7
Katuparan Ng Musmos Na Pa

Villa Amelia

Embed Size (px)

Citation preview

Katuparan Ng Musmos Na Pangarap

San Miguel De Mayumo

1924Ang kuwento po na ito ay totoong nangyari noong 1924

sa isang pamayanan sa dulong Hilagang bahagi ng lalawigan ng Bulacan.

Ito ay kuwento ng dalawang magkababata na sina CayetanoFabian Reyes at Teodorico Aloria Pablo, palagiang magkasamaang dalawa sa pagpasok sa eskwela dahil isang barrio lang sila nagmumula. Madalas kahit na walang pasok ay magkasama silanaglalaro at paborito nila ang paliligo sa ilog, sa likuran ng tahanannanunuluyan si Cayetano at pagnagagawi sila sa may kalsadaay kanilang natatanaw ang marangya at malaking bahay na pag aari ng isang doktor, si Maximo Viola.

ANG MALAKING BAHAY

Nagkakasya na lamang ang magkaibigan sa pagtanaw sa loob ng bakuran mula sa bakod sa paglalaro ng mga batang kaibigan ng anak nun may ari, malayo ang agwat ng katayuan ng kanilang buhay sa mga batang nanduroon. Sa murang isipan ng dalawa ay bumuo sila ng isang pangarap, kung saan sa paglaki nila at pagkakaroon ng kanya kanyang pamilya ang kanilang mga anak ay makakapaglaro din sa ganun kagandang bakuran at balang araw ay sa ganun din karangyang tahanan sila titira ng kanilang magiging pamilya.

Ipinangako nila sa kanilang sarili na ang kanilang paninibugho nararamdaman ay hindi kailangan maranasan ng kanilang magiging anak.

Sa paglipas ng mga araw, ganun lang ang palagian libangan ng magkaibigan, nandun ang pangarap at hindi nila nakakaligtaan ang pagtanaw sa MALAKING BAHAY.

Hanggang sa ang magkaibigan ay nagkahiwalay ng dumating ang bakasyon at dahil kapos na sa pera, ang magkaibigan ay hindi na nakapagpatuloy pa ng pag aaral.

Si Cayetano ay umuwi na sa kanila sa San Ildefonso at nagsaka ng minanang lupa mula sa mga magulang.

Si Teodorico naman ay ipinagpatuloy na rin ang nakagisnang hanapbuhay ng pamilya, ang pagpapanday o paggawa ng mga araro at suyod na ginagamit ng pagsasaka.

Di na muli pa nagkita ang magkaibigan o nagkabalitaan man lang, at nagkaroon na din ng kanya kanyang pamilya at nakalimutan na ang kanilang PANGARAP.

MUSMOS NA PANGARAP

(IKALAWANG KABANATA)

1964

Taong 1964 nagsadya si G. Rolando Reyes sa kalapit bayan San Miguel De Mayumo para tumingin at bumili ng mga gamit sa kanilangsinasakang bukirin, habang namimili ng araro at suyod ay nakatawag sakanyang pansin ang dalagang nagbabantay sa tindahan.

Si Bb. Amelia Pablo na anak ng may ari ng tindahan ay paminsan minsan na tumutulong mag asikaso sa negosyo ng pamilya pag walang parokyano sa kanyang sariling negosyo na Beauty Salon, agad na nakipagkilala sa kanya ang binata.

Ang pagkikilala na iyon ang naging simula ng palagian pagpunta ni Rolando sa kanila at di naglaon ay nagpahayag nang saloobin sa dalagana ito ay kanyang iniibig, na hindi naman nabigo at ito ay sinuklian din ng pagmamahal ng dalaga.

Pagkalipas ng dalawang taon na pagiging magkasintahan, napagpasyahan ni Rolando at Amelia na magpakasal na dahil sa naramdaman nila na sa loob ng mahaba habang panahon ng kanilangpagsasamahan ay magkasundo sila sa lahat ng bagay. Dama ng dalawaang wagas na pagmamahalan sa isa’t isa.

Taong 1966 ng sila ay nagpakasal sa simpleng seremonya lamangng isang huwes. Hindi na tumutol pa ang mga magulang ng dalaga, sa sikretong pagpapakasal ng dalawa dahil nakikita naman nila na masayaang anak sa naging desisyon at sa pagpunta punta sa kanila ng binata aynaramdaman naman nila ang pagiging seryoso at responsable ng manugang.

Hindi na rin sila tumutol ng hilingin ng bagong kasal na doon namuna sila tutuloy sa magulang nila Rolando.

Nagsimula ang mag asawa at nagtutulungan sa paghahanapbuhay,ibinukas ni Amelia ang kanyang parlor sa bayan ng kabiyak at si Rolandonaman ay tumutulong sa kanilang sakahan at sa kono ng mga magulang.

Taong 1967 ng isilang ang unang bunga ng kanilang pagmamahalanna pinangalanan nila ng Rommel, pinagsamang Rolando at Amelia. At para makapagsarili ay pinahiram sila ng titulo ng mga magulang ni Rolando para maisanla at magamit sa pagnenegosyo.

Dahil sa pagsasaka ang alam na hanapbuhay ay bumili sila ng dalawang traktora para ipaarkila sa kanilang lugar, subalit inabot lang ng mahigit dalawang taon ay nasira na at sila ay nalugi.