View
5.725
Download
27
Category
Preview:
DESCRIPTION
Kahulugan at Katangian Ng Wika
Citation preview
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Pag-isipan Mo.!Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay
nasa isang daigdig na napakatahimik. Maraming tao ngunit walang nagsasalita. Nakita mo ang pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Gusto mo siyang makausap ngunit walang salitang namumutawi sa iyong bibig. Madami kang gustong sabihin sa kanya ngunit hindi mo masabi.
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Sagutin ang mga sumusunod;1.Ano ang naramdaman mo nang napunta ka sa isang tahimik na daigdig?2. Ano naman ang iyong naging reaksyon nang makita mo ang pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita?3. Ano ang pakiramdam ng isang taong may gustong sabihin ngunit walang paraan upang sabihin ang kanyang saloobin?
Diyan pumapasok ang kahalagahan ng WIKA. Ngunit ano nga ba ang wika? Halina’t tunghayan natin sa susunod na slide.
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Ayon kay Lumbera (2007), parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.
Ayon naman kay J.V. Stalin, ang wika ay isang midyum at isang instrumento na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao.
Ano nga ba ang WIKA?
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Ayon naman kay Henry Gleason, isang dalubwika. Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyon ng tao na kabilang sa isang kultura.
Ano nga ba ang WIKA?
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Ang pagpapakahulugan ni Henry Gleason sa wika ay ang itinuturing na unibersal na kahulugan ng wika. Nakapaloob sa kanyang pagpapakahulugan ang bawat katangian ng wika na nananaig sa daigdig.
Tunghayan natin sa susunod na slide ang bawat katangian ng wika na ibinigay ni Henry Gleason.
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Masistemang Balangkas~ lahat ng wika ay may sinusunod na
kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.
KATANGIAN NG WIKA
Tunog Salita Balarila Kahulugan
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Sinasalitang Tunog~Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang
mga komponent ng bibig. Ang nalilikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o makabuluhang tunog.
KATANGIAN NG WIKA
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitrayo~ Ang wika ay nabubuo batay sa
napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad. Bawat lipunan ay maaring makabuo ng salita o wika batay sa kanilang napagkasunduan. Hal.Tagalog Ingles Kapampangan Itlog Egg EbunMantika Oil Taba
KATANGIAN NG WIKA
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Kabuhol ng Kultura~ Yumayabong at nagbabago ang wika dahil
sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura.
Hindi ba kayo nagtataka kungt bakit ang salitang Ingles na rice ay maraming katumbas sa Wikang Filipino?
Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit limitado lamang ang panumbas ng Wikang Filipino sa salitang Ingles na snow?
KATANGIAN NG WIKA
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Ginagamit sa Komunikasyon
~ Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit dito ng tao sa komunikasyon.
KATANGIAN NG WIKA
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Nagbabago~ Dinamiko ang wika. Patuloy ang
pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabubuo sa lipunan.
Ano na nga ba ang mga trending na salitang ngayon? Instagram? Chat? O Selfie?
KATANGIAN NG WIKA
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Natatangi~ Bawat wika ay may kanya-kanyang
katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang wikang parehong-pareho.
May kakayahan ang Wikang Filipino na gawing pandiwa ang mga pangngalan. Halimbawa ang salitang damit na pwedeng maging damitan na isang pandiwa. Ito ay tinatawag na Verbalizing Power.
KATANGIAN NG WIKA
Recommended