Pamahalaan ng Pilipinas

Preview:

Citation preview

PAMAHALAAN NG

PILIPINAS

ANO ANG PAMAHALAAN?• Ang pamahalaan ay isang institusyong

kumikilos upang maisakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng bansa at ng mamamayan.

MGA TUNGKULIN NG PAMAHALAAN• 1. Pangangalaga at pagpapanatili ng

katatagan at katahimikan ng bansa- Tungkulin ng pamahalaan ang matiyak ang kaligtasan ng taong bayan sa anumang uri ng karahasan mula sa loob at labas ng bansa.

• 2. Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa- Gampanin ng pamahalaan na mapangalagaan at magsagawa ng masusing pagpaplano upang malinang ang likas na yaman ng bansa.

• Tinitiyak din nito ang pagpapaunlad ng transportasyon, komunikasyon, imraestraktura at maging ang pagtataguyod ng pandaigdigang kalakalan

• 3. Pagpapabuti sa panlipunang kalagayan ng mga mamamayan- Nagsasagawa ng malalaking paglilingkod pangkalusugan, pabahay, panlipunan, pagpapatupad ng repormang pansakahan at pagpapaunlad ng sistemang pang-edukasyon.

URI AT BALANGKAS NG PAMAHALAAN SA PILIPINAS• Pamahalaang Demokrasya- ang mga

mamamayang may sapat na gulang ay maaaring makapamili kung sino ang nais nilang mamuno sa pamahalaaan.

• May karapatan ding makialam o pumuna sa paraan ng pagpapatakbo ng pinuno sa pamahalaan.

3 SANGAY NG PAMAHALAANG DEMOKRASYA• 1. Sangay ng Tagapagbatas

• 2. Sangay ng Tagapagpaganap

• 3. Sangay ng Tagapaghukom

SANGAY NG TAGAPAGBATAS• Pinangungunahan ng Kongreso na binubuo ng

Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan na ang pangunahing tungkulin ay bumuo ng mga batas para sa higit na ikabubuti ng mga mamamayan at ng bansa sa pangkalahatan.

SANGAY NG TAGAPAGPAGANAP• Pinangungunahan naman ng Pangulo ng bansa

kasama ang ikalawang-pangulo at kanyang gabinete na binubuo ng mga kalihim ng ibat-ibang kagawaran. Ang sangay na ito ang nagpapatupad ng mga batas sa bansa.

SANGAY NG TAGAPAGHUKOM• Ito naman ang sangay ng pamahalaang may

kapangyarihang dinggin at lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas. Ang kapangyarihan nito ay nasa kamay ng Korte Suprema at sa Mababang Hukumang Itinatag ng batas.

MGA ANTAS NG PAMAHALAAN SA BANSA AT MGA NAMUMUNO NITO• 1. Pambansang Pamahalaan

• 2. Pamahalaang Lokal

• Pamahalaang Panlalawigan

• Pamahalaang Panlunsod o Munisipal

• Pamahalaang Barangay

SANGAY NG TAGAPAGPAGANAP• Binubuo ng…

• 1. Pangulo

• 2. Ikalawang-Pangulo

• 3. Gabinete

• 4. Pamahalaang Lokal

MGA MAHAHALAGANG KAPANGYARIHAN NG PANGULO

• 1. Kontrolado ang pamamahala sa lahat ng kawanihan at tanggapan ng pamahalaan. Maaaring humirang at magtiwalag sa tungkulin ng mga pinuno ng mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

• 2. Tumatayong “Commander-in-Chief” o kataas-taasang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Dahil dito maari niyang atasan ang sandatahang lakas na pigilin o sugpuin ang karahasan, pagsalakay o paghihimagsik (Article 2, sec 3 ng 1987 Constitution)

• 3. Maaaring magpalugit, pumigil, magpahaba o magpawalang-halaga ng hatol o ibinigay na kaparusahan.

• 4. Magharap ng pambansang badyet sa Kongreso ng Pilipinas

MGA KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

• 1. Department of Labor ang Employment• 2. Department of Education• 3. Department of Tourism• 4. Department of Environment and Natural Resources• 5. Department of Agriculture• 6. Department of Transportation• 7. Department of Health• 8. Department of Agrarian Reform• 9. Department of Social Welfare and Development• 10. Department of Trade and Industry

DOTR (DEPARTMENT OF TRANSPORTATION)

DOH (DEPARTMENT OF HEALTH)

DAR (DEPARTMENT OF AGRIARIAN REFORM)

DSWD (DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT)

SANGAY NG TAGAPAGBATAS• Mababasa sa Artikulo 6 ng Saligang Batas ng 1987 ang

mahahalaganag batas na nagpapaliwanag sa kapangyarihang ginagampanan ng Sangay ng Lehislatibo o Tagapagbatas.

• Sa Kongreso, nakatalaga ang kapangyarihang magsagawa, magbago at magpawalang-bisa ng mga batas.

• Ang Kongreso ay tinatawag na bicameral o binubuo ng 2 kapulungan. Ang Mataas o ang Senado at ang Mababa o Kapulungan ng mga Kinatawan

MGA URI NG BATAS• 1. Pambansang Batas- Kalipunan ng mga batas na ipinatutupad

sa buong kapuluan. Ito ang mga batas na ginawa ng kongreso.

• 2. Ordinansa- Mga batas na ipinatutupad sa isang bayan, lungsod o lalawigan kung saan ito binuo.

• 3. Kautusang Pambarangay- Mga batas na itinakda para sa mga pook na sakop ng isang barangay na gumawa nito.

SANGAY NG TAGAPAGHUKOM• Sa seksiyon 1 ng Artikulo 8 ng Saligang Batas

ng 1987 ay malinaw na isinasaad na dapat nakasalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataas-taasang Hukuman at mga mabababang hukuman

SEPARATION OF POWERS• Tumutukoy sa malaya o malasariling

pamamahala ng bawat sangay ng ng pamahalaan. Ang bawat sangay ay walang karapatang manghimasok sa gawain ng bawat isa.

CHECK AND BALANCE• Bagamat hindi maaaring makialam ang bawat

isa sa isa pa, mahalaga naman na magkaisa at magkaugnay ang bawat sangay sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ginagamit din ito upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan.

CHECK AND BALANCE

Recommended