Si Nozibele at ang Tatlong Hibla ng Buhok fileNung malapit na sila makarating sa bahay, kinapa ni...

Preview:

Citation preview

Si Nozibele at angSi Nozibele at angTatlong Hibla ng BuhokTatlong Hibla ng Buhok

Tessa Welch Wiehan de Jager Arlene Avila Tagalog Level 3

Noong unang panahon, may tatlongbatang babae na naghanap ngpanggatong.

2

Pinawisan sila dahil sa init ng araw kayanaisipan nilang maligo sa ilog. Tuwang-tuwa sila sa paglaro, pagtampisaw atpaglangoy.

3

Bigla nilang naalala na malapit nagumabi. Kaya dali-dali silang bumaliksa nayon.

4

Nung malapit na sila makarating sabahay, kinapa ni Nozibele ang leegniya. Naiwan pala niya sa may ilog angkuwintas! “Samahan ninyo ako! Baliktayo dun!” nagmakaawa siya. Perohindi pumayag ang mga kaibigan dahilmalapit na gumabi.

5

Mag-isang bumalik si Nozibele sa ilog.Nakita niya ang kuwintas at agadbumalik pauwi. Pero naabutan siya ngdilim at nawala siya dahil di nya makitaang daan.

6

Sa di kalayuan, may nakita siyang ilawsa isang bahay. Nilapitan niya ang kuboat kumatok sa pinto.

7

Bumukas ang pinto at nagulat siya sanakita. Isang asong nagsasalita!“Anong kailangan mo?” “Nawawalaako at kailangan ko ng matutuluyan,”sagot ni Nozibele. “Tuloy ka at baka kitakagatin!” sabi ng aso, kaya pumasok siNozibele.

8

“Ipagluto mo ako!” utos ng aso. “Hindiako marunong magluto,” sagot niNozibele. “Kung hindi ka magluluto,kakagatin kita!” Kaya nagluto siNozibele ng makakain ng aso.

9

“Ayusin mo ang kama ko!” utos ng aso.“Hindi ko alam kung paano ayusin angkama para sa isang aso,” sagot niNozibele. “Kung ayaw mong ayusin angkama ko, kakagatin kita!” banta ng aso.Kaya inayos ni Nozibele ang kama nito.

10

Araw-araw, nagluluto, naglilinis atnaglalaba si Nozibele para sa aso.“Sasaglit lang ako sa mga kaibigan ko.Pagbalik ko, dapat tapos ka namaglinis, magluto at maglaba.”

11

Pagkaalis ng aso, bumunot si Nozibeleng tatlong hibla ng buhok sa kanyangulo. Nilagay niya ang sa sa ilalim ngkama, isa sa likod ng pinto at isa sakural. Saka siya kumaripas ng takbopauwi.

12

Pagbalik ng aso, hinanap niya siNozibele. “Asan ka, Nozibele?” “Anditoako sa ilalim ng kama,” sabi ng unaghibla. “Andito ako sa likod ng pinto,”sabi ng ikalawa. “Andito ako sa kural,”sabi ng ikatlo.

13

Saka lang naisip ng aso. Naisahan siya.Tumakbo siya papunta sa nayon. Peronaghihintay sa kanya ang tatlongkapatid na lalaki ni Nozibele. May dalasilang malalaking patpat kaya tumakasang aso at hindi na uli nagpakitakailanman.

14

Storybooks CanadaStorybooks Canadastorybookscanada.ca

Si Nozibele at ang Tatlong Hibla ng BuhokSi Nozibele at ang Tatlong Hibla ng BuhokWritten by: Tessa Welch

Illustrated by: Wiehan de JagerTranslated by: Arlene Avila

This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) andis brought to you by Storybooks Canada in an effort to provide children’sstories in Canada’s many languages.

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 International License.

15

Recommended