Q2, modyul 2, gawain 2 juan luna

Preview:

Citation preview

MODYUL MODYUL 22Iba – Ibang Mukha ng Progreso

Gawain 2Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo

19(Juan Luna)

Paglalahad

Sipi 3. suriin ang obrang nilikha ni Juan Luna, ilipinong pintor at propagandista, na pinamagatang España y Filipinas (Espanya at Pilipinas), 1886. Dahil sa maykaya ang kanyang pamilya, nagkaroon si Luna ng pagkakataong mag-aral sa Europa, kung saan mas lalo pang nahasa ang kanyang angking galing sa pagpipinta. Sa Espanya, naging kasama niya sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at iba pa. Doon nila nakita ang ilang mga pagbabago tulad ng mga karapatang sinisugurado ng Konstitusyon, kalayaang magpahayag, edukasyon, at representasyon ng mga mamamayang Espanyol sa Cortes (parliyamento). Sa España y Filipinas makikita ang ideya ni Luna tungkol sa progreso.

Pagsusuri

GREGORIO SANCIANCOGREGORIO SANCIANCO

Malayang talakayan tungkol sa obra ni Juan Luna.

Pagbubuod

GREGORIO SANCIANCOGREGORIO SANCIANCO

Ano ang pananaw ni Juan Luna tungkol sa progreso?

Paglalapat

Sagutan ang mga detalye ng obra at Sagutan ang mga detalye ng obra at sagutin ang gabay sa ibabasagutin ang gabay sa ibabaa. Sino sa inyong palagay angkinakatawan ng babae sa kaliwa at babae sa kanan? Bakit?

b. Bakit nakaakbay ang babaeng nasa kaliwa? Ano ang kahulugan nito?

c. Ano sa inyong tingin ang itinuturo ng babae sa kaliwa?

d. Ano ang kahulugan nghagdan?

e. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa hagdan?

f. Paano makakamit ang progreso sa punto de bista ni Luna?

Pagtataya

JUAN LUNAJUAN LUNA

Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Kastila, ano ang iyong magiging rekomendasyon tungkol sa progreso ng Pilipinas?

Takdang - Aralin

Suriin ang mga ideya ng progreso nina Sinabaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna. Gumawa ng talumpati mula dito.

KEY ANSWERS

JUAN LUNAJUAN LUNAa. Sino sa inyong palagay angkinakatawan ng babae sa kaliwa at babae sa kanan? Bakit?

• Babae sa kaliwa: Espanya, dahil maputi at matangkad, kanluranin ang damit at ayos ng buhok, at inaakay niya ang babae sa kanan (Pilipinas)• Babae sa kanan: Pilipinas, dahil nakasuot ng baro’t saya, kayumanggi ang balat, mas mababa kaysa sa babae sa kaliwa, at ginagabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya)• Batay sa pamagat ng kwadro na España Y Filipinas (“Espanya at Pilipinas”), masasabing kinakatawan ng dalawang babae ang dalawang bansa

JUAN LUNAJUAN LUNA

b. Bakit nakaakbay ang babaeng nasa kaliwa? Ano ang kahulugan nito?

• Inaakay ang babae sa kanan (Pilipinas) upanggabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya).• Nangangahulugan itong ginagabayan ng Espanya ang Pilipinas.

JUAN LUNAJUAN LUNA

c. Ano sa inyong tingin ang itinuturo ng babae sa kaliwa?

Itinuturo ng babae sa kaliwa (Espanya) ang liwanag o simbolo ng progreso na nasa kanilang harapan.

JUAN LUNAJUAN LUNA

d. Ano ang kahulugan nghagdan?

Ang hagdan ay antas ng pag-unlad o progreso. Nasa unang hagdan lang ang Pilipinas; malayo pa siya sa itinuturong liwanag o progreso.

JUAN LUNAJUAN LUNA

e. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa hagdan?

Maaaring simbolo ito ng pagkakaibigan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at ng katahimikan ng panahon.

JUAN LUNAJUAN LUNA

f. Paano makakamit ang progreso sa punto de bista ni Luna?

Naniniwala si Luna na ang progreso ay ipagkakaloob ng Espanya sa Pilipinas. Kung susunod ang Pilipinassa mga pagbabagong nagaganap sa Espanya, uunlad din ito katulad ng Espanya.

SANGGUNIANSANGGUNIAN

www.yahoo.com/imagesLearner’s Module, Q2, pp. 7 - 8Teaching Guide, Q2, pp. 61

DOWNLOAD LINKDOWNLOAD LINK

www.slideshare.net/jaredram55

Email: jaredram55@yahoo.com

Inihanda ni:Inihanda ni:

JARED RAM A. JUEZANJARED RAM A. JUEZANTeacher I, Araling Panlipunan VIITeacher I, Araling Panlipunan VII

August 30, 2012August 30, 2012

MARAMING SALAMAT PO!

Recommended