4. PE VI Presentation

Preview:

Citation preview

IKATLONG MARKAHAN

BANGHAY ARALIN PE VI BLG 1

I. Layunin naisasagawa ang mga panimulang kasanayang panghimnasyo.

Ii. Paksang aralin mga batayang kilos at panimulang kasanayang panghimnasyo.

Sanggunian: PELC A1 internetkagamitan: malinis na sahig o playground casset at masiglang tugtugin

Banghay Aralin P.E VI

III A. Panimulang Gawain:1. Pagganyak - ehersisyo

B. Panlinang na Gawain:1. Itanong: Nakakita na ba kayo ng mga taong naghihimnasyo? Alam niyo ba ang tawag sa mga kasanayang himnasyong kanilang ginagawa? Mahirap kaya itong isagawa?

2. Narito ang ilang kasanayang panghimnasyo.

PIKE HOLD

PIKE SIT

Straddle sit

ARABESQUE

3. Ipaliwanag ito ng husto sa mga bata. Ipakita kung paano ito gagawin.

4. Patayuin ang mga bata at ipagawa ang bawat kasanayan sa kanila.

5. Itanong:a. Anu-anong mga kasanayang

panghimnasyo ang iyong natutunan?b. Alin ang pinakamadali para sa iyo?

Bakit? Ipakita mo nga itong muli.c. Alin ang pinakamahirap? Bakit?

Ipapakita muli ng guro ang wastong kasanayang panghimnasyo kung saan nahihirapan ang mga bata.

C. Pangwakas na Gawain:Pangkatin ang mga bata sa apat. Pabunutin ang mga ito ng papel na naglalaman ng:

1. Pike Hold2. Pike Sit3. Straddle Sit4. Arabesque

* Isasagawa ng grupo ang nabunot nilang kasanayang panghimnasyo. Gawin itong kawili-wili sa saliw ng masiglang tugtugin.

IV. Pagtataya:Sagutan ang mga sumusunod:1. Nasiyahan ka ba sa pagsasagawa ng mga

kasanayang panghimnasyo? Bakit?2. Sinusunod mo ba ang mga tuntuning

pangkaligtasan sa pagsasagawa ng mga kasanayang ito?

3. Nakiisa ka ba sa pangkatang gawain? Ano ang iyong naitulong?

4-5. Maglahad ng maikling kwento tungkol sa iyong karanasan sa pagsasagawa ng kasanayang panghimnasayo.

V. Takdang Aralin:Ipasanay muli sa mga bata ang mga

kasanayang panghimnasyo na tinalakay kanina. Humanda muli sa pagpapakita nito sa susunod na leksyon.