77
What every Filipino should know about Pork Barrel System?

What every Filipino should know about Pork Barrel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

#reformph ;

Citation preview

Page 1: What every Filipino should know about Pork Barrel

What every Filipino should know about Pork

Barrel System?

Page 2: What every Filipino should know about Pork Barrel

Gist of the Supreme Court Decision on the Pork Barrel System

Source: #reformphModule 2 on taxes and the Pork Barrel

System by Greco B. Belgica

Page 3: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang sinasabi ng Korte Suprema naUNCONSTITUTIONAL?

Page 4: What every Filipino should know about Pork Barrel

Pork Barrel System

Ang sabi ng Korte Suprema, dapat iayaos ang sistema ng paggamit ng pera ng tao. Hindi dapat LUMP SUM at DISCRETIONARY sa taong gobyerno ang pag-utilize nito. Kasama dito ang PDAF at ang lahat ng discretionary lump sum funds na inilalagay ng gubyerno sa opisina ng mga taong gubyerno sa kongreso man o ehekutibo (PDAF, PSF, MALAMPAYA Funds) Maliban sa limitadong Contingency at Calamity Fund.

Page 5: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang Pork Barrel System?

Ano ang sinasabi ng petisyon?

“Ang Pork Barrel System” – ay isang sistema ng sabwatan ng lehistura at ehekutibo sa paglalagay ng mga buo-buong pera sa opisina ng mga gubyerno at pulitiko mambabatas at ehekutibo, na maari nilang gastusin o ipamigay sa mga paraan na hindi ma-check o ma-iaccount.

Page 6: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ito ay nagbibigay sa mga pulitiko ng kapangyarihan o puder gamitin ang pera ng tao na labag sa limitasyon at kapangyarihang ipinahiram sa kanila ng tao sa pamamagitan ng konstitusyon. Itong sistemang ito ay nagbibigay daan na maabuso ang pera at kapangyarihang pinahiram ng tao sa gubyerno at pulitiko.

Page 7: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano Sagot ng

?

Page 8: What every Filipino should know about Pork Barrel
Page 9: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang Pork Barrel System ay pinagsama-samang batas at sistema na naglalagay ng LUMP SUM DISCRETIONARY FUNDS o buo-buong pera sa diskreyon ng mga pulitiko mambabatas man o ehekutibo na walang malinaw na pamantayan kung paano ito gagastusin, mababantayan at irereport. Ito ang pera na daw sa mga lokal na proyekto na nagagamit sa partisipasyon ng ehekutibo at kongreso at ng mga miembro nito.

Page 10: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ayon sa Supreme Court 2 klase ng Pork Barrel Funds

Page 11: What every Filipino should know about Pork Barrel

Congressional Pork

Page 12: What every Filipino should know about Pork Barrel

Congressional Pork

(PDAF, Congressional Insertions) – Mga buo-buong pera na pwedeng magamit ng kongreso o kongresista sa kanilang diskresyon pag katapos nito maipasa ang batas.

Page 13: What every Filipino should know about Pork Barrel

Presidential Pork

Mga pondong maaring gamitin ng Presidente sa mga proyektong kanyang pipiliin gaya ng SPF. PSF, at Malampaya Funds.

Page 14: What every Filipino should know about Pork Barrel

Hindi pinapayagan ng batas ang ano mang “lump sum appropriation.” Ang budget ay dapat naka itemize through the process of “line item budgeting” Bagama’t ang Malapaya funds at Presidential Social Funds ay “specific” ang pinaglalaanan nito ay direcho sa opisina ng Presidente, dapat pa rin natin itong ipasok sa General Fund para i-appropriate ng kongreso.

-Associate Justice Antonio Carpio

Page 15: What every Filipino should know about Pork Barrel

Bakit problematic

ang Pork Barrel Funds

Page 16: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang Pork Barrel System ay labag sa prinsipyo ng “Separation of Powers” at prinsipyo

ng “Accountability.” Dahil binigyan nito ng kapangyarihan ng kongreso at ehekutibo na labag sa

limitasyon na ibinigay ng konstitusyon.

Ayon sa petisyonPetitioners: Greco Belgica, Bishop Reuben Abante, Rev. Jose Gonzales, Ch. Quintin Paredes San Diego, Atty. Samson Alcantara, F. Mayor Toto Nepumoceno, Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. YCA, G12, Bible Mode, One Vote, SJS, MAD, CCW

Page 17: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ayon sa Korte Suprema

Page 18: What every Filipino should know about Pork Barrel

Dahil ang nilabag ay ang mga limitasyon na ibinibigay ng konstitusyon sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas at gumagawa ng batas.

Page 19: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ayon sa Korte Suprema

Page 20: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang Pork Barrel System ay sistema na pinagtibay ng Martial Law na hindi na dapat ginagamit ngayong

mayroon na tayong konstitusyon at kongreso. Ang Pork Barrel System ay lumalabag sa prinsipyo ng “Separated Powers” na sanhi ng pag-abuso ng puder at kapangyarihan (grace abuse of power)ng mga mambabatas o miembro ng ehekutibo.

-Associate Justice Antonio Carpio

Page 21: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang pork barrel ay nagdudulot ng problema dahil hindi ditalyado at irregular ang pagkakasaad nito kaya madaling abusuhin. Sa madaling salita, maibubulsa ito ng hindi natin nalalaman. -Former National Treasurer, Leonor Briones

Page 22: What every Filipino should know about Pork Barrel

Mahirap itong masundan, gawan ng dokumento at reports, dahil hindi nililista, bago gamitin

Page 23: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang tamang proses ayon sa ating constitusyon at kasaysayan ay dapat detalyado at malinaw na nakalista ang paggagastusan o tinatawag na“Line-Item Budgeting” bago gastusin ang pera ng taong bayan. Ibig sabihin, plano muna bago pera, hindi pera muna, bago plano.

Page 24: What every Filipino should know about Pork Barrel

Bakit idineklara ng Korte Suprema na Unconstitutional o labag sa

Saligang batas ang Pork Barrel System?

Page 25: What every Filipino should know about Pork Barrel

Sabi ng Korte Suprema ang Pork Barrel System

violates the principle of Separation of Powers

Page 26: What every Filipino should know about Pork Barrel

Sa panahon na ang isang batas ay Magagawa ng epektibo, ano mangprobisyon na magbibigaykapangyarihan sa kongreso o sakaniyang mga miyembro na maki-lahoksa implementasyon ng batas ay labagsa prinsipyo ng “Separation of Powers.”

Page 27: What every Filipino should know about Pork Barrel

Isinaad ng ating konstitusyon, upang hindi maabuso ang kapangyarihan sa pamahalaan at pera ng taong bayan na ipinagkatiwala sa mga opisyal ng gubyerno, pinaghihiwal-

hiwalay ang trabaho ng 3 sangay ng gobyerno:

1.LEHISLATURA-para gumawa ng batas, magcheck, magbawas o magapruba ng nudget, at magbantay sa mga pinapatupad nito;

2.EHEKUTIBO–para magpropose ng budget at magpatupad ng batas

3.HUDIKATURA–para maipalawanag ng mga katanungan sa saligang batas at limitasyon ng bawat sangay ng pamahalaan

Page 28: What every Filipino should know about Pork Barrel

Dahil daw sa Pork Barrel System ang mga kongresista at senador ay nagkakaroon ng kapangyarihang magpalabas ng budget. Ito ay labag sa kapangyarihang pinagkaloob ng saligang batas sa kongreso. Ito ay gawaing ibinigay sa ehekutibo. Ang isang mambabatas ay hindi dapat nagkakaroon ng kapangyarihang makilahok sa pag-papalabas ng pondo at paglilipat nito pagmatapos nitong ipasa ang batas.

Page 29: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ganun din naman sa ehekutibo. Sabi ng Korte Suprema – dahil sa Pork Barrel System, nagkakaroon ng kapangyarihan ang Pangulo at mga miyembro ng kanyang mga departamento na pumili at mag-apruba kung saan gagastusin ang pera ng taong bayan. Isang kapangyarihan na ibinigay lamang para sa lehislatura na hindi maaring gamitin ng ehikutibo.

Page 30: What every Filipino should know about Pork Barrel

Dahil ang nag-aapruba ay kailanman hindi dapat magingtagapagpatupad ng batas sakanyang ginawa, at angtagapagpatupad ng batas nakanyang ginawa, at angtagapagpatupad, kailanman didapat payagang maging taga-apruba.

Page 31: What every Filipino should know about Pork Barrel

Sabi ng Petitioners:

Sinisira ng Pork Barrel System ang limitasyon na ibinibigay sa kongreso, dahil pinapayagan nito ang partisipasyon ng mga kongresista at kongreso na makialam sa proseso at implementasyon pagkatapos nitong maipasa ang batas o budget (General Appropriations Acts –GAA)

Page 32: What every Filipino should know about Pork Barrel

SABI NG KORTE SUPREMA-kahit pinapayagan ng batas ang kongreso na pumili ng proyekto para sa kanilang nasasakupan, hindi pinapayagan nito ang ano mang “role” o pakikilahok sa proseso ng implementasyon para i-release o i-realign ang budget matapos maipasa ng kongreso sa budget.

Page 33: What every Filipino should know about Pork Barrel

Non-Delegability of Legislative Powers

Ang kapangyarihang pumili kung saan gagastusin ang pera ng taong bayan na ibinibigay sa “Kongreso” hindi sa “Kongresista.” Mali na ang kapangyarihang pumili ay ibinibigay sa mga kongresista pagkatapos nila bilang kongreso na ipasa ang batas. Sa ganyang paraan naabuso ang hiram nilang kapangyarihan sa tao.

Page 34: What every Filipino should know about Pork Barrel

THE PRINCIPLES OF CHECK AND BALANCE

Ang pinakamagandang example ng prinsipyo ng

“Check and Balance” ay ang “item veto power”

na ibinibigay ng konstitusyon ng Presidente.

Page 35: What every Filipino should know about Pork Barrel

THE PRINCIPLES OF CHECK AND BALANCE

Dahil sa Pork Barrel System, hindi na mailalapat ng Pangulo ang kapangyarihang ito sa budget at icheck o itama ang mga “items” na sa palagay nito ay mali. Ito raw ay kapangyarihan hindi dapat mawala sa Presidente upang maitupad ang prinsipyo ng “Check and Balance” sa budget kaya ibinibigay ng konstitusyon sa Presidente ang limitadong partisipasyon nito sa proseso na pagpasa ng budget.

Page 36: What every Filipino should know about Pork Barrel

THE PRINCIPLES OF CHECK AND BALANCE

Sabi ng batas kinakailangandaw maingatan ang paggastos at pagpapatupad ng mga trabaho ng gobyerno. Sabi ng Korte Supremo na sa Pork Barrel System, nawalan ng saysay ang prinsipyo ng pagbabantay sa kilos ng mga ahensya ng pamahalaan at nawawala ang kapangyarihan ng mga nagbabantay dahil sa bago pa na macheck ang gagawin, nagastos na ang pera kaya napakahirap na hanapin ang mga pinag-gastusan.

Page 37: What every Filipino should know about Pork Barrel

SABI NG PETITIONERS:

Ang sistema ng PDAF ay nag-aalis sa kapangyarihan ng Pangulo na alisin ang “specific item” sa budget na hindi nito gusto. Sapagkat hindi nakaidentify at nakasulat isa-isa kung saan gagastusin ang pondo sa PDAF dahil buo-buo inilalagay sa direksyon ng miyembro ng kongreso.

Page 38: What every Filipino should know about Pork Barrel

SABI NG KORTE SUPREMA:

Tama ang petitioners. Sinira ng PDAF ang sistema na isa-isa na isulat ang paglalagakan ng pondo upang hindi mawala ang kapangyarihan ng Presidente na i-veto ang item na gusto nitong alisin.

Page 39: What every Filipino should know about Pork Barrel

IT VIOLATES THE PROVISION OF LOCAL GOVERNANCE AUTONOMY:

Upang mas mapabilis, maiayos, at ma desentralize ang serbisyo, kapangyarihan, at pondo ng pamahalaan, binigyan ng saligang batas ang mga lokal na gobyerno, pamahalaan, pagplanuhan, at iayos ang kanilang nasasakupan.

Page 40: What every Filipino should know about Pork Barrel

IT VIOLATES THE PROVISION OF LOCAL GOVERNANCE AUTONOMY:SABI NG KORTE SUPREMA:

Tama ang petisyoners. Ang Pork Barrel ng mga kongresista ay nakakagulo sa sistema na inilatag ng batas sa tamang pag-gastos ng pera ng tao para iayos ang mga probinsya, munisipyo at syudad na gawaing ibinigay sa lokal na pamahalaan.

Page 41: What every Filipino should know about Pork Barrel

IT VIOLATES THE PROVISION OF LOCAL GOVERNANCE AUTONOMY:SABI NG KORTE SUPREMA:

Iginiit pa ng Korte Suprema na ang gawaing ibinigay sa lokal na pamahalaan. Iginiit pa ng Korte Suprema na ang gawaing ginaganapan ng mga kongresista dahil sa PDAF ay nakakagulo pa sa gawaig dapat ginagawa ng mga Local Development Councils na hindi dapat pinapalitan ng kongreso o kongresista.

Page 42: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang mga Pork Barrel Funds sa Budget ng 2012-2014?

1. Special Purpose Fund –

Lump Sum Budget sa opisina ng Presidente. Dito rin kinukuha ang PDAF.

Page 43: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang mga Pork Barrel Funds sa Budget ng 2012-2014?

2. Automatic Appropriations–

Mga items sa budget na hindi na binubusisi at tinitingnan ng kongreso at automatic nang inaaprubahan ng kongreso taon taon.

Page 44: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang mga Pork Barrel Funds sa Budget ng 2012-2014?

3. Unprogrammed Funds –

Mga perang inaasahang makukulekta ng gobyerno. Hindi pa ito hawak ng pamahalaan.

Page 45: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang DAP at bakit ang “DAP SYSTEM”

ay labag sa konstitusyon?

Page 46: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang “DAP System” ay iba sa “Pork Barrel System” na

dineklarang Unconstitutional ng Korte Suprema.

Page 47: What every Filipino should know about Pork Barrel
Page 48: What every Filipino should know about Pork Barrel

Pareho ba ang DAP at ang Pork Barrel System?

Hindi, iba ang pork barrel system sa DAP System, pero may hawig. Ang sistema ng dap ay mas malala pa sa lahat ng “Pork Barrel System” na nilikha ng Kongreso. Kaya ito inihiwalay ng Korte Suprema.

Page 49: What every Filipino should know about Pork Barrel

Bakit ilegal ang DAP System?

Sa pamamagitan ng “DAP System” ang ehekutibo ay nagkakaroon ng kapangyarihang gamitin ang pera ng taong bayan – buwis – na hindi dadaan sa pagsusuri ng kongreso. Pinopodohan nito ang mga proyekto, programa at ilegal na nakakapag-palipat ng pondo sa iba’t ibang departamento at opisina ng gobyerno na labag sa mas marami pang batas sa isang sistemang tinawag nilang DAP.

Page 50: What every Filipino should know about Pork Barrel

Bakit ilegal ang DAP System?

Pinawawalang bisa at nilabag ng “DAP System” ang lahat ng proseso ng appropriation, prinispyo ng separation of powers,

check and balance at accountability.

Page 51: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

1. Dahil bawal mag-lipat ng pondo ang ehekutibo sa ibang opisina sa pamamagitan lamang ng hiling ng isang mieymebro ng kongreso o kongresista.

Page 52: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

2. Dahil pinagbabawal ng konstitusyon ang magpasa ng batas para mag-lipat ng pondo na ng kongreso. Lalo na sa pamamagitan ng “Executive Order o Memorandum”

Page 53: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

3. Dahil maliban sa Pangulo, President ng Senado at pinakamataas na hukom ng korte suprema, walang sino mang opisyal ang maaring mag-lipat ng pondo sa kanilang opisina lalo na sa iba o ibang sangay ng pamahalaan.

Page 54: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

4. Dahil ang sistema ng DAP ay ginamit para pondohan ang mga bagong proyekto at programa hindi lamang upang idagdag sa mga proyekto at programang meron na hindi para lamang upang dagdag sa mga proyekto at programang meron na o ipinasa na sa kongreso.

Page 55: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

5. Dahil hindi pumapasok sa diskripsyon ng isang ipon ng saving na pwedeng gamitin pandag-dag sa proyektong ginagawa na ang sistemang ginamit ng DAP ayon sa GAA (Budget na ipinasa ng kongreso)

Page 56: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

5.a. may natapos na proyekto at may natira pang pera na hindi nagastos

b. may budget pang natira na pang sweldo sa tao na hindi nagastos.

c. dahil ang sistemang gnamit sa proyekto ay efficient at magaling kaya nakatipid sa implementasyong ito.

Page 57: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang nilalabag ng DAP sa ating saligang batas?

6.Dahil ang pagtatalaga ng buo-buong pera at sa diskresyon lamang ng isang opisyal ay idideklara na ng korte supremang ilegal sa desisyon nito sa Pork Barrel System.

Page 58: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang pinagka-iba ng

Page 59: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang Pork Barrel System ay isang sistema ng buong-buong pagtatalaga ng pera ng taong bayan sa opisina ng mga opisyal na walang malinaw na pag-gagastos o hindi dumaan sa masusing pag-aaral sa kongresoan. Ito ang discretionary in form na karaniwang inaabuso ng mga opisyal. Ito ang PINAGBAWAL ng KORTE SUPREMA ayon sa batas.

Page 60: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang DAP ay sistema ng ilegal na paglipat ng pondo mula sa mga departamento ng ehekutibo papunta sa OPISINA ng PANGULO na hindi pinahihintulutan ng SALIGANG BATAS.

Page 61: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang pondo ng gobyerno o pera ng tao kapag naipasa na ng kongreso at inaprubahan na ng Pangulo ay nagiging batas na. Hindi na ito maaring gastusin sa iba pang paraan maliban sa pag-kakaayos nito sa batas. Ito ang nilabag ng DAP System.

Page 62: What every Filipino should know about Pork Barrel

May kapangyarihan ba ang Pangulo na maglipat

/re-align ng kanyang

budget?

Page 63: What every Filipino should know about Pork Barrel

MERON. NGUNIT LIMITADO LANG SA KANIYANG OPISINA. Ayon sa saligang batas, doon lamang sa LOOB ng kanyang opisina ang pwedeng ilipat ng PANGULO. Hindi sa ibang opisina ng EHEKUTIBO.

Page 64: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ang EXECUTIVE DEPARTMENT

ba at ang OFFICE OF THE PRESIDENT

iisa?

Page 65: What every Filipino should know about Pork Barrel

Hindi. Ang office of the President ay hiwalay sa Executive Departments. Ang OP ay ang pinakamataas na opisina sa ehekutibo. Subalit ang mga Executive Departments ay may sarili nilang mandando, trabaho at BUDGET na hiwalay sa opisina ng Pangulo.

Page 66: What every Filipino should know about Pork Barrel

Maari bang kunin ng office of the President

ang pondo ng mga Executive Departments?

Page 67: What every Filipino should know about Pork Barrel

Hindi. Dahil ang pondo nito ay hindi hawak ng pangulo o sa ilalim ng opisina ng pangulo. Ito ang GINAWA ng DAP system

Page 68: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ano ang pagkakatulad ng

Page 69: What every Filipino should know about Pork Barrel

Pareho silang Lump Sum at discretionary. Pero ang Pork Barrel, PDAF, at Presidential Pork dumaan sa approval ng kongreso at may batas. Ang DAP walang batas at hindi dumaan sa approval,scurinty at pag-aaral ng kongreso at senado.

Page 70: What every Filipino should know about Pork Barrel

Analysis of the 2014 Lump Sums / Pork Barrel Funds in the

Budget

Page 71: What every Filipino should know about Pork Barrel

Matapos ang masusing pag-aaral ng mga Lump Sum ng 2014 Budget ng ating pamahalaang sibil, aking napataunayan na ang maikling paliwanag nito ay, pag ikaw ay naging Pangulo ng Pilipinas:

Page 72: What every Filipino should know about Pork Barrel

Meron kang 285 Billion Pesos a year na pwede mong gastusin sa anumang nais mong paggastusan dahil sa

“Special Purpose Fund”

Page 73: What every Filipino should know about Pork Barrel

Meron kang 796 Billion kada taon sa iyong budget nna pwedeng

gamitin at wag nag padaanin sa pag-aaral ng kongreso at senado na maari mong gastusin at ang iyong mga piling executives ng

hindi pinaalam sa iyo.

Page 74: What every Filipino should know about Pork Barrel

At malamang 139 Billion Pesos na extra money na pwede mong

gastusin kung saan mo rin gusto dahil sa “Unprogrammed Funds”

Page 75: What every Filipino should know about Pork Barrel

Lahat ng mga ito ay gastos ng maliliit na tax payers at empleyado na walng lusot sa sapilitang buwis na kinaltas sa

kanilang sweldo bago pa ito matanggap nila dahil sa malalaking korporasyon na nakakalusot sa hindi

pagbabayad ng tamang buwis.

Page 76: What every Filipino should know about Pork Barrel

Yan ang naging premyo taon taon sa anim na taon kapag ikaw ay naging

Pangulo.

Page 77: What every Filipino should know about Pork Barrel

Ayaw ko na ng ganitong systema. Ang pera dapat hawak ng tao hindi ng

gobyerno.Ikalat! Kung away mo na din.

- Greco Belgica