12
Filipino 9 Ikalawang Markahan Inihanda ni: Gloria M. Samaniego Guro

Ponemang suprasegmental

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ponemang suprasegmental

Filipino 9Ikalawang Markahan

Inihanda ni:Gloria M.

SamaniegoGuro

Page 2: Ponemang suprasegmental
Page 3: Ponemang suprasegmental
Page 4: Ponemang suprasegmental

PONOLOHIYA NG FILIPINO

Paraan ng artikulasyon / paraan ng pagbigkas:1. PANLABI- dumidiit ang ibabang labi sa

labing itaas (p, b,m).2. PANGNGIPIN- dumidiit sa loob ng mga

ngiping itaas ang dulo ng dila (t, d, n).

3. PANLABI-PANGNGIPIN- dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas ng ngipin (f,v).

Page 5: Ponemang suprasegmental

PONOLOHIYA NG FILIPINO

Paraan ng artikulasyon / paraan ng pagbigkas:4. PANGGILAGID- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid (s, z, l, r).5. PALATAL- lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila (y).

Page 6: Ponemang suprasegmental

PONOLOHIYA NG FILIPINO

Paraan ng artikulasyon / paraan ng pagbigkas:6. VELAR- dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila (k, g, n, w).7. PANLALAMUNAN- ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan (j).8. GLOTTAL- lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog (?, h).

Page 7: Ponemang suprasegmental

PONEMAIsa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula pa sa isa pang salita ng partikular na wika.

Pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakabubuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.

Page 8: Ponemang suprasegmental

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

• Makahulugang tunog• Malinaw na naipahahayag ang ang

damdamin, saloobin, at kaisipan• Natutukoy ang ang kahulugan

layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono, o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

Page 9: Ponemang suprasegmental

DIIN• Ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas

ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

HALIMBAWA:a. BU:hay = kapalaran ng tao

bu:HAY = humihinga pa

b. LA:mang = natatangila:MANG = nakahihigit; nangunguna

Page 10: Ponemang suprasegmental

TONO/INTONASYON• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na

maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t-ibang

damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang

higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

(1- Mababa, 2- Katamtaman, 3- Malakas)

Page 11: Ponemang suprasegmental

TONO/INTONASYONHALIMBAWA:

a. Kahapon= 213, pag-aalinlanganKahapon = 231, pagpapatibay,

pagpapahayag

b. Talaga = 213, pag-aalinlanganTalaga = 231, pagpapatibay,

pagpapahayag

Page 12: Ponemang suprasegmental

ANTALA/ HINTO* Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng

ibig ipahatid sa kausap. *kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//), 0

gitling (-)HALIMBAWA:

a. Hindi/ ako si Joshua.b. Hindi ako, si Joshua.c. Hindi ako si Joshua.