Upload
trisha-racraquin
View
310
Download
3
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Do not plagiarize ..
Citation preview
ARALIN 5 Pagmamalasakit sa
kapwa
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
Pagmamalasakit na maibibigay sa ating kapwa sinusuklian ng higit pang mga biyaya.
PAGPAPALALIM(DEEPEN)
Kilala mo ba ang kapwa mo? Mahal mo ba siya?Nagmamalasakit ka ba sa kanila? O wala silang Halaga sa iyo? Ang mga taong nakapaligid sa
iyo ay iyong kapwa, mga kasambahay, kapitbahay,kamag-aral, kasama sa trabaho, mga guro,
mga kaaway at lahat ng mga taong nakakasalubong at nakikita sa araw-araw. Kailangan mo silangpagmalasakitan.
Ang mga pulubi, may kapansanan,namamalimos, mga batang grasa na naglipana sa kalye, di nila marahil gusto ang kalagayan nila sa buhay, lamang ay wala silang magawa dahil salat sila sa kakayahan atkabuhayan. Ano ang magagawa mo?
Narito ang isang kwento ng mga mag-aaral na nasa Second year
Tuwing buwan ng Disyembre ay nagdadala kami ng mga prutas, pagkain, mga lumang damit, juices at mga bag na aming ginawa sa bahay-ampunan ng mga matatanda, ang Home for the Aged. Maraming mga kwento ang mga
lolo’t lola doon sapagkat karamihan sa kanilasa kanila ay di naaalala ng mga tunay na pamilya, may nagsabi na ang mga anak at
mga apo ay panay propesyunal na at magaganda
na ang mga katayuan sa buhay at nakatira sa magagandang bahay pero di man lang sila naaalala. Kaya ganon na lang ang kanilang kasiyahan kapag bibisitahin namin sila at hahandugan ng mga biyayang aming nakayanan. Halos ayaw kaming bitawan sa aming pagkakahawak nang mahigpit, ang
iba’y lumuluha at sabik na sabik sa pagmamahal.
Kaawa-awa sila, di man lang sila naaalala at
pagmalasakitan ng mga taong minsan nilang inaruga. Nasaan sila ngayon? Ibang tao pa
ang nagmamalasakit, dahil ba sila ay matanda at
di na pwedeng pakinabangan. Ang pabayaan
sila ay di magagawa ng mga taong malapit sa
Diyos at may puso sa nangangailangan. Katulad
din ng kasabihan na ang taong mapagmalasakit
at mapagbigay, pagdating ng panahon aynagkakamit ng tagumpay.
Muli, harapin natin ang pagtulong sa mga nangangailangan at ang Diyos na ang bahala sa ating kaligtasan at kaligayahan.
TUON
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay di nangangailangan ng anumang kapalit. Ito ay nagagawa ng buong puso, nang masaya sa ibinibigay mong panahon sa nangangailangan di man ito materyal na bagay tulad ng pagdarasal, kahit di natin sila kakilala. Ang Diyos na ang bahalang gumanti pagdating ng tamang panahon.
PAGTATAYA
“Anumang kabutihang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo na rin ito sa Akin.”
Aralin 6Paggawa ng mabuti sa
kapwa
PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
Buhay dadalisay; kapag sa kapwa buhay mo’y inaalay
Laging damhin kung may naghihirap
Pagkat ang mga kamay na laging nagbibigay ay laging
Tumatanggap ng maraming pagpapala
PAGTUKLAS(EXPLORE)Ano ang magagawa ko? Ako man din ay
mahirap sa buhay? Di ko rin alam kung paano ko
pagkakasya-hin ang kinikita ng tatay mo para sa ating lahat. Ang taas ng lahat ng bilihin. Gusto ko man
silang tulungan ay wala akong magawa dahil kapos
din tayo. Ito ang mga dahilan minsan nakapipigil
upang tumulong at maawa sa taong nangangailangan. Subalit ito ay maling kaisipan hindi lamang pagbibigay ng materyal na bagay ang
pagpapakita ng awa sa kapwa. Bagama’t ang mga pagkain,
gamot, pera, damit ang totoong kailangan nila hindi maikakaila sa panahon ngayong na maraming nawawalan na ng pag-asa, nalulungkot, at kulang sa maraming pangangailangan. Nakatulong din ang ating pakikipag-usap sa kanila at pagbibigay ng
lakas ng loob lalo sa mga kapus palad. May
magagawa tayo para pagaanin ang kanilang problema.
May kahirapang gawin ang ganitong uri ngpaglilingkod ngunit maaari tayong makatulong
sa pagsasabi sa mga samahan ng simbahan, sa barangay, sa paaralan, sa pamayanan na ang
layunin ay makatulong din sa ating mga
kababayan na maibalik ang kanilang pagtitiwala sa sarili at sa lipunang kanilang kinabibilangan.
Naalala ko ang kwento ni Myra sa tuwing papasok
siya sa paaralan ay pinadaragdagan niya ang pandesal ng kanyang baon upang ibigay sa matandang pulubi na nakaupo sa may gate ng kanilang paaralan. Sa araw-araw na ginagawa
ng Diyos ay di maaaring walang ibigay na pagkain
si Myra sa matanda. At dahil mainit ang panahon
at matindi ang sikat ng araw ay hiningi niya ang sumbrero ng kanyang ama upang ibigay sa
matanda. Nang aking tanungin si Myra tungkol
sa ginagawa niya sa pulubi ang sagot niya sa akin “Mama di ko po matiis na nakikitang nahihirapan ang matandang lalaki na alam kong di pa siya kumakain kaya ang kaunti ko pong baon ay binibigay ko po sa kanya dahil alam ko po na wala na sa kanyang nag-aalaga dahil sa kalagayan niya sa buhay. Hindi na rin niya kayang maghanapbuhay dahil sa kanyang kapansanan. At higit pa rito ay nakadarama ako ng kasiyahan dahil may nagawa po ako para sa taong nangangailangan.”
PAGPAPALALIM(DEEPEN)May mga sitwasyon o pangyayari sa buhay ng
isang tao na nag-uudyok sa kanya upang ituon
ang lahat ng lakas at gawain para sa personal
na pag-angat lamang. Kadalasan, dahil sa mga
mapapait niyang karanasan o kalupitan ng kapwa, gusto na lamang niyang patunayan
ang kanyang sarili na makakaya ang lahat kahitmag-isa lamang. Nandiyan ang hangarin niyang manalo, makatalo at makaangat
kaysa sa iba.
Ngunit anuman ang naranasan, ang saloobingmakasarili ay dapat pigilan dahil salungat ito sa kalikasan ng tao ayon sa pagkakalikha ng Diyos. Ang tao ay hindi nabubuhay na mag-isa. Likas sa tao ang pagiging sosyal kasama ang pagiging mabuti. Kailangan niyang makipag-ugnayan upang marating sa pinakamataas na antas ng kanyang pagkatao. Malaki ang bahaging ginagampanan ng kanyang kapwa sa pag-unlad ng kanyang pagkatao. Malaki ang bahaging ginagampanan ng kanyang kapwa sa pag-unlad ng kanyang pagkatao at gayundin ang ginagampanan niya sa pag-unlad ng iba. Nasa dimensyong sosyal ang pagtutulungan at pagsisikap ng bawat isa upang magkaroon ng pag-asang umunlad ang ating bansa.
Kung minsan nga lamang, may mga pagkakataong pa rin na may mga taong
batid din ang sariling kahinaan at kakulangan kaya hindi na magawang unahin pa ang iba. Siya mismo ay mahirap, Siya mismo ay may mga balakid sa buhay. Wala rin siyang pera, wala
rin siyang lakas ng loob.
Ngunit ang kabutihang-loob ay hindi nakasalalay sa sariling kakayahan lamang at pagbibigay ng mga materyal na bagay. Ang kabutihang-loob ay nag-uugat sa malinis na puso kung saan nanahan ang pagmamahal
sa Diyos, kapag ang Diyos ang sa tao’y naghahari. Siya rin ang nagbibigay ng talino at lakas upang maibahagi ang kabutihan ng tao
ayon sa presensya niya. Nandiyang magagawa ng
tao na makagamit ng mga salitang
makakapagpapa-lakas ng loob ng kanyang kakilalang
nawawalan na ng pag-asa. At sa simpleng pagngiti at pagtapik lamang naiibsan na ang kalungkutan
at problema ng kayang kaibigang
nangangailangan.Kung kaya, totoo ang sabi ni Strait (World
Mission, 2010), ang kabutihang-loob ay higit kaysa sa gawa. Ito ay anuman na makapag-
angat sa tao.
TUON
Tayo ay higit na mapagmahal kaysa iba, kaya nararapat lamang na ipagpasalamat natin ito sa Poong Maykapal. Ang tanging hiling lamang ay huwag tayong maging makasarili lalo sa mga taong nangangailangan ng ating tulong.
The End
Thank YOU!