaan, at nanirahan satapat ng lunsod. 19 Binili niya ng isandaang pira-song pilak mula sa mga anak ni Hamor na amani Sikem ang lupang kinatitirikan ng kanyangtolda. 20 Doon siya nagtayo ng altar at tinawagniyang Diyos na El, Diyos ng Israel, ang lugar naiyon.”

Ginahasa si Dinang anak ni Jacob1 Minsan, bumisita si Dinang anak niJacob kay Lea sa kababaihan ng bayang

iyon. 2 Pagkakita sa kanya ni Sikem na anak niHamor na Heveo na siyang prinsipe ng na-banggit na lupain, hinila niya ito at ginahasa.3 Naakit siya kay Dinang anak ni Jacob, atnagustuhan niya ang dalaga at sinuyo ito nangbuong-giliw. 4 Sinabi ni Sikem sa kanyangamang si Hamor: “Kunin mo ang dalagang itopara maging asawa ko.”

5 Nabalitaan ni Jacob kung paanong nadu-ngisan ang dangal ng kanyang anak na si Dina,ngunit hindi siya kumibo hanggang makauwiang kanyang mga anak na lalaki buhat sa pag-aalaga ng kanyang mga kawan sa parang.6 Nakipagkita kay Jacob si Hamor na ama niSikem at nakipag-usap sa kanya. 7 Nang maka-uwi na ang mga anak na lalaki ni Jacob galing saparang, at nalaman ang nangyari, gayon nalamang ang galit nila sa ginawa ni Sikem nakahihiyan sa Israel sa pang-aabuso niya sa anakni Jacob – isang bagay na hindi dapat gawin.8 Ngunit kinausap sila ni Hamor at sinabi: “Labisna umiibig ang aking anak na si Sikem sainyong anak na babae. Pahintulutan ninyongmaging asawa siya ng anak ko. 9 Magingmagkakamag-anak tayo; ibigay ninyo sa aminang inyong mga dalaga, at kunin naman ninyoang mga dalaga namin. 10 Sa aming piling nakayo tumira, makukuha ninyo ang lupain at

GENESIS 34

34

116

makapupunta kayo kahit saan, at angkininiyon.” 11 Kinausap naman ni Sikem ang ama atmga kapatid na lalaki ni Dina: “Patawarin sananinyo ako; ibibigay ko sa inyo ang anumanghingin ninyo sa akin. 12 Itakda ninyo ang hala-gang babayaran ko at anumang regalong gustoninyo, at babayaran ko anuman ang hinginninyo, ibigay ninyo lamang siya sa akin bilangasawa.”

13 Dahil sa pagkalapastangan kay Dina, na-ging matalino at tuso ang mga anak na lalaki niJacob sa pagsagot kina Sikem at Hamor na amanito: 14 “Hindi namin maibibigay ang amingkapatid sa isang lalaking supot – isang kahi-hiyan ito para sa amin. 15 Papayag lamang kamisa kundisyong ito: na ikaw at ang lahat nglalaki sa inyo ay magiging tulad namin – mag-patuli kayo. 16 At ibibigay namin sa inyo angaming anak na babae at kukunin naman naminang inyo, makikipamuhay kami sa inyo attayo’y magiging isang bayan. 17 Pero kungayaw ninyong magpatuli, kukunin namin angaming kapatid at aalis na kami.” 18 Nagingkasiya-siya kay Hamor at kay Sikem na anaknito ang kanilang sinabi. 19 Hindi nag-aksaya ngpanahon si Sikem para gawin ang hinihingi sakanya sapagkat gusto niya ang anak na dalagani Jacob. Siya ang pinakamalakas sa samba-hayan ng kanyang ama.

20 Kaya nagpunta sa pintuan ng kanilanglunsod si Hamor at si Sikem na kanyang anak,at kinausap ang kanilang mga kababayan 21 atsinabing “Hindi dapat katakutan ang mga la-laking ito. Bayaan nating makapamuhay silarito at makagala nang malaya. Sapat ang lawakng lupain para sa kanila. Magiging asawa natinang kanilang mga anak na dalaga, at ipaka-kasal naman natin ang ating mga anak nadalaga sa kanila. 22 Ngunit may isang kundis-yon ang mga lalaking ito para makipamuhay sapiling natin bilang isang bayan, at iyan ay kungmagpapatuli tayong gaya nila. 23 Kung papa-yag tayo, magiging atin din ang kanilang mgakawan, ang kanilang mga ari-arian at lahat ngiba pa nilang hayop. Kaya gawin natin angkanilang hinihingi at dito na sila maninirahan.”

24 Sumang-ayon kina Hamor at Sikem anglahat ng nagtipon sa may pintuan ng lunsod, atnagpatuli ang lahat ng lalaki.

25 Pagkalipas ng tatlong araw, nang nara-ramdaman pa ng mga nagpatuli ang kirot, ki-nuha ng dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacobna sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dinaang kanilang mga tabak at biglang pinasok anglunsod. 26 Pinatay nila sina Hamor at Sikem atlahat ng lalaki, at kinuha si Dina mula sa bahayni Sikem at saka tumakas. 27 Tinuntungannaman ng ibang mga anak ni Jacob ang mgapatay, at sinamsam ang mga ari-arian ng lunsoddahil sa pagkalapastangan sa kanilang ka-patid. 28 Sinamsam din nila ang mga baka ngmga ito, ang mga tupa, ang mga asno, ang lahatng nasa lunsod at lahat ng nasa parang, 29 lahatng kayamanan ng mga ito, pati ang kababaihanat mga bata. Sinamsam nila ang lahat ng nasamga bahay.

30 At sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi:“Binigyan ninyo ako ng malaking problema,kamuhi-muhi ako ngayon sa mga taga-lupaingito ng mga Kananeo at Perezeo. Kaunti lamangang aking mga tauhan at kung magkaisa silalaban sa akin at salakayin tayo, malilipol ako atang buo kong sambahayan.” 31 Ngunit sumagotsila: “Papayagan ba nating ituring nilang ba-baeng bayaran ang aming kapatid?”

Si Jacob sa Betel• 1 Sinabi ng Diyos kay Jacob: “Uma-hon ka sa Betel at doon ka manirahan.

Magtayo ka roon ng altar sa Diyos na napakitasa iyo nang tumatakas ka sa iyong kapatid na siEsau.” 2 Kaya sinabi ni Jacob sa kanyangpamilya at sa lahat ng kasama niya: “Itaponninyo ang lahat ng banyagang diyos na nasainyo. Magpakalinis kayo ng inyong mga sarili atmagpalit ng damit. 3 Aahon tayo sa Betel. Doonako magtatayo ng altar sa Diyos na nakinig saakin nang nasa panganib ako at sumaakin saaking paglalakbay.”

4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ngbanyagang diyos na nasa kanila pati ang kani-lang mga hikaw, at ibinaon ni Jacob ang mgaiyon sa ilalim ng sagradong punong malapit saSikem. 5 At umalis sila at nangibabaw ang takotsa lahat ng karatig-lunsod kaya walang nanga-has humabol sa kanila.

6 Si Jacob at ang lahat ng kasama niya aydumating sa Luz – na siya ring Betel – sa lupainng Kanaan. 7 Nagtayo siya ng altar doon at

• 35.1 Hindi maisasabuhay sa pag-iisa ang pana-nampalataya. Kayat sinisimulan ni Jacob na bumuo ngisang komunidad sa pag-uutos sa lahat ng kanyangmga tao na alisin ang kanilang mga diyus-diyusan.Nang gawin nila ang kongkreto at nakikitang hakbang

GENESIS 34

35

na ito na isang malaking sakripisyo para sa kanila, silaang naging unang sambayanang may kakayahangmagbigay-saksi sa mundo sa kanilang pananampala-taya sa isang Diyos.

117

tinawag na El-Betel ang lugar sapagkat doonnapakita sa kanya ang Diyos nang tumatakassiya sa kanyang kapatid. 8 Nang panahong iyon,namatay si Deborang ina sa suso ni Rebeca, atinilibing siya sa may sagradong puno sa ibabang Betel. Kaya tinawag iyong Punongkahoy ngLuha.

9 Muling napakita ang Diyos kay Jacob pag-kagaling niya sa Padan-Aram at pinagpala siya,10 at sinabi sa kanya: “Jacob ang pangalan mopero hindi ka na tatawaging Jacob sapagkatIsrael na ang magiging pangalan mo.” Kayapinangalanan niya siyang Israel. 11 At sinabi sakanya ng Diyos: “Ako ang Diyos ng Kaitaasan!Maging mabunga ka at magparami. Hindilamang isang bansa, kundi pagtitipon ng mgabansa ang magmumula sa iyo. Isisilang mula saiyo ang mga hari. 12 Ibibigay ko rin sa iyo at saiyong lahi ang lupaing ibinigay ko kinaAbraham at Isaac.” 13 At pagkatapos makipag-usap sa kanya sa lugar na iyon, iniwan siya ngDiyos. 14 Nagtayo si Jacob ng isang haligingbato sa lugar kung saan nakipag-usap sa kanyaang Diyos, at binusan ng handog na inumin at nglangis. 15 Tinawag ni Jacob na Betel ang lugar naiyon kung saan nakipag-usap sa kanya angDiyos.

16 Umalis sila sa Betel, at nang malapit na silasa Efrata, nanganak si Raquel. 17 Nahirapan siyaat sinabi sa kanya ng hilot sa kanyang pa-nganganak: “Lakasan mo ang iyong loob, hu-wag kang matakot! Lalaki na naman ang anakmo.” 18 At bago siya nalagutan ng hininga, pi-nangalanan niyang Ben-Oni ang kanyang anak

(o anak ng aking paghihirap) ngunit tinawagnaman siyang Benjamin (anak ng aking ka-nang kamay) ng kanyang ama. 19 Kaya nama-tay si Raquel at inilibing sa daang patungo saEfrata, iyon ang Betlehem, 20 at nagtayo siJacob ng haliging bato sa libingan na siya paring palatandaan hanggang sa panahong ito.

21 Nagpatuloy si Israel at itinayo ang kanyangtolda pagkalampas sa Migdal-Eder. 22 Nangnaninirahan na si Israel sa lupaing iyon,nakipagtalik si Ruben kay Bilang asawang-alipin ng kanyang ama, at nalaman iyon niIsrael.

Ang labindalawang anak ni Jacob• Nagkaroon ng labindalawang anak si

Jacob.23 Kay Lea: si Ruben na panganay niyang

anak, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zabu-lon.

24 Kay Raquel: Jose at Benjamin.25 Kay Bilang alipin ni Raquel: Dan at Neftali.26 Kay Zelfang alipin ni Lea: Gad at Aser.Ang mga ito ang mga anak na isinilang kay

Jacob sa Padan-Aram.27 Umuwi si Jacob sa kanyang amang si

Isaac sa Mambre na malapit sa Kiryat-Arbe (iyonang Hebron) na pinamayanan nina Abraham atIsaac bilang mga dayuhan. 28 Isandaa’t walum-pung taon si Isaac 29 nang siya ay mamatay atyumao sa piling ng kanyang mga ninuno –matanda at mayaman sa taon. Inilibing siya ngkanyang mga anak na sina Esau at Jacob.

• 22. MGA ANAK NI JACOBNabanggit na natin na iniingatan ng Biblia ang ilang

alaala tungkol kina Abraham, Isaac, at Jacob sa mgaalamat (tingnan sa 11:26). Liban sa tatlong ito, napa-tunayan na ang ibang pangalan tulad ng Ruben,Simeon, Juda… ay hindi talagang tumutukoy sa mgatunay na tao. May sariling paraan ng pag-alaala sa mgalumipas na mga pangyayari ang mga tribung pagala-gala. Lumikha sila ng mga kuwento na bawat tribu aykinakatawan ng isang taong may gayon ding pangalan.Halimbawa, labindalawang tribu ang nagkabuklod saiisang bayan: ipinahahayag nila ito sa pagsasabing maylabindalawang ninuno na may gayong mga pangalanang mga tribung iyon, at mga anak sila ng iisang ama,si Jacob-Israel. At dahil apat sa mga tribung ito, na mgatribu nina Ruben, Simeon, Levi at Juda ay bumubuo ngibang grupo sa simula kaysa kinabibilangan ng mgatribu nina Jose at Benjamin, ang mga nasa unanggrupo ay itinuring na mga anak ng nag-iisang ina, siLea na asawa ni Jacob at ang iba nama’y mga anak ngisa pang asawa ni Jacob, si Raquel.

Isang marahas na pangyayari ang tinutukoy ngsalaysay sa kabanata 34. May alitan noon ang mgatribu ng Simeon at ng Levi sa sambayanan ng Sikem(isang lunsod ang Sikem at hindi isang tao). Ganito rinang dapat maintindihan tungkol kay “Laban, angArameo” (kabanata 31) at kay Juda at sa kanyang mgaanak (38), kay Esau na larawan ng bayan ng Edom, nakaratig-bayan at kalaban ng Israel (26:30 at 36:1).

Ipinaliliwanag nito sa atin kung bakit mula pa noonguna’y binigyang-interpretasyon na ng mga eksperto saBiblia ang maraming bagay-bagay tungkol sa kasay-sayan ng mga Patriyarka ayon sa mga simbolo.

Labindalawang tribu ang bumubuo sa bayan ngIsrael at lagi nilang gustong alalahanin ang bilang na itona itinuturing nilang sagrado (tingnan kab. 48).Aalalahanin din ni Jesus ang matandang istrukturangito ng bayan ng Diyos sa pagtatatag niya sa kanyangIglesya bilang bagong bayan ng Diyos at sa pagpili niyang labindalawang apostol para pamunuan ito.

GENESIS 35

118Si Esau, ang ama ng mga Edomita

1 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau (nasi Edom din). 2 Nag-asawa si Esau ng

mga Kananea: si Ada na anak ni Elong Heteo, siOlibama na anak ni Ana at apo ni SebeongHeveo, 3 si Besemat na anak naman ni Ismael atkapatid ni Nebaiot. 4 Naging anak ni Ada kayEsau si Elifaz, naging anak naman ni Besemat siRahuel, 5 naging anak ni Olibama sina Yeus,Ihelon at Kore. Ito ang mga naging anak ni Esauna isinilang sa Kanaan. 6 Nagpunta si Esau salupain ng Seir at dinala niya ang kanyang mgaasawa at mga anak, lahat ng bumubuo sakanyang sambahayan, pati mga kawan at mgahayop at lahat ng ari-arian niya sa Kanaan paralumayo sa kanyang kapatid na si Jacob. 7 Kap-wa sila napakayaman kayat hindi sila makapa-mumuhay nang magkasama dahil masikip anglupa para sa kanilang mga kawan. 8 At si Esauna si Edom din ay nanirahan sa kaburulan ngSeir.

9 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau, ang ama ngmga Edomita sa kaburulan ng Seir. 10 Ito angmga pangalan ng mga anak ni Esau: Elifaz naanak ni Adang asawa ni Esau, Rahuel na anakni Besemat na asawa rin ni Esau.

11 Ang mga anak ni Elifaz: Teman, Omar,Sefo, Gatam at Cenez. 12 Asawang-alipin namanni Elifaz si Timna, at ipinanganak nito si Amalek.Ito ang mga apo ni Adang asawa ni Esau.

13 Ang mga anak ni Rahuel: Najat, Zaraj,Samma at Meza. Sila ang mga apo ni Besemat naasawa ni Esau. 14 Ang mga anak ni Olibamangasawa ni Esau at anak ni Ana at apo ni Sebeon:Yehus, Ihelon at Kore.

15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau. Angmga anak ni Elifaz na panganay ni Esau:Teman, Omar, Sefo, Cenez, 16 Kore, Gatam,Amalek. Sila ang mga pinunong galing kayElifaz na mga apo ni Ada sa lupain ng Edom.17 Ang mga anak ni Rahuel na anak ni Esau:Majat, Zara, Samma, Meza. Sila ang mga pi-nunong galing kay Rahuel na mga apo niBesemat na asawa ni Esau sa lupain ng Edom.18 Ang mga anak ni Olibamang asawa ni Esau:Yehus, Ihelon, Kore. Sila ang mga pinunonggaling kay Olibamang asawa ni Esau at anak niAna. 19 Ito ang mga anak ni Esau, na si Edomdin, at sila ang kanilang mga pinuno.

20 Ito ang anak ni Seir, ang Horritang nakatirasa lupaing iyon: Lotan, Sebal, Zebeon at Ana,21 Dison, Eser at Disan. Sila ang mga pinunong

Horrita na mga anak ni Seir sa lupain ng Edom.22 Ang mga anak ni Lotan: Hori at Hemam, at siTamna na kapatid na babae ni Lotan. 23 Angmga anak ni Sebal: Alvan, Manahat, Ebal, Sefeat Onam. 24 Ang mga anak ni Zebeon: Aia atAna. Si Ana ang nakatuklas ng mainit na bukalsa disyerto nang ipinapastol niya ang mga asnong kanyang amang si Zebeon. 25 Ang mga anakni Ana: Dison at si Olibamang anak na babae niAna. 26 Ang mga anak ni Dison: Hamdan, Ese-ban, Yetram at Karam. 27 Ang mga anak ni Eser:Balaan, Zavan at Akan. 28 Mga anak ni Disan:Hus at Aram.

29 Ito ang mga pinunong Horrita: Lotan,Sebal, Zebeon, Ana, 30 Dison, Eser, Disan. Silaang mga pinuno ng mga Horrita ayon sa kani-lang tribu sa lupain ng Seir.

31 Ito ang mga naghari sa lupain ng Edombago naghari ang isang haring Israelita. 32 Nag-hari sa Edom si Bela na anak ni Beor, at tinawagna Dinaba ang kanyang siyudad. 33 Namatay siBela at humalili sa kanya si Yobab na anak niZerang taga-Bosra. 34 Namatay si Yobab at hu-malili si Husam na Temanita. 35 Namatay siHusam at humalili si Hadad na anak ni Bedad.Nilupig niya ang mga Madianita sa lupain ngMoab, at tinawag na Avit ang kanyang lunsod.36 Namatay si Hadad at humalili si Semla ngMasreka. 37 Namatay si Semla at humalili si Saulng Rejobot sa Ilog. 38 Namatay si Saul at humalilisi Balanan na anak ni Akbor. 39 Namatay siBalanan at humalili si Adar at tinawag na Fauang kanyang lunsod. Si Metable ang kanyangasawa na anak na babae ni Matred na anak nababae naman ni Mezaab. 40 Ito ang mga pa-ngalan ng mga pinunong galing kay Esau ayonsa kanilang angkan at nasasakupan: Tamna,Alva, Yefet, 41 Olibama, Ela, Finon, 42 Cenez,Teman, Mabaar, 43 Magdiel, Iram. Ito ang mgapinuno ng Edom ayon sa kanilang mga tirahansa lupaing kanilang sinakop. Ito si Esau, angama ng mga Edomita.

1 Namuhay naman si Jacob sa Kanaan,ang lupaing tinirhan ng kanyang ama.

2 Ito ang salaysay ng lahi ni Jacob.

Si Jose at ang kanyang mga kapatid• Si Jose ay isang binatang labimpi-

tong taong gulang. Nagpapastol siya ngmga kawan, kasama ang kanyang mgakapatid na mga anak nina Bila at Zelfa

GENESIS 36

• 37.2 Dito nagsisimula ang istorya ni Jose atnagpapatuloy hanggang sa wakas ng Genesis bilang

tulay mula sa mga Patriyarka at sa mga susunod napangyayari ng Exodo.

37

36

119

na mga asawa ng kanyang ama. At isi-numbong niya ang mga ito sa kanyangama. 3 Mas mahal ni Israel si Jose salahat niyang anak sapagkat isinilang siJose sa kanyang katandaan. Kayat ipi-nagpatahi pa niya ito ng damit na ma-haba ang manggas. 4 Kinamuhian namansi Jose ng kanyang mga kapatid sa pag-kakita nilang mas mahal siya ng kani-lang ama, at hindi na nila siya kinausapnang maayos.

5 Nanaginip si Jose, at nang ikuwentoniya iyon sa kanyang mga kapatid, lalolamang silang namuhi. 6 Sinabi niya:“Pakinggan ninyo ang aking panaginip.7 Nagbibigkis daw tayo ng mga uhay ngtrigo sa bukid nang biglang nanatilingnakatayo ang aking bigkis, at pumaligidnaman at yumuko ang inyong mga bigkissa aking bigkis.” 8 Sinabi ng kanyang mgakapatid: “Ikaw pa yata ang maghahari saamin. O baka naman ikaw ang maka-pangyayari sa amin?” At lalo siyang kina-muhian dahil sa kanyang panaginip at sakanyang sinabi.

9 Nanaginip na naman si Jose at ikinu-wento din niya iyon sa kanyang mga ka-patid: “Makinig kayo. Napanaginipan kona yumuyuko sa akin ang araw, ang bu-wan at ang labing-isang bituin.” 10 At pi-nagsabihan din siya ng kanyang ama:“Ano itong panaginip mo? Kami bang

lahat – ako, ang iyong ina at mga kapatid– ay yuyuko sa harap mo?”

11 Nagselos sa kanya ang kanyang mgakapatid ngunit tinandaan ito ng kanyangama.

Ipinagbili si Jose ng mga kapatid niya• 12 Ipinastol ng kanyang mga kapatid

ang kawan ng kanilang ama sa Sikem, 13 atsinabi ni Israel kay Jose: “Ipinapastol ngiyong mga kapatid ang mga kawan saSikem. Halika at papupuntahin kita sakanila.” Sumagot si Jose: “Narito ako.”14 At sinabi ni Israel: “Pumunta ka at ting-nan mo kung maayos ang lagay ng iyongmga kapatid at ng mga kawan. At bumalikka rito para ibalita sa akin.” Pinaalis siya niJacob mula sa Lambak ng Hebron at du-mating si Jose sa Sikem. 15 Nakita siya ngisang lalaki nang mawala siya sa kapara-ngan, at tinanong siya: “Ano ang hinaha-nap mo?” 16 Sumagot siya: “Hinahanap koang aking mga kapatid. Pakituro mo na-man kung saan nila ipinapastol ang kani-lang mga kawan.”

17 Sumagot ang lalaki: “Umalis na silarito. Narinig kong sinabi nilang – Tayo nasa Dotan.” Kayat sinundan ni Jose angkanyang mga kapatid at nakita ang mgaiyon sa Dotan. 18 Malayo pa si Jose aynatanaw na siya nila at napagkaisahannilang patayin siya bago pa siya maka-

Ipinakikita na si Jose na pangalawa sa bunsong anakni Jacob ang pinakaimportante sa labindalawang mag-kakapatid. Sinasabi sa atin ng mga panaginip ngbatang si Jose na hindi nagkataon lamang ang lahat ngmangyayari sa kanya, kundi may silbi sa mga plano ngDiyos: sa pamamagitan niya ililigtas ng Diyos ang buoniyang pamilya sa pagkagutom.

Ang mahaba at madamdaming istorya ni Jose naipinagbili ng kanyang mga kapatid at naging tagapag-ligtas nila.

Mas mahal ni Israel si Jose sapagkat isinilang siJose sa kanyang katandaan. Siya ang pinakamama-hal at siya rin ang pinakapino. Sa piling ng kanyangmga kapatid na may kagaspangan at walang pakun-dangan, nagpapakita si Jose ng kadakilaan: mula pa sakanyang pagkabata, ipinapakita na ng anak na ito ngmga pastol na may magandang kinabukasang naghi-hintay sa kanya.

Dalawa sa labindalawang tribu ang namumukod-

tangi: ang tribu ng Juda at ng Jose. Tingnan angpaliwanag sa Josue 13 tungkol dito. Kaya lagingbinabanggit ng mga tradisyon tungkol sa “mgapatriyarka” o mga ama ang dalawang anak na ito niJacob.

• 12. Umabot sa kabaliwan at krimen ang inggit samagkakapatid. Hinayaan ng Diyos na magkakasalun-gat na mga daan ang tahakin ng magkakapatid, angilan tungo sa kabutihan, ang iba nama’y sa kasamaan.Ngunit hindi ito nangangahulugan na pinababayaan atkinalilimutan ng “mabubuti” ang “masasama”. Ililigtasni Jose ang kanyang mga kapatid.

Inaanyayahan tayo ng istoryang ito na makitang angmga pagsubok ay naghahatid sa atin sa mas espirituwalna buhay. At dinadala naman tayo ng mas malalim nabuhay-espirituwal na ito sa mas mabungang buhay-pamilya at panlipunan.

GENESIS 37

120

ngalakal na Madianita, iniahon nila si Josemula sa balon. Ipinagbili nila siya sahalagang dalawampung pirasong pilak.At dinala ng mga Ismaelita si Jose saEhipto. 29 Nang bumalik si Ruben sa ba-lon, wala na roon si Jose. Winarak niyaang kanyang damit 30 at bumalik sakanyang mga kapatid at sinabi: “Wala naroon ang bata. Ano ang gagawin kongayon?” 31 Kinuha nila ang damit ni Jose,pumatay ng isang kambing at inilubogang damit sa dugo niyon. 32 Dinala nilaang damit na may mahabang manggas sakanilang ama at sinabi: “Napulot naminito; tingnan ninyo kung ito nga ang damitng inyong anak o hindi.”

33 Nakilala ng ama ang damit at sina-bing “Ito ang damit ng aking anak! Nilapasiya ng mabangis na hayop at niluray.”34 Winarak ni Jacob ang kanyang damit,nagsuot ng sako at matagal na ipinag-luksa ang anak. 35 Dumating ang lahatniyang anak na lalaki at babae para aliwinsiya ngunit tumanggi siyang paaliw atsinabi: “Hindi, nagluluksa akong yayao salugar ng mga patay, sa piling ng akinganak.” At nanangis siya para sa kanyanganak. 36 Samantala, ipinagbili ng mga Ma-dianita si Jose sa Ehipto, kay Putifar naisang opisyal ni Paraon at kapitan ng mgaguwardiya.

Kuwento tungkol kina Juda at Tamar

• 1 Nang panahong iyon, humiwalaysi Juda sa kanyang mga kapatid at tu-

muloy sa bahay ni Hira na isang Adulamita.2 Doon nakilala ni Juda ang anak na dalaga ng

lapit sa kanila. 19 Sinabi nila sa isa’t isa:“Narito na ang eksperto sa panaginip!20 Patayin na natin siya at itapon sa alin-mang balon. Sabihin nating nilapa siya ngisang mabangis na hayop. At tingnannatin kung may mangyari sa kanyangmga panaginip!” 21 Nang marinig ito niRuben, sinikap niyang mailigtas si Jose sakamay ng mga kapatid 22 at sinabing “Hu-wag natin siyang patayin, huwag natingpadanakin ang kanyang dugo! Ihulog nalamang natin siya sa patay na balong itosa ilang pero huwag natin siyang pagbu-hatan ng kamay.” Sinabi niya ito paramailigtas si Jose at maibalik sa kanilangama.

23 Pagdating na pagdating ni Jose, hinu-bad sa kanya ng kanyang mga kapatid angdamit na may mahabang manggas, 24 atdinala siya at inihagis sa balong walangtubig.

25 At nang maupo sila para kumain,natanaw nila ang pulutong ng mga Is-maelitang galing sa Galaad. May dalangmaraming panimpla, balsamo at mira paradalhin sa Ehipto.

26 At sinabi ni Juda sa kanyang mgakapatid: “Ano ang mapapala natin sapagpatay sa ating kapatid at pagtatago sakanyang dugo? 27 Mabuti pang ipagbili nalang natin siya sa mga Ismaelita at huwagsiyang pagbuhatan ng kamay sapagkatkapatid natin siya at sarili nating laman!”At sumang-ayon ang kanyang mga ka-patid.

28 Kaya nang dumaan ang mga manga-

• 38.1 Sa sumusunod na pangyayari, hindi lumi-litaw na marangal ang papel na ginagampanan ngpatriyarkang si Juda ayon sa mga palagay nating bilangmga Kristiyano. Ngunit sa panahong iyon ng napaka-primitibo pang mga kaugalian at moralidad, walangmasyadong iginigiit ang Biblia tungkol sa moralidad sasex, kundi ang tungkulin sa pagkakaanak upangmaging mabisa ang mga pangako ng Diyos sa kanilangmga ninuno.

Ang kasalanan ni Onan ay nasa pagtangging mag-karoon ng anak na hindi naman magiging kanya(tingnan ang Ruth 3:7 tungkol sa obligasyong ito nabigyan ng anak ang biyuda ng kapatid).

Ang kadakilaan naman ni Tamar ay nasa kanyangdeterminasyon na magkaanak sa anumang paraan nasiyang magdadala sa pangalan ng una niyang asawangsi Er, at magiging tagapagmana ni Juda. Bihirangnatatampok ang mga babae sa Biblia. Ngunit sa pag-kakaroon nila ng papel, kadalasa’y para turuan ngleksyon sa pagpapakatao ang mga lalaki. Dito, pag-karaang pumasok si Tamar sa kanyang buhay, nagsi-mulang mag-isip si Juda, na ngayon lamang nag-isipng ganito.

Kasama si Tamar sa listahan ng mga ninuno ni Jesus(Mt 1:3).

GENESIS 37

38

121

Kananeong si Sua. Pinakasalan niya ang dalagaat nakipagtalik sa kanya. 3 Naglihi ito at nagsi-lang ng isang lalaking pinangalanang Er. 4 Nag-kaanak siya ng isa pang lalaki na pinangalanannaman niyang Onan. 5 At sa Kuzib, nagkaroonsiya ng pangatlong anak na lalaki na pinanga-lanan niyang Sela.

6 Ikinuha ni Juda ng asawa si Er na kanyangpanganay. Tamar ang pangalan ng babae.7 Ngunit masama si Er na panganay ni Juda sapaningin ni Yawe, kaya binawian niya ito ngbuhay. 8 At sinabi ni Juda kay Onan: “Makipag-talik ka sa biyuda ng iyong kapatid at tuparinang tungkulin ng isang bayaw na bigyan ng anakang kapatid mo.” 9 Alam ni Onan na hindimagiging kanya ang sanggol kaya tuwing maki-kipagtalik siya sa kanyang hipag, itinataponniya sa lupa ang kanyang semilya para hindibigyan ng anak ang kanyang kapatid. 10 Masa-ma sa paningin ni Yawe ang kanyang ginawakaya binawian din ito ng buhay.

11 Kaya sinabi ni Juda kay Tamar na kanyangmanugang: “Umuwi ka munang biyuda sa ba-hay ng iyong ama hanggang sumapit na sagulang ang anak kong si Sela.” Dahil natatakotsi Juda na baka mamatay rin si Sela tulad ngkanyang mga kapatid.

At umuwi nga si Tamar sa bahay ng kanyangama at doon nanirahan.

12 Mahabang panahon ang lumipas at nama-tay ang asawa ni Juda, ang anak ni Sua. Mata-pos ang kanyang pagluluksa, umahon si Judasa Timna, kasama ang kanyang kaibigang siHira na taga-Adulam para tingnan ang paggu-gupit sa kanyang mga tupa. 13 May nakapagsabinaman kay Tamar na “Papunta ang biyenan mosa Timna para gupitan ang kanyang mga tupa.”14 Agad niyang hinubad ang luksa niyang damit,nagbalabal ng belo at naupo sa pasukan ngEnaim sa daang papunta sa Timna. Sapagkatnakita niyang kahit nasa kasibulan na si Sela ayhindi pa rin ito ibinibigay sa kanya bilang asawaniya.

15 Nakita ni Juda si Tamar, at dahil nata-takpan ang mukha, napagkamalan niya itongisang babaeng bayaran. 16 Nilapitan siya ni Judasa tabing-daan at sinabi: “Puwede ka ba?”sapagkat hindi niya alam na ito ang kanyangmanugang. Itinanong naman ni Tamar: “Anoang ibibigay mo sa akin kung papayag ako?”

17 Sinabi ni Juda: “Padadalhan kita ng isangbatang kambing mula sa aking kawan.” Suma-got ang babae: “Ayos, pero puwede ka bang

magbigay ng garantiya hanggang maipadalamo iyon sa akin?” 18 Itinanong ni Juda: “Anonggarantiya ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”Sumagot si Tamar: “Ang iyong pantatak at angtali nito at ang tungkod na hawak mo.” Kayaibinigay ni Juda ang mga iyon at nakipagtaliksiya kay Tamar, at nabuntis niya ito. 19 Umuwi napagkatapos si Tamar, at inalis niya ang kanyangbelo at isinuot ang kanyang damit-panluksa.20 Ipinadala ni Juda ang kambing sa pama-magitan ng kanyang kaibigang taga-Adulampara mabawi ang kanyang iginarantiya sababae pero hindi niya iyon natagpuan. 21 Kayatnagtanong siya sa mga tagaroon: “Nasaan angbabaeng bayaran na nasa tabi ng daan saEnaim?” Sumagot sila: “Kailanma’y walangbabaeng bayaran dito.” 22 Nagbalik siya kayJuda at sinabi: “Hindi ko nakita ang babae atmaging ang mga tagaroon ay nagsabing walangbabaeng bayaran doon.” 23 At sinabi ni Juda:“Pabayaan mo na sa kanya ang lahat, at bakapagtawanan pa tayo ng mga tao. At saka,ipinadala ko sa kanya ang kambing pero hindimo naman siya nakita.”

24 Makalipas ang tatlong buwan, nabalitaan niJuda: “Nagpabayad sa lalaki si Tamar na iyongmanugang at buntis siya ngayon.” Sinabi niJuda: “Ilabas ninyo siya at sunugin nangbuhay.” 25 Nang kinakaladkad nang palabas siTamar, nagpasabi siya sa kanyang biyenan:“Buntis ako dahil sa lalaking may-ari ng mga ito.Hanapin ninyo kung kanino ang pantatak, tali attungkod na ito!” 26 Nakilala ni Juda ang mga iyonat sinabi: “Mas matuwid siya kaysa akin sapag-kat ayaw kong ibigay sa kanya ang aking anakna si Sela.” At hindi na siya muling nakipagtalikdito.

27 Nang sumapit ang kabuwanan ni Tamar,kambal ang nasa sinapupunan niya. 28 At sakanyang panganganak, inilabas ng isa sa kam-bal ang kanyang kamay, at tinalian iyon ng hilotng pulang sinulid sa pulso at sinabing “Angisang ito ang unang lumabas.” 29 Ngunit nangiurong ng sanggol ang kamay, naunang luma-bas ang kanyang kakambal, at sinabi ng hilot:“Anong bitak ang binitak mo!” At pinangalanansiyang Fares (Bitak). 30 At lumabas ang kan-yang kakambal na may sinulid na pula sa pulsoat pinangalanan itong Zaraj.

• 1 At dinala si Jose sa Ehipto, at binilisiya sa mga Ismaelitang nagdala roon

sa kanya ni Putifar na isang Ehipsiyong

GENESIS 39

• 39.1 Pagkaraan ng kanyang kasawiampalad,naging halimbawa naman ng karangalan, katapatan at

tiyaga si Jose. Sa Biblia, siya ang una sa mga hinamakna sa Diyos umaasa para sa kanilang gantimpala.

39

122

opisyal ni Paraon at kapitan ng mga guwar-diya. 2 Pinagpala ni Yawe si Jose samantalangnakatira siya sa bahay ng kanyang amongEhipsiyo.

3 Nakita ng kanyang amo na sumasa-kanya si Yawe at pinagtatagumpay niYawe ang lahat ng ipagkatiwala sa kanya.4 Kaya naging kasiya-siya si Jose sakanyang amo 5 at ginawa siyang mayor-domo ng kanyang bahay at ipinagka-tiwala sa kanya ang lahat ng ari-arian nito.Mula noon, pinagpala ni Yawe ang buongsambahayan ng Ehipsiyo dahil kay Jose.Pinagpala niya ang lahat ng ari-arian niPutifar, ang sambahayan at bukirin nito.6 Kaya iniwan ng Ehipsiyo ang lahat ni-yang ari-arian sa pangangalaga ni Jose,at tanging ang pagkain lamang niya angkanyang inasikaso.

Makisig na lalaki si Jose at matipunoang pangangatawan. 7 Kaya di nagtagal atnapusuan si Jose ng asawa ng kanyangamo at sinabi sa kanya: “Sumiping ka saakin.” 8 Ngunit tumanggi siya at sinabing“Ipinagkatiwala sa akin ng aking pangi-noon ang lahat ng kanya, at hindi niya akopinakikialaman tungkol sa bahay niya.9 Ginawa niya akong halos kapantay niyasa bahay na ito at wala siyang ipinagkaitsa akin liban sa iyo sapagkat asawa kaniya. Paano ko magagawa ang ganitokasamang bagay na isang pagkakasalasa Diyos?” 10 At kahit na araw-araw napinipilit ng babae si Jose, tumanggisiyang sumiping dito o makasama manlang nito.

11 Ngunit isang araw, pagpasok niya sabahay para asikasuhin ang kanyang mgagawain, wala isa mang alipin ang nasatahanan. 12 At hinawakan ng maybahay niPutifar si Jose sa damit nito at sinabi:“Halika na, mahiga na tayo.” Subalit tu-makbong palabas si Jose, at iniwan sa

kamay ng babae ang kanyang suot.13 Nakita ng babae ang damit ni Jose nahawak niya at siya’y tumakbong palabas.14 Tinawag niya ang mga alipin at sinabi:“Tingnan ninyo, dinala rito ang Hebreongito para paglaruan tayo. Naparito siyapara sumiping sa akin pero sumigaw ako.15 At nang marinig niyang sumigaw akopara humingi ng tulong, nagtatakbo si-yang palabas ng bahay at naiwan niyaang kanyang damit sa akin.

16 Itinabi ng asawa ni Putifar ang damithanggang makauwi ang kanyang pangi-noon. 17 At isinalaysay niya ang kanyangkuwento: “Tinangka akong paglaruan ngaliping Hebreong iyan na dinala mo rito.18 Ngunit nang sumigaw ako, nagtatakbosiyang palabas ng bahay at naiwan niyasa akin ang kanyang damit.” 19 Pagkarinigni Putifar sa sinabi ng asawang “Tingnanmo ang ginawa sa akin ng iyong alipin,”nag-apoy ang kanyang galit. 20 Dinalaniya si Jose sa Bilangguan sa Soar ka-sama ng mga bilanggo ng hari.

Ngunit habang nasa bilangguan ngSoar si Jose, 21 sumakanya si Yawe atnagmagandang-loob sa kanya kaya na-ging mabait sa kanya ang warden ng bi-langguan. 22 Ginawa niya itong tagapa-mahala sa lahat ng bilanggo at siya angpinapagpapasya kung ano ang gagawindoon. 23 Hindi pinakikialaman ng wardenang lahat ng nasa ilalim ng kanyang pa-ngangasiwa sapagkat sumasakanya siYawe at pinagtatagumpay ni Yawe anglahat niyang gawain.

Binigyang-kahulugan ni Joseang mgapanaginip

1 Makaraan ang ilang panahon, nag-kasala sa kanilang panginoon ang taga-

pangasiwa sa inumin ni Paraong hari ng Ehipto,gayundin ang punong-panadero. 2 Nagalit si Pa-raon sa dalawa niyang opisyal 3 at ipinakulong

GENESIS 39

Maraming tagapagpalaya at tagapagligtas sa Bibliabago dumating ang Tagapagligtas na Anak ng Diyos.Sinubok silang lahat bago nagtagumpay at marami sakanila ang hinamak ng kanilang mga kababayan.

Ang kuwento tungkol kay Jose at sa asawa ni Putifaray isang aral sa tunay na pagkalalaki. Para sa Biblia, isasa mga katangian ng tunay na lalaki ang katapatan atrespeto sa pag-aasawa.

40

123

sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya, samismong bilangguang pinagpiitan din kay Jose.4 Kaya ipinagkatiwala ng kapitan kay Jose angdalawang bilanggo at pinaglingkuran namanniya sila. At matagal-tagal din sila roon.

5 Isang gabi, kapwa nanaginip ang kasama niJose sa Soar na tagapangasiwa ng inumin at angpunong-panadero ng hari ng Ehipto, at maysariling kahulugan ang bawat isa. 6 Pagkakita niJose sa dalawa kinaumagahan, napansin niyaang pagkabahala ng mga ito, 7 kaya itinanongniya: “Ba’t kayo mukhang malungkot ngayon?”8 Sumagot ang dalawa: “Pareho kaming nana-ginip pero walang makapagpaliwanag nito.” Atsinabi ni Jose: “Di ba’t Diyos lamang ang ma-kapagbibigay-kahulugan sa mga panaginip?Sabihin ninyo sa ’kin ang inyong panaginip.”

9 Kaya ikinuwento ng tagapangasiwa nginumin kay Jose ang kanyang napanaginipan:“Sa aking panaginip, 10 may puno ng ubas namay tatlong sanga sa harap ko. Habang luma-laki ang puno ng ubas, namulaklak ito at na-hinog ang mga kumpol. 11 Hawak ko noon angkopa ni Paraon, at pinitas ko ang mga ubas atpiniga sa kopa ni Paraon. At pagkatapos, iniabotko ang kopa kay Paraon.”

12 Sinabi ni Jose sa kanya: “Ito ang kahuluganniyan. Ang tatlong sanga ay tatlong araw. 13 Saloob ng tatlong araw, palalayain ka ni Paraon atibabalik sa iyong puwesto at muli mong iaabotang kopa kay Paraon gaya noong ikaw angkanyang tagapaghanda ng inumin. 14 Kaya pagnabalik ka na sa dati mong puwesto, alalahaninmo naman sana ako at magmagandang-loob kasa akin at banggitin ako kay Paraon parapalabasin ako sa bilangguang ito. 15 Ang totoo’ykinidnap ako mula sa lupain ng mga Hebreo, atkahit dito ay wala akong nagagawang pagkaka-sala para mabilanggo.”

16 Nang makita ng punong-panadero namaganda ang ibinigay na paliwanag ni Jose sapanaginip, sinabi niya kay Jose: “Nanaginip dinako: may sunong akong tatlong bakol ngtinapay. 17 Puno ng iba’t ibang hinurnong pag-kain para kay Paraon ang bakol na nasa ibabaw,at kinain iyon ng mga ibon sa bakol na sunongko.” 18 Sinabi ni Jose: “Ang tatlong bakol aytatlong araw. 19 At sa loob ng tatlong araw,papupugutan ka ng ulo ni Paraon, at ibibitin ang

iyong bangkay sa isang puno at tutukain ng mgaibon ang iyong laman.” 20 Ang ikatlong araw aykaarawan ni Paraon, at naghanda siya ng ma-laking salu-salo para sa kanyang mga opisyal.Ipinatawag niya ang kanyang tagapangasiwa nginumin at ang kanyang punong-panadero. 21 Ibi-nalik niya sa tungkulin ang tagapangasiwa nginumin kayat muli nitong iniabot ang kopa kayParaon, 22 ngunit ipinabitay niya ang punong-panadero. At nangyari ang pagbibigay-kahu-lugan ni Jose.

23 Ngunit hindi na naalaala ng tagapangasiwang inumin si Jose: nalimutan na siya.

Ang mga panaginip ni Paraon• 1 Pagkaraan ng dalawang taon,nanaginip si Paraon na nakatayo

siya sa tabi ng Ilog Nilo 2 nang may pitongmaganda at matabang baka ang umahonmula sa ilog at nagsimulang manginain satabing-ilog. 3 Kasunod nilang umahonmula sa Nilo ang pito pang baka, mgapayat at nangangalirang at tumabi angmga ito sa mga bakang nasa tabing-ilog.4 Kinain ng payat at nangangalirang namga baka ang maganda at matabangmga baka. Pagkatapos ay nagising si Pa-raon. 5 Muling nakatulog si Paraon at nan-aginip uli. Nakita niyang tumutubo saisang tangkay ang pitong uhay, malamanat mabuti. 6 At may sumibol namang pi-tong uhay pa, maliliit at tinuyo ng hangingsilangan. 7 At nilamon ng maliliit na uhayang malalaman at mabubuti. At nagisingsi Paraon – panaginip lang pala iyon!

8 Nabalisa siya kinaumagahan at ipi-natawag ang lahat ng may lihim nakarunungan at pantas sa Ehipto. Ikinu-wento niya sa mga ito ang kanyang mgapanaginip pero walang makapagpa-liwanag ng mga ito sa kanya. 9 Kayasinabi ng punong-tagapangasiwa nginumin kay Paraon: “Naalaala ko ngayonang aking pagkukulang. 10 Nagalit si

• 41.1 Buhay na larawan ng dramang dinaranasng Ehipto sa gitna ng ulan, irigasyon at tagtuyot angibinibigay ng mga panaginip na ito at ng mga pang-yayaring kasama nito. Ayon sa tradisyong Hebreo, siJose ang nag-organisa ng mga bodega ng mga sobrangani sa Ehipto bilang paghahanda sa darating na tag-

tuyot. Binibigyang-diin ang katapatan ni Jose at anghindi pagpapabaya sa kanya ng Diyos kailanman. Hindipa alam ng mga mananampalataya nang panahongiyon ang kabilang-buhay. Kaya mahalagang maipakitanila kung paanong ginantimpalaan sa buhay na itoang matuwid na si Jose para sa kanyang pagtitiyaga.

GENESIS 41

41

124

pareho ang panaginip ni Paraon. Ipina-hayag ng Diyos kay Paraon ang kanyanggagawin. 26 Ang pitong matatabang bakaay pitong taon, at ang pitong magagan-dang uhay ay pitong taon din. Iisangpanaginip! 27 Ang pitong payat at pangitna bakang sumunod ay pitong taon din,pati ang pitong lanta at ipang uhay natinuyo ng hanging silangan – magkaka-roon ng pitong taong taggutom. 28 Tuladng sinabi ko kay Paraon, ipinahayag ngDiyos ang kanyang gagawin. 29 Mag-kakaroon ng pitong taon ng lubos nakasaganaan sa buong lupain ng Ehipto,30 ngunit susundan iyon ng pitong taongtaggutom. At malilimutan na ang pana-hon ng kasaganaan sapagkat magiginggrabe ang taggutom sa lupain. 31 Napa-katindi ng taggutom kaya hindi na magu-gunita ang panahon ng kasaganaan.

32 Dalawang ulit na nangyari kay Pa-raon ang panaginip sapagkat buo na angpasya ng Diyos at gagawin niya ito ka-agad. 33 Kaya pumili ngayon si Paraon ngtaong matalino at may-kakayahang ma-mahala sa Ehipto. 34 At kailangan dingmaglagay si Paraon ng mga tagapanga-siwa sa buong lupain na siyang lilikom ngbuwis na ikalimang bahagi ng lahat ng anisa lupain sa loob ng pitong taong ka-saganaan. 35 Kailangang tipunin nila anglahat ng pagkain sa pitong taong iyon ngkasaganaan, at iimbak ang mga trigo samga siyudad sa ilalim ng kapangyarihanni Paraon. 36 Ilalaan ang pagkaing itoupang hindi mamatay sa gutom ang ba-yan sa pitong taong taggutom na daratingsa Ehipto.”

Jose, punong opisyal37 Nasiyahan si Paraon at ang kanyang

mga opisyal sa sinabi ni Jose, 38 atnagtanong si Paraon: “Saan tayo maka-kakita ng lalaking tulad niya na suma-sakanya ang espiritu ng Diyos?” 39 Atsinabi niya kay Jose: “Dahil sa iyo ipina-alam ng Diyos ang lahat ng ito, wala nang

Paraon sa kanyang alipin at ipinakulongniya ako at ang punong-panadero sa ba-hay ng kapitan ng mga guwardiya. 11 Na-naginip kami sa iisang gabi na bawat pan-aginip ay may kanya-kanyang kahulu-gan. 12 Kasama namin noon ang isangkabataang Hebreong alipin ng kapitan ngmga guwardiya. Nang sabihin namin sakanya ang aming panaginip, binigyang-kahulugan niya ang bawat isa sa amingpanaginip. 13 At nagkatotoo ang kanyangsinabi. Nabalik nga ako sa aking tungku-lin, at binitay naman ang punong-pana-dero.”

14 Kaya ipinatawag ni Paraon si Jose.Agad siyang kinuha sa bilangguan, ina-hitan, at pinalitan ang kanyang damit parahumarap kay Paraon.

15 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Nana-ginip ako at walang makapagpaliwanagnito. Nabalitaan kong nabibigyang-kahulugan mo ang anumang panaginip.”16 Sumagot si Jose: “Hindi ako kundi angDiyos ang siyang magbibigay kay Paraonng kasiya-siyang kasagutan.” 17Kayaisinalaysay ni Paraon ang kanyang pana-ginip:

“Nasa tabi ako ng Ilog Nilo 18 nang pitongmaganda at matabang baka ang umahon sailog at nagsimulang manginain sa tabing-ilog.19 At pagkatapos, pitong baka pa ang umahon– mga bakang pangit at buto’t balat at payat.Hindi pa ako nakakita ng gayon kapangit nabaka sa buong lupain ng Ehipto. 20 Kinain ngpangit at buto’t balat na mga baka ang pitongmatatabang baka, 21 pero hindi halata na nasatiyan nila ang mga iyon sapagkat pangit atbuto’t balat pa rin sila tulad ng dati. At nagisingako. 22 Nakita ko rin sa aking panaginip angpitong uhay na tumutubo sa iisang tangkay,malaman at mabuti. 23 At pagkatapos, sumibolnaman ang pito pang uhay – tuyot at maliliit atnilanta ng hanging silangan. 24 Nilulon ng mgalantang uhay ang pitong magagandang uhay.Isinalaysay ko ito sa mga may lihim na karunu-ngan pero walang makapagpaliwanag nito saakin.”

25 At sinabi ni Jose kay Paraon: “Iisa at

GENESIS 41

125

magiging higit pang matalino at may-kakayahan kaysa iyo. 40 Ikaw ang mama-mahala sa aking administrasyon, at su-sundin ng lahat kong mamamayan angiyong mga utos. Lahat ng akin ay iyo,maliban lamang sa aking trono.” 41 Atsinabi pa ni Paraon kay Jose: “Itinatalagakita para mamahala sa buong lupain ngEhipto.”

42 At hinubad niya mula sa kanyangdaliri ang kanyang singsing na pantatak atisinuot sa daliri ni Jose. Binihisan niya itong pinong linen at sinabitan ng gintongkuwintas. 43 Pinasakay niya si Jose sapangalawang karwahe ng palasyo at ini-utos na may manguna sa kanya parasumigaw nang “Magsitabi kayo!” At siJose ang naging tagapamahala sa buonglupain ng Ehipto.

44 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Ako siParaon! Kung wala kang pahintulot, wa-lang makapagtataas ng kamay o maka-hahakbang sa buong lupain ng Ehipto.”45 Pinangalanang Safenat-Paneaj ni Pa-raon si Jose at ibinigay sa kanya bilangasawa si Asenat na anak ni Putifera napari ng diyos na si On. At naglakbay siJose sa buong lupain ng Ehipto. 46 Tat-lumpung taon si Jose nang humarap siyakay Paraong hari ng Ehipto. At pagkaalisniya sa harap ni Paraon, naglakbay siyasa buong lupain ng Ehipto.

47 Sa panahon ng pitong taong kasaga-naan, nag-ani nang sagana ang lupain.48 Tinipon ni Jose ang lahat ng pagkainginani sa panahong iyon ng kasaganaan saEhipto at inimbak sa bawat siyudad angani buhat sa paligid na bukirin niyon.49 Nakatipon si Jose ng trigong sindami ngbuhangin sa dagat, at hindi na matakaldahil sa dami.

50 Bago sumapit ang taon ng taggutom,

nagkaroon ng dalawang anak na lalakikay Jose si Asenat na anak ni Putiferangpari ni On. 51 Pinangalanang Manases niJose ang panganay sapagkat sinabiniyang “Ipinalimot sa akin ng Diyos anglahat kong hirap at ang bahay ng akingama.” 52 Pinangalanan naman niyangEfraim ang pangalawa sapagkat sinabiniya: “Ginawa akong mabunga ng Diyossa lupain ng aking paghihirap.”

53 Pagkatapos ng pitong taong kasaga-naan sa buong Ehipto, 54 nagsimulanaman ang pitong taong taggutom gayang sinabi ni Jose. Nagkaroon ng taggu-tom sa lahat ng bansa ngunit may pag-kain sa lahat ng dako sa Ehipto. 55 Nangmagsimulang magdanas ng taggutomang Ehipto, dumaing ang mga tao kayParaon para humingi ng pagkain. Ngunitsinabi ni Paraon sa mga Ehipsiyo: “Pu-munta kayo kay Jose at gawin ang kan-yang sasabihin.” 56 Sinalanta ng taggutomang buong lupain, binuksan ni Jose anglahat ng bodega at nagbenta ng trigo samga Ehipsiyo sapagkat malubha angtaggutom sa buong lupain.

57 Lalo pang lumubha ang taggutom sabuong daigdig kaya ang lahat ay pumuntasa Ehipto para bumili ng trigo kay Jose.Bumaba sa Ehipto ang mga anakni Jacob

• 1 Nang mabalitaan ni Jacob namay trigo sa Ehipto, sinabi niya

sa kanyang mga anak: “Ba’t kayo na-katayo riyan at nagtitinginan? 2 Nabali-taan kong may trigo sa Ehipto kayapumunta kayo roon at bumili ng kauntipara hindi tayo mamatay sa gutom.”3 Nagpunta sa Ehipto ang mga kapatid niJose para bumili ng trigo – sampu silanglahat 4 sapagkat hindi pinasama ni Jacobsi Benjamin na kapatid ni Jose dahil na-

• 42.1 Ito ang simula ng mahabang salaysaytungkol sa pagkikita ni Jose at ng kanyang mga ka-patid.

Pansinin kung paanong inoobliga ni Joseng taga-pagligtas ang kanyang mga kapatid na pagbayaran

ang krimeng kanilang ginawa. Isa sa kanila ang dapatmag-alay sa sarili para sa kanyang kapatid bago mag-pakilala si Jose. Hindi inaalis ng kapatawaran angpangangailangang pagbayaran ang ginawang kasa-maan.

GENESIS 42

42

126

tatakot itong baka may mangyari sakanya.

5 Kaya umalis ang mga anak ni Israelkasama ng iba pang mga Kananeo parabumili ng trigo sapagkat taggutom din saKanaan. 6 Si Jose bilang gobernador ngEhipto ay nagbibili ng trigo sa buongbayan. Nang dumating ang kanyang mgakapatid, yumuko sa kanya ang mga ito naabot sa lupa ang mga mukha. 7 Agad nanakilala ni Jose ang kanyang mga kapatidpero hindi siya nagpahalata sa mga ito, sahalip ay naging mabalasik siya: “Saankayo galing?” At sumagot ang mga ito:“Galing kami sa lupain ng Kanaan parabumili ng trigo.” 8 Nakilala nga ni Jose angkanyang mga kapatid pero hindi siyanakilala ng mga ito.

9 At naalala niya ang mga panaginipniya tungkol sa kanila. Sinabi niya: “Mgaespiya kayo at naparito kayo para tiktikanang mga kahinaan ng lupain.” 10 Sumagotsila: “Hindi, aming panginoon, naparitoang inyong mga alipin para bumili lamangng trigo. 11 Mga anak kami ng iisang lalaki.Matapat kaming mga tao, hindi espiyaang inyong mga alipin.” 12 Pero sinabi niJose: “Hindi, naparito kayo para tiktikanang kahinaan ng lupain.” 13 At sinabi nila:“Labindalawang magkakapatid na lalakiang inyong mga alipin, mga anak ngisang lalaki sa lupain ng Kanaan. Kasamangayon ng aming ama ang bunso, at walana ang isa.” 14 At iginiit ni Jose: “Tama ngaang sabi ko – mga espiya kayo! 15 At ma-patutunayan ito. Isinusumpa ko sa buhayni Paraon na hindi kayo makaaalis ditohanggang hindi napaparito ang inyongbunsong kapatid. 16 Isa sa inyo ang aalispara sunduin ang inyong kapatid at ibi-bilanggo naman ang iba. Kaya mala-laman ko kung nagsasabi nga kayo ngtotoo. At kung hindi, mga espiya ngakayo.” 17 Kaya tatlong araw niyang ipina-bilanggo ang lahat.

18 Sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlongaraw: “Tutulungan ko kayong iligtas ang

inyong sarili sapagkat may takot ako saDiyos. 19 Kung mga tapat nga kayo, ma-iwang bilanggo ang isa sa inyong mag-kakapatid sa bahay ng guwardiya na ti-nutuluyan ninyo ngayon at iuwi ninyo angtrigong kailangan ng inyong pamilya.20 Ngunit kailangang dalhin ninyo sa akinang inyong bunsong kapatid para mapa-tunayan ko ang inyong sinabi at maligtasang inyong buhay.” Gayon nga ang kani-lang ginawa, 21 at sinabi nila sa isa’t isa:“Parusa ito dahil sa ginawa natin sa atingkapatid. Nakita natin ang kanyang pag-hihirap at narinig ang kanyang pagma-makaawa pero hindi natin siya pinagbig-yan. Kaya dumating sa atin ang paghi-hirap na ito.” 22 Sinabi sa kanila ni Ruben:“Sabi ko na nga ba’t huwag gawan ngmasama ang bata! Pero ayaw ninyongmakinig, kaya pinagbabayaran tuloy na-tin ngayon ang kanyang pagkamatay.”

23 Hindi nila alam na naiintindihan silani Jose sapagkat mayroon pa itong inter-preter. 24 Kaya umalis muna si Jose atumiyak. Nang magbalik ito, kinausap silanito at ipinakuha si Simeon at ipinagapossa harap nila.

25 Ipinag-utos ni Jose na punuin ngtrigo ang kanilang mga sako at ipina-balik sa sako ng bawat isa ang kanilangsalapi at pinabigyan ang bawat isa ngpagkain para sa paglalakbay. Mataposgawin ito, 26 ikinarga nila ang trigo sakanilang mga asno at lumakad na sila.27 Ngunit kinagabihan, sa lugar na kani-lang tinigilan, nang buksan ng isa sakanila ang kanyang sako para pakaininang kanyang asno, nakita niya ang kan-yang pilak na nakapaibabaw sa mgatrigo sa bungad ng sako. 28 Kaya sinabiniya sa kanyang mga kapatid: “Ibinalikang aking salapi, narito sa aking sako!”Nabigla sila at nangatal at sinabing “Anoitong ginawa sa atin ng Diyos?”

29 Pagkauwi nila sa kanilang amang siJacob sa lupain ng Kanaan, isinalaysaynila ang lahat ng nangyari sa kanila:

GENESIS 42

12730 “Naging mabalasik sa amin ang lalaking

panginoon sa lupaing iyon at itinuring kamingmga espiya 31 pero sinabi naming – Mabuting taokami at hindi mga espiya. 32 Labindalawa ka-ming magkakapatid, anak ng iisang ama. Walana ang isa at kasama naman ng aming ama salupain ng Kanaan ang pinakabunso. 33 At sinabing panginoon ng lupain – Malalaman ko kungnagsasabi nga kayo ng totoo sa pamamagitannito: iwan ninyo rito ang isa sa inyong mgakapatid, kumuha kayo ng kailangan ng inyongmga sambahayan at lumakad, 34 pero dalhinn’yo sa akin ang inyong bunsong kapatid paramasiguro kong hindi nga kayo mga espiya kundimabubuting tao. At palalayain ko ang inyongkapatid at maaari na kayong makipagkalakalansa lupain.”

35 Nang isalin nila ang mga sako, nakitang bawat isa ang kanilang sisidlan ngsalapi na nasa sako. Natakot sila pati angkanilang ama nang makita nila ito. 36 Si-nabi ng kanilang amang si Jacob: “Ini-lalayo ninyo sa akin ang aking mga anak.Wala na si Jose, wala na rin si Simeon atngayo’y kukunin pa rin ninyo sa akin siBenjamin! At papasanin ko ang lahat ngito!” 37 Ngunit sinabi ni Ruben sa kanyangama: “Patayin na ninyo ang dalawa konganak kung hindi ko maibabalik sa inyo siBenjamin. Ipagkatiwala ninyo siya sa akinat ibabalik ko siya.” 38 Ngunit sinabi niJacob: “Hindi sasama sa inyo ang akinganak, patay na ang kanyang kapatid atsiya na lamang ang naiiwan sa akin. Kungmay masamang mangyari sa kanya sadaan, mamamatay ako sa lungkot saaking katandaan.”Pangalawang pagpunta sa Ehipto

1 Palubha pa rin nang palubha angkakulangan ng pagkain sa lupain.

2 At nang maubos na nila ang trigong uwinila mula sa Ehipto, sinabi sa kanila ngkanilang ama: “Bumalik kayo at ibili kaming kaunting makakain.” 3 Ngunit sinabi niJuda: “Mahigpit ang babala sa amin nglalaki na kailangang isama namin angaming kapatid. 4 Kung pasasamahinninyo sa amin ang aming kapatid, babalik

kami para ibili kayo ng pagkain, 5 ngunitkung hindi’y hindi kami babalik sapagkatsinabi ng lalaki na – Hindi kayo makaha-harap sa akin kung hindi ninyo kasamaang inyong kapatid.” 6 Kaya sinabi ni Is-rael: “Bakit ninyo ako binigyan ng gani-tong problema sa pagsasabi sa lalaki namay isa pa kayong kapatid?” 7 At suma-got sila: “Maingat kaming inimbestiga nglalaki at tinanong tungkol sa aming sariliat mga kaanak – Buhay pa ba ang inyongama? May iba pa ba kayong kapatid? – atsinagot lamang namin ang kanyang mgatanong. Alam ba naming iuutos niyangdalhin sa kanya ang aming kapatid?”

8 At sinabi ni Juda sa kanyang amangsi Jacob: “Pasamahin ninyo sa akin angbata, at nang makalakad kami agadupang kami, kayo at ang aming mga anakay mabuhay at hindi mamatay. 9 Pana-nagutan ko ang kanyang kaligtasan. Ka-pag hindi ko siya naibalik at naiharap sainyo rito, tatanggapin ko ang bigat ngkasalanan habang panahon. 10 Kung hinditayo nagbantulot nang napakatagal, dala-wang ulit na sana kaming nakapunta roonat nakabalik dito.” 11 Sinabi naman sakanila ni Israel na kanilang ama: “Kungkailangang mangyari ang gayon, ganitoang inyong gawin: magdala kayo sa in-yong mga sako ng mga piling produkto nglupain at iregalo sa lalaki – kaunting bal-samo at pulot-pukyutan, almond at pista-chio. 12 At doblehin ninyo ang dalang peradahil dapat ninyong isauli ang salapingnakita ninyo sa inyong mga sako; bakanagkamali lamang sila.

13 Isama ninyo ang inyong kapatid atbumalik kayo sa lalaki. 14 Loobin nawa ngDiyos ng Kataas-taasan na kahabagankayo ng lalaki para pauwiin niyang ka-sama ninyo ang isa pa ninyong kapatid atsi Benjamin. At tungkol sa aking sarili,kung dapat akong mawalan ng mga anak,sige, mawalan ako ng mga ito.”

15 Kinuha ng magkakapatid ang mgaregalo at dinoble ang dalang pera. At

GENESIS 43

43

128

“Mabuti ba ang lagay ng matanda nin-yong ama na ibinalita ninyo noon? Buhaypa ba siya?” 28 At sumagot sila: “Mabutinaman ang inyong lingkod, ang amingama, at buhay pa.” At yumuko sila salupa.

29 Tumunghay siya at nakita ang kan-yang kapatid na si Benjamin na anak ngkanyang ina, at sinabi: “Ito ba ang inyongbunsong kapatid na ibinalita ninyo noonsa akin?” At kanyang idinugtong: “Pag-palain ka ng Diyos, anak ko.” 30 Gayon nalamang ang naging damdamin ni Josenang makita ang kanyang kapatid kayamabilis siyang lumabas at umiyak sakanyang silid. 31 Matapos siyang maghi-lamos at muling lumabas, na sinusupilang damdamin, sinabi niya: “Ihain na angtanghalian.” 32 Ipinaghaing bukod si Jose,gayundin ang magkakapatid at nakabu-kod din ang mga Ehipsiyo sapagkat hindimaaaring sumalo ang mga Ehipsiyo samga Hebreo – isang malaking kahihiyanang gayon sa mga Ehipsiyo.

33 Pinaupo ang magkakapatid na ka-harap ni Jose ayon sa kanilang edad,mula sa pinakapanganay hanggang pi-nakabunso. At nagkatinginan sila nangbuong pagtataka. 34 Nang ihain kay Joseang lahat ng pagkain, ikinuha niya angkanyang mga kapatid at ipinasilbi ito sakanila. At limang ibayo ang dami ngibinigay kay Benjamin kaysa kanyangmga kapatid. At nakipag-inuman sila sakanya at nagsaya.

Ang kopa ni Jose sa sako niBenjamin

1 At nag-utos si Jose sa kanyangmayordomo: “Punuin mo ng pag-

kain ang mga sako nila, hanggang ma-kakaya nila. At ilagay mo ang pera ngbawat isa sa bungad ng sako, 2 at ilagaymo naman ang aking kopang pilakkasama ng perang para sa kanyang trigosa sako ng pinakabunso.” Sinunod ngmayordomo ang sinabi ni Jose.

isinama nila si Benjamin at lumakad pa-puntang Ehipto at humarap kay Jose.16 Nang makita ni Jose na kasama na nilasi Benjamin, sinabi niya sa kanyang may-ordomo: “Dalhin mo ang mga taong ito sabahay ko. Magkatay ng hayop at mag-handa ng pagkain, sapagkat makikisalosa akin sa tanghalian ang mga taong ito.”

17 Ginawa ng mayordomo ang iniutos niJose at dinala ang magkakapatid sabahay ni Jose. 18 Natakot ang magka-kapatid nang dalhin sila sa bahay ni Joseat nag-usap-usap sila: “Dinala tayo ritodahil sa perang isinauli sa ating mga sakonang pumarito tayo noon. Ibig niyangmakaganti at malupig tayo upang gawintayong alipin at agawin ang ating mgaasno.” 19 Kaya nilapitan nila ang mayor-domo ni Jose at kinausap iyon sa maypintuan ng bahay: 20 “Ipagpatawad ninyo,ginoo, pumarito kami noon para bumili ngtrigo, 21 ngunit nang makarating kami saisang matutuluyan, binuksan namin angaming mga sako at nakita namin sabungad ng sako ang perang bawat isa saamin na hindi nagagalaw. Dala naminiyon ngayon para ibalik 22 at may dala parin kami para bumili pa ng pagkain. Hindinamin alam kung sino ang naglagay ngsalapi sa aming mga sako.” 23 Sinabi ngmayordomo: “Huwag kayong mabahala,huwag kayong matakot. Ang inyongDiyos, ang Diyos ng inyong ama angnaglagay ng kayamanan sa inyong mgasako. Natanggap ko ang inyong salapi.”At iniharap niya sa kanila si Simeon.

24 Pinapasok ng mayordomo ang mag-kakapatid sa bahay ni Jose, binigyan silang tubig para mahugasan ang kanilangmga paa at ng damo para sa kanilangmga asno. 25 Inihanda nila ang kanilangregalo at hinintay ang pagdating ni Josesa katanghalian sapagkat nalaman nilangdoon sila manananghalian. 26 Nang du-mating si Jose sa bahay, inihandog nilaang mga regalong dala nila at yumuko salupa. 27 Kinumusta sila ni Jose at sinabi:

GENESIS 43

44

1293 Nang nagliliwanag na kinaumagahan,

pinalakad na ang magkakapatid, kasamaang kanilang mga asno. 4 Hindi pa silanakalalayo sa siyudad nang sabihin niJose sa kanyang mayordomo: “Habulinmo agad ang mga lalaking iyon, at sabihinmo sa kanila pag inabutan mo na sila –Bakit ninyo ginantihan ng masama angmabuti? 5 Hindi ba ito ang iniinuman ngaking amo at ginagamit sa panghuhula?Masama ang inyong ginawa!” 6 Nangabutan sila ng mayordomo, inulit nga niyaang mga katagang ito.

7 At sinabi ng magkakapatid: “Bakitnaman ganyan magsalita ang akingpanginoon? Kailanma’y hindi magagawang inyong mga lingkod ang gayon. 8 Isi-nauli pa nga namin mula sa lupain ngKanaan ang perang nakuha namin saaming mga sako. Kaya bakit kami mag-nanakaw ngayon ng pilak o ginto sa ba-hay ng inyong panginoon? 9 Kung makitaninyo sa isa sa inyong mga alipin angsinasabi ninyo, dapat siyang mamatay atkami nama’y magiging alipin ng inyongpanginoon.” 10 Sinabi ng mayordomo:“Sige, ayon sa sabi ninyo, magiging alipinko ang sinumang kakitaan ng kopa atmakakalaya na ang iba.” 11 Ibinaba ng ba-wat isa ang kanyang sako sa lupa at bi-nuksan iyon. 12 Nagsaliksik ang mayor-domo mula sa panganay at nagtapos sapinakabunso. At natagpuan ang kopa sasako ni Benjamin. 13 Kaya winarak ngmagkakapatid ang kanilang mga damit atmuling ikinarga ang mga sako sa mgaasno, at bumalik sa lunsod.

14 Nasa bahay pa si Jose nang maka-balik si Juda at ang kanyang mga kapatidat nagpatirapa sa harap niya. 15 Sinabi niJose sa kanila: “Ano ang inyong ginawa?Hindi ba ninyo alam na may kakayahangmanghula ang isang tulad ko?” 16 At sinabinaman ni Juda: “Ano ang masasabi na-min sa aking panginoon? Paano naminmapatutunayan ang aming kawalang-sala? Ang Diyos ang naglantad sa aming

pagkakasala: mga alipin na kami ngayonng aming panginoon, kami at ang kina-tagpuan ng kopa.” 17 Ngunit sinabi niJose: “Hindi ko magagawa iyon. Kungsino lamang ang kinatagpuan ng kopaang siya kong magiging alipin. At maka-babalik nang mapayapa ang lahat sa inyosa inyong ama.”

18 Lumapit si Juda kay Jose at sinabi:“Panginoon ko, hayaan ninyong maka-pagsalita ang inyong lingkod. Huwagsana kayong magalit bagamat kapantaykayo ni Paraon. 19 Nang tanungin ninyo,panginoon ko, ang inyong mga lingkodkung – May ama pa ba kayo o kapatid nalalaki? – 20 sinabi naming – May amakaming matanda na na may anak na ba-tang lalaki sa kanyang katandaan. Patayna ang kapatid na lalaki niyon at siya nalamang ang naiwang anak ng kanyangina. At mahal na mahal siya ng kanyangama. 21 At sinabi ninyo sa amin – Isamaninyo siya rito para makita ko. 22 Sinabinaman namin sa aming panginoon nahindi maaaring iwan ng batang lalaki angkanyang ama sapagkat kung iiwan niyaiyon, mamamatay ang kanyang ama.

23 At sinabi ninyo na kung hindi namin maisa-sama ang aming bunsong kapatid, hindi kamimakahaharap sa inyo. 24 Sinabi namin ang lahatng ito sa aming ama pag-uwi namin. 25 Kayatnang sabihin niyang bumalik kami rito at bumiling kaunting pagkain, 26 sinabi namin – Hindikami makapupuntang muli roon kung hindininyo pasasamahin ang aming bunsong kapa-tid. Hindi kami haharapin ng lalaking iyon ma-libang kasama namin ang aming kapatid. 27 Atsinabi ng aming ama – Alam ninyong binigyanako ng dalawang anak ng aking asawa. 28 Na-wala na ang isa at tiyak na nagkaluray-luray siyaat hindi ko na nakita pang muli. 29 Kung ilalayoninyo pa sa akin ang isang ito at may mangyarisa kanya, mamamatay ako sa lungkot sa akingkatandaan.

30 Ngayon, hindi ako makababalik sa akingama na hindi kasama ang bata sapagkat mahalna mahal siya ng aking ama. 31 Ikamamatayniya ang makitang wala ang bata, mamamataysiya sa lungkot sa kanyang katandaan.

GENESIS 44

13032 Ako ang nanagot sa kaligtasan ng

bata sa harap ng aking ama, sinabi kong –Kung hindi siya maibabalik, ama ko, akoang may kasalanan sa habang panahon.33 Kaya payagan ninyong ako na ang ma-natili bilang alipin kapalit ng bata at pa-samahin siya sa kanyang mga kapatid.34 Paano pa akong makauuwi sa amingama kung hindi rin lang kasama angbata? Ayaw kong makita ang paghihirapng aking ama!”

Nagpakilala si Jose1 Hindi na mapigil ni Jose angkanyang damdamin sa harap ng

lahat niyang tauhan at iniutos niyang“Iwan ninyo ako, lahat kayo!” kayat wa-lang sinuman ang naroon nang magpa-kilala si Jose sa kanyang mga kapatid.2 Napakalakas ng kanyang iyak kayanarinig ito ng mga Ehipsiyo at kumalatang balita sa buong sambahayan ni Pa-raon.

3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga ka-patid: “Ako si Jose. Buhay pa ba angaking ama?” Hindi nakasagot ang kan-yang mga kapatid, lubha nga silang na-bigla sa harap niya. 4 Sinabi ni Jose:“Lumapit kayo.” At nagsilapit sila. “Ako siJose, ang inyong kapatid, ang ipinagbilininyo sa mga Ehipsiyo. 5 Huwag kayongmalungkot ni sisihin ang inyong sarili.Ipinagbili nga ninyo ako pero ang Diyosang nagsugo sa akin, una sa inyo, parabumuhay. 6 Dalawang taon nang maytaggutom sa lupain at limang taon pa nahindi makapag-aararo at hindi makapag-aani. 7 Isinugo ako ng Diyos nang una sainyo upang makatiyak na hindi malilipolang inyong lahi sa lupa at buhayin kayo:ito ang malaking pagliligtas. 8 Kayat hindikayo kundi ang Diyos ang nagdala sa akindito, at ginawa niya akong ama kayParaon at panginoon sa kanyang sam-bahayan at tagapamahala ng buongEhipto.

9 Bumalik agad kayo sa aking ama at

sabihin sa kanyang – Ito ang ipinasasabisa inyo ni Jose na inyong anak: Ginawaako ng Diyos na panginoon ng buongEhipto. Pumarito kayo agad. 10 Sa rehiyonng Gosen kayo titira – malapit sa akin –kayo, ang inyong mga anak at mga apo,ang inyong mga tupa at mga baka at lahatng inyong ari-arian. 11 Ako ang bahala salahat (sapagkat limang taon pang tatagalang taggutom) at kayo at ang inyongsambahayan at lahat ng inyo ay hindimagdarahop. 12 Alam na ninyo ngayon atmaging ng kapatid kong si Benjamin naako nga ang nakikipag-usap sa inyo.13 Ibalita ninyo sa aking ama ang natamokong kapangyarihan sa Ehipto at anglahat ng inyong nakita. Umalis na kayoagad at isama rito ang aking ama.” 14 Pag-kasabi nito, niyakap ni Jose si Benjaminat umiyak.

15 At lumuluhang hinalikan at niyakap angkanyang mga kapatid, at nagsimula silangmakipag-usap na kay Jose. 16 Nakarating angbalita sa buong sambahayan ni Paraon na du-mating ang mga kapatid ni Jose. Naging kasiya-siya naman ang balita kay Paraon at sa kanyangmga opisyal.

17 Sinabi ni Paraon kay Jose: “Sabihin mo itosa iyong mga kapatid – Kargahan ninyo anginyong mga hayop, umuwi sa lupain ng Kanaan18 at isama pabalik dito sa akin ang inyong amaat ang inyong mga pamilya; ibibigay ko sa inyoang pinakamabuti sa Ehipto at kakanin ninyoang pinakamasarap na bunga ng lupa. 19 At saganang sarili mo naman, ipag-utos mo ito –Magdala kayo ng mga karwahe mula sa lupainng Ehipto para sa inyong mga anak at mgaasawa; sunduin ninyo ang inyong ama at bu-malik dito! 20 Huwag ninyong panghinayanganang mga bagay na maiiwan doon sapagkat inyoang pinakamabuti sa buong Ehipto!”

21 Gayon nga ang ginawa ng mga anak niIsrael. Binigyan sila ni Jose ng mga karwahegaya ng ipinag-utos ni Paraon at ng baongpagkain para sa paglalakbay. 22 Binigyan niyabawat isa ng tig-isang bagong damit pero parakay Benjamin, tatlundaang pirasong pilak atlimang bagong damit ang kanyang iniregalo.23 Nagpadala siya sa kanyang ama ng sampungasno na may karga ng pinakamabubutingprodukto ng Ehipto at sampung babaeng asno

GENESIS 44

45

131

na may kargang trigo, tinapay at iba pang baonpara sa paglalakbay ng kanyang ama. 24 Pinaalisna ni Jose ang kanyang mga kapatid at pi-nagsabihang “Huwag kayong mag-aaway sadaan.”

25 Umuwi sila mula sa Ehipto at bumalik sakanilang amang si Jacob sa Kanaan. 26 Sinabinilang “Buhay pa si Jose at siya ang panginoonng buong Ehipto!” Hindi kumibo si Jacob sa-pagkat hindi siya naniniwala. 27 Ngunit sinabi ngmagkakapatid ang lahat ng sinabi ni Jose. Atnang makita ni Jacob ang mga karwahengpadala ni Jose para sakyan ng ama, muli siyangnabuhayan ng loob 28 at sinabi ni Israel: “Tamana sa akin ang malamang buhay ang anak kongsi Jose. Lalakad ako para makita siya bago akomamatay.”Bumaba sa Ehipto si Jacob

• 1 Umalis si Israel na dala ang laha ni-yang ari-arian. Pagdating niya sa Ber-

seba, nag-alay siya ng mga handog sa Diyos ngkanyang amang si Isaac. 2 Sinabi ng Diyos kayIsrael sa isang panaginip: “Jacob! Jacob!” Atsumagot siya: “Narito ako.” 3 Sinabi sa kanya:“Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama.Huwag kang matakot na lumusong sa Ehiptosapagkat gagawin kitang isang malaking bansaroon. 4 Sasamahan kita sa Ehipto at ibabalik namuli rito, at mga kamay ni Jose ang magpipikitsa iyong mga mata.”

5 Umalis si Jacob sa Berseba at dinala ng mgaanak ni Israel ang kanilang amang si Jacobkasama ang kanilang mga anak at mga asawasa mga karwaheng padala ni Paraon parasunduin sila. 6 Dinala rin nila ang kanilang mgakawan at lahat ng naging ari-arian nila saKanaan.

7 Nagpunta nga si Jacob sa Ehipto kasamaang buo niyang angkan, ang kanyang mgaanak at mga apo – ang lahat niyang anak.

8 Ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israelna nagpunta sa Ehipto, si Jacob at ang kanyangmga anak. Si Rubeng panganay ni Jacob 9 atang mga anak ni Ruben na sina Enoc, Falu,Hesron at Carmi.

10 Ang mga anak ni Simeon: Yamuel, Yamin,Ahod, Yuakin, Sohar at Saul na anak sa Ka-nanea.

11 Ang mga anak ni Levi: Gerson, Kehat atMerari.

12 Ang mga anak ni Juda: Er, Onan, Sela,Fares at Zaraj (pero namatay sa lupain ngKanaan sina Er, Onan at Sela) Ang mga anak niFares: Hesron at Hamul.

13 Ang mga anak ni Isacar: Tola, Fua, Job atSumron.

14 Ang mga anak ni Zabulon: Sared, Elon atYahelel.

15 Ito ang mga anak ni Lea kay Jacob saPadan-Aram bukod sa kanyang anak na baba-eng si Dina. Tatlumpu’t tatlong lahat ang kan-yang mga anak na babae at lalaki.

16 Ang mga anak ni Gad: Sefion, Haggi, Suni,Esebon, Heri, Arodi at Areli.

17 Ang mga anak ni Aser: Yamne, Yesua,Yesui, Beria at ang kanilang kapatid nababaeng si Sara. Ang mga anak ni Beria: Hebelat Malquiel. 18 Ito ang mga anak kay Jacob niZelfang bigay ni Laban sa kanyang anak na siLea – labing-anim na lahat.

19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Ja-cob: Jose at Benjamin. 20 Naging anak ni Jose saEhipto sina Manases at Efraim na ipinanganakni Asenat na anak ni Putiferang pari ni On.

21 Ang mga anak ni Benjamin: Bela, Beher,Asbel, Gera, Naaman, Equi, Ros, Mofin, Ofin atAred. 22 Ito ang mga anak ni Raquel kay Jacob– labing-apat na lahat.

23 Ang anak ni Dan: Husim.24 Ang mga anak ni Neftali: Yasiel, Guni, Yeze

at Sallem.25 Ito ang mga anak ni Jacob kay Bilang

bigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak –pitong lahat.

26 Animnapu’t anim ang bilang ng mga taongkasama ni Jacob na pumunta sa Ehipto, lahatng kanyang kadugo, hindi pa kabilang angmga asawa ng kanyang mga anak. 27 Kasamaang dalawang anak ni Jose sa Ehipto, pitum-pung lahat ang kabuuang bilang ng samba-hayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto.

Pagkikita nina Jacob at Jose28 Pinauna ni Jacob si Juda upang ipagbigay-

alam kay Jose na parating na siya at malapit nasa lupain ng Gosen. 29 Ipinahanda ni Jose angkanyang karwahe para salubungin ang kanyangamang si Israel sa Gosen. Pagkakita niya sakanya, niyakap niya ang kanyang ama atmatagal na umiyak sa balikat nito. 30 Sinabi niIsrael kay Jose: “Puwede na akong mamatay

• 46.1 Naririto ang mahalagang resulta ng pakiki-pagsapalaran ni Jose. Pumunta si Jacob sa Ehiptokasama ang buo niyang pamilya. Nanirahan ang mgaHebreo sa Ehipto at parang nalimutan na nila anglupain ng Kanaan na nilakbay nina Abraham at Jacob

kasama ng kanilang mga kawan at ipinangako ngDiyos sa kanila. Ilang dantaon silang mananatili saEhipto hanggang pamunuan sila ni Moises pabalik salupain ng mga Pangako. Bahagi ng plano ng Diyos angmatagal na pagkaantalang ito.

GENESIS 46

46

132

ngayon sapagkat nakita ko na ang iyong mukhaat nalamang buhay ka.”

31 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatidat sa buong angkan ng kanyang ama: “Aalis akongayon din para ibalita kay Paraon na dumatingna ang aking mga kapatid at ang sambahayanng aking ama buhat sa lupain ng Kanaan. 32 Sa-sabihin ko rin sa kanya na kayo ay mga pastolng mga kawan na nag-aalaga ng mga hayop, atdinala ninyo ang inyong mga tupa at mga bakaat lahat ng inyong ari-arian. 33 Kayat kapagipinatawag kayo ni Paraon at sinabi niyang –Ano ang inyong trabaho? – 34 sasabihin ninyong– Sapul pagkabata hanggang ngayon, kami’ynagpapastol na ng mga kawan tulad ng amingmga ninuno. Kaya sa lupain ng Gosen kayomaninirahan sapagkat namumuhi ang mgaEhipsiyo sa lahat ng pastol.”

1 Pinuntahan ni Jose si Paraon at sinabi:“Dumating na sa Gosen buhat sa lupain

ng Kanaan ang aking ama at mga kapatid,kasama ang kanilang mga tupa at mga baka atlahat nilang ari-arian.”

2 At pinili niya ang lima sa kanyang mgakapatid at iniharap kay Paraon. 3 Itinanong niParaon: “Ano ang inyong trabaho?” At sumagotsila: “Mga pastol ang inyong mga lingkod tuladng aming ninuno. 4 Naparito kami upang pansa-mantalang manirahan sa lupain sapagkat walanang pastulan ang aming tupa dahil sa ma-lubhang taggutom sa Kanaan. Kayat hinihilingnamin na kung maaari’y patirahin ninyo kami salupain ng Gosen.”

5 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Pinuntahanka ng iyong ama at mga kapatid. 6 Ikaw angpanginoon ng buong lupain ng Ehipto; itira moang iyong ama at mga kapatid sa pinakama-inam na lugar. Patirahin mo sila sa Gosen atkung may kilala ka sa kanila na may-kaka-yahan, paalagaan mo sa kanila ang aking mgakawan.”

Ang mga anak ni Jacob sa Ehipto7-8 Sinamahan ni Jose ang kanyang amang si

Jacob at iniharap kay Paraon na nagtanongpagkatapos batiin ni Jacob: “Ilang taon nakayo?” 9 Sumagot si Jacob: “Isandaa’t tatlum-pung taon na ang mga taon ng aking paggagala.Maikli at mahirap ang mga taon ng aking buhay,at di sindami ng sa aming mga ninuno.” 10 Atbinasbasan ni Jacob si Paraon at saka umalis.

11 At pinatira ni Jose ang kanyang ama at mgakapatid sa pinakamagandang lugar sa Ehipto,sa lupain ng Rameses gaya ng ipinag-utos niParaon.

12 Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyangama at mga kapatid at ang buong sambahayanng kanyang ama batay sa bilang ng kanilangmga anak.

• 13 Naging napakatindi ng taggutom kayatnawalan ng pagkain ang buong lupain. Nasa-lanta ang Ehipto at Kanaan dahil sa taggutom.14 Tinipon ni Jose ang lahat ng napagbilhan satrigo sa mga lupain ng Ehipto at Kanaan. Dinalani Jose ang lahat ng salapi sa bahay ni Paraon.15 Nang maubos na ang pera ng mga tao saEhipto at Kanaan, lumapit ang lahat ng Ehipsiyokay Jose at sinabing “Bigyan mo kami ngpagkain! Ba’t kami kailangang mamatay saharap mo dahil wala na kaming pera?” 16 Sinabinaman sa kanila ni Jose: “Ibigay ninyo sa akinang inyong mga hayop bilang bayad sa pagkaindahil wala na kayong pera.” 17 At dinala nga nilakay Jose ang kanilang mga alagang hayop, atbinigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalitng kanilang mga kabayo, tupa, kambing, baka,at asno. Sa gayon binigyan ni Jose ng pagkainang mga tao nang taong iyon. 18 Nang sumunodna taon, dumating na naman sila at sinabi sakanya: “Hindi namin maikakaila sa aming pa-nginoon na ubos na ang aming pera at nasa inyona ang aming mga alagang hayop. Wala nangnaiwan sa amin kundi ang aming sarili at angaming lupa. 19 Ba’t kami kailangang mamataysa harap ninyo – kami pati na ang aming lupa?Bilhin ninyo kami at ang aming lupa bilangkapalit sa pagkain, at kami at ang aming mgalupa ay magiging alipin ni Paraon. Bigyan ninyokami ng trigo upang hindi kami mamatay, athuwag mapabayaan ang aming lupa.”

20 At nakuhang lahat ni Jose ang lupain ngEhipto para kay Paraon. Ipinagbili ng lahat ngEhipsiyo ang kanilang mga lupa sapagkat labisang kanilang paghihirap dahil sa taggutom.Naging may-ari ng buong lupain si Paraon, 21 atpinalipat ni Jose sa mga siyudad ang mga taomula sa kanilang lupa sa buong Ehipto. 22 Angmga lupain lamang ng mga pari ang hindi niyakinuha dahil may kautusan si Paraon para sakanila. At nabuhay ang mga ito sa pamamagi-tan ng bigay ni Paraon, kaya hindi nila ipinagbiliang kanilang mga lupain.

• 47.13 Sa Ehipto, ang lupa ay pag-aari ng Pa-raon: dahil sa napakahigpit na pamamalakad, naita-takda niyang magkaroon ng kaparte sa ani ng lahat ng

GENESIS 46

47

magsasaka. Sinasabi sa kabanatang ito na si Jose angnamahala nito.

13323 At sinabi ni Jose sa mga tao: “Ngayong

nabili ko na kayo at ang inyong lupain para kayParaon, narito ang binhi para ihasik sa lupa. 24 Sapanahon ng anihan, ibibigay ninyo kay Paraonang ikalimang bahagi at maiiwan naman sa inyoang apat na limang bahagi bilang binhi sa pag-hahasik at pagkain ninyo at ng inyong mgapamilya.” 25 Sinabi nila: “Sinagip ninyo angaming buhay. Mabuti sa amin ang maging alipinni Paraon.” 26 Kaya nagpalabas ng isang batas siJose na umiiral hanggang ngayon – na para kayParaon ang ikalimang bahagi ng ani. Ang lupainlamang ng mga pari ang hindi naging ari-arian niParaon.

27 At namuhay sa Ehipto ang Israel, sa lupainng Gosen.

Naging may-ari sila ng lupaing ito, nagingmabunga sila at dumami ang kanilang mgaanak, maraming-marami. 28 Labimpitong taon siJacob sa Ehipto. At nabuhay siya nang isan-daa’t apatnapung taon. 29 Nang malapit nasiyang mamatay, ipinatawag niya ang kanyanganak na si Jose at sinabing: “Pakilagay mo ngaang iyong kamay sa ilalim ng aking hita atpatunayan sa amin ang iyong katapatan atkagandahang-loob na hindi mo ako ililibing saEhipto. 30 Ngunit sa paghimlay ko sa piling ngaking mga ninuno, ilabas mo ako sa Ehipto atilibing sa kanilang libingan.” Sinabi ni Jose:“Gagawin ko ang inyong bilin.” 31 Iginiit ni Ja-cob: “Sumumpa ka!” Sumumpa nga si Josehabang sumasamba naman si Israel na naka-yuko sa kanyang higaan.

Inampon ni Jacob ang mga anak ni Jose• 1 Pagkalipas ng ilang panahon, pina-sabihan si Jose na malubha ang kan-

yang ama. Isinama niya ang dalawa niyanganak na sina Manases at Efraim. 2 At sinabi nilakay Jacob na dumating na ang kanyang anak nasi Jose. At ubos-lakas na pinilit ni Israel namaupo sa kanyang higaan.

3 At sinabi niya kay Jose: “Napakita sa akinsa Luz sa lupain ng Kanaan ang Diyos ng Ka-taas-taasan at pinagpala ako 4 sa pagsasabing –Gagawin kitang mabunga at pararamihin.Gagawin kitang isang pagtitipon ng mga bansa,at ibibigay ko ang lupaing ito sa iyo at sa iyongmga inapo bilang panghabang-panahong ari-arian. 5 Mula ngayon, akin na ang dalawa monganak na isinilang sa Ehipto bago ako dumating

dito. Magiging akin sina Manases at Efraimkung paanong akin sina Ruben at Simeon.6 Subalit magiging iyo naman ang mga anak naisisilang kasunod nila, at makikilala sa panga-lang Manases at Efraim ang lupaing mama-nahin nila. 7 Nang pabalik na ako sa Padan,namatay si Raquel sa lupain ng Kanaan nangmalapit na kami sa Efrata. At inilibing ko siyaroon sa tabing-daang patungong Efrata (naBetlehem din).”

8 Nang makita ni Israel ang mga anak nalalaki ni Jose, sinabi niya: “Sino ang mga ito?”9 Sinabi ni Jose sa kanyang ama: “Sila ang mgaanak na ibinigay sa akin dito ng Diyos.” Sinabini Jacob: “Ilapit mo sila sa akin at babasbasanko sila.” 10 Malabo na ang mga mata ni Israeldahil sa katandaan at hindi na siya makakita.Nang ilapit ni Jose kay Jacob ang kanyang mgaanak, hinalikan niya ang mga ito at niyakap, 11 atsinabi kay Jose: “Hindi ko na inaasahang ma-kikita pa kitang muli at ngayo’y ipinahintulot pang Diyos na makita ko pati ang iyong mgaanak!” 12 Kinuha ni Jose ang mga bata mula samga tuhod ni Israel at yumuko naman siya naabot sa lupa ang mukha. 13 Inilapit ni Jose angdalawa, hawak ng kanang kamay si Efraim sakaliwa ni Israel, at si Manases ng kanyangkaliwang kamay sa kanan ni Israel. 14 Iniunat niIsrael ang kanyang kanang kamay at ipinatongsa ulo ni Efraim bagamat ito ang bunso, atipinatong naman ang kaliwang kamay sa ulo niManases bagamat si Manases ang panganay.

15 At binasbasan niya si Jose at sinabi: “AngDiyos nawang pinaglingkuran ng aking mganinunong sina Abraham at Isaac, ang Diyos naaking Pastol mula nang ako’y isilang, 16 angAnghel na nagligtas sa akin sa lahat ng masama– pagpalain nawa niya ang mga batang ito.Maalaala nawa sa pamamagitan nila ang akingpangalan at ang pangalan ng aking mga ninu-nong sina Abraham at Isaac. At dumami nawasila sa lupain!” 17 Hindi nasiyahan si Jose nangmakita niyang ipinatong ng kanyang ama angkanang kamay sa ulo ni Efraim. Kaya hina-wakan niya ang kamay ng kanyang ama, inalissa ulo ni Efraim at ipinatong sa ulo ni Manases18 at sinabing “Hindi, Ama, sapagkat ang isangito ang panganay. Ipatong ninyo ang inyongkanang kamay sa ulo niya.” 19 Ngunit tumanggiang kanyang ama at sinabi: “Alam ko, anak ko,alam ko. Siya man ay magiging bayan din,

• 48.1 Sa totoo’y labintatlo ang labindalawangtribu ng Israel. Ngunit ang mga tribu nina Efraim atManases ay tinatawag na mga tribu ni Jose. Kayalabindalawa lamang ang bilang. Ipinaliliwanag sa ka-

GENESIS 48

banatang ito kung bakit nagkagayon. Ituturing nadalawang anak ni Jacob sina Efraim at Manases bilangkapalit kay Jose. At hindi sa panganay kundi sa masnakababata sa magkakapatid mapupunta ang

48

134

Sumpain ang kanilang poot, kay lupit!Hahatiin ko sila kay Jacobat pangangalatin ko sila sa Israel.8 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid!Hahawakan mo sa leeg ang mga kaaway,at yuyuko naman sa iyo ang mga anak ng

iyong ama.9 Tulad ka sa batang leon, O Juda!Mula sa paninila, anak ko, ikaw ay umuwi.Tulad ng leon, nakaupo at nag-aabang;tulad ng babaeng leon –sino ang mangangahas lumapit sa kanya?10 Setro ay di aagawin kay Judani baston ng kapangyarihan sa gitna ng kan-

yang mga hitahanggang dumating ang tunay na may-ari

nitona dapat sundin ng mga bansa.11 Sa puno ng ubas niya itatali ang bisiro ng

kanyang asno,ang kanyang bisiro sa pinakapiling sanga.Lalabhan niya sa alak ang kanyang damit,ang kanyang damit sa dugo ng ubas.12 Pinapula ng alak ang kanyang mga mata,pinaputi ng gatas ang kanyang mga ngipin.13 Sa baybay-dagat maninirahan si Zabulon!Kanlungan siya ng mga sasakyang-dagatat aabot sa Sidon ang kanyang saklaw.14 Isang malakas na asno si Isacar,pahiga-higa sa gitna ng mga kawan.15 Makita lamang niyang kay sarap ng kan-

yang pahingahanat kay ganda ng kanyang lupa,balikat niya’y agad iniyuyuko sa pasaninat tinatanggap pamatok ng pagkaalipin.16 Hahatulan ni Dan ang kanyang bayanbilang tribu ng Israel.17 Si Dan ay ahas sa daan,isang ulupong sa daraananna tutuklaw sa sakong ng kabayohanggang sakay ay mahulog!18 Sa iyong pagliligtas ako umaasa, O Yawe!19 Lulusubin si Gad ng mga tulisan,

magiging malaki rin siya pero mas malaki kaysakanya ang kanyang bunsong kapatid at magi-ging maraming bansa ang lahi nito.” 20 Binasba-san niya sila nang araw na iyon sa mga katagangito: “Gagamitin ng Israel ang iyong pangalan sapagbabasbas sa pagsasabing – Loobin nawa ngDiyos na ikaw ay matulad kina Efraim atManases!”

Ngunit iniuna niya si Efraim kay Manases.21 At sinabi ni Israel kay Jose: “Malapit na akongmamatay, pero sasainyo ang Diyos at ibabalikniya kayo sa lupain ng inyong mga ninuno. 22 Atsa iyo, sa iyo ko mismo ibinibigay, higit sa iyongmga kapatid, ang burol na nalupig ko sa mgaAmorreo sa pamamagitan ng aking tabak atpana.”

Ang pagbabasbas ni Jacob

• 1 At tinawag ni Jacob ang kanyangmga anak at sinabi:

“Lumapit kayo nang masabi ko sa inyo angmangyayari sa inyo sa mga darating na araw.2 Magtipon kayo, mga anak ni Jacob at paking-gan ang inyong amang si Israel!

3 Ruben, ikaw ang aking panganay, ang akinglakas at ang unang bunga ng aking pagkalalaki,masyadong mayabang at masyadong mapu-sok!

4 Bagamat gaya ka ng mga uban sa dagat,hindi ka na mangunguna

sapagkat pinanhik mo ang higaan ng iyongama,

ang aking higaan at dinungisan ang puri.5 Magkapatid sina Simeon at Levi,sandata ng karahasan ang kanilang tabak.6 Hindi ako makikiisa sa kanilang usapan!Puso ko’y lalaging malayo sa kanila,pagkat pumatay sila sa kanilang galitat pinutol ang paa ng mga toro sa kanilang

poot.7 Sumpain ang kanilang galit, kay tindi!

GENESIS 48

49

pagbabasbas ni Jacob, tulad ng kay Isaac na kanyangama. Pinagpapala ng Diyos ang sinumang gusto niyaat hindi dahil sa karapatan ng pagkakasunud-sunod odahil sa kagustuhan ng mga magulang.

• 49.1 Hindi sa kanyang mga anak ang mgapagbabasbas ni Jacob kundi sa labindalawang tribungnagtataglay ng kanilang mga pangalan. Magkakaroonng magkakaibang kapalaran ang mga tribung ito.Parang sinasabi ng pagbabasbas ni Jacob na alam ngDiyos antemano ang mga kahihinatnang ito at bahagiang mga ito ng kanyang plano ng kaligtasan sa kabu-

tihan ng lahat ngunit hindi pare-pareho ang ibinibigayniya sa lahat.

Namumukod-tangi ang mga tribu nina Juda at Jose.Para kay Juda, may propesiya na ang kanyang tribuang mangingibabaw sa iba pa hanggang sa pagdatingng Tagapagligtas na “siyang tunay na mamumuno”.Sa totoo’y sa tribu ng Juda magmumula ang mga haring bayan ng Diyos at si Jesus mismo pagkatapos nila.Kayat si Juda ang tumanggap ng mga pangakongbinitiwan ng Diyos kina Abraham at Jacob.

Kadakilaan naman at materyal na kasaganaan angpropesiya tungkol kay Jose.

135 GENESIS 50ngunit sila’y lulusubin niya sa kanilang liku-

ran.20 Masarap ang pagkain ni Aser,ihahanda niya’y pagkain ng hari!21 Si Neftali’y inahing usang nakaalpas,kasama ang magaganda niyang mga anak.22 Si Jose ay mabungang puno ng ubas,mabungang puno sa tabi ng bukalna ang mga sanga’y gumagapang sa pader.23 Nilusob siya ng mga may pana sa kamay,tinudla siya at kanilang tinugis,24 ngunit hindi nababali ang kanyang

pana –mahusay pa rin ang kanyang mga kamaydahil sa Lakas ni Jacob,dahil sa Ngalan ng Pastol at Bato ng Israel,25 dahil sa Diyos ng iyong ama na sa ’yo’y

tumutulong,dahil sa Kataas-taasan na sa ’yo’y nagpa-

pala:mga pagpapala ng langit sa kaitaasan,mga pagpapala ng kailalim-ilaliman,mga pagpapala ng dibdib at sinapupunan!26 Higit na dakila ang mga pagpapala ng

iyong amakaysa pagpapala ng matatandang kabun-

dukan,kaysa yaman ng panghabang-panahong ka-

burulan.Igawad ang lahat ng ito sa ulo ni Jose,ang ibinukod sa kanyang mga kapatid.27 Si Benjamin ay asong-gubat na nanlalapa,sa umaga’y nilalapa ang kanyang nahuliat kinahapuna’y hinahati ang mga nasam-

sam!”

Pagkamatay at paglilibing kay Jacob28 Ito ang labindalawang tribu ng Israel at ito

ang sinabi ng kanilang ama nang basbasan silasa pagbibigay sa bawat isa ng pagpapalangtangi at angkop sa kanya. 29 At pagkatapos,ibinigay niya ang mga tagubiling ito: “Malapitna akong yumao sa aking mga ninuno! Ilibingninyo ako sa tabi ng aking mga ninuno, sayungib sa lupa ni Efrong Heteo, 30 sa yungib salupa ng Makpela sa dakong silangan ngMambre sa Kanaan, sa lupang binili ni Abrahamkay Efrong Heteo bilang libingan. 31 Doon inili-bing si Abraham at si Sarang asawa niya. Doondin inilibing si Isaac at si Rebecang asawa niya.At doon ko rin inilibing si Lea. 32 Ang lupa at angyungib doon ay binili sa mga Heteo.”

33 Matapos ibigay ni Jacob ang mga tagubi-ling ito sa kanyang mga anak, iniunat niya angkanyang mga paa sa higaan, nalagutan siya nghininga at yumao sa kanyang mga ninuno.

1 Niyakap ni Jose ang kanyang ama,umiyak at hinalikan ito. 2 At gaya ng

iniutos ni Jose sa kanyang mga mang-gagamot,inimbalsamo nila ang kanyang amang si Israel.3 Tumagal ito nang apatnapung araw, ang pana-hong kailangan sa pag-eembalsamo. Pitum-pung araw na nagluksa ang mga Ehipsiyo.

4 Pagkatapos ng panahon ng pagluluksa,kinausap ni Jose ang sambahayan ni Paraon:“Kung gusto ninyong magmagandang-loob saakin, pakisabi kay Paraon na 5 samantalangnaghihingalo ang aking ama, pinasumpa niyaakong ililibing ko siya sa libingang inihanda niyasa Kanaan. Ipakiusap ninyo sa kanya na payaganakong makaalis para ilibing ang aking ama.Babalik ako.” 6 Ipinasabi naman ni Paraon:“Umalis ka at ilibing ang iyong ama ayon saipinapangako niya sa iyo.”

7 Umahon si Jose para ilibing ang kanyangama at sinamahan siya ng lahat ng opisyal niParaon, ng mga matatanda sa sambahayan nitoat lahat ng matatanda ng Ehipto 8 pati ang buongsambahayan ni Jose, at ang kanyang mga ka-patid at ang sambahayan ng kanyang ama. Angkanilang mga anak lamang at mga tupa at mgabaka ang naiwan sa lupain ng Gosen. 9 Uma-hong kasama niya ang mga karwahe at mgamangangabayo. Napakalaking pulutong!

10 Pagdating nila sa giikan ng Atad, sa kabi-lang-ibayo ng Jordan, tumangis sila nang ma-lakas, at pitong araw na ipinagluksa roon ni Joseang kanyang ama. 11 Nang makita ng mga Ka-naneo ang ganitong pagluluksa sa giikan ngAtad, kanilang sinabi: “Ito ang pagluluksa ngmga Ehipsiyo.” Kaya tinawag na Abel Misraimang lugar na iyon sa kabilang-ibayo ng Jordan.12 Tinupad ng mga anak ni Jacob ang kanyanginiutos. 13 Dinala nila siya sa lupain ng Kanaanat inilibing sa yungib sa lupa ng Makpela namalapit sa Mambre – na binili ni Abraham kayEfrong Heteo bilang libingan.

14 Pagkalibing ni Jose sa kanyang ama, bu-malik siya sa Ehipto kasama ang kanyang mgakapatid at lahat ng nakipaglibing sa kanya.

Mga huling taon ni Jose• 15 Dahil patay na ang kanilang ama, nag-

• 50.15 Bigyang-pansin ang pagkamatay ninaJacob at Jose: hindi pa alam ng mga sumasampalatayanoong unang panahon ang Pagkabuhay ng Mga

Patay. Isinabuhay nila nang lubos ang buhay na bigaysa kanila ng Diyos sa daigdig na ito. Pinatnubayan silang matibay na paniwalang sa pagiging matapat nila sa

50

136

usap-usap ang mga kapatid ni Jose: “Paanongayon kung may sama pa ng loob sa atin siJose at gantihan tayo sa masamang ginawanatin sa kanya?” 16 Kaya nagpasabi sila kayJose: “Bago mamatay ang iyong ama, sinabiniya sa amin 17 na sabihin ito sa iyo – Utang naloob, patawarin mo na ang krimen at kasalananng iyong mga kapatid sa paggawa nila sa iyo ngmasama. Patawarin mo na ang krimen ng mgalingkod ng Diyos ng iyong ama.” Umiyak si Josenang matanggap ang mensaheng ito. 18 Pi-nuntahan siya ng kanyang mga kapatid atdumapa sa harap niya. Sinabi nila: “Mga alipinmo kami.” 19 Ngunit sinabi sa kanila ni Jose:“Huwag kayong matakot. Ako ba ang nasa lugarng Diyos? 20 Binalak ninyo akong gawan ngmasama, ngunit binalak naman ng Diyos namaging mabuti ito upang isakatuparan angnagaganap ngayon – ang iligtas ang maramingtao. 21 Kaya huwag kayong matakot! Ako angmagpapakain sa inyo at sa inyong mga anak.”

At inaliw nga niya sila at kinausap nang puso sapuso.

22 Nanatili sa Ehipto si Jose kasama angbuong sambahayan ng kanyang ama. Nabuhaysiya nang isandaa’t sampung taon, 23 at nakitaniya ang mga apo sa tuhod ni Efraim. At na-ilagay din sa kanyang mga tuhod ang mga anakni Makir na anak ni Manases pagkapanganak samga iyon.

24 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid:“Mamamatay na ako, pero tiyak na aalalahaninkayo ng Diyos at dadalhin kayo mula sa lupaingito papunta sa lupaing ipinangako niya kinaAbraham, Isaac at Jacob.” 25 At pinasumpa niJose ang mga anak ng Israel sa pagsasabing “Sapagdalaw ng Diyos sa inyo para ilabas kayomula rito, dalhin ninyo ang aking mga buto.”26 Isandaa’t sampung taon si Jose nang mama-tay; inimbalsamo nila siya at inilagay sa isangataul sa Ehipto.

GENESIS 50

kanilang misyon ay gumagawa sila para sa isang masmabuting daigdig na makikita ng kanilang mga inapo.Sa mahaba at maligayang mga taon na ibinigay sakanila ng Diyos pagkatapos ng kanilang mga pag-subok, naunawaan nila na makatarungan at nagma-magandang-loob ang Diyos sa lahat.

Subalit napakalaki ang kulang nila upang malubosang kasiyahan habang wala pa silang pag-asa sakabilang-buhay. Inisip nila na pagkamatay ng tao, maykung anong bahagi niya ang pumupunta para ma-buhay sa ilalim ng lupa sa piling ng kanyang mganinuno, isang lugar na wala ang Diyos pati na ang mgakabalisahan at ingay ng buhay. Akala nila’y paba-bayaan na silang maglaho magpakailanman ng Diyosna kanilang kaibigan at matapat na tagapagtanggol.

Tiyak na kinailangan nilang sansalain ang kanilangmga pag-asam at patahimikin ang kanilang mga pag-dududa para makumbinsi ang kanilang sarili na iyonang mabuti at makatarungan.

Sa pagsisikap nilang tanggapin nang maluwag angmga pangyayari, naging seryoso sila, masusi at nasailalim ng mahiwagang kalooban ng Diyos. Ngunitkapalit naman nito’y wala sa kanila ang kaligayahan,ang pagiging natural na bagay sa mga bata, at angmaalab na pagmamahal sa kanilang Tagapagligtas. Sabahaging ito, wala silang gaanong ipinag-iba sa mabu-buting walang-Diyos o sa mga mananampalatayangmay mabuting kalooban pero walang gaanong alam,na nabubuhay ngayon nang walang pananampalatayasa muling pagkabuhay.