Isahan at Sabayang Pagbigkas

Preview:

Citation preview

MAGLARO TAYO!M A G A N D A N G H A P O N !

ISAHAN AT SABAYANG PAGBIGKASU L AT N I N A M E J I A AT R E M I L L E T E

ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS?Ang sabayang pagbigkas ay masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang malakas ng isang koro o pangkat.

ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS?Ayon kay Andrade (1993), ang sabayang pagbigkas ay ang pagsasanib-sanib ng mga iba’t ibang uri ng tinig ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa, at lakas na siyang nagbibigay kariktan.

ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS?Ang pinakamabisang pampukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama – nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng Sabayang Pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya’t mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa mga manonood/tagapakinig at gayon din sa mga bumibigkas/koro.

ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS?Ayon kay Abad (1996), ang sabayang pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas.

MGA KASANAYANG MALILINANG SA PAGSALI SA SABAYANG PAGBIGKAS

1.     ito ay mabisang pamaraan ng pagkatuto ng wika.2.     mabisa itong pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lugod sa pagpapaunlad ng panitikan3.     ito’y isang pangunahing pagsasanay sa pagtatalumpati, pagbigkas nang isahan, pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan.

MGA KASANAYANG MALILINANG SA PAGSALI SA SABAYANG PAGBIGKAS

4.     naglalaan ito ng malawak na kakayahan sa pagkalugod sa sining.5.     nakatutulong ito sa ikapagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang gawaing pangkatan, pakikiisa at pakikibagay.6.     isa itong panimulang kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng pakikipagtalastasan.

APAT NA ANYO NG SABAYANG PAGBIGKAS

•Ang pagbabasa nang may madamdaming pagpapakahulugan•Ang sabayang-pagbigkas na walang kilos•Ang sabayang-pagbigkas na may maliliit na angkop na kilos•Ang madulang sabayang pagbigkas o Tula-Dula

Ang pagbabasa nang may madamdaming pagpapakahulugan

• Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang pangkat sa isang piyesa.

•Maaring bumuo ng dula buhat sa tula; may pangkat na nagbabasa bilang tagapagsalaysay habang may tauhang nagsasadula na gumagamit ng diyalogo o usapang patula.

Ang sabayang-pagbigkas na walang kilos

• Dito ay saulado ang piyesa. Sa ganitong pagtatanghal limitado lamang ang gawain/kilos ng koro maliban sa pagbibigay damdamin sa pamamagitan ng angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit ng balikat, payak na kumpas ng kamay, mga iling at tango ng ulo.

• Malaki ang maitutulong sa pagbibigay ng mensahe sa piyesa sa manonood ng mga nabanggit na payak na mga kilos. Higit na magiging mabisa kung gagamit ng riser o tuntungan ang koro lalo na’t kung ito ay binubuo ng tatlong hanay.

Ang sabayang-pagbigkas na may maliliit na angkop na kilos

• Hindi angkop dito ang paggamit ng riser sapagkat ang koro ay gagawa  na ng maliliit na kilos. Sa uring ito ng gawain, ang piyesa ay magkakaroon na ng higit na pagkamasining na pagpapakahulugan sapagkat bukod sa mahusay at madamdaming pagbigkas ay may kaangkop na kilos at galaw na maaring isahan o pangkatan (blaking) upang lalong mabigyang diin at kulay ang mensahe ng mga salita, linya o taludturan.

• Itinatagubiling iwasan ang napakaraming galaw na maaring makasira lamang sa pagpapakahulugan.

Ang madulang sabayang pagbigkas o Tula-Dula

• Tinatawag din itong ganap na dulaan o total theatre. Ito ay isang uri ng madulang bigkasang pangkoro na gumagamit ng panlahatang pagtatanghal teatro – isang tulang isinadula; may tauhang gumaganap, may korong tagapagsalaysay, nilalapatan ng angkop na kasuotan, angkop na tunog, musika, awitin, sayaw, pag-iilaw, mga tanawin, kagamitan o props, atbp.

MGA URI NG PAGSASAAYOS PARA SA PANABAYANG PAGBIGKAS

Antiponal

Refrain

Line-A-Child

Part Arrangement

Unison

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Di mo man sabihin, aking nababatid,Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig;Paraisong dati’y hinanap, inibig,Alaala na lang na di magbalik.

Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,Naglaho nang ganap ang pangungulila;Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa,Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

ANTIPONALAng pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig; mataas at mababa o malaki at maliit o lalaki at babae. Angkop ang uring ito sa akdang may usapin. Ang usapin ay maaring anyong tanong-sagot o pakiusap. Ang unang pangkat ang nagtatanong o nakikiusap at ang ikalawa ang sumasagot.

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Ngunit ang lipuna’y hindi nagwawakas,Sa mga pangako at mga pangarap;Damdaming dakila at diwang matalas,Siyang magbubukas sa malayang pugad.

Pag-unlad ng bansa’y may hatid-pangako,Na ang kalinanga’y dapat na mabuo;Kulturang pambansa’y di dapat isukoHayaang magbunga’t mabusog sa puso. (Ulitin ang Koro)

Koro:

Benj:Benj at Ronnel:

Izza at Norvie:Remy at Kelly:Koro:

REFRAINPinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang bumigkas nang panabayan. Ang akda ay pinaghati-hati. May mga taludtod o pahayag para sa isa o mahigit pang soloista at mayroon ding para sa koro. Kadalasan, ang taludtod/pahayag para sa koro ay inuulit na taludtod/pahayag.

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Ngunit tila yata nalilimutan mo,Mga kaugaliang buhay-Pilipino,Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,Ay nasyonalismo’y mapapasaiyo.

Ang pagkakaisa’y pagbabayanihan,Nag-usbong sa diwa’t lahing makabayan,Kung sasariwain at pagbabalikan,Ang pagkakabuklod ay masisilayan.

Allyn:

Kim J:

Sitti:

Huda:

LINE-A-CHILDGumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may kanya-kanyang bibigkasin.

Kadalasan, ang paraang ito ay itinatambal sa unison.

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Sa mga tahana’t pook na dakila,Ang tanging biyaya’y moral na adhika;Payo ng magulang ay banal na wika,Sa mabuting anak ay buhay na nasa.

Ang lahat ng ito’y pamana ng lahi,Gabay nitong bansa’t dangal nitong lipi;Kaya’t magsikap ka, tuwa’y magbibinhi,Ikaw’y Pilipinong dapat na maghari.

Lalaki:

Babae:

PART ARRANGEMENTAng bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o liit (timbre) gaya ng halimbawa ng sumusunod:lalaki – tenor, baho; babae – soprano, alto.Kadalasan ang mga taludtod/pahayag na katatagpuan ng maraming patinig “i” ay para sa mga soprano at yaong may “a” at “o” ay para sa may mababa o malaking tinig.

PART ARRANGEMENT

Isinasaalang-alang din ang kalagayan (mood) at pinapaksa ng akda. Ang masayang bahagi ng akda ay ipinabibigkas sa mga babae. Ang tungkol sa lagim, kapangyarihan, karahasan, ay ibinibigya sa may malalaki o malalakas na tinig.

UNISONAngkop itong gamitin sa mga tulang hindi na kailangang pagbaha-bahaginin para sa iba’t ibang mambibigkas, tulad ng mga tula o akdang wala namang usapan o diyalogo. Ang uring ito ay nangangailangan ng maingat at maselang pagmamatnubay. Ang buong pangkat ay dapat bumigkas na parang isang tao.

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Di mo man sabihin, aking nababatid,Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig;Paraisong dati’y hinanap, inibig,Alaala na lang na di magbalik.

Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,Naglaho nang ganap ang pangungulila;Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa,Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

Ngunit ang lipuna’y hindi nagwawakas,Sa mga pangako at mga pangarap;Damdaming dakila at diwang matalas,Siyang magbubukas sa malayang pugad.

Pag-unlad ng bansa’y may hatid-pangako,Na ang kalinanga’y dapat na mabuo;Kulturang pambansa’y di dapat isukoHayaang magbunga’t mabusog sa puso.

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Ngunit tila yata nalilimutan mo,Mga kaugaliang buhay-Pilipino,Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,Ay nasyonalismo’y mapapasaiyo.

Ang pagkakaisa’y pagbabayanihan,Nag-usbong sa diwa’t lahing makabayan,Kung sasariwain at pagbabalikan,Ang pagkakabuklod ay masisilayan.

Sa pistang-bayan masasaksihan mo,May perya’t pabitin saka palo-sebo,At ang santakrusan ay pinagdarayo.

Sa mga tahana’t pook na dakila,Ang tanging biyaya’y moral na adhika;Payo ng magulang ay banal na wika,Sa mabuting anak ay buhay na nasa

PAMANA NG LAHINI PAT VILLAFUERTE

Ang lahat ng ito’y pamana ng lahi,Gabay nitong bansa’t dangal nitong lipi;Kaya’t magsikap ka, tuwa’y magbibinhi,Ikaw’y Pilipinong dapat na maghari.

ISAHAN AT SABAYANG PAGBIGKAS

P I N A G K U N A N :H T T P : / / W W W. K A P I T B I S I G . C O M / P H I L I P P I N E S /

I N F O R M A T I O N / A R T S - A N D - L I T E R A T U R E - S A B A Y A N G -P A G B I G K A S _ 3 4 8 . H T M L

Recommended