Click here to load reader

Silang mga hindi nagsasalita

  • View
    972

  • Download
    32

Embed Size (px)

Text of Silang mga hindi nagsasalita

SILANG MGA HINDI NAGSASALITA

SILANG MGA HINDI NAGSASALITA

Natotorete ko sa ingay ng MegaLahat ay nagsasalita: Lets go ice skating for a whiiile!!

Ill take the size medium na langOh gosh! ang haba ng line sa Bancnet!

Ill go for tacos at Tia Marias, ikaw?

You can get this pyrex at 50% off if....6:20 pa pala ang next showTop of the line to. Additional 6Thousa Modem and well give you free connection to the Net, na lang.

Shiiit! Low batt!Kaya lumabas ako;Nadaan ko ang isang utility girlNa tahimik na nagwawalis, hindi nagsasalita

Nagsusukli habang nagkiklik ng layterAng yosi boy, hindi nagsasalita

Nakalahad ang kamay ng pulubi, Hindi nagsasalita

Kumakanta ang isa pang pulubi,Hindi nagsasalita

Nagbabarena namumuhon nagkakabilyaAng mga tauhan ng EEI, hindi nagsasalita

Nagbobomba ng kalan ang magpipisbol,Hindi nagsasalita

Nagmumura ang tsuper ng bus,Nangagalaiti ang konduktor,Bumubuntunghininga ang mga pasahero,Pumipito ang mga traffic aide,Hindi nagsasalita.

Naghihinguto ang isang lukulukoSa gilid ng National at tinitigan akoBumubulong, hindi nagsasalita

Kaya dagli akong sumakay sa harapanNg FX nasungalngal ko tuloy ang mukhaNg drayber ng shopping bagsSinenyasan ako ng pakyuNg mga siningitan ko sa pila

Pero kailangan kong umuwi kaagadBago sila matutong magsalita.

Search related