View
3.306
Download
336
Category
Preview:
Citation preview
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
1/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
2/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
3/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
4/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
5/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
6/13
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
7/13
A. Mga Tauhan
1. Ditas o Ditas Sandoval: Ina ni Loly, isang magulang na kulang ang oras
para sa anak.
(Round- dati walang pakialam ngunit sa huli, nagsisi dahil alam niya
sa sarili niya na siya ang may kasalanan kung bakit napariwara at namatay
ang kanyang anak)
2. Loly: Anak ni Ditas, isang anak na salat sa pagmamahal at oras mula sa
isang nanay.
(Round- mula nang makilala si George ay naging pariwara)
3. Yaya Idad: Nag-aalaga kay Loly (Flat)
4. Jan: Dating boyfriend ni Loly ngunit matapos ang kanilang date (noong
araw ng mga puso na nakita niya ang Daddy niya na kasam ang Mommy ni
Loly) ay hindi na nagparamdam kay Loly.
(Round- nagbago ang pagtingin kay Loly, dati parang inlove na inlove,
nawala na)
5. Boots, Pilita, Grace: Mga ka-gang ni Loly. (Flat)
6. George: Pinsang lalaki ni Grace na interesado kay Loly. (Flat)
B. Tagpuan
SAAN NANGYARI?
1.Sa tahanan nina Ditas
2.Sa Eskwelahan
3.Sa ‘Meeting Place ng mga Lovers’
KAILAN NG YARI?
1.Enero 1, Linggo
2.Enero 5, Huwebes
3.Enero 16, Lunes
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
8/13
4.Enero 22, Linggo
5.Enero 31, Martes
6.Pebrero 12, Linggo
7.Pebrero 14, Martes
8.Marso 4, Sabado
9.Marso 16, Huwebes
C. Banghay
Uri ng Banghay: Paikot na Panumbalik
(Nag-umpisa sa kasalukuyan pagkatapos, nag-flashback at nagwakas
sa kasalukuyan ulit)
I. Panimula
Sinimulan ng may-akda ang maikling kuwento sa paglalarawan ng
reaksyon ni Ditas sa pag-abot sakanya ng ‘diary’ ni Loly. Nalaman niya na
kay Loly iyon dahil alam niya kung kaninong sulat-kamay ang nasa ‘diary’
na iyon.
II. Saglit na Kasiglahan
Inilahad ni Loly sa kanyang ‘journal entry’, Enero 1(Linggo), na
walang lakad ang kanyang ina ng araw na iyon kasi nga raw Piyesta
Opisyal. Isinaysay rin ni Loly ang isang beses na sila lang ni Yaya Idad ang
magkasamang sumalubong sa Bagong Taon at iyak siya ng iyak. Ngunit iba
raw ngayon, dahil alas-onse pa lang ay andyan na ang kanyang ina na may
bitbit na mga prutas na bilog at iba pang-handa. Isama narin natin ang
pagkakita nina Jan sa kanilang mga magulang na nagdi-date, ang hindi
pagtawag ni Jan, at nang makilala ni Loly si George.
• Tunggalian
Tao laban sa Tao
1.Pagtatampo ni Loly kay Ditas
2.Pagkakasagutan nina Loly at Ditas
3. Pagrerebelde ni Loly
Tao laban sa Sarili
1.Pagkakakonsensya ni Ditas dahil sa sinapit ng anak.
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
9/13
2.Pag-asa ni Loly sa pagtawag ni Jan
III. Kasukdulan
Ang pagtatalo nina Loly at Ditas (‘Journal Entry: Marso 12, Huwebes).
IV. Kakalasan
Nawalan ng lakas si Ditas upang ipagpatuloy ang binabasa.
Napagtanti ni Ditas na hindi man lang niya kilala ng personal si George.
V. Wakas
Inilahad na ang resulta ng awtopsiya ay pagkamatay sa labis na droga
at dalawang buwang buntis si Loly. Napatili si Ditas dahil sa labis na
pagsisisi at paghihinagpis.
VI. Suliranin
1.Salat si Loly sa pagmamahal/pag-aalaga mula sa ina.
2.Kakulangan ng oras at pinapadamang pagmamahal aat pag-aruga sa
anak ni Ditas
3.Pagrerebelde ni Loly dala ng impluwensya at pakiramdam ng
kakulangan sa pagkatao.
VII. Paksang Diwa
1.Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
2.Ipabatid ang nais ipabatid sa tao hangga’t naririyan pa ito. Dahil di
natin hawak ang oras at panahon.
3.Ang oras, gabay at pag-aaruga ng magulang hindi dapat ipinagkakait
sa mga anak. Sapagkat dito nakasalalay ang kanilang pagkahubog sa
paglaki.
Uri ng Kuwento: Kuwento ng Tauhan
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
10/13
PAGSUSURI
Pagdulog Realismo
1. Kakulangan ng oras sa anak
Patunay:
“…nangyari na iyon. Ilang ulit… Kaming dalawa lamang ni Yaya Idad
abg inabutan ng Bagong Taon. Iyak ako nang iyak…”
(Journal Entry: Enero 1, talata 1, pangungusap 8-11)
Patunay:
“…Pa’nong na bigyan siya ng award ay ibang tao ang pinagsisilbihan
niya, hindi naman ako? Lagi naman niya akong iniiwan kay Yaya Idad.”
(Journal Entry: Enero 5, talata 2, pangungusap 3-4)
Patunay:
“Hindi nga lamang siya nagtagal dahil may pupuntahang kasalan…
Kaya noong tanghali na ay umuwi na rin ako. Parang bigla nalang ako
nalungkot. Ang mga classmates ko, kasama ang kanilang Papa at Mama
hanggang matapos… ”(Journal Entry: Enero 22, talata 1, pangungusap 6-9-10)
Patunay:
“Lalong hindi kami halos nagkikita ni Mama. Sa gabi, matutulog na ako
ay wala pa siya. Sa umaga pagpasok ko ay tulog pa siya. Wala na kaming
chance para makapag-usap.”
(Journal Entry: Pebrero 12, talata 1, pangungusap 3-5)
Patunay:
“Pero minsan kapag naiisip ko, na kung misan, may gusto akong
itanong sakanya, si Yaya Idad lamang ang kinakausap ko… naaawa ako sa
sarili ko!... Kapag may magandang happening sa school, kay Yaya Idad ko
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
11/13
naikukuwento. Pa’no, lagi namang wala ang Mama. Siyempre, gusto ko
naman, may makakausap ako…”
(Journal Entry: Enero 5, talata 3, pangungusap 6-10)
Paliwanag
Nasasalamin ng akda ang totoong nangyayari sa mga pamilya na may
‘working moms’ hindi naman lahat pero kadalasan. Lalo na sa mga
mayayaman. Meron din siguro sa mahihirap ngunit kalimitan sa mga
mayayaman. Kasi mas iniisip nila kaginhawaan, marangya at
kumportableng buhay ng kanilang mga anak.
Hindi nila napapansin na nagkukulang na sila ng oras sa kanilang
anak. Oo nga at maganda naman ang kanilang hangarin na mapaganda atmapaginhawa nila ang buhay ng kanilang mga anak. Ngunit dapat nilang
isipin na dapat pantay ito sa kanilang pagpaparamdam ng pagmamahal at
pag-aaruga sa kanilang mga anak.
2. Pagrerebelde ng anak sa magulang
Patunay:
“Nagkasagutan kami ng Mama. Talagang away na! Hindi ko rin
malaman kung bakit naging gayon kalakas ang loob ko. Ewan ko talaga… na
basta naiisip ko si George, ang feelings ko ba… magagawa ko ang lahat.”
(Journal Entry: Marso 16, talata 3, pangungusap 1-3)
Patunay:
“…laging paghahanap niya kay Loly kung malalim na ang gabi at wala
pa ito. Ang pagharap nito sa kanya na waring lasing.”
(Talata 36, pangungusap 2-3)
Patunay:
“…labis na droga ang sanhi ng kamatayan at nagdadalantao si Loly...
Dalawang buwan!”
(Talata 43, pangungusap 1)
Paliwanag
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
12/13
Nagrerebelde ang anak dahil una, kulang ito sa pag-aaruga,
pagmamahal at pagkalinga ng magulang. Pangalawa, ay kabaligtaran, lahat
ng mata ay nakatingin sa kanya. Hindi siya makakilos ng maayos dahil
bawat kibot ay pinapansin siya.
Sa kaso ni Loly, isa siyang anak na naghahanap ng pupuno sa mga
pagkukulang ng kanyang Mama. Nakakalungkot nga lang at nakita niyang
pupuno sa pagkukulang na iyon ay ang nagdala sa kanya sa maling landas.
Sa totoong buhay ay ganito rin ang nangyayari. May mga anak na
naghahanap ng pupuno sa pagkukulang. At meron din namang mga anak
na naghahanap ng lugar kung saan siya malaya maging siya o hindi naman
kaya ay naghahanap siya ng ‘outlet’ kung saan niya puwedeng ibuhos anglahat ng poot at sama ng loob sa kanyang dibdib.
Pagdulog Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na
bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na
sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo.
1. Pananaw ni Loly sa Death Anniversary
Patunay:
“May pa-misa ang Mama. May almusal. Lahat yata ng tauhan sa lahat
ng aming kompanya, dumalo. Nagtataka nga ako. Bakit naging gayon kasaya
ang anibersaryo ng kamatayan ng Papa?”
(Journal Entry: Enero 16, talata 2, pangungusap 1-5)
Paliwanag
Sa pananaw ni Loly, binabali niya ang nakagawiang paghahanda sa
pagpatak ng anibersaryo ng pagkamatay ng ating mga sumakabilang buhay
na. May namuong alinlangan sa kultura at tradisyon.
8/18/2019 Saan Lakad Mo Ngayon Ma Ni Liwayway Arceo (Pagsusuri)
13/13
Kung ating titingbangin, may punto si Loly. Ang paggunita sa mga
sumakabilang buhay ay mas mabisa sa pagdalaw sa kinahimlayan o
simpleng pagmumuni-muni. Ang paghahanda naman, o pagpapakain…
parang natutuwa at sumakabilang buhay na ang tao.
Ngunit, iyon ang ang kultura, tradisyon… nakagawian natin.
2. Ang Kababaihan ng Bagong Henerasyon
Patunay:
“Tinawagan ko si Grace. Hindi ko alam kung bakit parang may nag-
utos sa akin na sabihin kay Grace na gusto ko ng makilala ang pinsan niya.
Of course, si George!”
(Journal Entry: Marso 4, talata 1, pangungusap 1-3)
Patunay:
“Holding hands. Looking into each other’s eyes.”
(Journal Entry: Pebrero 14, talata 2, pangungusap 11-12)
Paliwanag
Isa si Loly sa makabagong kabataan sa nakagawiang dalagang
Pilipino. Noon, ay hindi basta-basta nakikipag-holding hands ang mga
kababaihan sa kanilang kasintahan. Kumbaga, hindi sila PDA noon. At
nakagawian na hindi babae ang gumagawa ng ‘move’ upang magkaroon sila
ng koneksyon sa lalake.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ipinapakita ng akda ang kahalagahan ng gabay ng
mga magulang. Ipinakita rito ang mga epekto o resulta ng kakulangan ng
oras, gabay at pag-aaruga ng magulang.
Recommended