67
1 Patnubay ng Guro Unit 1 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng 1

1 Fil TG U1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

1 Fil TG U1

Citation preview

Page 1: 1 Fil TG U1

1

Patnubay ng Guro

Unit 1

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na

mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi .

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

1

Page 2: 1 Fil TG U1

Filipino – Unang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9981-95-4

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan

ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Kawaksing Kalihim: Elena R. Ruiz, Ph.D.

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Consultant: Dina Ocampo, Ph.D. Editor at Tagasuri: Ani Rosa Almario Mga Manunulat: Jeanne Christine Ramos, Ruth Martin, Ria Ciabal-dela Cruz, at

Camille Quiambao Tagasuri: Angelika D. Jabines

Naglayout: Ma. Leonor M. Barraquias

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Book Media Press, Inc. Printwell, Inc.21-E. Boni Serrano Ave., Q.C 38 Dansalan St., Mandaluyong City 721-2803, 726-6647 533-2388

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072

E-mail Address: [email protected]

TALAAN NG NILALAMAN

Yunit 1

2

Page 3: 1 Fil TG U1

Linggo 1 - Ako at ang Aking Pamilya

Linggo 2 - Mga Tao at Bagay na Gusto Ko

Linggo 3 - Mga Paborito Kong Hayop at Halaman

Linggo 4 - Ang Aking Pamilya

Linggo 5 - Ang Aking Pamilya at ang Aking mga Gampanin

Linggo 6 - Pagkalinga sa Isa’t isa - Sa Aming Tahanan

1

6

11

16

21

25

30

34

38

43

at Kapaligiran; Kaligtasang Pampamilya

Linggo 7 - Ang Aking Pamayanan Pangangalaga sa Kapaligiran

Linggo 8 - Ang Mga Pagbabago sa Ating Pamayanan

Linggo 9 - Ang Ating mga Bayani

Linggo 10 - Ako at ang Aking Pamayanan

3

Page 4: 1 Fil TG U1

Yunit 1

Linggo 1

Tema : Ako at ang Aking Pamilya Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Napakikinggan at nakatutugon sa mga tanong ukol sa sarili 2. Gramatika: Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, pook, o hayop

3. Kamalayang Ponolohikal: Naipapalakpak ang pantig ng salita

Unang Araw

Layunin : Natatanong at nasasagot ang “Ano ang pangalan mo?”

Naipapalakpak ang pantig ng pangalan

Mga Kagamitan: metacard at yarn na sapat sa bilang ng mga bata tsart ng awiting “Sino ang Kaibigan Ko?” Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya Bigyan ang bawat bata ng metacard.

Sabihin: Kunin ang pangkulay. Gamit ang paborito mong kulay, isulat ang iyong pangalan sa metacard na aking ibinigay.

Lagyan ito ng yarn at isabit sa leeg. 2. Tukoy-Alam

Isagawa ang larong "“Hot Potato.”" Sabihin:Magpapatugtog ako ng musika kasabay ng pagpapasa ng bola. Sa pagtigil ng tugtog, sino man ang may hawak ng bola ay magpapakilala sa harap ng mga kaklase.

3. Paglalahad Iparinig sa mga bata ang rap na ito:

Ikaw, ako,

Malaya dito

Pangalan ko ay _____________________

Bigay ng nanay at tatay ko

Kaya ako bibong bibo

Ituro sa mga bata ang rap.

I-rap muli ang tugma kasabay ang mga bata. 4. Pagtuturo at Paglalarawan I-rap muli ang tugma.

Tumawag ng ilang bata upang mag-rap sa harap ng klase.Isulat sa pisara ang ilang pangalan ng mga bata. Itanong sa bawat isa: Ano ang pangalan mo?

4

Page 5: 1 Fil TG U1

Pumili ng isang pangalan ng bata. Isulat ito sa pisara. Basahin ito sa mga bata. Ipaulit ang sinabing pangalan sa mga bata. Ipalakpak ang pangalan. Ulitin ito kasabay ang mga bata. Itanong: Ilang palakpak ang narinig? Ipakita ang pagpapantig ng pangalan. Basahin ito nang papantig sa mga bata. Ipapalakpak muli ito sa mga bata. Ilang pantig mayroon sa pangalan?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Pabilugin ang mga bata. Umikot at itanong sa bawat bata: Ano ang pangalan mo? Hayaang sagutin ito ng batang katapat kasabay ng pagpalakpak ng pantig ng kanyang sariling pangalan.

b. Malayang Pagsasanay Hayaang pagandahin ng mga bata ang ginawang nametag sa pagsisimula ng klase.

Ikalawang Araw

Layunin: Nasasagot ang mga tanong na “Ilang taon ka na?” Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipaawit sa mga bata ang "Maligayang Kaarawan." Magsagawa ng mini-survey sa loob ng klase kung sino ang may kaarawan sa bawat buwan ng taon.

2. Paglalahad Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang karanasan nang nagdaang kaarawan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Itanong sa mga bata: "Ilang taon ka na?" Gabayan ang mga bata na sagutin ito gamit ang:______taong gulang na ako.

Tawagin ang ilang mga bata upang masubok ang pagsasabi nito.

4. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin ngayon?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Bumuo ng sariling pangkat na may limang kasapi. Kailangan ang mga kasapi ay pare-pareho ng edad.

5

Page 6: 1 Fil TG U1

Hanapin ang magiging kasapi sa pamamagitan ng pagtatanong ng "Ilang taon ka na?" Ang pangkat na makakatapos ay papalakpak. Ihanda ang sasabihin sa harap ng klase gamit ang: Kami ay ___ taong gulang.

b. Malayang Pagsasanay Hayaang iguhit ng mga bata ang pangarap nilang disenyo

ng cake. Sa ibabaw nito isulat ang sagot sa tanong na

"Ilang taon ka na?"

Ikatlong Araw

Layunin: Nasasagot ang tanong na “Saan ka nakatira?”

at "Saan ka pumapasok?" Kagamitan: mapa ng pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Hayaang iguhit ng mga bata ang pamayanang kinabibilangan. Ipalarawan ito sa harap ng klase.

2. Paglalahad

Ipakita ang mapa ng isang pamayanan.

Ano-ano ang makikita rito?

3. Pagtuturo at Paglalarawan Itanong sa mga bata: Saan ka nakatira?

Gabayan ang mga bata sa tamang pagsagot sa tanong na ito.

Itanong: Saan ka pumapasok?

Gabayan ang mga bata sa tamang pagsagot sa tanong na ito. 4. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Ipalabas muli sa mga bata ang iginuhit na pamayanan sa paguumpisa ng klase. Bilugan ng pulang krayola kung saan ka nakatira at asul na krayola naman kung saan ka pumapasok.

b. Malayang Pagsasanay Bigyan ang bawat bata ng ID. Papunuan ito ng mga impormasyong hinihingi.

Pangalan : ___________

6

Page 7: 1 Fil TG U1

Edad : ___________

Paaralan : ___________

Tirahan : ___________

Ikaapat na Araw Layunin : Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, o pook Kagamitan : mga larawan ng katulong sa komunidad at lugar ng kanilang hanapbuhay Pamamaraan:

1. Tunguhin Ano ang gusto mo paglaki mo? Saan mo gustong magtrabaho?

2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng mga katulong sa komunidad at ang lugar ng kanilang hanapbuhay. Sabihin: Pagtambalin ang mga larawan na dapat magkasama.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Kilalanin ang bawat katulong sa komunidad.

Isulat ang mga ito ng isang hanay sa pisara.

Itanong: Saan nagtatrabaho ang bawat isa?

Isulat ang mga ito ng isang hanay sa pisara.

Itanong: Ano ang tawag natin sa mga salita sa unang hanay? Pangalawang hanay? Ano ang pangalan ng kaklase mo sa kaliwa mo? Sa kanan mo? (Isulat ang sagot sa pisara) Paano ito isinulat? Saan ka nakatira? Pumapasok? Paano ito isinusulat?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Paano isinusulat ang ngalan ng tao? Ng pook o lugar?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang

Pagsasanay Sabihin: Lumukso kung ang salita ay ngalan ng tao.

Kumembot kung ang salita ay ngalan ng lugar o pook.

1. Marissa 6. Paaralang Elementarya ng

2. Maynila San Dionisio

3. Bernard 7. Shaw Boulevard

4. Isidoro 8. Angela

7

Page 8: 1 Fil TG U1

5. Barangay 2 9. Vicente b. Malayang

Pagsasanay Punan ang tsart.

PANGALAN NG TAO PANGALAN NG POOK

Ikalimang Araw

Layunin: Natutukoy ang pangalan ng bagay

Napag-uuri-uri ang mga ngalan ng bagay Kagamitan : metacard na may sulat ng ngalan ng mga bagay Pamamaraan:

1. Tunguhin Magsagawa ng isang paglalakbay sa loob ng paaralan. Ipakilala ang bawat lugar na matatagpuan dito.

2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang nakita mo sa

paglalakbay? Saan ito nakita? 3. Pagtuturo at Paglalarawan

Basahin ang mga itinalang sagot ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata. Itanong: Paano isinulat ang bawat ngalan?

Alin-alin ang dapat magkakasama? Bakit ito ang pinagsama-sama?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Paano isinusulat ang ngalan ng mga bagay?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang

PagsasanayIpangkat ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng mga metacard na may sulat ng mga ngalan ng mga bagay. Sabihin: Pagsama-samahin ang mga ngalan na dapat magkakasama. Bigyan ng sariling pamagat ang bawat pangkat na magagawa.

b. Malayang Pagsasanay Sabihin: Iguhit at kulayan ang paborito mong bagay.Isulat ang ngalan nito.

8

Page 9: 1 Fil TG U1

Linggo 2

Tema : Mga Tao at Bagay na Gusto Ko Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at tumutugon sa mga tanong tungkol sa pamilya

2. Gramatika:

Nasasagot nang wasto ang tanong na ano___ at ano-ano,

sino at sino-_______ _________ sino ___

Nagagamit nang wasto ang mga salitang ang/ang mga, si/sina sa mga pariralang may pangngalan

3. Kamalayang Ponolohikal: Nabibigkas ang pangalan nang may tamang pagpapantig (pangalan ng mga kasapi ng pamilya)

Unang Araw Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano gamit ang mga

impormasyon mula sa mga pangungusap na bigay ng guro Nagagamit nang wasto ang ang/ang mga

Pamamaraan: 1. Paunang Pagtataya Ano ang paborito mong gulay?

Ano-ano ang ayaw mong gulay? 2. Tukoy-Alam

Magsagawa ng isang mini-survey sa loob ng klase. Itanong: Anong gulay ang kinakain ng bawat kasapi ng pamilya mo?

TATAY NANAY ATE KUYA BUNSO

3. Paglalahad Ipaawit sa mga bata ang "Bahay-Kubo" o anumang awitin na may mababanggit na ngalan ng mga gulay. Itanong: Ano-ano ang gulay na nabanggit sa awit?

4. Pagtuturo at Paglalarawan Ipakita sa mga bata ang larawan ng isang upo. Itanong: Ano ang nasa larawan?

Ilang gulay mayroon sa larawan? Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng ngalan sa larawan gamit ang ang. Itanong: Anong salita ang ginamit sa unahan ng salitang upo?

9

Page 10: 1 Fil TG U1

Ano ang ipinahihiwatig nito? Magpakita muli ng isang larawan ng dalawang kalabasa. Itanong: Ano-ano ang nasa larawan? Ilang kalabasa mayroon sa larawan? Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng ngalan sa larawan gamit ang ang mga. Itanong: Anong salita ang ginamit sa unahan ng salitang

kalabasa? Ano ang ipihihiwatig nito?5. Paglalahat Ano ang isinasagot sa tanong na ano? Ano-ano? ___ _______

Kailan ginagamit ang ang? Ang mga? ___ _______6. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Bago magsimula ang klase, maglagay na ng mga laruang gulay sa loob ng silid-aralan. Siguraduhin na ang ilang gulay ay tig-iisa lamang samantalang ang iba naman ay dalawa o higit pa. Itanong: Anong gulay ang nasa may ________?

Ano-anong gulay ang nasa may ________? (Punan ng lugar sa silid-aralan kung saan inilagay ang mga gulay.)

b. Malayang Pagsasanay Balikan ang iginuhit na gusto at ayaw na mga gulay bago magsimula ang klase. Lagyan ang mga ito ng tamang label gamit ang ang/ang mga.

Ikalawang Araw

Layunin : Nasasagot ang tanong na sino/sino-sino gamit ang mga ___________ impormasyon mula sa mga pangungusap na bigay ng guro (mga bagay sa paligid)

Nagagamit nang wasto ang si/sina sa pangungusap

Mga Kagamitan : tsart na talaan, tsart ng awiting “Bahay Kubo” Pamamaraan:

1. Tunguhin

Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?

Sino ang iyong matalik na kaibigan? 2. Paglalahad

Ipaawit muli sa klase ang “Bahay Kubo.” Maaaring gawing laro ang pagbabahagi ng mga larawan ng gulay sa mga bata at pagpapatayo sa mga ito sa tuwing babanggitin sa awitin ang nakalarawang gulay.

10

Page 11: 1 Fil TG U1

3. Pagtuturo at Paglalarawan Magsagawa ng mini-survey sa loob ng klase. Sino ang kumakain ng _____? Itala ang sagot sa tsart na katulad ng nasa ibaba.

Talaan Kung Sino ang Kumakain ng Gulay

Singkamas Talong XXXX XXXX

Tina Pag-aralan ang natapos na tsart.

Itanong: Sino ang kumakain ng singkamas?

Isulat sa pisara ang sagot ng bata sa pormat na: si ______

Itanong: Sino-sino ang kumakain ng talong?

Isulat sa pisara ang sagot ng bata sa pormat na: sina ____,____ , at _______

Itanong: Ilang ngalan ng tao ang isinagot natin sa tanong na sino? ___

Sino-sino? _______

Ilang ngalan ng tao ang tinutukoy sa salitang si? Sina? _____

4. Paglalahat

Ano ang isinasagot sa tanong na sino? Sino-sino? ___ _______

Kailan ginagamit ang si? Sina? _ ____5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Bigyan ang mga bata ng larawan ng mga tao. Ipadikit ang mga ito sa tamang hanay.

Sino? Sino-sino?

Itanong: Sino ang nasa larawan? Sino-sino ang nasa larawan?

b. Malayang Pagsasanay Sagutin gamit ang si/sina ang mga tanong

na: _____ Sino ang paborito mong

artista?

Sino-sino ang bago mong kaibigan?

Ikatlong Araw

Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano gamit ang _________

mga impormasyon mula sa mga pangungusap na bigay ng guro

11

Page 12: 1 Fil TG U1

Kagamitan : larawan ng isang rural at urban na pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Itanong: Saan mo gustong tumira? Bakit gusto mo rito?

2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang rural at urban na pamayanan. Hayaang sabihin ng mga bata ang pagkakaiba ng dalawang pamayanan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa rural na pamayanan. Gamitin ang salitang ang. Magtanong tungkol sa pangungusap na sinabi. Simulan ang tanong sa ano.

Kailan ginagamit ang ang? Ano? ___ ___Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa urban na pamayanan.

Gamitin ang salitang ang mga. _______Magtanong tungkol sa pangungusap na sinabi. Simulan ang tanong sa ano-ano. Kailan ginagamit ang ang mga /ano-ano? _______ _______

4. Paglalahat Kailan ginagamit ang ano/ano-ano? Ang/ang mga? ___ ______

___ _______5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Magpakita ng ilang mga larawan. Hayaang magbigay ang mga bata ng tanong tungkol sa larawang ipinakita gamit ang ano/ano-ano/. __________

b. Malayang Pagsasanay Gumuhit ng mga larawan ayon sa hinihingi.

ang ________ ang mga _____ Ikaapat na Araw

Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano ang nasa

__________________ may (posisyon ng

gamit) ___

12

Page 13: 1 Fil TG U1

Mga Kagamitan : larawan ng kapaligiran ng bahay kubo (kung saan may mga hayop, halaman, at piling gamit) Pamamaraan:

1. Tunguhin Sabihin: Ano ang nasa bag mo?

2. Paglalahad Ipakita at ipasuri sa mga bata ang larawan ng isang bakuran.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Hikayatin ang mga bata na bigyang- pansin ang mga bagay sa paligid gamit ang larawan ng bahay kubo. Gamit ang batayang pangungusap na “Ano ang nasa may (halimbawa: hagdan) ng bahay kubo?” Bigyang-diin ang paggamit ng ang/ang mga __________ sa pagbibigay ng tamang sagot.

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng posisyon ng iba’t ibang bagay na maaaring matatagpuan sa kanilang tahanan. Bigyang-diin ang paggamit ng ang/ang mga. __________ Halimbawa: Nasa hagdan ang mga tsinelas ni Tatay. Nasa kusina ang kawali ni Nanay.

Ikalimang Araw Layunin : Nakapagbibigay impormasyon tungkol sa paborito ng isang miyembro ng pamilya Kagamitan : larawan ng mga kasapi ng pamilya Pamamaraan:

1. Tunguhin Ano ang hilig mong gawin?

2. Pagtataya

Ipakitang muli ang mga ginupit na larawan ng iba’t ibang kasapi ng pamilya. Tukuyin ang bawat isa (Tatay, Nanay, atbp.). Ipakita ang papalakpak na pagpapantig ng mga pangalan nito. Tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang nalalaman ukol sa natuklasang hilig o gawain ng kanilang napiling kapamilya, at papalakpak ang sagot nang papantig.

Linggo 3

Tema : Mga Paborito Kong Hayop at Halaman Lingguhang Layunin:

13

Page 14: 1 Fil TG U1

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Tumutugon sa mga tanong tungkol sa napakinggang salaysay Nagtatanong, nakapagbibigay ng opinyon at hinuha ukol sa salaysay ng iba

2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang si/sina sa mga _____ pariralang may pangngalan Natutukoy ang kasarian ng mga kasama sa tahanan

3. Kamalayang Ponolohikal: Nabibigkas ang pangalan na may tamang pagpapantig kasabay ng pagpalakpak

Unang Araw Layunin : Kagamitan:

Nagagamit nang wasto ang si/sina sa parirala _____ Natutukoy ang kasarian ng pangngalan Prediksiyon Tsart; kopya ng kuwentong "Ang Aking

Bayani" Pamamaraan:

1. Paunang Pagtaya Itanong: Ano ang alaga mong hayop sa bahay? Sabihin: Sa pamamagitan ng clay, ipakita ang alagang hayop.

2. Tukoy-Alam Itanong: Paano mo inaalagaan ang alaga mong hayop?

3. Paglalahad Ipakilala ang pamagat ng kuwento/may-akda at tagaguhit ng gagamiting kuwento. Pag-usapan ang isang larawan na mula sa kuwento. Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento?

Paggawa ng Prediksiyon Tsart.

MGA HULANG PANGYAYARI TUNAY NA PANGYAYARI

Pagkukuwento nang tuloy-tuloy.

Ang Aking Bayani Isang araw, dumating si Tatay na may dalang malaking kahon. Dali-dali ko itong binuksan. Isang kulay puting pusa ang dala ni Tatay para sa akin. Mula noon, kahit saan ako magpunta kasama ko si Muning. Lagi rin kaming naglalaro ng bola. Isang gabi, ginising niya ako sa paghila ng aking damit. Pagmulat ng mata ko, mausok na ang aking paligid.

14

Page 15: 1 Fil TG U1

Binuhat ko si Muning at tumakbo kami palabas ng bahay. Isang mahigpit na yakap mula kay Tatay at Nanay ang sumalubong sa akin. Salamat kay Muning, ang aking bayani.

4. Pagtuturo at Paglalarawan Balikan ang Prediksyon Tsart na ginawa bago basahin ang kuwento. Itanong: Sino ang dumating?

Ano ang dala niya? Bakit siya may dalang regalo sa kaniyang anak? Ano ang nakita ng bata sa loob ng kahon? Bakit hinila ng pusa ang damit ng bata? Sino-sino ang yumakap sa bata? Bakit naging bayani si Muning? Balikan ang sagot sa tanong na sino/sino-sino.

___________ Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng si/sina sa simula ng parirala? _____ Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Sino-sino ang babae/lalaki sa kuwento?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Balikan ang talaan ng mga may alagang hayop. Itanong:Sino sa kaklaseng babae ang may alagang ___?

Sino-sino sa kaklaseng babae ang may alagang ____? Sino sa kaklaseng lalaki ang may alagang _____? Sino-sino sa kaklaseng lalaki ang may alagang ____? b. Malayang Pagsasanay

Itanong: Sino-sino ang lalaki/babae na kasama mo sa bahay? Sino ang katabi mo sa pagtulog?

Sino ang nagbabasa sa iyo sa bahay?

Ikalawang Araw Layunin: Nasasabi ang pangalan ng lugar kung saan

natatagpuan ang mga hayop at halaman Napapantig ang pangalan ng lugar kung saan natatagpuan ang mga hayop at halaman Mga Kagamitan: larawan ng zoo Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipakita ang larawan ng isang zoo. Itanong: Nakarating ka na ba rito?

2. Paglalahad

15

Page 16: 1 Fil TG U1

Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang sariling karanasan sa pamamasyal sa zoo. Itala sa pisara ang mga nakita ng mga bata sa zoo.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano-ano ang nakita ninyo sa zoo? Basahin sa bata ang mga pangalan ng hayop na naitala. Saan ba talaga nakatira ang (magbigay ng isang hayop mula sa talaan ng mga hayop na nakita ng mga bata)? Alin-aling mga hayop sa talaan ang dapat magkakasama? Bakit sila ang dapat magkakasama? Saan sila makikita? Ipalakpak natin ang ngalan ng lugar kung saan nakatira ang bawat pangkat ng mga hayop. Bukod sa mga hayop, anong mga halaman ang nakita ninyo sa zoo? Saan ang mga ito makikita? Ipalakpak ang ngalan ng lugar kung saan makikita ang mga nabanggit na halaman.

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Tumawag ng mga bata at ipapantig ang pangalan ng lugar kung saan maaaring makakita ng mga hayop at halaman sa pamamagitan ng pagpalakpak habang binibigkas ito.

b. Malayang Pagsasanay Sabihin: Kumuha ng kapartner. Pantigin ang ngalan ng lugar

na nakakita ka ng hayop/halaman. Pahulaan ito sa kapartner.

Ikatlong Araw

Layunin : Nagagamit ang si at sina sa pagtukoy ng pangalan ng _ ___ isa o higit pang mga kamag-aral na may magkatulad na alagang hayop Kagamitan : larawan ng mga hayop Pamamaraan:

1. Tunguhin Sino ang iyong matalik na kaibigan? Ano ang kanyang alagang hayop?

2. Paglalahad Ipaguhit ang alagang hayop.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

16

Page 17: 1 Fil TG U1

Ipahanap sa mga bata ang kanilang magiging kapangkat sa pamamagitan ng paghahanap ng tatlong kaklase na katulad ng hayop na inaalagaan. Bigyan ng oras ang bawat pangkat na pag-usapan ang kanilang alaga.

Sino ang walang kapangkat? Bakit? Gabayan ang mga bata na sagutin ito gamit ang pormat na: Si ______ ay may alagang __________. Sina _______, _______, ________, at _______ ay may alagang _______.

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Sabihin: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang sagot.

Si ______ ay may alagang __________. Sina _______, _______, ________, at _______ ay may alagang _______.

b. Malayang Pagsasanay Ipaguhit ang tatlong kaklase at ang kanilang alagang hayop. Lagyan ng tamang label.

si ________ sina _____, at _______

Ikaapat na Araw

Layunin : Nasasagot ang “Ano-ano ang ginagawa ng mga

lalaki at babae sa tahanan?”

Kagamitan : bond paper, lapis, at mga pangkulay Pamamaraan:

1. Tukoy-Alam Bigyan ng bond paper ang bawat bata. Ipaguhit sa kanila ang tatlo (3) sa kanilang mga hilig o paboritong gawain.

2. Paglalahad Tanungin ang mga bata kung saang hilig sila ng kanyang mapipiling kapamilya magkakapareho at magkakaiba.

17

Page 18: 1 Fil TG U1

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano-ano ang ginagawa ng mga lalaki at babae sa tahanan? Puwede bang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalaki? Ng mga lalaki ang mga ginagawa ng mga babae?

4. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Gawain Sa tulong ng Venn Diagram itala ang pagkakatulad at pagkakapareho mo at ng iyong katabi sa hilig na gawain.

b. Malayang Pagsasanay Ipaguhit ang pamilya ng mga bata. Ipakita ang hilig ng bawat kasapi ng pamilya.

Ikalimang Araw

Layunin : Nasasabi kung sino-sino ang mga lalaki at babae sa tahanan Nailalarawan ang mga hilig ng mga babae at lalaki Pamamaraan:

1. Tunguhin Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ano ang kanilang hilig?

2. Pagtataya a. Gabayan ang mga mag-aaral na makagawa ng isang stick

puppet ng isang kasapi ng sariling pamilya. b. Idikit ito sa isang papel. c. Iguhit ang isang bagay upang maipakita ang kanyang hilig.

Linggo 4

Tema : Ang Aking Pamilya Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig nang wasto sa binabasang kuwento

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento 2. Gramatika:

Natutukoy ang pangngalan na di-tiyak ang kasarian 3. Kamalayang Ponolohikal:

18

Page 19: 1 Fil TG U1

Nabibigkas ang pangalan nang may tamang pagpapantig kasabay ang pagpalakpak ang ngalan ng tao sa pamayanan

Unang Araw

Layunin : Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang kuwento Kagamitan : larawan ng isang pamayanan at ng isang pamilya Pamamaraan:

1. Tunguhin Ano ang pangarap mo paglaki mo?

2. Paglalahad Sino-sino ang tao sa inyong pamayanan? Hayaang magkuwento ang mga bata ng isang karanasan na may kinalaman sa isang tao sa pamayanan. Hayaang piliin ng mga mag-aaral kung aling kuwento ang pinakagusto nila. Isulat sa pisara ang mga pangungusap mula sa mga bata upang makumpleto ang kuwento. Basahin sa mga bata ang natapos na kuwento.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Sino-sino ang kasapi ng pamilya ng bida sa kuwento? Sino-sino ang kabilang sa pamayanan?

Magpakita sa mga bata ng larawan ng mga tao. Ipatukoy kung ito ay kasapi ng pamilya o ng pamayanan.

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Hayaang isakilos ng isang pangkat ang gawain ng isang katulong sa pamayanan upang hulaan ng ibang pangkat.

b. Malayang Pagsasanay Ipaguhit sa mga bata ang kanilang paboritong tauhan sa

napakinggang kuwento. Kung ito ay bahagi ng pamilya iguhit ito sa loob ng bahay at sa labas naman kung kasapi ng pamayanan.

Ikalawang Araw

Layunin : Naiuugnay ang napakinggang teksto sa personal

na karanasan

Kagamitan : larawan ng mga katulong sa pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Pumili ng kapareha at pag-usapan ang isang kapitbahay.

2. Paglalahad

19

Page 20: 1 Fil TG U1

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang pinag-usapan nila ng kaniyang kapareha. Ipakita ang larawan ng mga katulong sa pamayanan. Kilalanin ang bawat isa.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Sino sa mga nasa larawan ang iyong kapitbahay?

Ano ang ginagawa ng bawat isa?

Bakit sila mahalaga sa pamayanan? Ano ang posibleng mangyari kung ang isa sa kanila ay hindi gaganap sa kaniyang tungkulin?

Sino sa mga nasa larawan ang gusto mong gayahin paglaki mo?

Bakit gusto mong maging katulad niya?

Ano-ano ang gagawin mo upang maging katulad niya?

4. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Hatiin ang klase sa ilang pangkat.

Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang

maghanda ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng isang

sitwasyon na ang bawat isa ay may mahalagang ginagampanan

bilang katulong sa pamayanan.

b. Malayang Pagsasanay

Iguhit ang sarili bilang isang katulong sa pamayanan. Ikatlong Araw

Layunin : Natutukoy ang mga tao sa pamayanan batay sa kasarian Kagamitan : mga larawan ng mga tao sa pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Sino-sino ang babae/lalaki sa klase?

2. Paglalahad Bigyan ang mga bata ng larawan ng mga tao sa pamayanan. Hayaang pangkatin ito ng mga bata. Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang kanilang dahilan sa pagpapangkat ng mga larawan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang katulong sa pamayanan? Sino-sino ang babae? Ang lalaki? Ano ang tawag sa bawat isa kung babae/lalaki? Punan ang tsart.

KATULONG SA LALAKI BABAE

20

Page 21: 1 Fil TG U1

PAMAYANAN

doktor doktor doktora

4. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Magbigay ng pangalan ng mga tao sa pamayanan .

Sabihan ang mga bata na pumalakpak kung ito ay may

kasariang panlalaki at pumadyak naman kung ito ay may

kasariang pambabae.

b. Malayang Pagsasanay

Sino ang kakilala mo na katulong sa inyong pamayanan? Babae ba siya o lalaki?

Ikaapat na Araw

Layunin : Natutukoy ang kasarian ng pangngalan Kagamitan : larawan ng hayop, bagay, at tao Pamamaraan:

1. Tunguhin Bigyan ang mga mag-aaral ng larawan ng hayop, bagay, o tao. Hayaang ipangkat ito ng mga bata. Tanungin sila ng dahilan sa ginawang pagpapangkat-pangkat.

2. Paglalahad Turuan ang mga bata ng isang awitin/tula na magpapakita ng kasarian ng pangngalan. * Maaaring gamitin ang “Mama, Mama Namamangka”

3. Pagtuturo at Paglalarawan Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang pangngalan na ginamit sa natutuhang awitin/tula. Isulat ito sa pisara. Basahin sa mga bata ang mga isinulat na pangngalan. Hayaang tukuyin nila kung ang pangngalan ay panlalaki o pambabae. Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng di-tiyak na kasarian batay sa mga natirang mga pangalan sa talaang ginawa.

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay Sabihin ang di-tiyak na pangngalan, panlalaking katawagan, at pambabaeng tawag sa ipapakitang katulong sa pamayanan sa larawan. b. Malayang Pagsasanay

21

Page 22: 1 Fil TG U1

Gumawa ng ng mga pangngalang di-tiyak ang

kasarian Word Wall kasama ang mga bata.

Ikalimang Araw

Layunin: Nabibilang ang mga pantig sa pangalan ng mga kapitbahay Pamamaraan:

1. Tunguhin Ilang pantig mayroon sa iyong pangalan? Sino ang kapitbahay mo?

2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang kapitbahay. (Halimbawa: bumbero) Itanong: Sino siya? Hayaang magbigay ang mga bata ng ideya nila tungkol sa kapitbahay na nasa larawan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Isulat sa pisara ang sagot ng bata. Pantigin ang pangalang nakasulat sa pisara.

Ipapalakpak ito sa mga bata. Itanong: Ilang palakpak ang narinig mo?

Ilang pantig mayroon sa pangalan na ito? 4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Tumawag ng mga batang makapagbibigay ng mga pangalan ng kapitbahay. Isulat ang mga sagot sa magkakahiwalay na hanay ayon sa kasarian ng mga ito (panlalaki, pambabae, di-tiyak). Pumili ng isang pangalan mula sa talaan. Ipakita sa mga bata kung paano ito papantigin. Ipalakpak ang pantig nito at ipabilang sa mga bata. Ipalakpak muli ang mga pantig ng pangalan kasabay ng pagbilang ng mga bata. Tumawag ng isang pares ng mga bata. Ipapalakpak muli sa isang bata ang mga pantig ng pangalan habang binibilang ito ng kapareha niya.

b. Malayang Pagsasanay Hayaang bilangin ng mga bata ang pantig ng sariling pangalan at ipatukoy kung ilan ito. Tumawag ng ilang bata upang ipalakpak ang pantig ng kanilang sariling pangalan. Tanungin ang klase kung ilan ang pantig ng pangalan ng batang tinawag. Gawin muli ang gawaing ito pero ngayon gamitin naman ang pangalan ng kapitbahay.

5. Pagtataya a. Umisip ng panibagong pangalan ng kapitbahay.

22

Page 23: 1 Fil TG U1

b. Ipalakpak ang pantig nito. c. Bilangin ang pantig nito. d. Humanap ng dalawang kaklase na may kaparehong bilang

ng pantig ng pangalan ng kapitbahay. e. Kung nakakita na ng kapangkat, isa-isang ipapalakpak ng

bawat bata sa pangkat ang pantig ng pangalan ng kapitbahay. Ipasabi kung ilang pantig mayroon sa pangalang ipinalakpak.

Linggo 5

Tema : Ang Aking Pamilya at ang Aming mga Gampanin Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nagtatanong at nagbibigay ng opinyon at hinuha tungkol sa kuwentong napakinggan

2. Gramatika: Natutukoy ang mga pangngalang walang kasarian 3. Kamalayang Ponolohikal: Natutukoy ang bilang ng pantig ng

salita Unang Araw

Layunin : Nakikinig at sumasagot sa mga tanong tungkol sa

napakinggang kuwento

23

Page 24: 1 Fil TG U1

Nagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Pamamaraan:

1. Paunang Pagtaya Magsabi ng mga pangalan sa mga bata. Ipatukoy sa mga bata ang kasarian ng babanggiting mga pangalan sa pamamagitan ng pagpila sa tapat ng ngalan ng kasarian. (Basahin muna sa mga bata ang PANLALAKI/PAMBABAE/WALANG KASARIAN bago isagawa ang pagsasanay na ito).

2. Tukoy-Alam Pag-usapan ang mga gawain ng bawat kasapi ng sariling pamilya.

3. Paglalahad Sabihin ang pamagat, may-akda at tagaguhit ng kuwentong babasahin. Buklatin ang bawat pahina ng aklat. Walang gagawing pagtatanong. Ano kaya ang nangyari sa bata sa kuwento? Pagbasa ng kuwento. Ikalawang pagbasa ng kuwento. Maaaring tumigil sa ilang pahina upang magtanong sa mga bata.

** Maaaring gumamit ng ibang kuwento na may katulad na tema ng kuwentong na narito sa Patnubay ng Guro.

Si Mariah, ang Batang Masipag Araw-araw, maagang gumigising si Mariah. Matapos niyang magdasal, inaayos niya ang kaniyang hinigaan. Paglabas ng silid-tulugan, agad niyang kinukuha ang walis tingting. Ngunit hindi niya nakita si Kuya Rene na nagwawalis ng kanilang bakuran. Kaya’t pinuntahan niya ito sa kaniyang kuwarto. May sakit pala siya. Nakita naman niya si Ate na katulong ni Nanay sa paghahanda ng kanilang agahan. Si Tatay naman ay abala sa pagpapakain ng kanilang alagang mga hayop.

4. Pagtuturo at Paglalarawan

Tanungin ang mga bata kung aling tagpo ng kuwento ang nagustuhan nila. Bigyang-katuwiran ang sagot.

24

Page 25: 1 Fil TG U1

Itanong: Ano kaya ang naging wakas ng kuwento? Pabigyang-katwiran sa mga bata ang kanilang naging sagot.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa dalawa o tatlong pangkat. Bigyan ng ilang minuto ang bawat pangkat upang makapaghanda ng isang dula-dulaan tungkol sa napakinggang kuwento. Pagsasadula ng bawat pangkat.

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang sariling wakas sa napakinggang kuwento.

Ikalawang Araw

Layunin : Naipapalakpak ang mga pantig ng ngalan ng bagay Kagamitan : mga totoong bagay na makikita sa loob ng silid-aralan Pamamaraan:

1. Tunguhin Ngayong araw, susubukin nating maipalakpak ang mga pantig ng mga pangalan ng bagay sa ating paligid.

2. Paglalahad Gawin ang Dugtungan Simulan ang pagsasalaysay muli ng kuwentong ipinarinig sa mga bata. (Si Mariah, ang Batang Masipag o anumang kuwento na ginamit) Ano-ano ang kagamitang ginamit ng bawat kasapi ng pamilya sa pagsasakilos ng kanilang gawain sa bahay? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Pumili ng isang pangalan. Basahin ito sa mga bata. Pantigin ang salitang napili. Ipalakpak ang pantig ng napiling salita. Ipatukoy sa mga bata ang bilang ng pantig. Ipagawa ang ipinakita sa ilang bata. Pumili ng iba pang pangalan sa talaan. Ipagawa ang pagsasanay sa mga bata.

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Hayaang kumuha ang bawat bata ng isang bagay sa loob

ng silid-aralan o sa kanyang sariling bag. b. Sabihin sa mga bata na ipakita sa klase ang napiling gamit.

Banggitin ang pangalan nito. Pantigin ito sa pamamagitan ng pagpalakpak.

Ikatlong Araw

25

Page 26: 1 Fil TG U1

Layunin : Nakapagbibigay ng mga pangngalang walang

kasarian mula sa kapaligiran

Kagamitan : larawan ng mga pangngalan Pamamaraan:

1. T unguhin Ano-ano ang nasa paligid mo?

2. P aglalahad Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang gamit na makikita sa loob ng kani-kanilang bag. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipaliwanag sa mga bata ang katuturan ng pangngalang walang kasarian.

4. P aglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagkabisa a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase ilang pangkat. Bigyan ang pangkat ng manila paper o anumang papel na maaari nilang pagguhitan.

Pakuhanin ang bawat bata ng isang pangkulay upang gamiting pangguhit. Sa hudyat ng guro, sabay-sabay guguhit ang bawat bata sa pangkat ng isang pangngalan na walang kasarian. Paalalahanan ang mga bata na isang beses lamang silang makaguguhit. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

b. Malayang Pagsasanay

Gumawa ng sariling talaan ng mga pangngalan na walang kasarian. Maaaring gumuhit o gumupit ng mga larawan para dito.

Ikaapat na Araw Layunin : Nagtatanong at nakapagbibigay ng opinyon at hinuha tungkol sa napakinggang kuwento Kagamitan : iba’t ibang larawan ng pamilya Pamamaraan:

1. T unguhin Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang pamilya at hayaang ilarawan ang mga ito ng mga bata.

2. P aglalahad Muling balikan ang binasang kuwento nang unang araw. Basahin muli ito sa mga bata. Pagtalakayan ang kuwentong binasa muli.

26

Page 27: 1 Fil TG U1

3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Anong ugali ang ipinakita ng bawat isa? Dapat ba siyang tularan? Ang pamilya ba sa kuwento ay katulad ng sarili mong pamilya? Ipaliwanag ang sagot.

4. PaglalahatAno ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Aling bahagi ng kuwento ang naibigan mo? Bakit? Aling bahagi ang hindi mo naibigan? Bakit?

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang sariling mukha upang ipakita ang damdamin mo sa napakinggang kuwento.

Ikalimang Araw Layunin : Nakapagsasabi ng natatandaang bahagi ng

napakinggang kuwento gamit ang payak na pangungusap

Pamamaraan: 1. T unguhin

Gawin ang Kadenang Kuwento. Balikan ang binasang kuwento sa mga bata nang unang araw. Sabihin sa mga bata ang unang pangyayari sa kuwento. Hayaang ibigay ng mga bata ang mga sumunod na pangyayari.

2. Paglalahad Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Biglang laya ang bawat pangkat kung paano nila ipapakita ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng dula-dulaan, pagguhit, o anumang paraang maisip at mapag-usapan ng pangkat. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ng inihandang pagtatanghal ng napakinggang kuwento.

3. PaglalahatAno ang natutuhan mo sa aralin?

4. Kasanayang Pagpapayamana. Pinatnubayang Pagsasanay

Hayaang gumawa ang mga bata ng maliit na aklat ng

napakinggang kuwento.

27

Page 28: 1 Fil TG U1

Paalalahanan ang mga bata na ang bawat pahina ng aklat ay maglalaman lamang ng mga guhit ng bawat pangyayari ng kuwento.

b. Malayang Pagsasanay Hayaang gumawa ang mga mag-aaral ng sariling kuwento na may katulad na tema ng napakinggang kuwento.

Linggo 6 Tema : Pagkalinga sa Isa’t Isa sa Aming Tahanan at Kapaligiran; Kaligtasang Pampamilya Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay

3. Kamalayang Ponolohikal: Natutukoy kung magkatugma o hindi ang pares ng salita

Unang Araw Layunin : Natutukoy ang salitang magkakatugma

Nakikibahagi nang buong sigla sa pag-awit ng isang awitin

Kagamitan : mga tunay na bagay Pamamaraan:

1. Paunang Pagtaya Itanong sa mga bata ang kinalalagyan ng ilang mga gamit sa loob ng silid-aralan.

2. Tukoy-Alam Ipalaro sa mga bata ang “Mahiwagang Bagay.” Tumawag ng isang bata para maging “it.” Palabasin siya saglit sa loob ng silid-aralan. Habang nasa labas ang “it,” ituro sa mga bata ang bagay na pahuhulaan sa “it.” Pagpasok ng “it,” hahanapin at huhulaan niya ang mahiwagang bagay. Kapag malapit ang “it” sa mahiwagang bagay papalakpak nang malakas ang mga bata, at mahina naman kung malayo.

3. Paglalahad Sabihin: Mayroong isang bata na ang paboritong bagay ay ang

kaniyang lobo. Alamin natin ang kuwento niya. Ituro sa klase ang tamang pag-awit ng “Ako Ay May Lobo.” Magtanong kung saan lumipad ang lobo. Tanungin ang mga bata tungkol sa laman ng awit at sa mensaheng ipinahihiwatig nito.

28

Page 29: 1 Fil TG U1

4. Pagtuturo at Paglalarawan Ipakita ang lobo sa mga bata at ilagay ito sa isang lugar sa silid. Sabihin: Nasa ______ ang lobo. Ilagay ito sa iba pang mga lugar at sabihin kung nasaan ito. Tawagin ang ilang mga bata upang subukang sabihin kung nasaan ang lobo. Magpakita ng larawan na nagpapakita ng iba’t ibang kulay ng lobo ng nakalagay sa iba’t ibang lugar. Itanong kung nasaan ang lobong may ganoong kulay.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hayaang magpahula ng isang bagay na nasa loob ng silid-aralan ang “it.” Pahuhulaan niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga clue katulad ng kung saan ito matatagpuan. Ang makahuhula ang susunod na “it.”

b. Malayang Pagsasanay

Sabihin : Gumuhit ng isang bagay na may paborito mong kulay. Kumpletuhin ang pangungusap: Ang _____ ay nasa ____.

Ikalawang Araw Layunin : Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

Nakapagbibigay ng magkatugmang salita Kagamitan : tsart ng awit na “Ako Ay May Lobo,” lobo na may iba’t

ibang kulay, roleta ng mga salita Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipaawit sa mga bata ang “Ako Ay May Lobo.” Sabihin: Basahin at salungguhitan ang mga huling salita sa

bawat linya ng awit. 2. Paglalahad

Magparinig ng iba’t ibang tunog sa paligid. Ipasabi kung ano ang mga bagay na nagbibigay ng tunog. Magparinig ng tatlong tunog ng mga bagay na nagbibigay ng tunog. Ipasabi ang mga parehong tunog. Ipaawit muli sa klase ang “Ako Ay May Lobo.”

3. Pagtuturo at Paglalarawan Sabihin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma sa awit gaya ng “lobo” at “ako.” Tumawag ng ilang bata upang magbigay ng iba pang salita na katugma ng naunang halimbawa.

4. Paglalahat

29

Page 30: 1 Fil TG U1

Kailan nagiging magkatugma ang mga salita? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Awitin ang “ Ako Ay May Lobo” habang ipinapasa ng mga bata ang lobo. Kapag tumigil ang awit, ang batang may hawak ng lobo ay kailangang magbigay ng katugma ng salitang babanggitin ng batang nasa kaliwa ng may hawak ng lobo.

b. Malayang Pagsasanay Sabihin: Paikutin ang roleta ng mga salita.

Ibigay ang salitang katugma ng salitang tinigilan ng panturo ng roleta.

Ikatlong Araw Layunin : Natutukoy kung ang magkapares na salita ay magkatugma o hindi Kagamitan : plaskard ng mga magkakatugmang salita Pamamaraan:

1. Tunguhin Bigyan ang bawat bata ng larawan ng isang bagay. Hayaang hanapin ng bawat isa ang kanilang kapareha. Humarap sa klase at sabihin kung bakit sila ang dapat magkasama.

2. Paglalahad Bigyan ang mga bata ng plaskard ng mga salita. Hayaang pagtambalin ng mga bata ang magkakatugmang salita.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Alin-aling salita ang magkakatugma? Bakit sila magkatugma? Magbigay ng salitang hindi katugma ng pares na nasa pisara.

4. Paglalahat Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Sabihin kung magkatugma o hindi ang mga ipakikitang pares ng mga salita.

b. Malayang Pagsasanay Paggawa ng Puno ng Magkakatugmang mga Salita Sabihin: Sumulat ng isang pares ng salita.

Ipakita ito sa mga kaklase. Itanong sa kanila kung magkatugma ang mga ito o hindi. Kung oo idikit ito sa puno, kung hindi naman idikit ito sa ilalim ng puno.

Ikaapat na Araw

30

Page 31: 1 Fil TG U1

Layunin : Nailalarawan ang sarili at nasasabi kung paano makatutulong sa pag-aalaga sa mga gamit sa ating tahanan Pamamaraan:

1. T unguhin Magpakita ng larawan ng pamilyang nagtutulungan sa

paglilinis ng bahay. Ano ang ipinapakitang kaugalian ng pamilya sa larawan?

Itanong: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga paraan kung paano mapangangalagaan ang mga kagamitan sa bahay?

2. Paglalahad Ano ang nangyari sa lobo sa awitin? Bakit kaya ito lumipad?

3. Pagtuturo at Paglalarawan Kung ikaw ang batang may lobo, ano ang gagawin mo upang hindi ito lumipad? Ano-ano ang gamit ninyo sa inyong bahay?

Saan ito ginagamit? Paano ito dapat ingatan?

Bakit kailangang pag-ingatan ang mga kagamitan natin sa ating bahay?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang makapaghanda ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng pangangalaga sa mga pansariling kagamitan.

b. Malayang Pagsasanay Sabihin: Ano ang paborito mong gamit sa bahay?

Paano mo ito mapapangalagaan?

Ikalimang Araw Layunin : Naisasalaysay muli ang kuwentong napakinggan Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipalaro sa mga bata ang Message Relay.

2. Paglalahad Ipakilala ang kuwento. Basahin sa mga bata ang kuwento.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano ang pamagat ng kuwento? Sino-sino ang tauhan? Saan ang tagpuan ng kuwento? Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento.

4. Paglalahat

31

Page 32: 1 Fil TG U1

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Basahan ng isang maikling kuwento ang mga bata. Ipangkat ang klase. Hayaang isadula o isalaysay muli sa isang malikhaing pamamaraan ang napakinggang kuwento. Pagbabahagi ng bawat pangkat.

b. Malayang Pagsasanay Hayaang ibahagi ng mga bata ang isang kuwentong napakinggan nila mula sa kanilang nanay, lolo o lola, kapatid

Linggo 7

Tema: Ang Aking Pamayanan: Pangangalaga sa Kapaligiran Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan

2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap

3. Kamalayang Ponolohikal: Nakapagbibigay ng salitang magkatugma

Unang Araw Layunin : Natutukoy ang mga tauhan sa kuwento Kagamitan : mga larawan ng mga tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento Pamamaraan:

1. Paunang Pagtaya Ipadyak ang paa kung magkatunog ang mga salitang babanggitin ko at ipalakpak naman ang mga kamay kung hindi.

a. payat - malat b. kahapon - mamaya c. tatay - nanay d. tunog - kulog e. kidlat - sikat

2. Tukoy-Alam Ano-ano ang ginagawa ninyo upang mapanatili ang kalinisan ng inyong bahay? 3. Tunguhin Ipakilala ang kuwento . Sabihin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit.

32

Page 33: 1 Fil TG U1

Pag-usapan ang larawan sa pabalat ng aklat. Buklatin ang mga pahina ng aklat upang makita ng mga bata ang mga larawan nito. Itanong: Ano ang gusto ninyong malaman sa kuwento?

* Maaaring gumamit ng ibang kuwento na may katulad na tema - pangangalaga sa kapaligiran o maaari rin namang gumawa ang guro ng sariling kuwento.

4. Paglalahad Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy. Basahin muli ang kuwento. Tumigil paminsan-minsan upang magtanong sa ilang bahagi ng kuwento. 5. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan? Ano-anong lugar/bagay ang nabanggit sa kuwento?

Ano ang hulihang tunog ng bawat salita? Hayaang magbigay ang mga bata ng katunog na salita sa bawat salitang itinala buhat sa kuwento. Kailan nagiging magkatugma ang dalawang salita?

Ikalawang Araw Layunin : Napag-iiba ang loob at labas

Natutukoy kung ang isang bagay ay nasa loob o labas Natutukoy ang mga salitang magkatugma

Kagamitan : mga larawan ng mga bagay na makikita sa kuwentong binasa nang unang araw Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipalaro sa mga bata ang "“Open the Basket.”" Itanong pagkatapos ng bawat ikot. Sino ang nasa labas ng basket? Nasa loob ng basket?

2. Paglalahad Sa tulong ng mga larawan, basahin muli ang kuwentong binasa

nang unang araw. Ano-ano ang bagay na nabanggit sa kuwento?

Ituro ito sa aklat. Saan ito matatagpuan? Sa labas ba? Sa loob?

3. Pagtuturo at Paglalarawan Idikit sa pisara ang mga larawan na nagmula sa kuwento. Ano ang pangalan ng bawat larawan?

Pagtambalin ang dalawang larawan na magkatugma. Paano sila naging magkatugma? Idikit sa loob ng malaking kahon ang mga larawan na magkatugma. Idikit sa labas ng kahon ang walang katugmang larawan.

4. Kasanayang Pagpapayaman Magsagawa ng isang field trip sa loob ng paaralan.

Kumpletuhin ang tsart. Isulat ang limang bagay na nakita sa pamamasyal.

33

Page 34: 1 Fil TG U1

Sa tapat nito, isulat ang katugmang salita nito. Tukuyin kung nasa loob o labas ito.

(Magbigay ng point of reference para masabi ng mga bata kung nasa loob o labas ito.)

NGALAN NG BAGAY

KATUGMANG SALITA

NASA LOOB BA?

NASA LABAS BA?

Ikatlong Araw Layunin : Nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang mga

salitang loob at labas___ ____ Kagamitan : mga larawan na nagpapakita kung ang isang bagay ay nasa loob o labas Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipalaro ang “Aso’t Pusa.” Paano nakakaiwas ang pusa sa aso?

2. Paglalahad Magpakita ng iba’t ibang larawan kung saan nasa maling posisyon ang mga bagay (ang mga nasa loob ay nasa labas at kabaligtaran). Sabihin : Pansinin ang mga larawan. Sabihin kung ano ang

pagkakaiba nila. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

Linangin muli ang salitang loob at labas. Sabihin: Sa larawang ipinakita, ano-ano ang bagay na nasa

labas? Nasa loob? Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap upang ilarawan ang kinalalagyan ng isang bagay na nakita sa larawan. Bakit mahalagang ang mga bagay ay nasa tamang lagayan?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang

Pagsasanay Magpakita ng ilang mga larawan sa mga bata. Hayaang ilarawan nila ang kinalalagyan ng mga bagay na makikita sa larawan gamit ang loob at labas.

b. Malayang Pagsasanay Ipagawa: Gumuhit ng isang bahay. Iguhit sa loob nito ang isang upuan.

34

Page 35: 1 Fil TG U1

Iguhit sa labas nito ang iyong sarili. Ikaapat na Araw Layunin : Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang

naibigay ng kaklase Kagamitan : mga larawan ng mga bagay na ang pangalan ay magkatugma Pamamaraan:

1. Tunguhin Umisip ng tunog ng isang hayop. Hanapin ang kapareha sa pamamagitan ng tunog.

2. Paglalahad Tumawag ng isang bata. Hayaang magbigay siya ng isang salita. Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita na ibinigay ng unang bata.

3. Paglalahat Kailan magkatugma ang isang pares ng salita?

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Magkaroon ng paligsahan sa padamihan ng pares ng magkakatugmang salita na maitatala.

b. Malayang Pagsasanay Magpakita ng mga larawan. Sabihin sa mga mga bata na magbigay ng katugmang salita ng pangalan ng nasa larawan.

Ikalimang Araw Layunin : Nakapagbibigay ng isa o dalawang pangungusap

tungkol sa pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Ano ang nais mong gawin para sa iyong pamayanan?

2. Paglalahad Iguhit ang isang pamayanan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ilarawan ang sariling pamayanan na kinabibilangan. Magbigay ng mga pangungusap na maglalarawan sa pamayanang kinabibilangan. Ano ang suliranin na nakikita mo sa iyong pamayanan? Paano ka makatutulong para malutas ang suliraning nabanggit?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa ilang pangkat.

35

Page 36: 1 Fil TG U1

Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang makabuo ng isang sanaysay tungkol sa pamayanang kinabibilangan.

b. Malayang Pagsasanay Kumpletuhin:

Ako si _______________. Nakatira ako sa _________________. Ang aking pamayanan ay _______________.

Linggo 8

Tema : Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t ibang gawaing tahanan at pampaaralang gamit ang payak na salita

2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang salitang tumutukoy ng lokasyon

3. Kamalayang Ponolohiya: Nagbibigay ng dalawa o higit pang magkakatugmang salita

Unang Araw Layunin : Naibabahagi ang mga gawaing pambahay sa sariling tahanan Kagamitan : larawan ng iba’t ibang gawaing bahay Pamamaraan:

1. Paunang PagtayaTumawag ng isang pangkat ng bata at patayuing magkaharap sa klase. Maglagay ng desk sa harapan. Sabihin: May mga larawan akong ipakikita sa inyo. Kung ang larawang ipakikita ko ay gawaing pambahay, pumunta sa harap ng desk. Kung ang larawang ipakikita ko ay gawaing pampaaralan, pumunta sa likod ng desk.

2. Tunguhin Itanong: Ano-ano ang gawain mo sa bahay?

3. Paglalahad Ipakilala ang pamagat at may-akda ng kuwento. Ipakita ang isang larawan na may kinalaman sa kuwento. Pag-usapan. Basahin nang tuloy-tuloy ang kuwento sa mga bata.

Masisipag na Bata ni Daisy Z. Miranda

36

Page 37: 1 Fil TG U1

“Sabihin ninyo kung ano-ano ang inyong ginagawa sa bahay tuwing Sabado at Linggo,” sabi ni Bb. Andaya. “Tumutulong ba kayo sa nanay at tatay ninyo?” “Sumasama po ako sa aking nanay sa palengke. Ako po ang nagdadala ng basket,” ang sagot ni Ariel. “Sumasama rin po ako sa aking tatay sa palengke. Tumutulong po ako sa pagtitinda ng bigas,” sabi naman ni Renato. “Tumitigil po ako sa bahay para maglinis,” sabi ni Marina. “Naglilinis po ako ng aming bahay at inaalagaan ko ang aking kapatid na maliit,” sabi ni Rowena. Basahin muli ang kuwento. Itanong ang sumusunod: Ano ang pangalan ng guro? Paano tinutulungan ni Ariel ang kanyang nanay? Ano ang trabaho ng tatay ni Renato? Bakit sa bahay lamang si Marina? Ano-ano ang ginagawa ni Rowena sa kanilang bahay? Angkop ba ang pamagat sa kuwento?

4. Pagtuturo at Paglalarawan Ipakumpleto sa mga bata.

PANGALAN NG BATA GAWAING-BAHAY

Itanong: Ano-ano pa ang gawaing-bahay na kayang gawin ng isang bata?

Tama bang tumulong ka sa mga gawaing-bahay? Bakit? Katulad ka din ba ng mga bata sa kuwento? Paano?

5. Kasanayang Pagpapayamana. Pinatnubayang Gawain

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Hayaang magpakita ng dula-dulaan ang bawat pangkat upang ipakita ang mga gawaing-bahay na ginagawa ng isang bata.

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang sariling gawain sa bahay na ginagawa tuwing Sabado at Linggo.

Ikalawang Araw Layunin : Naibabahagi ang mga karanasan ukol sa gawaing pampaaralan Kagamitan : puzzle ng paaralan Pamamaraan:

37

Page 38: 1 Fil TG U1

1. Tunguhin Hayaang buuin ng bawat pangkat ang puzzle na ibibigay. Ano ang nabuong puzzle?

2. Paglalahad Ano-ano ang nagawa mo na mula nang dumating ka sa paaralan?

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano-ano ang gawaing inaasahang dapat mong gawin sa loob ng silid-aralan? Sa paaralan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan. Ano kaya ang posibleng mangyari kung hindi mo gagawin ang isang gawain na inaasahang ikaw ang gagawa?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Magbigay ng ilang mga gawain sa paaralan. Ipataas ang kamay ng mga bata kung ginagawa nila ito. Kung hindi naman, ipadyak ang paa.

b. Malayang Pagsasanay Ibahagi sa klase ang isang gawain sa paaralan na gustong-gusto mong gawin. Bigyang paliwanag ang sagot.

Ikatlong Araw Layunin : nakapagbibigay ng salitang magkakatugma Kagamitan : flash card Pamamaraan:

1. Tunguhin Hayaang mag-isip ng tunog ng hayop o sasakyan ang

bawat bata. Ipahanap ang kapartner sa pamamagitan ng paggawa ng tunog na naisip. Sabihin sa mga bata na pumalakpak kung kasama na ang kanilang kapartner o kapangkat.

2. Paglalahad Ipabasa ang isang tugma.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa sa mga mag-aaral ang may salungguhit na mga salita sa tugmang binasa. Paano sila nagkakatulad? Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

4. Paglalahat Kailan magkakatugma ang mga salita?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang

Pagsasanay

38

Page 39: 1 Fil TG U1

Bigyan ang bawat mag-aaral ng flash card na may nakasulat na salita. Hayaang pagtambalin nila ang mga magkakatugmang salita. Ipadikit ito sa pisara at ipabasa sa mga mag-aaral. Hayaang gamitin ng mga mag-aaral ang mga ito sa sariling pangungusap.

b. Malayang Pagsasanay Dugtungan tayo. Magbigay ng isang salita. Hayaang magbigay ang mga bata ng salitang katugma nito.

Ikaapat na Araw Layunin : nagagamit nang wasto ang mga salitang tumutukoy ng lokasyon Kagamitan : mapa Pamamaraan:

1. Tunguhin Ipalaro: Nasaan?

Bago magsimula ang klase, maglagay ng mga bagay na pahuhulaan sa mga bata ang lokasyon. Itanong: Nasaan ang ________? 2. Paglalahad

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng mapa upang mahanap ang bagay na nasa loob ng silid-aralan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Saan ninyo nakita ang ipinahahanap sa inyo? Paano mo ito nakita? Ano-ano ang salitang nakatulong sa inyo upang madaling makita ang kinaroroonan ng bagay na ipinahanap?

4. Paglalahat Ano-ano ang salitang tumutukoy sa lokasyon ng isang bagay?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Tumawag ng isang bata upang magbigay ng mga panuto gamit ang mga salitang tumutukoy sa lokasyon ng pahuhulaan niyang bagay. Tumawag pa ng isang bata upang magsagawa ng panutong ibibigay ng naunang bata.

b. Malayang Pagsasanay Ano ang paborito mong lugar sa paaralan? Magbigay ng panuto gamit ang mga salitang tumutukoy sa lokasyon upang masabi ng kaklase ang inilalarawang lugar sa paaralan.

Ikalimang Araw

39

Page 40: 1 Fil TG U1

Layunin : nakapagbabahagi ng mga natatanging karanasan patungkol sa mga tao sa pamayanan Kagamitan :

mga larawan ng mga katulong sa pamayanan Pamamaraan:

1. Tunguhin Kilalanin ang mga tao sa pamayanan sa pamamagitan ng larawan.

2. PaglalahadSino sa mga katulong sa pamayanan na nasa larawan ang nakasama mo na? Hayaang magbahagi ang bawat bata ng sariling karanasan na may kinalaman sa mga katulong sa pamayanan.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Pag-usapan sa klase kung alin sa mga ibinahaging kuwento ng mga mag-aaral ang nais nilang isulat ng buong klase. Pagsulat ng napiling kuwento. Basahin sa mga mag-aaral ang natapos na kuwento.

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Ipangkat ang klase. Pag-usapan sa pangkat kung alin sa kanilang mga sariling karanasan na may kinalaman sa katulong sa pamayanan ang isasadula ng pangkat. Paghandain ang pangkat ng isang maikling dula-dulaan. Pagpapakita ng inihandang dula-dulaan. Bigyang halaga ang dula-dulaang isinagawa ng bawat pangkat.

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang isang karanasang hindi malilimutan kasama ang isang katulong sa pamayanan.

Linggo 9

Tema : Ang Ating mga Bayani Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan gamit ang payak

na salita

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento Nakapagbibigay ng opinyon o palagay sa napakinggang teksto

2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang ibabaw, ilalim_____ ____

, at ____gitna sa pagngungusap

40

Page 41: 1 Fil TG U1

3. Kamalayang Ponolohikal: Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita

Unang Araw Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento Kagamitan : larawan ni Dr. Jose Rizal o ng iba pang bayani

Pamamaraan: 1. Paunang Pagtaya

Itanong sa mga bata kung sino ang bayani para sa kanila.

2. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata kung ano ang pumapasok sa isip nila sa tuwing maririnig ang salitang bayani. Isulat ang sagot ng mga bata sa word web .

Itanong: Sino ang bayani para sa iyo? Basahin nang tuloy-tuloy ang kuwento sa mga bata. Basahin muli ang kuwento sa mga bata na may pagtigil sa ilang bahagi nito para itanong ang mga inihandang katanungan.

4. Pagtuturo at Paglalarawan Punan ang graphic organizer sa tulong ng mga bata:

Pamagat

May-Akda

Tagpuan

Tauhan

Simulang Pangyayari

Katapusan Sino ka sa mga tauhan sa kuwento? Ipaliwanag ang sagot. Dapat bang tularan ang bata sa kuwento? Bakit? Bakit hindi?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa kuwento ?

6. Kasanayang PagpapayamanIguhit ang paborito mong bahagi ng kuwento.

41

BAYANI

Paglalahad . 3

Page 42: 1 Fil TG U1

Ikalawang Araw Layunin : Naisasalaysay ang mga pangyayaring nasaksihan Pamamaraan:

1. Tunguhin Ano ang narinig mong balita sa radyo o napanood na balita sa telebisyon?

2. PaglalahadAno-ano ang nakita mong pangyayari habang papunta ka sa paaralan? Hayaang magsalaysay ang mga bata sa kani-kanilang kapartner. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata na maibahagi ang kanilang nasaksihang pangyayari.

3. Pagtuturo at Paglalalarawan Bigyang-halaga ang ginawang pagbabahaginan ng mga bata. Ano ang dapat tandaan sa pagbabahagi ng isang nasaksihang pangyayari sa iba?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang

Pagsasanay Gawin: Buhay na Larawan Ipangkat ang mga mag-aaral. Hayaang maghanda ang bawat pangkat ng isang dula-dulaan mula sa mga ibinahagi ng kapangkat. Pagpapakita ng dula-dulaan. Pag sinabi ng guro na “Tigil” ang mga bata sa pangkat ay titigil o magfii-freeze. Itanong: Ano ang nasaksihan ninyo sa dula-dulaan?

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang isang pangyayaring nasaksihan sa loob ng silid-aralan.

Ikatlong Araw Layunin : Natutukoy kung ang bagay ay nasa ibabaw,

ilalim, o gitna Kagamitan : mga tunay na bagay, plaskard na may nakasulat na ibabaw, ilalim, at gitna_____ ____ ____ Pamamaraan:

1. TunguhinItanong kung nasaan ang ilang mga gamit na makikita sa loob ng silid- aralan.

2. Paglalahad Suriin ang larawan.

42

Page 43: 1 Fil TG U1

Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap tungkol sa larawan.

3. Pagtuturo at Paglalalarawan Nasaan ang bag? Upuan? Mesa? Paano natin dapat alagaan ang ating mga gamit?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayam ana. Pinatnubayang Pagsasanay

Sabihin kung nasaan ang mga gamit na itatanong. Pumila sa tapat ng salitang ____gitna kung nasa gitna ang gamit na tinutukoy, sa ilalim ____ kung nasa ilalim, at sa ibabaw_____ kung nasa ibabaw.

Halimbawa: Nasaan ang plorera? b. Malayang Pagsasanay

Paggawa ng sandwich 1. Gumupit ng tatlong parisukat na papel. 2. Kulayan ang isang papel ng dilaw. 3. Ilagay ang kinulayang papel sa gitna ng dalawang

parisukat na papel. 4. Sa ibabaw ng isang parisukat na papel lagyan ito ng

tatlong guhit na brown. 5. Sa ilalim ng natapos na sandwich lagyan ng isang

ginupit na bilog na papel.

Ikaapat na Araw Layunin : Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita Pamamaraan:

1. Tunguhin Sabihin kung magkatugma o hindi ang mga pares ng salitang ibibigay. a. Halaman - bulaklak b. Ugat - tangkay c. Dahon - kahon d. Buko - siko

2. Paglalahad Basahan ng isang maikling tula ang mga bata. (Malaya ang guro na pipili ng tulang gagamitin.)

3. Pagtuturo at Paglalalarawan Talakayin ang binasang tula. Ano-ano ang salitang magkakatugma sa binasang tula? Ipaulit ang mga ito sa mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita sa mga nabanggit na pares ng magkatugmang salita.

4. Paglalahat Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

43

Page 44: 1 Fil TG U1

Ipagawa: Banderitas ng Magkakatugmang mga Salita Bigyan ang bawat bata ng plaskard na may nakasulat na salita. Hayaang hanapin nila ang kanilang magiging kapangkat. Ipadikit ang mga magkakatugmang salita sa ibinigay na tali sa bawat pangkat.

b. Malayang Pagsasanay Tapusin ang tren ng magkakatugmang salita. Hayaang magsulat ang mga bata ng apat na magkakatugmang salita.

Ikalimang Araw Layunin : Nakapagbibigay ng opinyon o pahayag sa napakinggang teksto

Pamamaraan: 1. Tunguhin

Ano ang narinig mong balita sa radyo o napanood na balita sa telebisyon?

2. Paglalahad Ano-ano ang nakita mong pangyayari habang papunta ka sa paaralan? Hayaang magsalaysay ang mga bata sa kani-kanilang kapartner. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata na maibahagi ang kanilang napakinggang pangyayari.

3. Pagtuturo at Paglalalarawan Bigyang-halaga ang ginawang pagbabahaginan ng mga bata. Ano ang dapat tandaan sa pagbabahagi ng isang napakinggang pangyayari sa iba?

4. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

5. Kasanayang Pagpapayamana. Pinatnubayang Pagsasanay Gawin: Buhay na Larawan Ipangkat ang mga mag-aaral.

44

Page 45: 1 Fil TG U1

Hayaang maghanda ang bawat pangkat ng isang dula-dulaan mula sa mga ibinahagi ng kapangkat.

Pagpapakita ng dula-dulaan. Pag sinabi ng guro na “Tigil,” ang mga bata sa pangkat ay

titigil o magfii-freeze. Itanong: Ano ang nasaksihan ninyo sa kanilang dula-dulaan? b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang isang pangyayaring napakinggan sa loob ng silid-aralan.

Linggo 10

Tema : Ako at ang Aking Pamayanan Lingguhang Layunin:

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang matukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa napakinggang teksto Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan

2. Kamalayang Ponolohiya: Natutukoy ang kaibahan ng mga tunog na napakinggan

3. Gramatika: Natutukoy ang salitang pangalan ng tao, hayop, o bagay Napag-uuri-uri ang mga salitang pangalan

Unang Araw Layunin: Nakikinig nang wasto upang makatugon nang naaayon

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Pamamaraan:

1. Paunang Pagtaya Piliin sa bawat pangungusap ang pangngalan.

a. Si Alice ay may nakitang isang sugatang ibon. b. Kinuha niya ito at dinala sa kanilang bahay. c. Kumuha siya ng gamot at nilagyan ang sugat ng ibon. d. Pinakain ito ng kaniyang kuya ng maliliit na buto.

2. Tukoy-Alam Think-Pair-Share

Ano- ano ang ginagawa ninyo kapag umuulan at nasa bahay lamang kayo? Kung naabutan sa paglalakad? 3. Paglalahad

Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang karanasan kapag umuulan. Pagdesisyunan kung alin sa mga kuwento ang naibigan ng lahat. Isulat sa pisara ang napiling kuwento sa pamamagitan

45

Page 46: 1 Fil TG U1

ng pagsulat ng ibibigay ng mga bata na pangungusap upang mabuo ang kuwento. Kapag tapos na, basahin sa mga bata ang natapos na kuwento. Itanong sa mga bata kung may nais pa silang idagdag o bawasin sa natapos na kuwento. Basahin muli ang kuwento sa mga bata.

4. Pagtuturo at Paglalarawan Ano ang puwedeng maging pamagat ng natapos na kuwento? Bigyang-katwiran ang ibibigay na pamagat ng kuwento.

Isulat at ipakita sa mga bata ang tamang pagsulat ng pamagat ng kuwento. Ikalawang Araw Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

Naiguguhit ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan nang may wastong pagkakasunod-sunod Kagamitan :

tsart ng natapos na kuwento ng nakaraang araw Pamamaraan: 1. Tunguhin

Ano ang nararamdaman ninyo kapag umuulan? Ano ang napapansin ninyo sa inyong kapaligiran kapag umuulan?

2. Paglalahad Kuwento Ko, Dugtungan Mo Balik-aralin ang ginawang kuwento ng klase. Umpisahan ito sa pamamagitan ng simulang pangyayari. Tumawag ng mga bata upang dugtungan ang kuwento hanggang sa masabi ang katapusan ng kuwento.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento. Tama ba ang ginawa ng mga tauhan sa kuwento? Ipaliwanag ang sagot. Dapat ba siyang tularan? Bakit? Bakit hindi? Linangin ang salitang baha. Bakit kaya bumabaha tuwing umuulan? Paano natin maiiwasan ang pagbaha? Paano ka makatutulong bilang isang bata?

4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Ipaguhit sa bawat pangkat ang mga pangyayari sa kuwento.

b. Malayang Pagsasanay Iguhit ang nais mong katapusan ng kuwentong napakinggan.

Ikatlong Araw

46

Page 47: 1 Fil TG U1

Layunin : Natutukoy ang mga salitang ngalan ng bagay at hayop Nagagamit nang wasto ang mga salitang ngalan ng tao, hayop, at bagay sa pagpapahayag ng ideya Pamamaraan:

1. Tunguhin Magsagawa ng field trip sa loob ng paaralan. Ano-ano ang mga nakita ninyo sa paglalakbay?

2. Paglalahad Pagsasagawa ng bugtungan Iparinig at pasagutan sa mga bata ang mga

bugtong: - Mataas kung nakaupo, Mababa kung nakatayo. - Hindi hari, hindi

pari Ang damit ay sari-sari.

- Isang prinsesa Nakaupo sa tasa.

- Isang tampipi Puno ng salapi.

3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano-ano ang sagot sa mga bugtong? Ipakita ang larawan ng mga sagot sa bawat bugtong. Sabihin ng tatlong beses: Ito ay ________.

Tumawag ng isang bata na sasabay sa guro sa pagsasabi ng pangalan ng nasa larawan.

Tumawag ng isang bata na magsasabi mag-isa ng pangalan ng nasa larawan. Ano ang ipinapahiwatig ng mga salitang sagot sa bugtong?

4. Paglalahat Ano ang pangngalan?

5. Kasanayang Pagpapayaman a. Pinatnubayang Pagsasanay

Basket ng mga Larawan Hayaang kumuha ng isang larawan ang batang makahahawak ng Basket ng mga Larawan sa pagtigil ng musika. Sasabihin ng bata kung ano ang nasa larawan sa pormat na:

Ito ay __________. Ito ay ngalan ng (bagay,hayop). b. Malayang Pagsasanay

Gumupit ng isang larawan mula sa magasin o dyaryo. Kung walang dyaryo, maaaring magpaguhit na lamang.

Ipakita ito sa klase at sabihin kung ano ito gamit ang pormat na: Ito ay _________. Ito ay bagay/hayop.

47

Page 48: 1 Fil TG U1

Ikaapat na Araw Layunin : Natutukoy ang mga ngalan ng tao at lugar Kagamitan : concept map Pamamaraan:

1. TunguhinItanong : Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo

ang salitang piyesta? Paggawa ng concept map.

2. Pag lalahadBasahin ang "Sa Plasa."

Maagang ginising si Chacha ng kanyang ina. Binihisan siya at sumakay sila sa isang traysikel. Takang-taka si Chacha kung saan sila pupunta. Bumaba sila sa harapan ng simbahan. Matapos magdasal, namasyal sila sa plasa. Nakita niya ang maraming laruan at iba pang paninda. Narinig din niyang tumugtog ang banda ng mga

musiko. Hindi nagtagal, umuwi na sila sa kanilang bahay.

3. Pagtuturo at Paglalahad Talakayin ang kuwentong napakinggan. - Ano ang mayroon sa plasa? - Ano-ano ang makikita sa plasa? - Paano mo maipakikita ang paggalang sa kultura ng

ibang pamayanan? Ipakita ang larawan ng "Sa

Plasa." Saan naganap ang kasayahan? Sino-sino ang narito? Ipaturo sa mga bata ang sagot nila gamit ang pormat na: Ito ay ____________. Ito ay lugar/tao. Anong uri ng salita ang plasa/tindera/musiko/mga bata?

48

PiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyestaPiyesta

Page 49: 1 Fil TG U1

4. Paglalahat Ano ang pangngalan? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Sabihin kung ang ngalan na babanggitin ay ngalan ng tao o ngalan ng lugar. Pumunta sa may pintuan kung ngalan ng tao at pumunta naman sa bintana kung ngalan ng lugar. ospital doktor palengke guro paaralan panadero simbahan kartero

pamahalaang bayan magsasaka b. Malayang Pagsasanay

Isagawa ang isang paglalakbay sa loob ng silid-aralan. Idikit ang mga larawan ng mga lugar/mga tao sa silid-aralan. Hayaang kumuha ng isang larawan ng tao at isang lugar ang mga bata. Sabihin sa klase kung ano ang kinuha. Himukin din ang mga bata na sabihin ang dahilan ng pagpili ng larawan.

Gamitin ang pormat na: Ito ay (si) ________.

Ikalimang Araw

Ito/Siya ay lugar/tao.

Layunin : Napag-uuri-uri ang mga salitang ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar Nagagamit nang wasto ang mga ngalan ng tao, bagay,

Kagamitan : hayop at lugar sa usapan , mapa ng isang pamayanan

Pamamaraan: 1. Tunguhin

Magparinig ng iba't ibang tunog sa mga bata. Ipatukoy kung ano ang mga ito.

2. Paglalahad Iparinig sa mga bata ang nakateyp na eksena sa palengke/simbahan/bukid. Hayaang itala ng mga bata ang pinagmulan ng mga tunog na maririnig.

TAO HAYOP BAGAY

Pag-uulat ng bawat pangkat. Pagbibigay-halaga sa ginawa ng bawat pangkat.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

49

Page 50: 1 Fil TG U1

Saan naganap ang napakinggang eksena? Kani-kaninong boses ang narinig mo sa eksena? Ano-anong bagay/hayop ang narinig mo sa eksena? Ano-ano pa kaya ang mga bagay/hayop ang nasa lugar na pinangyarihan ng eksena? Alin-alin ang ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar?

4. Paglalahat Ano ang pangngalan? 5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay Bigyan ang mga bata ng mga larawan ng tao/bagay/hayop/lugar. Ang mga batang may hawak ng larawan ng tao ay pupunta sa

tapat ng berdeng tatsulok; bilog na pula kung bagay; parisukat na dilaw kung hayop, at parihabang asul kung lugar ang makukuhang larawan.

Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa hawak na larawan. b. Malayang Pagsasanay Kumuha ng kapareha. Pumili ng isang paksa at pag-usapan ito

sa harap ng klase. 1. Paboritong Pagkain 3. Ang Aking Pamayanan 2. Ang Aking Nanay 4. Ang Nais Kong Alagaang Hayop

50