Batang Asno - Global Storybooks · kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Inisip niya...

Preview:

Citation preview

Batang Asno

Lindiwe Matshikiza Meghan Judge Karla Comanda Tagalog Level 3

Isang batang babae ang unang nakakita ngkakaibang hugis mula sa malayo.

2

Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakitaniyang isa itong babaeng nagdadalang-tao.

3

Mahiyain pero matapang, lumapit ang batangbabae sa babaeng nagdadalang-tao. “Kailangannatin siyang panatilihin dito,” napagdesisyunan ngmga kababayan ng batang babae. “Aalagaan natinang ina at anak.”

4

Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata.“Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!” “Kaunti nalaaaaannnnnggg!”

5

Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas angsanggol. “Isang asno?!”

6

Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabi natingaalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon anggagawin natin,” sabi ng iba. “Pero magdadala ito ngkamalasan sa atin!” sabi ng iba.

7

At muli ay mag-isa na naman ang babae. Inisip niyakung ano ang gagawin sa kanyang bardagol naanak. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sariliniya.

8

Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya angasno at siya ang ina nito.

9

Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito atnanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Perolumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sahindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. Atkahit anong gawin niya, hindi nito kayangmagpakatao. Madalas ay nararamdaman ngkanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. Minsanay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop.

10

Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno.Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan.Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan.Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sasobrang galit.

11

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Tumakbo siyang napakabilis para tumakas.

12

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawalasiya. “Hi haw?” bulong niya sa kadiliman. “Hi Haw?”ulyaw nito. Mag-isa siya. Niyakap niya ang sarili niyana parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ngmahimbing at maligalig.

13

Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibangmatandang lalake na nakatitig sa kanya. Tuminginsiya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.

14

Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyangnagturo sa kanya ng iba’t ibang paraan paramamuhay. Nakinig at natuto si Asno, at gayundinnaman ang matandang lalake. Nagtulungan sila, atnagtawanan sila.

15

Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake nadalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok.

16

Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay angmga ulap. Napanaginipan ni Asno na may sakit angkanyang ina at nananawagan ito. At nang magisingsiya…

17

…nawala na ang mga ulap kasama ng kanyangkaibigan, ang matandang lalake.

18

Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin.

19

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa atnagluluksa para kanyang nawawalang anak.Matagal silang tumitig sa isa’t isa. At pagkatapos aynagyakapan sila nang nakapahigpit.

20

Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumandanang magkasama at nakahanap ng maramingparaan para mamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila.

21

Storybooks UKglobal-asp.github.io/storybooks-uk

Batang AsnoWritten by: Lindiwe MatshikizaIllustrated by: Meghan Judge

Translated by: Karla Comanda

This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) and is broughtto you by Storybooks UK in an effort to provide children’s stories in UK’s manylanguages.

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.

Recommended