30
Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata

Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng

Pagdadalaga o Pagbibinata

Page 2: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Edad ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isa sa pinakamasaya

ngunit sa iba’y nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat

tao. Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao

sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong

gulang.

Page 3: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Minamahal kong nanay,

Marahil po ay nagtataka kayo kung bakit sinulatan ko po

kayo gayong maaari naman tayong mag-usap. Nahihiya po ako

sa inyo at tuloy nag-aalala sa mga nangyayari sa aking katawan.

Unti-unti pong lumalaki ang aking dibdib ngunit bahagya po itong

sumasakit lalo na nang una kong maranasan ang pagre-regla .

Lalo po akong natakot nang maramdaman ko ang pananakit ng

aking katawan. Sumakit po ang baba ng aking tiyan. Puson po ba

ang tawag dito? Sabi po ng aking mga kaibigan ay lumalapad ang

aking balakang.

Page 4: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Pati po si Kuya na dalawang taon lamang ang tanda sa akin

ay nagtataka rin kung bakit madalas daw pong pumipiyok ang

kanyang boses at nararamdaman niyang parang may bumubukol

sa kanyang leeg. Pati raw po kilikili ay nagkakaroon na ng buhok

at unti-unti siyang nagkakaroon ng bigote. Sa halip pong balakang

ang lumalapad ay balikat naman po ang lumalapad sa kanya.

Sana po’y sagutin ninyo itong liham ko!

Nagmamahal,

Marion Jane

Page 5: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Pinakamamahal kong Marion Jane,

Huwag kang magtataka at lalong huwag kang matatakot sa

nangyayari sa iyong katawan. Natural lamang iyan sa isang

nagdadalaga. Ang pananakit ng dibdib mo ay iyong

nararamdaman kapag malapit ka ng magkaroon ng regla. Habang

lumalaki ka ay lalaki rin ang dibdib mo. Huwag kang matakot kung

magkaroon ng buhok ang maselang bahagi ng iyong katawan.

Buwan-buwan ay magkakaroon ka ng regla at ito’y hindi isang

sakit. Walang pagbabago sa takbo ng gawain sa araw-araw kahit

may regla.

Page 6: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Gayon pa man dapat iwasan ang mabigat na gawain kapag

may regla. Lalo na pagmasakit ang iyong puson. Madali lang itong

matanggal, magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson. Isa

pang palatandaan ng pagdadalaga at nagbibinata ay ang pagtubo

ng tagihawat sa mukha. Dapat lagi kang malinis sa iyong katawan

maligo araw-araw, magpalit ng pasador o sanitary napkin tuwing

ikatlo o ikaapat na oras o kung kinakailanang, may sarili kang

sabon at sariling tuwalya.

Page 7: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Sabihin mo sa iyong kuya normal lang sa nagbibinata ang

kanyang nararanasan ngayon. Iyong bumubukol sa kanyang leeg

ay tinatawag na Adams Apple. Lalaki talaga at magbabago ang

kanyang boses. Ang mga pagbabagong ito ay talagang

nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata bilang paghahanda sa

pagiging ama at ina sa tamang panahon.

Pwede na ba kitang makausap para sa mga iba mo pang

katanungan?

Nagmamahal,

Nanay

Page 8: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Puberty Stage

• Ang isang yugto ng buhay na may maraming

nagaganap na pagbabago ay ang panahon

ng pagdadalaga at pagbibinata o ang puberty

stage. Ito’y mula 10-16 na taong gulang.

Page 9: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

May mga pagbabagong nagaganap sa isang bata sa

panahon ng puberty stage. Ito’y sanhi ng kaniyang pituitary gland

na naghuhdyat sa ibang bahagi ng katawan na may kinalaman sa

kasarian. Ang glandulang ito ay tumutulong sa paglaki ng katawan

at pag-unlad ng kaisipan.

Page 10: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

1. Pagsulong ng Taas at Bigat

Sa panahong ito, ang isang normal at malusog na

batang lalaki ay tumatangkad ng 7 hanggang 12

sentimetro at ang babae naman mula 6 hanggang 11

sentimetro.

Page 11: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

2. Pagbabago sa Sukat ng Katawan

Dahil sa pagsulong ng taas at timbang, ang mga bahagi ng

katawan ay nagkakaroon din ng mabilis na pagbabago tulad ng

paglawak ng balikat at dibdib ng lalaki.

Sa mga babae naman ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad

ng balakang. Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay

nagdudulot sa kanila ng higit na lakas at kakayahang gumawa

ng mabibigat na gawain.

Page 12: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian

Sa panahong ito ay nagkakaroon ng buwanang daloy o

pagreregla at nagsisimulang magkahugis ang dibdib ng babae.

Bukod dito ay lumalapad ang balakang, tumutubo ang balahibo

sa kilikili at ibabaw ng ari sa mga kababaihan, ito’y hudyat na

malapit na ang buwanang daloy o pagreregla. Nagiging makinis

at malambot ang kutis ng nagdadalaga dahil lumalabas ang

maruming dugo sa katawan sa pamamagitan ng pagreregla. Sa

mga babae naman ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad ng

balakang.

Page 13: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian

Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay nagdudulot sa kanila

ng higit na lakas at kakayahang gumawa ng mabibigat na

gawain.

Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng bigote at mga balahibo

sa binti, dibdib at sa maselang na bahagi ng katawan.

Lumalabas na rin ang laalgukan o adam’s apple ng lalaki at

nagbabago ang boses na kung minsan ay bumababa o

pumipiyok.

Page 14: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian

Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay nagdudulot sa kanila

ng higit na lakas at kakayahang gumawa ng mabibigat na

gawain.

Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng bigote at mga balahibo

sa binti, dibdib at sa maselang na bahagi ng katawan.

Lumalabas na rin ang laalgukan o adam’s apple ng lalaki at

nagbabago ang boses na kung minsan ay bumababa o

pumipiyok.

Page 15: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga Pagbabago sa Panahon ng

Pagdadalaga at Pagbibinata

3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian

May pagbabago ring mararanasan ang isang nagdadalaga at

nagbibinata tulad ng pagtubo ng taghiyawat sa mukha, leeg,

balikat, likod at dibdib. Ito ay sanhi ng pagiging aktibo ng oil

glands. Mararanasan din nila ang labis na pagpapawis, ito

naman ay sanhi ng pagiging aktibo ng sweat glands dahil sa

pagbabago ng hormons ng katawan. Kaya nagkakaroon ng

kakaibang amoy ang katawan

Page 16: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Panahon ng Pagreregla

• Naguumpisa sa mga babaeng 10 taon

pataas.

• Ang buwanang daloy ay karaniwang

nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw.

• Ito ang normal at mahalagang tungkulin

ng kasarian ng mga babae.

Page 17: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Dysmenorrhea• Ang dysmenorrhea ay ang pamimintig ng puson o ang

pagkirot nito tuwing magkakaroon ng regla ang babae

sanhi ng pag-urong ng laman ng bahay-bata at ang unti-

unting pagdaloy ng dugo mula sa paligid nito.

• Mababawasan ang pagsakit ng puson sa pamamagitan

ng tamang pag-eehesisyo at pag-lalagay ng hot water

bag sa ibabaw ng puson.

• Ito’y normal na nararanasan ng ilang dalagita at maaaring

kumunsulta sa doktor para maresetahan ng gamot na

pampaginhawa sa kirot ng puson.

Page 18: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Menopause

• Sa isang babae, ang menopause ay

ang paghinto ng pagreregla. Ito’y

hudyat din na kawalan ng kapasidad

upang magka-anak sa gulang na 45-50

kung wala ng pagdaloy ng regla.

Page 19: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Paghahanda sa Panahon ng Pagreregla

• Ang regla ay dumarating minsan isang buwan ayon sa

bilang ng menstrual cycle.

• Ang menstrual cycle ay bilang ng araw na pagitan sa

pagkakaroon muli ng regla. Ang karaniwang cycle ay 25

hanggang 29 na araw na pagitan.

• Mahalagang magkaroon ng pansariling kalendaryo ukol

sa pagreregla upang malaman ang iyong cycle at kung

kalian ka magkakaroon muli ng regla.

Page 20: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa

Panahon ng Pagreregla1. Maligo araw araw.

2. Ugaliin na linisin ang iba pang bahagi ng katawan tulad

ng ngipin, kuko, tainga, kilikili, singit, at tuhod.

3. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o

kung kinakailangan.

4. Gumamit ng deodorant, tawas o kalamansi sa kilikili at

singit upang makabawas ng amoy ng katawan.

5. Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang

pagkakaroon ng tagihawat.

Page 21: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa

Panahon ng Pagreregla

6. Magpalit ng damit at panty bago matulog.

7. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng

sariwang katas ng prutas.

8. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong ito sa

maayos na pagdaloy ng regla.

Page 22: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Panahon ng pagtutuli

• Ang pagtutuli ay isang simpleng operasyon kung saan

inaalis ang sobrang balat na bumabalot sa gland o ulo ng

tunod.

• Ginagawa sa mga lalaking 10 hanggang 14 na taong

gulang.

Page 23: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Pangangalaga sa Bagong Tuli

• Dapat gumamit ng maluwag na pantalon, shorts o

padyama, upang mahanginan at matuyo agad ang sugat.

• Kailangan palitan ang balot ng tunod at linisin ito araw-

araw.

Page 24: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Mga dapat tandaan kapag bagong tuli

1. Magsabon at banlawang mabuti ang mg akmay bago

hawakan ang sugat.

2. Linisin ang sugat ng katas ng pinakuluang dahon ng

bayabas habang ito ay sariwa pa.

3. Kumain ng masustansyang pagkain upang mapabilis

ang paghilom ng sugat.

4. Iwasang kumain ng malalansang pagkain tulad ng hipon,

bagoong, malasadong itlog, at iba pa.

Page 25: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Epekto sa Katawan

• Ang mga nagdadalaga ay karaniwang

nakakaranas ng pananakit ng dibdid dahil

sa pagtubo ng suso, pananakit ng ulo at

minsang nahihilo. Ang pagsakit ng puson

at balakang ay maaaring dahilan ng

nalalapit na pagreregla kung minsan ay

pagsusuka.

Page 26: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Epekto sa Kaisipan

• Nagiging malawak ang kaisipan ng mga

nagdadalaga at nagbibinata dahil sa transisiyon ng

kanilang edad. Ang pagiging bukas sa mga

nangyayari sa kapaligiran ay nagbibigay ng

pagkakataon sa kanila upang Makita ang tama at

mali dapat bigyan ng halaga ang kabutihan upang

di mapariwa.

Page 27: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Epekto sa Pag uugali

• Ang pagbabago sa ugali ng mga

nagbibinata at nagdadalaga ay kapansin

pansin. Mamamsid din ss kilos ang

kasipagan at paggawa ng kusa. Ang

pagiging matulungin at mapagkalinga sa

kapwa ay makikita sa kanilang

pakikitungo sa kaibigan at kapwa.

Page 28: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Epekto sa Damdamin

• Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay

naaapektuhan din ang damdamin ng isang

nagdadalaga at nagbibinata. Ang mga kabataang

ito ay nagiging mahiyain at maramdamin, madaling

mabugnot at palakain. Ang pagiging palaayos sa

sarili ay normal na bahagi at dahil ito ay nagiging

palahanga sa mga taong mapag ayos at may

magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila

sa paglaki.

Page 29: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

Epekto sa Damdamin

• Maging sa sarili ay mapahhanap sila sa pansin

mula sa kapwa at mga magulang. Dito rin maigting

ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali kaya’t

ang pakikisama ay dapat nilang matutunan at

pahalagahan. Sa panahong ito, ang pagtitiwala sa

sarili ay makaktulong sa pagiging matatag na

siyang susi upang maging maunlad at malawak

ang pag unawa sa buhay.

Page 30: Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o