45
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA REPUBLIKA NG PILIPINAS KATAAS-TAASANG HUKUMAN Maynila Dr. Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining at Professor Emeritus, University of the Philippines/UP); Cong. Antonio Tinio (ACT Teachers' Partylist); Cong. Fernando “Ka Pando” Hicap (Anakpawis Partylist at tagapangulo ng PAMALAKAYA); Cong. James Mark Terry Ridon Kabataan Partylist); Dr. Rhoderick Nuncio (Vice-Dean, ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, De La Salle University/DLSU); Prop. Aura Abiera (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas saUniversity of the Philippines-Diliman); Dr. Ernesto Carandang II (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila); Dr. Roberto Ampil (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas); Prop. Marvin Lai (Tagapangulo ng Departamento ng Filipinolohiya ng Polytechnic University of the Philippines/PUP); Prop. Nelson Ramirez (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of the East/UE-Manila); Dr. Ester Rada (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, San Beda College-Manila); Prop. Jorge Pacifico Cuibillas (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, Far Eastern University-Manila); Prop. Andrew Padernal (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP); Prop. Michael Domingo Pante (Faculty Member sa History Department, Ateneo de Manila University); Benjamin Valbuena (Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers/ACT-Philippines); Dr. Priscilla Ampuan (Pangulo ng Quezon City Public School Teachers’ Association/QCPSTA); Prop. Carl Marc Ramota (Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers-State Universities and Colleges/ACT-SUC); Dr. Rowell Madula (Pangulo

Tanggol Wika versus Noynoy-CHED (Supreme Court Petition)

  • Upload
    dlsu

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KATAAS-TAASANG HUKUMAN

Maynila

Dr. Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining at Professor Emeritus, University of the Philippines/UP); Cong. Antonio Tinio (ACT Teachers' Partylist); Cong. Fernando “Ka Pando” Hicap (Anakpawis Partylist at tagapangulo ng PAMALAKAYA); Cong. James Mark Terry Ridon Kabataan Partylist); Dr. Rhoderick Nuncio (Vice-Dean, ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, De La Salle University/DLSU); Prop. Aura Abiera (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas saUniversity of the Philippines-Diliman); Dr. Ernesto Carandang II (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila); Dr. Roberto Ampil (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas); Prop. Marvin Lai (Tagapangulo ng Departamento ng Filipinolohiya ng Polytechnic University of the Philippines/PUP); Prop. Nelson Ramirez (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of the East/UE-Manila); Dr. Ester Rada (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, San Beda College-Manila); Prop. Jorge Pacifico Cuibillas (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, Far Eastern University-Manila); Prop. Andrew Padernal (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP); Prop. Michael Domingo Pante (Faculty Member sa History Department, Ateneo de Manila University); Benjamin Valbuena (Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers/ACT-Philippines); Dr. Priscilla Ampuan (Pangulo ng Quezon City Public School Teachers’ Association/QCPSTA); Prop. Carl Marc Ramota (Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers-State Universities and Colleges/ACT-SUC); Dr. Rowell Madula (Pangulo

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools/ACT-Private);

Dr. Aurora Batnag (Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino/PSLLF); Dr. Judy Taguiwalo (Full Professor sa College of Social Work and Community Development, UP Diliman); Dr. Danilo Arao (Associate Professor sa Department of Journalism, College of Mass Communication, UP Diliman; Dr. David Michael San Juan (Executive Council Member ng National Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT); Ronnel B. Agoncillo Jr., (Pangulo ng Philippine Normal University/PNU-Student Government); Dr. Reuel Molina Aguila (Palanca Hall of Famer at Tagapayo ng KATAGA-Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas); Ericson Acosta (manunulat at dating bilanggong politikal, at kasapi ng Anakpawis Partylist); Prop. Adrian Balagot (Direktor ng Center for Continuing Education, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina/PLMar); Prop. Penafrancia Raniela Barbaza (Associate Professor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman); Prop. Herman Manalo Bognot (Faculty Member sa Department of European Languages, University of the Philippines); Prop. Laurence Marvin Castillo (Instructor sa Department of Humanities, University of the Philippines-Los Baños); Dr. Antonio Contreras (Full Professor sa Political Science Department, De La Salle University/DLSU); Prop. Ramilito Correa ay (Pangulo ng Sanggunian sa Filipino/SANGFIL); Gerome Nicolas De la Peña (Pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino,SamFil-Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP); Prop. Wennielyn Fajilan ay Faculty Member ng Departmento ng Filipino, University of Santo Tomas); Flody Fernandez (Pangulo ng Ramon Magsaysay High School (Cubao) Faculty Club); Prop. Santiago Flora (Vice-President for Operations ng Quezon City Polytechnic University); Prop. Melania Flores (National PRO ng All UP Academic Employees' Union, University of the Philippines/UP); Dr. Lakandupil

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Garcia (Full Professor ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Dasmariñas; Dr. Fanny Garcia (Palanca Awardee at Faculty Member ng Departamento ng Filipino, De La Salle University/DLSU); Prop. Jonathan Geronimo (Coordinator ng KATAGA-Manila at Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas/UST); Prop. Vladimeir Gonzales (Assistant Professor sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-University of the Philippines-Diliman); Prop. Ferdinand Pisigan Jarin (Palanca Awardee at Pangulo ng KATAGA-Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas); John Robert Magsombol (Pangulo ng University of Santo Tomas-Panulat; Prop. Joel Malabanan (Tagapayo ng Kapisanang Diwa at Panitik/KADIPAN sa Philippine Normal University/PNU); Prop. Dennis Mangubat (Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng San Beda College-Manila); Prop. Joanne Manzano (Faculty Member ng Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-University of the Philippines-Diliman); Prop. Bernadette Neri (Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman); Raymond Palatino (Tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN-National Capital Region); Prop. April Perez (Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman); Prop. Jayson Petras (Deputy Director ng Institute of Creative Writing, University of the Philippines-Diliman); Prop. Crizel Sicat-de Laza (Katuwang ng Kalihim ng Sanggunian ng Filipino/SANGFIL at Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas/UST); Prop. Dennis Joseph Raymundo (Faculty Member ng Kalayaan College); Dr. Beverly Sarza (Faculty Member ng Philosophy Department, De La Salle University-Manila); Dr. Raquel Sison-Buban (Associate Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Vivencio M. Talegon, Jr. (Full-Time Faculty sa University of Asia and the Pacific, Ortigas Center, Pasig); Isaac Ali Tapar (Pangulo ng Manila Science High School

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Faculty Association); Dr. Dolores Taylan (Associate Professor sa Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila); Dr. Alita Tepace (Propesor sa Philippine Normal University-Manila); Prop. Om Narayan Velasco (Instructor sa University of the Philippines-Los Baños); Andrea Jean Yasoña (Pangulo ng Kapisanang Diwa at Panitik-PNU); Prop. Reynele Bren Zafra (Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas); Dr. Ruby Alunen (Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Bayani Santos, Jr. (Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng Manuel Luis Quezon University/MLQU); Prop. Christo Rey Albason (Guro sa Sining ng Bayan/GUSI)l; Prop. Lilibeth Oblena-Quiore (Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Danim Majerano (Direktor ng Pananaliksik at Edukasyon, Samahang Saliksik Pasig, Inc.); Rustum Casia (KM 64 Poetry Collective); Charisse Bernadine Bañez (Tagapagsalita ng League of Filipino Students/LFS); Dr. Jennifor Aguilar (Chairperson ng Department of Elementary and Secondary Education ng Polytechnic University of the Philippines/PUP); Prop. Moreal Nagarit Camba (Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of Asia and the Pacific – Pasig); Prop. Cleve Arguelles (Chairperson ng Political Science Program, Department of Social Sciences, University of the Philippines-Manila); Dr. Maria Lucille Roxas (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Voltaire Villanueva (Faculty Member sa Philippine Normal University); Dr. Josefina Mangahis (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Emma Sison (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Ayleen Ortiz (manunulat); Prop. Efren Domingo (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Prop. Leslie Anne Liwanag (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr. Lakangiting Garcia (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

University-Manila); Prop. Mirylle Calindro (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr. Lakandupil Garcia (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas); Dr. Dexter Cayanes (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr. Teresita Fortunato (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr. Ma. Rita Aranda (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr. Emma Basco (Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila).

Mga Petisyoner,

- laban kina - G.R. S.P. NO. _______________

PANGULONG BENIGNO SIMEON “NOYNOY” C. AQUINO III, at PUNONG KOMISYUNER NG KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON/COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) DR. PATRICIA LICUANAN

Mga Respondent.

X -------------------------------------------------------------------------X

PETISYON PARA SA CERTIORARI AT PROHIBITION

(MAY KASAMANG KAHILINGAN PARA SA TEMPORARY RESTRAINING ORDER AT/O WRIT OF PRELIMINARY

INJUNCTION)

ANG MGA PETISYONER, sa pamamagitang ng kanilang abugado, at sa Pinagpipitaganang Hukumang ito, ay buong-galang na ipinapahayag na:

PANIMULA

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“Ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, [ay] isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit sa karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang pambansang nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-lingwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan.”1

Binigkas ito ni Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga Komisyuner ng 1986 Constitutional Commission, nang kanyang ipinanukala ang mga probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol sa edukasyon, wika, at sining.

Papatayin ng Bagong General Education Curriculum (GEC) na nais ipatupad ng CHED sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 20132 ang wikang Filipino—ang wikang pambansa ng Pilipinas—at iba pang asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad, kamalayang pangkultura at nasyonalismo gaya ng Panitikan/Literatura at Philippine Government and Constitution.

Magreresulta rin ang CMO No. 20 sa malawakang tanggalan sa trabaho ng humigit-kumulang 78,000 guro at manggagawa sa sektor ng edukasyon ayon mismo sa datos ng CHED.3

Ang isang kalatas pangregulasyon na kikitil sa ating sariling wika at mga asignaturang bahagi ng ating pambansang identidad at kamalayan at mahalaga para sa pambansang pagsulong at dudulo sa malawakang tanggalan ng mga maggagawa sa sektor edukasyon ay labag sa Konstitusyon at kung gayon ay dapat agarang ibasura.

ANG PETISYON

1. Ang Petisyon na ito ay hinain ng mga namumuwisan at mga mamamayang may-pakialam na naglalayong hilingin sa Pinagpipitaganang Hukuman na:

1 “[O]ur Wikang Pambansa, unquestionably, [is] a significant cultural marker for national identity.

But more than simply a cultural marker, a national language serving as a communication system across diverse ethno-linguistic groups and classes could facilitate the unification and empowerment of our people.” Record of the Constitutional Commission No.69 (Friday, August 29, 1986) 2 CMO No. 20 sa Petisyong ito, Annex “A”

3 Annex “B”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

a. ideklarang labag sa Konstitusyon ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 na ipinatutupad ng mga Respondent at

b. pigilan ang mga Respondent sa pagpapatupad ng nabanggit na CMO na labag sa Konstitusyon at pigilan sila sa paggawa ng anumang hakbang na kaugnay niyon.

2. Ang hinihiling na writ of certiorari at prohibition ng mga Petisyoner ay nakabatay sa matinding pag-abuso sa diskresyon ng mga Respondent, na katumbas ng kawalan ng o paglagpas sa kanilang hurisdiksyon4 nang pirmahan at ipatupad nila ang CMO No. 20 na direktang sumasalansang at lumalabag sa mga probisyong pangwika, probisyong pang-edukasyon, at probisyon sa paggawa na nasa Konstitusyon at nasa iba pang kaugnay na batas.

3. Wala nang simple, mabilis at sapat na remedyo sa ordinaryong proseso ng batas para sa mga Petisyoner kundi ang pagsusumite ng Petisyong ito, alinsunod sa Seksyon 1 at 2 ng Rule 65 ng Revised Rules of Court.

4. Gayundin, ang kasong ito ay ihinain ng mga Petisyoner bilang isang class action sa ilalim ng Seksyon 12 ng Rule 3 (kaugnay ng Seksyon 2 ng Rule 17), sa ngalan ng libu-libong guro ng Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution sa kolehiyo na nawalan na ng trabaho, maaaring mawalan ng trabaho, o kaya’y mabawasan ang kita dahil sa CMO No. 20, at libu-libo pang guro ng iba pang asignaturang apektado rin ng nasabing CMO.

5. Sapagkat ang mga aksyon ng mga Respondent ay direktang lumalabag sa Konstitusyon, at sapagkat saklaw ng kaso ang buong bansa, hinihiling ng mga Petisyoner, na pawang mga namumuwis at mga may-pakialam na mamamayan, at mga mamamayang direktang apektado rin ng CMO No. 20, sa Kagalang-galang na Kataas-taasang Hukuman na gamitin ang kanyang malawak na kapangyarihang magsagawa ng judicial review alinsunod sa Artikulo VIII, Seksyon 1 ng Konstitusyon.5

4 Isinasaad ng Konstitusyon sa Artikulo VIII na:

“SEKSYON 1. x x x “Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinasasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyahan kung mayroon o walang naganap na malubhang pagsasamantala sa diskresyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin mang sangay o instrumentaliti ng pamahalaan.”

5 Dabuet vs Roche Pharmaceuticals, 149 SCRA 386.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

6. Ang pagsasagawa ng judicial review para suriin kung lumagpas sa saklaw ng kanilang kapangyarihan ang sangay Ehekutibo ng gobyerno ay bahagi ng sistema ng “checks and balances” alinsunod sa Konstitusyon, partikular kapag ang isyu ay kaugnay ng pambansang interes, at ang pagiging sagrado ng ating Konstitusyon.

7. Buhat din ng parehong mga kadahilanan, hinihiling ng mga Petisyoner na mag-isyu ang Hukumang ito ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction na nag-aatas sa mga Respondent na ihinto ang pagpapatupad ng CMO No. 20 at ang pagsasagawa ng mga hakbang na labag sa Konstitusyon.

8. Isinailalim sa beripikasyon ng mga Petisyoner ang Petisyong ito at sertipikadong hindi sila sangkot sa forum shopping. Ipinadala ang mga kopya ng Petisyon sa mga respondent sa pamamagitan ng rehistradong kalatas. Ang affidavit of service ay kalakip ng Petisyong ito. Binayaran na rin ang docket fees sa pagsasampa ng Petisyon.

MGA REKISITO NG JUDICIAL REVIEW

9. Tangan ng Petisyong ito ang mga sumusunod na rekisito para sa judicial review ayon sa jurisprudence:

a. isang nangyayaring sigalot o aktwal na kaso o kontrobersiyang nangangailangan ng pagganap ng kapangyarihang panghukuman;

b. ang karapatang tuligsain ang ligalidad ng paksang kilos, batas, o regulasyon (subject act or issuance) bunga ng personal at tunay na interes sa kaso, sa punto na ang partidong naghain ng kaso ay nakaranas na o dadanas ng tiyak na pinsala bilang resulta ng implementasyon nito;

c. ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay inihapag sa pinakakagyat na pagkakataon (earliest opportunity); at

d. ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay ang pinakalaman (lis mota) ng kaso.6

10. Ang pagpapalabas ng mga Respondent ng CMO No. 20 ay nagbunsod ng aktwal na sigalot na nangangailangan ng pagganap ng Korte Suprema sa kaniyang kapangyarihang panghukuman. Ang

6 La Bugal-B’laan Tribal Association v. Victor O. Ramos, G.R. No. 127882, 27 January 2004

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

nasabing sigalot ay hindi lamang haka-haka o opinyon ng mga Petisyoner dahil bunsod ito ng at makikita mula sa obhetibong mga kundisyon na nilikha na at tiyak na lilikhain ng CMO No. 20—

a. Ang pagkawala ng Filipino bilang asignatura ay kitang-kita sa Seksyon 3 ng CMO No. 20 (Revised Core Courses). Hindi ito kabilang sa 24 yunit ng core courses at siyam na yunit ng elective courses. Lalong hindi ito ang sakop ng tatlong yunit ukol sa buhay at mga gawa ni Rizal.

b. Ang mga naganap na at magaganap pang tanggalan ay natural at di maiiwasang resulta ng pagkawala ng Filipino bilang asignatura. Dahil mawawala ang mga yunit na dating itinuturo ng mga instruktor at propesor ng Filipino, sa panahong lubusang kani-kaniyang gagamitin na mga kolehiyo at unibersidad ang bagong takdang kurikulum, hindi na sila bibigyan ng load na kadalasang binibigay sa kanila.

c. Ang pagpatay naman sa Filipino bilang midyum sa pagtuturo ay malinaw rin sa Seksyon 3 na nagsasabing “The general education courses maybe [sic] taught in English or Filipino,” bagay na tahasang tiwalag sa kasalukuyang polisiya ng CHED na nakatakda at di lamang boluntaryo ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo alinsunod sa CMO No. 59, Series of 19967 na nagsasabing “Courses in the Humanities and Social Sciences should preferably be taught in Filipino” at sa utos sa estado ng Konstitusyon na “puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino x x x bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”8

d. Tiyak na dudulo ang pagtanggal sa Wikang Filipino at mga kaugnay na asignatura sa pagkahinto sa pagpapayabong sa kultura at pagpapalawak ng at paglinang sa maka-Pilipino at maka-mamamayang kamalayan.

11. Hinihiling ng mga Petisyoner na ituring ng Hukumang ito bilang bahagi ng kaniyang judicial notice ang mga balitang-ulat ukol sa (1) mga nagaganap nang mga tanggalan ng mga instruktor at propesor sa Filipino9, Panitikan/Literatura at Philippine Government and Constitution, at mga kaugnay na asignatura at (2) mga plano ng mga

7 Annex “C”

8 Artikulo XIV, Seksyon 6

9 Annex “D”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

eskwelahan sa tersaryang antas na lusawin o bawasan ng malaki ang mga Departamento ng Filipino10.

12. Pinapaabot ng mga Petisyoner na instruktor at propesor sa Hukumang ito na simula Marso 2014, nagpahiwatig sa kanila ang mga administrasyon ng kanilang mga eskwelahan, sa pamamagitan ng mga indibidwal na pag-uusap o pagpupulong sa mga union, faculty association, o department, ng plano bilang pagtugon sa bagong kurikulum—hindi na sila bibigyan ng teaching loads, babawasan ang mga ito, tatanggalin o paliliitin ang mga Departamento ng Filipino (sa mga kaunting kolehiyo at unibersidad na mayroon nito), at mga katulad na balakin.

13. Sa ilang paaralan ay tahasan nang nilusaw ang Departamento ng Filipino, may planong lusawin ang Departamento ng Filipino, inanunsyo na ang pagkawala ng teaching load ng mga part-time na instruktor/propesor ng Filipino sa ilang paaralan, tahasang ginagamit na ring argumento ng ilang paaralan ang CMO No. 20 sa hindi pagrerenew ng mga kontrata ng mga gurong probationary, at nakaamba na rin ang posibleng pagtatanggal sa trabaho11 maging ng mga permanenteng instruktor/propesor bunsod ng CMO No. 20.

14. Bagamat hindi nakasaad ang mga planong ito sa memo at anumang uri ng kasulatan na makakapagpatunay sa mga balaking ito,12 pinapatunay ng mga Petisyoner, sa bisa ng kanilang Verification sa Petisyong ito, na tunay na naganap ang nasabing pag-uusap at pagpupulong sa kanila ng kanilang mga administrasyon.

15. Taglay ng mga class petitioners, sa kanilang mga sarili at para sa ibang guro, namumuwisan, at mamamayang kabilang sa class action na ito, ang karapatang tuligsain ang ligalidad ng CMO No. 20 na paksa ng Petisyong ito. Ang karapatang ito ay bunga ng kanilang interes na tunay at personal dahil sila ay mga gurong mismong tatamaan ng nasabing CMO, na mawawalan ng trabaho o mababawasan ng kita at benepisyo dulot ng pagkawala ng Filipino at iba pang asignaturang tinuturo.

10

Annex “E” 11

Annex “F” 12

Dahil na rin sa pag-iwas ng mga eskwelahan na magkaroon ng indikasyon ng paglabag sa regulasyon at pahayag ng CHED, DOLE, TESDA, at DepEd na nagsasabing bawal magkaroon ng tanggalan kaugnay sa K to 12 bago dumating ang simula ng transition period sa 2016 (zero enrolment sa first at second year dahil sa pagsisimula ng senior high school). (Joint Guidelines on the Implementation of the Labor and Management Component of Republic Act No. 10533, Annex “G”)

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

16. May interes din ang mga Petisyoner, bilang mamamayan ng Pilipinas at namumuwisan, sa pagpapanatili ng Filipino sa mga paaralan sa lahat ng antas bilang asignatura at midyum sa pagtuturo. Bilang mga Pilipino, nais nilang mapanatiling buhay ang pambansang wika—ang wikang tanda ng pagka-Pilipino, na ginagamit ng bawat isa sa atin sa araw-araw, minana pa mula sa ating mga ninuno, at nilalayong ipamana sa mga sumusunod na henerasyon. Higit pa, nais ng bawat Pilipino na siguruhing payayabungin ito at pagyayamanin ng pamahalaan, puspusang itataguyod ito bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon gaya ng itinakda ng Saligang Batas.

17. Bilang mga namumuwisan, nasa interes ng mga Petisyoner na siguruhing lahat ng kanilang ibinayad na buwis ay gagamitin sa mga hakbanging hindi sumusuway sa batas at Konstitusyon, hakbanging gaya ng pagbubura sa pambansang wika sa edukasyong tersyarya.

18. Ang gagamitin ng CHED sa implementasyon ng CMO No. 20 ay pampublikong pondo, sa pagtitiyak na ang bagong kurikulum ay ginagamit pareho ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan. Malinaw rin ang paglabag ng CMO sa mga takda ng Konstitusyon at batas.13

19. Ang isyu ng paglabag ng CMO sa Saligang Batas ay inihapag sa pinakakagyat na pagkakataon, na pinapakahulugan ng Hukumang ito na sa punto ng isang pleading na hinain sa korteng may sapat na kapangyarihan upang dinggin ang mga isyu rito.14 Ang CMO No. 20 ay hindi maaaring kwestyunin sa CHED sa ilalim ng Rules of Procedure nito, at walang mala-panghukumang hakbang o proseso sa harap ng CHED na maaaring magbigay dito ng kapangyarihang resolbahin ang mga isyung konstitusyonal.

20. Ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay ang pinakalaman o lis mota ng kasong ito, at walang ibang batayan upang resolbahin ang kasong ito bukod sa isyu ng pagsunod ng CMO No. 20 sa Konstitusyon.

21. Ginawa na ng mga Petisyoner ang lahat na maaaring hakbang sa antas ng CHED, kabilang ang makailang-ulit na dayalogo at pampublikong apila sa tanggapan ni Kalihim Licuanan, upang hikayatin siya na mas masusing pag-aralan pa ang bagong kurikulum at ibasura ang CMO No. 20.

13

Francisco v. House of Representatives, 460 Phil. 838, 899 (2003) 14

Matibag v. Benipayo, G.R. No. 149036, 2 April 2002

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

22. Sa huli ay inaasahan ng mga Petisyoner na ideklara ng Kapita-pitagang Hukuman na ito na labag sa Konstitusyon ang CMO No. 20 sa basihan ng nakapangingibabaw na kahalagahan (transcendental importance) ng paksa at mga isyung nakapaloob sa kasong ito. Malinaw na ang usapin ng wikang pambansa ay interes at katungkulan ng bawat Pilipino di lamang yaong mga nabubuhay sa kasalukuyan kundi pati na rin ang mga mabubuhay pa sa hinaharap. Ang usapin ng kurikulum na tinatakda ng CMO No. 20 ay sumasaklaw din sa buong sistemang edukasyon sa antas tersarya at makakapagpasya kung mapapayabong nga ang pambansang wika—isang esensyal na bahagi ng ating kultura at kasaysayan—o maiwawaglit ito sa kolektibong kasanayan at alaala ng sambayanan. Nakatali rin sa usaping wika at kurikulum ang propesyon at kabuhayan ng libu-libong instruktor at propesor.

Pagiging Napapanahon ng Petisyon

23. Isinantabi at hindi pinakinggan ng CHED ang mga argumento ng mga nagpepetisyon na ipinahayag sa mga naunang diyalogo, mga posisyong papel15, sa resolusyon ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT, Komisyon sa Wikang Filipino/KWF at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino/PSLLF16, at mga publikong asembliya mula noong Hunyo 21, 201417 hanggang noong ilabas ng CHED ang isang press statement – na may petsang Nobyembre 27, 201418 – na nagbigay-diin na ibinasura ng CHED ang kahilingang rebisahin ang CMO No. 20, Series of 2013. Katunayan, halos inulit lamang ng CHED ang pahayag nito noong Hunyo 23, 201419.

24. Hindi rin umaksyon ang Malakanyang sa hinaing ng mga Petisyoner, sa kabila ng katotohanan na isyung publiko na at inireport na sa iba’t ibang midya ang usaping ito20 at nagsimula na ang CHED at ang mga kolehiyo at unibersidad sa pagpapatupad ng nasabing CMO na magdudulot ng malawakang tanggalan sa trabaho at tahasang paglabag sa probisyong pangwika na nasa Konstitusyon.

15

Annexes “H” to “L” 16

Annexes “E,” “M,” and “N” 17

Annexes “O” to “Q” 18

Annex “R” 19

Annex “S” 20

Annex “F”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

25. Samakatwid, napapanahon ang Petisyong ito upang maihinto ang implementasyon ng CMO No. 20, Series of 2013 na tahasang paglabag sa Konstitusyon, at upang maihinto rin ang malawakang tanggalan ng trabaho na nagaganap na at lalo pang lalawak habang dumaraan ang mga araw at nalalapit ang 2016.

ANG MGA PANIG

Ang Mga Petisyoner

26. Ang Petisyoner na si Dr. Bienvenido Lumbera ay Pambansang Alagad ng Sining at Professor Emeritus, University of the Philippines/UP.

27. Ang Petisyoner na si Cong. Antonio Tinio ay Kinatawan ng ACT Teachers' Partylist.

28. Ang Petisyoner na si Cong. Fernando “Ka Pando” Hicap ay Kinatawan ng Anakpawis Partylist at tagapangulo ng PAMALAKAYA.

29. Ang Petisyoner na si Cong. James Mark Terry Ridon ay Kinatawan ng Kabataan Partylist).

30. Ang Petisyoner na si Dr. Rhoderick Nuncio ay Vice-Dean, ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, De La Salle University/DLSU).

31. Ang Petisyoner na si Prop. Aura Abiera ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas saUniversity of the Philippines-Diliman.

32. Ang Petisyoner na si Dr. Ernesto Carandang II ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila.

33. Ang Petisyoner na si Dr. Roberto Ampil ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas.

34. Ang Petisyoner na si Prop. Marvin Lai ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipinolohiya ng Polytechnic University of the Philippines/PUP.

35. Ang Petisyoner na si Prop. Nelson Ramirez ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of the East/UE-Manila.

36. Ang Petisyoner na si Dr. Ester Rada ay Puno ng Kagawaran ng Filipino, San Beda College-Manila.

37. Ang Petisyoner na si Prop. Jorge Pacifico Cuibillas ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, Far Eastern University-Manila.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

38. Ang Petisyoner na si Prop. Andrew Padernal ay Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP

39. Ang Petisyoner na si Prop. Michael Domingo Pante ay Faculty Member sa History Department, Ateneo de Manila University.

40. Ang Petisyoner na si Mr. Benjamin Valbuena ay Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers/ACT-Philippines.

41. Ang Petisyoner na si Dr. Priscilla Ampuan ay Pangulo ng Quezon City Public School Teachers’ Association/QCPSTA.

42. Ang Petisyoner na si Prop. Carl Marc Ramota ay Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers-State Universities and Colleges/ACT-SUC.

43. Ang Petisyoner na si Dr. Rowell Madula ay Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools/ACT-Private.

44. Ang Petisyoner na si Dr. Aurora Batnag ay Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino/PSLLF.

45. Ang Petisyoner na si Dr. Judy Taguiwalo ay Full Professor sa College of Social Work and Community Development, UP Diliman.

46. Ang Petisyoner na si Dr. Danilo Arao ay Associate Professor sa Department of Journalism, College of Mass Communication, UP Diliman.

47. Ang Petisyoner na si Dr. David Michael San Juan ay Executive Council Member ng National Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT.

48. Ang Petisyoner na si Ronnel B. Agoncillo Jr., ay Pangulo ng Philippine Normal University/PNU-Student Government)

49. Ang Petisyoner na si Dr. Reuel Molina Aguila ay Palanca Hall of Famer at Tagapayo ng KATAGA-Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas.

50. Ang Petisyoner na si Ericson Acosta ay manunulat at dating bilanggong politikal, at kasapi ng Anakpawis Partylist.

51. Ang Petisyoner na si Prop. Adrian Balagot ay Direktor ng Center for Continuing Education, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina/PLMar.

52. Ang Petisyoner na si Prop. Penafrancia Raniela Barbaza ay Associate Professor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman.

53. Ang Petisyoner na si Prop. Herman Manalo Bognot ay Faculty Member sa Department of European Languages, University of the Philippines.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

54. Ang Petisyoner na si Prop. Laurence Marvin Castillo ay Instructor sa Department of Humanities, University of the Philippines-Los Baños.

55. Ang Petisyoner na si Dr. Antonio Contreras ay Full Professor sa Political Science Department, De La Salle University/DLSU.

56. Ang Petisyoner na si Prop. Ramilito Correa ay Pangulo ng Sanggunian sa Filipino/SANGFIL.

57. Ang Petisyoner na si Gerome Nicolas De la Peña ay Pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino,SamFil-Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP.

58. Ang Petisyoner na si Prop. Wennielyn Fajilan ay Faculty Member ng Departmento ng Filipino, University of Santo Tomas.

59. Ang Petisyoner na si Mr. Flody Fernandez ay Pangulo ng Ramon Magsaysay High School (Cubao) Faculty Club.

60. Ang Petisyoner na si Prop. Santiago Flora ay Vice-President for Operations ng Quezon City Polytechnic University.

61. Ang Petisyoner na si Prop. Melania Flores ay National PRO ng All UP Academic Employees' Union, University of the Philippines/UP.

62. Ang Petisyoner na Dr. Lakandupil Garcia ay Full Professor ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Dasmariñas.

63. Ang Petisyoner na si Dr. Fanny Garcia ay Palanca Awardee at Faculty Member ng Departamento ng Filipino, De La Salle University/DLSU

64. Ang Petisyoner na si Prop. Jonathan Geronimo ay Coordinator ng KATAGA-Manila at Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas/UST.

65. Ang Petisyoner na si Prop. Vladimeir Gonzales ay Assistant Professor sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-University of the Philippines-Diliman.

66. Ang Petisyoner na si Prop. Ferdinand Pisigan Jarin ay Palanca Awardee at Pangulo ng KATAGA-Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas.

67. Ang Petisyoner na si John Robert Magsombol ay Pangulo ng University of Santo Tomas-Panulat.

68. Ang Petisyoner na si Prop. Joel Malabanan ay Tagapayo ng Kapisanang Diwa at Panitik/KADIPAN sa Philippine Normal University/PNU.

69. Ang Petisyoner na si Prop. Dennis Mangubat ay Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng San Beda College-Manila)

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

70. Ang Petisyoner na si Prop. Joanne Manzano ay Faculty Member ng Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-University of the Philippines-Diliman.

71. Ang Petisyoner na si Prop. Bernadette Neri ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman.

72. Ang Petisyoner na si G. Raymond Palatino ay Tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN-National Capital Region.

73. Ang Petisyoner na si Prop. April Perez ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of the Philippines-Diliman.

74. Ang Petisyoner na si Prop. Jayson Petras ay Deputy Director ng Institute of Creative Writing, University of the Philippines-Diliman.

75. Ang Petisyoner na si Prop. Crizel Sicat-de Laza ay Katuwang ng Kalihim ng Sanggunian ng Filipino/SANGFIL at Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas/UST.

76. Ang Petisyoner na si Prop. Dennis Joseph Raymundo ay Faculty Member ng Kalayaan College.

77. Ang Petisyoner na si Dr. Beverly Sarza ay Faculty Member ng Philosophy Department, De La Salle University-Manila.

78. Ang Petisyoner na si Dr. Raquel Sison-Buban ay Associate Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

79. Ang Petisyoner na si Prop. Vivencio M. Talegon, Jr. ay Full-Time Faculty sa University of Asia and the Pacific, Ortigas Center, Pasig.

80. Ang Petisyoner na si Isaac Ali Tapar ay Pangulo ng Manila Science High School Faculty Association.

81. Ang Petisyoner na si Dr. Dolores Taylan ay Associate Professor sa Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila.

82. Ang Petisyoner na si Dr. Alita Tepace ay Propesor sa Philippine Normal University-Manila.

83. Ang Petisyoner na si Prop. Om Narayan Velasco ay Instructor sa University of the Philippines-Los Baños.

84. Ang Petisyoner na si Andrea Jean Yasoña ay Pangulo ng Kapisanang Diwa at Panitik-PNU.

85. Ang Petisyoner na si Prop. Reynele Bren Zafra ay Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

86. Ang Petisyoner na si Dr. Ruby Alunen ay Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

87. Ang Petisyoner na si Prop. Bayani Santos, Jr. ay Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng Manuel Luis Quezon University (MLQU).

88. Ang Petisyoner na si Prop. Christo Rey Albason ay kinatawan ng Guro sa Sining ng Bayan (GUSI).

89. Ang Petisyoner na si Prop. Lilibeth Oblena-Quiore ay Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

90. Ang Petisyoner na si Prop. Danim Majerano ay Direktor ng Pananaliksik at Edukasyon, Samahang Saliksik Pasig, Inc.

91. Ang Petisyoner na si Rustum Casia ay kinatawan ng KM 64 Poetry Collective.

92. Ang Petisyoner na si Charisse Bernadine Bañez ay tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS)

93. Ang Petisyoner na si Dr. Jennifor Aguilar ay Chairperson ng Department of Elementary and Secondary Education ng Polytechnic University of the Philippines/PUP

94. Ang Petisyoner na si Prop. Moreal Nagarit Camba ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of Asia and the Pacific – Pasig.

95. Ang Petisyoner na si Prop. Cleve Arguelles ay Chairperson ng Political Science Program, Department of Social Sciences, University of the Philippines-Manila.

96. Ang Petisyoner na si Dr. Maria Lucille Roxas ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

97. Ang Petisyoner na si Prop. Voltaire Villanueva ay Faculty Member sa Philippine Normal University.

98. Ang Petisyoner na si Dr. Josefina Mangahis ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

99. Ang Petisyoner na si Prop. Emma Sison ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

100. Ang Petisyoner na si Ayleen Ortiz ay isang manunulat.

101. Ang Petisyoner na si Prop. Efren Domingo ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

102. Ang Petisyoner na si Prop. Leslie Anne Liwanag ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

103. Ang Petisyoner na si Dr. Lakangiting Garcia ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

104. Ang Petisyoner na si Prop. Mirylle Calindro ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

105. Ang Petisyoner na si Dr. Lakandupil Garcia ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas.

106. Ang Petisyoner na si Dr. Dexter Cayanes ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

107. Ang Petisyoner na si Dr. Teresita Fortunato ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

108. Ang Petisyoner na si Dr. Ma. Rita Aranda ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

109. Ang Petisyoner na si Dr. Emma Basco ay Faculty Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.

110. Ang Mga Petisyoner ay pawang convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o TANGGOL WIKA na itinatag noong Hunyo 201421 upang labanan ang anti-Filipinong kurikulum na ipinatutupad ng CHED sa pamamagitan ng CMO No. 20, Series of 2013.

111. Ang mga Petisyoner ay maaaring padalhan ng mga abiso ng Kapita-pitagang Korteng ito sa adres ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Mines corner Dipolog Streets, Barangay Vasra, Quezon City.

112. Ipinapahayag ng mga Petisyoner na sila ay may locus standi na magsampa ng Petisyong ito, dahil sa malinaw na personal na interes sa isyung isasalang sa judicial review, bilang bahagi ng publiko at ng sambayanang apektado ng isyu.

113. Gayundin, sapagkat ang implementasyon ng CMO No. 20 ay isinasagawa gamit ang pondo ng bayan, malinaw na sila ay may locus standi bilang mga namumuwisan.

21

Annex “T”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

114. Ang mga Petisyoner na Kinatawan ng mga Partylist ay lumahok sa Petisyong ito sapagkat kinikilala ang pagkakaroon ng karapatan ng mga miyembro ng Lehislatura na magsampa ng kaso kaugnay ng usaping konstitusyonal.22

115. Ang iba pang mga instruktor at propesor at estudyante sa Visayas at Mindanao, na mga kasapi ng at/o nakiki-isa sa mga layunin ng TANGGOL WIKA, ay pawang nagpahayag ng pagnanais na maging bahagi ng Petisyong ito, ngunit sila’y hindi nakahabol sa paglagda bunsod ng suliranin sa logistics. Ipinapahayag nila ang kanilang aktibong pakiki-isa sa class suit na ito, at binibigyang-diin nila ang kanilang pagnanais na maging aktwal na kabahagi nito malaon, sa pamamagitan ng interbensyon iba pang paraan. Anu’t anuman, sila’y kinakatawan na ng mga Petisyoner bilang miyembro ng parehong uri o grupo na saklaw ng kasong ito.

116. Ang karamihan sa mga Petisyoner ay direktang apektado ng CMO No. 20 gaya ng naipaliwanag na sa naunang bahagi, at ang kanilang daan-daang libong kapwa guro sa mga kolehiyo at unibersidad ay apektado rin, kaya’t hindi praktikal na isa-isa silang personal na magsampa ng kaso sa korte. Sa ganitong diwa, hinihiling ng mga Petisyoner sa pamamagitan ng isang class suit (Section 12 ng Rules of Court), ang pagpapatupad ng “one right or cause of action pertaining or belonging in common to many persons, not separately or several to distinct individuals”:

“A judgment in a true class suit x x x is binding under res judicata principles upon all the members of the class, whether or not they were before the court. It is nondivisible nature of the right sued on which determines both the membership of the class and the res judicata effect of the final determination of the right.”23

Ang Mga Respondent

117. Ang Respondent na si Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III ay kasalukuyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, na nagbibigay ng pahintulot sa bawat aksyon ng CHED, partikular sa CMO No. 20 na kinukwestyon ng Petisyong ito.

22

Gonzales v. Macaraig, G.R. No. 87636. November 19, 1990, citing Tolentino v. COMELEC, G.R. No. L-34150, 16 October 1961, 41 SCRA 702. 23

In Re: Request of Heirs of the Passengers of the Dona Paz to Set Aside the Order Dated January 4, 1988 of Judge B. D. Chingcuangco, Administrative Matter No. 88-1-646-0, 03 March 1988.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

118. Ang Respondent na si Patricia Licuanan ay kasalukuyang Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commission on Higher Education (CHED) na siyang pangunahing nagpapatupad ng CMO No. 20.

119. Ang mga Respondent ay maaaring padalhan ng abiso ng Kapita-pitagang Hukuman sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, 134 Amorsolo Street, Makati City.

PAGLALAHAD NG MGA KATOTOHANAN

120. Noong Mayo 31, 2013, pinagtibay ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa Unang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), ang isang resolusyon na tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA24”. Reaksyon ito ng mga guro sa kumakalat na balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang asignaturang Filipino.

121. Aktwal na naipadala ang resolusyong ito sa iba’t ibang kinauukulang tanggapan, kasama na ang CHED, ngunit hindi tumugon dito ang CHED.

122. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat:

“sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya.”

123. Noong Hunyo 28, 2013, inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 201325 na pumatay sa asignaturang Filipino sa kolehiyo. Tinatakda rito ang core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya:

“Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World;

24

Annex “N” 25

Annex “B”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”

124. Kapansin-pansin sa bagong kurikulum na ito na wala nang tinatakdang asignaturang Filipino. Samantala, sa lumang kurikulum ay 6 hanggang 9 na yunit ang asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 199726.

125. Kapansin-pansin din sa Seksyon 3 na ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ay boluntaryong desisyon na, mula sa dating mandato sa CMO No. 59, Series of 199627

.

126. Noong Mayo 23, 2014, pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO28” na nagsasaad na:

“...puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino...”

127. Inupload ang nasabing resolusyon sa https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-congress-and-senate-agarang-magsagawa-ng-mga-hakbang-upang-isama-sa-bagong-general-education-curriculum-gec-sa-antas-tersiyarya-ang-mandatory-na-9-yunit-ng-asignaturang-filipino at sa kasalukuyan ay sinusuportahan na ng mahigit 5,700 na lagda. Masisipat din ang mga komento ng mga sumusuporta sa resolusyon ng NCCA-NCLT sa nasabing website.

128. Bilang tugon sa CMO No. 20 at simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga gurong apektado nito, itinatag ang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA).

26

Annex “U” 27

Annex “C” 28

Annex “E”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Naganap ang assembliyang pagtatatag sa De La Salle University-Manila (DLSU-Manila) noong Hunyo 21, 2014, na dinaluhan ng humigit-kumulang 300 guro, mananaliksik, estudyante, at iba pang mamamayan mula sa 40 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at pangkultura29.

129. Layon ng TANGGOL WIKA na isulong ang mga sumusunod na panawagan bilang reaksyon sa pagbibingi-bingihan ng CHED sa kahilingan ng mga guro na huwag patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo:

a. panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo,

b. kumilos tungo sa pagrerebisa ng CMO 20,

c. gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura, at

d. isulong ang makabayang edukasyon30.

130. Noong Hunyo 23, 2014, bilang reaksyon sa pagtatatag ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na tumututol sa pagpaslang sa asignaturang Filipino sa kolehiyo, naglabas ng press statement ang CHED para sabihing nananatili ang CMO No. 20 at kung gayo’y hindi nila bubuhayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo31.

131. Hindi kinonsulta ng CHED ang mayorya ng mga Departamento ng Filipino sa buong bansa bago ilabas ang CMO No. 20.

132. Katunayan, dahil sa pagtatatag ng TANGGOL WIKA, naobliga ang CHED na magsagawa ng konsultasyon noong Hulyo 2014 sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dapat bigyang-diin na ang memorandum ni Kalihim Patricia Licuanan, punong komisyoner ng CHED, na may petsang Hunyo 24, 2014 hinggil sa nasabing konsultasyon ay naka-address sa mga Regional Director ng CHED at mga presidente ng mga kolehiyo at unibersidad32.

133. Dumalo ang TANGGOL WIKA sa nasabing konsultasyon at inirehistro ang pagtutol sa pagpaslang sa Filipino ng CMO No. 20.

29

Annnex “U” 30

Annex “U” 31

Annex “S” 32

Annex “V”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

134. Nagsagawa ng mga forum at kilos-protesta ang TANGGOL WIKA sa buong bansa upang patuloy na irehistro ang pagtutol sa pagpaslang sa Filipino ng CMO No. 20 at hikayatin ang CHED na agad na baligtarin ang kanilang desisyon na patayin ang Filipino sa kolehiyo33.

135. Bukod sa forum at kilos-protesta, nakipagdiyalogo rin ang TANGGOL WIKA sa CHED noong Hunyo 11, 2014 sa inisyatiba ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio.

136. Daan-daan libong pirma laban sa CMO No. 20 ang kinalap ng TANGGOL WIKA at ipinakita sa CHED sa nasabing diyalogo. Ang mga nasabing pirma ay napakarami para isumite kasama ng Petisyong ito. Gayunman, nakahanda ang mga Petisyoner na ipakita ito sa Korte Suprema.

137. Bukod sa mga ito, ipinadala rin ng mga kasapi ng TANGGOL WIKA at ng iba pang organisasyon o entidad ang kani-kanilang posisyong papel sa CHED laban sa pagpatay sa Filipino na iniaatas ng CMO No. 20, Series of 201334.

138. Gayundin, idinulog ng TANGGOL WIKA ang isyu sa midya, at napakarami nang ulat sa midya hinggil sa pakikibaka ng sambayanan laban sa anti-Filipinong CMO No. 20, Series of 201335.

139. Samakatwid, ginawa ng TANGGOL WIKA at ng iba pang katulad na grupo ang lahat ng makakaya nila upang hikayatin ang CHED na ibasura o kaya’y rebisahin ang CMO No. 20, Series of 2013.

140. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)—na siyang awtoridad sa mga usaping pangwika alinsunod sa Batas Republika 7104 at Konstitusyon36—ay naglabas ng resolusyon na tumututol sa pagbura ng CHED sa Filipino sa CMO No. 2037.

33

Annex “W” 34

Annexes “H” to “L” 35

Annex “X” to “BB” 36

Seksyon 9 ng Artikulo XIV: “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.” 37

Annex “M”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“...iginigiit ang pagtuturo ng siyam (9) sa38 yunit ng Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto...”

141. Sa kasamaang-palad, hindi nakinig ang CHED sa mga mamamayan, maging sa KWF at NCCA-NCLT.

142. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng sambayanang Pilipino na hikayatin ang CHED na huwag patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, naglabas ng panibagong press statement ang tanggapan ni Kalihim Licuanan noong Nobyembre 27, 201439.

143. Ayon sa ikatlong talata sa ikalawang pahina ng nasabing press statement, hindi babaguhin ng CHED ang CMO No. 2040.

144. Bunsod ng mga nabanggit na, naobliga ang mga Petisyoner na dumulog sa Kataas-taasang Hukuman.

MGA BATAYAN NG PETISYON

I

ANG MGA RESPONDENT AY UMABUSO SA DISKRESYON, NA KATUMBAS NG KAWALAN O PAGLAGPAS SA KANILANG HURISDIKSYON, NANG PIRMAHAN AT IPATUPAD NILA ANG

CMO. NO. 20, SERIES OF 2013 NA DIREKTANG LUMALABAG AT SUMASALANSANG SA PROBISYONG PANGWIKA,

PROBISYONG PANG-EDUKASYON, AT PROBISYON SA PAGGAWA NA NASA KONSTITUSYON

1. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.

2. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng

38

Kapag binasang mabuti ang kabuuan ng resolusyon, kapansin-pansin na “ng” dapat ang “sa” na ito. 39

Annex “R” 40

Annex “R”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng Konstitusyong 1987.

3. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-

aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.

4. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo

sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan

ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987.

5. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo

XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.

II

ANG CMO NO. 20, SERIES OF 2013 AY LUMALABAG SA IBA PANG BATAS

1. Nilalabag ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other

Purposes”).

2. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982.”

3. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts,

Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.”

MGA ARGUMENTO

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

I

ANG MGA RESPONDENT AY UMABUSO SA DISKRESYON, NA KATUMBAS NG KAWALAN O PAGLAGPAS SA KANILANG

HURISDIKSYON NANG PIRMAHAN AT IPATUPAD NILA ANG CMO. NO. 20, SERIES OF 2013 NA DIREKTANG LUMALABAG AT

SUMASALANSANG SA PROBISYONG PANGWIKA, PROBISYONG PANG-EDUKASYON, AT PROBISYON SA

PAGGAWA NA NASA KONSTITUSYON

145. Alinsunod sa Konstitusyon ng 1987, wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas at tungkulin ng gobyerno na pangunahan at isustine ang paggamit ng Filipino bilang opisyal na wika ang komunikasyon at pangunahing wikang panturo:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS

x x x

WIKA

“SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

“Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

“SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.”

146. Kapansin-pansin mula sa mga probisyon na ang wikang Filipino ay binigyan ng lugar ng karangalan sa unahan ng sub-article ng Artikulo XIV. Malinaw rin na binabanggit ito sa konteksto ng marami pang wikang Pilipino at iba pang wika (na tinakdang dapat hayaang magpayabong at magpayaman sa Filipino) at sa konteksto ng mga larangan kung saan ito gagamitin at sa anong kapasidad.

147. Kapansin-pansin din na, sa usapin ng mandato na gamitin ang Filipino bilang wika ng pagtuturo, walang pagtatangi ang Konstitusyon sa kung anong antas, elementarya, sekundarya, o tersarya man.

148. Dahil sa masaklaw na lenggwaheng ito, ginigiit ng mga Petisyoner na ang mandatong ito ay pumapatungkol sa lahat ng nasabing antas—simula umpisa ng sistemang edukasyon hanggang sa kolehiyo. Hindi nagbigay ng pagtatangi ang Saligang Batas, at samakatuwid, ay walang puwang ang mga Respondent na magbigay ng kaibang pagtalakay o pagtrato sa wikang pangturo sa antas tersarya.

149. Ayon nga sa obserbasyon ni Komisyuner Ponciano Bennagen sa mga pangungusap na kalauna’y naging ikalawang talata ng Seksyon 6, “We are saying x x x that it [Filipino] should be actually utilized in government as well as in communications and in all levels of the educational system.”41

150. Pinapansin ng mga Petisyoner na ang estado ay bahagyang nagpatibay kamakailan ng mandatong gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa antas elementarya at sekundarya.42 Hindi katanggap-tanggap, para sa mga Petisyoner, ang kakaibang pagtrato sa wikang Filipino pagdating sa mga kolehiyo.

151. Layon ng mga nabanggit na probisyon na bigyan ng pinakamataas na ligal na proteksyon ang wikang Filipino bilang (1) pambansang wika, (2) wikang gagamitin sa mga opisyal na

41

Record of the Constitutional Commission No. 79 (Wednesday, September 10, 1986) 42

Seksyon 4 ng Republic Act 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013″

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

komunikasyon, at (3) wikang panturo sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon.

152. Nauna nang nasabi ang pagturing sa pambansang wika bilang isang “makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan” na siyang magbubuklod sa magkakaibang mga etno-lingwistikal na grupo at klase ng lipunang Pilipino at magbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Ang pagkilalang ito ni Komisyuner Villacorta ay makailang-ulit na inalingawngaw at pinanindigan ng iba pang kasapi ng 1986 Constitutional Commission, gaya ng tinuran ni Komisyuner Ponciano Bennagen:

G. BENNAGEN: [T]hese are arguments for deciding that a national language is a kind of national symbol. But in the proposal, we mean Filipino, not merely as a national symbol, not merely as an instrument for national identity and national unification, but also as an instrument for national growth and development.43

153. Malinaw sa mga debate sa pagitan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon na ang wikang Filipino, sa bawat isa sa tatlong aspetong nabanggit,44 ay kailangang proteksyunan at aktibong itaguyod ng estado dahil ang makatunayang pagpapalinang sa pambansang wika ay esensyal para sa pambansang pag-unlad:

G. VILLACORTA: Fifth [salient point of the Draft Article XIV], genuine development of the national language in order to accelerate the collective participation of the Filipino people in socioeconomic development and nation building.45

154. Nakaugat ang konstitusyonal na proteksyon na ito (1) sa reyalidad ng lipunang Pilipino na mas mabigat ang pagkiling sa Ingles at (2) sa pangangailangang baliktarin ang pagkiling na ito upang iangat ng mamamayan ang pagpapahalaga sa sarili bilang mga Pilipino. Malinaw ito sa giit ni Komisyuner Villacorta na mataas ang konstitusyonal na katayuan ng Filipino kung ikukumpara sa Ingles:

G. VILLACORTA: In our society now, what needs greater protection and more constitutionalization is not English

43

R.C.C. No. 71 (Monday, September 1, 1986) 44

Talata 70 45

R.C.C. No. 69 (Friday, August 29, 1986)

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

but Filipino which is in a very weak state right now. English can fend for itself. If I may quote from my favorite saint, San Francisco Rodrigo, in his poem, "Daig sa Wikang Banyaga":

Hindi tayo daig ng kanong banyaga

sa isip, talino, sa kuro sa diwa.

Daig lamang tayo sa pagsasalita,

pagkat gamit natin ay kanilang wika.

Naging sanhi ito ng maling akala

na sila'y dakila at tayo ay aba.46

155. Ang pagpaubaya sa diskresyon ng mga paaralan na gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay isang paglabag sa proteksyong ito. Kailangang harapin ng mga Respondent ang reyalidad na wala pa ang lipunang Pilipino sa sitwasyong mas pipiliin ng mga administrasyon ng eskwelahan ang Filipino bilang wikang panturo kaysa sa Ingles. Totoo ito sa mayorya ng mga pampublikong kolehiyo at unibersidad, at lalo pang mas totoo ito sa mga pribadong eskwelahan. Kailangan ding harapin ng mga Respondent ang reyalidad na, sa mas maraming pagkakataon, napangingibabawan ng piniling wika ng mga administrasyon ng eskwelahan (na siyang dominanteng employer) ang piniling wika ng mga guro (na siyang dominadong empleyado).

156. Iniugnay rin ng mga Komisyuner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba pang mithiing nakasaad sa Konstitusyon gaya ng nasyunalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal, pambansang industriyalisasyon, at iba pa—mga mithiin na hindi kayang abutin kung mahina ang wikang pambansa:

G. BENNAGEN: “We are saying that the State shall foster nationalism and, therefore, we need to have a national language in the same manner that we need a national flag and some other things that we associate ourselves with in the pursuit of national identity and national unity. We are also saying that the State shall foster creative and critical thinking; broaden scientific and technological knowledge; and develop a self-reliant and independent economy to industrialization and agricultural development. We have also said earlier that we shall have a consultative government and that people's organization shall be protected in terms of their right to participate more fully in the democratic processes.

46

R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

In all of these, we need to have a unifying tool for communication which is, of course, Filipino.”47

157. Kalat din sa rekord ng pagbalangkas ng Konstitusyon ang pagkilala na bagamat deklarado na ang Filipino bilang wikang pambansa (at midyum sa komunikasyon at pagtuturo) sa ilalim ng ang mga naunang saligang batas, nagsilbing retorika lamang ito dahil sa di masigasig na implementasyon ng pamahalaan ng batas, lalo na sa pagtiyak na talagang ginagamit ito bilang midyum sa pagturo.

158. Buhat rito, matindi ang paggigiit ng mga nagbalangkas na hindi maaaring muling palabnawin ang implementasyon ng probisyong ito. “[A] national language is useless if it is not used as the language of instruction,” wika ni Komisyuner Villacorta.48 Dagdag ng isang pang Komisyuner:

B. [MINDA LUZ) QUESADA: [M]alinaw na kinakailangan ang pagsasakatuparan ng ating mga paniniwala. Iyong lines 1, 2 at 3 [sa kalaunan ay bumuo sa dalawang talata ng Seksyon 6] ay mga intention na hangga’t hindi isinasa-kongkreto sa pamamagitan ng paggamit nito sa instruction at sa gobyerno ay talagang empty rhetorics na naman iyan dahil iyan ang istorya noong mga nakaraang taon. Naroon na iyon sa ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi isinasagawa ito sa ating ordinaryong araw-araw na buhay, sa loob ng gobyerno sa administrasyon at saka sa ating edukasyon, sa palagay ko lahat ng iyan ay rhetorics na naman.49

159. Naniniwala ang mga Petisyoner na ang pagtanggal sa Filipino bilang asignatura at wikang panturo ay pagpapalabnaw sa implementasyon ng takda ng mga probisyong nasabi, isang malaking hakbang papalayo sa mga hangarin ng Konstitusyon, at makapaminsalang pagtalikod sa kasaysayan at kulturang Pilipino.

160. Hindi magiging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang Filipino kung hindi ituturo bilang asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon, batay na rin sa tinuran ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Manila sa isang pahayag na inilabas noong Agosto 2014:

47

R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986) 48

R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986) 49

R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik. Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.”50

161. Hindi sapat ang mga asignaturang Filipino sa elementarya at junior high school upang maisakatuparan ang pagiging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa. Katunayan, sa mga nakaraang taon ay bagsak ang marka ng karamihan sa mga estudyante sa Filipino sa National Achivement Test (NAT)51.

162. Hindi rin sapat ang mga asignaturang Filipino sa senior high school upang maisakatuparan ang pagiging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa, sapagkat ang nilalaman ng mga kasalukuyang asignaturang Filipino sa kolehiyo gaya ng pinatutunayan ng detalyadong pagsusuri rito52.

163. Kaugnay nito, ayon naman sa pahayag ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang CMO No. 2053:

“[T]ahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan. Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil

50

Annex “CC” 51

Annex “DD” 52

Annex “EE” 53

Annex “FF”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa iba’t ibang disiplina.”

164. Kung gayon, ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para sa asignatura o disiplinang Filipino na kailangan upang maging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa Konstitusyon.

165. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang probisyong konstitusyonal hinggil sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa na sumasaklaw rin sa Panitikan/Literatura ng bansa:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS

x x x

MGA SINING AT KULTURA

SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag.

SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mga likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.

x x x

SEKSYON 18. x x x (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa mga sining at kultura.

166. Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang asignaturang Panitikan/Literatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlo hanggang anim na yunit sa lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 199754.

167. Malinaw na bahagi ng kultura ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural Diversity na pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001:

“[C]ulture should be regarded as the set of distinctive spiritual, material, intellectual and emotional features of society or a social group, and that it encompasses, in addition to art and literature, lifestyles, ways of living together, value systems, traditions and beliefs.”

168. Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ng kultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

169. Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na nauna nang tinalakay.

170. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang probisyong pang-edukasyon hinggil sa pagiging bahagi ng lahat ng antas ng edukasyon ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon:

54

Annex “U”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS

x x x

SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.

171. Gaya ng sa usapin ng pagtakda sa Filipino bilang wikang panturo, walang pagtatangi ang Konstitusyon sa kung anong antas, sa elementarya, sekundarya, o tersarya man, dapat ituro ang Konstitusyon. Muli, ang mandato ay patungkol “sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.”

172. Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang asignaturang Philippine Government and Constitution sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 199755.

173. Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon ang CMO No. 20.

174. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyong pang-edukasyon ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan:

ARTIKULO II

PAHAYAG NG MGA SIMULAIN

AT MGA PATAKARAN NG ESTADO

x x x

MGA PATAKARAN NG ESTADO

55

Annex “U”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

x x x

SEKSYON 17. Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao.

at:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHIYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS

EDUKASYON

x x x

SEKSYON 2. Ang Estado ay dapat:

(1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan.

SEKSYON 3. x x x (2) Dapat nilang [ibig sabihin ay lahat ng mga institusyong pang-edukasyon] ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo.

175. Malinaw na ang mga asignaturang binura ng CMO No. 20 sa bagong kurikulum ng kolehiyo—Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution—ay mga asignaturang mahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at pambansang kaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

176. Ayon nga sa paninindigan ng mga guro ng Sining at Mga Wika sa National Center for Teacher Education (NCTE), ang Philippine Normal University (PNU)56:

“Bukal ng karunungan ang Filipino bilang larangan na humuhubog ng kabuuan, kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino. Gamit ang Filipino bilang isang larangan, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan. Malinaw na ang wikang Filipino ang pangunahing instrumento upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa pambansang kaunlaran.”

177. Samakatuwid, nilalabag ng CMO No. 20 ang Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3, ng Konstitusyong 1987.

178. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyong konstitusyonal na may kaugnayan sa patakaran sa paggawa o labor policies ng bansa.

ARTIKULO II

PAHAYAG NG MGA SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG ESTADO

x x x

MGA PATAKARAN NG ESTADO

x x x

SEKSYON 18. Naninindigan ang Estado na ang paggawa ay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan.

ARTIKULO XIII

56

Annex “I”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO

x x x

PAGGAWA

x x x

SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.

Dapat nitong garantyahan ang, mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa sa pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang naaalinsunod sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

179. Dahil sa pagbura ng CMO No. 20 sa asignaturang Filipino, Panitikan, at Philippine Government and Constitution, humigit-kumulang 78,000 guro at manggagawa sa sektor ng edukasyon ayon mismo sa datos ng CHED ang maaaring mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita57.

180. Ang mga naganap na at magaganap pang tanggalan ay natural at di maiiwasang resulta ng pagkawala ng Filipino, Panitikan, Philippine Government and Constitution, at mga kaugnay at kaparehong asignatura. Dahil mawawala ang mga yunit na dating itinuturo ng mga instruktor at propesor ng Filipino, sa panahong lubusang kani-kaniyang gagamitin na mga kolehiyo at unibersidad ang bagong takdang kurikulum, hindi na sila bibigyan ng load na kadalasang binibigay sa kanila.

57

Annex “B”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

181. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition Fund to develop and sustain tertiary education institutions during the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013, and appropriating funds therefor”58 kaugnay sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.

182. Noong huling pagdinig sa HB 5493, pinuna ni Petisyoner Kinatawang Tinio ang nasabing panukalang batas—na hinain noong huling bahagi ng Pebrero,59 matapos lamang pumutok sa publiko ang isyu ng malawakang tanggalan sa hanay ng mga guro sa kolehiyo. Aniya, walang kasiguruhang maipasa ito bago magsimula ang transition period sa 2016 kung kailan opisyal na bibigyan na ng laya ang mga eskwelahang magtanggal ng mga instructor at propesor. Hanggang ngayon, obserbasyon ni Kinatawang Tinio, mga isang taon na lamang bago magsimula ang 2016 academic year, wala itong sertipikasyon mula sa Presidente na nagpapatunay sa pangangailangan ng madaliang pagsasabatas nito (certification as urgent).

183. Wala ring anumang posisyon na binibigay sa Kongreso ang DBM at Pangulo, o publikong pahayag man lang, ukol sa magagamit na pondo para sa P29.44 bilyong Tertiary Education Transition Fund (TETF) o kahandaan nilang pondohan ito, kung maipasa man ang panukala.

184. Wala ring kalinawan ang panggagalingan ng pondo ng TETF. Pinanunukala ng HB 5493 na kunin ang pondo mula sa sin taxes ngunit may oposisyon ito mula sa ilang kongresista, kabilang na si Leah Paquiz ng Ang Nars Party-List, na nagsabing nakalaan na sa ilalim ng bataas ang sin taxes para sa sektor pangkalusugan.

185. Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mga Departamento ng Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bago ipatupad ito. Hindi rin ito nagbuo ng komprehensibong plano para sa mga propesor na mawawalan ng trabaho.

58

Hinain ng Kinatawan Roman Romulo ng Distrito ng Pasig 59

Pumasa sa unang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noon lamang Marso 2, 2015. Dumaan sa unang dalawang pagdinig pa lamang (ang huli ay noong Marso 17).

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

186. Katunayan, nagpatawag lamang ng malakawang konsultasyon ang CHED hinggil sa CMO No. 20 noong Hulyo 2013, pagkatapos na maitatag ang TANGGOL WIKA, at sa mga pangulo ng unibersidad ipinadala ang imbitasyon na nasa memorandum ni Kalihim Licuanan na may petsang Hunyo 24, 2014 sa halip na sa mga guro60. Tapos na at ipinatutupad na ang CMO No. 20 bago nagpatawag ng malawakang konsultasyon ang CHED.

187. Malinaw na isinantabi at binalewala ng CHED ang karapatan ng mga guro na makilahok sa pagbubuo ng patakarang kaugnay ng kanilang mga trabaho. Hindi rin pinakinggan ng CHED ang napakaraming posisyong papel na ipinasa ng mga guro at mga organisasyon hinggil sa usaping ito61.

188. Samakatwid, malinaw na labag sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyon ang CMO No. 20, Series of 2013, sapagkat isinantabi nito ang karapatan ng mga manggagawa na lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang kaugnay ng kanilang kapakanan at karapatan, at labag din ito sa Artikulo II, Seksyon 18 ng Konstitusyon dahil hindi nito isinaalang-alang at sinasalansang pa nga ang mga probisyon sa katarungang panlipunan at ganap na proteksyon para sa mga manggagawa.

II

ANG CMO NO. 20, SERIES OF 2013 AY LUMALABAG SA IBA PANG BATAS

189. Bukod sa tahasang paglabag sa iba’t ibang probisyon ng Konstitusyon, nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act.” Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o Commission on the Filipino Language ang ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran, plano, at programang pangwika ng bansa:

“Sec. 14. Powers, Functions and Duties of the Commission. — The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the Constitution, shall have the following powers, functions and duties:

60

Annex “GG” 61

Annex “H” to “L”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“(a) Formulate policies, plans and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language”

190. Malinaw na pinakialaman at pinanghimasukan ng CMO No. 20 ang patakarang pangwika ng bansa sa pamamagitan ng pagtatakda ng bagong kurikulum na pumapatay sa Filipino bilang asignatura at wikang panturo sa ng kolehiyo, kontra sa posisyon ng KWF, ang ahensyang binigyan ng Konstitusyon ng kadalubhasaan sa usapin ng wika at kapangyarihan sa polisiya ukol dito.

191. Ang labag sa batas na pakikialam ng mga Respondent sa patakarang pangwika sa pamamagitan ng CMO No. 20 ay pinalala pa ng pagsasantabi ng CHED sa resolusyon ng KWF na naggigiit sa kahalagahan ng pagpapanatili ng siyam na yunit ng asignaturang Filipino sa kolehiyo62.

192. Sa kabila ng pagtatangka ng KWF, at nauna pa rito, ng NCCA-NCLT63, at ng mga grupong gaya ng TANGGOL WIKA, na ipaalala sa CHED na lumalabag sa Konstitusyon ang CMO No. 20 nito ay itinuloy pa rin ng mga Respondent ang implementasyon nito.

193. Kaugnay ng mga nabanggit nang punto, nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Bilang 232:

II.

THE EDUCATIONAL COMMUNITY

CHAPTER 1

x x x

Section 3. Promote the social and economic status of all school personnel, uphold their rights, define their obligations, and improve their living and working conditions and career prospects.

III.

THE EDUCATIONAL SYSTEMS

CHAPTER 1

62

Annex “M” 63

Annex “E”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Formal Education

x x x

Sec. 23. Objective of Tertiary Education. — The objectives of tertiary education are:

1. To provide a general education program that will promote national identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual vigor;

2. To train the nation's manpower in the skills required for national development;

3. To develop the professions that will provide leadership for the nation; x x x

194. Mapapansing inuulit lamang ng Education Act of 1982 ang esensya ng mithiin ng Konstitusyon na magkaroon ng makabayan at maka-Pilipinong edukasyon gaya ng giniit ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon gaya nila Komisyuner Bennagen at Villacorta.64

195. Nilalabag ng CMO No. 20 ang Part II, Chap. 1, Sec. 3 ng Batas Pambansa Blg. 232 dahil binalewala nito ang atas ng batas hinggil sa tungkulin ng Estado na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa sektor ng edukasyon, sa pamamagitan ng pagbubuo ng kurikulum na magdudulot ng malawakang tanggalan sa trabaho.

196. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Part III, Chap. 1, Sec. 23, dahil binura nito sa kurikulum ng kolehiyo ang mga asignaturang mahalaga sa promosyon ng pambansang identidad, kamalayang pangkultura, at pambansang kaunlaran – ang mga asignaturang Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution—na pawang dapat maging bahagi ng general education sa kolehiyo.

197. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6, at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes” na nagsasaad na:

TITLE III Miscellaneous Provisions

64

Unang talata ng Panimula at Talata 71 at 72 ng Petisyong ito.

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved and developed by the people themselves in a climate of freedom and responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which shall be: x x x b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast masses of our people in its programs and projects; x x x and d) liberative, having concern for the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the full flowering of Filipino culture.

SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people. The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised formally through the educational system and informally through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as modern media of communication.

SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be vigorously pursued.

198. Nilalabag ng CMO No. 20 ang mga nasabing probisyon ng Batas Republika 7356 sapagkat ang pagtanggal sa Filipino bilang asignatura at wikang panturo ay magpapalabnaw sa kaalaman, kasanayan, at kadalubhasaan at awtoridad sa wikang Filipino bilang malaking bahagi ng kulturang Pilipino. Ito ay malinaw na paglabag sa naising “kultura ng masa at kultura para sa masa.”

199. Walang probisyon ang bagong kurikulum para sa pagpapalaya at dekolonisasyon ng kamalayang Pilipino para matiyak ang pamumulaklak ng kulturang Pilipino, at binura pa nga ng nabanggit na CMO ang mga asignaturang gaya ng Filipino at Panitikan/Literatura na makakatulong sa pagtataguyod ng mapagpalayang kultura ng bansa na tungkulin ng bawat mamamayan.

Aplikasyon para sa Temporary Restraining Order at/o Writ of Preliminary Injunction

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

200. Muling ipinapahayag ng mga Petisyoner ang mga nabanggit na, para suportahan ang kanilang kahilingan para sa pag-iisyu ng temporary restraining order at/o writ of permanent injunction—upang pigilan at hadlangan ang lahat ng respondent sa pagpapatupad ng CMO No. 20 at iba pang hakbang na kaugnay nito.

201. Malinaw mula sa diskusyon na labag sa mga polisiya at mandatong nilalatag ng Konstitusyon at kung sa gayon ay hindi balido ang CMO No. 20, sapagkat sinasalansang nito ang mga probisyong pangwika, probisyong pang-edukasyon, at probisyong pampaggawa ng Konstitusyon. Bukod dito, nilalabag din nito ang Batas Republika 7104, Batas Pambansa 232, at Batas Republika 7356.

202. Sa kasalukuyan, patuloy na ipinatutupad ng mga respondent ang CMO No. 20, Series of 2013 at isinara na rin nila ang lahat ng channel ng diyalogo. Dumudulo ito sa malawakang paglabag sa mga karapatang pino-proteksyunan ng mga natalakay na probisyon—mga karapatang hawak ng lahat ng Petisyoner, namumuwisan, at mamamayang Pilipino.

203. Ang paglabag sa mga nasabing karapatan ay di mababayaran o matutumbasan ng anumang danyos na maaaring ibigay ng mga Respondent. Pinakamatingkad marahil dito ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

204. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa—mga bagay na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.

205. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon ng CMO No. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction, tuluy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.

EPILOGO

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Pangarap ng mga Petisyoner ang “isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami” gaya ng inilarawan nina Dr. Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura), Dr. Ramon Guillermo, at Arnold Alamon sa introduksyon sa aklat na “MULA TORE PATUNGONG PALENGKE: Neoliberal Education in the Philippines.”

Ang ganitong hinahangad na sistemang pang-edukasyon ay malayong-malayo sa at hinahadlangan ng CMO No. 20, Series of 2013 sapagkat binura ng huli ang mga asignaturang Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution na pawang mahalaga sa pagbubuo at pagpapatibay ng pambansang identidad para sa pambansang pagpapalaya at kaunlaran.

Naninindigan din ang mga Petisyoner na wasto at napapanahon pa rin ang tinuran ni Prop. Renato Constantino sa kanyang pamphlet na “The Miseducation of the Filipino”:

“What should be the basic objective of education in the Philippines? Is it merely to produce men and women who can read and write? If this is the only purpose, then education is directionless. Education should first of all assure national survival. No amount of economic and political policy can be successful if the educational programme does not imbue prospective ciizens with the proper attitudes that will ensure the implementation of these goals and policies. Philippine educational policies should be geared to the making of Filipinos. These policies should see to it that schools produce men and women with minds and attitudes that are attuned to the needs of the country.”

Ang ganitong makabayang sistemang pang-edukasyon ang dapat ipatupad sa Pilipinas, isang sistemang pang-edukasyon na tungo sa bansang pinapangarap ng mga makabayang lider tulad ni Senador Jose W. Diokno sa talumpating “A Nation For Our Children”:

“x x x a nation full of hope and full of joy, full of life and full of love—a nation that may not be a nation for our children but which will be a nation of our children.”

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Hangga’t nariyan ang anti-Filipino at anti-nasyonalistang CMO No. 20, Series of 2013, hindi mabubuo “ang bansa para sa ating mga anak” at “ang bansa ng ating mga anak.” Ito ang saligan ng hiling ng mga Petisyoner na agarang ideklarang labag sa batas at tuluyang ibasura na ang nasabing CMO.

PRAYER

KAYA’T, magalang na hinihiling ng mga Petisyoner sa Kapita-pitagang Hukuman, pagkatapos ikonsidera ang petisyong ito, na ideklarang LABAG SA KONSTITUSYON AT HINDI BALIDO ang CMO No. 20, Series of 2013, at permanenteng pagbawalan ang CHED at iba pang ahensya at entidad na ipatupad ito.

Hinihiling din ng mga petisyoner sa Kapita-pitagang Hukuman na agad mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) pagkatanggap ng petisyong ito, para pigilan ang mga respondent sa pagpapatupad ng CMO No. 20 habang dinidinig at nireresolba ang mga isyung tinalakay rito.

Ang iba pang porma ng relief na makatwiran at nararapat sa kasalukuyang petisyon ay hinihiling din ng mga Petisyoner.

Lungsod ng Maynila, 15 Abril 2015.

GREGORIO T. FABROS

Abugado ng mga Petisyoner

31 Dao St., Mapayapa Village 3, Pasong Tamo, Quezon City

Roll No. 26072

PTR QC OR 0598670; Jan. 9, 2015

IBP QC OR 0982770; Jan. 9, 2015

MCLE Compliance V No. 0005815 (January 22, 2015)

Tel. 931 1153 / 09228110413

[email protected]