17
g Pamahalaan sa Pilipina Mga Sangay Mrs. Carolina D. Mojica HEKASI VI Teacher Villamor Air Base Elm. Scho

Mga Sangay ng Pamahalaan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Sangay ng Pamahalaan

ng Pamahalaan sa PilipinasMga Sangay

Mrs. Carolina D. MojicaHEKASI VI Teacher

Villamor Air Base Elm. School

Page 2: Mga Sangay ng Pamahalaan

Nahahati sa tatlong magkakahiwalay na sangay ang ating pamahalaan. Ang mga ito ay sangay ng Tagapagbatas,

tagapagpaganap, at tagapaghukom. At may kanya kanyang mahahalagang papel na ginagampanan ang mga ito base sa

Sanligang Batas.

Page 3: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan

Ayon sa sanligang batas, may karapatang magpanukala, o gumawa

ng batas, magbago, at magpasawalang bisa ng batas.

Nahahati sa dalawang kapulungan. Congreso at Senado.

Congreso- Binibuo ng higit na 250 na kinatawan na galing sa lungsod, bayan, lalawigan at distrito. Ispiker

ang tawag sa kanilang Punong kinatawan.Senado- Binubuo ng 24 na katao na inihahalal ng

taong bayan. Senate President ang tawag sa kanilang pinaka mataas na namumuno.

Ang Sangay ng tagapagbatas o

Lehislatibo

Page 4: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo Ang kapangyarihan ng sangay na ito ay nasa pangulo ng

Pilipinas na siyang pinaka mataas na halal na pinuno ng bansa.

Katulong ng pangulo ang kanyang mga gabinete at ang Pangalawang Pangulo sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang mga nasabing gabinete ay

pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga kagawaran. Sila ay pinipili

ng pangulo upang mabilis na maisakatuparan ang mga programang

pambansa.

Ang mga kagawarang ito ay tumutugon sa mga pangangailangn ng mamamayang

Pilipino.

Page 5: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo May anim na taong manunungkulan ang

pangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Tungkulin ng pangulo ang magpatupad ng mga

batas.

Ang pangulo bilang punng Tagapagpaganap o Chief Executive ay may mga sumusunod na

kapangyarihan:

1. Pangasiwaan ang lahat ng kagawaran o ahensya ng pamahalaan, kawanihan at tanggapang tagapagpaganap.

2. Ang pangulo ay may kaangyarihang pangmilitar. Siya ang commander-in-chief ng Sandatang Lakas ng

Pilipinas.Maaari ring suspindihin ng pangulo ang weit oh habeas corpus.

3. May kapangyarihan ang pangulo na makipag-ugnayan at makipagkasundo sa ibang bansa;

4. May kapangyarihan din siyang magpatawad sa mga nagkasala sa batas, magkaloob ng palugit sa

pagsasakatuparan ng hatol o parusa; magbaba ng parusa at magkaloob ng amnestiya.

Page 6: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo Iba’t Ibang ahensya ng gobyerno o pamahalaan.

Department of Education(DepEd)

Department of Interior and Local

Govt.(DILG)

Department of Natl. Defense

(DND)

Page 7: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo

Department of Environment and Natl. Resources

(DENR)

Department of Health(DOH)

Department of Labor and Employment

(DOLE)

Page 8: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo

Department of Agrarian Reform

(DAR)

Department of Science and

Technology (DOST)

Department of Social Welfare and Employment

(DSWD)

Page 9: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo

Department of Justice(DOJ)

Department of Agriculture(DA)

Department of Tourism(DOT)

Page 10: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo

Department of Transportation and

Communication(DOTC)

Department of Trade and Industry

(DTI)

Department of Budget and Management

(DBM)

Page 11: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanAng Sangay ng Tagapagpaganap o

Ehekutibo

Department of Foreign Affairs(DFA)

Department of Finance(DF)

Page 12: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanSangay ng Panghukuman o Hudikatura

Ito ay binubuo ng Punong Mahistrado(Chief Justice) at labing-apat na katulong na Mahistrado (Associate Justice).

Tungkulin nito ang pagbibigay hatol sa mga kaso na nasa ilalim ng kapangyarihan ng korte. Ang paggagawad ng

naturalisasyon ay nasa ilalim ng Solicitor General. Nagsasagawa rin ng

mga patakarang susundin ng lahat ng

hukuman at humihirang ng mga karapat-dapat

na opisyal at tauhan ng mga hukuman ang Korte

Suprema.

Ang sangay na ito ay nahahati sa

dalawang sektor. Ang Natatanging

Hukom at Mababang Hukuman.

Page 13: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanSangay ng Panghukuman o Hudikatura

Ang mga Mababang Hukuman

Ito ay binunuo ng mga sumusunod:A. Hukuman sa Pag-aapela (Court of

Appeals)B. Hukumang Rehiyonal (Regional Trial

Court)C. Hukumang Metropolitan

(Metropolitan Trial Court)D. Hukumang Munisipal

Bawat hukuman ay hindi dapat saklawan ng ibang hukuman dahil

bawat hukuman ay may kanya-kanyang kapangyarihan. Bawat

hukom ay may taglay na katangiang itinadhana ng Saligang Batas o

Konstitusyon.

Page 14: Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanSangay ng Panghukuman o Hudikatura

Ang Tanging HukumanAng mga tanging hukuman ay binubuo ng Sandigangbayan, Hukuman sa Pag-aapela at

Hukumang Shariah.

Ang Sandigangbayan ay isang tanging hukuman na sumasaklaw sa mga kasong

kinasasakupan ng mga pinuno’t kawani ng pamahalaan ng batas kaugnay ng mga

paglabag sa batas.

Saklaw naman ng Hukumang Pag-aapela sa Buwis ang lahat ng mga kaso at usaping may

kinalaman sa pagbabayad ng buwis.

Ang Hukumang Shariah ay itinatag sa Mindanao para sa mga Muslim. Ito ang

hukumang nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa Batas ng Islam ng Pilipinas.

Page 15: Mga Sangay ng Pamahalaan

Pagsasanay:Sabihin ang tamang sagot.

1. Ang Kapangyarihan ng tagapagpaganap/ehekutibo ay nasa kamay ng ____________

Pangulo

2. Ang sinumang mahalal na pangulo ay may ______ na taong panunungkulan.

Anim (6)

3. Ang kapangyarihang gumawa, bumuo at magpatibay ng mabibisa at legal na mga batas ay ipinagkaloob sa sangay ng

_____________.Tagapagbatas/Lehislatibo

4. Ang Mababang Kapulungan ay binubuo ng ______ ng kinatawan.

Two Hundred Fifty (250)

Page 16: Mga Sangay ng Pamahalaan

5. Ang Matass na kapulungan o Senado ay binubuo naman ng ______ na SenadorTwenty Four (24)

6. Ang pinuno ng Senado ay ang _____________ na inihahalal ng mga Senador.

Senate President (Pangulo ng Senado)

7. Ang Pangatlong Sangay ng pamahalaan ay ang __________ na may kapangyarihang maglapat at magpaliwanag ng batas.

Sangay ng Panghukom (Hudikatura)

8. Ang kataas-taasang hukuman ay binubuo ng isang Punong Mahistrado at _______ na katulong na mahistrado.

Thirteen (13)

9. Ang Kongreso ay may binubuong _________ kapulungan. Dalawa (2)

10. Ang panunungkulan ng kinatawan ay _______ taon.Tatlo (3)

Page 17: Mga Sangay ng Pamahalaan

Pagtataya:Isulat ang tamang sagot sa ¼ na bahagi ng Papel. Sabihin

kung Sangay ng tagapagpaganap, Tagapagbatas, o Panghukuman.

__________1. Nagbibigay-kahulugan sa Sanligang Batas at sa iba pang batas.

__________2. Nagpapatupad ng Batas.

__________3. Gumagawa ng mga batas para sa kapakanan ng lahat.

__________4. Lumulutas ng mga hidwaan na may kinalaman sa mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan.

__________5. May kontrol sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, at tanggapan ng pamahalaan.